Beautiful Andrew : Chapter 10

Saturday, December 24, 2011


Succesful ang operasyon, ngunit kinailangan parin ni Andrew ang mag undergo ng chemo therapy. Ilang bwan din siyang pabalik balik sa hospital para sa kanyang check up. Alam niyang nakabantay lang sa kanya lagi si Nel kahit hindi parin sila naguusap bukod na lamang kung kinakailangan para sa kanyang gamutan, at bukod sa nalaman niya kay Nel na nagbasyon si Carl ay hindi niya parin ito nakikita mula noon. Napapansin din niya ang tila laging pagkawal ni Nel sa sarili, pumapayat din ito at halatang laging puyat, hindi na ito ang dating Nel na kilala niya para itong may sakit o may iniindang karamdaman dahil sa mga pagbabagong nakikita niya ditto, ngunit alam niya anghirap ng trabaho nito pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga bagay na iyon.

Si Carl, sa tuwing naaalala siya ni Andrew ay hindi niya parin maiwaasan ang hindi mangiti, napatawad na niya ito, alam niyang mahal din siya nito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban siya sa karamdaman niya, umaasa siyang kasabay ng kanyang paggaling ay ang pagbabalik nito sa kanyang piling. Si Nel lang ang tanging tulay upang Makita niya si Carl, ngunit ayon dito hindi pa ito handa upang harapin siya.

“Congratulations Mr. Tabuso, you are now cancer free” tila musiko sa tenga ang tinurang iyon ni Dr. Santos, nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mukha ang saya.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang doctor ng mahigpit at hindi niya mapigilan ang maluha.
“Thank you doc, I owe you my life.” 
“It’s my job, and you paid me for it” pagbibiro ng doctor,sabay na natwa sina Andrew at Ali.


Parang nasa alapaap ang kanyang nararamdaman, ngunit may kung anong kulang parin at nanatiling may bakas ng lungkot sa kanyang puso, si Carl. Pinuntahan niya si Nel agad agad ng malaman niya ang balita ng doctor ngunit hindi niya ito naabutan sa staion nila, ayon sa mga kasamahan ay pangatlong araw na daw nitong absent. Nagalala siya ngunit nawala din ito ng sinabi ng isang nurse na bukas ay baka papasok daw ito dahil may aasikasuhin ayon na rin rito ng makausap niya sa telepono.

Magaan ang loob na nilisan ni Andrew ang hospital, bukas babalik siya upang harapin na ang kanyang pangarap. Alam niya hindi sumisira sa usapan si Nel “magpaparaya ako…” tila ay narinig niyang muli ang tinig ni Nel, bukod dito ay ramdam niya na siya ang mahal ni Carl at gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli. Kay Carl lamang sya tunay na liligaya, isa pa sya lamang kanyang Beautiful Andrew.

----

You were just the dream that I once knew
I never thought I would be right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

Habang naglalakad sya papalapit sa nurse station ng umagang iyon ay dinig niya ang kantang pumapainlang sa paligid galing sa FM Radio na nakagawian nang pinapakinggan ng mga nurse sa 2nd floor station, napangiti siya at naalala niya si Carl.

Ang mga ngiti nito, mga halakhak na animoy pagaari niya ang mundo. Ang paraan nito ng pagsasalita lalung lalo na pag binibigkas nito ang Beautiful Andrew at hindi niya makalimutan ang napakaseryosong mukha nito ng minsang napagusapan nila ang paborito nitong halaman sa rooftop, “Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember…. your roots hold me.”

Napangiti siya ng maalala niya ang kanilang nakaraan, ang pagibig na pinagsaluhan nila sa tuktok ng hospital kung saan siya naroroon ngayon.

…as endless as forever
you’re all I need to be with
forevermore….

Ilang minuto din siyang nakatayo at ninanamnam ang kanta sa FM Radio kaalinsabay ng mga alaala niya kay Carl, bago siya napansin ni Arlene, ang nurse na malapit kay Nel.

“Sir Andrew an gaga niyo naman ata, hinahanap niyo ba si Nel?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang tugon, bahagya siyang nainis dahil pinutol siya nito sa kanyang pangangarap panaginip.

“Nandito na siya, kagabi pa…dumating siya bago ako mag out, sabi ni Leo hindi pa raw sya umuuwi dahil nakita niya kanina na bumaba galing dyan sa taas” sabay nguso na ang tinutukoy ay ang rooftop.

“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.

“Hindi ako sigurado, pero baka nandyan sya sa kwarto ni Sir Carl” kumabog ang dibdib niya pagkarinig palang sa pangalan ni Carl. Aalis na lamang sya upang puntahan ang kwarto sa dulo ng 2nd floor ng nagtanong si Arlene.

“Sir Andrew, n-nagaway ba kayo ni Nel? O..o nagaway ba sila ni Sir Carl, dumating kasi siya dito at dumiretcho sa taas kagabi na mugto ang mga mata at halatang pagod na pagod…a-akala ko nga papasok siya para sa duty, pero tila wala sa sariling hindi pa ako pinansin.” nagtatakang tanong ni Arlene,

“Pinabayaan ko na lamang sya, siguro pagod lang talaga…at si sir Carl nga po pala, may balita ka sa kanya? Matagal ko na siyang di nakikitang kasama mo o ni Nel?” mahabang pagpapatuloy ni Arlene.

Nagkibit balikat na lamang si Andrew at bahagyang nagalala sa mga tinuran ni Arlene, “ano kaya ang problema ni Nel, problema kaya sa relasyon nila ni Carl” tanong niya sa sarili, at mula sa kawalan ay tila narinig niyang muli ang mga salita nito kamakailan “magpaparaya ako…” lihim na nabuhayan siya ng pagasa.  “alam na kaya nito na lubusan na siyang magaling, kung kayat tinupad lang nito ang pangakong pag-ibig sa pagitan nila ni Carl?” ayaw magpaawat ng kanyang puso sa mga bagay na kanyang inaasam asam, napamura siya at lihim na pinagalitan ang sarili.

Kakatok pa sana siya ngunit napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, tahimik na pumasok siya at sinalubong siya ng madilim na silid, mag aalas nuebe na ng umaga ngunit nakasara ang mga bintana at ang makakapal na kortina ay nakatabing dito, ang tanging ilaw lamang sa paligid ay ang bughaw na liwanag na nanggagaling sa naka stand-by na tv sa video mode.

Sa kama ay ang nakaupong si Nel, mula sa makulimlim na liwanag ng tv ay nababanaag niya ang mga matang mugto at ang walang kaparis na kalungkutan.

Binuksan niya ang ilaw, at bahagya siyang nagulat sa kanyang nakita, pinagmasdan niya si Nel, magulo ang buhok nito at hindi nakaahit ng ilang araw dahil sa mahahaba na nitong buhok sa mukha, pati ang pag ligo ay tila nakalimutan na nito puno ng tuyong putik ang mga kamay nito maging ang dilaw na damit ay nanililimahid, humpak ang mga pisngi at ang kapaguran ay nakikita sa mga nangingitim nitong ilalim ng mata, at ang kanayang mga mata… puno ng paghihirap at pangungulila.

Lalapitan na sana niya si Nel ng lingunin siya nito, nagtama ang kanilang mga mata at walang anu ano’y dumaloy ang luha sa mga mata nito.

“He loves you…m-more than anyone else,” mahina ang boses na humikbi ito “I’m sorry for everything Andrew, I want you to know that Carl never ceased to love you”

“A-anong…?” naguguluhang tanong ni Andrew, ngunit may kung anong bikig na ang bumamabara sa kanyang lalamunan at ang tila sasabog na niyang dibdib.

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 28)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

HAPPY HOLIDAYS mga ka-BOL!!

--------------------------------------------------
Part 28

"Jacob!! Kamusta!"

Si Jan. Tinawag niya ako habang naglalakad papuntang PLM. kinamusta niya ako. Nginitian ko lang siya. Napansin ko sa dibdib niya na nakatago ang necklace sa t-shirt niya na nakasulat ay "dao wears bench". Tinanong ko kung ako yung tinatawag niya. Gusto daw ni Lei na lumabas kami para magkaroon naman kami ng bonding kasi napapansin niya ang paglayo ko sa kababata niya. kinumpirma ko sa kanya na sasama ako.

Bigla akong ninakawan ng halik ni Jan. Halik daw yun ng pasasalamat. Kinilig ako pero hindi ko na lang yun pinahalata sa kanya. Umalis siya habang nilalagay ang malaking headphone sa ulo niya. Habang naglalakad, nakita ko si Gelo at sumabay ako sa kanya.

Nakakaasar ang second day ko sa eskwelahan. Agad kaming nag-exam sa Philippine Literature ng suprise. Hindi yun inaaasahan kaya bokya ako dun sa exam. Natapos ang subject ko na nakasimangot.

"Bawi ka na lang next time!"

Sabi ng kaklase ko, si Faith. Nagtapos siya sa Manila Science ng highschool at nakasalamin siya na tulad ni Lei. Mukhang matalino, pero kolokoy din pala siya tulad ko, bagsak sa exam. Napangiti ako sa kanya at sabay tapik sa balikat.

Natapos ang klase ko ng alas tres. Mahaba kung tutuusin pero ok lang. Tinignan ko ang CP ko kung may nagtext sa akin at meron nga. Binuksan ko ang inbox at nagtext sa akin si Lei.

"big bro. punta u d2 now! beside mapua. im hir with jan. ka2labas lng nmin. treat daw niya ulit."

Ui.. Treat! May kaya kasi si Jan eh. Varsity player siya ng Mapua at naging best player of the month ng kanyang sport. Agad akong pumunta para maabutan sila.

"Lei, tignan mo siya! Ang gwapo pala niya no?" Sabi ni Jan Kay Lei habang papalapit ako sa kanila

"Narinig ko yun! Ikaw Jan ah!! Bakla ka ba?!"

"Please.. Promise me you would never say this to anybody?! Sige, aamin ako, I'm in the closet. Yup you hear it right! Bisexual ako, discreet lang."

"Grabeh!! sa itsurang yan na gwapo, matipuno, maganda ang kutis, malalaman namin na you're just like us?!"

"Psst.. Baka may makarinig! Be careful to what you might have to say. Varsity ako dito and I don't want to ruin my name here just because of my identity."

"Sorry!!" sabi ko ng pabulong.

Tumingin ako kay Lei. Napagiti din siya. Parang me gusto akong sabihin kay Jan kaso baka magalit lang siya kaya nanahimik na lang ako.

Niyaya kami ni Jan na pumunta ng SM Mall of Asia. Kakabukas lang nun kaya kailangan daw kaming makapunta to experience something like that, pero bago muna ang lahat, kailangang samahan daw muna namin siya sa condo niya para kunin ang wallet.

Sa me likod ng SM Manila ang condo niya. Hati sila ng ka-boardmate na nag-aaral sa isang prestihiyosong pamantasan. Medyo maliit na kwarto lang kung tutuusin, pero dama sa maliit na condo ang lamig at preskong pakiramdam. Nakita ko rin sa loob ang picture niya nung nasa states pa siya. Gwapo na pala siya eversince! Naka-bonnet siya na printed ang watawat ng USA. Sa isang tabi, sa ibabaw ng kanyang study table, nakita ko ang violet na notebook. Medyo makapal ito at mukhang luma na. Nang bigla kong nilapitan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang inuutusan ako ng sarili ko na basahin ang nilalaman ng violet notebook na nakapatong sa study table niya. Walang anu-ano ay bigla kong tinungo ang kinaroroonan ng notebook nang biglang..

"Kuya, saan ka pupunta?!"

Bigla kong narinig ang boses ni Lei. Tumingin akong bigla sa kanya. Hindi ko pala alam na kasama ko siya kanina pa, kaya dali-dali akong lumapit para sabihin ang dahilan kung ano ang ginagawa ko.

"Ah eh.. Baby bro, ahm.. Na-curious lang ako sa notebook na yun.. Yun oh!!(sabay tingin dun sa study table)"

"Ah, don't mind it, it's just an ordinary thing!"

Umupo ako sa tabi niya. Agad kong binuksan ang CP ko para tignan kung may nagtext hanggang sa biglang dumating si Jan sa harapan namin ni Lei.

"Oh, guys, c'mon! Let's go outside!!"

Umalis kami sa condo niya at pumunta sa LRT. Nang sumakay na kami, pansin ko ang panay na tingin ni Jan sa akin. Hindi ko na lang yun pinansin. Habang naglalakbay, pansin ko sa kanila na nagbubulungan sila. Minsan habang nagbubulungan ay tumatawa pa. Parang tanga lang, pero hindi ko na lang kinibo. Inisip ko na lang yung nangyari sa akin kahapon. Bigla tuloy akong kinabahan. Kinuha ako ni Jan at inakap.

"Ikaw talaga! Wag mong seryosohin yan!"

"Teka hoy, baka magselos ako niyan!" sabi ni Lei

"Kayo ba?! Ikaw ah! I wonder kung papatol ka dito?!"

Hindi na siya nagsalita. Ayaw kong matuklasan niya ang aming relasyon. Lumayo ako sa kanya ng konti para makahinga sa mahigpit na pag-aakap niya sa akin.

"Teka bro, gwapo pala tong si Jacob eh, pwede bang pahalik?!"

Tinignan ko si Lei. Parang mas ok pa sa kanya kung hahalikan ako ni Jan. Biglang tumango siya sa kanya.

"Ah.. Sorry, I'm not a type of guy you thinking of! I'm not that easy to get!"

Lumayo ako sa kanya. Parang mas naging agresibo siya nang tumanggi ako, hanggang sa hinalikan ako sa pisngi ng panakaw.

"Ano ka ba!! You're not funny anymore!! Ano ba ang gusto mo, brod?!"

Nagalit ako. Tinulak ko siyang bigla papalayo sa akin. Napaulos siya. Tumingin ang lahat ng sumasakay sa amin sabay talikod at humarap kay Lei.

"Sorry na!! Sorry na!! Sinusubukan ko lang naman yung temper mo kung hanggang saan! Mukhang magagalitin ka nga!!"

May kinuha siya mula sa bulsa niya. Hindi ko na lang siya pinakialaman pa. Tumingin ako kay Lei at pinagsabihang paayusin niya ang kababata niya kundi uuwi ako sa amin ng di oras, hanggang sa naramdaman ko na may parang kumalabit sa likod ko.

"Snickers, want some?! take this as my peace offering!"

Nagbigay si Jan ng snickers na favorite namin ni Lei. Tinanggap kong bigla. Hinati ko yun sabay bigay kay Lei. Ngumiti ako kay Jan at sinabing wag ng uulitin yun.

"See bro! We're just friends already! Ang bilis ano?!"

"Gago! Nagtimpi lang yan sa'yo!"

Tumawa kami habang nasa loob ng LRT. Buti na lang at walang guard na sumisita sa amin kaya nakain namin ang snickers na binigay sa akin ni Jan.

Tumagal ng 15 minutes ang pagko-commute namin papuntang MOA hanggang sa nakapunta kami dun ng exaktong 4:20pm

First stop namin ay sa KFC malapit sa Mang Inasal. As usual, inaasar pa rin ako ni Jan. Parang gusto niya akong asarin ng asarin hanggang sa nakatikim siya sa akin ng isang malutong na kotong sa ulo.

"Oh ano?! Mag-aalaska ka pa ba?!"

Walang anu-ano ay bigla akong hinalikan ulit sa pisngi. Hindi na ako makapagpigil kaya itinapon ko ang gravy sa kamay niya. Nagalit siya kaya naghanap siya ng paraan para makaganti. Si Lei ay tumatawa lang sa amin habang nanonood.

Para kaming bata kung tutuusin. Talagang ugaling kano itong bagong kaibigan ko. Maharot at tusong gumanti.

Nang nahimasmasan ay bumalik kami sa kinakain. Nagkwento siya tungkol sa buhay niya habang nasa abroad. Kasama niyang lumaki ang lola niya sa Dallas. Dun daw siya lumaki kasama ang pinsang babae. Bumalik siya sa Maynila para mag-aral. Mayroon daw siyang dapat balikan at yun ang plano niya habang nasa bansa. Mahal na mahal daw niya yun kaya ikamamatay daw niya kung mawawala sa kanya yung taong gusto niyang balikan. Tinanong ko kung sino ba yung taong yun pero hindi siya sumagot. Agad na pumasok sa isip ko si Patrick. Parehas sila ng sitwasyon. Bigla akong nagkaroon ng hinala na baka siya ang first love ko na hanggang ngayon ay umaasang babalikan ako.

Bigla kong naalala ang violet notebook. Bakit gusto kong malaman kung ano ang nasa loob nun?

Bumalik ako kina Lei. Mukhang malungkot ito. Kinuha ni Jan ang kamay nito at hinalikan. Siguro, innate na sa kanya ang ganung ugali, nanghahalik sa mga kakilala niya. Nilagay ko yung kamay ko sa likod niya at hinimas-himas para gumaan ang kanyang loob. Biglang nag-ring ang CP ko at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.

Habang nasa labas ng KFC, napansin ko ang ginagawa ng dalawa. Parang may pinagdadaanan si Lei. Iyak ng iyak sa harap ni Jan na wari'y parang nahihirapan sa problema. Agad kong minadali ang pagsagot sa kausap sa CP para kausapin sila.

"Oh Baby bro, bakit ka umiiyak?!"

"Ah, eh.. Uhm.. Just a personal problem, Jacob, never mind it!"
Sabi sa akin ni Jan.

"No, it's not an ordinary problem anymore! I think my baby bro is facing such big dilemma, kailangan kong malaman yun."

Iyak ng iyak si Lei. Ramdam ko yun. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, napakalaki ng problema niya, hanggang sa tumayo siya sa amin at sinuntok ang mesa sa harapan ng malutong.

"Teka, Lei, hold on! What seems to be the problem ba?! Alam ninyo, para kayong tanga! Wag nyo nga akong gaguhin dito! (tumingin kay Lei) Sige na baby bro, just tell to big bro about your problem."

Umiiyak pa rin siya. How weird! Kanina lang ay masaya kaming nagku-kwentuhan tapos nung i-nopen ni Jan yung life niya, bigla siyang umiyak? Ano yun?

Pinaupo ko si Lei, dumukot ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. Kinuha naman niya yun. Tinanong ko si Jan kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-iyak ng baby bro ko hanggang sa umalis sa harapan namin si Lei na parang may susugurin. Kaagad na hinabol ko siya.

"Baby bro!! Ano ka ba?! Ano bang problema mo?"

"Kuya sorry!! Sorry talaga!! Gagawin ko ito para sa iyo! Sana mapatawad mo ako!! Ayaw Lang kita masaktan! Mahal kita kuya! Mahal kita!"Sabi ni Lei habang naglalakad papalayo sa akin.

"Teka, pag-usapan natin to!"

Agad na tumakbo si Lei papalayo sa amin. Sinundan ko siya pero pinigilan ako ni Jan.

"Jacob, just let him release his emotions, maiintindihan mo rin siya."

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. Hinabol ko si Lei pero nakaalis na yung orange na cab papuntang LRT na sinasakyan niya kaya tinigil ko ang paghabol sa kanya.

Bumalik ako kay Jan para sabihing uuwi na rin. Kailangan kong kausapin si Lei para malaman ko ang dahilan ng pag-iyak niya pero pinigilan ako ni Jan. Nagpumiglas ako at sinampal siya.

"Wag na wag mo akong pipigilan sa gusto ko, sino ka ba? Kakakilala ko lang sa'yo ngayon kaya wag mo akong aabusuhin! Susundan ko si Lei just because I want to talk to him!"

Lumayo ako. Pinabayaan ko si Jan ng mag-isa. Mukhang sising-sisi siya sa ginawa ko sa kanya.

Umuwi ako ng bahay na marami ang naglalaro sa isipan ko. Bakit kaya umiyak si Lei gayong kinuwento lang ni Jan ang buhay nito sa amin? Bakit siya lumayo? Bakit kailangan niyang i-insist ang pagsosorry sa akin, gayong wala siyang ginagawang masama? Hay Lei!! Namatay lang si Cheney, nagkaganyan ka na!!

Nang pauwi na, nakita ako ni Joseph habang naglalakad.

"Jay, kamusta lakad nyo ni Jan at Lei?!"

"Yun, 'seph, magulo! Basta magulo! Nag-walk out si Lei ng walang dahilan? Ano yun?!"

"Tsk..tsk..tsk.. Hay Lei! Bakit ayaw mo pa kasi sabihin ang totoo eh! Pinahihirapan mo pa ang sarili mo!!"

"Ano?! Hindi ko narinig?!"

"Ah wala! Basta Jay, wag na wag mong iiwan si Lei! Kahit pa dumating sa buhay mo si Patrick!"

"Ha?! Ano?!"

"Yun lang! Payo ko sa'yo, sundin mo ang puso mo, huwag ang isip, ok?! Uwi na ako!"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Joseph. Siya lang kasi ang ka-close ko sa magbabarkada eh! Parang napakalalim ng sinabi niya. Bigla tuloy gumulo ang iniisip ko sa sinabi niya sa akin. Hay naku!! Bakit pa kasi nag-walk out pa si Lei eh! Gumulo tuloy utak ko!

Nang nakarating sa bahay, eksaktong alas syete y media na ng gabi. Nakita ko sina mommy na nanonood ng TV habang si daddy ay kumakain. Pumunta ako kay daddy para magmano. Pagkatapos ay umakyat ako at nagbihis. Pagkabihis ay kinuha ko ang CP ko para tignan ang text message na natanggap ko hanggang sa may nagtext sa akin na di ko kilala, ayun din ang gamit niyang number na si-nave ko dati nung nagtext siya sa akin noon. Kinamusta niya ako at alam daw niya ang nangyari sa amin sa MOA kaya wala daw akong dapat itago sa kanya.

"Teka, sino k b? bat mo alam ung gngwa ko? alam mo, nk2pikon k n! pag aq hindi n ngtimpi sau, ipapa-block q sim mo!"

Hindi siya nagreply. Tulad ng dati. Nagpasya na lang ako na hindi ko papansinin ang mga nangyayari sa akin simula kaninang umaga sa paghalik sa akin ni Jan hanggang sa pagwo-walk out ni Lei at pagsasabi sa akin ni Joseph tungkol sa kanya.

Pumasok sa kwarto ko si Patrick, yung alagang aso na binigay sa akin ni Cheney noong nabubuhay pa siya. Kinuha ko ang aso at hinalikan sa ilong. Dinala ko siya sa double deck na hinihigaan ko at kinausap habang hinihimas.

"Kamusta na Patrick ko?! Alam mo, ang dami ng nangyari sa akin ngayon! Nag walk out kuya Lei mo tapos, hinalikan ako ni Jan yung bagong kakilala ko, tapos yung mga sinasabi sa akin ng kuya Joseph mo tungkol kay kuya Lei mo... Argh!! Gulong-gulo na ako!! Alam mo, kung nasa kalagayan mo ako, malamang maguguluhan ka rin.. Hay naku!!"

Hinalikan ko ulit ang aso ko at niyakap. Ang lambot ng balat niya! Para kang humawak ng teddy bear kaso gumagalaw. Kung nandito lang si Cakie ko, sana hindi ako nahihirapan ng ganito!!

Isang linggo kong hindi nakausap si Lei. Lagi siyang lumalayo sa akin. Kahit na lagi kong nakakasama si Jan everytime na umuuwi kami galing school ay agad na lumalayo siya. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit, ayaw naman niyang sabihin sa akin, kaya kahit masakit, para lang sa kanya, lalayo ako.

Mabait pala si Jan. Para rin pala siyang si Lei. Matalino na, athlete pa! Naging mas ka-close ko siya kesa kay Lei. Mas lamang lang ng kaunting puntos si Lei dahil mas gwapo at may dating ang mukha niya, kaso talagang mailap siya sa akin ngayon.

Si Gelo ang pinagsasabihan ko ng problema ko sa dalawa. Alam na niya rin ang sexual preference ko. Mukhang mahihirapan daw akong harapin si Lei lalo na at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya lumalayo. Buti na lang bumalik ang pagkakaibigan namin.

Patuloy pa rin akong pinadadalhan ng snickers ng nagpapakilalang PATRICK. hindi ko rin siya ma-contact sa CP ko. Ang mga sulat at padala niya ay iniipon ko lang at hindi ipinapaalam especially kay daddy.

Minsan habang papalabas ng school, nakita ko ang mysteryosong lalaki na nagmamanman sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at nang tumalikod ay kaagad ko siyang hinabol. Kumaripas ako ng pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa tapat ng Mapúa at nakitang lumalabas si Lei. Tinigil ko muna ang paghabol. Agad kong pinuntahan si Lei pero mailap pa rin.

"Lei, baby bro.. Ano ba ang problema mo? Sige na, sabihin mo na sa akin!!"

Hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong sagutin. Ito ang first time na nangyari sa amin ni Lei na nag-iiwasan kami sa isa't-isa. Agad kong kinuha ang bisig niya at humarap sa kanya.

"Sige, baby bro, sabihin mo sa akin ang problema, sabihin mo at handa kitang patawarin! Sige na."

Biglang lumiwanag ang kaninang malungkot niyang mukha, pero saglit lang yun. Bumalik siya sa dating gawi at inalis niya ang kamay ko sa bisig niya.

"Kuya, maiintindihan mo rin ako kung bakit kailangan kong gawin ito sa iyo!! Sorry kuya, mahal kita!"

Umalis si Lei na napaluha sa akin habang naglalakad. Masakit para sa akin na nakikita siyang ganun. Mahal ko siya pero para niya akong sinasakal sa ginagawa niya sa akin.

Habang pinapanood na umaalis si Lei ay biglang dumating si Jan na mukhang pagod na pagod.

"Oh Jan, ba't parang pagod ka ata? Ano ba ginawa mo?"

"Ah eh... Ah! Nag-practice kasi kami ng basketball sa gym. Pagkatapos kasi ng practice ay umalis ako para puntahan ka, ano ok ka na?"

"Tara, kain tayo!!"

Niyaya kong kumain sa Mc. Donald's sa may tapat ng Lyceum si Jan. Ako naman ang nanlibre sa kanya. Bumili ako ng dalawang burger at dalawang regular fries pati na rin drinks.

"Jacob, kung malaman mo na nandito si Patrick, anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Jan habang kumakain.

"Syempre, ibabalik ko ang nawala kong pagmamahal sa kanya. Mahal na mahal ko siya kung tutuusin."

"Eh pano yung kapatid mo?"

"Ah.. Eh.. Teka nga, bakit nasama kapatid ko? Eh si Patrick lang ang pinag-uusapan natin? Hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Mahal ko siya bilang KAPATID LANG!! I don't want to step up our relationship into the next level."

Hindi nag-react si Jan. Mukhang napangiti pa nga ito. Habang kumakain, bigla kong naisip si Lei. Nami-miss ko na yung baby bro ko. Sana gumaan na ang pakiramdam niya sa akin para matuloy ang pagmamahalan namin sa isa't-isa.

Habang kumakain, bigla siyang nagpaalam sa akin na mag-CR. Pumayag naman ako. Bumalik ako sa kinakain ko pagkatapos.

Habang may kinakain, bigla akong napatingin sa bag niya. Nakabukas ito. Tinangka kong tignan ang loob ng bag niya hanggang sa nakita ko ang isang notebook na kulay violet. Kinuha ko kaagad yun at inilagay sa bag ko ng mabilis. Gusto kong malaman kung ano ang nasa laman nito. Bumalik siya na nasilid ko ang notebook sa aking bag.

"Oh, is there any problem?"

"Nothing! Let's eat!"

Kumain kami. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa na kunin sa kanya ang notebook. Malakas kasi yung kaba ko nun habang tinitignan ko yun na nasa ibabaw pa ng study table niya. Wala siyang kamalay-malay na nakuha ko na ang violet notebook na makapal at mukhang luma na sa loob ng bag niya.

Pagkatapos nun ay nagyaya na si Jan para umuwi. Agad na hinatid ko siya sa condo niya sa likod ng SM at nagpasya na umuwi na rin.

Habang naglalakad, kinuha ko ang CP ko. Nagtext sa akin ulit ang mysteryosong lalaki na nagpapanggap na siya daw si Patrick.

"alam q ang gnwa mo! kinuha mo ung violet na notebook. sana matauhan ka kung mb2sa mo e2. konti n lng at mk2lala mo na aq."

Agad kong si-nave ang text message niya sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin ng text niya? Ano ang laman ng violet na notebook na kinuha ko sa bag ni Jan?

Itutuloy...

Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 27)



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

ADVANCE MERRY CHRISTMAS, ka-BOL!!

--------------------------------------------------

Part 27

College life. Eto ako ngayon. First time na papasok sa eskwelahan ng hindi gaanong kilala ang lahat. As if I'm just a stranger again in a school that full of mystery. Another venture of adjustment.

Nasa loob ako ng PLM at nakapambihis ng pangsibilyan. Hindi pa kasi tapos yung uniform na pinatahi sa sastre ni mommy eh, kaya pinag-tiyagaan ko munang suotin ito. Naglalakad ako sa malawak na field ground ng pamantasan nang napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Si Gelo.

"Gelo!! Kamusta?! Dito ka pa rin pala nag-aaral? Ano kurso mo bro?"

"Ah eh.. Political Science pre, but if I could have a chance to shift another course, well I'll choose Accountancy. First choice ko kasi eh!"

"Eh, what happened ba?"

"Naabutan ako ng pagsasara ng course, that's why I decided to took BS Pol.Sci as my course, but maybe this coming year, I'll shift."

"Tama lang! Teka, saan nag-aaral boyfriend mo?"

"Ah sa, PMI siya sa Escolta, ti-nake niya yung Custom Administration. Well, kaka-break lang namin this past month. Ayaw niya kasing mag-reply sa mga text ko sa kanya eh, and he really doesn't care me too much, kaya I decided to ended up our relationship."

"Ah, ganun, sayang naman!! Well, I am thrilled knowing that you're my schoolmate here. Sana bumalik ang friendship natin before."

"Sana nga, Jacob."

Si Gelo, naging kabarkada ko noong high school. Dito rin pala siya nag-aaral sa PLM, nagtapos siya sa isang Catholic School dahil ayaw ng mommy niya na maulit ulit ang nangyari sa kanila dati. Since then, naging mas close kami ngayon.

Marami akong naging kaklase na feeling ko mas maraming ibubuga. Ayaw ko nang makipag kumpitensya sa kanila. Sapat na ang award na nakuha ko noon sa graduation ng high school.

Pagkatapos ng klase ay pinapunta ako ni Lei sa tapat ng Mapúa para sunduin siya. Umuwi na rin si Gelo dahil kailangan niyang samahan ang mommy niya sa office. Habang naglalakad, binasa ko ang course outline ng subject namin sa daanan at nang nakarating sa tapat ng Mapúa ay bigla akong nabangga ng isang matipunong lalaki na medyo hawig kay Lei.

"Tangina naman oh! Ba't hindi tinitiignan kasi yung dinadaanan eh! Ano ba?!"

"Ah sorry, it wasn't my intention to hurt you!!"

Tinignan ko ulit siya sa mata at nang na-percieve kong mabuti ang kaanyuan niya ay agad ko siyang nakilala.

"Ah!! Jan!! Kamusta!!"

"Ah eh, Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino!"

"Dito ka pa rin ba nag-aaral?"

"Yup!! I'm studying here at Mapúa!"

"So you mean to say, lumipat ka ng school? Hindi ba sa TIP ka nag-aaral?!"

"Yup, but that's the only option I need to choose eh. At saka, para hindi na rin ako malayo sa condo ko malapit sa SM Manila."

"Kung sabagay! Teka, si Lei!! Nakita mo ba si Lei?"

"Well I just saw him in front of Mapúa, kakakita ko lang sa kanya about a minute ago, maybe he's still there, I'm about to go!!"

"Thank you ah!!"

Nagmadali akong puntahan si Lei sa labas ng Mapúa. Habang naglalakad, bigla kong naalala ang kakisigan ni Jan. Ang cute ng style ng buhok niya, patayo sa gitna at nakababa naman ang gilid nito. Parang bagong gising siya. Nakita ko rin ang kakaibang kulay ng buhok niya na feeling ko ay natural na sa kanya, tulad ng kay Lei. Matangos ang ilong niya. Para siyang si Bobby Andrews na Justine Timberlake kung iisipin, pero mas hawig talaga siya ng pinagsamang Cheney at Lei kung tutuusin. Napansin ko rin ang kanyang mga dimples sa bandang ibaba ng kanyang magkabilang parte ng bibig. Kusa itong lumalabas habang nagsasalita siya. Bumaling ako sa katawan niya. Ang ganda. Mas maganda at mas maskulado ang katawan nito bukod sa akin. Malaki din at matambok ang kanyang mga bisig sa magkabila. Bigla akong nahalina sa itsura niya habang kausap ko siya. Nakita ko na nakabakat ang malalaking dibdib niya sa muscle type na t-shirt na kulay green na nakabakat din ang nakatayong mga utong. Nakita ko rin na nakataas ang laylayan ng ibaba ng t-shirt niya at nakaangat ito sa mabalbong sinturon nito. Siyempre hindi ko ring maiwasang sumulyap sa nakabakat niyang alaga. Hindi pa yun nangangalit kung tutuusin pero, ang laki at ang tambok ng kanyang harap na animo'y parang nangangalit nang talaga! Bakat na bakat! Ito ang first time kong mabighani sa tulad niya na lalaking mas matikas pa kaysa sa akin.

Nakita ko sa daanan si Lei. Mas gumuwapo ito kumpara sa madalas kong nakikita siyang naka-uniform habang pumapasok sa ekwelahan. Medyo fitted type ang suot niyang black t-shirt ni Batman na na-emphasize ang kaputian nito. Naka-salamin sa mata siya na binigay ko sa kanya dati. Naka-jeans na medyo fitted at faded sa mga binti nito at nakasapatos siya na Chuck Taylor type.

"Oh, kuya, sakto dating mo ah! I wasn't able to catch up my last subject kasi na-late ako. Buti na lang and Jan is here para makausap ko. Well anyway, big bro, how's your first day in college."

"Heto, nangangapa! Para nga akong imbalido dun eh. Walang makausap! Ayaw ko namang maging feeling close sa kanila. Papansinin ko lang sila kapag kinausap nila ako."

"Ah ganun ba?! Well nagtext sa akin si Joseph at sabi niya, hintayin daw natin siya sa may tindahan sa tapat ng Lyceum. Mukhang papalabas na rin siya."

Pumunta kami ni Lei sa harapan malapit sa Lyceum. Hindi ko alam kung anong tawag dun, pero may nakita akong matandang babae na nagtitinda sa harap ng school ng tatlo kong kabarkada at bumili ako ng dalawang kendi sa kanya. Hindi kami naninigarilyo ni Lei, kung umiinom ng alak ay rarely for occasions lang. Tumabi kami sa gilid para umiwas sa mga naninigarilyong mga estudyante sa labas ng school.

After five minutes of waiting, nakita namin si Joseph, kasama niya sina Shaine at Jayson. Hinihintay na daw kami nina Nikol at Hiro sa SM Manila kaya umalis kami kaagad para makita sila. Nang nakapunta at nakita namin sila sa tapat ng National Bookstore, bigla akong nanibago sa itsura nila kasi iba na ang mga uniform na suot nila na dati ay pare-pareho nung highschool pa kami. Dumiretso kami sa Teriyaki Boy at dun kami kumain.

Nagtaka kami dahil nasa third floor na ang Teriyaki Boy na dati ay nasa upper ground floor lang. Walang anu-ano ay nakita namin si Jan na pasakay ng escalator at mukhang bababa. Tinawag ni Lei si Jan at ipinakilala siya sa bawat isa sa amin.

"Oh..shit!! Ang gwapo naman niya!" pabulong ni Shaine sa akin habang nakikipagkamay siya kay Jan.

Si Jan ang tipong boy next door. Sa appeal pa lang nito ay aakalaing mong nangongolekta ng GF sa buhay niya. Sabi sa akin ni Lei, half American daw siya. Para rin pala siya na kadugo niya.

"Teka baby bro, pansin ko parang magkahawig kayo ah?! Sure ka bang kababata mo talaga siya?!"

"Oo nga! Believe me, kasabayan ko pa ngang naliligo nang nakahubad iyan eh!! Just ask him!"

Totoo nga. Magkababata nga sila. Inimbita ng barkada si Jan para kumain at sumabay sa amin.

Sumama sa amin si Jan. Tinignan ko siya ulit. Ang pupungay pala ng mata niya. Parang ka-mata nina Lei at Cheney. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik-mata. Tulad ni Lei, wala siyang peklat sa mukha. As in malinis siyang tignan kahit may balbon siya sa ibaba ng kanyang labi. Para hindi mahalatang pinapapantasyahan ko siya, tumabi ako kay Lei at pumuwesto naman siya sa tabi ni Shaine na kinikilig pagkatapos.

"Jacob, ang gwapo naman niya!! All out siya!! As in!!"

Nagulat ako nang binulong ni Hiro sa akin na may pagtingin din siya sa binatang katabi ko. Baklang ito, malandi din pala!

Nag-order ang lahat sa harap ng counter ng fast food pwera lang sa akin at kay Jan. Hindi ko siya gaanong ka-close kaya medyo malayo ang loob ko sa kanya. Pinabili ko na lang si Joseph ng pagkain ko samantalang si Lei naman ang kumuha ng pagkain niya. Pinagmamasdan ko siya. Mukhang mahiyain itong lalaking ito. Agad niyang kinuha ang iPod niya sabay pasak sa tenga ng mga malalaking headphone na nakasabit sa leeg niya. Hindi siya tumitingin sa akin, kaya malayang kinikilatis ko ang kanyang kaanyuan.

Lumipas ang 15 minutes nang natapos silang pumila sa counter. Ibinigay ni Joseph ang pagkain ko samantalang ibinigay din ni Lei ang pagkain ni Jan. Tumabi si Jan kay Lei dahil magsi-CR lang saglit si Shaine. Pansin ko ang panay na pagbubulungan ng magkababata sa tabi ko.

Habang kumakain, napag-usapan ng barkada ang tungkol sa mga nangyari sa amin sa unang araw ng klase. Another adjustment para sa amin pero ayos naman daw. Kinuwento ko rin sa kanila ang pagkikita namin ni Gelo sa school. Habang nakikipagkwentuhan, pansin ko na sumusulyap ng tingin sa akin si Jan. Sunod-sunod yun. Hindi ko na lang kinibo. Itinuloy ko pa rin ang pakikipagkwetuhan sa kanila.

Habang umiihi, hindi ko pansin na nandun pala si Jan at umiihi rin. Sa kabilang cubicle siya. Sayang at gusto ko pa namang masulyapan ang nakatagong alaga nito. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"So, Jacob! Nice to see you here!"

"Same with you, Jan."

"You know what, maraming sinasabi si Lei about you. I want to discover everything about your personality, so can I be your friend?"

"Sure, yun naman pala eh!"

Humarap siya sa akin habang tinataas ang zipper ng kanyang pantalon. Biglang nagising si dudong, kaya napapilipit tuloy ako sa kinatatayuan ko para itago ang alaga. Tinaas niya ang kanang kamay niya at ibinagay yun sa akin.

"Yan ah!! We're now officially friends!! Sabi niya habang kinakamayan ako.

Habang kinakamayan, hindi pa rin matanggal sa mata ko ang nakakabighani nitong umbok malapit sa ibaba ng harap niya. Basta, habang pinagmamasdan ko siya, ramdam ko ang pagtaas ng erotic stimulation mula ulo ko hanggang kay dudong.

Sabay kaming lumabas ng banyo. Mukhang tapos na silang kumain. Nagtatawanan sila habang yung iba ay nagpi-picture sa loob para daw ilagay sa Friendster. Napansin ko rin ang boses niya kanina nung kausap niya ako. Medyo mababa at modulate lang kung tutuusin, pero nakaka-inlove para sa kanya na marinig yun. Unlike kay Lei na medyo may pagka-Christian Bautista ang boses nito na pinaghalong matining na mababa.

Nagyaya ang barkada na pumunta ng Quantum pagkatapos kumain. Kinuha ko ang mga kamay ni Lei at sabay naglakad. Nasa harapan silang lahat kaya hindi nila napapansin ang ginagawa naming dalawa. Si Jan ay laging nakatabi sa akin. Hindi ko alam kung pero sigurado akong gusto niya talaga akong makilala ng lubusan.

Nakarating kami sa loob ng quantum. Maraming tao kasi first day of school. Syempre, nandun kami para magkantahan.

Matagal kaming naghintay sa labas para makagamit ng kwarto para makakanta, siguro 45 minutes din yun. Pansin ko talaga kay Jan ang panay na tingin na natatanggap ko sa kanya. Hindi ko na lang ito kinibo. Samantala, laging inaalaska ni Nikol si Shaine kapag nakikitang nakasimangot siya, kaya biniyayaan siya ni Nikol ng Miss Simang award at for now on, si Miss Simang na siya at siya lang ang makakatanggap nito at wala ng iba.

Nakapasok na kami sa loob. Medyo malamig. Napansin kong mabilis mag-shiver si Jan. Pumunta si Lei at kinamusta ang kababata.

Ilang oras kaming naglagi sa loob ng videoke room. Halos lahat kami kumanta pwera kay Jan. Mahirap daw para sa kanya ang mga kanta lalo na mga tagalog songs kasi hindi siya gaanong pamilyar na kantahin yun.

Umalis kami ng quantum ng may napansin na naman akong papel na nakalukos sa ibaba. Agad kong kinuha yun at tinignan. Nang nabuksang lahat, mayroon na namang "Sorry Jacob" na sulat pero at this point, baligtad ito.

Sorry Jacob!!I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!

Nang tinignan ko ang date, August 18 1997. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang ganung mga sulat pero may isa akong hinala, na sa loob ng kwarto, sa aming walo kung sino ang nagpapakalat ng ganitong sulat sa akin.

Kaagad kong tinago yun. Iipunin ko ang mga papel na ito at gagawa ng imbestigasyon kung sino ang may pakana nito.

Natapos ang araw sa amin na puno ng kasiyahan at kababalaghan. Umuwi kaming lahat dama ang kasiyahan na akala namin ay mahihinto lang kapag nagtapos kami high school. First day of school is cool talaga!!

Habang dumadaan sa kalye ng Pacheco malapit sa amin, may napansin akong nagmamamanman na isang lalaki. Halos kasing edad ko lang. Matangos ang ilong nito at mukhang foreigner. Kumaripas ako ng lakad, lakad na eventually naging takbo na rin, hanggang sa hindi na niya ako kaagad nasundan. Feeling ko siya yung nakita ko sa sementeryo ni Cheney na hinabol ako. Ano kaya ang motibo ng mysteryosong lalaking ito sa buhay ko? Bakit niya ako sinusundan?

Itutuloy..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP