Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 28)

Saturday, December 24, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

HAPPY HOLIDAYS mga ka-BOL!!

--------------------------------------------------
Part 28

"Jacob!! Kamusta!"

Si Jan. Tinawag niya ako habang naglalakad papuntang PLM. kinamusta niya ako. Nginitian ko lang siya. Napansin ko sa dibdib niya na nakatago ang necklace sa t-shirt niya na nakasulat ay "dao wears bench". Tinanong ko kung ako yung tinatawag niya. Gusto daw ni Lei na lumabas kami para magkaroon naman kami ng bonding kasi napapansin niya ang paglayo ko sa kababata niya. kinumpirma ko sa kanya na sasama ako.

Bigla akong ninakawan ng halik ni Jan. Halik daw yun ng pasasalamat. Kinilig ako pero hindi ko na lang yun pinahalata sa kanya. Umalis siya habang nilalagay ang malaking headphone sa ulo niya. Habang naglalakad, nakita ko si Gelo at sumabay ako sa kanya.

Nakakaasar ang second day ko sa eskwelahan. Agad kaming nag-exam sa Philippine Literature ng suprise. Hindi yun inaaasahan kaya bokya ako dun sa exam. Natapos ang subject ko na nakasimangot.

"Bawi ka na lang next time!"

Sabi ng kaklase ko, si Faith. Nagtapos siya sa Manila Science ng highschool at nakasalamin siya na tulad ni Lei. Mukhang matalino, pero kolokoy din pala siya tulad ko, bagsak sa exam. Napangiti ako sa kanya at sabay tapik sa balikat.

Natapos ang klase ko ng alas tres. Mahaba kung tutuusin pero ok lang. Tinignan ko ang CP ko kung may nagtext sa akin at meron nga. Binuksan ko ang inbox at nagtext sa akin si Lei.

"big bro. punta u d2 now! beside mapua. im hir with jan. ka2labas lng nmin. treat daw niya ulit."

Ui.. Treat! May kaya kasi si Jan eh. Varsity player siya ng Mapua at naging best player of the month ng kanyang sport. Agad akong pumunta para maabutan sila.

"Lei, tignan mo siya! Ang gwapo pala niya no?" Sabi ni Jan Kay Lei habang papalapit ako sa kanila

"Narinig ko yun! Ikaw Jan ah!! Bakla ka ba?!"

"Please.. Promise me you would never say this to anybody?! Sige, aamin ako, I'm in the closet. Yup you hear it right! Bisexual ako, discreet lang."

"Grabeh!! sa itsurang yan na gwapo, matipuno, maganda ang kutis, malalaman namin na you're just like us?!"

"Psst.. Baka may makarinig! Be careful to what you might have to say. Varsity ako dito and I don't want to ruin my name here just because of my identity."

"Sorry!!" sabi ko ng pabulong.

Tumingin ako kay Lei. Napagiti din siya. Parang me gusto akong sabihin kay Jan kaso baka magalit lang siya kaya nanahimik na lang ako.

Niyaya kami ni Jan na pumunta ng SM Mall of Asia. Kakabukas lang nun kaya kailangan daw kaming makapunta to experience something like that, pero bago muna ang lahat, kailangang samahan daw muna namin siya sa condo niya para kunin ang wallet.

Sa me likod ng SM Manila ang condo niya. Hati sila ng ka-boardmate na nag-aaral sa isang prestihiyosong pamantasan. Medyo maliit na kwarto lang kung tutuusin, pero dama sa maliit na condo ang lamig at preskong pakiramdam. Nakita ko rin sa loob ang picture niya nung nasa states pa siya. Gwapo na pala siya eversince! Naka-bonnet siya na printed ang watawat ng USA. Sa isang tabi, sa ibabaw ng kanyang study table, nakita ko ang violet na notebook. Medyo makapal ito at mukhang luma na. Nang bigla kong nilapitan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Parang inuutusan ako ng sarili ko na basahin ang nilalaman ng violet notebook na nakapatong sa study table niya. Walang anu-ano ay bigla kong tinungo ang kinaroroonan ng notebook nang biglang..

"Kuya, saan ka pupunta?!"

Bigla kong narinig ang boses ni Lei. Tumingin akong bigla sa kanya. Hindi ko pala alam na kasama ko siya kanina pa, kaya dali-dali akong lumapit para sabihin ang dahilan kung ano ang ginagawa ko.

"Ah eh.. Baby bro, ahm.. Na-curious lang ako sa notebook na yun.. Yun oh!!(sabay tingin dun sa study table)"

"Ah, don't mind it, it's just an ordinary thing!"

Umupo ako sa tabi niya. Agad kong binuksan ang CP ko para tignan kung may nagtext hanggang sa biglang dumating si Jan sa harapan namin ni Lei.

"Oh, guys, c'mon! Let's go outside!!"

Umalis kami sa condo niya at pumunta sa LRT. Nang sumakay na kami, pansin ko ang panay na tingin ni Jan sa akin. Hindi ko na lang yun pinansin. Habang naglalakbay, pansin ko sa kanila na nagbubulungan sila. Minsan habang nagbubulungan ay tumatawa pa. Parang tanga lang, pero hindi ko na lang kinibo. Inisip ko na lang yung nangyari sa akin kahapon. Bigla tuloy akong kinabahan. Kinuha ako ni Jan at inakap.

"Ikaw talaga! Wag mong seryosohin yan!"

"Teka hoy, baka magselos ako niyan!" sabi ni Lei

"Kayo ba?! Ikaw ah! I wonder kung papatol ka dito?!"

Hindi na siya nagsalita. Ayaw kong matuklasan niya ang aming relasyon. Lumayo ako sa kanya ng konti para makahinga sa mahigpit na pag-aakap niya sa akin.

"Teka bro, gwapo pala tong si Jacob eh, pwede bang pahalik?!"

Tinignan ko si Lei. Parang mas ok pa sa kanya kung hahalikan ako ni Jan. Biglang tumango siya sa kanya.

"Ah.. Sorry, I'm not a type of guy you thinking of! I'm not that easy to get!"

Lumayo ako sa kanya. Parang mas naging agresibo siya nang tumanggi ako, hanggang sa hinalikan ako sa pisngi ng panakaw.

"Ano ka ba!! You're not funny anymore!! Ano ba ang gusto mo, brod?!"

Nagalit ako. Tinulak ko siyang bigla papalayo sa akin. Napaulos siya. Tumingin ang lahat ng sumasakay sa amin sabay talikod at humarap kay Lei.

"Sorry na!! Sorry na!! Sinusubukan ko lang naman yung temper mo kung hanggang saan! Mukhang magagalitin ka nga!!"

May kinuha siya mula sa bulsa niya. Hindi ko na lang siya pinakialaman pa. Tumingin ako kay Lei at pinagsabihang paayusin niya ang kababata niya kundi uuwi ako sa amin ng di oras, hanggang sa naramdaman ko na may parang kumalabit sa likod ko.

"Snickers, want some?! take this as my peace offering!"

Nagbigay si Jan ng snickers na favorite namin ni Lei. Tinanggap kong bigla. Hinati ko yun sabay bigay kay Lei. Ngumiti ako kay Jan at sinabing wag ng uulitin yun.

"See bro! We're just friends already! Ang bilis ano?!"

"Gago! Nagtimpi lang yan sa'yo!"

Tumawa kami habang nasa loob ng LRT. Buti na lang at walang guard na sumisita sa amin kaya nakain namin ang snickers na binigay sa akin ni Jan.

Tumagal ng 15 minutes ang pagko-commute namin papuntang MOA hanggang sa nakapunta kami dun ng exaktong 4:20pm

First stop namin ay sa KFC malapit sa Mang Inasal. As usual, inaasar pa rin ako ni Jan. Parang gusto niya akong asarin ng asarin hanggang sa nakatikim siya sa akin ng isang malutong na kotong sa ulo.

"Oh ano?! Mag-aalaska ka pa ba?!"

Walang anu-ano ay bigla akong hinalikan ulit sa pisngi. Hindi na ako makapagpigil kaya itinapon ko ang gravy sa kamay niya. Nagalit siya kaya naghanap siya ng paraan para makaganti. Si Lei ay tumatawa lang sa amin habang nanonood.

Para kaming bata kung tutuusin. Talagang ugaling kano itong bagong kaibigan ko. Maharot at tusong gumanti.

Nang nahimasmasan ay bumalik kami sa kinakain. Nagkwento siya tungkol sa buhay niya habang nasa abroad. Kasama niyang lumaki ang lola niya sa Dallas. Dun daw siya lumaki kasama ang pinsang babae. Bumalik siya sa Maynila para mag-aral. Mayroon daw siyang dapat balikan at yun ang plano niya habang nasa bansa. Mahal na mahal daw niya yun kaya ikamamatay daw niya kung mawawala sa kanya yung taong gusto niyang balikan. Tinanong ko kung sino ba yung taong yun pero hindi siya sumagot. Agad na pumasok sa isip ko si Patrick. Parehas sila ng sitwasyon. Bigla akong nagkaroon ng hinala na baka siya ang first love ko na hanggang ngayon ay umaasang babalikan ako.

Bigla kong naalala ang violet notebook. Bakit gusto kong malaman kung ano ang nasa loob nun?

Bumalik ako kina Lei. Mukhang malungkot ito. Kinuha ni Jan ang kamay nito at hinalikan. Siguro, innate na sa kanya ang ganung ugali, nanghahalik sa mga kakilala niya. Nilagay ko yung kamay ko sa likod niya at hinimas-himas para gumaan ang kanyang loob. Biglang nag-ring ang CP ko at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.

Habang nasa labas ng KFC, napansin ko ang ginagawa ng dalawa. Parang may pinagdadaanan si Lei. Iyak ng iyak sa harap ni Jan na wari'y parang nahihirapan sa problema. Agad kong minadali ang pagsagot sa kausap sa CP para kausapin sila.

"Oh Baby bro, bakit ka umiiyak?!"

"Ah, eh.. Uhm.. Just a personal problem, Jacob, never mind it!"
Sabi sa akin ni Jan.

"No, it's not an ordinary problem anymore! I think my baby bro is facing such big dilemma, kailangan kong malaman yun."

Iyak ng iyak si Lei. Ramdam ko yun. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, napakalaki ng problema niya, hanggang sa tumayo siya sa amin at sinuntok ang mesa sa harapan ng malutong.

"Teka, Lei, hold on! What seems to be the problem ba?! Alam ninyo, para kayong tanga! Wag nyo nga akong gaguhin dito! (tumingin kay Lei) Sige na baby bro, just tell to big bro about your problem."

Umiiyak pa rin siya. How weird! Kanina lang ay masaya kaming nagku-kwentuhan tapos nung i-nopen ni Jan yung life niya, bigla siyang umiyak? Ano yun?

Pinaupo ko si Lei, dumukot ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. Kinuha naman niya yun. Tinanong ko si Jan kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-iyak ng baby bro ko hanggang sa umalis sa harapan namin si Lei na parang may susugurin. Kaagad na hinabol ko siya.

"Baby bro!! Ano ka ba?! Ano bang problema mo?"

"Kuya sorry!! Sorry talaga!! Gagawin ko ito para sa iyo! Sana mapatawad mo ako!! Ayaw Lang kita masaktan! Mahal kita kuya! Mahal kita!"Sabi ni Lei habang naglalakad papalayo sa akin.

"Teka, pag-usapan natin to!"

Agad na tumakbo si Lei papalayo sa amin. Sinundan ko siya pero pinigilan ako ni Jan.

"Jacob, just let him release his emotions, maiintindihan mo rin siya."

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa kamay niya. Hinabol ko si Lei pero nakaalis na yung orange na cab papuntang LRT na sinasakyan niya kaya tinigil ko ang paghabol sa kanya.

Bumalik ako kay Jan para sabihing uuwi na rin. Kailangan kong kausapin si Lei para malaman ko ang dahilan ng pag-iyak niya pero pinigilan ako ni Jan. Nagpumiglas ako at sinampal siya.

"Wag na wag mo akong pipigilan sa gusto ko, sino ka ba? Kakakilala ko lang sa'yo ngayon kaya wag mo akong aabusuhin! Susundan ko si Lei just because I want to talk to him!"

Lumayo ako. Pinabayaan ko si Jan ng mag-isa. Mukhang sising-sisi siya sa ginawa ko sa kanya.

Umuwi ako ng bahay na marami ang naglalaro sa isipan ko. Bakit kaya umiyak si Lei gayong kinuwento lang ni Jan ang buhay nito sa amin? Bakit siya lumayo? Bakit kailangan niyang i-insist ang pagsosorry sa akin, gayong wala siyang ginagawang masama? Hay Lei!! Namatay lang si Cheney, nagkaganyan ka na!!

Nang pauwi na, nakita ako ni Joseph habang naglalakad.

"Jay, kamusta lakad nyo ni Jan at Lei?!"

"Yun, 'seph, magulo! Basta magulo! Nag-walk out si Lei ng walang dahilan? Ano yun?!"

"Tsk..tsk..tsk.. Hay Lei! Bakit ayaw mo pa kasi sabihin ang totoo eh! Pinahihirapan mo pa ang sarili mo!!"

"Ano?! Hindi ko narinig?!"

"Ah wala! Basta Jay, wag na wag mong iiwan si Lei! Kahit pa dumating sa buhay mo si Patrick!"

"Ha?! Ano?!"

"Yun lang! Payo ko sa'yo, sundin mo ang puso mo, huwag ang isip, ok?! Uwi na ako!"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Joseph. Siya lang kasi ang ka-close ko sa magbabarkada eh! Parang napakalalim ng sinabi niya. Bigla tuloy gumulo ang iniisip ko sa sinabi niya sa akin. Hay naku!! Bakit pa kasi nag-walk out pa si Lei eh! Gumulo tuloy utak ko!

Nang nakarating sa bahay, eksaktong alas syete y media na ng gabi. Nakita ko sina mommy na nanonood ng TV habang si daddy ay kumakain. Pumunta ako kay daddy para magmano. Pagkatapos ay umakyat ako at nagbihis. Pagkabihis ay kinuha ko ang CP ko para tignan ang text message na natanggap ko hanggang sa may nagtext sa akin na di ko kilala, ayun din ang gamit niyang number na si-nave ko dati nung nagtext siya sa akin noon. Kinamusta niya ako at alam daw niya ang nangyari sa amin sa MOA kaya wala daw akong dapat itago sa kanya.

"Teka, sino k b? bat mo alam ung gngwa ko? alam mo, nk2pikon k n! pag aq hindi n ngtimpi sau, ipapa-block q sim mo!"

Hindi siya nagreply. Tulad ng dati. Nagpasya na lang ako na hindi ko papansinin ang mga nangyayari sa akin simula kaninang umaga sa paghalik sa akin ni Jan hanggang sa pagwo-walk out ni Lei at pagsasabi sa akin ni Joseph tungkol sa kanya.

Pumasok sa kwarto ko si Patrick, yung alagang aso na binigay sa akin ni Cheney noong nabubuhay pa siya. Kinuha ko ang aso at hinalikan sa ilong. Dinala ko siya sa double deck na hinihigaan ko at kinausap habang hinihimas.

"Kamusta na Patrick ko?! Alam mo, ang dami ng nangyari sa akin ngayon! Nag walk out kuya Lei mo tapos, hinalikan ako ni Jan yung bagong kakilala ko, tapos yung mga sinasabi sa akin ng kuya Joseph mo tungkol kay kuya Lei mo... Argh!! Gulong-gulo na ako!! Alam mo, kung nasa kalagayan mo ako, malamang maguguluhan ka rin.. Hay naku!!"

Hinalikan ko ulit ang aso ko at niyakap. Ang lambot ng balat niya! Para kang humawak ng teddy bear kaso gumagalaw. Kung nandito lang si Cakie ko, sana hindi ako nahihirapan ng ganito!!

Isang linggo kong hindi nakausap si Lei. Lagi siyang lumalayo sa akin. Kahit na lagi kong nakakasama si Jan everytime na umuuwi kami galing school ay agad na lumalayo siya. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit, ayaw naman niyang sabihin sa akin, kaya kahit masakit, para lang sa kanya, lalayo ako.

Mabait pala si Jan. Para rin pala siyang si Lei. Matalino na, athlete pa! Naging mas ka-close ko siya kesa kay Lei. Mas lamang lang ng kaunting puntos si Lei dahil mas gwapo at may dating ang mukha niya, kaso talagang mailap siya sa akin ngayon.

Si Gelo ang pinagsasabihan ko ng problema ko sa dalawa. Alam na niya rin ang sexual preference ko. Mukhang mahihirapan daw akong harapin si Lei lalo na at hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya lumalayo. Buti na lang bumalik ang pagkakaibigan namin.

Patuloy pa rin akong pinadadalhan ng snickers ng nagpapakilalang PATRICK. hindi ko rin siya ma-contact sa CP ko. Ang mga sulat at padala niya ay iniipon ko lang at hindi ipinapaalam especially kay daddy.

Minsan habang papalabas ng school, nakita ko ang mysteryosong lalaki na nagmamanman sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at nang tumalikod ay kaagad ko siyang hinabol. Kumaripas ako ng pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa tapat ng MapĂșa at nakitang lumalabas si Lei. Tinigil ko muna ang paghabol. Agad kong pinuntahan si Lei pero mailap pa rin.

"Lei, baby bro.. Ano ba ang problema mo? Sige na, sabihin mo na sa akin!!"

Hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong sagutin. Ito ang first time na nangyari sa amin ni Lei na nag-iiwasan kami sa isa't-isa. Agad kong kinuha ang bisig niya at humarap sa kanya.

"Sige, baby bro, sabihin mo sa akin ang problema, sabihin mo at handa kitang patawarin! Sige na."

Biglang lumiwanag ang kaninang malungkot niyang mukha, pero saglit lang yun. Bumalik siya sa dating gawi at inalis niya ang kamay ko sa bisig niya.

"Kuya, maiintindihan mo rin ako kung bakit kailangan kong gawin ito sa iyo!! Sorry kuya, mahal kita!"

Umalis si Lei na napaluha sa akin habang naglalakad. Masakit para sa akin na nakikita siyang ganun. Mahal ko siya pero para niya akong sinasakal sa ginagawa niya sa akin.

Habang pinapanood na umaalis si Lei ay biglang dumating si Jan na mukhang pagod na pagod.

"Oh Jan, ba't parang pagod ka ata? Ano ba ginawa mo?"

"Ah eh... Ah! Nag-practice kasi kami ng basketball sa gym. Pagkatapos kasi ng practice ay umalis ako para puntahan ka, ano ok ka na?"

"Tara, kain tayo!!"

Niyaya kong kumain sa Mc. Donald's sa may tapat ng Lyceum si Jan. Ako naman ang nanlibre sa kanya. Bumili ako ng dalawang burger at dalawang regular fries pati na rin drinks.

"Jacob, kung malaman mo na nandito si Patrick, anong gagawin mo?" tanong sa akin ni Jan habang kumakain.

"Syempre, ibabalik ko ang nawala kong pagmamahal sa kanya. Mahal na mahal ko siya kung tutuusin."

"Eh pano yung kapatid mo?"

"Ah.. Eh.. Teka nga, bakit nasama kapatid ko? Eh si Patrick lang ang pinag-uusapan natin? Hanggang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Mahal ko siya bilang KAPATID LANG!! I don't want to step up our relationship into the next level."

Hindi nag-react si Jan. Mukhang napangiti pa nga ito. Habang kumakain, bigla kong naisip si Lei. Nami-miss ko na yung baby bro ko. Sana gumaan na ang pakiramdam niya sa akin para matuloy ang pagmamahalan namin sa isa't-isa.

Habang kumakain, bigla siyang nagpaalam sa akin na mag-CR. Pumayag naman ako. Bumalik ako sa kinakain ko pagkatapos.

Habang may kinakain, bigla akong napatingin sa bag niya. Nakabukas ito. Tinangka kong tignan ang loob ng bag niya hanggang sa nakita ko ang isang notebook na kulay violet. Kinuha ko kaagad yun at inilagay sa bag ko ng mabilis. Gusto kong malaman kung ano ang nasa laman nito. Bumalik siya na nasilid ko ang notebook sa aking bag.

"Oh, is there any problem?"

"Nothing! Let's eat!"

Kumain kami. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa na kunin sa kanya ang notebook. Malakas kasi yung kaba ko nun habang tinitignan ko yun na nasa ibabaw pa ng study table niya. Wala siyang kamalay-malay na nakuha ko na ang violet notebook na makapal at mukhang luma na sa loob ng bag niya.

Pagkatapos nun ay nagyaya na si Jan para umuwi. Agad na hinatid ko siya sa condo niya sa likod ng SM at nagpasya na umuwi na rin.

Habang naglalakad, kinuha ko ang CP ko. Nagtext sa akin ulit ang mysteryosong lalaki na nagpapanggap na siya daw si Patrick.

"alam q ang gnwa mo! kinuha mo ung violet na notebook. sana matauhan ka kung mb2sa mo e2. konti n lng at mk2lala mo na aq."

Agad kong si-nave ang text message niya sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin ng text niya? Ano ang laman ng violet na notebook na kinuha ko sa bag ni Jan?

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP