Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 27)

Saturday, December 24, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

ADVANCE MERRY CHRISTMAS, ka-BOL!!

--------------------------------------------------

Part 27

College life. Eto ako ngayon. First time na papasok sa eskwelahan ng hindi gaanong kilala ang lahat. As if I'm just a stranger again in a school that full of mystery. Another venture of adjustment.

Nasa loob ako ng PLM at nakapambihis ng pangsibilyan. Hindi pa kasi tapos yung uniform na pinatahi sa sastre ni mommy eh, kaya pinag-tiyagaan ko munang suotin ito. Naglalakad ako sa malawak na field ground ng pamantasan nang napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Si Gelo.

"Gelo!! Kamusta?! Dito ka pa rin pala nag-aaral? Ano kurso mo bro?"

"Ah eh.. Political Science pre, but if I could have a chance to shift another course, well I'll choose Accountancy. First choice ko kasi eh!"

"Eh, what happened ba?"

"Naabutan ako ng pagsasara ng course, that's why I decided to took BS Pol.Sci as my course, but maybe this coming year, I'll shift."

"Tama lang! Teka, saan nag-aaral boyfriend mo?"

"Ah sa, PMI siya sa Escolta, ti-nake niya yung Custom Administration. Well, kaka-break lang namin this past month. Ayaw niya kasing mag-reply sa mga text ko sa kanya eh, and he really doesn't care me too much, kaya I decided to ended up our relationship."

"Ah, ganun, sayang naman!! Well, I am thrilled knowing that you're my schoolmate here. Sana bumalik ang friendship natin before."

"Sana nga, Jacob."

Si Gelo, naging kabarkada ko noong high school. Dito rin pala siya nag-aaral sa PLM, nagtapos siya sa isang Catholic School dahil ayaw ng mommy niya na maulit ulit ang nangyari sa kanila dati. Since then, naging mas close kami ngayon.

Marami akong naging kaklase na feeling ko mas maraming ibubuga. Ayaw ko nang makipag kumpitensya sa kanila. Sapat na ang award na nakuha ko noon sa graduation ng high school.

Pagkatapos ng klase ay pinapunta ako ni Lei sa tapat ng Mapúa para sunduin siya. Umuwi na rin si Gelo dahil kailangan niyang samahan ang mommy niya sa office. Habang naglalakad, binasa ko ang course outline ng subject namin sa daanan at nang nakarating sa tapat ng Mapúa ay bigla akong nabangga ng isang matipunong lalaki na medyo hawig kay Lei.

"Tangina naman oh! Ba't hindi tinitiignan kasi yung dinadaanan eh! Ano ba?!"

"Ah sorry, it wasn't my intention to hurt you!!"

Tinignan ko ulit siya sa mata at nang na-percieve kong mabuti ang kaanyuan niya ay agad ko siyang nakilala.

"Ah!! Jan!! Kamusta!!"

"Ah eh, Ikaw pala yan, akala ko naman kung sino!"

"Dito ka pa rin ba nag-aaral?"

"Yup!! I'm studying here at Mapúa!"

"So you mean to say, lumipat ka ng school? Hindi ba sa TIP ka nag-aaral?!"

"Yup, but that's the only option I need to choose eh. At saka, para hindi na rin ako malayo sa condo ko malapit sa SM Manila."

"Kung sabagay! Teka, si Lei!! Nakita mo ba si Lei?"

"Well I just saw him in front of Mapúa, kakakita ko lang sa kanya about a minute ago, maybe he's still there, I'm about to go!!"

"Thank you ah!!"

Nagmadali akong puntahan si Lei sa labas ng Mapúa. Habang naglalakad, bigla kong naalala ang kakisigan ni Jan. Ang cute ng style ng buhok niya, patayo sa gitna at nakababa naman ang gilid nito. Parang bagong gising siya. Nakita ko rin ang kakaibang kulay ng buhok niya na feeling ko ay natural na sa kanya, tulad ng kay Lei. Matangos ang ilong niya. Para siyang si Bobby Andrews na Justine Timberlake kung iisipin, pero mas hawig talaga siya ng pinagsamang Cheney at Lei kung tutuusin. Napansin ko rin ang kanyang mga dimples sa bandang ibaba ng kanyang magkabilang parte ng bibig. Kusa itong lumalabas habang nagsasalita siya. Bumaling ako sa katawan niya. Ang ganda. Mas maganda at mas maskulado ang katawan nito bukod sa akin. Malaki din at matambok ang kanyang mga bisig sa magkabila. Bigla akong nahalina sa itsura niya habang kausap ko siya. Nakita ko na nakabakat ang malalaking dibdib niya sa muscle type na t-shirt na kulay green na nakabakat din ang nakatayong mga utong. Nakita ko rin na nakataas ang laylayan ng ibaba ng t-shirt niya at nakaangat ito sa mabalbong sinturon nito. Siyempre hindi ko ring maiwasang sumulyap sa nakabakat niyang alaga. Hindi pa yun nangangalit kung tutuusin pero, ang laki at ang tambok ng kanyang harap na animo'y parang nangangalit nang talaga! Bakat na bakat! Ito ang first time kong mabighani sa tulad niya na lalaking mas matikas pa kaysa sa akin.

Nakita ko sa daanan si Lei. Mas gumuwapo ito kumpara sa madalas kong nakikita siyang naka-uniform habang pumapasok sa ekwelahan. Medyo fitted type ang suot niyang black t-shirt ni Batman na na-emphasize ang kaputian nito. Naka-salamin sa mata siya na binigay ko sa kanya dati. Naka-jeans na medyo fitted at faded sa mga binti nito at nakasapatos siya na Chuck Taylor type.

"Oh, kuya, sakto dating mo ah! I wasn't able to catch up my last subject kasi na-late ako. Buti na lang and Jan is here para makausap ko. Well anyway, big bro, how's your first day in college."

"Heto, nangangapa! Para nga akong imbalido dun eh. Walang makausap! Ayaw ko namang maging feeling close sa kanila. Papansinin ko lang sila kapag kinausap nila ako."

"Ah ganun ba?! Well nagtext sa akin si Joseph at sabi niya, hintayin daw natin siya sa may tindahan sa tapat ng Lyceum. Mukhang papalabas na rin siya."

Pumunta kami ni Lei sa harapan malapit sa Lyceum. Hindi ko alam kung anong tawag dun, pero may nakita akong matandang babae na nagtitinda sa harap ng school ng tatlo kong kabarkada at bumili ako ng dalawang kendi sa kanya. Hindi kami naninigarilyo ni Lei, kung umiinom ng alak ay rarely for occasions lang. Tumabi kami sa gilid para umiwas sa mga naninigarilyong mga estudyante sa labas ng school.

After five minutes of waiting, nakita namin si Joseph, kasama niya sina Shaine at Jayson. Hinihintay na daw kami nina Nikol at Hiro sa SM Manila kaya umalis kami kaagad para makita sila. Nang nakapunta at nakita namin sila sa tapat ng National Bookstore, bigla akong nanibago sa itsura nila kasi iba na ang mga uniform na suot nila na dati ay pare-pareho nung highschool pa kami. Dumiretso kami sa Teriyaki Boy at dun kami kumain.

Nagtaka kami dahil nasa third floor na ang Teriyaki Boy na dati ay nasa upper ground floor lang. Walang anu-ano ay nakita namin si Jan na pasakay ng escalator at mukhang bababa. Tinawag ni Lei si Jan at ipinakilala siya sa bawat isa sa amin.

"Oh..shit!! Ang gwapo naman niya!" pabulong ni Shaine sa akin habang nakikipagkamay siya kay Jan.

Si Jan ang tipong boy next door. Sa appeal pa lang nito ay aakalaing mong nangongolekta ng GF sa buhay niya. Sabi sa akin ni Lei, half American daw siya. Para rin pala siya na kadugo niya.

"Teka baby bro, pansin ko parang magkahawig kayo ah?! Sure ka bang kababata mo talaga siya?!"

"Oo nga! Believe me, kasabayan ko pa ngang naliligo nang nakahubad iyan eh!! Just ask him!"

Totoo nga. Magkababata nga sila. Inimbita ng barkada si Jan para kumain at sumabay sa amin.

Sumama sa amin si Jan. Tinignan ko siya ulit. Ang pupungay pala ng mata niya. Parang ka-mata nina Lei at Cheney. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik-mata. Tulad ni Lei, wala siyang peklat sa mukha. As in malinis siyang tignan kahit may balbon siya sa ibaba ng kanyang labi. Para hindi mahalatang pinapapantasyahan ko siya, tumabi ako kay Lei at pumuwesto naman siya sa tabi ni Shaine na kinikilig pagkatapos.

"Jacob, ang gwapo naman niya!! All out siya!! As in!!"

Nagulat ako nang binulong ni Hiro sa akin na may pagtingin din siya sa binatang katabi ko. Baklang ito, malandi din pala!

Nag-order ang lahat sa harap ng counter ng fast food pwera lang sa akin at kay Jan. Hindi ko siya gaanong ka-close kaya medyo malayo ang loob ko sa kanya. Pinabili ko na lang si Joseph ng pagkain ko samantalang si Lei naman ang kumuha ng pagkain niya. Pinagmamasdan ko siya. Mukhang mahiyain itong lalaking ito. Agad niyang kinuha ang iPod niya sabay pasak sa tenga ng mga malalaking headphone na nakasabit sa leeg niya. Hindi siya tumitingin sa akin, kaya malayang kinikilatis ko ang kanyang kaanyuan.

Lumipas ang 15 minutes nang natapos silang pumila sa counter. Ibinigay ni Joseph ang pagkain ko samantalang ibinigay din ni Lei ang pagkain ni Jan. Tumabi si Jan kay Lei dahil magsi-CR lang saglit si Shaine. Pansin ko ang panay na pagbubulungan ng magkababata sa tabi ko.

Habang kumakain, napag-usapan ng barkada ang tungkol sa mga nangyari sa amin sa unang araw ng klase. Another adjustment para sa amin pero ayos naman daw. Kinuwento ko rin sa kanila ang pagkikita namin ni Gelo sa school. Habang nakikipagkwentuhan, pansin ko na sumusulyap ng tingin sa akin si Jan. Sunod-sunod yun. Hindi ko na lang kinibo. Itinuloy ko pa rin ang pakikipagkwetuhan sa kanila.

Habang umiihi, hindi ko pansin na nandun pala si Jan at umiihi rin. Sa kabilang cubicle siya. Sayang at gusto ko pa namang masulyapan ang nakatagong alaga nito. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"So, Jacob! Nice to see you here!"

"Same with you, Jan."

"You know what, maraming sinasabi si Lei about you. I want to discover everything about your personality, so can I be your friend?"

"Sure, yun naman pala eh!"

Humarap siya sa akin habang tinataas ang zipper ng kanyang pantalon. Biglang nagising si dudong, kaya napapilipit tuloy ako sa kinatatayuan ko para itago ang alaga. Tinaas niya ang kanang kamay niya at ibinagay yun sa akin.

"Yan ah!! We're now officially friends!! Sabi niya habang kinakamayan ako.

Habang kinakamayan, hindi pa rin matanggal sa mata ko ang nakakabighani nitong umbok malapit sa ibaba ng harap niya. Basta, habang pinagmamasdan ko siya, ramdam ko ang pagtaas ng erotic stimulation mula ulo ko hanggang kay dudong.

Sabay kaming lumabas ng banyo. Mukhang tapos na silang kumain. Nagtatawanan sila habang yung iba ay nagpi-picture sa loob para daw ilagay sa Friendster. Napansin ko rin ang boses niya kanina nung kausap niya ako. Medyo mababa at modulate lang kung tutuusin, pero nakaka-inlove para sa kanya na marinig yun. Unlike kay Lei na medyo may pagka-Christian Bautista ang boses nito na pinaghalong matining na mababa.

Nagyaya ang barkada na pumunta ng Quantum pagkatapos kumain. Kinuha ko ang mga kamay ni Lei at sabay naglakad. Nasa harapan silang lahat kaya hindi nila napapansin ang ginagawa naming dalawa. Si Jan ay laging nakatabi sa akin. Hindi ko alam kung pero sigurado akong gusto niya talaga akong makilala ng lubusan.

Nakarating kami sa loob ng quantum. Maraming tao kasi first day of school. Syempre, nandun kami para magkantahan.

Matagal kaming naghintay sa labas para makagamit ng kwarto para makakanta, siguro 45 minutes din yun. Pansin ko talaga kay Jan ang panay na tingin na natatanggap ko sa kanya. Hindi ko na lang ito kinibo. Samantala, laging inaalaska ni Nikol si Shaine kapag nakikitang nakasimangot siya, kaya biniyayaan siya ni Nikol ng Miss Simang award at for now on, si Miss Simang na siya at siya lang ang makakatanggap nito at wala ng iba.

Nakapasok na kami sa loob. Medyo malamig. Napansin kong mabilis mag-shiver si Jan. Pumunta si Lei at kinamusta ang kababata.

Ilang oras kaming naglagi sa loob ng videoke room. Halos lahat kami kumanta pwera kay Jan. Mahirap daw para sa kanya ang mga kanta lalo na mga tagalog songs kasi hindi siya gaanong pamilyar na kantahin yun.

Umalis kami ng quantum ng may napansin na naman akong papel na nakalukos sa ibaba. Agad kong kinuha yun at tinignan. Nang nabuksang lahat, mayroon na namang "Sorry Jacob" na sulat pero at this point, baligtad ito.

Sorry Jacob!!I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!

Nang tinignan ko ang date, August 18 1997. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang ganung mga sulat pero may isa akong hinala, na sa loob ng kwarto, sa aming walo kung sino ang nagpapakalat ng ganitong sulat sa akin.

Kaagad kong tinago yun. Iipunin ko ang mga papel na ito at gagawa ng imbestigasyon kung sino ang may pakana nito.

Natapos ang araw sa amin na puno ng kasiyahan at kababalaghan. Umuwi kaming lahat dama ang kasiyahan na akala namin ay mahihinto lang kapag nagtapos kami high school. First day of school is cool talaga!!

Habang dumadaan sa kalye ng Pacheco malapit sa amin, may napansin akong nagmamamanman na isang lalaki. Halos kasing edad ko lang. Matangos ang ilong nito at mukhang foreigner. Kumaripas ako ng lakad, lakad na eventually naging takbo na rin, hanggang sa hindi na niya ako kaagad nasundan. Feeling ko siya yung nakita ko sa sementeryo ni Cheney na hinabol ako. Ano kaya ang motibo ng mysteryosong lalaking ito sa buhay ko? Bakit niya ako sinusundan?

Itutuloy..

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP