Beautiful Andrew : Chapter 10
Saturday, December 24, 2011
Succesful ang operasyon, ngunit kinailangan parin ni Andrew ang mag undergo ng chemo therapy. Ilang bwan din siyang pabalik balik sa hospital para sa kanyang check up. Alam niyang nakabantay lang sa kanya lagi si Nel kahit hindi parin sila naguusap bukod na lamang kung kinakailangan para sa kanyang gamutan, at bukod sa nalaman niya kay Nel na nagbasyon si Carl ay hindi niya parin ito nakikita mula noon. Napapansin din niya ang tila laging pagkawal ni Nel sa sarili, pumapayat din ito at halatang laging puyat, hindi na ito ang dating Nel na kilala niya para itong may sakit o may iniindang karamdaman dahil sa mga pagbabagong nakikita niya ditto, ngunit alam niya anghirap ng trabaho nito pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga bagay na iyon.
Si Carl, sa tuwing naaalala siya ni Andrew ay hindi niya parin maiwaasan ang hindi mangiti, napatawad na niya ito, alam niyang mahal din siya nito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban siya sa karamdaman niya, umaasa siyang kasabay ng kanyang paggaling ay ang pagbabalik nito sa kanyang piling. Si Nel lang ang tanging tulay upang Makita niya si Carl, ngunit ayon dito hindi pa ito handa upang harapin siya.
“Congratulations Mr. Tabuso, you are now cancer free” tila musiko sa tenga ang tinurang iyon ni Dr. Santos, nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mukha ang saya.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang doctor ng mahigpit at hindi niya mapigilan ang maluha.
“Thank you doc, I owe you my life.”
“It’s my job, and you paid me for it” pagbibiro ng doctor,sabay na natwa sina Andrew at Ali.
Parang nasa alapaap ang kanyang nararamdaman, ngunit may kung anong kulang parin at nanatiling may bakas ng lungkot sa kanyang puso, si Carl. Pinuntahan niya si Nel agad agad ng malaman niya ang balita ng doctor ngunit hindi niya ito naabutan sa staion nila, ayon sa mga kasamahan ay pangatlong araw na daw nitong absent. Nagalala siya ngunit nawala din ito ng sinabi ng isang nurse na bukas ay baka papasok daw ito dahil may aasikasuhin ayon na rin rito ng makausap niya sa telepono.
Magaan ang loob na nilisan ni Andrew ang hospital, bukas babalik siya upang harapin na ang kanyang pangarap. Alam niya hindi sumisira sa usapan si Nel “magpaparaya ako…” tila ay narinig niyang muli ang tinig ni Nel, bukod dito ay ramdam niya na siya ang mahal ni Carl at gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli. Kay Carl lamang sya tunay na liligaya, isa pa sya lamang kanyang Beautiful Andrew.
----
You were just the dream that I once knew
I never thought I would be right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…
Habang naglalakad sya papalapit sa nurse station ng umagang iyon ay dinig niya ang kantang pumapainlang sa paligid galing sa FM Radio na nakagawian nang pinapakinggan ng mga nurse sa 2nd floor station, napangiti siya at naalala niya si Carl.
Ang mga ngiti nito, mga halakhak na animoy pagaari niya ang mundo. Ang paraan nito ng pagsasalita lalung lalo na pag binibigkas nito ang Beautiful Andrew at hindi niya makalimutan ang napakaseryosong mukha nito ng minsang napagusapan nila ang paborito nitong halaman sa rooftop, “Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember…. your roots hold me.”
Napangiti siya ng maalala niya ang kanilang nakaraan, ang pagibig na pinagsaluhan nila sa tuktok ng hospital kung saan siya naroroon ngayon.
…as endless as forever
you’re all I need to be with
forevermore….
Ilang minuto din siyang nakatayo at ninanamnam ang kanta sa FM Radio kaalinsabay ng mga alaala niya kay Carl, bago siya napansin ni Arlene, ang nurse na malapit kay Nel.
“Sir Andrew an gaga niyo naman ata, hinahanap niyo ba si Nel?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang tugon, bahagya siyang nainis dahil pinutol siya nito sa kanyang pangangarap panaginip.
“Nandito na siya, kagabi pa…dumating siya bago ako mag out, sabi ni Leo hindi pa raw sya umuuwi dahil nakita niya kanina na bumaba galing dyan sa taas” sabay nguso na ang tinutukoy ay ang rooftop.
“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.
“Hindi ako sigurado, pero baka nandyan sya sa kwarto ni Sir Carl” kumabog ang dibdib niya pagkarinig palang sa pangalan ni Carl. Aalis na lamang sya upang puntahan ang kwarto sa dulo ng 2nd floor ng nagtanong si Arlene.
“Sir Andrew, n-nagaway ba kayo ni Nel? O..o nagaway ba sila ni Sir Carl, dumating kasi siya dito at dumiretcho sa taas kagabi na mugto ang mga mata at halatang pagod na pagod…a-akala ko nga papasok siya para sa duty, pero tila wala sa sariling hindi pa ako pinansin.” nagtatakang tanong ni Arlene,
“Pinabayaan ko na lamang sya, siguro pagod lang talaga…at si sir Carl nga po pala, may balita ka sa kanya? Matagal ko na siyang di nakikitang kasama mo o ni Nel?” mahabang pagpapatuloy ni Arlene.
Nagkibit balikat na lamang si Andrew at bahagyang nagalala sa mga tinuran ni Arlene, “ano kaya ang problema ni Nel, problema kaya sa relasyon nila ni Carl” tanong niya sa sarili, at mula sa kawalan ay tila narinig niyang muli ang mga salita nito kamakailan “magpaparaya ako…” lihim na nabuhayan siya ng pagasa. “alam na kaya nito na lubusan na siyang magaling, kung kayat tinupad lang nito ang pangakong pag-ibig sa pagitan nila ni Carl?” ayaw magpaawat ng kanyang puso sa mga bagay na kanyang inaasam asam, napamura siya at lihim na pinagalitan ang sarili.
Kakatok pa sana siya ngunit napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, tahimik na pumasok siya at sinalubong siya ng madilim na silid, mag aalas nuebe na ng umaga ngunit nakasara ang mga bintana at ang makakapal na kortina ay nakatabing dito, ang tanging ilaw lamang sa paligid ay ang bughaw na liwanag na nanggagaling sa naka stand-by na tv sa video mode.
Sa kama ay ang nakaupong si Nel, mula sa makulimlim na liwanag ng tv ay nababanaag niya ang mga matang mugto at ang walang kaparis na kalungkutan.
Binuksan niya ang ilaw, at bahagya siyang nagulat sa kanyang nakita, pinagmasdan niya si Nel, magulo ang buhok nito at hindi nakaahit ng ilang araw dahil sa mahahaba na nitong buhok sa mukha, pati ang pag ligo ay tila nakalimutan na nito puno ng tuyong putik ang mga kamay nito maging ang dilaw na damit ay nanililimahid, humpak ang mga pisngi at ang kapaguran ay nakikita sa mga nangingitim nitong ilalim ng mata, at ang kanayang mga mata… puno ng paghihirap at pangungulila.
Lalapitan na sana niya si Nel ng lingunin siya nito, nagtama ang kanilang mga mata at walang anu ano’y dumaloy ang luha sa mga mata nito.
“He loves you…m-more than anyone else,” mahina ang boses na humikbi ito “I’m sorry for everything Andrew, I want you to know that Carl never ceased to love you”
“A-anong…?” naguguluhang tanong ni Andrew, ngunit may kung anong bikig na ang bumamabara sa kanyang lalamunan at ang tila sasabog na niyang dibdib.
“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.
1 comments:
ano ang ibig sabihin ni nel????? carl is gone....what.... naks kung saan na magaling na si andrew sa cancer.... im so sad.... wahhhh
ramy from qatar
Post a Comment