Parafle na Pag-Ibig Chapter 16
Saturday, May 14, 2011
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
****************************************
Chapter 16
Ako si Gener (a.k.a Jun)
Heto naman ang taong napanalunan ko sa raffle: si Boss Aljun
At heto ang kwento namin:
Dali-dali kaming pumunta sa computer laboratory upang mag online. At nakita nga namin doon ang litrato kung saan nagyakapan at pormang naghalikan kami ni Aljun.
May kalayuan ang kuha at hindi masyadong klaro ang mga mukha namin bagamat kung kabisadong-kabisado ng taong tumingin ang tindig, porma ng katawan, buhok at iba pang pagkakakilanlan naming dalawa, masasabi niyang 90% na kami nga iyon. Ngunit sa mata ng hindi kabisado sa amin, baka nasa 50-50 lang siguro.
Parang gumuho ang aking mundo sa aking nakita.
“Tsk! Tsk! Tsk!” ang narinig ko mula kay Aljun. “Kapag ganito kadumi ang kalakaran ng kanilang laban, e di sige, laruin natin. Pakawalan na natin ang mga ebidensya nakalap mo Fred. Ipost mo na sa fb mo at sa SALMO.
“Talaga idol? Yes!!! Dapat lang upang matauhan ang demonyang babaeng iyan!” ang sabi ni Fred na gigil na gigil na talagang ipalabas ang nakalap ng mga impormasyon tungkol sa background ni Giselle.
Subalit natuwa man si Fred sa sinabi ni Aljun, hindi naman ako mapakali. Grabe ang naramdaman kong magkahalong poot, takot, at hiya... At ang sunod kong naalimpungatan ay ang pagtatakbo ko palabas sa computer laboratory, hindi alam ang patutunguhan. Hanggang sa nakarating ako sa pinakaliod ng campus kung saan nandoon ang mga malalking puno ng kahoy at makakapal na talahib. Hindi pinupuntahan ng mga tao ang lugar a iyon. Kumbaga, parang isang lugar sa eskuwelahan na mistulang itinakwil.
Naupo ako sa isang nakausling malaking bato at doon, ipinalabas ang galit at sama ng loob. Nalilito ang aking isip. Nanggalaiti sa galit kay Giselle sa ginawang pagsali niya sa akin sa kanyang paghihiganti kay Aljun bagamat wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. At nainis din ako sa sarili ko kasi, sa bawat paghahalik sa akin ni Aljun hindi ko man lang magawang tumututol samantalang ayoko namang ma-in love sa kanya. At nainis din ako kay Aljun kasi ba naman, pakiramdam ko ay tinutukso niya ako palagi... Kaya tuloy, nakunan pa kami ng litrato. Parang hindi ko kayang harapin ang lahat...
“Boss...” ang narinig kong boses sa aking likuran.
Bigla akong napalingon. Nakatayo lang pala si Aljun sa aking likuran. “Bakit mo ako sinundan? Paano iyan kapag may nakakita na naman sa atin? Kukuhanan na naman tayo ng litrato niyan! Iyan ba ang gusto mo?” ang paninisi ko.
“Huwag ka namag magalit please...”
“Paanong hindi ako magagalit? Hindi mo man lang naisip na walang katao-tao dito? At kapag may nakakakita sa atin, ano na naman ang sasabihin ng mga tao sa atin? Di ba lalong mag-isip sila ng masama sa atin?”
“Tsk! Nagagalit ka na naman eh...”
“Ikaw naman talaga ang dapat sisihin sa lahat ng ito, eh! Ikaw naman ang nag-iinitiate ng halikan, di ba? Tingnan mo! Tingnan mo! Nakunan tayo!!!” bulyaw ko.
“Cool ka lang Boss... please?“
“Cool... Kung ikaw kaya mong maging cool, ako hindi! Hindi ko alam ang gaawin ko! Leche!”
Tahimik. Nakayuko lang si Aljun hindi na nagsalita.
Maya-maya. “M-may naobserbahan ako sa litrato. Una, blurred ito. Pangalawa, malayo ang kuha. Pangatlo, kung titingnang maigi, hindi tayo naghahalikan. At pang-apat, ang natandaan ko ay sa loob ng floating cottage tayo naghalikan, hindi sa aplaya. Ang anggulo ng pagkuha ng litrato ay nagmukha tayong naghalikan. Ipinalabas nilang talagang naghalikan tayo.
Medyo nabuhayan ako ng loob sa narinig bagamat may takot pa rin akong naramdaman sa mensaheng gustong ipalabas sa kampo ni Giselle…
“Kaya huwag ka nang malungkot. Huwag kang magalit sa akin. Kaya nating lusutan ang ipinalabas nilang litrato.”
“Oo... kaya nating lusutan. Ngunit kinukundisyon nila ang utak ng mga tao upang maghinala sila na tayo ay may relasyon!” ang paliwanag ko.
“At mayroon ba? Wala naman di ba? Bakit ka matatakot?” sagot niya.
Parang may sumundot na isang sibat sa aking puso sa narinig. Imagine, sa kabila ng mga naganap na halikan namin ay wala lang pala talaga iyon.... Parang ano ba? Naglalaro lang ba siya? O normal lang sa kanya ang pakikipaghalikan. Kaya ang naisagot ko na lang ay, “Sabagay... Wala naman talaga. Naghahalikan tayo pero hindi tayo magkarelasyon. Laro-laro lang ang lahat.” ang sabi ko na lang.
Binitiwan niya ang isang ngiting pilit. Para siyang nabilaukan at hindi makapagsalita.
Kaya lalo tuloy naukit sa aking isip na ganoon lang talaga. Laro-laro lang ang aming paghahalikan.
Parang lalo pa akong nasaktan. Parang may doble-dobleng sibat pa ang tumama sa aking puso.
Uupo na sana siya sa tabi ko. Marahil ay nais niya akong suyuin, pawiin ang naramdamang sama ng loob. Ngunit tumutol ako at binulyawan pa siya, “Huwag kang tumabi sa akin! Mamaya may makakakita na naman sa atin, bagong issue na naman!”
Tumayo naman siya kaagad. “Bakit ba puro takot ang nasa isip mo?” ang naitanong niya.
“Bakit ikaw, hindi ka ba natatakot?”
“Boss... sa buhay, dapat kang manindigan. Hindi tayo pwedeng mamuhay na puro takot ang nasa isip. Hindi pwedeng may ginawa ka ngunit hindi mo paninindigan ito. Oo, minsan nakakatakot ang manindigan. Ngunit kung kailagan mong harapin ang katotohanan, harapin mo. Lakasan mo ang loob mo. Ilabas mo ang iyong tapang. Walang patutunguhan ang buhay kung palagi kang nagtatago at nababalot sa takot.”
Pakiramdam ko ay natameme ako sa sinabi niya. Ngunit nangangatwiran pa rin ako. “E... tinutukso mo ako e.”
“Tinutukso ka ngunit pumapatol ka... take it as part of your decision. Isang dahilan kung bakit naging kumplikado ang tao ay dahil kahit pwede at madali niyang panindigan ang isang bagay, naghahanap pa rin siya ng lusot at ipasa sa iba ang responsibility. You are the only person solely responsible for your life, boss, wala nang ibang tao pa. And the only thing other people can do kung nasa isang gusot ang buhay mo ay either they support you or blame you. Either they will stand by you, or leave you. But it’s ok kung ginawa mo ang isang bagay dahil sa iyong paninidigan. Lalayo man ang ibang tao sa buhay mo, nalalaman mo naman ang tapat at tunay mong mga kaibigan.”
“Paano kung mali ang isang bagay na nagawa mo?”
“Kung sa tingin mong mali, aminin mong nagkamali ka. Ask for sorry. Ngunit kung sa tingin mo ay hindi mali ang ginagawa mo, paninidigan mong ito ang tama. Hindi lahat ng tama para sa iyo, ay tama din para sa pananaw nila. Ngunit kung panindigan mo ito, maintindihan ka rin nila sa bandang huli. Kasi, ikaw ang may-ari ng buhay mo. You are the captain of your fate; you are and the master of your soul boss… hindi ibang tao.”
“Bakit? Masasabi ko bang ang paghahalikan natin ay tama para sa akin?”
“Bakit? Mali ba?”
“Sa mata ng tao at mata ng Diyos ito ay mali.”
“Sinong nagsabi?”
“Ako...”
“Bakit ka pumayag na makikipaghalikan sa akin?”
“E...” hindi na ako nakasagot. Pakiramdam ko ay nabilaukan ako.
“Dahil nasasarapan ka? Dahil gusto mo?” dugtong niya.
“Ikaw ba ay gusto mo rin?”
“Sympre naman. Hindi ko gagwin ang isang bagay kung hindi ko gusto. At kung gagawin ko man, sisiguraduhin kong kaya ko itong panindigan... Ngayon, pwede mo bang sabihin kapag nagkabukingan, na hindi mo kasalanan dahil tinukso lang kita? At ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyaring halikan natin? Ganoon ba iyon?”
Hindi na ako nakaimik. Tama din naman siya. Gusto ko rin naman. Kaso... “Hindi naman kasi ganyan kadali eh. Hindi naman ‘pwede’ o ‘hindi pwede’ lang ang issue eh. Ang tanong ay kung tama ba, kung hindi ba masisira ang ating pangalan, kung hindi ba tayo pagtawanan at ikahiya ng mga kaibigan...”
“Iyan pa ang isang problema sa iyo eh. Andami mong ‘ifs’ and ‘buts’. Ginawa mong kumplikado eh. Simple lang ang tanong: kaya mo bang paninidigan o hindi? Para sa akin, wala akong pakialam kung sa gagawin kong paninidigan ay may mga kaibigang itakwil ako o kukutyain ako. Kasi, kung gagawin nila iyan, ibig sabihin ay they don’t deserve to be my friends.”
“So... kung may litrato talaga tayong naghahalikan, paninidigan mong naghahalikan tayo?”
“Bakit hindi? Ginawa ko, totoong nangyari ang ganoon, bakit ko idideny? Bakit.... ako lang ba ang nag-iisang tao sa mundo na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki?”
Hindi pa rin ako nakaimik.
“Bakit ikaw, hindi mo kayang panindigan?” tanong niya.
“E...”
“Gusto mo kahit ngayon, aminin ko nang naghalikan nga tayo?”
Pakiramdam ko ay may kilig na bumalot sa aking katawan. Para bang “Wow... kaya niyang gawin iyon para sa akin? Ang ipinahiwatig na ba noon ay kaya na rin niyang panindigang may relasyon kami?”
“Kaya mong gawin iyan?” ang nasambit ko na lang.
“Oo... kaya ko.”
“Paano na lang ang mga taga-suporta mo, mga tagahanga mo?”
“Mamahalin pa rin nila ako kung tunay nga silang tagasuporta ko. In fact, para sa mga totoong tagahanga ko, mas lalo pa nila akong mahalin kapag inamin ko ang isang bagay na bagamat masakit ngunit may dalang katotohanan. Lalo pa nila akong hahangaan, idolohin. Mahirap makahanap ng taong kayang panindigan ang mga bagay na sa kabila ng kasiraan sa kanilang reputasyon o kapahamankan sa kanilang seguridad ay manindigan pa rin sa ngalan ng katotohanan...”
Tahimik.
“Handa ka bang aminin ang isang katotohanan?” tanong niya sa akin.
“H-hindi... Hindi ko alam. Wala naman tayong relasyon eh. Bakit ko aaminin?”
“Ang katotohanang naghalikan tayo ang ibig kong sabihin. Hindi ang tanong kung may relasyon tayo.” Ang sagot niya.
Hindi naman ako makatingin-tingin ng deretso sa kanya. Hindi na rin ako nakasagot.
Hinawakan niya ang aking baba at itinutok ang mukha ko sa kanyang mukha. “So, kung may relasyon tayo... aaminin mong naghalikan nga tayo?”
Pakiwari ko ay pulang-pula ang aking mukha sa sobrang hiya, nagsisi kung bakit lumabas pa ang mga katagang iyon sa aking bibig. “H-hindi pa rin ah! Paano tayo magkaroon ng relasyon eh.. ayaw ko naman! Ayoko kayang maging bakla.” Sagot ko na lang bagamat gusto ko ring sabihing “Hindi mo naman ako niligawan o hindi mo naman ina-assert na may relasyon tayo!” Ngunit sa isip ko na lang iyon. Ayoko kasign sabihin niyang feeling assuming ako.
At bigla din niyang binitawan ang pagkahawak niya sa aking baba. Parang may bahid na pagkainis akong napansin sa kanyang galaw. Parang nadisappoint sa aking sagot. “Ok... bahala ka.” Ang sagot na lang niya na tila nawalan na rin ng ganang makipag-usap. “Tara na... doon tayo sa student center.”
“Ayokong umalis dito na tayong dalawa magkasama. Kapag may nakakita sa atin lalao siang maniwlang naghahalikan nga tayo. Papuntahin natin sina Gina at Fred.” Ang sagot ko.
“Ok... tatawagan ko.” At tinawagan nga niya sa kanyang cp sina Fred at Gina. “Si Fred lang ang pupunta. May klase si Gina” and sabi ni Aljun pagkatapos niyang maibaba ang cp niya.
Maya-maya, dumating na si Fred.
“Mauna ka na Boss... maya na tayo magkita sa flat ko.” ang sabi ko kay Aljun na agad namang tumalikod nang walang imik, bakas pa rin ang pagkainis sa kanyang mukha.
“Bye idol!” Sambit ni Fred kay Aljun at baling sa akin, “Bruha ka! Natikman mo na pala ang mga labi ni Aljun, wala kang sinabi!” ang sambit ni Fred.
“Anong natikman? Hindi naman kami naghalikan sa litrato ah!”
“Sa litrato hindi. Pero ang ibig kong sabihin iyong hindi sa litrato!” ang biro ni Fred.
“Huh! Anong hindi sa litrato?”
“Woi, fwend, bistado na kita... Halata sa galaw mo. Sabihin mo ang totoo. Huwag magsinungaling. Hayan o... humaba na ang ilong mo sa kakasinungaling mo. May nangyari na ba sa inyo? Ha?”
“Wala ah... halikan lang...” ang pag-amin ko rin.
“Ayyiiiii!!!!!” ang sigaw ni Fred na kinilig ng husto. “So... kayo na?”
“Hindi ah! Walang ganyan Fred.”
“Hah? Naghahalikan kayo ngunit hindi kayo?”
“Hindi ko nga alam Fred eh. Magulo...”
“Hahahaha! Nakakataawa naman iyan. Pero sa tingin ko fwend, pareho lang kayong nasa stage na confused at hindi matanggap-tanggap sa sariling mahal niyo na ang isa’t-isa. Para bang iyong pakiramdam na, ‘hindi naman ako bakla, bakit magbibigay ako ng motibo?’ bagamat nasasabik kayo sa isa’t-isa... Kasi si Aljun hindi naman bakla, may mga karanasan sa mga babae pero tingnan mo, patay na patay siya sa byuti mo! Haba talaga ng pubic hair ng aking fwend!” At tawa uli. “At ikaw naman... confused ka rin sa sarili mo. Kaya ok lang iyan fwend. Hayaan mo, everything will come into place at the right time. I-enjoy mo na lng ang set-up nyo ngayon fwend, lalo na iyong kilig. Ayiiiiiii! Sarap naman!”
“Paanong i enjoy. Heto nga naguguluhan ako...”
“Hay naku... ganyan ang pag-ibig fwend. Sa simpleng bagay, naguguluhan na. Maliit na bagay, ginawang malaki. Umiibig ka nga fwend! At panalo na ako sa pustahan natin. Ahehehehehehe!”
“Hindi pa ah! Hintayin natin na ma-inlove siya sa akin para tabla...”
“Ah.... Ok. Basta panalo ang puso ng fwend ko... Happy na ako. Basta... i-enjoy mo lang. Huwag ma-mroblema. Antayin na ang panahon na mismo ang gagawa ng paraan at magising ka na lang na kayo na...”
Binitiwan ko lang ang isang pilit na ngiti.
“Balik tayo sa bruhang Giselle fwend. Ipost ko na sa fb ko at sa group natin ang video scandal ni Giselle sa dating school niya, ang thread ng chat namin ni Anne, at iyong nahagilap ko lately fwend sa newsletter archive ng dating university nila na may news feature tungkol sa kanya.”
“Ha? Ano ang news feature na iyon?”
“Ang sabi doon... ‘Giselle Villanueva stripped of Miss University crown due to scandal’. May sub-title pang ‘school board considering expulsion’ At may picture ni Giselle doon fwend! Inilagay pa talaga ang mukha niya na para bang isinuka siya doon!”
“Good job Fred. Maaasahan ka talaga.”
“Syempre. In the name of KKK!” sabay tawa.
“Ano naman iyan?”
“Kataas-taasan, Kagalang-galang, Kapatiran.”
Natawa naman ako.
“Hayan... dapat ganyan lagi. Huwag magmukmok, huwag sirain imakuladang mukha. Hindi bagay sa kapogi-an ang nakasimangot...”
“Ikaw talaga...”
“Dapat lang naman na huwag kang sumimangot dahil marami na akong nakalkal na baho sa buhy ng Giselle. At marami pa akong kakalkalin. Nakita ko sa fb ang lalaking nabiktima niya sa dating unibersidad niya. Nakalagay kasi ang pangalan ng lalaking iyon sa newsletter nila at noong sinearch ko ito, nakita ko ang account niya. Single pa rin siya fwend at ang guwapo-guwapo din! Nag message ako kung pede niya tayong matulungan sa problema natin kay Giselle ngayon. Hinintay ko na lang ang reply niya. Kapag pumayag, lalong madidiin ang babaeng iyan. Ipalabas natin ang katotohanan fwend.”
“Salamat Fred...”
Sa student center kami nagpunta ni Fred. Nandoon pala si Gina. Naupo kami sa tabi niya. At kagaya ng dati, kuwentuhan. Nalaman na rin pala niya ang tungkol sa litrato na ipinakalat ng grupo ni Giselle.
“Ikaw ang tumabi sa akin Fred. Huwag si Jun dahil baka pagselosan pa ako ni Aljun.” Ang biro ni Gina.
“Woi... na hurt ka huh!” ang biro din ni Fred.
“Slight lang naman...” sabay tawa.
“Alalahanin mo, lalaki si Aljun at ikaw babae. Ibig sabihin, puwede naman ang three-some!” biro pa rin ni Fred.
“Ummmm!” ang pagbatok ko naman kay Fred. “Huwag kang maniwala sa kanya Gina. Walang malisya iyong sa amin ni Aljun.” Ang sabi ko kay Gina.
Inirapan naman ako ni Fred na nagawa pang magsalita. “Ganoon?”
Tiningnan ako ni Gina. “Kahit may relasyon pa kayo ni Aljun, crush pa rin kita.”
“Weetwiiiwwwww!” ang reaksyon naman ni Fred.
Natawa din ako. “Ako rin, crush din kita. Palagi naman yan eh...” sagot ko na lang. Totoo naman din kasi. Ewan. Di ko maintindihan ang sarili. May Aljun na akong naramdaman sa puso ko pero crush ko rin si Gina. “Anong feedback na narinig mo tungkol sa ipinakalat na litrato namin ni Aljun?” tanong ko na lang kay Gina.
“May mga nagsabing edited, doctored, may nagsabing siniraan lang daw ni Giselle si Aljun dahil hindi umipekto ang gimik niya. Ngunit ang nakakaloka ay ang mga narinig kong comments na ano naman daw kung naghahalikan ang dalawang lalaki, o ano kung magboyfriend nga sina Aljun at Jun... bagay naman sila.”
Na sya namang agarang pagsingit ni Fred ng, “Oo nga naman! Anong masama kung nagtitikiman ng laway ang dalawang lalaki, di ba?”
Nasa ganoon kaming pagdidiskusyon noong dumaan ang grupo nina Giselle na puro mga babae. At iyon bang paglalakad na head up, sobrang yabang na parang pag-aari niya ang buong unibersidad, feeling siya si Paris Hilton na isang bilyonaryang jetsetter. Pakiramdam ko ay nakita na niya kami doon bago sila dumaan sa harap namin. Habang naglalakad silang apat, lumingon si Giselle sa aming kinaroroonan, inismiran kami atsaka nagpatutsada ng, “Akalain mo? Ipinagpalit ang magandang babae sa isang bakla lang???” sabay halakhak.
Tawanan ang grupo nila.
“Baka mas mahaba ang hair niya kaysa sa iyo Sis!” biro ng isang barkada niya.
“Baka may lahing mangkukulam kamo. Matindi ang gayumang ipinainum... Pero babae yata ako! May matris, nagkakaanak, may tunay na boobs, maganda, mayaman, may legal na basehan sa pagpapakasal.... Hindi ako papayag na isang bakla lang ang aagaw ng lalaking mahal ko!” sagot naman ni Giselle na parang ipinamukha pa niya ang kanyang sinasabi sa aming grupo.
Para kaming nabilaukan simula pa lang sa pagpasok ng grupo sa eksena. Nagtinginan na lang kami sa isa’t-isa at lalo na sa akin, ang tingin nila ni Gina at Fred ay may bahid na pagkaawa na parang gusto nila akong suyuin na huwag mag react.
Masakit naman talaga. Parang gusto kong umiyak o magwala. At kung isang psycho war ang ginawang iyon ni Giselle para masaktan ako at ipaabot sa akin na huwag ko siyang kalabanin dahil masisira ag buhay ko o mapahamak ako, masasabi kong napakagaling niya sa kanyang ginawa. Kung nagkataong sibat ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig, tumbok na tumbok ng mga ito ang pinakasentro ng aking puso. Parang nanliliit ako sa aking sarili. Parang biglang nawalan ako ng lakas. Parang napakaliit kong tao, walang silbi at hindi karapat-dapat mabuhay. Tama naman talaga siya. Wala akong kalaban-laban sa pagmamahal ng isang lalaki kung ang karibal ko ay isang babae...
Alam ni Fred na nasaktan ako at batid kong gigil na gigil siyang makaresbak, kitang-kita sa kanyang mga mata ang panggagalaiti. Si Fred pa, hindi nakakatulog iyan kapag hindi nakakahanap ng paraan upang makaganti. Si Gina naman ay bagamat nasaktan din marahil sa personal niyang naramdamang maaring selos, at palihiim na hinahawakan at hinahaplos-haplos ang aking kamay at pinisil-pisil ito na parang ang mensaheng gusto niyang ipaabot “Huwag mo siyang pansinin...”
Yumuko na lang ako. Gusto ko mang mag-react, talo pa rin ako. Mahigpit kasing ipinagbilin ni Aljun na huwag magreact sa kanilang mga patutsada dahil baka gawin naman nila itong issue kung mapipikon ang kampo namin at ito naman ang kakalat, videohan at i-upload sa internet. Kaya, gustuhin ko mang mag-walk out, pinilit ko ang sariling magpakatatag at kunyari ay hindi naaapektuhan. Masakit. Mahirap. Pero tiis lang ako. Marami kayang mga estudyanteng nakatambay doon at nakarinig sa mga patutsada ni Giselle sa akin, bagamat may mga estudyante ding lumapit at sumali sa aming uimpukan, nagpahayag ng kanilang suporta.
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyan! Hindi nakita ang sampung kartolina na malapit lang sa lugar ng kanilang umpukan na punong-puno ng mga mensaheng suporta para kay Aljun at ang iba pa ay may patutsada at panlalait sa kanya?! Hindi na tinablan ng hiya ang hayup!!!”
Nasa ganoon silang pagtatawanan ng magbarkada noong parang bigla din nilang hininaan ang kanilang mga boses at seryosong nagkukwentuhan.
Na siya namang pagtayo ni Fred at palihim na tinungo ang likurang parte ng student center kung saan may sementadong dingding at decorative na butas-butas sa mismong pinag-uumpukan nina Giselle. Nasilip ko kasi sa butas ng dingding sa puwesto nina Giselle si Fred na nandoon sa likuran nila.
Nagkatinginan na lang kami ni Gina. Ang nasa isip namin ay nakinig lang si Fred sa usapan nila.
Habang palihim na nakinig si Fred sa usapan nila, nagsilapitan naman ang iba pang mga estudyanteng nandoon sa student center at nakiumpukan na rin sa grupo namin. Ang iba ay nagpahayag ng kanilang pagkainis sa paninirang-puri ni Giselle sa amin ni Aljun. Kahit daw ano ang ipost o ikalat ni Giselle na mga intriga, hindi sila maniniwala.
May 10 minuto at bumalik na si Fred sa kinauupuan namin. Nakangising-aso. Syempre, nagtaka kami kung bakit ganoon ang klase ng ngiti niya. Nakakaloko!
“May sorpresa akong pasabog.” sambit niya, sabay tayo at sigaw sa mga nakatambay na mga tao sa student center. “Hellow madlang students! May ipaparinig ako sa inyong surprise! Isang nakaririmarim at maitim na plano!!!” At pinindot niya ang play sa kanyang maliit na audio recorder.
Nagdadala kasi ng audio recorder si Fred lalo na kapag may meeting ang kanyang Drama Club kung saan siya ang secretary. Iyan ang pinakadahilan kugn bakit bumili talaga siya ng sensitive na audio recorder kung saan nakakapick-up ito ng kahit mahihinang ingay. At bilang secretary, imbes na mag note-taking siya habang tumatakbo ang discussions sa meeting, hinahayaan na lang niyang ang kanyang recorder ang gumagawa sa trabaho. At nakakasali pa siya sa discussion. I-play nalang niya uli ang audio kapag nasa bahay na siya at gagawin na niya ang minutes ng meeting ng club.
At noong makita nila ang hawak-hawak ni Fred na mini-audio recorder, nagsitayuan ang mga estudyante at ang nasa malalayo ay lumapit pa.
At... heto ang lumabas sa audio recorder niya. Naka-full volume pa ito:
Giselle: Nakita nyo ba ang reaksyon ng mga honghang noong pinapatutsadahan ko? Nanginginig, di ba? Hehehehe. (Pigil ang pagtawa)
Kaibigan ni Giselle 1: Dapat lang na matakot sila sis! Akalain mo… bakla pala iyang si Gener! Sayang, crush ko pa naman! Ewww! Nakakahiya talaga!
Giselle: At sigurado ako sis, ang Gener na iyan ang gumagawa ng paraan upang mahulog ang loob ni Aljun sa kanya. Nag take advantage siya doon sa tao dahil alam niyang susunod ang tao sa mga ipapagawa niya dahil nga sa kontrata ni Aljun bilang prize boy niya! Ang kapal talaga! Oportunistic! Manggagamit! Kung hindi lang prize boy si Aljun, I’m sure hindi siya papansinin.
Ewan. Hindi ko lubos na maisalarawan ang galit ko. Pakiramdam ko ay nasa boiling point ang aking dugo at kumukulo ito patungo sa aking ulo. Binitiwan ko ang napakatulis na titig sa grupo nila ni Giselle na marahil ay sa sobrang pagkapahiya, parang mga asong talunan na nakayukyok ang mga buntot at walang imik na nagsialisan. Parang puputok talaga ang ulo ko sa galit. Hindi ko akalain na ako pala talag ang direct target sa pagpapalabas nila ng litratong iyon. Ngunit pinigilan ko pa rin ang sarili.
“Woi! Saan kayo pupunta! Hindi pa tapos!” ang sarcastic na sigaw ni Fred sa grupo nila ni Giselle na kung gaano kayabang at kaangas ang pagdating ay kabaligtaran naman ang pag-alis. Sa sobrang pagkapahiya pakiramdam ko ay parang gusto na lang nilang magdisappear bigla sa kinaroroonan nila na parang bula upang walang makapansin.
Tiningnan kami ni Fred sabay tawa, “Namumutla fwend! Pati mga lipstcik ng mga pota naging simputi ng papel!”
Ngunit isang hilaw lang na ngiti ang isinukli ko. Masakit kaya ang nalaman kong talagang sadyang ako pala ang target nila. Hindi ko naman kasi siya kinakalaban, wala akong balak na masama sa kanya, at hindi ko nature ang mang-away. Ayaw ko ngang may kaaway e... Nagkataon lang na ako ang nanalo sa paraffle na iyon na nagkataon ding si Aljun ang jackpot prize. Ang masaklap pa ay ako na pala ngayon ang oportunista. Ako ang nang-akit kay Aljun. Baligtad yata...
Kaibigan ni Giselle 2: Ano ang plano mo ngayon sis na kumalat na ang picture nilang kung titingnan ay mukhang naghahalikan talaga? Hehehe.
Giselle: Maghahanap ako ng paraan para mahuli talaga ang dalawang iyan... Malakas ang kutob kong may patagong ginagawa ang Gener na yan kay Aljun e. Sayang at hindi nakunan ng asset ko ang loob ng floating cottage kung saan sila pumasok. Malalim kasi ang dagat... Pero mag-iingat sila dahil hindi ako titigil hanggang hindi ko masisira ang Gener na iyan! At palano kong gagawa uli ng sex video sa kanya at kay Aljun.” (sabay tawa ng pigil)
Kaibigan ni Giselle 1: Ano na naman ang gagawin mo upang makapagpalabas ng sex video sa kanila?
Giselle: Kailangan pa bang i-memorize iyan sis? (pigil na tawa) Wala ka yatang bilib sa akin eh. Syempre, dating gawi. Marami akong kakilalang kaibigang magaling magfabricate... anong silbe ng hi-tech ngayon kung hindi natin gagamitin. Pera lang ang katapat niyan sis! At may mga tao d’yan na pwedeng magpose na Gener at Aljun sa video at hayun, magsi-sex kunyari. Kailangan lang natin ma-videohan ang mga mukha ng tunay na Gener at Aljun.
Kaibigan ni Giselle 3: Sandali... bakit sex video nila ni Aljun? E di pati si Aljun ay masisira niyan?
Giselle: Sis... ano ka ba. Una, hindi masisira si Aljun dahil palabasin nating inakit lamang siya ni Gener. At lalaki si Aljun, ok? Pangalawa, dapat lang ding malaman ni Aljun na huwag siyang matigas ang ulo dahil may kalalagyan siya sa akin talaga. Ayaw niya akong pansinin? Pwes, damay siya sa intriga. (parang nairita ang boses)
Kaibigan ni Giselle 4: Woi, sis... Hinay-hinay lang tayo. Tingnan mo ang paskil nilang mga kartolina, andaming mga pumirma. At sa fb balita ko, madami daw sumuporta sa kanila. Baka sa magalit naman sa atin ang mga estudyante.
Giselle: Asusss! Maniwla ka d’yan! Tingnan mo ang mga penmansihp, pare-pareho halos lahat! Pabalik, balik ang pumirma. At iyong sa fb? Pabalik-balik lang naman ang mga comments noon. Baka may sampung tao lang ang nadoon at nagsasagutan lang ng mga kumento. Magaling silang gumawa ng panloloko sa mga tao. Magaling sa black propaganda ang mga iyan! Ang silent majority ay walang kibo... Sila ang panig sa atin.
Kaibigan ni Giselle 4: Hmmmm. Sabagay...
Kaibigan ni Giselle 1: Iyong kaso mo pala kay Aljun. Ano na ang balita?
Giselle: Mananalo tayo niyan. Ako ang bahala. May kakampi yata ako sa mga myembro ng kumite. At patatagalin nila ang kaso hanggang sa malimutan na lang ito at hindi na makakabalik pa si Aljun bilang president ng student council dahil matatapos na ang termino niya. (pigil na tawa) Hintayin na lang nating lumapit sa akin si Aljun at makipag areglo. (kinikilig)
Kaibigan ni Giselle 2: Waaaaahhh! May partey partey na naman!
Giselle: Sure. (Tawa)
At pinatay na ni Fred ang audio recorder niya sabay sabi sa mga nanood. “O... nag-enjoy ba kayo? Palakpak naman d’yan!” sabay tawa.
At nagsitawanan at nagsiipalakpakan nga ang mga estudyante.
Kaway-kaway naman ang Fred.
“Iba talaga ang bangis mo Fred! Panalo ka na naman!” sigaw ng isang estudyanteng myembro ng Cool Guys, Inc na prize boy din at isa sa mga best friends ni Aljun. Nakatambay din kasi doon ang mga ka-tropa niya. “I love you na Fred! Ikaw na ang bagong idol ko ngayon!”
Na sinagot naman ni Fred ng, “Adrian ha? Ang tagal ko nang naghintay! I’m all yours!” sabay bato ng flying kiss sa kinaroroonan ni Adrian.
Iyon ang eksena sa campus sa araw na iyon kung saan lumabas ang controversial na litrato namin ni Aljun.
Sa oras ng pag-uwi ko, kami ni Fred at Gina ang nagsamang pauwi. Binigyan ko na kasi ng instruction si Aljun na sa flat na kami deretsong Makita at ayokong ihahatid pa niya ako.
“Marami na tayong ebidensya Fwen. At kapag hanggang next week ay wala pa ring gagawing aksyon ang kumite, may plano akong gagawin sa dalawang pinaghihinalaang myembro ng kumite na syang humaharang sa pagpapabilis sa pagresolba ng kaso na iyan. Makikita nila. Hindi ako takot na ma-expel huh!”
“Woi, huwag naman gumawa ng drastic na hakbang Fred. Hindi na tayo aabot sa ganyan pa.”
“Oo naman. Pero kung ganyang magpapagamit ang iba d’yan sa kademonyohan ni Giselle, e, matira ang matibay.
Iyon ang natandaan ko sa pag-uusap namin ni Fred at Gina.
Noong makarating ako sa flat, wala pa si Aljun. Agad akong nag on-line. Binuksan ko ang fb ko at muli na namang akong naalipin ng galit. May mga nagpost kasi sa wall ko ng, “Bakla!” “mang-aagaw!” “Haliparot!”. Inireport ko na lang ang mayari noon atsaka dinilete ang mga posts. Nag text ako kay Fred at ganoon din daw ang sa wall niya. May mga hate comments.
“Hayaan mo na sila Fwen. Di lang nila matanggap na talo sila sa diskarte natin. Hayaan mo. Maya-maya, i upload ko sa wall ng fb ko at sa SALMO ang lahat ng ebidensya natin.” Ang sagot na text ni Fred.
Tiningnan ko rin ang litratong pinost ni Giselle kung saan mukhang naghalikan kami ni Aljun. Maraming comments na nagpahayag na naniwala sila sa litrato. May iba ding nagmumura sa galit sa akin at mayroon ding mura para kay Aljun.
Tinext ko muli si Fred tungkol dito.
“Fwen, hayaan mo. Sila-sila lang iyan lahat. Tingnan mo, ang karamihan ay walang profile picture! At mga kampon ni Giselle ang iba dyan sa dating school o sa kapatiran nila ng mga pokpok. I’m sure na may mga supporters natin na nagreact din d’yan ngunit dinelete nila dahil page nila iyan eh. Nagcomment nga ako d’yan gamit ang bogus kong acct at iniexplain ko na kung pagmasdang maigi, hindi talaga kayo naghalikan d’yan. Hayun deleted.”
“Ah... ganoon ba?” sagot ko na lang.
Maya-maya, nakita ko na sa SALMO under document #4 ang video na nakuha ni Fred galing sa best friend ni Giselle. Pinamagatan niya ito ng, “The Giselle Scandal That Tells It All” at may caption sa baba na, “Ito po ang naunang scandal ni Giselle sa dating University niya kung saan siya na kick out.”
May document # 5 din; ang thread ng chat nina Fred at Anne, ang best friend ni Giselle sa dating university niya. Pinamagatan itong, “A Chat With The Best Friends In Crime”
Ang doument #6 ay ang link ng newsletter ng dating university ni Giselle kung saan may nakasulat tungkol sa pagka-dethrone niya at pagkick out sa kanya ng unibersidad. At may caption itong, “Hindi pa ba kayo naniniwalang demonya ang may pakana ng lahat ng gulo sa ating unibersidad?”
Ang document #7 ay ang audio na ginawan talaga ni Fred ng parang video. Palihim na kinunan pala niya ang pagdating nina Giselle sa student center na dumaan pa sa amin at ang yabang yabang pa nilang naglakad. Tapos may voice over na “the grand entrance”. Naupo sila sa mesa nila at nagtawanan. At noong maging seryoso na sila at naputol na ang video, may voice over na naman, “The evil plan...” at ayun, maririnig na ang lihim nilang pag-uusap kung saan na record ni Fred at pinatugtog din niya doon mismo.
At ang document #8 ay ang litrato na namin ni Aljun na naghalikan daw sa dalampasigan. At may caption itong, “Ngayon, maniniwala pa ba kayo nito?”
“Grabe talaga si Fred! Ang galing!” sa sarili ko lang. Sobrang pinaghirapan kasi niya ang mga ebidensya na iyon. Syempre, delikado din ang lagay niya kasi ipinabugbog na nga siya ng alam ko, si Giselle ang may pakana, ngunit hayun, matapang pa rin siya... para sa akin. Para sa amin ni Aljun. Nakaka-touched naman ang ginawa niya.
Maya-maya, nakita ko na lang na may nagcomment na. At sunod-sunod. Ambilis. Ang iba ay nanggagalaiti sa galit. Hindi na ako nagcomment pa, nakibasa na lang ako sa mga palitan ng kumento.
Alas 7:30 na ng gabi noong dumating si Aljun. Dahil may susi naman siya, deretso na lang niyang binuksan ang flat ko. Medyo nanibago lang ako sa inasal niya sa pagpasok pa lang. Kasi ba naman, hindi man lang niya ko binati samantalang nasa sala lang naman ako, nakaupo sa sofa, naglalaptop. Dire-deretso lang siya sa kusina na para bang wala siyang nakikitang ibang tao.
“Nabulag na ba sya?” sa isip ko lang.
Syempre, naintriga talaga ako sa hindi niya pagbati sa akin. Hindi tuloy maiwasang mag-isip ako kung bakit ganoon ang inasal niya. Dahil ba iyon sa galit ko sa kanya sa likod ng school building o dahil hindi ko sya pinayagang magsama kami pauwi...
Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang laman ng posts ni Fred sa fb ngunit dahil sa ipinakita niyang kakaiba kaya pinili ko na lang ang manahimik.
Hanggang sa naihanda na niya ang aming hapunan at kumain na kami... para akong nag-iisa lang sa bahay na iyon. Dahil nakasimangot siya, sinimangutan ko rin siya. At noong matapos na kaming kumain, tumalikod na ako at bumalik sa sofa na parang wala lang, binuksan ang tv at nanood ng palabas.
Noong matapos na siyang maglinis sa kusina, naupo naman sya sa isang silya nakaharap sa tv. Wala pa ring imik. Ako naman, kunyari ay nakatutok ang mga mata sa tv, ngunit hindi nakaregister sa aking utak ang kwento. Kaya ang ginawa ko ay pininidot nang pinindot ang remote. Nagpapansin ba, na sna ay magreact siya o magsalita o kahit sitahin man lang ako upang kahit papano ay mabasag ang katahimikan at maipalabas ko ang mga tanong sa aking isip.
Ngunit bigo ako dahil dedma sya sa aking paglilipat ng channel. Kaya ang ginawa ko na lang ay pinindot ang isang channel na walang palabas at full volume ang ginawa ko. Sobrang ingay ng tv bagamat blangko ang screen nito.
At nagtagumpay nga ako. Nagsalita din siya, “Aalis na ako...” sabay tayo.
At agad kong pinatay ang tv sabay sagot ng, “Ano ba ang problema mo?” na hindi lumingon sa kanya.
“Wala naman. Baka ikaw ang may problema” sagot niya.
“Anong ako? Dumating ka lang ng walang ni ha, ni ho. Parang nag-iisa ka lang sa flat na ito at ang kasama mo ay multo, hindi mo kinikibo, sinisimangutan pa.”
“Di ba iyan naman ang gusto mo? Ayaw mong lumapit ako sa iyo, ayaw mong samahan kita, ayaw mong ihatid kita?”
“Ah... iyan pala ang ipinagpuputok ng butse mo? Bakit gusto mo bang gawin tayong pulutan ng mga tsismis? Gawing katatawanan ang buhay natin? Ganoon?”
“Bakit? Ano bang katatawang bagay ang pinaggagawa natin boss? Hindi ba tayo pwedeng kumilos ng naaayon sa gusto natin? Kailangan bang bawat galaw natin ay naaayon sa kung ano ang gusto ng mga taong nakapaligid sa atin? Sino ba ang mga taong iyan at natatakot ka sa kanila? Ano ba ang ikinatatakot mo?”
“Ah basta! Ayokong pinagtatawanan. Ayokong gawing sentro ng tsismis”
“Ang hirap kasi sa iyo boss... hindi ka nakikinig sa paliwanag ko e. Natatakot ka sa isang bagay na pwede mo namang i-ignore.”
“Nasabi mo lang iyan dahil hindi mo naramdaman ang naranasan ko.”
“Bakit ano ba ang naranasan mo?”
“Kanina, napick up sa audio recorder ni Fred na nag-uusap sina Giselle at ako ang binanggti niyang dahilan kung bakit ayaw mo siyang pansinin. Na ako ang umakit sa iyo upang makuha ko ang atensyon mo! Na ako ay isang bakla!” at tuluyan na akong humagulgol. “Naramdaman mo ba ang sakit at matinding hiya na naramdaman ko?”
Hindi nakaimik si Aljun.
“Ok lang sa iyo kasi, ang nasa isip ng mga tao ay lalaki ka. Walang mawawala sa iyo. Walang dapat ikahiya sa side mo. Pero ako??? Ako ang umakit sa iyo! Bakla ako! Ang sakit!!!”
“Boss... huwag mong isipin iyan. Hindi mahalaga kung ano man ang sasabihin ng tao. Ang importante ay kung ano ang ginawa mong kabutihan sa buhay. Malnis ang konsyensya mo, wala kang taong natapakan o nasaktan, at higit sa lahat, maligaya ka sa gagawin mo. Ang tao ay sadyang mapanghusga. May mga taong ayaw nilang makitang masaya o umangat ang kapwa nila; na ang nais lang ay pabagsakin ka at kapag nagtagumpay sila, pagtatawanan ka at iiwanan.”
“Hindi mo ako naintindihan!” Bulyaw ko.
“Naintindihan kita Boss. Masyadong mataas lang ang pride mo. Ibaba mo ang iyong ego para dito sa kinaroroonan ko, makita mo ang punto ko.”
“Umalis ka na...” ang nasambit ko na lang.
Kaya wala nang nagawa pa si Aljun. Tahimik na tinumbok niya ang pintuan. At bago tuluyang lumabas, nilingon niya ako. “Bukas, Byernes ay pupunta akong bukid. Dalawin ko ang inay. Wala naman akong pasok sa Byernes at wala na rin ako sa student council kaya magpahinga muna ako. Lunes pa ang balik ko…” at tuluyan nang lumabas.
Wala na rin akong nagawa kundi ang hayaang pumatak ang aking mga luha.
Kinabukasan sa school, napag-alaman kong nag-init na raw ang mga kumento sa SALMO. Karamihan ay galit nag alit kay Giselle at sa grupo nila. Ngunit pakiramdam ko ay nawalan na ako ng gana. Ang tanging nasa isip ko na lang kasi ay si Aljun. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nagpaalam sa iyo ang taong mahal mo. Lalo na umalis siyang may sama ng loob pa sa akin.
Nahalata ni Fred ang aking naramdaman kaya sinabi ko na rin sa kanya na umalis si Aljun. At ang payo niya ay, “Bakit di mo puntahan ang bukid nila? Alam mo naman, di ba?”
“O-oo. Alam ko. Binigay niya kasi ang address niya at instructions kung paano pupunta sa kanila at ano ang mga sasakyang bus, kung saan bababa…”
“Iyon naman pala e. Siguradong matutuwa iyon kapag puntahan mo siya sa bukid nila”
Gabi ng Byernes. Lalong tumindi ang pangungulila k okay Aljun. Hindi ako makatulog, at ang tanging laman ng isip ko ay siya lang at ang huling pagtatalo namin. Parang narealize kong mali ako at na dapat nga, kung kaya niyang manindigan, bakit hindi ko kaya?”
Sabado ng umaga. Wala akong pasok. Tuliro pa rin ang utak ko at wala akong maisip na puwedeng gawin upang malimutan ko si Aljun. Hanggang sa mag-alas dose na ng tanghali, sumingit sa isip ko ang mga katagang binitiwan niya, “Naintindihan kita Boss... Masyadong mataas lang ang pride mo. Ibaba mo ang iyong ego para dito sa kinaroroonan ko, makita mo ang punto ko.”
At nabuo ang isang desisyon. Susundan ko si Aljun sa bukid nila… “Bahala na! Wala na akong pakialam pa kung ano man ang sasabihin ng mga tao. Basta malinis ang konsyensya ko, wala akong natatapakang tao, at higit sa lahat, maligaya ako... Iyan ang importante.”
Dali-dali akong nag-pack up ng mga personal na gamit. Dala-dala ang aking bag na naglalaman ng aking mga baong damit at personal na gamit, tinungo ko ang pinto ng aking flat upang pumunta na ng terminal.
Ngunit laking gulat ko noong sa pagbukas ko ng pinto ay sya rin sanang pagbukas ni Aljun nito. Pareho kaming nagulat at nabitiwan ko pa ang hawak-hawak kong bag.
“A-akala ko ba ay nasa bukid ka na?” ang nasambit ko.
“Galing na ako sa bukid. Bumalik lang ako gawa nang may nalimutan. Ikaw? Saan ang punta mo at mukhang malayo-layo ang lugar na iyan?” sabay tingin sa aking bag na nalaglag sa sahig.
“E… a… mag… b-beach kami ni Fred. Oo magbeach kami…” ang alibi ko.
“Paanong magbeach e, nakita ko si Fred sa terminal. Uuwi daw siya sa probinsya niya dahil may sakit ang nanay niya.”
“Ulk! Buking ako!” sigaw ng isip ko. Nagtext pala si Fred sa akin na luluwas muna siya ng probinsya gawa ng nagkasakit ang nanay niya. “Ah…”
At bigla na lang bumakas sa mukha niya ang napakagandang ngiti. “Woi… susundan mo ako sa bukid no?” ang sambit niya.
“Hindi ah! Luluwas din kaya ako ng syudad. Dalawin ko ang mga magulang ko.” Pag alibi ko uli.
“Bakit? Nagkasakit din sila?”
“Pilosopo!”
“Biro lang po. O di sige, kung ganoon tara na! Sabay na tayo!”
“S-saan?”
“Sa Terminal!”
“Sabi mo may nalimutan ka! Ano iyon?”
“Ikaw. Nalimutan kong dalhin ka sa bukid at ipakilala kita sa nanay ko…”
2 comments:
wowowowwowowwwwww.. sarapppppppppp ng chapter 17.. nakakakilig hehehe
ang pangit nung jun/gener di bagay sa description sa kanya dun sa ibang chapters...
Post a Comment