Parafle na Pag-ibig 23 (Last Part)
Wednesday, June 8, 2011
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Hayyyy… tapos na naman ang isang kuwento...
Pabati muna kay Ric coronel na birthday sa Monday, 13 June. Happy bday!!!
*******************************
Nakalabas ako ng ospital pagkatapos ng isang linggo. Bagamat masakit pa ang sugat ko ngunit ang sabi ng duktor ay maari nang sa bahay na lang ako magpagaling. Gusto ko rin naman iyon kasi nakakabagot sa loob ng ospital. Palagi kong naalala ang huling tagpo namin ni Aljun doon.
Habang nasa Canada na siya, tumatawag naman at nagtitext sa akin si Aljun. Ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts niya. Syempre, gusto ko nang tuluyang kalimutan siya. Masakit man ngunit dahil ito ang nararapat kaya tiniis ko ang lahat. At upang tuluyang hindi na niya ako matawagan pa, pinalitan ko ang number ko.
Dahil pala sa kabutihang ginawa ni Fred sa akin at sa laki ng pasasalamat ng mga magulang ko, ginawang scholar si Fred nga aking mga magulang. At pati ang pagpagamot sa kanyang inang may sakit ay sinagot na rin ng aking pamilya. Kaya laking pasasalamat ni Fred.
“O di ba... adopted daughter ka na nina mommy at daddy. Sister na rin kita.” biro ko sa kanya.
“Oo nga eh... Sabagay, kitang-kita naman na hindi magkalayo ang mga hitsura natin.” sabay tawa.
Sa pangalawang linggo, hinikayat ako ni Fred na bisitahing muli ang manghuhulang albularyo. Sumang-ayon ako dahil gusto kong makasiguradong natanggal na talaga ang sumpa.
“Wala na ang sumpa, anak... pumasa ka sa pagsubok. Naipamalas mo ang isang bagay na babasag nito.”
“T-talaga po?” ang sagot ko. May dala itong saya, kahit papaano sa aking puso.
“Oo. Ngunit mas maiging puntahan mo uli ang lugar kung saan mo nakuha ang sumpang ito. May makikita kang senyales.”
“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang. Sabagay, iniisip ko ring bisitahin ang inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko. “S-ige po, kapag may panahon ako, dadalawin ko ang lugar. A-ano po ba ang senyales na iyon, Manong?”
“May kinalaman ito sa sumpa. Malalaman mo kung ano ang senyales na ito kapag nakita mo na”
“Ganoon po ba?”
“May nakikita pa ako sa baraha mo, anak. Numero: 18... at dalawang 8.”
“H-ha???!” ang gulat kong sagot.
“Manong ha... huwag mong sabihing may sumpa na naman ang numerong iyan. Isusumpa na kita talaga. Tama nang natamaan ako sa hita at ang friend ko ay natamaan sa dibdib. Ayaw na namin ng kung anu-ano pa. Hindi na nakakatuwa iyan.”
“May kinalaman ito sa katuparan ng iyong pinapangarap...”
“H-ho???”
“M-may isang desisyon kang gagawin sa buhay mo; isang malaking desisyon na maaring magpabago sa takbo ng iyong buhay. Di ba?”
“M-meron po.” Ang sambit ko na lang.
“May kinalaman ito dito. Pupunta ka sa isang lugar... at dito ay may isang desisyon kang gagawin.”
“M-matutupad po ba ang p-pinapangarap ko?” ang nasambit ko. Sumagi sa isip ko ang tinutukoy niyang lugar ay ang monasteryo.
Binitiwan ng albularyo ang isang matipid na ngiti. “Ayon sa iyong baraha? Oo... Ngunit kailangang ibulong mo ito sa kapag nakita mo na ang senyales.”
“Puwede bang gawan niyo po ng paraan upang huwag nang matupad ito? O baka nagkamali lang po ang kaibigan ko ng pagbigay ng baraha sa inyo? Baka para sa akin iyang mga baraha na nabasa ninyo. May pupuntahn din akong lugar mamaya; sa Jowa ko.” ang pagsingit ni Fred.
Napangiti ang manghuhula habang tiningnan niya si Fred. “Tama ang nahugot kong mga baraha ng kaibigan mo. At para sa kanya ito. Ito ay ikaliligaya niya.”
At iyon sinabi ng manghuhula na tumatak sa aking isip: matupad ang aking pangarap at ikaliligaya ko ang desisyong gagawin ko.
“Ikaliligaya mo raw ang pagpasok sa monasteryo?” ang tanong ni Fred sa akin noong pauwi na kami.
Habang nasa Canada na siya, tumatawag naman at nagtitext sa akin si Aljun. Ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts niya. Syempre, gusto ko nang tuluyang kalimutan siya. Masakit man ngunit dahil ito ang nararapat kaya tiniis ko ang lahat. At upang tuluyang hindi na niya ako matawagan pa, pinalitan ko ang number ko.
Dahil pala sa kabutihang ginawa ni Fred sa akin at sa laki ng pasasalamat ng mga magulang ko, ginawang scholar si Fred nga aking mga magulang. At pati ang pagpagamot sa kanyang inang may sakit ay sinagot na rin ng aking pamilya. Kaya laking pasasalamat ni Fred.
“O di ba... adopted daughter ka na nina mommy at daddy. Sister na rin kita.” biro ko sa kanya.
“Oo nga eh... Sabagay, kitang-kita naman na hindi magkalayo ang mga hitsura natin.” sabay tawa.
Sa pangalawang linggo, hinikayat ako ni Fred na bisitahing muli ang manghuhulang albularyo. Sumang-ayon ako dahil gusto kong makasiguradong natanggal na talaga ang sumpa.
“Wala na ang sumpa, anak... pumasa ka sa pagsubok. Naipamalas mo ang isang bagay na babasag nito.”
“T-talaga po?” ang sagot ko. May dala itong saya, kahit papaano sa aking puso.
“Oo. Ngunit mas maiging puntahan mo uli ang lugar kung saan mo nakuha ang sumpang ito. May makikita kang senyales.”
“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang. Sabagay, iniisip ko ring bisitahin ang inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko. “S-ige po, kapag may panahon ako, dadalawin ko ang lugar. A-ano po ba ang senyales na iyon, Manong?”
“May kinalaman ito sa sumpa. Malalaman mo kung ano ang senyales na ito kapag nakita mo na”
“Ganoon po ba?”
“May nakikita pa ako sa baraha mo, anak. Numero: 18... at dalawang 8.”
“H-ha???!” ang gulat kong sagot.
“Manong ha... huwag mong sabihing may sumpa na naman ang numerong iyan. Isusumpa na kita talaga. Tama nang natamaan ako sa hita at ang friend ko ay natamaan sa dibdib. Ayaw na namin ng kung anu-ano pa. Hindi na nakakatuwa iyan.”
“May kinalaman ito sa katuparan ng iyong pinapangarap...”
“H-ho???”
“M-may isang desisyon kang gagawin sa buhay mo; isang malaking desisyon na maaring magpabago sa takbo ng iyong buhay. Di ba?”
“M-meron po.” Ang sambit ko na lang.
“May kinalaman ito dito. Pupunta ka sa isang lugar... at dito ay may isang desisyon kang gagawin.”
“M-matutupad po ba ang p-pinapangarap ko?” ang nasambit ko. Sumagi sa isip ko ang tinutukoy niyang lugar ay ang monasteryo.
Binitiwan ng albularyo ang isang matipid na ngiti. “Ayon sa iyong baraha? Oo... Ngunit kailangang ibulong mo ito sa kapag nakita mo na ang senyales.”
“Puwede bang gawan niyo po ng paraan upang huwag nang matupad ito? O baka nagkamali lang po ang kaibigan ko ng pagbigay ng baraha sa inyo? Baka para sa akin iyang mga baraha na nabasa ninyo. May pupuntahn din akong lugar mamaya; sa Jowa ko.” ang pagsingit ni Fred.
Napangiti ang manghuhula habang tiningnan niya si Fred. “Tama ang nahugot kong mga baraha ng kaibigan mo. At para sa kanya ito. Ito ay ikaliligaya niya.”
At iyon sinabi ng manghuhula na tumatak sa aking isip: matupad ang aking pangarap at ikaliligaya ko ang desisyong gagawin ko.
“Ikaliligaya mo raw ang pagpasok sa monasteryo?” ang tanong ni Fred sa akin noong pauwi na kami.
“O-oo naman. Bakit hindi. Inner happiness at peace of mind iyan. Something spiritual.”
“Oo nga, spiritual. Pero ang puso mo ay hindi pa kaluluwa fwend. Hindi siya spirit. Katawang lupa ka. At katawang lupa din ang makakapagbigay-ligaya dito. Huwag ka nang tumuloy fwend.” Ang panghikayat sa akin ni Fred. “Hayaan mo, isang araw kapag tuluyan ka nang gumaling, dadayo tayo sa isang gay bar.” Dugtong pa niya.
Natawa naman ako. “Huwag na Fred. Nakatadhana na ang lahat.”
“Huwag kang maniwala sa tadhana-tadhana. Nasa atin pa rin ang huling desisyon no! O baka naman nagkamali lang ng pag interpret ng baraha ang manghuhula fwend. Malay mo...”
“Tama na Fred. Final na ang desisyon ko.”
“Hay naku.... Grabe...”
Tahimik.
“M-ma-miss na kita nito, fwend, kung ganoon. Ako naman ang masasaktan. Sila ay nagpaalam sa iyo ngunit ikaw magpaalam sa akin. Ano ba iyannn???” ang malungkot na sabi ni Fred.
“O, e di upang hindi mo ako ma-miss, sama na tayong pumasok sa monasteryo.”
“Hay naku... kung maaari nga lang sana. Kasi, alam ko na kahit sa loob ng monasteryo, may kontrabida pa rin. Ako ang dedepensa sa iyo doon. Awayin ko ang lahat ng mga monghe na mang-aapi sa iyo, wala akong paki kung siya pa ang general superior. Kaso... may inay akong may sakit fwend eh... at higit sa lahat, hindi ko maiwan-iwan ang Jowa kong si Jake. Ano na lang ang magyayari sa kanya? Paano na lang ang buhay niya kapag wala ako? Sino ang magbibigay sa kanya ng load?”
Natawa naman ako.
“Charingggg!” pagbawi din niya. “Mahal ko ang mokong na iyon no. At feeling ko ay mahal din niya ako fwend. Pramis. Lagi niya akong pinapayuhan, binibisita niya ako sa bahay namin, at kapag may time siya, tinutulungan niya akong alagaan ang nanay ko. Sweet niya fwend. Pramis... Botong-boto ang inay ko sa kanya.”
“Buti ka pa...” ang nasambit ko na lang.
Enrollment time. Sa dating flat ko pa rin ako tumira. Dahil ayaw kong ipaalam sa mga magulang ko na papasok ako ng monasteryo, ang paalam ko na lang sa kanila ay na mag-enroll pa rin ako at ipagpatuloy ang second year ng kurso ko. Hinintay ko lang ang buwan ng Agosto. Kasi, iyon ang tanggapan ng mga aspirants sa pagkamonghe.
Malungkot ang buhay na nag-iisa sa lugar pa kung saan nagsimula ang lahat. Sa bawat pagtulog ko sa gabi, sa mismong kama kung saan kami palaging natutulog, ang tanging unan na gamit namin ni Aljun ang siya kong tanging yakap-yakap.
Naalala ko rin si Kristoff; ang kakulitan niya, at ang harutan naming tatlo ni Aljun sa iababw ng kamang iyon bago kami natutulog. Ang sarap sariwain ng mga ala-ala. Ngunit ang bawat pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan ay madalas ding nagdudulot ng sakit sa aking damdamin. Bagamat tanggap ko na ang lahat, sadyang mahirap maghilom ang sugat ng puso.
Wala na rin kaming communication ni Aljun. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila. Tanging ang mommy ko lang ang nakakaalam sa bagong number ko. At ayaw ko nang malaman kung ano na rin ang nangyari sa kanila. Masakit pa para sa akin ang lahat. At kailangan kong bigyan ng panahon ang sarili upang maghilom. Ang panalangin ko na lang ay sana masaya na siya, sila ni Kristoff sa pilng ng kapatid ko.
Si Fred pa rin ang palagi kong kasama. Nad’yan sya palagi sa aking tabi at pilit na pinapasaya ako.
Hanggang sa gumaling na ang aking mga sugat.
Araw ng aking pagpasok sa monasteryo, maaga akong nagising. Lahat ng mga gamit ko ay inihanda ko na, ang iba ay ipinamigay ko kay Fred. Hindi naman kasi kailangan doon ang laptop, ang cellphone, i-phone, etc. Kaya ang lahat ng ito ay ibinigay ko kay Fred. May ilang t-shirt lang akong dala, dalawang sweaters, apat na pantalon, isang dosenang briefs, apat na shorts at mga personal na gamit kagaya ng toothbrush, shavers, at deodorant.
Tinawagan ko na rin ang mommy ko. Nag-iiyak siya sa kabilang linya. Inaasahan kasi niyang hindi ko na ituloy pa ang pagpasok doon. Ngunit hindi ako nagpapigil. Sa monasteryong iyon, hindi kailangan ng pera upang makapasok ang isang aspirant. Mga monghe na ang gumagawa ng paraan. Kaya hindi ako dependent sa mga mgulang ko.
As usual, si Fred ang kaibigan kong nandoon sa huling araw ko sa labas. Hindi rin naman kasi alam ng iba pang mga kakilala namin na talagang tutuloy ako sa pagpasok sa monasteryo.
Iyakan na lang kami ni Fred. Ang pagpasok ko kasi sa monasteryo ay mas matindi pa kaysa pag alis ng kaibigan patungo sa ibang bansa. Kasi, kapag nasa abroad ang kaibigan mo, magkakausap pa kayo sa telepono, chat sa internet, facebook. Ngunit ang mga contemplative monks, tuluyan nilang isasara ang pintuan nila sa mundo at sa pakikisalamuha sa tao.
Syempre, umaasa pa rin si Fred na magbago ang isip ko. Ngunit buo na ang pasya ko. Sa pag-alis ni Aljun sa buhay ko, para na rin akong namatay. Kaya nararapat lamang na sa isang monasteryo ko na igugugol ang natitira kong buhay.
Hinatid ako ni Fred hanggang sa terminal. Hindi ako pumayag na ihatid pa niya ako sa mismong monasteryo at doon pa kami mag-iiyak at magdrama.
Habang naglakbay ang bus patungo sa lokasyon ng monasteryo, hindi ko naiwasang hindi sumagi sa isip ko ang unang pagsakay ko ng bus patungo sa bukid na kasama si Aljun. Ang ka-sweetan naming dalawa na habang umaandar ang bus ay nakatulog ako sa kanyang balikat at ang kanyang bisig ay inlingkis pa sa aking beywang. Ang pag-inum namin ng soft drink sa parehong straw. Ang pakikinig namin ng iisang music sa aking ipod…
At habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, bigla ko ring naalala ang sinabi ng manghuhulang bisitahin ko ang lugar kung saan ako dinapuan ng sumpa. Dahil madaanan ko rin naman ang lugar nina Aljun sa sunod na terminal ng bus, napag-isip-isip kong mabuti na sigurong makita at ma-confirm ko ang sinasabing senyales na nagpapatibay na natanggal na nga ang sumpa upang mabawas-bawasan ang dinadalang bigat sa aking kalooban. At isa pa, gusto ko ring madaanan ang inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko, upang kahit papaano ay magkita pa din kami kahit sa huling pagkakataon.
Excited ang inay ni Aljun noong makita ako. Nagkuwentuhan kami sa mga nangyari sa kasal, nagpasalamt din siya sa lahat ng mga kabutihang nagawa ko sa kanya, kay Aljun at Kristoff bagamat nalungkot din siya sa hiwalayan namin ng anak niya.
“Alam mo, Jun, hangang-hanga ako sa paninindigan mong pagpaubaya. Napakalawak ng iyong pang-unawa at napakabusilak ng iyong puso...”
“Iyon kasi ang sa tingin ko ay pinakamagandang desisyon. Masakit man po ngunit mas may karapatan ang kapatid kong si Emma, si Kristoff at ang kanyang magiging kapatid kay Aljun.”
Niyakap na lang ako ng inay ni Aljun. Alam kong nasaktan din siya. Sadyang napakahirap lang talaga ng aking kalagayan.
“Dito ka na muna, Jun. Kahit dito ka matulog kuwarto ni Aljun, walang tao, pwede kang d’yan muna kung gusto mo.”
“Huwag na po, inay. Sumaglit lang po ako, nangumusta sa inyo, at bumisita na di sa lugar. Papunta po ako sa Norte, sa kabilang probinsya, may pupuntahan lang po.”
“A, ganoon ba? O siya, basta kapag may panahon ka Jun, puntahan mo ako dito ha? Nasasabik na ako sa anak ko. Kapag nakita kita, parang nakita ko na rin siya...”
“S-salamat po, nay.” Ang nasambit ko. “E... sasaglitin ko lang po ang tabing ilog atsaka dideretso na po ako nay...” dugtong ko, sabay yakap na sa kanya.
“O sige, mag-ingat ka anak...”
Noong marating ko ang pook, agad akong naupo sa dating inuupuan namin ni Aljun, sa isang patag na malaking bato sa gilid ng pampang kung saan nakaharap ito sa ilog.
Dama ko ang preskong hangin na pabugso-bugsong humampas ng aking balat habang naririnig ko pa ang ingay ng mga ibon at mga dahong nagkikiskisan sa pag-ihip ng hangin. Itinuon ko ang aking paningin sa ilog, halos walang pagbabago dito. Patuloy pa rin ang pag-agos ng tubig. Napakaganda talaga ng tanawin. Isang masterpiece na likha ng kalikasan.
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. Sa piling ni Aljun nagkakaroon ng kahulugan ang perpektong likha na iyon ng kalikasan.
Hindi ko naman napigilan ang sariling hindi mapaluha.
Maya-maya lang, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, biglang nagpakita ang ibong wagas! At hindi lang isa kundi dalawa!
Panandaliang nawala ang aking lungkot noong makita ang dalawang ibong tila naglalampungan habang nakadapo ang mga ito sa sangang dating dinapuan nila. Nagtukaan na parang nagkikilitian.
Naalala ko na naman si Aljun at ang sinabi niyang pamahiin tungkol sa wagas na pag-ibig...
Parang gusto kong mangarap muli na sana ay biglang sumipot si Aljun at na kami ang magkatuluyan. Ngunit dahil sa imposible na itong mangyari, ang nasambit ko na lang ay “Sana...”
At noong sumagi sa sisip ko ang sinabi ng albularyo na ibulong ko ang aking hiling, ang naibulong ko ay, “Sana ay sa loob ng monasteryo ko na matatagpuan ang tunay na kaligayahan...”
At noong mabanggit ko ang hiling kong iyon, narinig kong tila nagsiawitan ng dalawang ibon. Pakiramdam ko ay nagsasaya sila. Naitanong ko tuloy kung para saan iyong kasayahan at pag-aawitan nila; kung para sa akin ba iyon o ano... Parang weird ang pakiramdam ko sa nasaksihan at narinig sa kanila.
Napapikit tuloy ako at napabulong sa sarili, “Ok… kung si Aljun talaga ay para sa akin, dapat ay sisipot na siya ngayon. Hinding-hindi na ako tutuloy pa sa monasteryo kapag sumulpot siya dito, at ngayon na...” Parang hamon ko ba sa ibong wagas na mistulang tinutukso ba ako o iniinggit.
Naghintay ako. Isang minuto, dalawang minuto, tatlo, apat… “Sana… sana…” bulong ko.
At nagulat na lang ako noong mula sa aking likuran ay may sumutsot. “Pssssttt!!!”
“Si Aljun!” sigaw ng utak ko. Excited ko namang nilingon ang nasa likod ko.
Ngunit kung gaano ako ka-excited sa pagkarinig ko sa kanyang sutsut, ay siya namang kabaligtaran noong nakita ko no kung sino iyon.
Si Toto. Ang pinsan ni Aljun sa ina. “Ay ikaw pala iyan kuya Jun? Anong ginawa mo dito, kuya?” tanong ni Toto.
“Ah eh… wala. Dumalaw lang ako dito. Dumaan ako sa bahay nina Aljun at naisipan kung puntahan ang ilog.” Angmatamlay kong sagot.
“Ah… ganoon ba kuya? Sige… alis na po ako. Ingat po kayo kuya. Kapag may ipapagawa po kayo, tawagin niyo lang po ako.”
“S-salamat Toto. Sige, at maya-maya lang ay aalis na rin ako.” Ang sagot ko.
Noong makaalis na si Toto, tiningnan ko muli ang sanga kung saan dumapo ang mga ibon. Ngunit wala na ang mga ito.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Hapon na noong marating ko ang monasteryo. Napag-alaman kong may kabuuang pitong mga aspirants pala sa batch namin at apat kaming dumating sa araw na iyon.
Binigyan kami ng maiiksing individual confirmation interview ng general superior at noong matapos na, binigyan kami ng instruction at overview sa magiging activities namin.
“First of all, monks live in extreme discipline. We have three vows that serve as guiding principles in living our lives a monks. These are the vows of chastity, poverty, and obedience. Chastity becasue we remain to be pure and chaste in deed, in words, and in thoughts; poverty becasue as individual persons, we own no material possessions. All our personal needs will be taken care of by the community. When I say needs, I mean the basic things to survce as foods, clothing, which in our case our caramel-brown habit, and shelter which is the monastery. We have no need for money, we have no need for gadgetries. We only live inside the walls of this monastery in prayer, reflection, and self-sustenance. Bilang aspirants, you will undergo training and orientation that will help you understand and internalize these vows. You will have classes, studies about lives of monks, about the life of St. Francis of Assissi, about theology and religion, and others. Ang mga detalye sa routine ninyo, sa mga tasks at assignments ninyo dito sa loob ay ipapaskil natin sa ating bulletin board. Do you have any question?”
Walang nagtanong.
“And I would like to remind na in case anytime from today and during your training and orientation ay ma-realize mong hindi ka naaangkop para dito sa loob, the door is wide open for you to leave. No questions asked, walang pipigil sa iyo. The monastery is not a jail. You are free to go whenever you need to go... lalo na on this stage of your training.”
Tahimik.
“Ok... kung walang tanong, bubunot muna kayo ng numero to determine your room assignment. You are expected to work in pairs sa initial stage ng training ninyo. At ang tandem ay magiging magka-kuwarto din. Ngayon, dahil pito kayo, may isang magso-solo sa kuwarto niya at walang ka-partner… ang magkapartenr ay ang 1-2, 3-4, at 5-6. Pag number 7 ang nabunot mo, ikaw ang walang kapartner.” ang paliwanag ng superior.
“Kawawa naman iyong walang partner...” ang nasabi ko na lang sa sarili.
Ngunit ako pala iyon. Number 7 ang nabunot ko. “Ano ba to... talagang sinubok ang aking determinasyon dito sa loob...” bulong ko. Ngunit tanggap ko naman ito. “Mabuti na rin sigurong wala akong ka kuwarto. At least, walang istorbo” ang pagsi-sweet-lemon ko na lang sa sarili.
Ipinakita sa amin ang aming kuwarto at binigyan lang kami ng ilang sandali na ilagay ang aming mga gamit atsaka ipinagpatuloy ang orientation. Inikot namin ang loob ng monasteryo at pagkatapos sa kanilang garden naman.
Malaki ang kanilang monasteryo. Malawak ito at sa mga hallways gawa sa mga malalaking batong walang pintura o ni dekorasyon ay wala kang makikitang mga tao o mga monghe na naglalakad. Sadyang napakatahimik. Animoy maririnig mo pa ang ingay ng pagbagsak ng karayom sa makapal na sementong sahig. Isang perpektong lugar kung saan pwede mong mahanap ang iyong tunay na sarili.
May kapilyang malaki at malawak na ang estraktura mismo ay yari sa makakapal na semento at bato. Mga antigo ang nasa loob nito at ang mga poon ay ay halatang napakatagal nang gawa.
Sa likod ng monasteryo ay may malaki silang farm. May mga kahoy, may iba’t-ibang uri ng halaman at taniman. May taniman sila ng gulay, may taniman ng mga bulaklak, may palayan, may mga puno ng prutas. At napag-alaman kong doon pala halos lahat kinukuha ang kanilang mga pagkain. Kanya-kanyang assignment sila. May mongheng ang trabaho ay magsasaka, may mongheng ang trabaho ay pagsusulat ng libro, may mongheng kusinero, tagalinis ng monasteryo, may taga-alaga ng manukan at babuyan nila... at may maliit din silang fish farm. Self-reliant sila, self-sustaining sa kanilang mga pangangailangan.
Inikot namin ang lahat ng iyon, ipinakita sa amin kung saan kami inclined na mag contribute ng trabaho pagkatapos sa isang buwan naming training.
Pakalipas ng limang araw, dumating naman ang tatlo pang mga bagong aspirants. Ang isa ay galing Mindanao, ang isa ay galing ng Maynila at ang isa ay isang German na nasa 23 lang yata ang edad. At dahil ako ang napiling lider ng grupo, ako rin ang inatasang magbigay sa kanila ng familiarization orientation base sa nauna na ring naibigay sa amin.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako pa ang ginawang lider ng batch. Kasi, ako ang pinakabata. Ngunit siguro iyon ay dahil ako daw, base sa sinabi sa akin ng general superior, ang may pinakamataas na result sa ibinigay nilang responsibility and leadership assessment.
Akala ko kumpleto na kaming lahat ng aspirants sa batch ng iyon. Ngunit kinabukasan, sinabihan na lang kami ng father superior na may isang aspirant pa raw na humabol. Dahil hindi pa naman namin natapos ang required number of hours sa aming familiarization tasks, kung kaya pinayagan na lang din nilang humabol ito. At kagaya noong nahuling tatlo, ako pa rin ang inatasang magbibigay ng overview at mga paunang familiarization overview sa kanya. Bukod dito, magiging partner ko rin siya at kakuwarto.
Nasa loob na ako ng waiting room, ilang minuto ding naghintay sa nasabing humahabol na aspirant at handa na sa aking ibibigay na orientation. Medyo excited din ako kasi, madagdagan pa pala kami sa batch namin. Nungit laking gulat ko noong bumulaga na sa aking mga mata ang mukha ng nasabing aspirant.
Si Aljun!
Mistulang mawalan akong malay sa pagkakita ko sa kanya. Sobrang lakas ng kalampag ng aking dibdib na halos hindi ako makahinga.
“Good morning...” ang med’yo may pag-aalangang pagbati niya sa akin. Parang naiilang, o nahiya, hindi ko lubos maintindihan.
Ewan. May excitement akong naramdaman ngunit may naramdaman din akong pagkainis gawa ng hindi ko rin maintindihan ang kanyang motibo sa pagpasok sa monasteryo sa kabila ng may asawa na siya at sa kabila ng usapan naming buuin ang kanyang pamilya. Pakiramdam ko ay gusto niyang guluhin ang aking pananahimik. At pati ang monasteryo ay nilapastangan na lang niya din ng ganoon-ganoon na lang?
Imbes na gusto ko sanang malaman kung ano na ang mga nangyayri sa kanya at kina Kristoff at Emma, tiniis ko na lang na huwag magtanong. Hindi ko sinagot ang kanyang pag-good morning. “B-brother Jun ang itawag mo sa akin.” Ang naisagot ko na lang, may katarayan ang aking boses.
Binitiwan niya ang isang ngiting pilit. “B-brother Jun...” ang sambit niya.
“Please take your seat.” Ang sambit ko, pinilit ang isip na huwag paapekto, na huwag magpakitang natuturete ako sa pagkakita sa kanya, na dere-deretso pa rin ang mga salitang lalabas sa aking bibig.
Tahimik siyang umupo.
At sinimulan ko na ang overview. “First of all, monks live in extreme discipline. They have three vows that serve as guiding principles in living their lives: chastity, poverty, and obedience. Chastity becasue monks must remain to be pure and chaste – in deeds, in words, and in thoughts; poverty becasue as individual persons, they own no material possessions. All their personal needs will be taken care of by the community. Needs as foods, clothing, which for monks, their caramel-brown habit like what I am wearing now, and shelter which is the monastery itself. Monks have no need for money; they have no need for gadgetries. They only live inside the walls of this monastery in prayer, reflection, and self-sustenance. Bilang isang aspirant ng pagkamonghe, we will undergo training and orientation that will help us understand and internalize these three vows. We will have classes, studies about the lives of monks, about the life of St. Francis of Assissi, about theology and religion, and others. Ang mga detalye sa routine natin, sa mga tasks at assignments natin dito sa loob ay ipapaskil sa bulletin board from time to time.” Natahimik ako sandali, pinagmasdan siya na nakayuko lang, hindi ko alam kung nakikinig. “Do you have any question?” dugtong ko.
“Mayroon.” Ang kalmante niyang sabi kaagad.
“Go ahead.”
“Wala ka bang natandaan sa araw na ito?”
Syempre, para akong binatukan sa narinig. “Sorry brother Aljun. We don’t discuss persoal issues here. I’m just asked to give you this orientation and that’s it. We value silence and peace.”
“August 18... may kumatok sa flat mo, nagdala ng mga bulaklak at nagtanong kung iyon ang tirahan ng taong nakapanalo sa kanya sa Paraffle.”
“I don’t remember anything. I died and was re-born here sa loob ng monasteryo. When I died, all the things in my past died too. There’s nothing left but the present and the future”
“You died... and you forgot everything.” Ang may halong sarcasm niyang sagot, tumango-tango pa. “What a coincidence! I’m your god-sent angel to help you remember about the one person you love.”
“Brother Aljun. Don’t tempt me. You are like the snake who tempted Eve to eat the forbidden fruit. If your purpose of coming here is to keep going back to your past, then this is not the place for you. I’m moving forward with my life. Your world is outside. It is waiting for you. We are worlds apart. We don’t belong to the same world now.”
“Well if I need to cross that other world just to reclaim the one person I love, then I am going to do that. I don’t care if I am a snake that tempts someone... I just want my love back. And I will do anything and everything in my power to take him back with me. He is mine. He belongs to me.” ang matigas niyang sabi, ang mga mata ay nakatutok sa akin.
“Puwes, sasabihin ko sa iyo. I’m not buying it. Ito ang mundo ko. I will spend the rest of my life here.”
“Hindi ako aalis kung hindi ka sasama sa akin.”
“Ok... fine. Di dumito ka. Welcome to us.”
Tahimik. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. Hindi ko ipagkailang naguluhan ako sa bigla niyang pagsulpot at sa kanyang mga sinabi. Pinagmagmasdan ko rin siya na ang mukha ay hindi rin ma-drawing at nanatiling nakayuko.
“Hindi ka man lang ba magtanong kung ano na ang nangyari kay Kristoff, sa kapatid mong si Emma, sa mga magulang mo, sa mga tao sa labas?”
“Shittt! Bakit mo ba sila isisingit dito?! Kinokonsyensya mo ba ako? Pinili ko ang mundong ito, iba ang mundo nila! Ayoko na doon!” ang sambit kong tumaas na ang boses.
“You have changed…”
“People change. Things change. Everything changes...”
“But not love… alam ko, wagas ang pagmamahal mo.”
“It doesn’t matter. Love dies too. Mine died.”
“No. The only feeling that doesn’t die is love. Hatred dies down, happiness fades, tears run dry. But true love stays. It grows. It flourishes… It’s everlasting.”
“I’m not buyng it. Sorry. I can’t relate. The only love I know is agape.”
“Exactly. That’s what I mean.”
“No, you’re love is eros and thelema; romantic and lustful.”
Hindi siya nakaimik. Pakiwari ko ay gusto niyang umiyak o magmakaawa.
“I have to tour you around” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Tumayo siya at walang imik na sumunod sa akin.
Noong nasa may taniman na kami ng monasteryo, nagsalita siya. “Naalala ko ang bukid. At ang ilog…” ang sabi niya.
“Shut up!”
Ngunit nagpatuloy pa rin siya, “Naalala ko rin ang ibong wagas na nakita kong dumapo sa kahoy na katulad niyan. At nagpakita na naman siya sa akin bago ako pumunta dito.” sabay turo sa isang kahoy na kagaya noong kahoy sa may ilog sa kanilang bukid.
“I said shut up!!!”
“Naalala ko pa ang pagturo ko sa iyo kung paano umakyat ng buko, at nanginginig ka noong nasa taas ka na na halos hindi na makababa?”
“Arrggghh! Shut up! Shut up!!!” ang pigil ko pang pagsigaw sa kanya, pinigilan ang sariling huwag umiyak.
“Bakit ka ba galit? Ganyan ba ang isang monghe? Mabigat ang kalooban? Walang peace of mind? Nagagalit? Sumisigaw?”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napatigil ako atsaka naupo sa isang bangko na kahoy na nasa lugar. “Bakit ka ba pumasok dito? Ano ba ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ginugulo ang buhay ko?”
“Boss... lumabas tayo dito boss. Hindi ito ang lugar para sa atin.”
“Nag-usap na tayo... Buo na ang pasya ko. Please layuan mo na ako. Lumabas ka na dito.”
“Ano ba ang gusto mong gawin ko upang sumama ka sa akin?”
“Kamatayan. Kung mamatay ako, saka na ako lalabas dito.”
“Paano kung ako ang mamatay? Lalabas ka rin ba?”
“Magdasal ka ng taimtim, brother Aljun. Baka sakaling ma-enlighten pa ang pag-iisip mo.” Sabay irap ko sa kanya at tumayo na muli ako at ipinagpatuloy ang pag tour sa kanya sa lugar. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi na rin siya nagsalita.
Alas 10 ng gabi, oras na ng pagtulog namin. Dahil ka kwarto ko sya, inexpect ko na doon din siya matulog sa isang kamang katabi ng aking kama. Nakatulog na ako at nagising ng alas 12 ng hatinggabi ngunit nanatiling malinis ang kanyang kama.
Syempre, nabahala ako kung saan siya natulog. Pinuntahan ko ang mess hall, inikot ang mga hallways, ang library, ang garden, ang waiting rooms. Ngunit wala siya. At ang huli kong pinuntahan ay ang chapel. Doon ko siya nakita. Nakaupo sa upuang pinakaharap ng altar at marahil ay nakatulog na dahil ang ulo ay nakasandal sa sementong digding ng kapilya.
Umupo ako sa tabi niya. Doon ko na confirm na nakatulog nga siya noong nakita ko ng malapitan ang kanyang mukha. Ramdam ko ang awang gumapang sa aking katauhan sa nakita sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa kanya na doon matulog sa kapilya at kung ano ang ipinalangin niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Apat na buwan kaming hindi nagkita ngunit ang kasabikang narmdaman ko sa kanya ay mistulang isang dekada nang nawala siya. Wala pa ring ipinagbago sa kanyang taglay na kakisigan. Pakiwari ko ay lalo pa siyang gumuwapo. Parang gusto ko siyang yakapin, haplusin ang kanyang mukha, siilin ng halik ang kanyang mga labi.
“Uhmmmm!” ang ungol na lumabas sa kanyang bibig sabay pagbuka kanyang mga mata. “Ay... nand’yan ka pala. Ang sambit niya noong makita ako.
“D-doon ka na matulog sa kuwarto natin...” sambit ko.
“D-dito na lang ako. May hiniling ako sa kanya.” Sabay turo sa poon. “Nangako akong dito ako lagi matutulog hanggang hindi pa natupad ang hiniling ko sa kanya.
“A-ano naman ang hiniling mo?” Ang pag-aalangan kong tanong.
“Na pakawalan ka na niya; na ipaubaya ka na niya sa akin...”
Napayuko na lang ako. Hindi nakaimik, ramdam ang lalo pang pagkaawa sa kanya.
“Mahal na mahal kita boss... Ayokong lumabas sa monasteryong ito nang hindi ka kasama...”
“May asawa ka na. Kasal ka sa kapatid ko...”
“Oo kasal kami. Ngunit nagkasundo na kami ni Emma...”
“Anong pinagkasunduan ang sinasabi mo?” ang gulat kong tanong.
“Hindi ako ang ama ng pangalawang anak ni Emma. At may boyfirend siyang isang Canadian. Ginawa lang niya ang pagpakasal sa akin dahil gusto niyang makaganti. Ginamit niya lang ako, boss... At ito ang sinabi niyang malaking problemang kinakaharap niya, at sa ginawa niyang pagpapakasal sa akin noong malaman niyang magkapatid kayo at lalo na noong sinagip mo ang buhay niya.”
“Sinungaling ka!” ang pigil kong pagsigaw “Nag-imbento ka ng kuwento upang lumabas ako dito.”
“Hindi boss. Totoo ang sinabi ko sa iyo.”
“Bakit hindi niya sinabi iyan bago kayo umalis? Bakit hinayaan niyang pumunta pa kayo ng Canada?”
“Noong sinagip mo ang buhay niya, nagbago ang plano niya. Sinabi niya ang lahat sa daddy mo at dahil gusto niyang lumigaya ka, kaya naisipan na lang niyang dalhin pa rin kami sa Canada upang tuluyang magiging Canadian citizens kami ni Kristoff base sa bisa ng kasal, at upang doon, kukunin ka namin at doon na tayo magsama.”
“At itong lahat ay alam mo ngunit hindi mo ipinaalam sa akin?”
“Hindi boss... Bago ko lang nalaman. Nitong nagkabalikan na sila ng boyfriend niya sa tulong din ng iyong daddy. Kaya may kaunting sama ng loob din ako sa kapatid mo dahil hindi niya kaagad sinabi. Ngunit hindi din naman kasi niya alam na papasok ka sa monasteryo. Nalaman na lang nila noong araw ng pagpasok mo kung saan nag-iiyak ang mommy mong tumawag sa daddy mo sa Canada. Kaya dali-dali na kaming umuwi ni Kristoff. At ipinangako ko sa kanila at kay Kristoff... na dadalhin kita sa pagbabalik ko.”
“Ayoko pa ring maniwala sa iyo.”
“Ano ba ang dapat kong gawin upang maniwala ka?”
“M-atulog na ako...” ang sambit ko na lang sabay walk out at tumbok sa aming kuwarto.
Subalit hindi ako dalawin ng antok sa buong magdamag. Lalo akong naguluhan.
Kinabukasan, hindi ko nakitang kumain si Aljun. Bagamat nag-aattend naman siya sa mga lectures ngunit kapag sa oras na ng kainan ay wala siya. Napag-alaman kong nagpaalam daw ito sa aming trainor na magpahuling kumain at may iba pa siyang gagawin. At sinang-ayunan naman daw ito.
Dahil naguluhan na rin ang isip ko, halos ayaw ko na rin siyang makita. Bagamat magpartner kami, hindi ko siya kinakausap. Pinilit akong umiwas. Hindi na rin ako nakialam pa sa kung ano ang ginagawa niya at kung ano ang kalagayan niya.
Kinagabihan, nandoon uli siya sa kapilya at kagaya ng naunang gabi, doon na naman siya nakatulog. Naawa naman ako. Mistulang unti-unting nalusaw ang pagmamatigas ng isip ko sa nakitang kanyang ginawa.
Sumasali naman siya sa mga activities namin bagamat matamlay siya, tuliro, malalim ang iniisip, at lumalalim ang mga mata na parang puyat at pumayat.
Ganoon palagi ang routine niya hanggang sa pang-anim na araw, umaga iyon noong nagkagulo ang mga monghe sa monasteryo. Si Aljun ay hindi na nagising. Nag-collapse daw ito. Napag-alaman kong hindi daw pala ito kumakain o ni umiinum ng tubig o kahit na anong liquid sa katawan sa may 6 na araw na ang lumipas.
Dinala agad siya sa ospital, sa labas ng monasteryo. At hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
At doon na naantig ang aking puso noong may isang sulat na inilagay si Aljun sa ibabaw ng altar na nabasa nila, “Alam mong hindi ako relihiyosong tao. Alam mong marami din akong pagkukulang... ngunit sana ay sapat ang gagawin kong sakripisyo upang ibigay po ninyo ang kaisa-isa kong hiling: na sana ay makasama ko siya. Walang silbi ang buhay ko kapag hindi ko siya makapiling. –Aljun– ”
Nakonsyensya. Iyon ang pakiramdam ko. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang aking gagawin. Nag-excuse upang hindi muna sasali sa session sa umagang iyon.
Maya-maya, may kumatok sa kuwarto ko. Ang trainor namin at may iniabot sa akin. Isang sulat galing kay Aljun.
“Dear Boss... mahal na mahal kita. Ayaw ko nang mabuhay kung wala ka. Sana ay sagipin mo ang pagmamahalan natin. Sagipin mo ako boss... sagipin mo si Kristoff. –Aljun–”
At sa maiksing sulat niyang iyon nagbago ng lahat...
***
Gabi noong makarating ako sa ospital kung saan na-confine si Aljun. Ang inay niya ang nagbantay. Nandoon pa raw si Kristoff sa bahay namin dahil hindi nila ipinaalam ang nangyari sa kanyang ama. Iyon daw ang mahigpit na bilin ng daddy ko.
Sinabi ko sa inay ni Aljun na ako muna ang magbantay sa kanya.
Hinila ko ang upuan sa gilid ng kanyang kama. At habang pinagmasdan ko ang kanyang mukha, hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha. Sumagi sa isip ko mga pagsubok at balakid na dumaan sa aming buhay.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi, binulungan siya. “Boss, mahal na mahal din kita. Sorry talaga… Pangako sa iyo, hindi na kita iiwanan pa.”
“Uhhhmmm!” ang narinig kong ungol niya. Nagising pala siya. Noong nakita niya ako, binitiwan niya ang isang ngiti. “N-nandito ka...?”
Tinugon ko ang kanyang ngiti sabay yakap ng mahigpit na mahigpit sa kanya na tila hindi ko na siya pwedeng pakawalan pa. Humagulgol ako. “Sorry boss… sobrang sorry talaga. Ayokong mawala ka pa sa akin. I love you…”
Niyakap din niya ako at hinaplos ang aking likod. “I love you too… Ok lang iyon. Malakas ka naman sa akin e. Kahit ano, gagawin ko para sa iyo. Kahit saan ka pupunta, susundan kita. Kahit sino pa ang aangkin sa iyo, aagawin kita sa kanya...”
Wala pang dalawang linggo at tuluyan nang gumaling si Aljun. Agad-agad inasikaso namin ang mga papeles patungong Canada upang doon na manirahan. Napagdesisyonan na rin naming doon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Dahil mayaman ang aking kapatid na si Emma, binigyan niya ng malaking katungkulan si Aljun sa isa sa mga negosyo niya, isang deputy general manager. Habang wala pa kaming sariling bahay, sa isang bahay ni Ate Emma kami muna tumira kasama si Kristoff habang si Ate Emma ko naman at ang kanyang boyfriend at ang anak nila ang nagsama.
Ang daddy ko ay palagi na ring naglalagi sa Canada. Hindi niya kasi matiis na hindi makita ang kanyang apo. Minsan, sumasama din sa kanya ang mommy.
Dalawang taon ang lumipas at ipinawalang-bisa na ang kasal nina Aljun at Ate Emma. Umuwi kaming lahat sa Pilipinas at doon, nagkaroon ng reunion ang pamilya. Syempre, hindi nawawala si Fred at ang kanyang boyfriend na si Jake na talagang naging faithful sa kanya. At dahil natuwa din ang kapatid ko sa ipinamalas na loyalty ni Fred sa akin, pinangakuhan siya ni Ate Emma na bibigyan din ng trabaho sa Canada, kasama ang boyfriend niya.
Pagkatapos ng bakasyon na iyon, isinama na rin namin sa Canada ang inay ni Aljun na mas lalo pang nagpasaya sa aming pamilya.
Sa darating na taon ay magpapakasal na kami ni Aljun. Ito na iyong pinaka-culmination sa yugto ng aming pag-iibigan. Bagamat ayokong mag-expect na magiging smooth-sailing ang susunod pang yugto ng aming buhay ngunit sa tibay ng pag-ibig na ipinamalas namin sa isa’t-isa, alam kong malalapasan din namin ang lahat ng mga pagsubok.
Salamat sa pagdating ng isang Aljun Lachica sa aking buhay. Salamat sa isang paraffle na pag-ibig...
Wakas.
6 comments:
ang ganda ganda.. hope u can write more. sa mga kwento mo, nakakainspire na magpatuloy ang wagas na pagmamahal ng mga taong pareho ang kasarian.
walang pasubali, you really move mountains!! congratualtions! cheers!
Sana may music... Ang theme song sa kasal ay "I'm Yours".
Haay! Ang saya naman. Nakakainggit!
WOW!~
T_T
Thanks po sa paglalapat ng napakagandang ENDING! . .
kakaiyak . . . huhuhuh
love ko na yang si Aljun . . promise . . .T_T
Thanks! Author . . . & GOD Bless . . .
i almost cried, pinigilan ko lang kasi nasa office ako nagbabasa ehehehe....
super tlga... ganda ng story mo.. sna meron din tao n handugan ako ng wagas n pag-ibig. nakakaingit pag-big nila...
WOW,., super ganda na story,., nkakaiyak, nakakakilig,., hahahaha,., Masaya aq sa ending ,.,yehey,.,!!,., more stories pa author,., haahahaha
Post a Comment