Someone Like Rhon 3
Friday, February 25, 2011
by JoshX
According to the theory of special relativity, as you move faster and faster and approach the speed of light, your clocks will slow down. If you could reach the speed of light, you clocks would stop. And if you could go even faster than the speed of light, then in principle you could go back in time.
J. Richard Gott
Time Travel in Einstein's Universe
pp.82-83
----------oo0O0oo----------
Nanatili muna ako sa aking posisyon kung saan o anoman ang kinabagsakan ko. Nakikiramdam sa mga parte ng katawan ko na posibleng nasugatan o nabalian. Mahirap ng gumalaw dahil kung sakaling may fracture ako, sa konting galaw siguradong lalala ang aking kundisyon.
Halos manindig ang aking mga balahibo sa biglang pagkaalala ko ng mga nangyari sa eroplano. Sariwa pa sa aking isip ang mga sigawan at takot pati na ang pagkahati ng eroplano at ang pagkatanggal ng seatbelt ko na sinundan ng isang malakas na pwersa na parang humigop sa akin.
Iyon lang ang kakaiba dahil napakabilis ng paglayo ko mula sa sumabog na eroplano. Pati na ang pagbagsak ko ay sobrang bilis din.
I plummeted at an altitude even faster than the speed of light!
Malamig ang hangin na humahampas sa aking tiyan at ramdam ko rin ang pag-angat ng aking pag-itaas na damit na lalong nagpalamig sa aking balat. Pinakiramdaman ko ang bawat parte ng aking katawan, mula ulo hanggang paa pero kakatwang wala akong maramdamang anomang hapdi, kirot o sakit. Parang iyong feeling lang na normal lang na nahiga sa pakiramdam ko sa aking likod ay lupa na may mangilan-ngilang damo na banayad na tumutusok sa aking mga braso at batok.
Imposible!
Iyon ang sigaw ng isip ko. Sa taas ng eroplano bago ito sumabog kanina, imposibleng wala akong maramdaman na kahit katiting na sakit.
Iyon ang sigaw ng isip ko. Sa taas ng eroplano bago ito sumabog kanina, imposibleng wala akong maramdaman na kahit katiting na sakit.
I tried to move my left hand a bit, then my right hand, then my two feet followed by my head now facing directly upwards. Everything is really normal.
Sa pagmulat ng aking mga mata, unang bumulaga sa akin ang papadilim na langit na halos nalalatagan ng makapal na ulap na nagbabadya ng paparating na ulan.
Bakit papadilim? Dapat madilim pa dahil kung kakalkulahin ang oras, ilang minuto lang ang nakakaraan pagkatapos ng alas-dos ng madaling araw. Mas convincing pa kung magbubukang-liwayway na.
Oh My! Posible bang nakatulog na ako ng ilang oras kaya ngayon magdadapit-hapon na? Posible dahil tanda ko'y nawalan ako ng malay kanina.
Tumingin ako sa aking kanan at tumambad sa akin ang malawak na parang na biglang sinundan sa may horizon ng mga kawing-kawing na bundok. Ibig sabihin nakahilata ako malapit sa cliff. Halos parang din sa ibang parte ng paikot kong iginala ang aking tingin pakaliwa. May kaunting pagkakaiba lamang dahil may napansin akong rough road mga ilang metro ang layo at mga ilang dipa naman ay may naka-park na jeep.
Sa may direktang kaliwa ko pa ay nakatayo ang isang mala-Adonis na lalaki. Sa tingin ko'y sundalong Kano ito base na rin sa suot na fatigue uniform na halos humakab na sa maskulado nitong katawan at army cut na buhok na kulay light brown. Nakapako ang mga mata nitong kulay iced blue sa aking sick pack abs na lumitaw sa paghampas ng mabining hangin. Parang nililok naman ang matangos na ilong na perpektong nakalagay sa rugged features ng guwapong mukha nito na parang na-magnet sa tinitingnan. Parang kumiliti naman sa akin ang gesture niyang iyon.
Nang mapansin niyang nagkamalay na ako ay tumingin ito ng diretso sa aking mga mata saka composed na humakbang palapit sa akin.
I realized then how tall this man when he was towering over me, his weight equally balanced on his two feet. He must be more than six feet tall. In his baritoned voice and his iced blue eyes never left mine he said, "Who are you? Don't you know this is a private land?"
There is really something in this man that made me feel uneasy. I know he will not inflict danger but something in him, like a powerful aura is emanating that makes me shiver and feel inferior. Then I found myself staring at those thin red lips and wondering how they would feel when brushed against mine.
Sa naisip na nasa state of shock ako, nakita ko siyang tumingkayad sa aking tabi, pinakiramdaman ang aking pulso sa may kaliwang leeg after pushing some strands of my hair. His fragrant male scent intoxicating my nostrils while I felt the strength in his hands touching my neck sending voltages on my nerves making me breath faster than normal.
Wow! Napaka-awkward naman ng nararamdaman ko sa lalaking ito.
Nakita ko ang kagyat na pag-aalala sa kaniyang mukha kahit sa sarili niya'y alam niyang ayos lang ako. "Are you okay?"
I unconsciously withdrawn myself from the trance-like status that his exuding maleness brought in me. "O-okay lang ako," at last nakapagsalita na rin ako. But what was the stammering all about?
"Let me help you," sabi niya.
Nakakaintindi ba siya ng Tagalog? Malamang dahil mukhang gets niya ang sinabi ko. He might be a FilAm soldier.
Bago pa man niya mailagay ang isang kamay sa ilalim ng aking batok para suportahan ako ay mabilis ko ng naitukod ang aking magkabilang siko saka iniangat na kusa ang aking katawan. Dahil doon inalalayan na lamang niya ako. Ang isa niyang kamay sa likod habang ang isa ay humawak sa aking braso. Sumunod naman sa galaw ko ang aking buhok na hanggang balikat at umayos ng kaniya.
Parang mapapaso ang balat kong hawak niya kaya kumilos na ako ng mabilis patayo hanggang bitawan niya. Tama nga akong mahigit sa anim na talampakan ang height niya dahil sa taas kong 5'9" kailangan ko pang bahagyang mag-angat ng mukha para titigan ang kaniyang mukha. Malamang nasa 6'3" siya.
Minsan ko pang tiningnan ang aking buong katawan pero wala akong makita kahit katiting na galos, except for my torn clothing that might have been hooked somewhere in the airplane. "A-ang eroplano..."
He stared at me in bewilderment. "What plane?"
Nakakaintindi nga siya ng Tagalog. Sabagay karamihan naman sa FilAm na nakatira dito sa Angeles City ay marunong magtagalog. Even iyong mga 100% Kano ay ganoon din. Naturuan na ng mga Filipinong naging asawa.
Tumingin ako sa aking paligid pero wala talagang bakas ng sumabog na eroplano. Nakapagtataka talaga. Pero sa isang banda mas maganda na rin dahil walang nangyaring anumang masama sa akin. Parang naalala ko tuloy ang pelikulang Unbreakable. "Ang sinasakyan kong eroplano from Jin Airlines bound to Incheon South Korea nagkaroon ng problema habang nasa taas kami at sumabog. Galing ito sa Diosdado Macapagal International Airport dito sa Clark Freeport Zone. Nakita mo ba kung saan bumagsak?"
Mukhang lalo namang nagpagulo sa lalaki ang mga sinabi ko. "I don't know what you are talking. I haven't seen any plane here. I also don't know the last two places you've mentioned. Also I haven't heard of the Korean Peninsula being called as South Korea or being separated."
Bigla rin akong napaisip; saan nga ba ako bumagsak at napadpad? "Where am I?"
"You are here at Fort Stotsenburg."
"F-fort Stotsenburg?" Where in hell is that?
To answer the questioning look in my face, he replied. "This is Fort Stotsenburg, the American Military Facility since 1903."
Whoa! Mukhang magkaiba kami ng wavelength nito at hindi kami magkaintindihan. Parang wala naman akong matandaan na Fort Stotsenburg. "Nandito pa rin ba ako sa Pilipinas?"
The man nodded. "Yes. Fort Stotsenburg is in the Philippines and this place is located around 40 miles from Manila. It was an American Facility under the control of US Army," he added thinking it would enlighten me.
Forty miles from Manila, that would mean dapat nandito pa rin ako sa Clark Freeport Zone bumagsak. Iyong byahe ko from Manila kagabi ay halos ganoon ang layo. "Nasaan ang Clark Air Base?" naisipan kong itanong para kahit papaano magkaroon ako ng clue sa exact location ko.
"I don't know that place. But there is a portion of Fort Stotsenburg officially set aside for the Aviation Section of the Signal Corps and named Clark Field about two miles from here. You might be referring to it."
Natahimik ako saglit. Thinking I was in a very deep sleep and dreaming. Nakailang pikit-dilat ako pero naroon pa rin ako sa lugar at hindi man lang nagigising.
"By the way, I'm Lt. Prince Kenn Wainwright," he said extending his strong arms in my direction. "You can call me Kenn."
Inabot ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung nag-aasume lang ako pero naramdaman ko ang bahagyang pagpisil niya sa aking mga daliri. Ang sarap ng pakiramdam ng palad niya sa palad ko. Nakakapagpainit.
"I'm Rhon...Rhon Santillan."
"So you're telling me that you are a survivor of a plane crash?"
"Yes," sabi ko na medyo nainis nang makita ko siyang parang natatawa. "You don't believe me?"
He looked all over me then said, "You don't look like one."
Hindi ko siya masisisi. Kahit naman sino, definitely won't buy my story lalo na sa hitsura ko. Kung totoo man kasi ang sinasabi ko, dapat patay na ako ngayon sa harap niya.
"Yeah, that also puzzles me."
"If you are not a Filipino and don't speak the language, I might suspect you from being a spy."
Lalo akong nainis sa sinabi niya. Ako isang spy? At hello saang panahon ba siya to speak about spy things. Hindi nga kami parehas ng wavelength nito and I have to admit that to myself. "I'm telling you the truth. I survived the plane's explosion." Bigla naman akong nagtaka kung bakit gusto kong paniwalaan niya ako. Na para bang it really matters to me. Bakit? tanong ko sa puso ko.
"I want to believe you," Kenn said in sympathy. "But at this time I'm afraid I cannot. There's no passenger airport facility in this area. The only airport I know is the Manila International Air Terminal which was opened in July 1937 at Nielson Field. That was four years and four months ago."
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Manila International Air Terminal? Mabilis na nag-compute ang isip ko para itama ang huling sinabi niya. "You might have miscalculated; it's not four years and four months but seventy four years and two months ago."
Kenn tried to fight his outburst of laughter. "You're talking nuts. Are you aware that the date today is November 17, 1941?"
Ako naman ngayon ang gustong matawa. Oh My ano bang pinagsasabi ng sundalong ito? November 17, 1941 daw ngayon samantalang September 11. 2011 kahapon which means, September 12, 2011 pa lang ngayon.
Naramdaman yata ni Kenn na hindi ako naniniwala sa kaniya kaya tumalikod siya sa akin at nagtungo sa nakaparadang jeep. Pagbalik niya ay may dalang isang diyaryo na iniabot sa akin.
Edition iyon ng The Manila Times. Tiningnan ko ang petsa ng pagkalathala na nagpagimbal sa akin.
November 17, 1941.
This can't be! malakas na pagtanggi ng isip ko.
Inamoy ko ang papel, amoy bagong print lang ito saka bago pa ang newsprint. Kung ito'y isang old issue, dapat ay luma na ito ganon din ang kulay.
"Saan mo nakuha ang old issue na ito ng Manila Times?" giit ko.
"That's not an old issue. That was the newspaper's issue today."
"You're kidding right?" Oh My let him say Yes!
Kenn answered me sardonically with another question, "Do I look like one?"
Seryoso nga naman siya. Ano ba ito? Nananaginip ba ako?
Tiningnan ko ang diyaryo saka binuksan ang mga pahina. Kahit medyo papadilim na ang liwanag dahil na rin sa pagkapal ng ulap sa papawirin, nakuha ko paring ma-scan ang nilalaman nito.
The content of which are news reports and commentaries pertaining to tenant's attacking a landlord's granary, peasant's demonstrations, villagers petitioning government officials, strikes, arson in cane fields, landlords stationing their guards around their fields to keep their tenants from harvesting, court cases between tenants and landlords and police evicting tenants.
Para lalo pa akong maniwala, iniabot pa sa akin ni Kenn and kaniyang military ID.
Mataman ko itong tiningnan. Ang mukha sa kaniyang ID ay iyong hitsura niya ngayon. Bakas ang irresistable charm at kaguwapuhan. Napaka-neat nga niyang tingnan sa kaniyang army cut na buhok. Matagal akong napako sa picture niya doon na para bang gusto ko ng i-memorize ang lahat ng detalye sa mukha niya.
"Enjoying the image?" Kenn chuckled; his iced blue eyes pinned on me.
Hindi ko inaasahan na mapapansin niya ang matagal kong pagkatitig sa larawan niya. Gusto kong tumingin sa kaniya ng diretso pero parang nahiya ako dahil sa pagkahuli niya sa akin.
Oh My, napikap kaya ng radar niya este gaydar niya na bisexual ako? If that's the case, would that mean na ganoon din ba siya?
Kunwari'y binalewala ko na lamang ang remarks niya. Pero sa isang bahagi ng isip ko ay naroon ang dasal na sana'y kagaya ko rin siya ng sexual preference.
Nakasulat sa ID ang details niya: Prince Kenn Wainwright, designation: Lieutenant, height: 75 inches, weight: 173 pounds, hair: brown, eyes: blue, date of birth: September 17, 1917.
Ang birthdate niya ang nagpaisip sa akin. Hindi naman mukhang 94 years old itong lalaking kaharap ko. Ibig bang sabihin totoo ang sinasabi niyang petsa ngayon?
Kung gayon, pagkatapos kong mahulog sa eroplano ay napadpad ba ako sa panahong ito?
Kung hindi ako nananaginip, isa lang ang ibig sabihin. Nag-time travel ako!
To be continued
0 comments:
Post a Comment