STRATA presents: This I Promise You - Part 1
Saturday, February 19, 2011
By Emray
Part 1
Ang Simula
“Russ!’ bati ni Ariel kay Russel. “Tulungan na kita d’yan.” pagboboluntaryo pa ng tulong ng binata.
“Nakita mo namang may kamay ako di’ba.” sarkastiko at asar na tugon ni Russel dito. “Close ba tayo para tawagin mo akong Russ?” pagmamaldito pa nito kay Ariel
“Eto naman! Ikaw na nga lang ang tutulungan ikaw pa ang galit.” may himig ng tampo na wika ni Ariel.
“Bakit? Sino ba ang may sabing nagpapatulong ako?” sagot pa din ni Russel.
“Alam mo, para kang babae kung kumilos at magsalita ngayon.” saad naman ni Ariel na pilit pinipigil na magalit kay Russel. “Bakla ka ata pare!” may pang-aasar pa sa tinig nito.
Biglang natigilan si Russel sa tila pagtumbok ni Ariel sa tunay niyang katauhan. Namula sa pagkapahiya dahil sa sinabing iyon ni Ariel, isang lihim na pilit at matagal na niyang tinatago.
“Kapal!” mahinang usal ni Russel saka lumakad palayo kay Ariel.
“Pare!” papalapit na bati ni Ronnie kay Ariel. “Wala ka pala kay Russel eh!” kantyaw pa nito.
“Makikita mo pare! Isang araw babagsak din sa akin iyong baklang iyon.” tila pagbabanta at paninigurado ni Ariel. “Kung sa mga babae nga kaya kong magpalit weekly at kahit may kasabay hinahabol pa din ako ng mga bisexual, kaya sisiguraduhin kong babagsak sa akin iyang Russel na yan.”
“Ang hangin mo pare!” pang-iinis ni Ronnie na sanay na sa kayabangan ng kaibigan. “Baka naman kasi pare mali ka lang ng amoy kay Russel?” tumatawang saad pa nito na kilalang-kilala ang kaibigang si Ariel at alam din niyang silahis ito ngunit hindi naman niya magawang iwanan.
“Sigurado ako pare! Silahis din iyong kumag na ‘yun!” siguradong-siguradong tugon ni Ariel. “Bek Bek din iyon!”
“Ikaw ang bahala pare! Basta ako nagpapaalala lang.” puno ng pag-aalalang wika ni Ronnie sa kaibigan.
Samantalang si Russel naman –
“Akala mo kung sinong gwapo!” asar na asar na bulong ni Russel habang papunta sa cubicle niya.
“Kamusta naman iyon!” agad na bati ni Melissa kay Russel pagkadungaw sa cubicle ng binata. “Best actor ka ah!” habol pa nito.
“Nakakainis kasi!” sagot ni Russel kay Melissa. “Sobrang yabang.”
“Sobrang yabang ba talaga o bitter ka lang kasi nakuha niya ang posisyong dapat na sa’yo.” tatawa-tawang pang-aasar ni Melissa sa kaibigan.
“Pwede ba Melissa! Sa akin naman talaga kasi iyong promotion na ‘yun!” reklamo ni Russel. “Malakas lang ang kapit niya sa taas kaya siya ang na-promote kahit wala pang isang buwan dito!”
“Kita mo! Bitterness lang yan!” sagot ni Melissa. “Chillax lang dude! Chill and relax!” sabi pa ng dalaga saka muling hinarap ang laptop sa sarili nitong cubicle.
Ilang sandali pa habang abalang tinatapos ni Russel ang lahat ng pending files ay –
“Russ!” nakangiting tawag ni Ariel kay Russel mula sa likuran na may bitbit na panibagong trabaho para sa binata.
“Wala na bang ibang empleyado dito at sa akin mo pinapagawa lahat iyan?” asar na baling ni Russel.
“Easy lang!” nakangiting tugon ni Ariel. “Melissa, paki-sort naman itong mga files na ‘to!” nakangiting pakiusap ni Ariel kay Melissa pagkalingon niya dito.
Nakaramdam ng hiya si Russel sa katawan dahil sa kagaspangan niya kay Ariel at pagsumbat ng maling akala. “Patay na!” mahinang wika ni Russel.
“And you!” nakangiti pa ding saad ni Ariel saka nilingon si Russ na hinid magawang makatingin sa binata. “Bakit ba saksakan ng init ng dugo mo sa akin?” tanong ni Ariel dito. “May masama ba akong ginawa sa’yo?” tanong pa nito kay Russel.
“Naku Sir Ariel, hayaan mo na po si Russ!” bati ni Melissa kay Ariel. “Bitter lang yan!” habol pa nito.
“Shut up Mel!” dagling awat ni Russel sa kaibigan.
“Sorry!” wika ni Melissa saka muling itinuon ang pansin sa laptop niya.
“Bitter?” naguguluhang tanong ni Ariel kay Russel.
“Wag mo na lang pag-aksayahan ng oras iyon Sir!” pag-iiba ni Russel sa usapan nila ni Ariel.
“Anong bitter? Bakit Russ? May nagawa ba akong mali?” nag-aalalang tanong ni Ariel kay Russel saka humatak ng swivel chair at umupo sa tabi ni Russel.
“Wala nga Sir!” kinakabahang tugon ni Russel ngunit pinilit na bigyan diin ang kanyang sinabi saka muling binalingan ang kaninang ginagawa.
“Please tell me Russ!” buong sinseridad pang pakiusap ni Ariel saka hinawakan sa dalawang balikat si Russel at hinarap sa kanya ang kunwaring abalang si Russel.
Puno ng sinseridad na tanong ni Ariel kay Russel at hinuli ang mga mata nito. Ang mga mata ng binata ay tila ba nangungusap ngayon kay Russel.
“Please!” masuyong pakiusap pa nito.
“Goodness! Hindi maari to!” kontra ni Russel sa mumunting kiliting nararamdaman niya na hated ng mga titig ni Ariel na tumutunaw sa kanya.
“Wala nga!” saling ni Russel saka umiwas sa titig kay Ariel.
“Sige, kung ayaw mo ayos lang.” nalungkot na wika ni Ariel kay Russel saka lumakad palayo kay Russel.
“This can’t be!” sulsol ng isipan ni Russel. “Hindi maari at hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya. I can’t be this stupid to fall for him!” saway niya sa damdaming sinimulang gisingin ng mga titig na iyon.
“Okay Russel!” sabi ni Russel. “Inhale!” saka humugot ng malalim ng hininga. “Exhale!” saka pinawalan ang hanging inipon niya.
“Lilipas din yan!” saad pa niya.
“Hoy Russel!” bati ni Melissa na nakadungaw pala sa cubicle ni Russel at pinagtatawanan na ito. “Itigil mo nga iyan at baka pagkamalan ka pang loko-loko!”
“Ewan ko sa’yo!” sabi ni Russel saka hinagisan ng tissue si Melissa.
Sa kabilang banda naman –
“Anong ibig sabihin ni Melissa na bitter daw sa akin si Russel?” nagtatakang tanong ni Ariel sa kaibigan.
“Hindi pa ba obvious?” balik na tanong ni Ronnie sa kaibigan. “Bago ka dumating Russel is the best contender for your position at kahit naman ngayon mas deserving si Russel sa’yo.” sagot ni Ronnie sa naunang tanong ng kaibigan.
“Sorry siya, the management saw something from me that he doesn’t have.” mayabang na sagot ni Ariel.
“Kasi naghubad ka sa harap ng management!” tumatawang pang-iinis ni Ronnie sa kaibigan.
“Loko!” sagot ni Ariel. “Hindi ko na kailangang maghubad sa harap nila.” natatawang puno ng kayabangang tugon pa ng binata.
“Pasalamat ka na lang sa akin pare kasi ako ang lumakad ng promotion mo! Hirap kaya nilang kumbinsihing sa’yo ibigay ang posisyon na dapat kay Russel.” pagpapaalala ni Ronnie sa kaibigan.
“Hindi siya dapat sa akin magalit pare!” kontra ni Ariel. “Dapat sa’yo. Ikaw ang sumira ng promotion niya.” natatawa pa ding wika nito.
“Mabalik nga tayo, bakit ba trip na trip mo si Russel?” tanong ni Ronnie sa kaibigan.
“There’s something about him and that is the reason why I found him interesting.” sagot ni Ariel. “May kung ano sa kanya na hindi ko maipaliwanag, aside from his look siyempre. I feel na kakaiba si Russel from the others.” paliwanag pa ni Russel.
“Pare! Mukhang kay Russel ka titiklop ah!” biro pa ni Ronnie.
“Not in my plans!” pagmamalaki ni Ariel. “Just want to play with him, then let him fall tulad ng iba.” nakangitiing saad pa nito.
“I don’t think it will be easy for you.” sabi pa ulit ni Ronnie.
“Come what may pare! But I assure you, Russel will fall on me bago matapos ang linggong ito!” pagyayabang pa ni Ariel.
“Good luck tol!” nakangising tugon ni Ronnie.
Lunch break –
“Wait!” habol ni Ariel sa papasara ng elevator kung saan sakay din duon si Russel.
“Malas!” wika ni Russel sa sarili saka humakbang palabas pagkapasok ni Ariel sa loob ng elevator.
“Dito ka lang!” sabay hatak ni Ariel kay Russel at saka sumara ang elevator.
Nabigla si Russel sa hatak na iyon ni Ariel. Paharap na bumangga si Russel kay Ariel at nahampas ito sa dibdib ng binata. Sinamantala naman ni Ariel ang pagkakataon at niyapos niya ang binatang si Russel.
“Good Lord, please give me courage!” panalangin ni Russel na nanghihina dahil sa yakap na iyon ni Ariel. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya at ang pagkakadikit ng katawna nila ay nagbibigay ng kakaibang init sa katauhan niya. Sa wari niya ang may maliliit na tulis ng karayom sa balat ni Ariel at nagbibigay ito ng kakaibang kiliti sa kanya.
“This is now the chance!” sulsol naman ni Ariel sa sarili. Sa pagkakaayos nila ngayon ay hindi maunawaan ni Ariel ang nadarama. Nagugustuhan niya ang pagkakadikit nila ng katawan. May isang bagong yugto ang sa tingin niya ang nabubuksan. Hindi niya magawang ipaliwanag ngunit sa pakiwari niya ay may nagbubulong sa kanya para lalong higpitan ang pagkakayakap niya sa binata.
“Courage!” wika ng isipan ni Russel saka itinulak palayo si Ariel.
“I know you want me!” walang prenong lahad ni Ariel kay Russel.
“Are you saying something?” tila paglilinaw ni Russel.
“I said, I know you want me!” nakangiting ulit ni Ariel na walang pag-aalinlangang nagbigay pa ng matamis na ngiti at mapang-akit na titig.
“You’re getting to my nerves!” imbes na kiligin at matuwa o kaya ay mahiya ay naasar na sagot ni Russel dahil sa kapreskuhan at kayabangan ni Ariel.
“I can feel it Russel!” saad pa din ni Ariel. “Hindi ako manhid para hindi mahalata iyon and to tell you honestly, I like you!” diretsang turan pa nito.
Lalo lang naasar si Russel sa sinabing iyon ni Ariel. Hindi niya maintindihan ang sarili, ngunit sa tingin niya ay sumama ang pakiramdam niya sa sinabing iyon ni Ariel.
“Sorry pare, pero lalaki ako!” giit ni Russel at patuloy na pagpapanggap. “Kung babae man ako o bakla, hinding-hindi ako papatol sa mas bobo pa sa akin!” sarkastiko pa nitong pahabol.
Wari bang tinapakan ang pagkalalaki ni Ariel sa sinabing iyon ni Russel. Hindi niya kayang palampasin ang sinabing iyon ng binata. “Ang angas mo din naman! Feeling mo magaling ka? Feeling mo matalino ka?” mataas na tonong tanong ni Ariel kay Russel.
“Oo!” pagmamayabang ni Russel. “Kung ikukumpara sa iyo, mas matalino at mas magaling akong hindi hamak!” patuloy pa nito sa kayabangan.
“Ganuon ba!” may pang-aasar na bato ni Ariel. “Kaya pala ako ang napromote at hindi ikaw! Imagine, ikaw na 5 years in service na at akong 1 month in service pa lang!”
“I hate wasting my time with stupid!” putol ni Russel sa dapat ay litanya ni Ariel. “Proof to me Einstein’s Law of Relativity bago kita patulan or even kausapin!” habol ni Russel saka humakbang palabas ng elevator na nagktaong bagong bukas.
“Yabang mo!” habol ni Ariel. “Humanda ka sa akin! Puputulin ko yang kaangasan mo!” dugtong pa nito.
Matapos ang lunch break ay bumalik na sa kanyang cubicle si Russel at ganuon din naman sa kanyang opisina si Ariel.
“Saan ka kumain?” tanong ni Melissa sa kaibigan.
“Sa cafeteria!” sagot ni Russel. “Ikaw kasi, sumama ka na naman sa boyfriend mong babaero.” pang-aasar pa nito kay Melissa.
“Hindi babaero ang boyfriend ko!” depensa ni Melissa sa boyfriend niya. “Gwapo lang talaga at habulin!” saad pa nito.
“Hey Russ!” muling dinalaw ni Ariel si Russel sa cubicle nito.
“I will not waste even a second with you!” tugon ni Russel dito.
“Be professional naman!” sagot ni Ariel. “Eto, pakitapos mo within a hour!” pakiusap ni Ariel na may nakakalokong ngiti saka nilapag sa table ni Russel ang isang katerbang paperworks at statements.
“I’m not super human to finish all of these within a hour!” reklamo ni Russel.
“Di ba magaling ka?” pang-aasar pa din ni Ariel. “I expect you to submit that on time!” utos pa rin ni Ariel saka nakangiting lumakad palayo kay Russel.
“Golly!” tanging nasambit ni Russel saka idinukdok ang ulo sa mga bagong lapag na trabaho.
“Ayos ka lang ba friend?” nag-aalalang tanong ni Melissa.
“Hindi pa ba obvious?” tanong naman ni Russel. “Makakaganti din ako sa lokong iyon!” pagbabanta pa ni Russel.
“Asa ka na lang friend!” tila pakikiramay ni Melissa.
“May araw din ang lalaking iyon!” desididong pagganti ni Russel.
0 comments:
Post a Comment