MY LIFE'S PLAYLIST (chap 10)
Tuesday, August 9, 2011
Author's Note: Maraming salamat talaga sa readers. Di ko alam kung may magic 'tong story writing ko pero yung pinagbasehan ko ng Rex ka-close ko na talaga. Bwahahahah wala lang share ko lang po :)
Sana tablan din yung pinagbasehan ko ng Kian hihihihihi jokes.
Good luck and GOD bless po sa ating lahat :)
--------
After a few minutes na kulitan sa ilalim ng ulan nagsimula na kaming ginawin. Bumalik na kami sa parking area kung saan nandun yung motor nya.
Buti na lang pala nagdala ako ng extra na damit at nagkataon kakabili ko lang ng new undies so meron akong maipapahiram kay Rex na hindi pa nasusuot hehehehe.
Niyaya ko sya sa 9th floor ng parking area nung mall. Ito yung pinakataas kaya for sure walang basta basta pupunta dun. Madilim dun at meron lang konting ilaw mula sa labas, sa hagdan at sa tapat ng elevator. Duon na kami nagtuyo ng katawan, nagbihis ng mabilisan at nag-ayos ng gamit. Di na kami nagbalak na gumawa ng kung anu kasi baka ma-late kami sa family reunion at hellow syempre baka may makahuli pa sa amin sa parking area di ba.
Nagsuot kami pareho ng kapote dahil medyo may konti pang ulan at sakto naman lagi syang may isang extrang kapote at helmet. Bumyahe na kami papuntang family reunion ni Rex. Unlike before na nahihiya pa akong yumakap sa likod nya ngayon go na go na ako. Sa totoo lang excited ako at natatakot at the same time. This will be the first time na makikita at makikilala ko ang parents ng new bf ko. Sana di ako mawalan ng malay sa kaba. Buti na lang at nakamotor kami kasi medyo naging matrapik dahil sa ulan.
Napatigil kami sandali dahil sa traffic dito sa manila. Pero I think ok lang kasi may narinig akong kanta sa di kalayuang jeepney. Gusto kong ma-download yun!!!
Medyo naa-amaze pa rin talaga ako kay Rex. Marunong syang magmotor at magdrive, business minded, makulit pero mabaet, di masyadong matalino pero madiskarte, matangkad, cute, gwapo, pogi, handsome, hot, cool, hunk… ay potek medyo exaggerated na pala ako. Di obvious na nahulog na talaga ako ng tuluyan sa mokong na ‘to noh?!
-------------------
Buti na lang kahit naging maulan ay safe pa rin kaming nakarating sa bahay nila…. daw. Hindi kasi ito yung pinagdalhan nya sa akin last time pero malapit lang din dun. Mas malaki ‘tong bahay na ‘to, mas malawak at mas bongga.
“Rich boy ka talaga!” ang nasabi ko pagkakababa ng motor.
“Adik di rin!” sagot nya na may kasamang ngisi.
“Kaninong bahay naman ‘to? Kala ko bahay nyo na yung pinuntahan natin last time?”
“Ito yung bahay talaga namin.”
“Waw grabe so marami kayong mga bahay?”
“di naman. Yung pinuntahan natin last week kay uncle Ash yun. Madalas kasing nasa business trip sina mommy at daddy, yung mga kapatid ko naman masyadong masipag sa pag-aaral, ayoko na silang istorbohin at baka mahawa pa sila sa akin” sagot ni Rex with a smile.
“hmmm ang baet mo naman na kuya!”
“Naman! Ako pa, eh the best ako.” With matching papogi pose.
“Di kaya!” sagot ko sabay sundot sa tagiliran nya.
“Wah kumokontra ka na the best ako!”
“Syempre!”
“Sige tampo na ako sa ‘yo!” nasabi nya sabay cross arms at hikbi.
“Wew nagtampo na ang prince ko!”
“Wow prince. Nice one.” Ngiti ulit nya.
“Kasi naman ayokong ikaw ang the best. Remember ang batas ng kalikasan, pag the best kinukuha na agad back to heaven.” Paliwanag ko sa kanya.
“Weh? Ngayon ko lang yan narinig.” Sagot nya with obvious disbelief.
“Remember Rico Yan?
AJ Perez?
The best yung mga yun.
Mabait, gwapo, rich, matalino at sikat.
Nasan na sila ngayon?
Nasa heaven.
Bakit?
Kasi nagiging unfair na sila sa ibang tao sa earth kaya binawi na sila!” ang mahabang paliwanag ko.
“Wow so ayaw mo akong maging the best dahil ayaw mo akong mawala?” ang tanong nya with matching akbay.
“Syempre! Adik ka ba? Minsan lang may magmamahal sa akin na Rodrigo Edgar Xavier papakawalan ko pa ba? No way! Makikipagsapakan ako kay Charon, kamatayan or the Reaper, anuman ang pangalan nya.”
“Wag kang mag-alala di ako mawawala sa ‘yo. No matter what di ako basta basta bibitiw.” Nasabi nya after nya akong yakapin.
“Oh wag ka naman masyadong serious. Syempre joke lang yun!” biro ko sa kanya.
“Wah badtrip ka! Ito ang sa ‘yo!” niyakap nya ako ng super higpit. Yung tipong ang hirap na talaga huminga. At since mas matangkad sya sa akin medyo buhat nya na ako.
“Aw sige na sige na. Totoo na ang lahat ng yun. Ito naman di mabiro. Ibaba mo na nga ako.” Complain ko sa kanya.
Binaba nya ako tapos kinarga ulit.
“mas gusto ko yung ganito. Para tayong bagong kasal.” Sagot ni Rex habang papalapit ang mukha nya sa mukha ko.
“Huy! Baka may makakita sa atin!” inalog ko sya habang buhat nya ako. At since basa pa ang footwear namin… Dulas na naman. At tulad ng last time dulas with a kiss.
“Wew ganito ba gusto mong kiss natin?” tanong ni Rex.
“Adik! Aksidente lang ‘to.” Paliwanag ko.
“Weh? Yung last time sadya?” tanong nya sa akin while magkapatong pa rin kami sa sahig ng garahe nila.
“Adik! Accident rin yun tae ka!”
“Weh?”
“Adik ka talaga! Tae ka!”
“eh di ikaw naman ang langaw ko!”
“Potek yuckies yatang tandem yun. Ayoko nun.”
“Tara diretso na tayo sa kwarto ko.”
“Wah anung balak mo?!”
“Adik! Duon tayo mag-aayos ng sarili natin. Halatang galing tayo sa byahe. Nakakahiya naman sa mga bisita kung ganito itsura natin di ba?”
Tumungo ako at tiningnan ang sarili ko. Medyo mukha na ngang di kaaya-ayang tingnan. Pero paano yan? “Ito na yung dapat susuotin ko sa party eh” biglang kong nasabi.
“Ok lang yan. Lapit ka sa ‘kin may bubulong ako sa ‘yo.” Mahinang pagkakasabi ni Rex.
“Anu yun? Anung meron?” tanong ko sa kanya sa mahinang boses rin. Sa totoo lang kami lang naman dito sa garehe nila kaya bakit kaya kailangan namin magbulungan?
“May surprise ako sa ‘yo!”
“Anu naman yan?”
“Binili kita ng damit!”
“Wah di nga?!”
“Hindi, joke lang!”
“Potek! Anu ba talaga?!”
“Eh di binili nga kita!”
“Wow ambaet mo!” pagkakasabi ko nito ay napayakap ako sa kanya.
Kung di naman obvious ang pagka-amaze ko sa rich people ay ‘yun ay dahil mula lang ako sa middle class family. Swerte ko lang din sa masisipag kong parents kaya nakapagkolehiyo ako. Minsanan lang sa isang taon kami bumili ng damit na pwedeng ipanggala kaya pag nakakaipon ako bumibili ako tipong tyempo sa sale.
“Ang cute mo naman! At ang sarap pa ng mahigpit na yakap.” ang nasabi ni Rex.
“Sensya na. Poor boy eh. Minsan lang magkaroon ng bagong damit. Medyo natuwa lang ng sobra!” paliwanag ko sa aking naging reaksyon.
“Sus wag mong –down sarili mo! At least nakapag-college ka. So di ka poor. Sakto ka!”
“Wow ano ako coke? ahahaha” banat ko sa kanya. Mukha nga lang akong engot kasi mas nauna pa akong tumawa eh.
“Ahahahaha eh di coke. Coke ng buhay ko. Pag kasama kasi kita, araw araw ang saya!” banat naman ni Rex.
Napapansin ko lang parang ang cheesy namin dalawa. Tipong ibang level na ang ka-corny-han. Ganun ba pag in love?!
“Adik! Tara punta na tayo sa room mo. Excited na ako sa gift”
“Para ka namang bata. Pero in fairness ang cute mo talaga ngayon. Dapat ata mabilhan kita ng ng something new every time eh.”
“Hoy Mr. Xavier! Di po ako Charity Case para bilhan mo everyday. Ay ayoko ng ganun. Kung ganun rin lang di ko na lang tatanggapin yung bigay mo.” Sagot ko sa kanya.
Syempre kahit di ako mayaman meron naman akong kahihiyan at pride. Ayoko talaga ng ganun. Suddenly naalala ko na naman kung bakit ako badtrip sa rich people.
Inggit at galit pala sa rich people. Inggit in the sense na I wish to be like them kaya ako nagsisikap mag-aral. Galit kasi galing naman talaga sa rich family ang nanay at tatay ko, dahil nga lang din sa series of unfortunate events kaya nangyari ang nangyari. Basta mahabang kwento talaga.
“Sorry na po Mr. Chua. Tara na nga sa room ko, bebe ko.”
Ting! Parang may kumalabit sa utak ko na ewan nung marinig ko yung BEBE KO!
“Wow parang sa movie lang ni Sarah and Lloydy yun ha. Ang cute! Pero di ata natin magagamit in a normal place. I mean sa public place or sa klase man.”
“Hmmmm may point ka. Ok ganito na lang. Call me on my First name and I will call you KC from now on.”
“Wow payag ka na tawagin kita sa first name mo. Ibang level na talaga ako sa ‘yo.”
Na-amaze naman ako dun talaga as in. Kasi ayaw nyang tinatawag sya sa first name eh. Sabagay Rodrigo, parang ang tanda di ba? Exception to the rule na ako! Yehey!
“Ok KC na ako. Ikaw naman Drex. Tara na nga at makapagbihis na tayo. Late na ata tayo sa party eh.”
“Hindi. Sakto lang tayo.”
---------
Pagkakarating namin sa kwarto nya nakita ko na ang tunay nyang room. Mas malawak kaysa sa kwarto nya sa bahay ng uncle nya. Malaki rin yung kama nya dito. Grabe! Bakit nga ba kasi nag-aaral ang mga tulad nyang rich sa State University. Ang ewan talaga ng rich tsk tsk tsk.
“Ito yung susuotin mo. Dun na ako magsa-shower at magbibihis sa kabilang room. Magshower ka na rin. Duon ang bathroom ko.” ang sabi nya sabay abot ng isang malaking paper bag na may tatak na malaking G.
(Basta alam nyo na siguro kung anung brand yun)
“Salamat!” ang nasabi ko pagkakatanggap nung paper bag. Lumabas na agad sya ng room.
Nagmadali na akong magshower. Sa totoo lang iba ang feeling. Parang ang bongga talaga ng paligid ko. Banyo palang nya eh singlaki na ng kwarto ko.
After kong maisuot ang binigay nyang damit humarap agad ako sa salamin. Di ko expected ‘tong nakita ko. Ibang iba from my usual garment. Feel ko ang cool ko. Ang galing. Ito yung damit na tinitingan ko nung magkasama kami eh. Siguro napansin nyang kursonada ko talaga ‘to.
“WAH!” napasigaw ako nang biglang may tumalon sa gilid ko at biglang tinusok rin ako sa tagiliran.
“Ahahahaha” malakas na tawa ni Rex.
Bago ako makapagsalita ng kung anuman na stun din ako sa itsura nya. Ang gwapo talaga nya. This time nakaayos pa ang buhok nya.
“Huy! Napopogian ka na naman sa ‘kin”
“Di naman. Sakto lang.” sagot ko sa kanya.
“Teka ayusan na kita ng buhok.”
Kinuha nya sa isang drawer ang isang lalagyan. He scooped up some wax. Pinaupo nya ako sa harap ng salamin at sinimulan nya akong ayusan ng buhok.
“Oh yan mas pogi na ang KC ko.” Ang nasabi ni Rex.
“Wow mula ngayon magwa-wax na ako. Grabe parang di ako.”
“Wag mong araw arawin. Baka may makapansin sa ‘yo at agawin ka bigla sa ‘kin.”
“Sus asa! Ako aagawin? Walang gagawa nun.”
“Hmmm di rin.”
“Adik tara na nga sa reunion mo!”
“Sige tara na.”
------------
At ito na naman ako. Para naman akong mangmang. Sobrang amazed na naman ako sa kapaligiran ko. Kasi sa TV ko lang naman nakikita ang mga ganito. This time nasa harap ko na kaya iba ang feeling.
Long white table with different foods na sosyal. Maraming serbidor na naka-uniform na mukha normal formal garment ko pagpumapasok ako sa school pag wash day. Mar red carpet leading towards sa center kung nasan ang long white table. Maraming bilog na tables sa paligid. Lahat ng table may cute na centrepiece. Maraming taong naka-suit at gown. Ibang klase family reunion ‘to.
Alam mo yung feeling ni San Chai or ni Jandi nung sinama sila sa party ng F4. Medyo ganun ang feeling. Well actually I think that is how I actually feel right now.
“Woooowwww….hmmm” pagkamangha ko sa kapaligiran na napigil dahil tinakpan ni Rex ang bibig ko bigla.
“Compose yourself! Di yan ang KC na kilala ko. Yung casual na ikaw, wag kang papaapekto sa kapaligiran huh.”
“Yes boss!”
“Kakasabi ko lang na cool ka lang eh”
“Ok. Sensya na. Iba lang talaga. Nakakapanibago.”
“Welcome to my life!”
“Adik! So ganito pala buhay mo.”
“Well oo. Kaya Masaya akong kasama kayo lahat sa school. Wala kaseng kapareho nyong kakulitan sa mga ganitong mundo.” Paliwanag ni Rex.
“Hmmm ok. Well then I will do my best to blend in”
“Ok. Tara dun tayo. Dun sa table malapit sa gitna.”
“Ok”
Umupo na kami at mukhang sakto lang ang dating namin.
“To all, Welcome to our Annual Family Reunion. This family reunion is a different one from the last year’s party. I invited the Lopez family to join us today for a special announcement. The first would be to formally announce our company’s merger.”
Wah anu ‘to? Nanunuod ba ako ng movie or teleserye? Potek ibang planeta na ata ‘to. Wah baka nawalan lang ako ng malay at nananaginip lang ako.
“Another thing that I should mention, I would like to invite you all next month for the engagement party for my son Rodrigo Edgar Xavier, my heir. He will be formally engaged to the only daughter of the Lopez family, Arriana Denise Lopez.”
At pagkakasabi nun gumalaw ang spotlight papunta sa table na di kalayuan sa table namin. At may tumayong napakagandang babae.Mukhang perfect sya. Parang model na parang prinsesa. Potek nakaka-in love si Arriana. Pero teka… ENGAGED? Hala di ‘to maaari.
Habang nakaupo ako sa table tumatakbo sa isip ko ang scenario na nangyayari sa mga ganitong pagkakataon. Tulad ng nangyari sa ang Paraffle na Pag-ibig, Meteor garden, boys over flowers at kung anu anu pang movie ‘bout rich and poor at ang guy+guy relationship. Ang sikip ng feeling sa dibdib. Argh!!!
Nanlamig ako. Pakiramdam ko bigla akong parang masusuka. Parang ang ewan. Ang sakit ng dibdib ko. Parang di ako makahinga.
“Kirk! Kirk! Help! Tulungan nyo ako!”
Ayun na lang ang huli kong narinig bago ako nagsimulang walang makita.
-------------
3 comments:
awts..wawa naman si kirky..
yamu, mukang mas cute ka naman jan sa arwana este arriana na yan kuya kirk hehehe.
grabe excited na ko sa next part hihihihi.
imma wait for it :)
ay nakeer anu kaya ang feeling pag ikaw ang
nandun.
Hindi ako mahihimatay promise.
magwawala ako!
ahahahah
BREEDING kua "Ace"
ahahah . .
kaawa naman kua Kirk . .
leche 'tong c Rex . . cnama-sama c kua Kirk sa party pra lang ipaalam na engaged na cya . . TSk.!
pero mlay nten, ngaun lng rin to nlaman ni Rex . . at cyempre dala ng bugso ng damdamin bka magwalk-out 'tong c kua Kirk at magfly-sung . . hindi na makapag explain c Rex . .
xD
Post a Comment