The Best Thing I Ever Had - Season 2 Part 2 - Chance?

Monday, August 8, 2011


Author's Note: Pasensiya na po kung na-late po ang update,.hihihih. anyway, just like I've said in part 1 of season 2, maloloka kayu sa ka-abnormalan ko haha. oo abnormal po ako. diba po sabi ko ittry kong gumamit ng  PoVs? well, naitry ko na so balik na sa old style hahaha. tinry ko lng po kaya wag po kayu magagalit sa akin kung naiba ulit ang style hihihihihihi..kalalabas ko lang po kasi sa mental hospital kaya hindi pa po ako nakakarecover ng bonggang bongga. Anyway, THIS IS IT.hahaha. The part two of The Best Thing I Ever Had! :) enjoy reading po!

This one's dedicated sa lab na lab kong kuya na nagselos sa isang stuff toy..hihihih.peace xD.. love you kuya ko :D


------------------------------------------
Hingal na hingal akong tumatakbo sa hallway ng school namin habang hinahabol ako ng isang lalaking hindi ko kilala. At obvious na obvious naman na gusto niya akong patayin.

Whatcha dooooin? 


I'm running for my life, WHAT DOES IT LOOK LIKE?! Kainis ka huh!


(Bang! Bang!) Bumagsak ako sa sahig. Naramdaman kong mainit ang hita ko. Nakita ko ang dugo na umaagos palabas ng hita ko. Tinamaan ako ng bala.

Tayo! dali! tayo! nandyan na siya o! takbo na dali!

Tinry kong tumayo pero bigla akong sinuntok sa mukha ng lalaking bumaril sa akin. Iniangat niya ang ulo ko by pulling my hair.

"Any last words?" sabi niya at initutok ang baril niya sa aking ulo.

Dinuraan ko siya ng dugo ko sa kanyang mga mukha. "Put*ng ina!!." sabi niya. Tinadyakan ko siya sa tiyan, napaurong siya. Nakapa ko ang isang matigas na bagay sa aking tagiliran, kinuha ko ito at inihampas sa kanyang mukha. Tumumba siya. "Argghhh!!!" sigaw niya.

Lara Croft teh? Bongga!

Now's my chance, kailangan ko nang makatakas sa kanya.


Tumayo ako at paika-ikang tumakbo palayo sa lalaki. Tumayo ang lalaki at hinablot muli ang buhok ko, "Saan ka pupunta ha?!" sabi niya.

"Bitawan mo ko! Arrrggh! Tulong!! tulong!!" sabi ko. Inihampas niya ang ulo ko sa pader. Parang nabasag ang ulo ko sa lakas ng pagkakahampas niya ng ulo ko. Naramdaman kong tumulo ang mainit n dugo galing sa ulo ko. Bigla akong nanghina at  tumumba. Nakaupo ako sa sahig paharap sa lalaki, habang umaagos ang dugo ko sa hita at sa ulo. Hindi na ako makatayo. Wala na rin akong lakas para sumigaw pa. Nakatutok ang baril niya sa ulo ko. "W-wag..p-please.." pagmamakaawa ko sa kanya. Ipinutok niya ang baril niya.


Nagising akong hinahabol ang aking hininga. Kabadong kabado kong kinapa ang buo kong katawan. "Panaginip lang pala." Nakahinga ako ng maluwag. I sat up and tried to relax. Well that was a weird and creepy dream.


I know right? Bakit naman may gustong pumatay sa'yo sa panaginip mo?


I have no idea. Well, it's just a dream anyway, so no need to panic.


Tama, just forget about it.


I stood up and about to go to the bathroom when my phone rang. Number lang ang nakalagay, walang caller ID. Sino naman kaya to?


Sagutin mo kaya ng malaman mo!


Sinagot ko yung tawag,. "Hello?"

"Hi Av!" masayang bati ng taong tumawag sa akin.

"Do I know you?" tanong ko.

"Ayy sorry, si Ram to." sabi niya.

"RAM?! Pano mo nakuha ang number ko?"

"Uhhmm. hindi na mahalaga yun..may itatanong kasi ako sa'yo."

Macky! Ewan ko pero I have a feeling na si Macky ang nagbigay ng number ko. Lagot ka Macky sa akin mamaya. 


"Oh anu naman yang itatanung mo?" ang mataray na tanong ko sa kanya.

Grabe naman tong magtaray! Akala mo kung sinung maganda!


Oo, maganda ako.


Sige goodluck. hahaha


"Ahh ehh, pwede ka ba ngayon?" tanong niya.

"What do you mean?"


"I'm asking you kung gusto mong lumabas...with me.... kung okay lang."

"So you mean,... a d-date?"

"Actually think of it as a getaway. I bet gusto mong pumunta sa isang lugar na tahimik para makapag-isip isip ka, para...makapag-move on.."

Kinabahan naman ako sa sinabi niya."H-how did you know about what happened?"

"Wag mo nang isipin yun,.so ano? are you up for my..uhhmm..offer??"

"I already made plans. I'm sorry." palusot ko na lang.

Plans? Sosyal teh!


"Ganun ba? hindi ba pwede kahit this day lang?"

"I'm really sorry Ram. but thanks for the offer."

"Ok, sige..next time na lang." ang malungkot na sabi niya.

"Sige bye." ibinaba ko na ang phone.

Ikaw alam mo nakakainis ka!


O bakit na naman?


Ikaw na nga nilalapitan ng grasya, tinatanggihan mo pa!


Grasya ba tawag mo dun?


Oo, a handsome and hot blessing.


Ang landi mo talaga!


Matagal na!


Buti alam mo!


Pumunta ako sa bathroom para maghilamos, pagkatapos ay bumaba na ako para makapag-almusal. Naabutan kong nakaupo na sa hapag-kainan si daddy na nagbabasa ng newspaper with a cup of coffee beside him. Si mommy nama'y naglalagay na ng mga pagkain at plates sa mesa.

"Good morning anak!" bati sa akin ni mommy.

"Morning mommy, morning daddy.." ang matamlay kong sabi sa kanila. Hinalikan ko si mommy sa pisngi at naupo na.

"Looks like someone woke up at the wrong side of the bed." sabi ni daddy.

"I just had this bad dream...but don't worry, I'll be fine." sagot ko na lang.

"Are you sure anak?" tanong ni mommy.

"Opo mommy."

"Ok sige kain ka na anak."

Kumain kami sabay sabay. I took a toast, omelet, and 2 pieces of hotdog. Then drank a cup of hot choco. After eating, nagpunta ako sa terrace para magpahangin.

"Av anak, may naghahanap sa'yo." sabi ni mommy.

"Sino po?" tanong ko.

"Ram daw."

Na-shock naman ako sa sinabi ni mommy. Si Ram? anung ginagawa niya dito sa bahay namin??


Ayiiie! manliligaw!!


Pumunta kami ni mommy sa sala at naabutan ko doon na nakaupo si Ram at parang kinakabahan. Nakatayo naman ang aking daddy at matulis ang tingin niya kay Ram.

"Ram!" sabi ko. Tumingin siya sa akin at nagliwanag ang kanyang mukha.

"Av." sabi niya ng nakangiti sa akin.

"Av, anak, manliligaw mo ba to ha?" matigas na tanong ni daddy sabay turo kay Ram.

"H-hindi po. kaibigan ko lang po si Ram daddy."

"Lahat ng manliligaw sa anak ko, sa akin muna dadaan. Kaya kung may plano kang manligaw sa anak ko, mabuti pang umuwi ka na lang." sabi ni daddy.

"Honey! Anu ka ba!" ang natatawang sinabi ni mommy sabay tapik ng kanyang kamay sa dibdib ni daddy.

Natawa na lang ako sa sinabi ni daddy. Napansin ko ring napangisi si Ram.

"O bakit? Syempre, ngayong meron nang manliligaw sa anak ko, kailangan, kilatisin munang mabuti ng daddy niya. Hindi katulad ni." at naputol na ang nais sabihin ni daddy dahil sa pag-awat ni mommy.

"Honey!" sabi ulit ni mommy.

I know na si Kuya Van ang pinapatamaan ni daddy. Hindi ko na lang ito pinansin. Also, natouch din naman ako sa mga sinabi niya,. I never thought na magiging ganito sa akin si daddy. Ang swerte ko talaga!

"Uhhm..so, Ram, why are you here?" tanong ko kay Ram at umupo sa harap niya.

"Gusto ko sana ikaw ipagpaalam sa mga magulang mo." sabi niya.

"Sabi ko na nga ba eh, manliligaw ka no? Kunyari ka pa." sabi ng daddy.

Tumawa si Ram. "Hindi pa po este hindi po. Gusto ko lang po kasing ipagpaalam sa inyu si Av, gusto ko po kasi siyang isama sa resort namin, birthday ko po kasi. Kung ayos lang po sa inyo." sabi niya.

"Hindi!"sagot agad ni daddy,

Nagulat kaming lahat sa sagot niya. "Honey!" sabi na lang ni mommy. "Alam mo Ram, wag kami ang tanungin mo diyan, kung gusto ni Av, edi sige." sabi ni mommy. "Ano Av, gusto mo ba?"

"Uhmmm.." nag-isip muna ako.

"Please? Sige na, birthday ko naman eh." panunuyo ni Ram.

Sasama ba ko?


Sige sumama ka na teh! Ito na ang pagkakataon para matikman mo si Ram!


Gaga! matikman ka diyan! kung sasama naman kasi ako sa kanya, para naman akong kaladkaring babae na porket gwapo siya sasama ako sa kanya. diba?


Edi let's put it this way na lang. Kung sasama ka sa kanya, tulad nga ng sabi niya kanina, think of it as a getaway, para makalimutan mo muna lahat ng nangyari. Para makapag-isip isip ka naman. Diba?


Well, may point ka.


So sumama ka na!


I guess there's nothing wrong nmn kung papayag ako diba? 


Tama! So go for it na! Grab the opportunity! hahah


Tumingin muna ako kila mommy. Nakangiti sa akin si mommy, at si daddy naman, parang sinasabi  sa akin na, "ikaw bahala."

"Ok sige, sasama na ako." sagot ko.

"YES!" tumayo siya at nilapitan ako,. niyakap niya ako, "Thank you! thank you!" sabi niya.

"Ehem ehem." sabi ni daddy. Natigil naman si Ram sa pagkakayakap niya sa akin.

"S-sorry po sir." sabi ni Ram.
---
Naghanda na ako ng mga damit ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami doon kaya nagdala ako ng maraming damit. Mas mabuti na yung sure and ready.

Sumakay kami sa kotse niya at umalis ng bahay. Sa kotse niya--

"Why are you doing this?" seryoso kong tanong sa kanya.

"Doing what?"

"This, yung pagyaya mu sa akin. And yung pagpunta mo sa bahay para ipagpaalam ako. And yung pagsisinungaling mo na birthday mo. Alam kong hindi mo birthday. tama ba ako?"

"Paano mo naman nalaman? Nireresearch mo ba ako?" Tanong niya ng may pilyong ngiti sa mukha niya.

"That's not the the answer for my question Ram." seryoso kong sagot.

"I just wanna help you......to forget about him, to feel happy again,. Namimiss ko na kasi yung old Av na kapag nakikita ko, laging nakangiti and happy."

"You shouldn't worry about me Mr. Chua, I can handle these things on my own.."sabi ko sa kanya sabay tingin sa labas. "Don't you think you're kinda uhmm... crossing the line?"

"Ok sige na, may gusto ako sa'yo..At gusto kong maging tayo..pero para mangyarin yun, kailangan mo muna siyang makalimutan, at tutulungan kitang mangyarin yun." sabi niya sabay hawak sa aing kamay.

"I'm afraid that won't be possible Mr. Chua." tinignan ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Let's just see." nginitian niya ako. "You should take a nap, it's gonna be a long drive."

Tumingin na lang ulit ako sa ibang direksyon.

"Don't worry, I won't do anything bad to you." sabi niya sabay tawa. "not if I can't help it." tumawa siya ulit.

Tinignan ko siya muli at itinaas ang kilay ko.

"Joke lang!" sabi niya..pinisil niya ang aking pisngi, "Ummm! ang cute mo talaga!" sabi niya.

Tumalikod ako sa kanya dahil feeling ko nag-bblush ako. Kainis naman kasi, kailangan pang ilagay sa katawan ang pagbblush!


Ayiiie!! kinikilig naman siya!


Tumigil ka! Hindi ako kinikilig ah!


Naku pakipot pa! Ok sige na.


Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at nakatulog ako. Ng magising ako, nagulat ako sa aking nakita. Nasa loob ako ng isang kwarto. Maganda ang kwarto na iyon, eleganteng elegante ang dating. Nakita ko ang bag ko sa isang tabi.

"Nasaan ako??" tanong ko,.

--------------------------
Until the next episode,
Av. <3

1 comments:

Coffee Prince August 9, 2011 at 9:01 AM  

IKAW NA kua Vince . .

pakipot EFFECT pa nung una, kala ko di na matutuloy lakad niyo ni kua Ram ee . .


sabagay , panira nga naman ng MOMENTUM . . ahahah


Thanks kua Vince . . Ü

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP