The One Who Could Not be Taken - Chapter Seven

Tuesday, August 9, 2011

Photobucket



Para mga nag-aabang ng chapter na ito. Ayan fresh fromt the oven pa! Ahahaha!!! Miss you KGF. Bumalik ka na. Masyado ka ng na-murder sa istoryang ito. Bwahahaha


Chapter Seven

"So, this is the mysterious boyfriend, huh?" nangingiting sabi ni Mikey sa kanila.

Salamat sa intervention ng kaibigan niyang ito at nahimasmasan siya sa biglaang pagdating ng talipandas na si Gabriel.

Halos magpalpitate siya sa sobrang lakas ng kaba niya. Tinangka niyang kumalas mula sa pagkaka-akbay ng gwapong nilalang sa kanya pero ayaw siya nitong pakawalan. Bagkus, lalo pa siya nitong hinigit palapit dito dahilan para masiksik siya ng matipuno nitong dibdib.

Oh la la!

Wait! Erase! Erase!

Paanong nagugustuhan niya ang pinaggagagawa nito? He had never met such an audacious guy in his entire life! Sinubukan niya ulit ang pasimpleng pagtulak dito para makawala but every attempt was futile.

"I'm afraid so, Mikey. Ito kasing baby ko eh, kapag ginustong magsikreto, siguradong walang makaka-alam." ani Gabriel na tumaas-baba pa ang kilay.

"Siyanga? Dalisay?" tanong ni Mikey.

"Ah... O-oo... ganoon na nga iyon." aniyang pilit pang ngumiti para magmukhang convincing.

"See?" mayabang pang wika ni Gabriel.

Since malabo ang makatakas mula rito ay naisip niyang laruin ang laro ng magaling na lalaki. Ipinalibot niya ang mga kamay sa katawan nito. Giving him more access to Gabriel's body. Hindi na nga lang niya pinansin ang kakaibang kilabot na gumapang sa katawan niya ng ipulupot niya ang mga kamay dito.

It sent electrical shock waves to his entire system! Hindi niya inakalang ang simpleng pagganting binabalak ay may hatid na kiliti sa kanya. Dinedma na lang niya iyon para makapag-concentrate sa plano.

"Of course, Mikey... ang mga ganito kapoging nilalang ay dapat na itinatago sa madla. Marami ka kasing makaka-agaw kapag ibinuyangyang mo na lang basta. Hindi ba, honey?" Isiniksik niya pa ng husto ang katawan dito. His nose was assaulted by Gabriel's wicked scent. Bigla tuloy nanglabo ang lahat sa kanya.

"Oh my, a public display of affection. Maganda yan Dalisay, keep it up." natatawang sabi ni Mikey.

"Oh I'll definitely make this man "up", all night." mabilig niyang sabi.

Natawa ang lahat maliban kay Gabriel na biglang na-tense yata sa tabi niya. 

"So paano, kita-kits tayo later Dalisay. May pupuntahan lang kami saglit ni Ferdie. May i-mi-meet pa kaming ilang makakasama natin sa araw na ito. Yung ipina-book kong room sa iyo ay kasya para sa dalawang tao. Although, I'm sure na mas masikip mas pabor para sa inyo. Mas conducive sa romance." nanunuksong saad pa ng kaibigan bago umalis.

"Salamat, Mikey. See you later." aniya.

"Bye for now." 

Nang makaalis si Mikey at Ferdie ay mabilis niyang itinulak ang pangahas na lalaki.

"How dare you!"

"Whoa! Bakit na naman?" nagtatakang tanong ni Gabriel.

"Huh! At may gana ka pa talagang magtanong kung bakit? Ang kapal ng mukha mong sundan ako dito at magpakilalang boyfriend ko! Such audacity Mr. Fadriquella!"

Sa inis niya ay napalitan ang nagtatakang anyo nito ng isang pinipigil na ngiti. Di yata't na-amuse pa ito sa kanya kaysa magalit din. The nerve!

"Okay! I'm sorry for being audacious a while ago but you could have corrected me in front of your friend instead of nuzzling your pert little nose in my pecs. Bakit di mo ginawa? May nalalaman ka pang you will make sure keeping me "up" all night." nangiinis na sabi nito as he quoted the word.

Namulang bigla ang buong mukha niya sa ininsinuate ng magaling na lalaki.

"Hoy! Hindi ako ang may problema kung bakit di ko itinama ang sinabi mo. I was just playing your perverted little game as well. Hindi ako patay na patay sa'yong damuho ka!" defensive niyang sabi.

"Bakit ka nagba-blush?"

"I'm not blushing! It's... it's... the... it's the sunset, you dummy!"

"Why are you stammering?"

"I'm not!" hiyaw na niya.

Nakarinig sila ng tikhim mula sa mga nasa paligid. Mukhang nakakuha na sila ng atensiyon ng dahil doon. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kapag narinig ang isang tulad niya na nakikipagtalo na tila nobya sa isang gwapong nilalang na katulad ni Gabriel.

"Oh God!" naiinis niyang sabi. 

Nagmartsa siya papunta sa counter para kunin ang susi ng kaniyang silid. Iniwan niya si Gabriel na nakatayo at humihingi ng paumanhin ilang nasa paligid na sa panggigilalas niya ayhindi maganda sa kanyang pandinig.

"I'm sorry everyone, my boyfriend is not feeling very well. I'm sorry for his sudden outburst."

Nanlalaki ang matang binalikan niya ito at hinila sa tenga.

"Aray! Ano ba? Karinyo brutal ka naman, baby eh."

Oh he was beet red. That's for sure! Bakit ba kasi napakalas ng toyo ng isang ito at tila balewala lang na i-announce nito sa madla na magkarelasyon sila.

Naiinis na itinulak niya ito papasok sa elevator.

"Sira-ulo ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasasabi mo doon? I'm not your boyfriend and you're an ass!" galit na niyang sabi.

Akala niya ay tatahimik na ito pero hindi na siya nakarinig ng kahit na ano mula rito. Nagtatakang nilingon niya tuloy ang damuho na isa na naman palang malakig pagkakamali.

Why? Because he was rendered speechless by the intense look Gabriel was giving him. Walang galit kundi isang reprimanding look ng isang nakatatanda sa isang bata ang ibinibigay nito sa kanya. Suddenly, he felt ashamed of what he did. Pero hindi siya magpapatalo. Siya na nga ang naloko nito hindi ba? Siya pa ba ang magmumukhang may kasalanan? No way!

"Stop that!" naiinis na sabi niya.

Pumalatak ito. "Know what? I expected more from you Dalisay. Hindi ko alam na ganito kakitid ang isip mo. Bakit hindi mo ba pagbigyan na pakinggan ang paliwanag ko?"

"Huh? Kakaiba ka ring magpaliwanag no? To the point na patungan mo pa ulit iyon ng panibagong pangloloko. Ano bang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah?"

Suddenly, Gabriel shifted his expression from reprimanding to a guilty one.

"I'm sorry. Kung pagbibigyan mo lang kasi ako, ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon. Please?"

Tinitigan niya ang pleading look naman nito ngayon. Somehow, this man managed to evoke feelings that were unfamiliar to him. Hindi siya pamilyar sa mga damdaming iyon dahil ngayon lang niya nararamdaman ang mga iyon but that doesn't mean he doesn't know what it meant.

It could only mean one thing. He's in trouble. Mukhang ang lalaking ito ang sisira sa ipinangako niya sa sarili. Na hindi siya amghahanap ng Prince Charming niya. Ito ang hahanap sa kanya.

But come to think of it. Ito ang pumunta sa bahay niya. Ito ang nanggulo sa nananahimik niyang buhay. To the point na ideklara pa nito sa madla na magboyfriend sila. Well, wasn't it a bit... sweet

Mukha namang walang paki-alam si Gabriel kung makuha ang apology niya o hindi. Kung siya iyon, dedma kung ayaw mong tanggapin ang apology ko? Iyon ang motto niya. Pero sa mga actions ni Gabriel, bakit parang ang apology niya ang pinakamahalagang bagay sa mundo?

Napabuga siya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Sasagot na sana siya ng tumunog ang elevator. Nang tingnan niya ang monitor ay nasa palapag na pala sila kung saan naka-assign ang kwarto niya. Sa halip na sumagot ay humakbang siya palabas ng elevator.

"Dalisay..."

Nilingon niya ito.

"I'm kinda tired from driving Gabriel. Kung magpapaliwanag ka, doon na lang sa kwarto mo gawin. Inaantok na kasi ako." iyon lang at tumalikod na siya.

Nanlaki ang mata nito sa narinig. Halos abutan pa ito ng pagsara ng pinto ng elevator kundi lang sa maagap na pagkilos nito.

"W-wait..."



HABANG nasa loob ng silid ay hindi mapalagay si Gabriel. Hindi pa kasi niya naranasan buong buhay niya ang maguluhan ng labis. Ang alam lang kasi niya sa salitang "confusion" ay nahirapan siyang ispelingin iyon noong grade five siya. He had always been so sure about everything especially concerning himself.

Unang mga taon pa lang niya sa mundong ibabaw ay alam na niyang attracted siya sa kapwa lalaki. Alam na rin niya nung magsimula siyang mag-aral na hindi siya uubra sa balarila at panitikan, Filipino man o English. Sigurado siyang crush niya ang hardinero ng kapitbahay nila na sobrang ganda ng katawan at may malaking umbok sa tamang lugar. Alam niyang walang maidudulot na mabuti ang bawal na gamot kaya hindi siya tumikim niyon buong-buhay niya. Besides, men had always been a more enjoyable thing than anything, another thing he was so sure of.

Kaya naman, hindi niya malaman ang pabago-bagong ugali na ipinapakita ni Dalisay sa kanya. Kanina ay galit na galit ito sa kanya. Then he said he was just playing along with him. Tapos galit ulit tapos ngayon pakikinggan na raw ang paliwanag niya?

Which is which? 

Sino ang totoong Dalisay? 

Bakit ba gulong-gulo na siya ngayon? Sana pala ay hindi na niya pinatulan ang hamon sa kanya ni Charlie tungkol kay Dalisay. Hindi sana siya naguguluhan ngayon. Hindi naman kasi siya dating ganito sa mga nakikilala at nakakarelasyon niya. Madalas siya ang hinuhulaan ang susunod na gagawin pero sa isang ito ay siya ang nangangapa. Literally.

Tumayo siya sa sofang kinauupuan. Isa iyong en suite na compliment ng hotel sa pag-stay ng magaling na author na si Michael Juha. Starstruck pa rin siya sa mga pangyayari although expected na niyang ang mga katulad ni Dalisay ay may ganoong klaseng circle of friends.

Ngayon ay nasa banyo si Dalisay at nagbibihis. Mamaya na raw ito bababa kaya naman doon na lang daw ito magpaliwanag. He was welcome to stay pero pakiramdam niya ay pabalat-bunga lang iyon sa panig nito. Na para bang nakikipag-usap ito sa isang batang makulit.

Makulit ka naman talaga.

He smiled. He tried to use the same tactic a while ago but failed miserably. Hindi talaga umubra kahit na anong gawin niya sa isang ito. Daanin niya kaya sa dahas? 

Not bad.

Napangisi siya sa pilyong suggestion ng isip. Nasa ganoong estado siya na napapangiti ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Dalisay.

Naka-shorts lang ito at puting collared shirt. He looked fresh. Hindi tuloy niya napansin ang matabang na expression ng mukha nito.

"Spill it. Makikinig ako." anitong tila tamad na tamad sa mga pangyayari.

"Ah.. eh..." Damn! Hindi niya alam kung paanong magsisimula.

"Well?"

"I-i... I'm sorry."

"You've been saying that for the last six hours. Please? Wala na bang iba? Get straight to the point so we could get this over and done with."

Tila siya tinamaan ng hiya sa sinabi nito. Never pa siayng naipahiya ng ganoon katindi. Grabe na ang isang ito talaga. Huminga muna siya ng malalim at nagbilang ng hanggang sampu. Taking all the time in the world bago muling nagsalita.

"Fine! Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, bahala ka! Wala pang nakagawa ng ganito sa akin kundi ikaw lang at hindi ko matanggap iyon. Alam mo ba? Hindi ko deserve ang ganitong treatment kaya bahala ka na sa buhay mo. You can keep your damn apology to yourself, for all I care."

But Gabriel got the shock of his life when he turn to Dalisay and find out that he was already sleeping.

Great!

Sa halip na mainis ay napatulala lang siya sa natutulog na manunulat. He looked peaceful in his sleep. Contrast sa ugali nito kapag gising ito. Ewan niya pero natutukso siyang lapitan ito. And he did.

Tumalungko siya para magtapat ang mga mukha nila. Ngayong natititigan niya itong maigi ay nakikita niya ng husto ang mga nagustuha niya rito.

Nagugustuhan? Hala ka, Gabriel!

Ikiniling niya ang ulo. Mukhang inaagiw na ng husto ang utak niya t kung anu-ano na ang naiisip niya.

Oo at may crush siya dito pero ang i-pin point ang mismong nagustuhan niya kay Dalisay? That was not so Kirby Gabriel Fadriquella.

Tatayo na sana siya ng lumagutok ang isang buto niya sa likuran. Marahil sa sobrang pagod. Hindi niya inasahan ang sakit na dulot ng pagkakapitik ng isang buto niya kaya hindi niya napaghandaan ang pagkakasubsob niya sa natutulog na si Dalisay.

To make matters worst, his lips was pressed against Dalisay's. Nanlaki ang mata niya sa reyalisasyon kasabay ng pag-akyat ng kakaibang sensayon sa kanyang katauhan dahil sa pagkakalapat ng kanilang mga labi.

No way!


Itutuloy...




DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP