Walang Pamagat
Monday, August 8, 2011
ni : Aeki Frozen
--------------------------------------------------------------------------------------------
di ko lubos maisaisip ang aking nararamdaman
kalungkutang umaapaw sa aking lupang katawan
nagnanais na mahagkan ay maranasan
upang lamig ng gabing nagdaraan maibsan
nais ko'y makita ang sariling tumatawa
kasabay ng pagkukubli ng sakit na aking nadarama
magdadala man ito ng walang hanggang saya
kalakip naman nito ang walang hanggan ding pagluha
sumisigaw ang pusong sayo ay nag aantay
hindi na maikubli ang panata sa aking buhay
mga agam agam na syang nais ipag nilay nilay
upang matangal itong nadarama kong paglulumbay
kailan darating ang sa puso'y aakay?
kailan maiibsan ang kalungkutang nananalaytay ?
katawan at isipan ay pagod na sa pag aantay?
mararanasan ko pa kaya ang sinasabing makailang buhay ?
1 comments:
grabe nakakarelate ako :(
nice poem po! :D
Post a Comment