The Best Thing I Ever Had - (Part 6) Lonely
Thursday, July 28, 2011
Note: Eto na po ang part 6 ng TBTIEH! Sorry po kung mejo na-late ang update, nagkaroon lang po kasi ng kunting issues lol. I would like to thank my friend Macky and Coleen for helping me to write this part. Thanks!
Enjoy reading!
Ralph Alexander Michael Chua o mas kilala sa tawag na Ram.
Grabe ha! ang hilig mo sa mahaba ang pangalan!
Anyway. Ka-batch lang namin siya. Tulad ni kuya Van, isa rin siyang varsity sa basketball team sa Dickinson University, ang school namin. Isa siya sa mga basketball hotties. Magaling siyang magbasketball gaya ni kuya Van. Sila ngang dalawa ang pinakamagagaling sa team nila. Pero pag nasa court na, mas nag-shi-shining shimmering splendid si kuya Van kaysa kay Ram. Siguro dahil sa mas cute si kuya Van sa kanya or mas hot or somthing. Ewan ko. Kasi sa tingin ko naman eh parehas lang silang gwapo. Ayun, dahil nga sa "inggit" daw, naging no.1 enemy ni kuya Van si Ram. Kumbaga super villain ang set-up. joke.
Over! Grabe!
Anung over ka jan?
Over! ang Chismosa mo, lahat alam mo! haha.
Che! Hindi ako chismoso no! Naririnig ko lang yan!
Anyway, back to the real world. Nadulas nga ako, nasapo niya ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin, habang nasa braso pa rin niya ang mga katawan ko.
"O-oo. salamat." tumayo na ko at nag-ayos ng sarili.
"You're welcome..Av, right?" sabi niya.
"Yep. and you are?" siyempre kahit alam ko yung pangalan niya, parang gusto ko na magpakilala siya sa akin. Ewan ko kung bakit, siguro malakas lang trip ko or malakas lang talaga tama ko.
Pagpasensyahan ninyo na po, kalalabas lang ng mental.
Shh! Shut up!
"I'm Ram." ngumiti siya sa akin at iniabot ang kanyang kamay.
"Nice to meet you Ram. Salamat nga pala sa..uhmm...pag-sapo mo sakin." sabi ko sa kanya, at inabot ko ang kamay ko sa kanya. Habang nasa ganoon kaming situation, tinawag ako ni kuya Van mula sa aking likuran.
"Av! Halika na!" ang mejo mataas na tono ng boses ni kuya Van.
Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nasa kabilang dulo ng aisle si kuya Van pero mukhang galit siya.
"Uhhm..opo! nanjan na po!" sagot ko naman.
Humarap ako kay Ram at nakita ko na masama ang tingin niya kay kuya Van."Uhmm Ram, salamat ulit ha? I have to go. See ya around! Thank you ulit!" at naglakad na ako papunta kay kuya Van.
Nginitian naman niya ako. Habang naglalakad ako patungo kay kuya Van, hindi pa rin maalis sa kanilang mga mukha ang masamang tingin sa isa't isa.
Anung meron sa dalawa na to? Ganito ba talaga sila? talagang nemesis talaga ang turingan sa lahat ng bagay at kahit saan?
Hindi ko pa kasi nakikita sila na nag-encounter or something kaya kahit sa mga narinig ko na magkaaway daw sila eh hindi ko naman alam na ganito pala kalaki ang galit nila sa isa't isa.
Nang makalapit na ko kay Kuya Van, "Halika na!". Hinablot niya ang braso ko at saka hinahatak habang naglalakad.
"Aray!! teka nga lang kuya! masakit!" kinuha ko ang kamay ko sa kanya at tumingin sa kanya ng masama.
Hindi na siya sumagot. Binayaran namin ang aming mga nabili at lumabas na sa grocery. Habang naglalakad kami, hindi pa rin kami nag-uusap, basta lakad lang. Nakarating na kami sa bahay at ibinigay na namin kay mommy ang aming binili. Dumiretso siya ng kwarto ko.
"Oh anung problema ng kuya mo? nag-away na naman ba kayo anak?" tanong ni mommy.
Ganun kasi si kuya Van, parang bahay na rin niya ang bahay namin dahil na rin sa sinabi ng mga magulang ko na "feel at home" daw siya dahil anak na rin ang turing nila sa kanya. anyway,
"Hindi ko nga rin po alam eh. Kakausapin ko na lang po ma." sabi ko kay mommy. Dumiretso ako sa kwarto at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang nakaupo sa isang chair at nakaharap sa akin, matulis ang tingin niya sa akin..
Nakakunot naman ang noo ko at nagtataka kung bakit siya ganon. Parang ngayon ko lang kasi siyang nakitang ganoon ang ayos.
"Anong problema mo?" tanong ko sa kanya, nakatayo ako sa harap niya.
"Bakit mo kausap yon?" tanung niya. Halata na galit siya pero pinipilit niyang maging mahinahon sa pagtatanong sa akin.
"Sino?" tanong ko.
"Si Ram!" na may pagdidiin sa pangalan niya.
"O, nadulas ako, nasalo niya ko, nag-thank you ako dun sa tao. teka bakit ba? bakit parang galit na galit ka?" tanong ko sa kanya.
Natahimik siya.. Yung bang parang nag-coo-cool-down. After a minute, nagsalita na ulit siya. "Wag ka na ulit makikipag-usap sa tao na yon." ang mahinahon niyang sagot.
"At bakit naman?" ang mataray na sabi ko sa kanya. "Eh mukha namang mabait yung tao ah."
"Basta, masama siyang tao, hindi mo siya kilala, hindi mo alam ang pwede niyang gawin sa'yo. Kaya layuan mo siya." sabi niya.
"Bakit? Wala na ba kong karapatan ngayon para makipag-usap sa ibang tao?! Hindi ko na ba pwedeng kausapin ang isang tao dahil galit ka sa kanya?! ha?!" sabi ko sa kanya, mejo lumakas ang boses ko.
Tumayo siya,"OO! dahil masama siyang tao! kaya layuan mo siya!" pasigaw na sabi niya.galit na galit siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kagalit.
Natahimik ako,.nakatitig ako sa galit na galit niyang mukha. Feeling ko namutla ako,.Habang nakatitig ako sa mga mata niya na punung-puno ng galit, bigla na lang tumulo ang luha ko. Siguro sa sobrang takot ko sa kanya or nasaktan ako dahil sinigawan niya ako. Unti-unting nawala ang galit sa kanyang mukha at napuno ng pag-sisisi.
Hinawakan niya ang magkabila kong braso. Bigla ko inilayo ang aking mga braso na parang isang batang natatakot sa isang tao. "I-I'm sorry, hindi ko sinasadyang masigawan ka bunso, I'm sorry,.sorry talaga bunso."
Tumango na lang ako ngunit patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko, nakatingin ako sa sahig. Niyakap niya ako. "Bunso, sorry talaga.hindi sinasadya ni kuya.i'm really really sorry."
"O-ok lang kuya.sige na.magpapahinga na ko." kumalas ako sa hug niya at nahiga sa kama.
Lumapit siya sa akin, pinunasan ang mga luha ko, at saka hinalikan ako sa noo. "I'm sorry talaga bunso."
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
Nung makalabas na siya sa kwarto ko, nakatingin pa rin ako sa kisame. Umaagos pa rin ang luha ko.
Bakit siya ganun? bakit ang laki ng galit niya kay Ram? bakit niya ko kailangan pagbawalan kausapin siya? Mukha namang mabait yung tao ah.
Siguro, iniisip lang niya kung anung makakabuti sa'yo.
Wow, mabaet ka na ngayon? mukhang nagbago ka huh. pinagalitan ka ba ni God at sinabing maging mabait ka na sakin at nagiging mabait ka na?
Seryoso ako Av.
Fine. But that's not the point. Mukhang mabait naman yung tao ah. Tinulungan pa nga ako. What makes him think na may gagawing masama sakin si Ram?
I know pero, intindihin mu na lang siya, hindi naman siguro niya gagawin yun kung masasaktan ka diba? mukha namang mahal ka ng kuya mo.
Mahal? Talaga lang huh. Baka yung girlfriend niya lang ang mahal niya! Shit! ayan, bumabalik na naman sa isip ko yung gf nung mokong na yun.
At dahil sa naalala ko ulit ang nangyari earlier this day, umiyak na naman ako ng bonggang bongga.
Look Av,.
Stop! I don't wanna hear it! kung pagtatakpan mu lang yang si kuya Van eh wag ka na lang magsalita! I had enough of him!
Ayan.yan.yan ang problema sa'yo. masyado kang OA.
Kung OA ang tawag sa isang taong nasaktan dahil sa mahal na mahal niya ang isang tao at nalaman na lang niya na may gf na pala yung taong mahal mo ng hindi mo alam, edi sige, OA na kung OA.
Umiyak lang ako ng umiyak at hindi na nagsalita ang boses.
"Arrgggghhhhhh!!!!!!!!!!!!! Bakit ba kasi minahal ko pa siya!" gigil na gigil ako. tinapon ko ang unan ko.
Iyak ako ng iyak.
Habang umiiyak ako, biglang may nagtext sa cellphone ko. hindi ko ito pinansin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahil ay napagod na rin ako sa lahat ng nangyari ngayong araw na to.
I deserve a good night sleep.
The next day, I woke up with a headache.
"Arrrgghh! ang sakit ng ulo ko."
Tumayo ako sa kama at dumiretso sa bathroom, para maghilamos. Pagkatapos ay bumaba ako para mag breakfast.
"Oh my gosh anak! you look sick! okay ka lang ba?" ang alalang alala na tanong ni mommy.
"Masakit lang po ang ulo ko mommy pero magiging okay din po ako." sagot ko naman. Ayoko na kasing mag-alala sa akin ang aking mga magulang.
"Ok sige anak, kumain ka muna at uminom ka ng gamot pagkatapos."niyaya ako ni mommy papuntang dining area, at umupo ako paharap sa kanya.
"Mommy, si daddy po?" tanong ko sa kanya.
"Maagang umalis may aasikasuhin lang. o sige anak kumain ka na."
"Ok po." nag-simula na akong kumain. Kumuha ako ng dalawang hotdog, at omelet, pagkatapos ay kumuha ng konting kanin.
Habang kumakain kami, "Anak, dumaan nga pala dito sila Macky at Marco, inaaya ka nila na manood daw ng liga mamaya dyan sa may kanto." sabi ni mommy.
By the way, sina Macky and Marco ay kapitbahay namin, magkasing edad lang kami ni Macky, at mas matanda sa akin si Marco ng isang taon. Magkapatid silang dalawa at parehas ko rin naman silang mabubuting kaibigan. Mga kababata ko sila. Babae si Macky,nga pala.hahaha.
"Ah ganun po ba? Titingnan ko po kung makakasama ko." sabi ko na lang.
Nang matapos na ko kumain, nagpaalam ako kay mommy at umakyat ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may 3 messages.
Una, galing kay kuya Van, kagabi pa pala yung message na yun, siya pala yung nagtext sa akin.
"Bunso, sorry talaga ha? sorry sorry sorry. :("
nireplyan ko siya kaagad:
Good morning kuya! sorry hindi ko po kayu nareplyan kagabi. nakatulog na po kasi ako..Ok lang po yun kuya.kalimutan mo na po yun. :)
Yung pangalawang text, galing kay kuya Marco:
Ui Av! Sama ka samin ni Macky mamaya, nood tayo ng liga!
nireplyan ko rin siya.
Uhmm. sige kuya. anong oras ba?
nagreply din siya agad.
mga alas kwatro. sunduin ka na lang namin jan. ok?
nireplayan ko siya ulit.
okay kuya.
Tiningnan ko yung pangatlong text. galing kay Macky. mga 15 minutes ago.
Ui Av!!!!! may nanghihingi ng number mo!!!
nireplyan ko cia:
Huh? cno?
nagreply siya agad.
Si Ram!
nireplyan ko cia:
Ano?? wag mu ibibigay.
nagreply cia ulit.:
okay.sige, kita na lang tayo mamaya.
Hindi na ko nagreply. Natulala ako sa nalaman ko.
Bakit hinihingi ni Ram yung number ko? Hmmm..
Sige na! ikaw na maganda!
Wow! You're back!
You're back ka jan! Hindi naman ako nawala no! Anu yon? nag-abroad ako?
Gaga! I mean, echoserang kontrabida ka na ulet! akala ko kagabi nagpakalalaki ka na eh! hahaha
Over my dead body! Nagpaka-serious lang ako kagabi no!
Okay..
Inialais ko na sa isip ko ang mag-isip kung bakit hinihingi ni Ram ang number ko.
Tiningnan ko ang oras. 11 na pala. Naisipan kong manood ng tv. Showtime na! lagi kasi akong nanunuod ng showtime. Gandang-ganda kasi ako kay Anne Curtis at tuwang-tuwa naman ako kay Vice Ganda and kay Ryan Bang. Natawa naman ako sa mga jokes at okray ni Vice sa mga tao.
After kong manuod ng Showtime, kinuha ko ang laptop ko. At syempre as usual, Facebook. Nakita ko na may isang friend request. Si Ram. Iniisip ko kung i-aaccept ko ba or hindi.
Ayiiieee! pakipot pa! hahah
Shhh!
Cnlick ko n lng yun "Not Now" button at pagkatapos ay nag-log out na ko,. hindi ko na chineck yung mga notifications ko.
Nahiga na lang akong muli sa aking kama. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising ako, 3:30 na. Agad akong kumuha ng damit at pumunta sa bathroom. 4:00 ang usapan namin nila kuya Marco kaya kailangan ko ng magmadali at baka magalit pa sakin yung dalawa na yun. Naligo ako at nagpalit ng damit.
Nagring ang phone ko,.si kuya Marco.
"Hello kuya?"
"O Av, nakagayak ka na?"
"Oo, san na kayo?"
Tumawa siya. "Nandito kami ni Macky sa sala niyo! hahaha"
"Ay ganon? O sige bababa na ko."
Bumaba ako at hindi nga siya nagsisinungaling. Nasa sala na sila ni Macky.
"O kuya Marco, Macky, ano, alis na tayo?" tanong ko sa kanila.
"Sige halika na."
Gwapo rin si kuya Marco,. matangkad, well-built ang katawan, pero dark ang skin tone. kumbaga, tall, dark and handsome plus, mabait pa and matalino. Kaya complete package. swerte ang mga babaeng magiging girlfriend niya.
O, naiinlove na ka ba kay Marco? Bagong Papa na naman yan ha. Ang kati mo!
Gaga! dini-describe ko lang po yung tao.
Well.
Anway,
Si Macky naman, maganda at matangkad pero maputi siya hindi katulad ng kuya niya. Kaya minsan, nagugulat ang mga tao na magkapatid pala silang dalawa.
Nang makarating kami sa court, konti pa lang ang mga tao. Nga pala, mahilig akong manuod ng mga basketball games pero ayaw kong mag-laro, hindi kasi ako sanay and wala rin naman akong planong pag-aralan ang larong to.
Naisipan ko rin naman kasing sumama dahil gusto ko namang malibang kahit saglit lang. Puro iyak na lang ako.
Naghanap kami ng mauupuan. Tiningnan ko ang cellphone ko, nakita kong may message galing kay kuya Van.:
Bunso asan ka?
Hindi ko muna siya nireplyan. Kahit kasi na sinabi ko sakanyang okay lang yung ginawa niya sakin, nasaktan pa rin ako.
Habang nakatitig ako sa cellphone ko, nagulat ako ng may tumabi sa akin. Si Ram.
"Hi Av!" nakangiti siya sa akin.
"Hi!" ngumiti na lang din ako sa kanya. napansin ko ang suot niyang jersey at sapatos. "Kasali ka sa liga?"
"Oo. hindi ba halata?" sarcastic na tugon niya.
Hindi na lang ako sumagot at tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya sa akin at nakatitig.
"O bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko sa kanya.
"Ang cute mo pa rin kasi kahit nagtataray ka." sabi niya.
Medyo kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon.
"O so nainlove ka sakin niyan?" tumawa ko ng malakas.
"Paano kung sabihin ko sa yong, oo, papayagan mo ba kong manligaw sa'yo?" tanong niya.
"Gago! Ligaw ka jan! ano ko? babae?"
Ngumiti lang siya. "Anyway, bakit ayaw mong ibigay yung number mo?"
"Bakit ba kasi hinihingi mo?" tanong ko.
"Wala lang, bawal ba?"
Hindi na lang ako sumagot.
"Okay ganito na lang. Kapag nanalo kami sa game namin, ibibigay mo sa akin yung number mo, pero pag natalo kami, hindi ko na hihingin. ok ba yun?"
Nag-isip muna ako. "Okay sige deal."
"Ihanda mo na sarili mo dahil mamaya lang, ibibigay mo na ang number mo sa akin. Sure win na kami, ako pa!" nakatingin siya sa akin with his devilish smile.
"Uhmm ilang page ka?" tanong ko sa kanya.
"Ano? anong page?" tanong niya ng may pagtataka.
"Ang kapal mo kasi eh, daig mo pa yung pinagsama-samang volume ng encyclopedia." sabi ko.
Pinisil niya ang pisngi ko."Ummm! ang cute mo talaga!"
Umalis na siya dahil magsisimula na ang game.
Mananalo kaya sila??
---------------------------------------------
Until the next episode,
Av. 귀여운
3 comments:
wah nasaan na ba ang next ^__^
parang may dadating sa game ah :D
Salamat po sa pagbasa kuya ace!
Nakapost na po ang nxt part.
Enjoy reading po!
i just now noticed that i had skipped to read this chapter . .
astig!
Ü
Post a Comment