Chapter 18 : Task Force Enigma: Rovi Yuno

Friday, December 10, 2010

Photobucket


Well, action pa rin ito, pero may preliminaries sa muling pagkikita ni Bobby at Rovi. Nakaka-miss din silang dalawa. Maraming salamat sa inyong lahat na sumusuporta. Sabay-sabay na ang posting nito sa MSOB, PEX at siyempre sa Fall in Love with Dalisay.

Kaya naman, follow my blog, http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com at makisali na sa pagkain-love ng mga madlang pipol! Ahihihi...

Salamat Zach and this chapter is dedicated for your kind generosity. :)

Enjoy!!!
__________________________

"Anong ginagawa mo diyan pare?"

"Nagbubura ng kalawang!"


Muntik na siyang matawa ng makitang nakatiwarik ito sa kisame. Kung di lang sa takip nito sa mukha malamang ay puro alikabok na ito. Marahil ay nakuha nito iyon sa pagsabog. Naiiling na tinulungan niya itong makababa.

Nagmumurang nagtanggal ito ng takip sa mukha. "Namputsa naman pare o. Muntikan na ko doon ah?" iritadong sabi nito.

"Pasensiya na. Malay ko bang nandito ka? Saka bakit ang tagal mong i-penetrate ang control room nila?"

"Gwardiyado pare. Saka papasukin ko na ng makita kong sumara ang steel gate nito. Kaya naghanap ako ng air-duct. Tiyempo nakita ito at paakyat na ng magpasabog ka."


"Tsk! Nahirapan din ako sa pag-akyat dito. Idea ni tiyaga ito eh."

"Knowing Perse, hindi magpapatumpik-tumpik ang isang iyon."

"Tell me something I don't know 'tol."

Nagtawanan pa sila na animo walang pinoproblemang malaki. Nagulat pa sila ng baol, anong update?hagya ng magsalita ang object of amusement nilang dalawa.

"Mga kumag, nandito lang ako sa baba. Make sure na walang makakarinig sa inyo kung magtsi-tsismisan kayo."

"Nakupo, narinig tayo." balewalang sabi ni Rick.

"Ex, Anong update?" tanong nito kay Jerick.

"Ex ka diyan! Wala pa. Kanina pa ako naghihintay dito. Ano bang ginagawa niyo diyan? Prayer vigil?" sagot ng hacker.

"Hindi Ex, iniisip kita." sabay kindat sa kanya.

"Timang." sagot ni Jerick sabay hang sa kanila.

"Wow pare. Sabi na nga ba eh. May something talaga kayo ni Salmorin."

"Ano ngayon sa'yo?" taas-kilay na sagot ng malihim na tinyente.

"Wala."

"Mga ungas kilos na." si Perse.

"Hoy ako ang team-leader dito ah." singhal ni Rick.

"Sinabi ko bang ako?" angil din ni Major Veance.

"Hindi naman."

"Good."

"Pare, we have company." putol niya sa asaran ng dalawa.

"Oo nga." sagot ni Rick sabay bunot ng baril.

Nagsisidatingan na ang mga alagad ni Gyul Ho at dinig na dinig nila ang yabag ng mga ito. Kinuha niya ang isang flashbomb at tear-gas. Agad na nagsuto ng protective mask silang dalawa ni Rick at nag-abang ng tiyempo para sa paghahagis ng mga ito. Saktong pagliko ng mga tinamaan ng magaling ay inihagis na niya ang flashbomb at tear-gas. Epektibong combination. Atake at depensa na magkasabay.

Agad nilang sinugod ang kulumpon ng mga nabiglang haragan. Suntok dito, sipa doon. Bali dito, bali doon. Lahat ng madaanan ay sinisigurado nilang makakatulog o hindi na makakalaban. Kung kanina ay patay kung patay ang labanan, sa ganitong pagkakataon ay kung kayang gawing immobilized ang kalaban ay gawin mo. Killing was unnecessary if the attacker cannot fight you back.

Nang matapos sila sa pambubugbog ng may labin-lima ring katao ay kinuha nila ang mga armas ng mga ito. Lugi kasi sila sa dami ng nasa loob. Nakita nila ang mga security camera sa hallway. Sinira ni Rick iyon.

"Bakit 'tol?" tanong ni Rovi.

"Kailangan nating mapasok ang control room at all cost. Kung hindi pwede sa mismong pinto, gagawa tayo ng sarili nating pinto."

"Ah... gets ko na."

Iyon lang at nagkasundo silang sirain ang lahat ng security camera na makikita habang busy sa pagpapatulog sa bawat sumusulpot na kalaban. Ang ilan ay pinatatamaan na lang nila sa binti sabay suntok sa mga ito para makatulog.

Nang marating nila ang mismong control room ay saglit silang tumigil. Ang mismong control room ay nasa gitna ng pasilyo. Nasa gitna rin na pakwadradong silid ang bakal na pinto. Matatagalan sila doon. Nilibot ito ni Rick.

"Para, side-stepping. Kaya pa ba ng claybombs mo?"

"Oo naman. Hindi ko alam na magagamit natin ng husto ang imbensiyon ni Salmorin." maagap na sagot ni Rovi. Ibinigay niya ang kalahati ng mga claybombs na meron siya.

"Pare, mabilisan ang lagay ha. Auto-detonate ang features nito kapag nadikit ito sa semento. Fifteen seconds ang time limit. Kaya kung kaya mong maglagay ng mas marami sa oras na iyon ay gawin mo.

"Iyon lang ba? Yakang-yaka to."

"Sige. Doon ako sa kabila."

"Move."

Mabilisan nilang tinungo ang magkabilang pader. Naka-isip na siya ng plano para sa gagawing assault. Sa tantiya niya ay mga sampung claybombs ang kailangan para masira ang pader. Kaya ng dala niya yun. Naglagay siya agad ng lima na may tag-iisang talampakan ang layo saka siya mabilig na lumayo.

Halos sabay lang sa pagsabog na nilikha niya ang naging ingay sa kabilang panig. Napangiti siya ng makitang gumana ang bomba. Mabilis siyang naglagay ulit ng another set at lumayo. Halos sabay na naman sila ni Rick ng ginawa. Sa panghuling beses na ginawa nila ay may liwanag ng tumatagos sa pader, tanda ng nagawa nila ang pakay. Mabilis siyang naghagis ng flashbombs sa loob at tear-gas. Padapa siyang pumasok sa loob at dahil naka-protective mask ay kitang-kita niyang iniihit ng ubo ang bawat tao sa loob. Mabilis niyang pinatulog ang bawat madaanan. Ganoon din si Rick na ngayon ay nakatayo na sa isang sulok at hawak ang isang tauhan ni Gyul Ho sa leeg.

Hindi nila alam kung nasaan ang tamang pipindutin doon kaya naman hinayaan na lang niya si Rick na ilagay ang bug sa system ng mainframe computer. Nakita rin nila sa surveillance videos ang pag-akyat ng ilang tauhan ng koreano. Napakarami pa rin.

"Pare, wala ka bang napapansin? Mukhang wala dito ang hinayupak na Koreano. At isa pang ipinagtataka ko ay parang puro tauhan lang nila ang nandito at alam nilang lahat na balak nating pasukin ito ngayon."

Nagtanggal ito ng maskara. "Kanina ko pa iyan pinagtatakhan. I've been searching for that bastard since I came here but he's nowhere in sight. Ang isa ring pinagtatakhan ko ay ang obvious na sobrang-dali ng pagkakapasok natin. Kung sinabi nilang tight talaga ang security dito ay hindi ko masyadong naramdaman. Kakaiba ang feeling ko sa ginagawa nating ito."

"Tama ka. How about that guy's statement? Iyong nahuli nila Perse na nagsasabing may espiya sa atin. At si Alexa ang tinutukoy nung kumag. Nasaan nga pala ang babaeng iyon pagkatapos kong ihatid sa'yo sa presinto?"

"I sent her back to Gyul Ho. Wala akong sinabing susugurin natin ang lugar na ito. Pero kung tama ang kutob ko, she's a double-spy. She might be working with us and Gyul Ho at the same time. Malulungkot ako kung ganoon nga. So I guess, wala akong choice kung hindi ang patumbahin na rin siya."

"Relax lang 'tol. Babae pa rin iyon." pagpapakalma niya.

"'Tol sa trabaho natin, walang gender discrimination. Skilled din si Alexa dahil ako ang nag-train sa kanila ni Apple. Although dati pa man ay sa akin na ang loyalty ni Apple kaysa sa kambal niya. May pagkasuwail ang isang iyon."

"Tsk!" ang nasabi na lang niya.

"Security Breached." ang sabi ng computer.

"Counter-attack measures in 5 minutes."

"Shit! Jerick! May auto-detect ang system nila. Huwag ka ng tumuloy."

"Too late, Rick. Kayo ang umalis na diyan. Nang makapasok ako kanina ay nakita ko ang self-destruct ng buong factory. Kapag natapos ang limang-minuto na iyan ay siguradong imposible na ang pagtakas. Pero may isang paraan. I found a way to stop it. Kailangan ko lang ng password."

"What the..." tanging nasabi ni Rovi.

"I think si Alexa ang may gawa nito. Ilang letters ang password?"

"I don't know. Walang clue."

"Four minutes 'tol. Kaya pa nating lumabas dito. I found a basement na pwedeng pagtaguan. We have at least 20% of survival kung doon tayo magtatago nila Perse."

"Men, move. Mas madali kung sa gubat. We still have our van. Kayong dalawa na ang magtago doon. Its better than all of us get trapped inside that basement." si Perse na matamang nakikinig sa usapan nila.

"Try Martina, Jerick." si Rick na binalewala sila.

"Negative."

"Two minutes Rick." paalala niya.

"Try Apex."

"Negative Rick. Last try."

"What?" singhal ni Rick.

"I'm sorry. Nakalimutan kong hanggang 3 attempts lang."

"Fuck!"

"40 seconds Rick. Let's move." sigaw na ni Rovi.

"ahhh... Try Felicitas!"

"Here goes nothing!" si Jerick.

Napapikit na lang si Rovi ng makitang 30 seconds na lang. Parehas sila ni Rick ng ginawa. Nakikiramdam sa maingay na countdown. Piping nananalangin para sa kaluluwa niya. At least they would die fighting.

"Oh my God! It worked. Pasensiya na, nag-verify pa. I'll shut everything down saka ko bubuksan ulit after five minutes. Diyan muna kayo." boses iyon ni Jerick na nagpabalik ng hininga niyang pinipigil niya.

Pagdilat niya ay naabutan pa niyang 8 seconds na lang at sasabog na ang buong lugar. Dumilim ang paligid pero dinig nila ang mga yabag. Isinuot nila ang protective mask at inilagay sa night vision mode. Walang nagsasalita sa kanila ni Rick pero dama niyang nagpapasalamat din ito na nagawa nilang pigilan ang pagsabog. Mamaya na siya magtatanong. Sa ngayon, bakbakan muna ulit.



Sa safehouse sa Nagcarlan ay may may magaganap ding aksiyon. Mabilis na umibis ang mga tauhan ni Kring sa sasakyan at pinaulanan ng bala ang buong bahay. Nang mga sandaling iyon ay nasa labas si Apple. Sampung-katao ang lahat ng iyon. At ang taong nasa loob ay walang iba kung di ang isa sa mga pulis na bantay nila. Nasa beach ang mag-tiya. Kasama si Go, yung isa pang bantay.

Maingay ang paligid sa walang-hanggang putukan. Mabilis siyang nagsumiksik sa mga halaman at hinila ang nag-iisang malapit doon. Hindi napansin ang ginawa niya. Mabilis niyang binali ang leeg ng nakuhang lalaki at binitbit ang baril nito. Nang matapos ang mga ito sa ginawang pagpapaputok ay saka siya lumitaw sa bandang likuran ng mga ito at pinaulanan ng bala ang siyam na lalaki.

Wala ng lumalabas na bala sa M-16 na hawak niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa. Nanginginig siya sa galit at takot na kung nagkataong nasa loob sila ay malamang na patay na silang lahat. Natigil lang ang ginagawa niya ng may humawak sa braso niya at saka siya sinampal.

"Mandarin! Tumigil ka!"

Natauhan siya sa ginagawa. Nanlalaki ang matang napatitig kay Bobby. Mabilis niyang nabitawan ang baril na hawak at yumakap dito. Napaiyak siya.

"Bobby!"

"Ssshh... Tama na. Tapos na at... ang galing mo. Hindi ko alam na kaya mong humawak ng baril."
pagbibiro pa niya para mapatahan lang ito.

"A-ayoko nga nun eh. Pero ako lang ang nasa malapit. At may training ako kay Rick. Kami ng kapatid ko. Yun nga lang, ayoko talaga nun." umiiyak na sabi pa nito.

"Okay na Mandarin."

"Apple."

"Huh?"

"Apple ang pangalan ko."

"Paanong..."

"Diyos ko! Anak anong nangyari dito?" si Tiya Edna.

"May sumugod sa bahay." pagpapakalma ni Bobby sa tiyahin.

"Si Marcus." anang pulis ng mahimasmasan.

"Mukhang natunton na tayo." si Mandarin na Apple daw.

"Oo nga Bobby. Kailangan na nating makaalis dito. Kokontakin ko si Rick. May espesyal na gadget na ibinigay siya sa akin para makontak ko siya. We need to get out of here fast. Hindi ako sigurado pero malamang na may mga kasama pa ang mga iyan."

Napatango na lang si Bobby sa babae. Paglabas ng pulis na si Go ay tumawag lang ito sa istasyon at ipinaubaya na sila kay Apple. Kinuha lang niya ang gamit nila ng tiyahin at mabilis na lumayo doon. Habang nagda-drive ay may ini-abot sa kanya si Apple.

"I-dial mo yung number sa likod. Ring lang ang maririnig mo pero mare-receive niya yan."

"Sino?" takang tanong niya dito.

"Si Rick."

"Magpaliwanag ka Apple o Mandarin o kung sino ka man. Anong nangyari kanina?" sabi niya sa kontroladong boses habang ginagawa ang sinabi nito.

"Ako si Apple. Nagpanggap lang akong Mandarin dahil isa akong asset ni Rick sa club."

"Ano?"

"Totoo yun. Alam ni Rovi ito."

"At hindi niya sinabi sa akin?"

"Anong sinasabi mo Mandarin?" si Tiya Edna na nasa likuran ng kotse.

"Isa po akong espiya ni Rick sa club na pinagta-trabahuhan ng pamangkin niyo. Hinihinala po kasi namin na mayroong drug smuggling operations doon." pagpapaliwanang nito sa tiyahin niya.

"Walang sumasagot."

"Patayin mo na. Tatawag iyon sa akin." saka nito hinugot ang cellphone at inilapag sa dashboard.

"Sino?" tanong ni Tiya Edna.

"Si Rick po."

Nag-ring nga ang telepono at dahil sa nagda-drive si Apple ay siya na ang sumagot. Huminga muna ng malalim si Bobby bago pinindot ang pangsagot sa aparato.

"Hello. Tinyente?"

"B-bobby?"

"Rovi?"

At nahigit niya ang paghinga.


Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP