Chapter 1 : THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT
Monday, December 13, 2010
Ang pangalan ng mga pangunahing tauhan ay sadyang pinalitan. Ayaw kasi nilang magpabanggit ng pangalan. This is a story of my friend and his partner for 6 years. Grabe ang tagal na ninyo guys. Congrats.
To all my readers at sa readers ng LOL. Here is a diversion from the Task Force Enigma ko. Maiksi lang ito. Promise. :))
Bati mode.
----------------------------------------
CHAPTER 1 (The Accident)
Naglalakad siya sa loob ng campus ng may pagmamadali. Kung bakit kasi hindi gumana ang isi-net niyang alarm clock. Tinanghali tuloy siya ng gising. Five minutes na siyang late sa first class niya. Masungit pa naman ang adviser nilang Instructor na si Ms. Villanoy. Palibhasa matandang dalaga. Napa-ismid siya ng maisip ang malalaki nitong mata na itinatago ng malaki rin nitong salamin.
Lakad-takbo ang ginagawa niya. Kung bakit din naman kasi ang layo ng Education Department mula sa gate. Hindi na nga siya gaanong fresh ng umalis ng bahay dala ng pagmamadali. Siya nga pala si Amoranto Labrador or "Monty" sa mga kaibigan at kakilala niya. A second year Education student.
May taas na 5'11", 19 years old at medium built ang pangangatawan. Ang mukha ay wala sa ordinaryong Pinoy dahil ang kanyang ina ay may lahing Chinese. Habang ang tatay niya, bagama't mabaho ang apelyido ay isang mestizo na tubong Zamboanga. Nagkakilala ang mga ito ng minsang magdeliver ng mga silver goods ang kanyang ama sa Ongpin at presto, wala pang dalawang buwan nabuo na siya sa tiyan ni Jean. Ang kanyang ina.
Parehas sila ng kanyang ina na hate na hate ang apelyido ng kanyang ama. Paano ba naman. "Ang" ang maiden name ng mama niya. So ang siste, ito ang tunog ng pangalan niya kapag binuo. "Amoranto Ang Labrador". Ang sagwa di ba?
Anyways, balik tayo sa lakad-takbo niyang ginagawa. Nasa open field na siya ng San Bartolome University at nagmamadali papuntang College of Education. Kapag kasi sa pathway pa siya naglakad eh malamang na ma-late siyang lalo. Mabuti na doon, aabutin lang ng saktong 10 minutes ang late niya. Dasal niya lang na huwag siyang igisa masyado ng terror na instructor.
Sa sobrang pagmamadali niya sa paglalakad. Hindi na niya napansin ang nagtatakbuhang mga nilalang na patungo sa kanya. Paano, engrossed na engrossed siya sa pag-iisip ng kung anong excuse ang pwede niyang gamitin para makalusot kahit paano. May quiz pa naman sila sa Nat. Sci nila.
BLAG! Halos panawan siya ng ulirat ng tumilapon siya sa damuhan. Literal na tumilapon siya dahil nabangga siya ng kung sino na halos pader yata sa tigas. Umiikot pa ang paningin niya at nakikita pa niya ang mga estrella na nakapalibot sa ulo niya ng may magsalita sa harap niya.
"Sorry. Ayos ka lang ba?" tanong ng tinig sa kanya.
Gustong rumipeke ng bibig niya sa pagkakataong iyon? Pero nahihilo talaga siya. Sino ba ang magiging okay kung bigla na lang may babangga sa iyo na kung ano at titilapon ka ng mga isang kilometro, joke, mga limang metro lang naman ang layo. Pero kahit na. That was beyond the point! Nabundol siya kung kailan nagmamadali siya. With that in mind ay nahimasmasan siya at tumayo para harapin ang talipandas na nakabangga sa kanya.
"Ayos?" aniya na nagpapagpag ng damit. Napangiwi siya ng makitang kulay lumot na ang kulay krema niyang polo-barong. Buti at dark-brown ang pants niya. Pero still, he was a total mess. Ang gamit din niya ay naka-kalat sa field.
"Mukha ba akong ayos? Sa tingin mo? Banggain kita ng malakas na malakas tapos tanungin kita ng "Ayos ka lang ba?" sa tingin mo matutuwa ka..." naputol ang pagtatalak niya ng makilala kung sino ang kaharap. Bumilis ang pintig ng puso niya.
"I'm sorry Monty." apologetic ang boses nito at nakangiti ng alanganin sa kanya.
Kinalma at hinamig niya ang sarili. Hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ay ang campus heartthrob at ang Captain ng football team ng SBU. Si Orly or Orlando Diamond ayon sa registrar ng minsang ipatanong niya iyon dala ng kalandian. 3rd year ito sa kursong Architecture. Transferee ito sa school nila noong ikalawang sem ng first year nito.
Oh he was out. Hindi niya kailanman itinago ang sekswalidad. Mula ng matutunan niyang isa siyang bading ay hindi niya na itinago iyon. Although hindi siya pa-girl, hindi rin naman siya nagpapanggap at hindi siya straight acting. "I am what I am" ang motto niya. Kiber naman niya sa nagtataas ng kilay sa kanya? Mapapagod din ang mga iyon at ibababa rin nila yun.
Balik tayo sa pagkakabangga sa kanya ni Orly. Suddenly, bigla siyang naging uneasy. Suddenly, he felt like batting his eyelashes demurely in front of him. Suddenly, he felt like he's getting wet all over. Suddenly, naramdaman niyang hindi na iyon ilusyon. Nababasa na talaga siya. Umuulan na pala. Walanghiya, nagpapa-cute pa siya eh.
"Monty, halika doon. Sumilong muna tayo. Team, break muna tayo." Ang mga salita nitong iyon ang nagpabalik sa huwisyo niya at tinapunan ng tingin ang team-mates nito. Nawindang ang buong sistema niya ng makitang nakatingin ang lahat ng ito sa kanila at may nanunuksong ekspresyon sa mukha, bago nagpulasan para sumilong sa may stage na pinakamalapit na masisilungan.
"Ah eh, s-sige Orly. Nababasa na tayo." pa-sweet niyang sagot dito.
Tumambling ang kaluluwa niya ng hawakan nito ang kamay niya at hinila siya patakbo sa stage. "Let's go." nakangiti nitong sabi sa kanya.
Natuturete siya and feeling Queen of the World sa pagkakahawak nila ng kamay na iyon. Haba ng hair ko. Malanding sabi niya sa isip. Si Papa Orly ang may hawak ng kamay niya at itinatakas siya sa kastilyo palayo sa dambuhalang dragon. He can't help but suppress a smile.
Nang makarating sila sa stage ay nagpalakpakan ang mga ka-team nito. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw pa ng mga tinamaan ng magaling. Siyempre, pa-demure siyang bigla at bumitaw sa kamay nito. Kahit naman ganoon may kahihiyan naman siya kahit konti. Konti lang. Promise. Kasi nang mga oras na iyon feeling niya talaga ikinasal sila ni Orly at well-wishers nila ang mga ungas nitong team-mates.
"Mga baliw talaga kayo." natatawang saway ni Orly sa mga ito. Nagtawanan lang ulit ang mga ito pero huminto na sa panunukso.
"Okay ka na ba? I mean, hindi ka na ba nahihilo? Shit! Dapat sa clinic kita dinala. Paano kung may nabali sa'yo? Paano kung may concussions ka?" sunod-sunod na tanong nito bakas sa mukha ang pag-aalala.
Astounded by Orly's reaction, hindi niya halos makuhang magsalita. Nabawi naman niya ang boses ng magsigawan ulit ang mga ungas na kasama nito ng makita at marinig ang sinabi nito sa kanya.
"H-hindi Orly. O-okay lang ako." alanganin niyang tugon.
"Sure ka?" kunot-noong tanong nito.
"Oo. Wala akong broken bones, concussions or anything. Damuhan kaya iyon. Nahilo lang talaga ako kanina ng kaunti." mabilis niyang paliwanag saka ngumiti ng matipid.
Pa-demure ka 'te! sabi ng isang bahagi ng pagkatao niya, este! isip niya.
Hayaan mo na. Minsan lang naman. sabad naman ng isa pang bahagi.
"Okay. Here! Take this, punasan mo na lang iyong katawan mo. Saka hubarin mo na yang uniform mo. Shit! Its a mess! Sorry talaga." Apologetic na naman ang kumag.
He felt elated sa kabila ng nangyari. Pero siyempre, dalagang pilipina siya. Kukurutin siya sa singit ng Lola Maria Kearse este, Maria Clara niya kapag hindi siya umarteng matimtimang birhen.
"Its okay Orly. Hindi mo kasalanan ang nangyari. It was actually my fault kasi hindi ko dapat tinawid yung field. Nakalimutan kong may practice kayo every morning ng team mo." pagre-reason out niya rito para mawala na ang guilt feelings nito. He really looked guiltya nd sorry that he bumped to him.
"Okay. Granting that it was your fault. But its me who bumped into you kaya ganyan ngayon ang hitsura mo. Let me buy you a new uniform please. Hindi ako matatahimik eh. Please? I insist." nagsusumamo pa nitong sabi sa kanya pagkatapos sang-ayunan ang sinabi niya.
Hindi eksaheradong sabihing gwapo talaga ang lalaking ito. Mas matangkad ito sa kanya. Sa taas niyang iyon ay nakatingala pa siya rito sa pakikipag-usap. Kaya nga type niya ito. He hate talking with nis head down. Pwera na lang kung may ibang rason ang pagyuko niya.
Orly's eyes were pleading. Nagtanong tuloy siya sa isip, nagpapa-cute ba ito? Assuming ka te. sabi ng atribidang bahagi ng isip niya. "If you insist. Sino ba ako para mag-reklamo? Saka isa pa." ayon niya rito saka itinaas ang hinubad kaninang uniform. "Hindi rin ako pwedeng lumarga rito ng amoy-lumot at mukhang taong-grasa."
He left out a sigh of relief ahil sa pagpayag niya. Nagpaalam itong saglit at may kinausap para sa uniform niyang ipinabili nito. May bilihan ng uniform sa campus nila. Inayos niya ang sarili at tinaggal ang mga damong dumikit sa braso, sa nadumihang uniform at sa slacks.
Pinunasan niya iyon ng bimpong binigay ni Orly. Mabango iyon ng inamoy niya. Amoy pabango nito. Hindi siya partikular sa pabangong panglalaki pero gusto niya ang amoy na iyon. He smelled of woods and forest. Kinilig siya sa ideyang inaasikaso siya ng crush niya.
But what will happen after this? Tanong niya sa isip. Magkaibigan na ba sila? Bagama't magka-iskwela sila ay nagbabatian lang sila. A nodding acquaintance to be exact. Kung hindi lang sila parehong campus figure, ito bilang Captain ng Football Team, siya bilang member ng Theater Group at consistent Dean Lister. Aside from that, hindi sila close. Kaya nga nagtaka siya na feeling chummy sila nito eh.
He concluded na maaring ganoon talaga ito kapag may kasalanan ito or guilty sa isang bagay. Ginagawa ang lahat para ma-appease ang naargabyado. Siguro nga ganoon iyon. Tumingin siya sa wrist watch niya. 7:45 na!
"Oh my god! I'm so so late! Hindi na ako makakapasok nito." nag-aalala niyang sabi.
"Orly, I have to go." tawag niya rito.
"W-wait. Wala pa yung uniform mo. Saan ka pupunta?" nagtatakang awat nito sa kanya. He caught him by his arm.
Naramdaman niya ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Nanginig siyang bahagya. He only hope he didn't felt his shiver kung hindi nakakahiyang tiyak.
"Ah eh, late na ako ng husto kay Miss Villanoy." sabi niya. Unable to free his arm unnoticed. His grip was firm.
"Late ka na rin naman. Dumito ka na at hintayin mo na ang uniform. Pinatakbo ko na si Jose." pangungumbinsi nito sa kanya.
Siyempre, minsan lang naman itong mangyari na makasama niya si Orly ay pumayag na siya. Tutal, late na rin naman talaga siya at 15 minutes na lang tapos na ang first class nila. Buti na lang at Martes na iyon. Sayang nga lang yung quiz.
"Sige na nga." napipilitan niya kunwaring pagpayag then he pouted.
"That's my girl." malapad ang ngiti nitong sabi saka pisil sa pisngi niya.
Girl?! Hala! Ano yun? Ang lambot mo teh! sigaw na naman ng isip niyang kamag-anak yata ni Rubi.
"Ouch!" sabi niya kunwari. "What was that for Orly?" tanong niya rito in a fake irritation and pouted again.
"Wala lang. Ang cute mo kasi kapag naka-nguso kang ganyan." sabi nito sa kanya.
"Weh, di nga." natatawa at kinikilig niyang sabi. Hindi niya malaman kung nakikipag-flirt ito sa kanya or sadyang malambing lang ito sa mga kaibigan.
"Oo sabi. Kaya huwag kang magpa-pout ng ganoon at baka mahalikan kitang bigla." he said without taking his eyes off him. Orly was smiling mischievously that easily caught him off-guard.
Muntik na siyang mapanganga sa sinabi nito. Dyaskeng lalaking ito. Nagpi-flirt nga yata. Well, magandang pangitain yan. Sinakyan niya ang biro nito.
"Talaga lang ha. I'm pouting kasi its good for my health po!" he then pouted again that made Orly laugh.
"Ha, gusto mong maka-isa ha." tukso nito sa kanya.
"Hindi ah. Pag-gising ko sa umaga naka-pout na talaga yang lips ko. Ewan ko ba kung bakit." He said pouting.
Orly burst again with laughter. Nakakatuwa itong pagmasdan. tumaas ang football uniform nito kaya nakita niya ang kanina pa inaasam ng mata niyang makita. Naka-tights kasi ito na talaga namang hapit dito. Medyo mahaba ang hindi nakatuck-in na pang-itaas kaya hindi niya makita ang "the bulge" na kanina pa niya ini-spot-an.
Finally, he got a clear glimpse of it. Confirmed! Mukhang kamag-anak ni Totoy Mola si Papa Orly. Pasimple alng naman ang naging tingin niya sa bahaging iyon. Nakitawa na siya rito at sa gulat niya ay inakbayan siya nito.
"You're really funny Monty. I'm glad na kaibigan na kita ngayon." sabi nito sa kanya while looking at him intently and smiling.
He felt goosebumps gawa ng pagkaka-akbay nito. Alanganin siyang ngumiti at tumingin dito.
"Sure ka? Friends na tayo?" sabi niya rito. Di ba pwedeng more than that? muntik na niyang maidugtong.
"Oo naman. Kaya kapag may nang-bully sa iyo rito, lagot sa akin." mayabang na sabi nito.
"Wow, feeling ko naman damsel-in-distress ako. I can manage Orly. But thanks for the friendship. Salamat at may kaibigan akong gwapo. Captain ball pa." malandi niyang tugon. His hope about his flirting with him awhile ago vanished immediately on thin air.
Orly was just being nice and friendly. Nothing more, nothing less. Madali lang siyang nakabuo ng ilusyon dahil sweet ito sa kanya. Hay! Buhay parang life. Dumating ang ipinabili nitong uniform niya. Tinanggal niya ang tag at nakitang 600 pesos iyon. He insited on paying the half of it but Orly told him that he'd be mad kung ipipilit niyang humati sa bayad.
Flattered siya na gumastos ito ng ganoon sa simula pa lang ng friendship nila. Iingatan niyang tiyak ang uniform na iyon. Tumila na ang ulan. And the bell rang. Kailangan na niyang makapunta sa department nila. Magpa-paalam na siya kay Orly ng sabihin nitong hintayin na niya ito at magbibihis lang ito saglit.
"Bakit?" tanong niya.
"Tutulungan kitang magpaliwanag kay Miss Villanoy." sabi nito.
"Okay. Pero bilisan mo. Huwag ka ng masyadong magpa-gwapo." sabi niya rito.
"Hindi na kailangan no. Given na yun." mayabang na sabi nito sabay takbo sa locker room ng mga ito na malapit lang sa stage.
After ten minutes ay lumabas na ito looking fresh all over. Ang sarap papakin nito in his school uniform. Napapatingin ang lahat dito. Mapababae, lalaki, bading, paminta, tomboy, kulisap, langgam, ibon, rattlesnake, monster at marami pang iba. LOLZ, he exuded such aura na talaga namang napaka-aliwalas at nakakahalinang tingnan.
Ang nakakaloka pa, sa kanya lang ito nakatingin at nakangiti. Feeling tuloy niya ay siya si Cinderella na sinusundo ni Prince Charming. Ikaw na nga! Sigaw na naman ni Rubi, este, ng isip niyang kontrabida.
"Let's go?" tanong nito paglapit sa kanya.
He snapped a finger to his face. Namula ang mukha niya ng makita ang nanunukso nitong tingin at ngiti sa kanya. Bumulong ito.
"Huwag kang masyadong halata na crush mo ko." sabi nito sa kanya.
Umakyat yata ang sa ulo niya ang dugo niya. He was beet red. Nakakahiya. Pwede bang bumuka ang lupa at kainin siya nito? Natawa ito ng makita ang pamumula niya.
"Joke lang. Huwag ka ng mag-blush. Tara na at baka mapagalitan ka na ng husto ni Miss Villanoy." sabi ni Oliver sa kanya.
He held his hands again and walked through the pathway connecting to his department. He seemed oblivious of people watching them holding hands. Kumakaway pa ito at nakakalokong tumatawa pa sa mga nanunukso.
Monty can't help but sigh. Well, he'll just savor the moment. Mukhang mapagbiro lang talaga si Orly. Walang kahulugan para dito ang ginagawa nitong iyon. Nangingiting sinabayan niya ang kalokohan nito.
Itutuloy....
0 comments:
Post a Comment