Chapter 17 : Task Force Enigma: Rovi Yuno
Thursday, December 9, 2010
"Those Son of bitches!!!"
Natatarantang iniwasan ni Kring ang ibinatong baso ni Park Gyul Ho. Galit na galit itong tumayo at halos magbugha ng apoy ang mga mata sa galit dahil sa ibinalita nilang kaganapan ngayon sa pabrika nito sa Batangas.
"Akala ko ba ay inayos mo na ito Kring? Paano nalaman ng mga pulis na iyon ang hideout at operations natin sa Batangas?"
Hindi na siya nagulat sa pagsasalita nito ng tagalog. Purong koreano ito pero dahil ang mga aktibidades nito ay sa Pilipinas mostly ginagawa ay natuto na ito sa tagal ng panahong pananatili sa bansa. Idagdag pang ang magaling na assistant nito ay isang Pilipina. Si Alexa.
"Ah... nahulihan tayo ng tao sa nakaraang shipment. Mukhang iyon ang nagkanta sa atin. Alam ni Ms. Alexa ang tungkol doon." kinakabahan niyang sagot.
Tinapunan ng nagtatanong na tingin ni Gyul Ho si Alexa kaya naman nakahinga na siya kahit kaunti. Ngayon niya lang napansing kanina pa siya nagpipigil ng paghinga sa takot.
"Totoo ba iyon, Alexa?"
Patamad na tumayo si Alexa at tinungo ang mini-bar sa loob ng opisinang iyon. Pasosyal na nagsalin ng brandy sa baso bago sumagot sa boss niya.
"Yes. Ako ang head ng shipment na yun diba? At iyon ang mismong shipment para malaman ang pwesto ng mga kalaban natin. Huwag kang mag-alala. Kung may tao tayo sa kanila ay may tao rin tayong nakuha."
"Anong ibig mong sabihin?" mapanganib na tanong ng koreano.
"I have their sniper friend for a hostage. Ipapaalam ko na sa kanila iyon mamaya. Pasensiya na Gyul Ho, I have to hide this from you. Ayoko ng abalahin ka sa mga ganitong pangyayari. Besides, maliit lang naman ang epektos na nasayang ng dahil doon. Nabawasan man tayo ng ilang tao at epektos, ay nagawa naman nating makakuha ng isa sa kanila. Its high time our enemies know that we mean business." mahaba at maarteng sabi nito.
Napataas ang kilay ni Kring sa narinig. Alam na niyang matalino ang babaeng assistant ng kanyang boss pero hindi niya akalaing kaya nitong kumilos ng ganoong kagaling. Mabuti na lang at na-trace na nila si Bobby. Nagbunga na ang pagtitiyaga niya na kontakin ang sim card nito. Kanina lang ay nagawan nila ng paraan sa tulong ni Monday ang malaman kung saan ang safehouse na pinagdalhan kina Bobby.
Nataranta na naman siya ng makitang sa kanya nakatingin ang amo. Kahit matagal na siya sa operasyon nito ay kinakabahan pa rin siya kapag kaharap ito. Alam niya kasing hindi siya sasantuhin nito magkamali lang siya ng kilos.
"Yung pinapahanap ko sa'yo Kring? Yung janitor?" tanong ng amo.
Napangiti siya ng alanganin at kinakabahang sumagot. "Na-nalaman na po namin kung nasaan sila. Nasa Batangas lang dina ng safehouse nila Sir. Nasa may Calatagan. Kaya po ako nandito ay para humingi ng dagdag na tauhan para doon."
"Magaling. Alexa, asikasuhin mo ang kailangan niya. Siguraduhin mo ring walang makikitang mga epektos doon sa pabrika ang mga hinayupak na pulis na iyan." inis pa ring sabi nito.
"Don't worry Boss. Everything's being taken cared of. Ang pagpunta nila sa pabrika natin ay isang pagpapatiwakal. Nakapasok man sila ay hindi nila mapapasok ang mismong pabrika. And if they did, katapusan na nilang lahat. I altered the security system of our hideout." animong demonyo sa pagkakangiti si Alexa sa Boss niya. Na-curious tuloy lalo ang baklang mataba.
"Anong klaseng alterations?"
"I heard they have this hacker or some computer and gadget specialist. If ever na magawa niyang ma-crack ang password and open the steel gates from afar, our mainframe will automatically shutdown in five minutes. Kasabay nun ang self-destruct mode na mangangailangan ng mabilis na kilos."
"Bakit anong mangyayari kung magbabagal-bagal sila?" curious na tanong ni Kring.
Naaaliw naman na tiningnan siya ni Alexa mula ulo hanggang paa. Nagtaas ng kilay ang baklang naka-yellow summer-dress at ganoon din ang assistant ng boss niya. Parang may contest ng pataasan ng kilay. Natural versus tattoo.
"Tama na yan." mapanganib na saway ni Park Gyul Ho sa mga tauhan.
"As I was saying, kailangan nilang kumilos ng mabilis dahil... makalabas man sila ng building, ang sakop ng pagsabog ay nasa dalawang kilometro. Damay ang lahat ng nasa paligid. Kahit pa ang hacker nila."
Napalunok ang matabang bakla sa narinig. Ganoon pala ito trumabaho. Talagang walang paki-alam sa mga tauhan nilang maaaring madamay. Napailing siya.
"Hindi ka bilib sa sinabi ko?" maaskad na tanong sa kanya ng babaeng maitim ang budhi.
Umangat na naman ang dati ng mataas na kilay. "May narinig ka bang sinabi ko? T.H. ka na naman." naiiritang sagot niya.
"Ako ba ang T.H. o ang baklang nagpipilit maging maganda sa yellow na summer-dress?"
"Inaasar mo ba ako?"
"Oo."
"Maldita ka. Pasalamat ka at nandito si Boss kung hindi ay kinalbo na kitang hitad ka."
"Oh, I'm scared."
"Talaga! Matakot ka!"
"Enough!" sigaw na nagpatigil sa kanilang dalawa.
"Kumilos ka na Kring at ikaw Alexa, arrange a meeting for me and this sniper. I would like to see that SOB's face and give him a lesson he'll never forget." nakakatakot na sabi ni Park Gyul Ho with matching devil grin pa.
"Sure thing Boss." si Alexa.
"Opo Boss." si Kring.
"Pare, iyang air-duct na yan ang sinasabi mong papasukan natin?" nanlalaki ang matang tanong ni Rovi kay Perse.
"Wala ng iba." nakakalokong sagot ng kaibigan.
"Susme. Akala ko kung anong kahenyuhan iyan. Kumag ka talaga."
"May iba kang suggestion?"
"Hintayin natin si Rick. Baka nalagay na niya ang bug sa security system ng pabrikang ito."
"Makakapag-regroup ang mga hinayupak na nasa loob kapag ginawa natin yun. Saka si Rick lang ang nasa loob, baka mapano yun doon."
"Pare, we're talking about Rick. Hardcore iyon. Kapag natumba yan sa ganitong klase lang ng laban, hindi na siya si Rick na kilala natin."
"Sabagay tama ka."
"Mabuti naman at alam mong tama ako."
"So ano pang hinihintay mo? Akyatin mo na yang air-duct."
"Ano?"
"You heard me Rovi. Ikaw nga."
"Akala ko ba hihintayin na lang natin na mabuksan ito ni Jerick?"
"Oo nga. Pero aakyatin mo pa rin ito."
"Bakit?"
"Team-leader's order. May reklamo?"
"Wala!"
"Good! Akyat na."
Naiinis na binalingan niya ang pader. May kataasan ang air-duct na iyon. Mukhang sinadya na doon iyon nakapwesto sa gitna ng malaking pader. Mga sampung metro ang taas nito mula sa lupa. Walang gutter na pwedeng tapakan o pagkapitan. Naaasar na tiningnan niya si Perse na naaaliw sa nakikitang pagkairita niya.
"What now?"
Naningkit ang mata niya pagkarinig sa hayagang hamon na iyon. "Just watch baby. And learn." Sabi na lang niya.
Naalala niya ang bag niya. Good thing he brought his mechanical bow and arrow. Aluminum Metal Mesh Alloy ang pana niyon at kayang bumaon sa pader. Customized iyon galing pang Moscow.
"Aanhin mo iyan?" tanong ni Perse.
"Maglalaba. Maglalaba ako."
"Ah, akala ko magdadance-revo ka."
Pinag-aralan niya ang mga lugar na pwedeng patamaan. Labing-lima lahat ang pana niya. Pwede siyang gumawa ng hagdanan or ng kakapitan. Pinakawalan niya ang mga bala ng pana. Napapalakpak pa ang hudyong si Perse pagkakita ng ginawa niya.
"Salamat at naaliw kita."
"You're welcome 'tol."
Sinubukan niya ang tibay ng gagamiting improvised na hagdanan at ng masigurong kaya ng equipment ang bigat niya ay sinimulan na niya ang pag-akyat. Ang elisi ng air-duct ay mabilis. Tinanggal niya ang screen saka nag-ipit ng dalawang clay-bomb sa paligid nito saka mabilis na bumaba. Saktong nasa baba na siya ng sumabog ang bombang itinanim niya. Patalon niyang iniwasan ang mga debris na nalaglag.
Lumikha ang pagsabog ng may kalakihang butas na kasya ang tao. Umakyat ulit siya at mabilis na sinilip ang nasa likod nun. Namangha siya sa nakita.
"Rick!"
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment