Chapter 2 : THE MARTYR, THE STUPID AND THE FLIRT

Tuesday, December 14, 2010

Photobucket



 (Another Accident)

NAGMAMADALI na naman si Monty sa pagpasok. Lunes ngayon at talaga namang mapapagalitan na siya kapag late na naman siyang papasok. Pinag-iinitan na siya ng matandang dalagang instructor nila na si Miss Villanoy. Ito kasi ang first class nila buong linggo. Physics naman nila ito kapag MWF. Ang tadhana talaga, kung makapagbiro, minsan OA.

Tinakbo na niya ang pathway. Wala naman siyang dala-dala. Wala ring football team na babangga sa kanya. Sure yun, kung hanggang doon ba naman ay mababangga pa siya ni Orly or ng kahit na sino sa team nito ay baka makutusan na niya ng bonggang-bongga.

May mangilan-ngilang estudyante na naka-istambay sa mga bench na provided talaga sa kanila ng SBU. Kipkip sa dibdib ang report niya ay lumiko siya sa corridor na papuntang Education Department. Sakto sa oras na nakarating siya ng room nila. Wala pa ang terror na instructor nila. Nakahinga siya ng maluwag.


"Hey! Bakla! Dito ka na umupo." tawag sa kanya ng friend niyang si Jordan.

"Nahiya naman ako sa'yo. Ikaw na ang lalaki. Kami na ang bakla." aniya rito habang lumalapit.

"Loka! Diyosa ako. Hindi katulad mo, isang hamak na mortal." natatawang sabi pa nito habang nakikipagbeso sa kanya.

"Parang nakakahiya tumabi sa'yo teh. Nagkape ka ba?" pang-aasar niya rito.

"Ssshh! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa'yo, sabihin pa number one fan kita." nakakalokong banat nito.

"Okray ka talaga! Sige na! Ikaw na! Ikaw na ang pinagpalang tunay." pagsang-ayon niya sa kalokohan nito.

"Thank you very much!" may intonation pa na sabi nito sabay halakhak.

Jordan was his friend since elementary. Kapitbahay rin nila ito. Masasabing swak kaagad sa isa't-isa ang ugali nila dahil parehas sila ng ugali. Sabay rin halos ang lahat ng first nila. Sabay silang naka-buking noon ng first year high school sila. Pinagtripan sila ng mga ka-eskwela nilang mga third year na. Malalandi kasi silang mga 1st year students noon. Pinupuntahan pa talaga nila sa tambayan ng mga cute na campus crushes para lang lumandi. Na sa masaya naman nauwi dahil ang mga crushes nila ay game din. Curious ding tulad nila. Umuwi sila noong may mga ngiti sa labi.

Naputol ang pagmumuni niya ng pumasok na si Jackie Chan, este si Miss Felissa Villanoy. Ito ang adviser nila sa taong iyon. Sabi nga ni Jordan, "Kung mamalasin ka nga naman, friend. Pinapahirapan tayo ng anak ng kalungkutang-buhay na ito." sabay kmpas ng maaarte nitong kamay.

"Beks, shumahimik kana. Anditeklaboom na si Jacki Chan-nelity Number 5." sabi niya sa kaibigang humahalakhak pa rin.

"Ay, oo nga teh. In fairview, witititchikolabambambini cologne summer fresh kez na-noseline ang mujer. Nagpakatchora ang lolabells mez. Noseline palachi nyatikwaboom si Jun Encarnaciones!" mahinang bulong nito sa kanya.

"Okay class! Good Morning." bati ni Miss Villanoy.

"Good Morning Miss Villanoy." bati nilang lahat pero si Jordan ay humagikgik pagkatapos. Iba kasi ang pagbati na ginawa ni friend. Nahawa siya sa nakakatawang ekspresyon nito.

"Seems to me that you're happy today Mr. Polison?" tukoy ni Ma'am sa kaibigan. Nakakunot ang noo nito.

"Oh, yes Miss Villanoy. This is quite a beautiful day. I just can't help but thank the Lord above for letting me live to witness another wonderful day. Aren't you happy yourself Miss Villanoy." maarteng wika ng kaibigan niya sa matandang instructress.

Isa sa mga talent ng kaibigan niya ang pag-arte kaya alam niyang itinatago nito ang tawa sa likod ng mga ngiting iyon. Alam niya ang kalokohan ng hitad na ito dahil siya man ay ganoon din. Mas magaling lang ito sa kanya. Ito ang presidente ng Theater Group nila.

"Of course, I am." sagot ni Miss Villanoy na bahagyang natigilan sa sinabi ni Jordan. Mukhang hindi nito na-detect na nagkukunwari lang ang estudyante.

"Glad to hear that from you Ma'am. Can I take a seat now?" anang kaibigan niya rito.

"You may take your seat now Mr. Polison."

"Thank you."

Nagtinginan silang dalawa then giggled silently. Nagpatuloy naman ang natameme nilang tigresang teacher sa pagtuturo. Lumipas ang halos isa't-kalahating oras at natapos ang first subject nila. May break silang 30 minutes bago ang susunod na klase kaya ipinasya nilang dalawa na magpunta sa canteen.

"Hoy chika, may balitang umaalingawngaw sa kweba at kabundukan ng tralala tungkol sa iyo at sa pagkasarap-sarap na si Orly Diamond. Anong katotohanan sa likod ng nakaka-iritang balitang ito?" tanong ng diyosa este ni Jordan sa kanya.

"Ano po ba ang nakaka-iritang balita na ito kamahalan?" pagsakay niya sa trip nito bilang diyosa-diyosahan. Kwentuhan lang naman eh, hahayaan na niya muna.

"Na kayo raw ay nagkakamabutihan na ng prinsipeng si Orly. Nakita raw kayo ng mga dama at mga kawal na magkahawak-kamay noong isang linggo. Umamin ka. Kung hindi ay ipapatiris ko ang mga whiteheads at blackheads mo sa dragon!"

"Hindi po totoo iyan kamahalan." aniya pa na yumukod dito. "Ipagpatawad po ninyo ang mga kabalintunaan na nasasagap ng inyong dalisay na tainga. Subalit, wala pong katotohanan ang mga balitang iyan." he chuckled to his words.

Of course it was true. Nakakapagtaka lang na ngayon lang nito nalaman ang bagay na iyon. Although he was not telling him that bizzare incident between him and Orly, he was sure that Jordan would eventually find out about it. Hmm... Maybe his friend was not telling him something. Tiningnan niya ito habang engrossed na engrossed sa pagpapanggap na diyosa, animo'y nasa entablado.

Speaking of Orly, wala na siyang narinig rito after that incident. Hindi na rin sila nagkakasalubong or nagkikita mag-iisang linggo na. Kaya naman ang pag-asa niya na mapansin ito through their newfound friendship ay unti-unti ng gumuguho. Jordan snapped a finger to his face.

"Walang katotohanan?" Kasinungalingan. Usap-usapan nga ito sa batis, habang naglalaba ang mga hampas-lupa. Sa parlor habang nagdadaldalan ang mga bakla. At sa kusina habang nagluluto ang mga kusinera. Paanong hindi ito katotohanan?"

"At bakit po ba ngayon niyo lamang ito nalaman, aking kamahalan? Siguro kasi ay busy ka sa lalaking nakita kong kasama mo noong isang araw sa terrace ng bahay niyo." panonopla niya kay Jordan.

Nagkulay-suka ito at hindi nakakibo. It was a bluff, but since matagal na niya itong kilala, he was 100% sure that the reason behind his not being updated of his activities is because the bitch was also busy with his own affair.

"Cat got your tongue?" nang-aasar na sabi niya rito.

"Peste ka girl! Paano mo kami nakita? Wala ka naman sa bahay niyo nung nandoon si Eric ah." tuluyan na nitong pag-amin sa kanya.

Natawa siya ng tuluyan dito. Kung anong galing nitong magpalusot sa iba. Sa kanya talaga ay hindi uubra ito. Siya ang tanging kahinaan nito.

"Alam mo friend, hindi ko naman kayo nakita eh. Hinuli lang kita." sabi niya rito. Nanlalaki ang matang hinabol siya nito.

"You bitch! Naisahan mo ako doon ah!" natatawang sabi nito. Tumakbo siya papunta sa pintuan ng canteen. Nilingon niya itong saglit kung malapit na ba sa kanya ang kaibigan ng biglang bumangga siya sa pagkatigas-tigas na bagay.

"Argh! Shit!"

That was from the man he bumped into. He was so solid. Nahihilong bumagsak siya. Pero bago pa siya bumagsak ay nahawakan na siya sa beywang ng kung sino mang sumalo sa kanya.

"Friend! Friend! Monty! Are you all right?" tinig iyon ng nag-aalala niyang kaibigan. Mas nahilo siya sa ginagawa nito sa kanya. Tama bang iyugyog siya nito? Inangat niya ang libreng kamat at binatukan ito.

"Aray!" nasaktang sabi nito.

"Looks like he's okay now." Sabi ng may hawak sa kanya.

"Ah.." sabi niya, pilit inaaninag ang mukha ng naka-alalay sa kanya.

"O-orly?" disoriented niyang tanong. Umiikot pa rin ang paningin.

"No. I"m Ronnie. Ronnie Alfonso." sabi ng baritonong boses sa kanya.

Hindi siya si Orly? But he smelled like Orly. And from his blur vision, his lips looked like Orly's. Pinilit niyang ayusin ang sarili at tumayo ng maayos.

"Monty. Girl! Ayos ka lang ba?" sabi ni Jordan sa kanya.

"I-i guess I w-will be fine." pinilit niyang tingnan ito ng diretso. Nagtagumpay naman siya. Wala na ang kanyang hilo ng bahagya.

"Good. Bakit ka kasi tumakbo?" naiinis na tanong nito sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya.

"Aray! Letse ka! Eh Hinabol mo ako eh. Saka, natakot ako sa'yo. Kala ko monster ka." nakuha na niyang magbiro.

"Ayun! Kakahiya naman sa kinis mo. Pasalamat ka rito kay Kuyang Pogi at nasalo ka niya. Kung hindi malamang nabagok ang beauty mo. Nasirang Monty Labrador ka na sana." maarteng wika nito at biglang nagpapa-cute na lumingon sa lalaking hanggang ngayon ay hawak siya sa beywang. Kaya pala mainit sa pakiramdam.

Tiningnan niya ang lalaking nagpakilalang Ronnie. Muntik na siyang mapatulala sa nakita niyang kagwapuhan na nakadikit sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung kakalas dito sa hiya o isisiksik ang katawan sa katigasan ng katawan nito.

Pinili niya ang una. Sayang! sabi ng isip niya. Inignora na lang niya ang kahungkagang naramdaman niya ng maghiwalay ang mga katawan nila.

"Ronnie right?" tanong niya rito.

"Yup. And you are?" sabi nito.

"Oh, I'm Jordan, but you can call me Dalisay. The purest of them all! Tama nga yata ang horoscope ko. May makikilala akong Tall, Dark and Gorgeous ngayong araw na ito." pang-aagaw ng kaibigan niya sa kamay nitong nakalahad.

"Oh Hi Dalisay. I'm Ronnie Alfonso. Nice to meet you. But interesado ako rito sa kaibigan mo." magiliw na sabi nito kay Purity Princess na ikinawala naman ng ngiti ng huli.

"Huh? Ako?" nagtatakang tanong niya.

"Oo ikaw." then he smiled at him.

Muntik na siyang atakihin ng ngumiti ito sa kanya. Parang nagbabaan ang mga anghel at nagsi-awitan ng papuri para dito. Dapat hinuhuli ang mga taong may killer-smile. Hindi kasi makatarungan iyon. Natutureta pa naman siya kapag may ganito kagandang ngiti ang kaharap niya.

"Hoy! Nawala ka na sa huwisyo diyan. Punasan mo nga yang laway mo. At ikaw Mr. Ronnie. Bakit ka naman interesado sa kanya?" mataray na tanong ni Jordan, feeling niya bad trip ito.

"Kasi siya lang ang tanging tao na nakabanga sa akin ng hindi agad nagso-sorry." sabi nito. Smiling dangerously at him. Oh! Be still my heart! Natatarantang saway niya sa sarili.

"Ah eh, naku. Pasensiya ka na ha. Hindi ko sinasadya Ronnie. Please, huwag ka ng magalit. Gagawin ko ang lahat huwag ka lang magalit. Kahit pa bugbugin mo itong friend ko, dedma lang. Gusto mo tulungan pa kita." pagmamaka-awa niya rito kunwari. He sensed that Ronnie was harmless. Mukha ngang ang pilyo nito.

Isang batok naman ang inabot niya kay Jordan. "Uhm! Ungas ka! Ako pa pagbabayarin mo sa kasalanan mo! Wala kang kwentang kaibigan. Sige Ronnie, katawan ko na lang ang kunin mo. Huwag ka nga lang masyadong marahas dahil virgin pa ako." umemote pa itong nahihiya.

"Uhm! Virgin ka diyan." ito naman ang binatukan niya.

To their amazement, Ronnie actually laughed his heart out. And he looked like a demi-god while laughing. Napagmasdan niya tuloy ito ng husto. He was wearing a fitte white collared shirt and a tight fitting jeans that hugged his thighs like a second skin. Maluha-luha itong humarap sa kanila habang pigil ang pagtawa.

"You two are really funny. Sayang naman ang ganda ni Dalisay kapag ginawa ko iyon. And hmmp! I remember you aid na gagawin mo ang lahat. Tama ba?" sabi nto pagkarekober sa pagtawa.

Napatango siya ng wala sa loob.

"Good. Then have a snack with me." he offered.

"As in now?" puzzled niyang tanong.

"Yep. Break nyo rin di ba? May 20 minutes pa tayo." pangungumbinsi nito.

"Wait, you said you're Ronnie Alfonso, right?" tanong ni Jordan dito.

"Right Dalisay." anitong ngumiti at hindi inalis ang tingin sa kanya kahit pa sumagot sa tanong ng kaibigan niya. Hindi tuloy siya mapakali. Ang lakas ng trip ng lalaking ito ah. Ito yata ang hilo pa sa pagkakabanggaan nila.

"How are you related to that Alfonso na founder ng Tau Gamma Phi?" tanong ni Jordan na nagpamulagat sa kanya.

Nangunot ang noo ni Ronnie. "You know my father?"

"Huh? So member ka rin, tama ba?" tanong ni Jordan.

"Yes." maiksing sagot nito.

"Saan tayo mag-i-snack?" tanong agad niya.

"Wait, I'm not forcing you Monty. Monty right?" tumango siya.

"I was just asking you to have snack with me. Not because I was Tau Gamma Phi member." nagdaramdam pa nitong sabi.

"Hindi naman sa ganoon. Male-late na kasi kami sa next subject kung lalayo pa tayo." maagap niyang paliwanag.

"Nope, hindi na kita yayayain na mag-snack. Nawalan na ako ng gana." tuluyan na yata nitong pagtatampo sa kanila.

"No, pwede pa naman kami mag-snack. Di ba, Jordan?" sabi niya sa kaibigan.

"Hindi na kami pwede mag-snack Ronnie, but..." sabi ng kaibigan niya.

"But what?" sabi ni Ronnie.

"You wan ask my friend to Lunch. Mamayang 12:30 na ang next break namin. Sunduin mo na lang siya sa Education Building. Room 207." malanding sabi nito na ikinalaki ng mata niya.

"What?" sabi na lang niya.

Napangiti si Ronnie at lumapit kay Jordan. Tinapik ito sa balikat saka bumaling sa kanya. His breath almost fanning his face. Mas matangkad pala ito sa kanya. Ngayon lang niya napansin. Nakatingala siyang tumingin dito.

"See you later Monty." he said, pinched his cheek then walked away.

"Someone's getting some later." nanunuksong sabi ni Jordan sa kanya.

"Tse!" then he laughed nervously and excited at the same time.


Itutuloy...

1 comments:

Anonymous,  December 16, 2010 at 12:39 AM  

Expiens ata. To ni isay

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP