Chapter 24 to 25 : Ang Kuya Kong Crush ng Bayan
Thursday, December 2, 2010
“Si Romwel ang ama ng bata at... siya rin ang asawa ng kapatid ko.”
Mistulang umikot ang paningin ko at gumuho ang buong mundo sa narinig. At dahil sa hindi makayanang balita, dali-dali akong tumakbo patungo ng kuwarto ko, sabay sigaw ng, “Mga traydor! Mga traydor kayo! Pinaglalaruan lang ninyo ako! Arrgggghhhhhhhh!!!”
“Jason, makinig ka sa paliwanag ko!” sigaw ni Shane.
“Ayoko nang makinig sa iyo! Mga sinungaling kayooooo!!!!” bulyaw ko.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Shane pagkatapos noon. Marahil ay doon na siya nagpaliwanag kina mama at papa dahil ang alam ko, wala ring kaalam-alam ang mga magulang ko sa nangyari kay Kuya Rom. At wala na akong pakialam. Ang alam ko lang ay matinding galit kay Kuya Rom ang aking naramdaman. Walang humpay ang pag-iiyak ko. Walang pagsidlan ang sobrang pagkahabag sa sarili. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa mundo ay pawang mga traydor, mga sinungaling, at walang pakialam sa naramdaman ko.
Sobrang bigat ng damdamin ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon. Pakiwari ko ay tinadtad ang puso ko. “Ano ba ang kasalanan ko at kailangan kong magdusa ng ganito? Ano ba ang ginawa kong masama sa kanila? Hindi naman siguro ako nagkulang sa pagmamahal ko kay Kuya Rom ngunit bakit nagawa niyang pagtaksilan ako?” ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. At sa sandaling iyon, nabuo ang isang desisyon: “Ayoko na kay kuya Rom! Isarado ko na ang puso ko sa kanya. Ayoko nang marinig pa ang tungkol sa kanya!”
Buong araw din akong nagkulong ng kwarto at bagamat kinakatok-katok ni mama ang kwarto ko upang kausapin, hindi ko siya binuksan. “Jason, anak, kakausapin kita...”
“Ma... kung tungkol kay Kuya Romwel lang ang pag-uusapan, ayoko nang makinig pa. Ayoko na ma, suko na ako! Hirap na hirap na ang kalooban ko! Maawa naman kayo sa akin, pleaseee!”
“Kaya nga anak, hayaan mong magpaliwanag kami ni Shane. Pakinggan mo kami upang maliwanagan ang isip mo... Babalik na ng Canada si Shane bukas. Ikaw lang ang pakay niya sa pagpunta dito.” Ang mahinahong salita ni mama.
“Wala akong pakialam ma. Hayaan ninyo akong mapag-isa...”
“Anak, makabubuting makinig ka sa paliwanag ni Shane.”
Ngunit hindi pa rin ako natinag. Bagkus, ang nasambit ko na lang ay, “Ma, umalis na kayo kung ayaw ninyong may gagawin akong masama sa sarili ko! Tatalon ako sa bintana ma kapag iginiit ninyong makipag-usap kayo sa akin!”
Kaya sa takot na totohanin ko ang sinabi, narinig ko na lang ang mabilisang mga yapak nina mama at Shane palayo sa aking kwarto.
Wala akong ginawa sa buong araw na iyon kundi ang umiyak, ang maglasing, mahabag sa sarili, mag-isip, habang sumisingit naman ang mga masasayang ala-ala namin ni Kuya Rom. Tinanggal ko sa aking daliri ang singing na bigay niya at inilagay ko iyon sa isang drawer. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang masilayan ang mga alaala niya sa akin. Nagri-ring ang cp ko ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Ang ginawa ko, tinanggal ko ang sim card at itinapon ito. “Arggghhhhhhh! Arrgggghhhh!” Sigaw ko sa sarili.
Ngunit sabuonbg araw na pagmumukmok ko, napagod din ako. Pakiramdam ko ay naubos ang mga luha ko at ang naitanong ko na lang sa sarili ay, “Bakit ko ba sisirain ang buhay ko nang dahil lang sa kanya? Bakit ko sasayangin ang mga luha ko nang dahil lang sa isang taong walang kwenta, na hindi karapat-dapat sa pagmamahal ko? Kung kaya niyang maglaro ng apoy, e di, maglaro na rin ako!”
At ang biglang pumasok sa isip ko ay si Julius.
Kinabukasan, inihanda ko na kaagad ang mga dadalhin at nagpaalam kay mama na doon muna titra ng mga ilang araw sa bukid. Pinayagan naman niya ako bagama’t may pag-aalangan sa kanyang mga mata.
Noong makarating ako sa bukid, masaya akong sinalubong ni Julius. Hindi ako nagpakita na may malaking problema akong dinadala.
“Kuyaaaaaaaaaa!!!!!” ang sigaw ni Julius sa pagkakita na pagkakita kaagad niya sa akin. “Na-miss kita kuya!”
“Namiss din kita, Tol! Kumusta?”
“OK naman kuya. Ikaw?”
“Ayos lang, Tol. Maraming nangyari sa buhay ko pero ok lang naman”
At iyon... dating gawi. Ligo sa ilog, ikot sa mga lupain angkas-angkas sa iisang kabayo habang yakap-yakap ko siya. At sa unang gabi kong pagtulog, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. “Tol, tabi tayo sa pagtulog ha? Tatlong araw ako dito at dito ka rin matulog sa kuwarto ko.” Ang sambit ko.
Kitang-kita ko naman ang saya sa mga mata ni Julius. “Mas mabuti kuya, upang lagi tayong nagku-kwentuhan!” ang inosenteng sagot nio Julius, hindi alintana na may maitim akong balak sa pag-anyaya kong iyon sa kanya.
Bago kami natulog ay nag-inuman muna. Kuwentuhan. At noong med’yo nalasing na ay diniretso ko na siya sa tanong na, “Julius, magsabi ka nga sa akin ng totoo... mahal mo ba ako?”
Kitang-kita ko sa mga mata ni Julius ang pagkamangha sa hindi inaasahang diretsahang tanong ko. “E... kuya?” ang naisagot lang niya, hiondi makatingin sa akin ng diretso, nataranta kung aamin ba o hindi.
Inulit ko ang tanong at sa pagkakataong iyon, hinawakan ko ang kanyang mga kamay, ang mga mapupungay na mga mata sanhi ng kalasingan ay nakatitig sa mukha niya, “Mahal mo ba ako Tol?”
At tuluyan nang umamin ni Julius. “Oo Kuya, mahal kita... S-simula noong may nangyari sa atin habang nanaginip ka, hindi na kita malilimutan. Hindi ko na maiwaglit pa sa isipan ang nangyari sa atin kuya.”
Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti. “Kung ganoon, gawin nating muli ang ginawa natin Tol.” ang nasambit ko sabay tayo at hubad sa t-shirt at pagkatapus, ay ang pantalon at brief. Lumantad sa paningin niya ang hubad kong katawan habang nanaunukso naman ang aking mga mata, “Paligayahin mo ako, Tol...”
Mistulang natulala si Julius sa di inaasahang nasaksihan. Dali-dali din siyang tumayo at tinanggal isa-isa ang mga saplot sa kanyang katawan hanggang pareho na kaming nakatayo, hubo’t-hubad na nakaharap sa isa’t-isa.
Sa nakitang magandang hubog ng katawan ni Julius, hindi ko naman mapigilan ang pagsingit ni Kuya Rom sa utak ko. Matipuno ang katawan, may mga ala pan-de-sal sa tiyan, matangkad, may malalaking mga biceps. Halos kasing hunk ni Kuya Rom. May sakit mang dulot ang pagpasok ni Kuya Rom sa utak ko, pilit kong iwinaglit ito.
Nakipagtitigan ako kay Julius ng ilang sandali hanggang sa kusang hinawakan ko na ang kanyang mga kamay at inilatag ang mga iyon sa aking beywang. Hinawakan ko ang ulo niya. Idiniin iyon upang mgalapat ang aming mga labi. Naghalikan kami. Matagal, mapusok, puno ng pag-aalab.
Sa gitna ng gabi, tanging mga ungol lang namin ang maririnig sa kabuuan ng kuwartong iyon habang ang iba’t-ibang klaseng panggabing hayop ay walang humpay sa paggawa ng kani-kanilang mga sariling rituwal. At sa buong magdamag, paulit-ulit naming tinamasa ni Julius ang sarap ng aming makamundong pagnanasa.
Kinabukasan, tila wala lang nangyari. Naghaharutan pa rin kami kagaya ng dati, naligo sa ilog na animoy ordinaryong magkaibigan lang ang turingan, nangabayo, nagkwentuhan... Sabagay, wala din naman kaming inamin o kina-klaro sa isa’t-isa na kami na nga o may relasyon na kami. Para sa akin, ang nangyari sa amin ay isang pagpapalabas lang ng libog, normal para sa mga lalaking katulad naming mapusok, bagamat maaaring may ibang kahulugan iyon para kay Julius. Ngunit kung may naramdaman man siyang kakaiba, hindi ko na ito binigyang pansin pa.
Sa pangalawang gabi, ganoon pa rin ang nangyari. Nagtabi uli kami sa pagtulog at muli, hinayaan naming alipinin ng aming mga sabik na damdamin ang aming mga katawan. At kagaya ng naunang araw, mistulang wala lang nangyari. Hindi namin isiningit ito sa aming mga kuwnetuhan, walang aminan naganap.
Pangatlo at huling gabi ko na sa bukid iyon. Kagaya ng dati, ginawa uli namin ang pagpapasasa sa makamundong kaligayahan. Dahil sa ito’y huling gabi ko na, pinilit kong hanapin sa kaibuturan ng aking puso ang pagmamahal para kay Kuya Rom na puwede kong ibaling para kay Julius. Gusto ko sanang si Julius na lang ang mahalin ko, ang taong siya kong bigyan ng lahat kong atensyon, pag-alaga, at pagtiwala. Ngunit gaano mang pilit ko, wala akong makitang ni katiting na naramdaman na puwede kong ibaling sa kanya. Si Kuya Rom pa rin ang laman ng aking puso. Siya pa rin ang nag-iisang bumabagabag sa aking isip. Siya pa rin ang umaalipin sa aking damdamin.
Hindi ko lubos maisalarawan ang tunay na naramdaman. Gusto kong kalimutan na lang siya, palitan, burahin sa isipan ngunit siya pa rin ang umaalipin sa akin. Nand’yan na sana si Julius na syang puwedeng humilom sa sugat ng puso dulot ng pagtaksil ni Kuya Rom sa akin ngunit hindi pala kayang gamutin ito ng basta-basta na lang. Bagkus, lalo pa yatang tumindi ang naramdaman kong sakit. Totoo pala ang sinabi nilang hindi puwedeng turuan ang puso kung sino ang puwede mong mahalin, o puwedeng ipalit sa taong minahal.
Hindi ko alam kung magalit o maawa sa sarili, o kung kanino magalit at kung sino ang pagbuntunan ng sisi.
Kinabukasan, araw ng aking paglisan upang bumalik na ng siyudad. Binuksan ko na noon ang pinto ng kuwarto namin ni Julius upang lumabas. Ngunit isang tanong ang binitiwan niya na mistulang isang napakalakas na bombang sumabog sa aking tenga. “Kuya... mahal mo rin ba ako?”
Sa pagkarinig ko, napahinto akong bigla, nilingon siya. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama, kitang-kita sa mga mata ang matinding lungkot, ang mukha ay may bahid na kung anong takot o insecurity, marahil ay nagtatanong kung babalikan ko pa ba siya at kung babalikan man, kailan.
Sa pagkakita ko sa kanya sa ganoong ayos, ibayong awa ang naramdaman ko. Ngunit hindi ko tinugon ang tanong niyang iyon. Bumalik ako sa loob, hinarap siya, hinawakan ang dalawa niyang kamay, pinapatayo. Noong pareho na kaming nakatayo, hinalikan ko siya sa bibig sabay alis naman at hindi na lumingon pa.
Hindi ko alam kung naramdaman niya ang ibig kong ipahiwatig. Naramdaman kong umiiyak siya habang binaybay ko ang pasilyo hanggang sa palabas ng bahay at makapasok na ako ng sasakyan. Alam ko nasaktan siya. Ngunit mas nanaig ang tindi ng sakit na naramdaman ko sa ginawa sa akin ni Kuya Rom.
Mag aalas 9 na ng gabi noong makarating ako ng bahay. Diretso kaagad sa kuwarto at ibinagsak ang hapong katawan sa kama.
Alas 10, alas 11 ang lumipas ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Bumalikwas ako sa kama at dahil wala na ang sim card ng cp ko, tinungo ko ang landline na telepono at tinawagan si Kuya Paul Jake. “Kuya, puntahan mo ako dito sa bahay, pwede?” ang sabi ko noong sinagot ni Kuya Paul Jake ang telepono.
“Bakit anong mayroon?” Tanong niya.
“Wala lang... na miss kita.” Ang pangangatwiran ko.
11:30 ng gabi noong makarating si Kuya Paul Jake. Agad ko namang nihanda ang mainum at nag-inuman kami. Sinabi ko sa kanya ang lahat tungkol kay Kuya Rom at pati siya ay hiundi makapaniwalang nagawa ni Kuya Rom ang magpakasal sa iba nang ganoon-ganoon na lang.
“Paano ikaw?” tanong niya.
“E... ano ba ang dapat kong gawin, kuya? Sasayangin ko ba ang buhay ko nang dahil lang sa isang taong walang pakialam sa naramdaman ko?” ang sarcastic ko namang sagot. “Syempre, may karapatan naman akong mag-enjoy kahit papaano, di ba?”
Napangiti naman si Kuya Paul Jake. Nababasa ko sa isip niyang hindi siya naniwalang tagos sa puso ko ang aking sinabi. “Yan... dapat ganyan ang attitude. Dapat ay magpakatatag, huwag masiraan ng focus.” Ang naisagot na lang niya, sinakyan ang aking sinabi.
Iyon lang ang kuwentuhan namin. Nararamdaman kong alam ni Kuya Paul Jake kung gaano katindi ang sakit na kinikimkim ko kaya hinayaan na lang niyang respetuhin ang pagiging tahimik ko. Inum lang kami ng inum, tila nagpakiramdaman. At sinadya ko talagang bilisan ang pag-inum upang mapabilis ang pagkalasingnamin. Sa desperado kong kalagayang iyon, gusto ko na ring magwala at matikman si Kuya Paul Jake. “Bilisan natin ang pag-inum kuya!” sabi ko.
At naki-sakay lang din siya sa akin. Binilisan ang pagtungga.
Lampas alas dose noong malasing na ako, pati na rin si Kuya Paul Jake. Ang natandaan ko ay nagsasayaw-sayaw ako at hinubad ko ang pang-itaas kong damit. Tawa lang nang tawa si Kuya Paul Jake. Noong magsawa ako sa kasasayaw, pinatugtog ko ang isang mellow music at hinila si Kuya Paul Jake sa pagkaupo upang tumayo. Noong makatayo na kaming pareho, niyayakap-yakap ko na siya na parang babae’t lalaki kaming nagsasayaw. Balewala lang iyon kay Kuya Paul Jake. Sumasayaw-sayaw din siya ay niyayakap-yakap na rin niya ako.
“Hubarin mo na rin ang t-shirt mo Kuya!” sabi ko.
Binitiwan niya ang pagkayakap sa akin at at hinubad ang t-shirt, itinapon ito sa sahig at yumakap na naman sa akin, sabay sayaw.
Sa eksena naming iyon ni Kuya Paul Jake, ramdam ko ang paggapang ng init ng aking katawan. Ansarap yakapin ni Kuya Paul Jake. Maganda ang katawan, malalaki ang chest, walang taba sa tyan, may malalaking mga braso... Sumiksik na naman sa isip ko si Kuya Rom.
Sa ginawa naming iyon, ramdam kong nag-init na rin si Kuya Paul Jake. Dahil sa tangkad niyang 5’10” halos nasa dibdib niya lang ang ulo ko. At marahil ay sa naramdamang libog at plano na ring matikman siya, sinadya kong dila-dilaan at kagat-kagatin ang kanang utong niya.
Napaigtad siya ngunit hindi ko binitiwan ang pagdidila at pagkagat-kagat sa utong niya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na umunat siya na parang nasarapan sa ginawa ko, ang harapan niya ay lalo pang bumukol na idiniin-diin pa sa harapan ko. At noong sinilip ko ang kanyang mukha, nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata at kinagat-kagat niya ang ibabang labi niya.
Kaya lalo ko pang ginalingan ang pag dila at pagkagat sa utong niya. Hanggang sa narinig ko na lang ang pigil niyang pag-ungol. “Ahhhhhh! Ahhhhhh! Ahhhhh!”
Palipat-lipat sa dalawang utong niya ang ginawa kong pagdila at pag kagat-kagat. Hanggang sa pilit na inabot ng bibig ko ang kanyang leeg. Hanggang sa yumuko siya ng kaunti upang maglapat ang aming mga labi.
Naghalikan kami. First time kong maranasan ang halik ni Kuya Paul Jake. At ang sarap niyang humalik. Kuhang-kuha niya ang aking kiliti. Nag-espadahan ang aming mga dila. Matagal kami sa ganoong eksena. Ninamnam ang bawat paglapat ng aming mga balat.
Noong hindi na makayanan ni Kuya Paul Jake ang sarili, kinarga niya ako at pinaupo sa gilid ng kama. Humarap siya sa akin at idiniin sa aking bibig ang kanyang bakat na bakat na harapan. Dali-dali kong tinanggal ang sinturon niya at binuksan ang zipper. Pagkatapus, ibinaba ko ang pantalon kasama na ang brief. At bumulaga sa mga mata ko ang tigas na tigas at naghuhumindig niyang pagkalalaki...
(Itutuloy)
----------------------------------------
Mistula akong nagising mula sa malalim na pagkahimbing. May sumundot na kung anong guilt o hiya sa utak ko. Parang may konsyensiyang kumurot dito at nagtanong, “Ganito ka na ba ka desperado upang kahit sinong lalaki ay gusto mong matikman?”
Biglang akong nanlumo. Litong-lito at ramdam ang paggapang sa buong katauhan ko ang pagkahabag sa sarili. Ibinagsak ko ang katawan sa kama, nakatihaya, at walang imik na idinantay ang isang braso sa aking noo, ramdam ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. “Bakit ba???” tanong ng isisp ko. Arrggghhhh! Di ko talaga malaman kung anong tamang gawin.
Nagtaka si Kuya Pual Jake sa biglang pagtigil ko. Marahil ay nabitin din siya sa naunsyaming sarap, inaasahang itutuloy ko ang pagsubo sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. “A-anong nangyari?”” Tanong niyang pansin sa mukha ang pagkalito. Ibinagsak din niya ang katawan niya sa kama sa tabai ko, tumagilid at hinaplos ang aking buhok, ang pantalon at brief niya any nakababa pa rin, bumubundol-bundol sa tagilirian ko ang tigas na tigas pa rin niyang pagkalalaki.
Bagamat may kiliting dulot ang paglapat ng kanyang ari sa aking balat, ang nangingibabaw sa aking isipan ay ang bumalot na matinding kalituhan at awa sa sarili. “W-wala Kuya. Naisip ko lang ang mga nangyari sa akin, sa ginawa ni Kuya Romwel. Nalilito ako kuya, di ko alam ang gagawin…” ang sagot ko.
Hindi umimik kaagad ni Kuya Paul Jake. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit, hinahalik-halikan ang aking buhok. “Ano ba ang puwede kong gawin para maibsan ang kalungkutan mo?” Ang tanong niya. Marahil ay nalito na rin siya kung paano ako tulungan, o I comfort sa aking naramdaman.
Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. Bagkus, “Ansakit ng ginawa sa akin ni Kuya Romwel! Hindi ko kaya, Kuya Paul…!” ang nasambit ko.
“Baka may importante lang siyang dahilan kaya kung bakit niya nagawa iyon…”
Tumaas ang aking boses sa narinig na salitang “may dahilan” si Kuya Rom, tinutulan ang sinabi niya. “Hindi Kuya! Kung mahal niya ako, dapat ay hindi niya gagawin iyon sa akin!” Ang sambit ko. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol.
Tumagilid akong paharap sa kanya at yumakap nang mahigpit. “Hindi ko kaya ang sakit Kuya!!!” ang sambit ko habang nag-iiyak, ang boses ay mistulang sa isang batang nakakaawa.
Hindi nakaimik si Kuya Paul Jake sa narinig na sagot ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin, hindi na magawang kumibo pa. Alam ko, naramdaman ni Kuya Paul Jake ang matinding sakit na dinaranas ko sa sandaling iyon.
Hinayaan lang niya akong nakayakap sa kanya habang siya naman ay panay ang himas sa buhok ko at hinahalikhalikan ito, may dalang panunuyo ang kanyang mga yakap at haplos.
Ewan ko rin ba ngunit sa pagdadampi ng pagkalalaki ni Kuya Paul Jake sa tiyan ko, naramdaman kong unti-unting tumigas ito uli. Ramdam ko ang pag-init muli ng katawan niya sa ginawa kong pagyakap ng mahigpit. At naalimpungatan ko na lang ang dumadamping mga labi niya na gumapang galing sa ulo ko, sa noo, sa mga mata, sa ilong… na humantong sa mga labi ko.
Basa man ang mga mata at pisngi ko sa luha ay hindi niya ito alintana. Mainit ang paghahalik niya rito at sa paglapat ng aming mga labi, nalasap ko ang lasa ng makahalong laway naming dalawa at luha ko.
Mapusok ang aming mga halik. Maya-maya, gumapang muli ang mga labi niya sa leeg ko, sa dibdib hanggang sa bumaba ito. Sa dibdib, sa tyan, sa pusod. Ibayong sarap ang naramdaman ko at pakiwari ko ay pansamantalang natalo nito ang sakit na dinadala ng puso ko. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan pa ang sarili kundi ang magparaya sa kamunduhan kapiling si Kuya Paul Jake.
(Torrid scene. For request of this hot part, please email me at: getmybox@hotmail.com)
Sa unang pagkakataon, may nangyari sa amin ni Kuya Paul Jake… Hindi ko lang alam kung nagustuhan ni niya ang nangyari sa amin o ginawa lang niya iyon gawa ng awa niya sa akin upang matulungan akong maibsan ang bigat na aking dinadala o kaya ay makalimot ako sa mga masakit na nangyari sa amin ni Kuya Rom. Ngunit kung ano man ang dahilan niya, nagustuhan ko ang nangyaring iyon sa amin. At sa gabing iyon, naulit pa ng ilang beses ang pangyayring iyon sa aming dalawa.
Sa sumonod na ilang mga araw, si Kuya Paul Jake na ang palagi kong kasama sa school. At sa pag-uwi ko sa bahay. Si Kuya Paul Jake din ay paminsan-minsan kong nakakasama sa pagtulog sa kwarto ko. At sa bawat gabi na nagtatabi kami, hindi maaaring walang mangyayari sa aming dalawa.
Sa bagong set-up ko, pakiramdam ko ay nahanap ko rin ang tao na siyang magturo sa akin upang tuluyang mabura sa isipan ko si Kuya Romwel.
Sa parte namin ni kuya Rom, kinalimutan ko na ang pagti-text sa kanya. Kapag tumawag ito sa land line dahil itinapon ko na nga ang luma kong SIM, hindi ko sinasagot ito. Pinilit ko ang sariling maging manhid sa mga pakiusap niyang pakinggan siya. Wala na akong pakialam pa sa kanya, sa mga nangyari sa kanya.
Sa parte naman ng mga magulang ko, nagbago rin ang pakikitungo ko sa kanila.. Hindi na ako sumasabay sa pagkain at umiiwas ako kapag nakikita ko sila. At kapag kinakausap ako ng mama ko, umaalis ako, lalo na kapag narinig ko ang pangalan ni Kuya Romwel. Pakiramdam ko kasi, kay Kuya Romwel sila kumakampi. At isa ito sa nagpalala sa sakit na naramdaman ko. Ako ang tunay nilang anak ngunit pakiramdam ko ay may kulang sa pagmamahal nila sa akin.
Alam ko, nababahala rin sila sa kalagayan ko ngunit wala na rin akong pakialam. Nakaukit kasi sa isip ko na tuwang-tuwa ang papa ko sa mga ginagawa ni Kuya Romwel at ang mama ko naman ay hindi kayang salungatin ang gusto ng papa ko. Kaya wala ding silbi. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako ng lahat ng tao sa bahay na iyon.
Kaya, sa piling ni Kuya Paul Jake ko naramdaman muli ang pag-asa. Pakiramdam ko, siya lang ang bukod tanging nag-iisang tao sa mundo na nakakaintindi sa akin. Siya ang kakampi ko, ang pumuprotekta sa akin. Sa kanya ako humuhugot ng lakas, sa kanya muli kong natutunan ang ngumiti, ang tumawa, ang tumayo muli at lumaban.
Game na game naman si Kuya Paul Jake. Sobrang maunawain kasi niya. Hindi lang kasi halos nasa kanya na ang lahat ng katangiang pisikal ni Kuya Rom, sobrang bait at sobrang talino pa niya. At ang kanyang mga payo ay nagbibigay din sa akin ng lakas at inspirasyon upang labanan ang mga pagsubok. Kaya sa mga nangyari sa amin ni Kuya Pual Jake, naramdaman kong may umusbong na puwang sa puso ko para sa kanya. Hinahanap-hanap ko na siya, ang payo niya, ang panunuyo niya… Hindi ko alam kung ang nararamdamn kong iyon ay bunga lamang ng paghahanap sa nakasanayan ko kay Kuya Rom o sadya bang unti-unti nang naibaling ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na ang takbo ng aming magandang samahan ni Kuya Paul Jake at tuloy-tuloy na ring maghilom ang sugat ng aking puso.
Ngunit isang araw pagkatapus ng school habang inaasahan kong samahan na naman niya ako sa bahay at doon kami matulog, “Tol, pasensya ka na ha, di ako makakasama sa iyon ngayong gabi. Dumating ang girlfriend kong nag-aaral sa US…” ang sabi niya sa akin noong dumating siyang nagmamadali sa student center kung saan ako naghintay sa kanya.
Pakiramdam ko ay may bombang sumabog sa aking harapan at gumuho ang kinatatyuan ko, hindi lubos maisalarawan ang biglang gumapang na lungkot. “E… h-hindi ka ba sasama sa bahay?” ang naitanong ko na lang.
“P-pasensya na tol. Naghintay kasi siya sa akin eh. Nasa labas ng gate siya ngayon. Tara sama na tayo at ipakilala kita sa kanya.”
“E… sige Kuya, huwag na. Mauna ka na lang. May kukunin pa pala ako sa library.” ang alibi ko. Parang hindi ko kasi kayang masilayan si Kuya Paul Jake na may kasamang babae at habang aalis silang magkasama, ako naman ay iiwanan nilang nag-iisa. Sa maring eksenang iyon nina Kuya Paul Jake at girlfriend niya, bumabalik-balik na naman sa isip ko ang ginawa sa akin ni Kuya Rom.
Wala na akong magawa pa kundi ang tumayo at tinumbok kunyari sa library, hindi ko na hinintay pang tumulo ang mga luha ko sa harap niya mismo. “Tol, huwag ka namang magtampo o… sasamahan kita muli kapag bumalik na ang girlfriend ko sa US ha? Sa ngayon, siya muna ang bibigyan ko ng oras dahil ang plano ay isang buwan lang siya dito at babalik uli eh. Pero text text pa rin tayo ha?” ang pahabbol niya.
“O-opo Kuya” ang sagot kong patuloy pa rin sa paglalakad, hindi man lang lumingon sa kanya upang huwag mahalata ang pag-iyak ko.
Dahil sa tindi ng sama ng loob, mistulang wala ako sa sariling pumunta ng library. Kumuha ng isang libro at pumuwesto sa isang study table na malayo-layo sa mga tao, nagkukunyaring magbasa ngunit ang totoo, itinakip ko lang sa mukha ang aklat upang hindi mahalata ang pag-iiyak ko.
Maya-maya, lumabas na ako ng campus, hindi pa rin alam kung saan patungo, ni hindi alintana ang luhang mistulang walang patid sa pagdaloy sa aking mga pisngi. Para akong nawala sa sarili at hindi malaman ang sunod na gagawin. Naalimpungatan ko na lang ang sariling pumara ng isang taxi. “Sa may seawall po!”
Malapit sa seawall ay mga inuman at videokehan. Pumasok ako sa isang bar at umurder ng 6 bote ng beer. Agad kong tinungga iyon, binilisan ang pag-inum hanggang sa naubos ko kaagad ang anim na beer.
Lasing na ako noong lumabas ng bar. Naupo ako sa mismong seawall, nakaharap sa dagat. Dahil sa alas 10 na iyon ng gabi, halos ako na lang ang tao. Tuliro pa rin ang isip ko. Habang dumadampi ang malamig na simong ng hanging-dagat, bumabagabag pa rin s isip ko ang mga katanungan. “Bakit ako nagkaganito?” “Bakit ginawa akong ganito? “Bakit dumating pa sa buhay ko si Kuya Rom kung hahanton lang naman ang lahat sa ganito?” “Bakit nagawa sa akin ni Kuya Rom ang magtaksil sa akin?” “Bakit ba pati si Kuya Paul Jake?” “Bakit walang nagmamahal sa akin?” “Bakit walang silbi ang buhay ko?” “Bakit hindi ko maramdaman ang saya?” “Bakit ako pa ang nagkakaganito?”
Pakiramdam ko ay may nag-udyok sa akin na lumundag sa dagat at magpakalunod na lang. At umiyak na lang ako nang umiyak, ipinalabas ang matinding sama ng saloobin. Doon, nabuo sa isip ko ang isang desisyon.
Dumating ako ng bahay na mag-aalas dose na. Sinabihan ako ng katulong na hinahanap daw ako ng mga magulang ko, nagwo-worry sila kung saan ako nagpunta. “Sumikip nga po ang dibdib ng papa mo, Sir Jason, sa sobrang kaba na hindi ka mahagilap. Natakot kami na baka inatake na naman siya sa puso. Nasa kwarto po nila siya, pinainum lang ng gamot, ayaw kasing magpadala sa ospital.”
Ewan, pero parang wala lang sa akin ang narinig. Maraming beses na kasing ganyan ang papa ko, sumisikip ang dibdib pero ok pa rin naman. Ang nangingibabaw kasi sa utak ko ay ang sariling suliranin at tampo na rin sa kanya sa pagbabawal niya sa amin ni Kuya Rom, sa kagustuhang niyang magkaroon ng apo na siyang dahilan sa lahat ng pagkakaletse-letse ni Kuya Rom kung kaya inanakan niya ang kung sinu-sinong babae at noong huli ay nag-asawa pa. Masasabi kong may galit din akong kinimkim sa papa ko.
“Sabihin mo sa kanila na dumating na ako at na huwag mag-alala dahil malaki na ang anak nila at alam ang kanyang ginagawa… Atsaka, wala din naman akong silbi sa bahay na ito, bakit pa ba nila ako hinahanap?” Bulyaw sa katulong na mistulang isang inosenteng tupa na biglang yumuko pagkatapos kong magsalita sabay talikod, takot na nagmamadaling umalis.
Tinumbok ko ang hagdanan patungo sa kwarto ko sa second floor. Pagkapasok na pagkapasok ko, kaagad kong inihagis ang dala-dalang mga aklat at notebooks sa sahig at tinungo ang cabinet kung saan naroon ang mga damit at mga personal kong gamit. Kumuha ako ng iilan, isiniksik ang mga iyon sa isang bag. Ipinasok ko rin doon ang wallet at ang credit cards ko.
Kung gaano kabilis akong nagpack-up, ganoon din kabilis akong bumaba at lumakad ng patiyad palabas ng bahay upang huwag mahalata. Nong makalabas na, nagmamadali din akong naglakad palayo pa ng bahay atsaka pumara ng taxi. “Sa kabilang bayan po tayo manong, sa King’s Hotel” ang sabi ko sa taxi driver.
May isang oras din bago kami nakarating sa hotel na iyon. Nag check-in ako at noong nasa loob na ng kuwarto, hindi pa rin ako mapakali. “Nag-iisa nga lang ako sa mundo...” ang nasambit ko sa sarili. “Wala silang pakialam sa akin. Lahat sila, puro abala sa mga pansarili at personal nilang mga kapakanan. Hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit, o kung sino ang karamay ko.”
Muli, hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagmuni-muni at umiyak ngunit nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na galing sa bintana ng hotel kung saan nakahawi ang kurtina. Disoriented, hindi halos alam kung saan ako naroon, bumalikwas ako at binalikan sa isip ang mga pangyayari. Dali-dali akong naligo at bumaba, kumain.
Wala pa rin akong naisip na sunod na gagawin. Sa pagkakataong iyon, ang nasa isip ko ay ang kagustuhang mapalayo lang sa mga bagay na nakapagpaalala sa akin kay Kuya Rom. Wala akong pakialam sa mundo, o sa eskuwela, sa mga kaibigan, o sa mga kapamilya... wala rin akong plano kung gaano katagal akong maglayas, o kung saan pupunta. Basta ang nasa isip ko ay ang lumayas at pupunta sa malalayong lugar.
“Bahala na.... Tutal, wala namang nagmahal sa akin, walang silbi ang buhay ko, ok lang kahit mamatay pa ako, kahit ngayon na!” Sabi ko sa sarili.
Pagkatapos ng dalawang araw, lumipat naman ako ng lugar. At lumipat uli. Palipat-lipat ng probinsiya, kahit ano na lang ang sinasakyan – ferry boat, fast craft, bus, jeep, taxi, at eroplano. Basta, ang gusto ko ay makalimot, makapunta sa lugar na malayo sa kabihasnan.
Pangatlong linggo ko na sa paglalayas noon. Hindi pa rin talaga sumagi sa isip ko ang umuwi. Masakit pa kasi ang kalooban ko. Puro na lang ako sisi sa sarili, sa mga magulang ko, kay Kuya Rom, sa mga tao… Pakiramdam ko ay pasan ko ang lahat ng problema sa mundo.
Mag-aalas sais iyon ng gabi. Nakaupo ako sa isang bench sa plaza sa ilalim ng isang malaking puno, pinagmasdan ang paglubog ng araw. Napakaganda ng tanawin. Iyon ang isa sa mga paborito kong senaryo. Nakakapagrelax kasi ito at kapag nakakakita ako ng ganoon kagandang tanawin sa kalikasan nalilimutan ko ang mga problema.
Habang kinakain ko ang dalang isang pirasong tinapay, isang batang lalaki na sa tantiya ko ay nasa edad 10 ang umupo sa aking tabi. At bagamat pansin kong nahihiya, yumuyukyok-yukyok, tinitingnan-tingnan niya ako habang kinakain ko ang tinapay. Napatingin din ako sa kanya. Gusgusin, maruming-marumi sa suot niyang butas-butas na t-shirt at shorts. Nakapaa lang ito at sa unang tingin pa lang ay masasabi mong walang nag-aaruga sa kanya. At marahil din ay wala nang pamilya. Street child kumbaga at halos batang grasa na kung maituturing.
“K-kuya, pahingi po ng pagkain...” ang wika ng bata, ang mga mata ay nagmamakaawa. Marahil ay hindi na siya makatiis, inisip rin siguro na baka maubos ko ang tinapay na kinakain kaya nahihiya man, ay nagsalita rin ito.
Para namang tinablan din ang damdamin ko sa akita sa kany kaya, “Gusto mo?” sabay abot sa kanya sa halos kalahati na lang na natirang tinapay.
Tinanggap naman ng bata ang tinapay. Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. “Salamat po kuya!” sambit niya sabay tayo at takbong palayo.
Ewan ko kung bakit biglang sumagi sa isip ko na tawagin siya. Para kasing magaan ang loob ko sa batang iyon, marahil ay hindi kagaya ng ibang katulad niya na salbahe, nakikinita kong siya ay mabait, mahiyain, at inosente. “Oist! Bata!” Sigaw ko.
Napahinto ang bata sabay lingon sa akin. “Po? Babawiin niyo po ang tinapay?”
Napangiti naman ako sa seryosong mukha niya na parang takot na babawiin ko talaga ang ibinigay na tinapay. Ngunit doon ako bumilib sa ipinakitang kahandaang ibalik iyon sa kabila ng kanyang matinding pangangailangan. Kung ibang bata kasi iyon, tatakbo na at hindi na siguro lilingon pa. At napag-isip isip ko na mabait na bata talaga siya. “Hindi a... Sa iyo na iyan. May itatanong lang ako. Halika, upo ka dito!”
Lumapit naman ang bata, naupo na walang kibo at kinain ang tinapay. Parang walang iba pang bagay na mas importante sa kanya sa oras na iyon kungdi ang kumain. Gutom na gutom.
“Anong pangalan mo?”
“Noel po”
“Saan ang bahay mo, Noel?”
“Wala po akong bahay e. Minsan sa tabi ng kalsada ako natutulog, minsan sa ilalim ng tulay, kahit saan po...” inosenteng sagot niya habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Bakit, wala ka bang mga magulang?”
“Wala na po... namatay po ang nanay ko noong pitong taong gulang pa lang po ako at hindi ko po kilala ang tatay ko. Sabi ng nanay ko patay na po siya.”
Tila may sumundot naman sa puso ko sa narinig na sagot niya.
“Paano ka nabubuhay? Kumakain?”
“Nanghihingi po. Minsan pag may tira-tira sa mga basurahan, kinakain ko po.”
“Mahirap ba ang kalagayan mo?”
“Ok lang naman po.” Ang inosente niyang sagot.
At ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon. At mistulang isang malakas na sapak ang tumama sa ulo ko sa sagot niya sa tanong kong iyon na gumising sa utak ko. Heto ang isang batang hindi naranasan ang pagmamahal ng mga magulang, kumakain lang kapag may nagbigay o nahanap na tira-tirang pagkain sa basurahan ngunit “OK” pa rin para sa kanya ang hirap ng buhay na dinanas niya.
Napaisip ako ng malalim. Tinitigan siya. Isang napaka-inosenteng bata, walang kamuwang-muwang sa mundo. Ni walang ibang naranasan sa buhay kundi hirap at pasakit. Ngunit tanggap niya ang lahat ng ito nang walang pag-atubili, walang pagdadalwang isip, walang pagrereklamo.
At doon ko narealize na napaka selfish ko. Kumpleto ako sa mga magulang ngunit hindi ko naapreciate ang kabaitan at pagmamahal nila sa akin. Lahat ng luho ay natatamasa ko ngunit nagrereblde pa rin ako sa buhay.
Biglang sumagi sa isip ko ang papa, ang kagustuhan niyang magkaroon ng mga anak na lalaki. At hindi ko man masabi-sabi ito, biglang naramdaman ko kay Noel na pinangarap ko rin pala ang makaranas ng pagkakaroon ng isang bunsong kapatid.
At ang sunod na naitanong ko kay Noel ay, “Gusto mo bang magkaroon uli ng mama at papa?”
Bigla siyang natigil sa pagkain. Tinitigan niya ako, hindi maikubli sa mga mata niya ang pagkalito sabay bitiw naman ng napaka-inosenteng tanong. “Po??? P-puwede po???”
“Bakit hindi.” Sagot ko naman. “At simula ngayon, ako na ang magiging kuya mong totoo.”
At napansin ko na lang ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi ni Noel habang binitiwanniya ang isang napakagandang ngiti.
Sa buong buhay ko, noon ko lang naramdaman ang ganoong klaseng saya. Sobrang sarap ng pakiramdam na may natulungan at napasaya akong isang tao. Doon ko narealize na kahit papaano, may silbi pa rin pala ako sa mundo; na may halaga pa rin pala ang buhay ko.
Doon ko rin na-realize na may mga tao din palang mas matindi pa ang hirap na dinanas kaysa naranasan kong problema, at na may mga taong sa kabila ng tindi ng hirap na dinanas, ay kaya pa rin nilang sabihing “Ok” lang ang buhay nila.
At nabuo ang isang desisyon. Uuwi na ako, dadalhin si Noel sa bahay at sasabihin ko kay papa na ampunin na rin namin ito.
Sa gabing iyon, doon na natulog sa hotel ko si Noel. Pinaliguan ko siya, binilhan ng mga bagong damit at sapatos. Di magkamayaw ang bata sa sobrang tuwa sa sa di inaasahang mabilis na pangyaysari sa buhay niya.
Kinabukasan ng gabi, narating namin ni Noel ang bahay namin. Sobrang excited akong makita ang mga magulang ko lalo na ang papa dahil siguradong matutuwa siya kapag nakita niya ang dala kong kasama.
Noong huminto ang sinasakyan naming taxi sa harap ng gate, laking pagtataka ko noong mapansing napakaliwanag ng bahay namin at maraming tao sa loob nito.
Dali-dali kaming pumasok. Noong nasa loob na kami ng bahay, pansin ko ang pagbaling ng ulo ng mga tao sa akin, ang kanilang mga tingin ay puno ng katanungan.
Noong ibinaling ko ang mga mata ko sa dulo ng sala, ang bumulaga sa mga mata ko ay kabaong...
(Itutuloy)
0 comments:
Post a Comment