Chapter 2 : Unbroken

Tuesday, November 16, 2010

“You found me when no one else was looking. How did you know
just where I would be?”
-Kelly Clarkson,You found Me.



Natapos ang dinner namin ni FR. Halatang buso na busog sya. Kitang kita mo sa kanyang mga mata na nageenjoy sya sa mga nangyayare. Parang batang nakakain ng chickenjoy. Namumutawi sa kanyang mata ang sobrang ligaya.

Patuloy kami sa pagrecall ng nakaraang tatlong taon ng pagsasama.
Pinagusapan ang mga dahilan ng away,narealize ko na sobrang bababaw lang ng dahilan. Minsan pagod ako sa work,minsan wala sya sa mood. Pero wala pa kaming napagaawayan na grabe ang dahilan. Mahal na mahal namin ang isa't isa.

Nasa gitna kami ng magandang usapan ng biglang..

“Aarrrgghhhh brown out!”. Tangan ng mga nasa restaurant sabay sabay.

Natawa ako. Dahil sa nawalan ng ilaw ang chandelier,naging ang mga tea light candles ang nagsilbing tanglaw ng mga tao dun. Para sa akin,mas naging romantiko ang setting. Naiilawan kami ng isang maliit na kandila.
Mas mahihirapan ako nito gawin ang aking plano.


“Hon.” Nanginginig na sabi ni FR.

“Oh bakit?” Natatawa kong sabi.

“Hon,wala akong makita. Madilim. Natatakot ako.” Sabi nya habang kinakapa ang kamay ko sa mesa.

“Hanggang ngayon ba bossing may takot ka pa sa dilim?” Pangaasar ko sa kanya.

“Sige,manginis ka pa. Alam mo naman na takot ako sa dilim ever since.”

“Kaya nga lagi akong nandito para sayo diba? Ako yung mata mo pag
madilim. Ako yung kasama mo pag wala ka na makita. Ako yung mata mo pag hindi ka nakasalamin.”

Natahimik sya. Halatang nagulat sa narinig. Halata din ang nangingilid nyang mga luha. Dahan dahan akong tumayo. Lumapit sa kinauupuan nya at lumuhod. Kaagad kong kinuha ang kanyang kaliwang kamay at hinalikan ito. Maaaninag mo sa kanya ang gulat pero ramdam mo na sobrang saya nya. Kitang kita ko ang saya ng kanyang mga mata. At dahan dahang dumaloy ang kanyang mga luha.


“Sana brown out nalang lagi.” Sabi nya.

Natawa naman ako sa sinabi nya. Alam kong nagaantay sya sa mga susunod na mangyayare.Dahil sa maliit lang naman ang liwanag na dala ng
tea light candle,naging malakas ang loob kong lambingin si FR. Pagkatapos kong halikan ang kamay,pinunasan ko naman ang kanyang mga luha.

“Bossing FR,baka pwede ka umusod ng konti para makatabi ako sa upuan mo. Masakit kasi tuhod ko kanina pa ko nakaluho dito ohh.” Pagbibiro ko.

“Ayy sorry hon.” At Dali dali syang umusod at nagtabi kami sa upuan.

Wala akong sinayang na panahon. Sinamantala ko ang brownout.
Inakbayan ko sya. Nilagay ang ulo nya sa balikat ko. Ramdam ko na naman ang contentment na lagi kong nararamdaman kapag nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Alam kong hindi dapat ito matapos.

“Hon,pano kung biglang bumalik yung kuryente?”

“Bahala na. Wala naman tayong ginagawang masama no. Isa pa
magkaakbay lang tayo. Di pa tayo nagkikiss. Diba? Haha.”

“Pilyo. Kikiss mo ba ko? Dali dali. Habang brownout.” Biro nito.

“Sus. Bakit dito pa? Pwede naman sa room natin ahh. All the way pa.” Sabi ko naman sabay pisil sa ilong nya.

“Hahaha, Bastos nito. All the way pa gusto. Eh isang round ka lang naman. Hahahaha.” Biro nito sakin.

“Hahaha, Gago. Humanda ka sakin. Isang round pala ha? Tignan natin mamaya. Mamamaga yan sakin. Hahaha.” sabi ko.

“Sus. Let's see.” sagot nito sabay nakaw ng halik sa pisngi ko.

“Kakasuhan kita.”

“Anong kaso? Hahaha.

“Ninakawan mo ko ng halik. Hahahaha.” Sabi halik ko sa kanyang noo.

Natahimik kami pareho. Isa sa mga magandang bagay samin eh yung
pakiramdam namin na masaya kami kahit wala kami ginagawa. Simpleng nakaupo lang kami eh okay na. Sobrang saya na namin.

“FR.”

“Hmmmm.?”

“3 taon na pala tayo maya maya no?”sabi ko

“Oo nga eh. Kala ko nakalimutan mo na eh.”sagot nya.

“Ha? Bakit ko naman makakalimutan yon?” sagot ko.

“Ang cold mo kasi recently eh.”

“Ako cold? Hala. Hindi ahh. Siguro stressed lang ako sa work. Wag ka magworry. Mahal na mahal kita.” At umakma ako pahalik sa kanya. Kitang kita ng tea light candle kung pano nagtama ang aming mga labi. Saglit lang ito pero makahulugan. May mga waiter na nakakita pero wala akong pakialam. Sa unang halik sa publiko na yun ko napatunayan sa sarili ko kung gaano ko sya kamahal. At kung gano kalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

“You just made my night complete Hon.” sabi ni FR habang humihikbi.

“Yes. I made your night. But you.you just made my life whole again.”
sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa bilog nyang mga mata.

Muling nagtama ang aming mga mata. Mukhang nagkakaintindihan ang aming mga puso. Gusto pa naman ng isa pang halik. Agad agad nilapit ni FR ang labi nya sa ko,dahan dahan,mga ilang sentimetro ang pagitan,
amoy ko ang mabango nyang hininga. Magtatama na ang aming labi ng biglang...

“Yun! May ilaw na! Yehey!” Bulyaw ng isa sa mga waiter.

Gulat na gulat kami nung mga oras na yun. Ilang sentimetro nalang ang layo ng labi namin sa isa't isa. Sayang. Paglingon namin sa mga tao.
Lahat sila nakatitig samin. Para kaming nasa spotlight. May mga nagulat. May mga nagtaas ng kilay,at may mga nangiti..

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP