The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 2

Sunday, September 11, 2011

Author's Note: First of all,  maraming maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay niyo sa kwento ng buhay ni Av Lopez. Maraming maraming salamat po,.Hindi ninyo po alam kung gaano ninyo ako napapasaya dahil sa mga comments and reactions niyo :) Pangalawa, I would like to apologize kung mas late na po ang update ko compared noon. Back to school na po kc ulit ako, tpos torture pa mga homeworks ng mga teachers ko kya mejo busy na -.- tpos may extra family events achuchu-achuchu pa. hayys. anyway, i would like to thank the following: Isang bonggang mention para kay russ (ayan po ah, unang-una ka pa para tlgang uber bonggang mention! lol) , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya idol (coffee prince) , kuya kenji and kuya Vince ko. :)
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Ay wait may nakalimutan ako,. IKAW! oo ikaw! wala lang. di na tayo bati! yaw ko na sau! >.<
ayan, kapag ba naman po may nakalimutan pa kong batiin eh ewan ko n lng xD. tlgang binalikan ko pa lht ng nagcomment simula nung una kaya i'm sure wala akong nakalimutan jn hahaha. anyway, eto na po yung episode 2! enjoy reading! :D

Episode 2 - Am I Really Av Lopez?

"Sam!", sabi niya, masayang masaya siya at halos maiyak siya sa tuwa. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Hala! sino toh?! Aba! hindi porket gwapo ka eh magpapayakap na ko kaagad sa'yo!


Naku kunyare ka pa!


He's a complete stranger,..pero..para ngang kilala ko siya,.parang iba yung feeling ko sa kanya eh.


ano? natatakot ka? masaya ka ba? or...nalove at first sight ka na?!


Gaga!


Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. "Uhmm, excuse me but you must have mistakenly thought I was someone else.." sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "No, I can't be wrong. YOU ARE SAM!" sabi niya.

Aba! ang kulit! Sabi nang hindi ako yung Sam na sinasabi niya eh,. naku isa pang pamimilit eh saSAMpalin ko na to!

"I'm sorry but I'm not that 'SAM' you're talking about." at talagang in-emphasize ko yung pangalan na Sam.. "My name's Av,. not Sam. okay?"  ang medyo inis kong sabi sa kanya.

"But.." at hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang lumapit ang isa pang lalaki.

"Kuya Ken, we have to.." hindi din natapos ang sasabihin niya ng biglang napako ang tingin niya sa akin. Nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata namin ni kuya Caloy. Kamukhang kamukha ko siya! As in parang pinagbiyak na mangga! The eyes, the nose, the lips.

OMG.Bakit kamukha ko siya?


Magkaiba lang kami ng haircut. Semi-kalbo ang buhok niya, ako naman, nakamohawk, yung parang may palong ng manok sa ulo, haha..

Wow teh! gwapo ka pala kung naging lalaki ka!


Tama naman ang boses..Parang nabighani ako sa itsura nung taong kamukha ko. Gwapo siya. Astig tignan. Lalaking lalaki. Mas malaki ang katawan niya sa akin ng kaunti at mas matangkad ng mga ilang inches.  Mas dark ng kaunti ang skin tone niya kaysa sa akin.

"Sam.." bulong ng lalaking kamukha ko..

Naku eto pang isa na to. Sam ng Sam, hindi naman ako si Sam.


Pero hindi mo ba naisip kung bakit kayo magkamukha?


Natahimik ako..Maya-maya'y may lumapit na isang babae.."Mga anak, come on! We have to go now! May pupun-" hindi rin natapos ang sasabihin niya ng mabaling sa akin ang tingin niya..Tumingin siya sa lalaking kamukha ko.."Oh my gosh.." sabi niya.. biglang nagtubig ang mga mata niya.."Sam..anak ko.." sabi niya,. lalapit na sana siya sa akin ngunit bigla akong tumakbo palayo sa kanila. Sinundan naman ako ni kuya Caloy.

"Anak ko! sandali! bumalik ka!" sinubukan niya akong habulin, pero hindi siya nagtagumpay. Narinig ko ring sumisigaw yung Ken ng, "Sam! Wait!" ngunit hindi ko sila pinansin lahat. Naiwang nakatayo't nakatulala lamang ang lalaking kamukha ko.

Patuloy akong tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. May side sa pagkatao ko na gusto ko silang yakapin. Pero may side din naman na pumipigil sa akin na gawin ko iyon. Hindi ko pinapansin ang buong paligid ko..Nagulat na lang ako ng biglang may isang sasakyang bumusina sa harap ko.

"Av!" sigaw ni kuya Caloy.

Parang biglang nagising ang buong diwa ko. Muntik na pala ako masagasaan ng isang sasakyan. Buti na lang ay nakapagpreno ang driver kaagad. Biglang pumatak ang luha ko. Nilapitan ako ni kuya Caloy at hinawakan ang magkabila kong braso. "Bakit ka tumawid? Muntik ka na masagasaan!" sabi niya. Pero hindi pa rin ako nagsasalita at patuloy na pumapatak ang aking mga luha. Niyakap niya ako't itinabi sa daan. Nanghingi na rin siya ng paumanhin sa driver ng sasakyan. Buti naman at mabait ang driver at hindi na nakipag-away pa. Umuwi kami sa bahay nila ngunit hindi pa rin ako nagsasalita. Nakita ako ni nanay Solidad at nagtanong kung anung nangyari ngunit hindi pa rin ako sumagot at tumuloy sa kwarto. Naupo ako sa sulok ng kwarto.

Bakit ko siya kamukha? Bakit nila ako tinawag na Sam? At bakit niya ako tinawag na anak?? Ampon lang ba ako? Pero...hindi...hindi pwede...anak ako ng mommy at daddy ko..I am Ace Vince Raven Lopez.. I'm not Sam.


Pero paano kung hindi nga talaga ikaw si Av Lopez? Paano kung ikaw nga talga yung sinasabi nilang Sam? Baka kakambal mo yung nakita mo..Hindi naman siguro pwedeng basta kamukha mo lang siya, diba?


Kailangan ko nang makauwi.Kailangan kong malaman ang totoo. At makakasagot lang nito ay ang mga magulang ko.


Paano kung ampon ka nga lang talaga? Anong gagawin mo?


Hindi ko alam...


Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy at naupo katabi ko. "Kilala mo ba yung mga tao na yun? Sila ba ang pamilya mo?" tanong niya.

"Hindi ko sila kilala.." sagot ko.

"Eh bakit kamukhang kamukha mo yung isa dun? At bakit ka tinawag ng babae na anak ka niya? At isa pa, diba Av ang pangalan mo? Bakit ka nila tinatawag na Sam?" sunud-sunod niyang tanong.

"Hindi ko alam..." yung lang ang nasagot ko.

Hindi na muling nagtanong si kuya Caloy.. Siguro naramdaman niyang hindi ko talaga alam kung bakit nga ganun.

"Kailangan ko ng umuwi kuya..."sabi ko.

"Pero Av,." sabi niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya't tinignan siya sa mga mata. "Kuya please..." sabi ko habang tumutulo ang luha ko..

Pinunasan niya ang mga luha ko't sinabi. "Sige,. ihahatid na kita pauwi."

"Salamat kuya pero huwag ka ng sumama kuya, kailangan ko tong gawing mag-isa..Ituro mo na lang sa akin ang sakayan..Dito ka na lang. bantayan mo na lang si nanay Solidad." sabi ko.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Sige." sabi niya.

"Salamat kuya." at niyakap ko siya.

Inihanda ko na ang aking sarili. Kinuha ko yung mga dati kong damit, ipinahiram naman sa akin ni kuya ang mga damit niya para iyon na lang daw ang suotin ko. Hindi na kasi natanggal ang stain ng dugo sa mga dati kong damit. Nagpaalam na ako kay nanay Solidad pero sinabi ko naman sa kanyang dadalawin ko rin sila. Hinatid ako sa sakayan ni kuya Caloy. Naisipan ko munang dumaan sa resthouse namin. Nagbabakasakali akong may tao doon, since doon ako huling nakita ng mga tao.

"Kuya pwede mo muna ba akong samahan sa resthouse namin?" tanong ko. Pumayag naman siya. Sinabi ko kung saan ang resthouse namin at napag-alaman kong malapit lang din pala iyon. Mga ilang barrio lang ang lalampasan at naroon na kami.

Pagdating sa resthouse namin, nakita ko na kaagad ang sasakyan namin sa labas. Agad akong kumatok sa pinto. "Mommy! Mommy!" sigaw ko habang ako'y kumakatok sa pinto.

Ng bumukas ang pinto'y nakita ko si Daddy. "ANAK!" tuwang tuwang sabi ni daddy. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Daddy!" sabi ko naman. Pumatak muli ang luha ko. Ang saya-saya ko. Biglang nawala lahat ng mga katanungan ko sa aking isip. Napalitan ito ng saya dahil nakita ko ng muli ang aking mga magulang..

"Thank God at buhay ka anak ko!" sabi ng daddy ko habang yakap yakap niya ako. Hinalikan niya ako sa noo. "Rosalie! Rosalie! Halika dito! Nandito na ang anak natin!"

Agad namang pumunta si mommy papunta sa amin. "Anak!!!!" sigaw ni mommy. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang tuwa. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Mommy!" sabi ko. Umaagos na talaga ang mga luha ko ngayon. Namiss ko ng sobra ang mga yakap ng mga magulang ko. "Anak ko..salamat sa Diyos at hindi ka niya pinabayaan. Araw-araw kong pinagdadarasal na sana ay nasa mabuti kang kalagayan." sabi ni mommy. Mga ilang minuto rin ang nakalipas ng biglang mapansin ni daddy si kuya Caloy.

"Av anak, sino tong kasama mo?" tanong ni daddy.

"Mommy, Daddy, si kuya Caloy po, siya po ang nakakita't nag-alaga sa akin nung nahulog ako sa bangin." sabi ko.

"Magandang araw po!" bati ni kuya Caloy kina mommy at daddy.

Kinamayan ni daddy si kuya Caloy, "Maraming salamat sa'yo at hindi mo pinabayaan ang anak namin. Babawi kami sa'yo," sabi ni daddy.

"Naku huwag na po, ayos lang po iyon." sagot naman ni kuya Caloy.

Nginitian lang ni daddy si kuya Caloy. "Basta babawi kami sa iyo,."

Ngumiti lang din si kuya Caloy. Nilapitan naman siya ni mommy. Niyakap siya ni mommy. "Maraming salamat. Napakabait mong tao."

"Wala pong anuman. Mabait rin naman po ang anak ninyo kaya hindi naman po ako nagsisisi na tinulungan ko po siya." sagot naman ni kuya Caloy. "Sige po mauna na po ako, hinihintay pa po kasi ako ng nanay ko."

"Sige mag-iingat ka ha." sabi ni mommy.

Nilapitan ko si kuya Caloy at niyakap ko siya. niyakap rin naman niya ako. "Salamat kuya. Utang ko sa'yo ang buhay ko."

"Wala yun tol! Dadalawin mo kami ni nanay ha?" sabi niya.

"Ou, dadalawin ko kayo ni nanay Solidad. Kapag maayos na ang lahat. Pangako." sabi ko.

"O sige na. Hinihintay na ko ni nanay. Ingat ka dito ha?" sabi niya.

Tumango ako. "Ingat ka rin kuya!" sabi ko. At umalis na si kuya Caloy.

Pumasok na kami sa loob. Dumirecho ako sa kwarto ko dun at naligo. Habang naliligo ako, biglang bumalik sa aking isipan ang nangyari sa beach kanina. Napatulala tuloy ako habang nasa harap ako ng shower. Umaagos ang malamig na tubig galing sa shower papunta sa katawan ko habang nakatulala lang ako doon na parang statwa't hindi gumagalaw.

Kailangan ko na talagang malaman ang totoo.


Tama. kailangan mong malaman ang mga sagot sa mga tanong mo.


Totoo bang anak ako nina mommy at daddy? At kung ampon lang ako, paano ako napunta sa kanila? Pinaampon ba ako? Pinamigay? Ako ba talaga si Sam?


Bakit hindi mo iyan itanong sa mga magulang mo?


Tama. kailangan ko ng mga sagot nila.


Agad kong tinapos ang pililigo ko't nagbihis. Bumaba ako papunta sa dining area. Nakahanda na ang pagkain namin at nakaupo na ang daddy at mommy ko. Umupo na rin ako. Habang kumakain,.

"O anak, hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo, hindi ka ba nagugutom?" tanong ni mommy.

"Mommy..Daddy..may itatanong po ako sa inyo..sana po sabihin niyo po sa akin ang totoo.." sabi ko habang nakayuko.

"O sige anak, ano ba yung itatanong mo?" tanong ni Daddy.

Itinaas ko ang mga mukha ko. "Mommy...Daddy...Anak niyo po ba talaga ko?" tanong ko. biglang pumatak ang luha ko,.

Biglang nagtinginan sina mommy at daddy. "S-siyempre naman anak! Anak ka namin ng mommy mo!" sabi ni daddy.

"May nakita po kasi akong babae kanina. Tinawag niya akong anak. Anak daw niya ako. Tapos, may nakita rin po akong lalaking kamukhang kamukha ko.." sabi ko.

Natahimik ang mga magulang ko sa sinabi ko.

"Mommy, daddy, please...sabihin niyo po sa akin ang totoo." sabi ko habang umaagos ang luha ko. "I want to know the truth!"

Nilapitan ako ni mommy at niyakap ako. "I'm sorry anak..I'm sorry.." at umiiyak na rin si mommy.

"Pauwi kami ng mommy mo noon sa bahay natin sa Cabanatuan galing dito." sinimulang kinuwento ni daddy ang nangyari. "Malakas ang ulan. Nakasakay kami sa kotse. Habang binabaybay namin ang kalsada sa isang bayan sa Cavite, biglang napansin ng mommy mo ang isang bata sa tabi ng daan..Huminto kami at bumaba ang mommy mo. Nakita ka niyang basang-basa, nanginginig sa lamig at umiiyak. Mga 2 taong ka pa lang nuon. Kinuha ka ng mommy mo at dinala ka namin sa ospital dahil mataas ang lagnat mo.." huminto si daddy para magpahid ng luha.

Pinagpatuloy naman ni mommy ang kwento. "Ipinagamot ka namin..Sabi ng mga doctor, buti raw ay naipagamot ka namin kaagad, dahil kung hindi ay baka raw mas malala pa ang naging kalagayan mo. Habang nasa ospital ka kasama ko, napagpasiyahan naman ng daddy mo na hanapin ang mga magulang mo. Ngunit siya'y nabigo. Ilang araw rin ang nakalipas at nailabas ka na rin namin sa ospital. Niyakap mo nga ako at tinawag mo akong mommy. Ang saya saya ko nung araw na iyon. Wala kasi kaming anak ng daddy mo. Hindi kami biniyayaang magkaroon ng anak. Hanggang sa dumating ka." Hinawakan ni mommy ang magkabila kong pisngi at ngumiti sa akin habang parehas na pumapatak ang mga luha namin,.

"Kaya napagpasyahan naming ampunin ka." sabi ni daddy,."Kaya naaalala mo ba nung bata ka pa? Nung tinatanong mo samin kung nasaan ang mga baby picture mo?"

"Opo..ang sinabi ninyo sa akin ay nasunog lahat ng iyon dahil nasunog ang bahay natin nuong dalawang taong gulang pa lang ako." sagot ko.

"Tama.." sagot ni daddy. "Patawarin mo kami anak." nilapitan niya kami ni mommy at niyakap ako.."Hindi naming intensyong saktan ka..Hindi rin namin intensyong itago sa'yo ang lahat..Sasabihin naman talaga namin sa iyo,. hindi lang kami makahanap ng tamang oras. Pero ngayong alam mo na. Sana huwag kang magalit sa amin ng mommy mo." sabi ni daddy.

"Hindi naman po ako nagagalit sa inyo daddy. Nagpapasalamat pa nga po ako sa inyo. Dahil naging napakabait niyong magulang sa akin. At itinuring niyo akong isang tunay ninyong anak. Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo." sagot ko.

"Mahal na mahal ka namin anak." sabi ni mommy.

"Mahal na mahal ko rin po kayo mommy, daddy." sagot ko. at niyakap ko si mommy ng mahigpit at tuluyan ng humagulgol,.Nakayakap naman sa likod ko si daddy. Lahat kami'y umiiyak habang nakayakap sa isa't-isa.

Kinagabihan, nagpunta ako sa dalmpasigan at naglakadlakad.

Paano na kaya ako ngayon?. Ngayong alam ko nang ampon ako, sino talaga kaya ako? Ako kaya talaga si Sam?


Ikaw nga talaga siguro si Sam.


No..I'm not Sam.. I'm Av.. I'm Av Lopez. Anak nina Vincent at Rosalie Lopez. at hindi yun magbabago.


Pero kailangan mong tanggapin ang totoong ikaw. Ikaw si Sam. Anak nung babae kanina. Kakambal nung gwapong lalaki. At siguro eh kapatid ka ni kuyang gwapo na mukhang foreigner!


Nag-isip ako ng matagal,. Tama ka. kailangan ko ngang tanggapin..Pero paano? Iyan ang tanong na bumabagabag sa utak ko hanggang sa aking pagtulog.

Paggising ko, naghilamos ako't bumaba sa sala. Nagulat ako sa aking nakita. Naroon si kuya Caloy at ang mga magulang ko na nakaupo. Naroon rin yung babae kahapon. May kasama siyang isang lalaking foreigner, na possibly eh asawa niya, and possibly tatay ko. May kasama rin silang 3 lalaki pa, yung dalawa kahapon at may isa pa, ang mga possible brothers ko. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Parang nanigas ang buo kong katawan habang nakatayo sa hadganan.

This is it teh!


Pwede bang mag-back-out? Or pwede time-out muna? Wait lang kukuha muna ko ng lakas ng loob sa bag ko.


Gaga! Harapin mo na! It's now or never!


Ugghh..Pano toh?! Somebody help me!




--------------------------
Until the next episode,
Av? or Sam?

Read more...

DAglat presents: TEE LA OK II part 3

Saturday, September 10, 2011


“Tiktilaok!” panggising nang pang-umagang hayop sa dalawa. “Tiktilaok!” ulit nito.

“Naman!” reklamo ni Gabby saka bumiling sa pagkakahiga at niyakap si Harold.

“Eeee!” reklamo ni Harold saka inalis ang kamay ni Gabby sa kanya.

Muling ibinalik ni Gabby ang braso sa pagkakayakap kay Harold.

“Ano ba!” sabi ulit ni Harold saka bumiling paharap kay Gabby.

“Please!” pamimilit ni Gabby na lalong inilapit sa kanya si Harold.

Dahan-dahang iminulat ni Harold ang mga mata at bigla itong nanlaki –

“As expected!” asar na simula ni Harold sa umaga.

“Too early para ma-bad trip ka.” sagot ni Gabby na may ngiti pa rin sa mga labi habang yakap ng mahigpit si Harold.

“Subukan mo kayang dumilat para malaman mo kung bakit ako bad trip.” sagot ni Harold.

“So?” tanong ni Gabby pagkadilat na may napakatamis na ngiti sa labi.

“Anung so? Can’t you see, nagkapalit na naman tayo.” inis na tugon ni Harold na muling nasa katawan ni Gabby.

“What’s the difference? Eh nangyari na naman sa’tin to.” sagot ni Gabby. “Walang problema, switch ulit tayo ng buhay.” nakangising suhestiyon pa ng binatang nasa katawan ulit ni Harold.

“What’s the difference ka pang nalalaman!” inis na wika ni Harold saka bumangon.“Alam mo, isa kang malaking surot na ayaw kumawala sa silyang inuupuan ko! Mali, isa ka palang napakalaking garapatang sumisipsip at sumasaid ng pasensya ko!” dagdag pa ni Harold.

“Let’s be happy that once again, may dahilan na para magkita tayo madalas.” simpatikong ngiti sa tugon ni Gabby.

“And every time na kasama kita, kadikit kita, laging malas ang nangyayari.” sabi pa ni Harold. “Bakit kasi hindi ka pa pumayag na tumuloy kay Tito Ronnie last time.” sisi pa nito.

“You know what; I can’t see any reasons para magalit ka. Consider this as blessings, kasi united ulit tayo.” di nawala ang pagkakangiti ni Gabby.

“You’re acting pa parang sinadya mo’to!” sumbat pa ni Harold. “Akala ko ba walang manok or dahil sa tilaok to?” tanong ulit ni Harold.

“I assure you, halughugin mo man ang buong paligid wala kang makikitang manok.” sagot ni Gabby. “Honestly, gusto ko itong nangyari ngayon, but swear, hindi ko ito sinadya.” masaya pa ding saad ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Hay!” inis na buntong hininga ni Harold. “Kung walang manok at dahil sa manok to bakit tayo nagkapalit?” tanong pa nito.

“I admit, my hypothesis is wrong.” sagot ni Gabby. “But, I’m thankful that we switched again.” nakangisi pa din nitong dugtong.

“Topak ka talaga!” sagot pa ni Harold.

“Kung hindi dahil sa topak ko, hindi kita magugustuhan. Feeling ko nga sa bawat sandali kasama kita kahit hindi naman talaga. Para ngang lagi na kitang nasa imagination kasi kahit hindi kita nakikita, ang sabi ng mga mata ko, laging itsura mo.” sagot ni Gabby saka nilapitan si Harold at niyakap mula sa likod.

“Tumigil ka nga!” sabi ni Harold saka pumiglas.

“I won’t stop unless sabihin mong pumapayag ka ng maging si Cinderella ko.” pakiusap ni Gabby.

“Kay aga Gabby gumagana na naman iyang topak mo.” tutol ni Harold na saw alas ay nakabitis sa yakap ni Gabby na nasa katawan niya.

“I can do anything for you. I can give you anything you will ask, pero huwag lang na iwasan kita o layuan. You’re my life, my everything!” sabi pa ni Gabby. “Kaya please, pumayag ka na, let us start our story.” pakiusap pa nito saka lalong hinigpitan ang yakap kay Harold.

“Gumising ka nga!” sabi ni Harold. “I don’t want to be your Cinderella!” habol pa nito.

“You better change your mind!” sagot ni Gabby. “Dahil hanggang ang puso ko ay tumitibok ng dahil sa’yo, hinding-hindi ako titigil na mahalin ka.” paninigurado pa ng binata.

“Alam mo, sa kundisyon natin ngayon, papaano ko pipiliting pumasok sa mundo mo at magpaka-Cinderella!” sagot ni Harold.

“Mark my word! I can do anything! Trust me!” sinserong wika ni Gabby na tumingin kay Harold.

“Mark your word, eh kahapon nga wala kang laban sa mama mo!” sumbat ni Harold na may pigil na luha nang muli niyang maalala ang naganap nang nakaraang araw.

“Please Harold! Masaya ako kasi nagkapalit ulit tayo ng katawan, kasi alam ko, mas may pag-asang mahalin mo din ako.” nagsusumamong wika ni Gabby.

“Mahal naman kita!” nadulas na sinabi ni Harold.

“Do I heard it right?” lalong lumaki ang pagkakangiti ni Gabby. “You love me too!” pahayag pa nito.

“Oo Gabby! Pero ayoko sa nararamdaman ko!” giit ni Harold.

“Just say you do! I can remove all your worries.” saad ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold.

“Pero…” tanggi ni Harold.

“Kung ayaw mong maging si Cinderella, let me do the part. Ako na lang ang papasok sa mundo mo. Just let me in and I promise, we’ll hold the greatest story of love.” paninigurado ulit ni Gabby nang buong katapatan.

“Impossibleng makaya mo ang mundo ko. Para sa katulad mong laki sa yaman at sanay sa luho, hindi mo kakayaning iwan nang ganun-ganon ang lahat.” tanggi at katwiran ni Harold na buong kalungkutan ang makikita sa mga mata.

“Just trust me!” madiin at makapangyarihang pahayag ni Gabby. “I am not asking for anything else, just your love. Kuntento na akong malaman na mahal mo ako at pumapayag kang makasama ko habang-buhay.” sabi pa ng binata saka walang anu-ano ay hinalikan sa mga labi si Harold.

Naging mabilis ang pag-ikot ng mundo kay Harold. Pakiwari niya ay umiikot ang buong daigdig dahil sa kakaibang init na hatid ng halik na iyon. Iba ang pakiramdam, dahil sa tingin niya ang halik na iyon ay katuparan na ng kanyang inaasam-asam.

“If you think my kiss will lie then say no.” wika ni Gabby.

Isang nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa dalawa –

“Okay!” wika ni Gabby na nasa katawan ni Harold saka tumalikod at sinimulang humakbang.

Unti-unting pumatak ang luha ni Harold. Ang naguguluhang puso niya at higit at lalo pang naguluhan. Para siyang nilalatigo sa sobrang pait at sakit sa pagpili – pag-ibig ba o prinsipyo at pinaglalaban. Sapat na ba ang pagmamahalan nila ni Gabby para masabing mali ang una niyang teoryang hindi totoo ang fairytales lalo na si Cinderella.

“Remember, hanggang humihinga ako, I won’t stop!” sabi ni Gabby na may pait at sakit na ding nararamdaman dahil sa ikatlong pagkakataon ay nabaliwala siya kay Harold.

“Wait!” pigil ni Harold saka tumakbo papunta kay Gabby. “Wala naman sigurong masama kung susubukan natin.” dugtong pa ni Harold saka niyakap si Gabby.

Isang napakalaking ngiti ang pumalit sa hirap at pighating nasa muha ni Gabby. Hinarap nito ang yakap ng binata at gumanti din ng yakap. Mahigpit na yakap saka muling hinalikan.

Iba ang sarap na nararamdaman ni Harold na dulot ng halik na iyon. Sa wari niya ay mas matamis, may masarap ang halik na iyon kung ikukumpara sa mga naunang halik ni Gabby. Ito ang unang halik niya matapos pakawalan ang isang kipkip na damdamin at simulan ang bagong kwento ng pag-ibig.

“I will not fail you!” nakangiting sabi ni Gabby matapos ang isang mapagmahal na halik.

Kinabukasan ay bumalik na din sa Maynila ang dalawa –

“May treat daw sa akin sina Sean at Kenneth.” sabi ni Harold kay Gabby.

“Tapos?” nakangiting tanong ni Gabby.

“Siyempre, ikaw ang pupunta kasi nasa katawan kita.” sagot ni Harold.

“Hindi mo ako sasamahan?” tanong ni Gabby.

“Malaki ka na! Saka di ba may gagawin ako sa opisina mo?” tanong ni Harold.

“I will call Joel para sabihing hindi ako papasok nang isang lingo.” sagot ni Gabby na nakatuon ang paningin sa daan.

“Bakit?” tanong ni Harold.

“Gusto kong masulit ang isang linggo ko na ikaw lang ang kasama.” sagot ni Gabby.

“Ang babaw mo naman!” nakangiting kontra ni Harold na sa totoo lang ay tila kiniliti sa salitang iyon ni Gabby.

“Bukas puntahan na natin si Tito Ronnie mo para maayos na itong switching dilemma natin.” suhestiyon ni Gabby.

“Sige ba, mas mainam nga kung ganun.” sagot ni Harold.

Sa sinasabing treat -

“Hoi Harold!” bati ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold. “Kasama mo na naman si yabang!” sabi pa nito.

“You don’t have any rights to call him yabang!” madiing sabi ni Gabby.

“Ano na naman iyang problema mo?” tanong ni Sean kay Harold.

“Sorry Sean, may hang-over pa si Harold.” paumanhin naman ni Harold na nas akatawan ni Gabby.

“Weird! Will this be another weird week?” tanong ni Sean.

“Please remove your arms around my shoulder.” sabi pa ni Gabby saka inalis ang braso ni Sean sa balikat niya.

“Oh!” nagtatakang tutol ni Sean. “May ano? Dati-rati ayos lang sa’yo.” nagugulumihanang sagot ni Sean.

“Dati yun! Bakit, dati ba ang ngayon?” sarkastikong tanong ni Gabby.

“Umayos ka!” bulong ni Harold sa tenga ni Gabby.

“Nakaayos naman ako.” sagot ni Gabby.

“May pinag-uusapan kayo?” usisa ni Sean.

“You don’t care.” sagot ni Gabby.

“Sorry Sean, may tama lang si Harold. Multi-personality disorder.” may pilit na ngiting paliwanag ni Harold.

“Next time huwag ka ng papayag na umakbay sa’yo itong lokong to!” madiing wika ni Gabby.

“Pero buddy ko yan!” tutol ni Harold.

“Buddy mo lang iyan at ako boyfriend mo ko.” sabi ni Gabby saka muling lumakad.

“Ah Harold!” sabi ni Sean.

“Bakit?” sabay na sagot nila Harold at Gabby.

“Sorry! Akala ko akong tinatawag mo.” paumanhin ni Harold.

Napangiti na lang si Sean sa itsura ng dalawa –

“May nagtext sa akin, hindi ka daw niya makontak, pinapauwi ka na ng Tarlac kasi may aasikasuhin daw kayo.” simula ni Sean.

“Sino?” nagtatakang tanong ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Si Harold ang kausap ko.” nakangiting tugon ni Sean. “Hindi ka naman di ba si Harold.” habol pa nito.

“Aba at…” sabi ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Sorry.” paumanhin ni Harold saka pinigil si Gabby sa sasabihin.

“Pinapauwi ka na ni Ka Abe bukas.” sagot ni Sean na may mapanuring titig.

“I’ll call him back.” kumpyansadong sagot ni Gabby.

Biglang napatakip sa mukha si Harold sa sagot ni Gabby at nakaramdam ng kaba.

“Why are you acting like that?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Magsalita ka na Harold.” madiing utos ni Sean.

“Eto na nagsasalita na.” sabi ni Gabby.

“Iyong totoong Harold.” sabi pa nito saka nilapitan si Gabby.

“I’m Harold and he’s Gabby.” giit ni Gabby.

“Five years nang patay si Ka Abe and he’s your father.” sagot ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Papaanong hindi mo kilala ang tatay mo Harold?” tanong ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold.

Nabigla, natahimik at natulala si Gabby sa sinabing iyon ni Sean.

“Now Harold!” galit na sabi ni Sean saka tinuunan ng pansin si Harold na nasa katawan ni Gabby. “Tell me everything!” utos pa nito.

“Sorry Sean!” paumanhin ni Harold.

“Tinuring mo pa akong ka-buddy kung hindi mo naman ako pagtitiwalaan.” giit ni Sean.

“Pare, let us explain.” sabi naman ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Please, huwag mong iharap sa akin ang mukha ni Harold!” pakiusap ni Sean kay Gabby.

“Sige na Gabby! Ako na ang bahala kay Sean.” sabi ni Harold saka inaya palayo si Sean.

“Hoy Harold, huwag mong ipapasuntok iyang mukha mo kay Sean.” sigaw ni Gabby.

Sa may di-kalayuan –

“Alam ko namang hindi mo kami papaniwalaan kapag sinabi namin sa iyo eh. kami nga hindi din kami makapaniwala. This is the second time na mag-switch kami. Please Sean, sorry na.” paumanhin ni Harold sa kaibigan.

“Hay Harold!” napabuntong-hiningang tugon ni Sean. “Alam mo namang malakas ka sa akin eh.” sabi pa ng binata saka napangiti.

“So, okay na tayo?” tanong ni Harold.

“Oo naman!” sagot ni Sean. “Kahit medyo naninibago ako sa itsura mo ayos naman.”

“Hay!” nakangiting tugon ni Harold.

“Anung balak ninyo?” tanong ni Sean.

“Pupuntahan sana namin si Tito Ronnie sa Banahaw para magamot na itong sakit na’to.” sagot ni Harold.

“Samahan ko na kayo.” suhestiyon pa ni Sean.

“Talaga?” napangiting turan ni Harold.

“Oo naman!” sagot ni Sean.

Maya-maya –

“Gabby, sasama daw sa atin si Sean bukas kay Tito Ronnie.” pagbabalita ni Harold kay Gabby.

Tiningnan muna ni Gabby mula ulo hanggang paa si Sean saka bumulong kay Harold –

“Mapagkakatiwalaan ba iyan?” tanong ni Gabby dito.

“Oo naman!” sagot ni Gabby saka tapon ng mapanghamong titig.

Nagtataka man ang Tito Caretaker ni Harold dahil hindi na naman ito nakauwi ng Tarlac ay binaliwala na lang niya ito at pinayagang duon na lang din tumuloy si Gabby.

Read more...

The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 1

Tuesday, September 6, 2011

Author's note: Hello sa lahat! hahah. First I would like to thank all the people who read the last 2 seasons. Maraming maraming salamat po! Secondly, I apologize for the super uber late update, I've been busy po kasi in the past few days,. Sa  mga naghihintay po ng episode na ito, ETO NA! hahah. ay wet lng, batian portion pala.hahaha thank you kina : kuya Jeffrey, kuya Ken(KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ) :), kuya idol (coffee prince) , dada, Roan, Mars, Jack, Jayfinpa, jm, darkboy13, wastedpup, kushu, Erwin F., Arl, Ace, Rue, jojie (and dun sa friend mu hehehe), mhei and all the anonymous :) sorry kung may ndi man ako namention, pero thank you pa rin! hehe.. thank you rin sa bago kong kuya, si kuya Vince ko. (same name p tlga kami hahaha.) :P
Btw, bka po mga ilang days na ang maging interval ng updates ko kc po babalik na ulit ako sa kid prison -_-..school.. papasok na ulit ako starting tomorrow. ugghhh.. -.- anyway, this is the season premiere of The Best Thing I Ever Had! Enjoy reading!


PS: everything is fictional :) Including the places hahah. gawa gawa ko lng yung mga lugar xD.

Episode 1 - Alive - The Season Premiere
"Nasaan ako?" yan ang una kong nasambit sa pagmulat ng aking mata. Nakahiga ako sa isang kamang gawa sa kawayan. Nasa loob ako ng isang kwarto, sa isang bahay kubo. Gawa sa kawayan ang dingding at ang mga sahig. Gawa naman sa dahon ng anahaw ang bubong nito. Naramdaman kong may benda ang ulo ko. Ramdam ko rin ang sakit sa hita ko. May benda rin ito. Nakita ko ring nagkalat ang mga pasa't sugat ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, sa binti, sa braso, sa hita,.pati ata sa likod meron. Noon ko lang napansin na iba na rin pala ang suot kong damit. Teka nasaan na ba ko? At nasaan ang mga damit ko? 


Teka, buhay pa ba tayo?


Gaga! Siyempre buhay pa AKO! ewan ko ikaw. baka patay ka na. haha


Che!


Sinubukan kong tumayo ngunit bumagsak ako sa sahig. "Aray!" daing ko.

Hahahah! Ang bilis ng karma!


Tumigil ka! Babatukan kita diyan eh!


Yeah, like that's gonna happen. hahaha


Arrrghh!


Sinusubukan ko ng tumayo ng maramdaman kong may tumutulong na sa akin. Napalingon ako sa kanya at tumambad sa akin ang isang lalaking naka sando at nakamaong na short.. Maitim siya, ngunit mapapansing gwapo ang kanyang mukha.

HOT!

"Ayos ka lang?", tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Ang ganda ganda ng mga mata niya. Gayon din ang ilong at labi niya. Mapula ang kanyang labi. Talagang natulala ako sa kagwapuhan ng nilalang na nasa harapan ko.

Hoy! Tinatanong ka niya! Masyado ka namang makatitig! Wagas!


Ay oo nga pla. "A..O-oo. S-salamat." sabi ko.Inalalayan niya ako papunta sa kama at inupo ako doon.

"Huwag ka muna gumalaw, hindi pa masyadong magaling yang mga sugat mo. Dapat magpahinga ka na lang." sabi niya.

"A eh..Uhmmm..sino ka po ba? at saka, nasaan ba ko??" tanong ko sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Ako nga pala si Caloy." sabay abot ng kamay niya,.

Kinamayan ko siya. "Ako naman si Av."

"Nandito ka sa bahay namin, sa barrio Munting Ilog. Dinala kita rito nung isang araw. Nagpunta kasi ako sa gubat para kumuha ng mga kahoy na panggatong ng mapansin kong may tao sa tabi ng ilog walang malay. Akala ko nga patay ka na eh. Lumapit ako sa'yo para tingnan kung buhay ka pa at nakita kong humuhinga ka pa. tapos, may tama ka ng bala dyan sa hita mo tpos may mga sugat sa buong katawan, kaya tinulungan kita.   Kaya dinala kita rito sa bahay namin." sabi niya. "Ginamot na ng nanay ang mga sugat mo. Pero hindi pa rin yan lubos na magaling. Kaya magpahinga ka muna."

Wow, he's my hero pala!


Taray teh! ang gwapo ng hero mo ah! Inggit ako!


"S-salamat ah.,s-sa pagligtas ng buhay ko.." hindi ko siya matingnan ng tuwid. nakatingin lang kasi siya sa akin tapos nakangiti. Eh ewan ko ba parang nahiya ako bigla.

Ang landi mo teh! Ang sabihin mo, kinikilig ka

"Wala yun." Nginitian niya akong muli. Ang gwapo talaga niya.


At ang lantod mo talaga!


"Buti nga hindi ka nalunod sa ilog. Ano bang ginagawa mo doon? At paano ka nakapunta doon?" tanong niya.

Sinubukan kong alalahanin kung ano ang mga nangyari..Kinidnap ako nila Jenny at Ram.Nabaril ako ng lalaking bakulaw. Niligtas ako ni Van,.Nabaril siya ni Ram.Napatay ko si Ram..tapos yung tulay..tapos namatay si Jenny..tapos...nagpalaglag ako....Hindi ko napansing pumatak na pala ang luha ko..Si Van? Buhay pa kaya siya? Si Marco? Kailangan ko silang makita. Ang mommy ko..ang daddy ko..Kailangan ko na makauwi. nag-aalala na sila sa akin.


"Ayos ka lang?" ang alalang tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko.

Nakatulala lang ako sa sahig. "K-kailangan ko ng umuwi." sabi ko at tumingin kay Caloy.

"Hindi mo pa kaya Av. Kailangan mo munang magpagaling." sabi niya.

"Pero nag-aalala na ang mga magulang ko!" sabi ko sa kanya. "Sige na Caloy...kailangan ko ng makauwi." sabi ko sa kanya.

Nag-buntong-hininga siya. "Pero kailangan mo munang magpagaling Av. Kailangan mo muna magpalakas muli. Kapag magaling ka na, pangako, ihahatid kita pauwi sa inyo. Pero sa ngayon, dumito ka muna. Ayos ba yun Av?" sabi niya.

I really wanna go home. :(


Wag muna! Sayang yang papa oh!


Gaga! Ang lantod mo talaga! Mas iniisip mo pa yung lalake kaysa sa pamilya ko! 


Ehhhh...ang gwapo kasi teh! Probinsiyanong gwapo!


Hayy nako!


Pero wala ka namang choice eh. Tama siya. Hindi mo pa kaya. Kaya mag-stay ka muna dito! Para na rin makasama mo pa ng matagal si Papa Caloy!


Fine! Arrghhh!


Nakatingin lang sa akin si Caloy. Nagbuntong-hininga ko,.


sigh*


"Sandali ikukuha lang kita ng makakain at maiinom. Ilang araw ka rin kasing walang malay. Buti nga nagising ka na." sabi ni Caloy at lumabas na siya sa kwarto.

Naiwan ako sa kwarto.

2 araw na akong walang malay? Bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Buti naman nagising pa pala ako.

Lupamit ako sa bintana at nakita ko ang isang magandang view. Makikita mo ang isang malawak na bukirin. May mga taong nagtatanim, at mayroon din nag-aararo ng lupa. Masarap langhapin ang sariwang hangin. Makikita mo rin ang isang bundok na mukhang malapit pero siguradong malayo.. Sa pagitan ng bukirin at ng bundok ay matatanaw mo ang isang lawa. Ang ganda talaga ng view. Parang ang sarap mamuhay dito sa lugar na ito. Malayong malayo sa pamumuhay sa lungsod kung saan ang makikita mo'y puro matataas na buildings. Tapos parang nakakacancer yung hangin kasi madumi ito. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa tanawin ng biglang pumasok si Caloy.

"Ang ganda pala dito sa inyo Caloy." sabi.

"Bakit? Saan ka ba nakatira? Taga-saan ka ba?" tanong niya.

"Taga-Cabanatuan City ako. sa Nueva Ecija ." sabi ko.

"Nueva Ecija? Eh diba malayo iyon dito? Paano ka naman napunta dito sa Batangas?" tanong niya.

So nasa Batangas pa rin pala ako.


"Kinidnap kasi ako.." seryosong sagot ko sa kanya.

"Ano??? Kinidnap ka????" tanong niya.

Tumango ako. at ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. "Nasa resthouse namin ako nuon ng kinidnap ako..May sumagip sa akin kaya nakatakas kami sa mga kumidnap sa akin." sabi ko.

"Kung nakatakas kayo, nasaan na yung sumagip sa'yo? Bakit hindi mo siya kasama? At papaano kang napunta sa ilog?" ang sunud-sunod niyang tanong.

"Tumatawid kami ng tuloy noon, ng biglang barilin nung humahabol sa amin yung lubid na nakatali sa mga poste na sumusuporta sa tulay, Muntik na kaming malalag sa bangin.." huminto ako sandali. Tumulo ang mga luha ko. "Mapuputol na kasi yung lubid na hinahawakan namin dahil sa mabigat kami. Kaya napagdesisyonan kong ibuwis ang buhay ko..Ayokong parehas kami ay mamatay.Kaya mas mabuti na lang na ako ang malaglag sa bangin..At iyon, nalaglag na nga ako. Pero hindi ko na natandaan ang mga sumunod nangyari." sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Ang saklap pala ng nangyari sa iyo." sabi niya habang nakatitig sa akin.Makikita mo sa mga mata niya ang  pagkaawa sa akin.."Sa bangin siguro na pinaglaglagan mo, sa baba nito, ay yung ilog. Siguro inagos ang katawan mo. Buti na lang pala ay nakita kita. Kung hindi baka inagos ka na hanggang sa dagat."

"Salamat ha..Napakabait mong tao para " sabi ko sa kanya.

"Wala yun! Kahit sino naman gagawin yun!." sabi niya at ngumiti siya sa akin.

Grabe ang gwapo niya talaga! Lalo na pag nakangiti!

Makapanlaglag ba ng underwear?


Oo! lahat nalaglag na!


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Bigla ko siyang niyakap. Agad din naman akong kumalas dahil narealize ko na ang awkward ng ginawa ko.


Ayy ang tanga! Bakit ko ginawa yun?! Patay!


Patay ka talaga! Eh mukhang mas straight pa yan sa kahit anong straight line eh!


Sh*t ang tanga ko talaga!


"Ah eh sorry ha. Nadala lang ako." hiyang hiya ako sa kanya.

Nginitian lang niya ako.

Phew! Buti na lang hindi siya nagalit sa akin! Siguro naintindihan naman niya ako.


"Halika na, naghanda ang nanay ng pagkain." pag-yayaya niya sa akin.

Lumabas kami sa kwarto, inaalalayan pa niya ako kahit kaya ko ng maglakad.. Actually kulang na nga lang buhatin na niya ko eh.

Aba! Sinuswerte ka naman ata teh?


Che! inggit ka lang!


As if naman na magkakagusto sayo yan?


Malay mo? Malakas ata ang kamandag ko!


Conceited much?


Whatever!


Kumain kami. Si Aling Solidad ang nanay ni Caloy. Nakapagkwentuhan kami habang kumakain. Naikwento ko kay aling Solidad ang mga nangyari sa akin.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga ninyo sa akin Aling Solidad." sabi ko.

"Nanay na lang ang itawag mo sa akin,.Hindi ka na naman iba." sabi niya

"Sige po nay. Salamat po ulit." sabi ko.

"Walang anuman. Buti nga at nakita ka nitong si Caloy at nadala ka niya agad rito para magamot ang mga sugat mo. Masakit pa ba?" tanong niya.

"Hindi na po masyado." tugon ko naman.

"Sige, kumain ka ng marami para magkalakas ka at gumaling na iyang mga sugat mo anak." sabi niya.

Mabait si nanay Solidad. Naalala ko tuloy ang mommy ko sa kanya. Napagalaman ko ring nag-iisang anak lamang si Caloy. 18 years old, at highschool lang ang natapos. Kinailangan kasi niyang tulungan ang nanay niya sa mga gawain dahil namatay ang tatay niya 2 taon na ang nakakalipas..At dahil sa namatay ang tatay niya, siya na ang nagtatrabaho para may maipambili sila ng makakain pati na rin ng gamot ni aling Solidad. May sakit kasi ito. Naawa naman ako sa kanila. At naantig rin ang puso ko. Kasi sa kabila ng walang wala na sila, nagawa pa rin nilang tumulong sa iba. Nagawa pa rin nila akong tulungan. Kung sino pa yung wala, ay ito pa yung nagbibigay,. Tunay na mababait ang mga taong ito. Kaya kailangan kong makabawi sa kanila.

Pagkatapos kumain ay tumulong akong magligpit ng pinagkainan,.

"Ay naku anak ako na diyan! Magpahinga ka na lang sa kwarto." Sabi ni nanay.

"Ayos lang po ako nay. Huwag niyo po akong intindihin." sabi ko.

Tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinggan. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko ulit ang magandang view na nakita ko galing sa bintana.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tanong ni Caloy.

"Oo Caloy, kaya ko na,." tugon ko sa kanya ng nakangiti.

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"16 pa lang po."sabi ko.

"Mas bata ka pala sa akin. kaya dapat kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya sabay akbay sa akin. Mas matangkad siya sa akin.

"Ganun?" sabi ko habang natatawa ng kaunti.

"Oo ah, bakit? mas matanda naman ako sa'yo kaya dapat lang, kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya.

"Sige sige, baka sabihin mo pa, porket sa siyudad lang ako lumaki eh wala na akong galang sa nakakatanda sa akin." sabi ko. "Sige po kuya Caloy."

Nginitian niya lang ako. Dahil sa medyo okay na naman ang pakiramdam ko, nilibot ako ni kuya Caloy sa kanilang lugar. Maganda talaga ang lugar nila. Isinakay pa niya ako sa kalabaw. Grabe, that was my first time na sumakay ako sa isang animal, at sa kalabaw pa talaga ha?

"Sasakay tayo diyan?" tanong ko.

"Oo, wag kang mag-alala, mabait naman itong is Itim, kaya hindi ka malalaglag, isa pa, kasama mo naman ako eh,." tugon niya ng nakangiti.

"Itim?" tanong ko ng may pagtataka.

"Oo! Itim ang pangalan niya." sabi niya.

Natawa ako ng kaunti.

"O bakit ka tumatawa?" tanong niya.

"Wala lang,." sabi ko. "Sigurado ka bang safe yan?" tanong ko.

"Oo, akong bahala sa'yo." sabi niya with his killer smile.

Eh kung ganyan naman ang smile na makikita ko eh di sige go na!


Ganon? ang landi mo talaga!

Nakasakay kaming dalawa sa kalabaw, I mean kay Itim. Nasa harap ako at siya nama'y nasa likod ko, baka raw kasi malaglag ako pag nasa likod ako kaya sa harap niya ako pinaupo. Parang nakaakap siya sa akin dahil nakalagay ang mga kamay niya sa harap ko para hawakan ang tali na magkokontrol kay Itim. Medyo nailang naman ako ng kunti sa set-up namin.

Naku! Naiilang ka ba? Or kinikilig!


Ewan ko! Pero iba nga ang nararamdaman ko nung time na yun. Parang yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Van or si Marco. Yung bang feeling of security. Alam kong kakikilala lang namin pero, magaan na kaagad ang loob ko sa kanya. Siguro nga dahil sa sinagip niya ang buhay ko and I thank him for that.

Magkadikit ang katawan namin,.Pero hindi ako nagpatukso sa set-up naming iyon. Ibinaling ko na lang nag tingin ko sa magandang tanawin habang umuusad na si Itim. "Ang ganda talaga dito kuya Caloy." sabi ko.

"Malayong malayo ito sa siyudad. Kaya ibang-iba ang itsura." sabi niya. "Dati akong nag-aaral sa Maynila,.Nakatira ako sa bahay ng tiya ko. Tapos nagtatrabaho rin ako dun para na rin may maipadala akong pera kina nanay at tatay. Nakagraduate ako sa tulong ng tiya ko. Umuwi ako rito sa amin, pero pag-uwi ko malubha na pala ang sakit ng tatay ko. Hindi naman nila sinabi sa akin na may sakit pala ang itay. Sinubukan kong lumapit sa mga kamag-anak namin para manghingi ng tulong sa pagpapagamot sa itay ngunit sabi ng doktor, hindi na daw kaya pang gamutin ang tatay, dahil sa lubha na ang sakit niya." tumigil siya sandali. Nilingon ko siya at nakita kong pumatak ang luha niya. "Namatay ang tatay ko. Nasaksihan ko ang paghihirap niya,. Walang araw na hindi ako umiiyak habang nakikita ko siyang dumadaing at nasasaktan. Kaya kahit masakit para sa akin ang mawala siya, masaya na rin ako dahil ngayon, alam kong maayos na ang kalagayan niya sa langit. Pero, masakit pa rin talaga..Tapos ngayon, ang nanay ko naman ang may sakit. Kaya tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho. Para may maipanggamot ang nanay ko. Ako lang kasi ang inaasahan ng nanay,." sabi niya at tuluyan na siyang umiyak.

Ang sakit din pala ng pinagdaanan nitong si Caloy. Kawawa naman siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa tali na nagkokontrol kay Itim. Kinuha ko ito at iniyakap sa aking tiyan. Niyakap naman niya ako ng tuluyan. "Sige kuya, iiyak mo lang. Nandito ako, para samahan ka." sabi ko sa kanya, paglingon ko, halos magdikit ang mga labi namin. Umaagos ang luha niya galing sa kanyang mga mata. Nginitian ko lang siya at lumingon muli sa harapan.

Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga at sinabing, "salamat ha."

"Wala iyon, tinulungan mo ko, sinagip mo ang buhay ko. Kaya tama lang na ibalik ko sa'yo ang pagtulong mo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako at makikinig sayo." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"O kuya huwag masyadong mahigpit ah, baka hindi na ko makahinga niyan,." sabi ko sabaw tawa,.

"Sorry,." sabi niya sabay tawa.


Nakarating kami sa ilog. Namangha ako sa nakita ko. Ang linis ng tubig na umaagos sa ilog na ito. Hindi ganoon kabilis ang agos. At may mga bato sa gilid.  "Tara ligo tayo!" sabi niya.


Nagsimula siyang maghubad ng pang-itaas niya. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sa kanya. Ang ganda ng katawan niya,. Ang macho,.Walang taba sa katawan, lahat muscles talaga, yung bang parang nag-wowork-out talaga..Sobrang gwapo na talaga niyang tingnan.

Hoy teh! Masyado ka namang makatitig! baka malusaw na siya niyan!


Ayy oo nga.


"Huy maghubad ka na rin at maligo na tayo!" pangyaya niya sa akin.

"Ahh ehh, ikaw na lang kuya." sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Ahh ehh," sabi ko

"Sige na! 2 araw ka nang hindi naliligo! ang baho mo na!" sabi niya sabay tawa.

"Ang yabang mo! Hmmmp! Diyan ka na nga!" tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

Hinabol niya ako at pinigilan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Uy Av, ito naman hindi na mabiro." panunuyo niya sa akin. "Sorry na..Please..." pagmamakaawa niya.

"Oo na! Sige na! Baka sabihin mo pa ang sama sama ko." sabi ko.

"Yehey! lika ka na ligo na tayo!" sabi niya.

Parang tinatawag ako ng ilog. Parang sinasabi sa aking maligo na ako.

Hala! Mukang nabaliw ka na! Pati ilog kinakausap mo na!


Gaga! Basta! Mahirap iexplain!


Hinawakan ko yung tubig. Hindi naman ito ganun kalamig.

Ngayon ko lang nalaman, nahahwakan na pala ang tubig ngayon hahaha


Che! Tumahimik ka nga muna! Kontrabida ka talaga!


Ah ganon? Sige jan ka na!


At hindi ko na ulit nagsalita ang boses.

"O halika na ligo na!" paglingon ko, nakaunderwear na lang si Caloy. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin palayo sa kanya. Napalunok ako.

OMG, ano toh? bakit ganito? Arggghh. Calm down Av, calm down,.Breathe in,breathe out. Wag papatukso!


Sinubukan kong pigilan ang tawag ng lamang loob ko. Kailangan kong pigilan,. Kailangan hindi niya malaman na isa akong girl!


Lumusong siya sa tubig, ngayon, wala na talaga siyang suot.. It was my first time na makakita ng isang lalaking naka-hubo't bubad. Kung itatanong niyo kung nakita ko na si Van na nakahubad, sorry pero hindi ako pinagbigyan ni Lord,.hahaha. kaya first time ko talaga ito.

"Halika na ligo na!" ang nakangiti niyang pangyayaya sa akin.

No choice,.ughh. ayaw ko namang maging KJ,. chaka isang beses lang naman, pagbigyan na itong mokong na to,.


Nagsimula na rin ako magtanggal ng pang-itaas ko. Pero itinira ko yung shorts na suot ko. Na hindi naman nakalusot sa kanya.


"O hubarin mo na rin yan! Gusto mo bang basa ang damit mo pauwi?" sabi niya,

"Ah ehh." sagot ko

"Parehas naman tayong lalaki ah. Wag ka nang mahiya!" sabi niya

Hahaha! Ikaw lalaki? 


Gaga! di ba sabi ko tumahimik ka!


Sorry hindi ko lang mapigilan, paano mo lulusutan ngayon yan? hahah.


Bahala na! Ang alam niya, lalaki ako, kapag hindi ko tinanggal to, mabubuking ako. Arrrggghh pano ba to?


So ayun, nawalan ako ng kahit anong palusot na maisip,. For the first time in my life, nablanko ng mga palusot ang utak ko,. So no choice na,. Hinubad ko na ang shorts ko. "Talikod ka! Wag ka maninilip!" sabi ko.

Tumawa siya at tumalikod naman siya kaagad. Agad kong tinanggal ang underwear ko at lumusong sa tubig,.

Lord, wag niyo po ako hahayaang magkasala,.


Hanggang dibdib ang tubig Medyo lumabo naman ang tubig dahil sa kumalat at nagalaw ang mga buhangin. Maya maya'y binasa na niya ako ng tubig sa mukha at tumawa. Gumanti ako. At ayun, para kaming mga batang nagbabasaan sa ilog, naghahabulan at hindi alintana na wala kaming mga saplot na suot. Buti na lang ay walang tao. Wala kang maririnig kundi ang tawanan lang naming dalawa.

Maya maya'y tumigil siya't nakatingin sa akin at nakangiti.

"O bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko.

"Wala lang." sabi niya. "Gustong-gusto ko kasing magkaroon ng kapatid,. Kaya lang hindi na nagkaanak pa ang mga magulang ko." sabi niya.

"Parehas pala tayo, nag-iisang anak din ako." sabi ko.

"Talaga?"sabi nya.

Tumango ako sa kanya.

"Pwede ba ikaw na lang maging utol ko?" sabi niya.

"Sige ba kuya!" sabi ko.

"Yehey!" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Utol!" sabi niya.

And ayun, officially, I had my second big brother. The first one was Van, kung natatandaan niyo pa.

Tinapos namin ang pagligo namin at umuwi na kami. Kinagabihan, nag-ayang uminom ang mga kaibigan ni kuya Caloy. At dahil hindi naman ako umiinom, nagpasiya na lang akong magpahinga. Nakatulog ako. Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako na may nakayakap sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si kuya Caloy. Sa paglingon ko, halos magdikit na ang labi namin. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Gwapo talaga siya. Naamoy ko sa hininga niya ang amoy ng lambanog na iniinum nila kagabi. Napansin kong wala siyang pang-itaas. Mukhang wala namang nangyari sa amin. Kasi maayos pa rin naman ako, nakadamit at walang masakit. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hatakin pabalik.

"uuuuummmmm...dito..ka muna.." bulong niya habang nakayakap sa akin. magkaharap kami.

"Kuya,.."at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi., Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw,.

"i love you..." bulong niya..

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Totoo ba ang narinig ko?


Lasing lang yun teh! wag kang masyadong OA jan!


Tama, lasing lang siya't hindi niya alam ang ginagawa niya.


Lumipas ang mga oras at nagising na rin si kuya Caloy.

"Aray! ang sakit ng ulo ko!" daing niya.

"Ayan kasi! naglasing lasing pa kasi kagabi! ayan tuloy!" sabi ni nay solidad.

Tumawa lang ako at tumawa rin si nanay. Kumain kami ng agahan. Hindi ko na binanggit ang nangyari kanina. Pagkatapos kumain ay dinala ako ni kuya Caloy dagat.

Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang nakapunta na ako sa lugar na ito. Pero bakit hindi ko matandaan ng lubusan?


Nakatulala akong nakatingin sa malawak na dagat ng biglang nagtanong si kuya Caloy. "O bakit parang ang lalim ng iniisip mo tol?"

"Para kasing napuntahan ko na tong lugar na to,..hindi ko lang matandaan kung kailan." sabi ko ng may pagtataka.

"Bakit nakapunta ka na ba dito?" tanong niya.

"Hindi ko alam.. sa tuwing pupunta kasi kami dito sa Batangas, eh sa resthouse lang namin kami nagpupunta.." sabi ko.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang may lumapit sa aking lalaki,. mas matangkad siya kaysa sa akin, maputi, matangos ang ilong at nung tinanggal niya ang shades niya, nakita ko yung asul niyang mga mata. Foreigner at ito.

"Sam?" tanong niya,.pinagmasdan niya ang mukha ko,.

Sam? ano raw?

"Excuse me?" sabi ko.

"Sam! ikaw nga!" sabi niya sabay akap sa akin.

Hala! sino tong tao na to? At bakit may yakap pang kasama? Chaka sino yung Sam na sinasabi niya?




---------------------------
Until the next episode,
Av.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP