The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 1

Tuesday, September 6, 2011

Author's note: Hello sa lahat! hahah. First I would like to thank all the people who read the last 2 seasons. Maraming maraming salamat po! Secondly, I apologize for the super uber late update, I've been busy po kasi in the past few days,. Sa  mga naghihintay po ng episode na ito, ETO NA! hahah. ay wet lng, batian portion pala.hahaha thank you kina : kuya Jeffrey, kuya Ken(KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ) :), kuya idol (coffee prince) , dada, Roan, Mars, Jack, Jayfinpa, jm, darkboy13, wastedpup, kushu, Erwin F., Arl, Ace, Rue, jojie (and dun sa friend mu hehehe), mhei and all the anonymous :) sorry kung may ndi man ako namention, pero thank you pa rin! hehe.. thank you rin sa bago kong kuya, si kuya Vince ko. (same name p tlga kami hahaha.) :P
Btw, bka po mga ilang days na ang maging interval ng updates ko kc po babalik na ulit ako sa kid prison -_-..school.. papasok na ulit ako starting tomorrow. ugghhh.. -.- anyway, this is the season premiere of The Best Thing I Ever Had! Enjoy reading!


PS: everything is fictional :) Including the places hahah. gawa gawa ko lng yung mga lugar xD.

Episode 1 - Alive - The Season Premiere
"Nasaan ako?" yan ang una kong nasambit sa pagmulat ng aking mata. Nakahiga ako sa isang kamang gawa sa kawayan. Nasa loob ako ng isang kwarto, sa isang bahay kubo. Gawa sa kawayan ang dingding at ang mga sahig. Gawa naman sa dahon ng anahaw ang bubong nito. Naramdaman kong may benda ang ulo ko. Ramdam ko rin ang sakit sa hita ko. May benda rin ito. Nakita ko ring nagkalat ang mga pasa't sugat ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, sa binti, sa braso, sa hita,.pati ata sa likod meron. Noon ko lang napansin na iba na rin pala ang suot kong damit. Teka nasaan na ba ko? At nasaan ang mga damit ko? 


Teka, buhay pa ba tayo?


Gaga! Siyempre buhay pa AKO! ewan ko ikaw. baka patay ka na. haha


Che!


Sinubukan kong tumayo ngunit bumagsak ako sa sahig. "Aray!" daing ko.

Hahahah! Ang bilis ng karma!


Tumigil ka! Babatukan kita diyan eh!


Yeah, like that's gonna happen. hahaha


Arrrghh!


Sinusubukan ko ng tumayo ng maramdaman kong may tumutulong na sa akin. Napalingon ako sa kanya at tumambad sa akin ang isang lalaking naka sando at nakamaong na short.. Maitim siya, ngunit mapapansing gwapo ang kanyang mukha.

HOT!

"Ayos ka lang?", tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Ang ganda ganda ng mga mata niya. Gayon din ang ilong at labi niya. Mapula ang kanyang labi. Talagang natulala ako sa kagwapuhan ng nilalang na nasa harapan ko.

Hoy! Tinatanong ka niya! Masyado ka namang makatitig! Wagas!


Ay oo nga pla. "A..O-oo. S-salamat." sabi ko.Inalalayan niya ako papunta sa kama at inupo ako doon.

"Huwag ka muna gumalaw, hindi pa masyadong magaling yang mga sugat mo. Dapat magpahinga ka na lang." sabi niya.

"A eh..Uhmmm..sino ka po ba? at saka, nasaan ba ko??" tanong ko sa kanya ng puno ng pagtataka.

"Ako nga pala si Caloy." sabay abot ng kamay niya,.

Kinamayan ko siya. "Ako naman si Av."

"Nandito ka sa bahay namin, sa barrio Munting Ilog. Dinala kita rito nung isang araw. Nagpunta kasi ako sa gubat para kumuha ng mga kahoy na panggatong ng mapansin kong may tao sa tabi ng ilog walang malay. Akala ko nga patay ka na eh. Lumapit ako sa'yo para tingnan kung buhay ka pa at nakita kong humuhinga ka pa. tapos, may tama ka ng bala dyan sa hita mo tpos may mga sugat sa buong katawan, kaya tinulungan kita.   Kaya dinala kita rito sa bahay namin." sabi niya. "Ginamot na ng nanay ang mga sugat mo. Pero hindi pa rin yan lubos na magaling. Kaya magpahinga ka muna."

Wow, he's my hero pala!


Taray teh! ang gwapo ng hero mo ah! Inggit ako!


"S-salamat ah.,s-sa pagligtas ng buhay ko.." hindi ko siya matingnan ng tuwid. nakatingin lang kasi siya sa akin tapos nakangiti. Eh ewan ko ba parang nahiya ako bigla.

Ang landi mo teh! Ang sabihin mo, kinikilig ka

"Wala yun." Nginitian niya akong muli. Ang gwapo talaga niya.


At ang lantod mo talaga!


"Buti nga hindi ka nalunod sa ilog. Ano bang ginagawa mo doon? At paano ka nakapunta doon?" tanong niya.

Sinubukan kong alalahanin kung ano ang mga nangyari..Kinidnap ako nila Jenny at Ram.Nabaril ako ng lalaking bakulaw. Niligtas ako ni Van,.Nabaril siya ni Ram.Napatay ko si Ram..tapos yung tulay..tapos namatay si Jenny..tapos...nagpalaglag ako....Hindi ko napansing pumatak na pala ang luha ko..Si Van? Buhay pa kaya siya? Si Marco? Kailangan ko silang makita. Ang mommy ko..ang daddy ko..Kailangan ko na makauwi. nag-aalala na sila sa akin.


"Ayos ka lang?" ang alalang tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko.

Nakatulala lang ako sa sahig. "K-kailangan ko ng umuwi." sabi ko at tumingin kay Caloy.

"Hindi mo pa kaya Av. Kailangan mo munang magpagaling." sabi niya.

"Pero nag-aalala na ang mga magulang ko!" sabi ko sa kanya. "Sige na Caloy...kailangan ko ng makauwi." sabi ko sa kanya.

Nag-buntong-hininga siya. "Pero kailangan mo munang magpagaling Av. Kailangan mo muna magpalakas muli. Kapag magaling ka na, pangako, ihahatid kita pauwi sa inyo. Pero sa ngayon, dumito ka muna. Ayos ba yun Av?" sabi niya.

I really wanna go home. :(


Wag muna! Sayang yang papa oh!


Gaga! Ang lantod mo talaga! Mas iniisip mo pa yung lalake kaysa sa pamilya ko! 


Ehhhh...ang gwapo kasi teh! Probinsiyanong gwapo!


Hayy nako!


Pero wala ka namang choice eh. Tama siya. Hindi mo pa kaya. Kaya mag-stay ka muna dito! Para na rin makasama mo pa ng matagal si Papa Caloy!


Fine! Arrghhh!


Nakatingin lang sa akin si Caloy. Nagbuntong-hininga ko,.


sigh*


"Sandali ikukuha lang kita ng makakain at maiinom. Ilang araw ka rin kasing walang malay. Buti nga nagising ka na." sabi ni Caloy at lumabas na siya sa kwarto.

Naiwan ako sa kwarto.

2 araw na akong walang malay? Bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat? Buti naman nagising pa pala ako.

Lupamit ako sa bintana at nakita ko ang isang magandang view. Makikita mo ang isang malawak na bukirin. May mga taong nagtatanim, at mayroon din nag-aararo ng lupa. Masarap langhapin ang sariwang hangin. Makikita mo rin ang isang bundok na mukhang malapit pero siguradong malayo.. Sa pagitan ng bukirin at ng bundok ay matatanaw mo ang isang lawa. Ang ganda talaga ng view. Parang ang sarap mamuhay dito sa lugar na ito. Malayong malayo sa pamumuhay sa lungsod kung saan ang makikita mo'y puro matataas na buildings. Tapos parang nakakacancer yung hangin kasi madumi ito. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa tanawin ng biglang pumasok si Caloy.

"Ang ganda pala dito sa inyo Caloy." sabi.

"Bakit? Saan ka ba nakatira? Taga-saan ka ba?" tanong niya.

"Taga-Cabanatuan City ako. sa Nueva Ecija ." sabi ko.

"Nueva Ecija? Eh diba malayo iyon dito? Paano ka naman napunta dito sa Batangas?" tanong niya.

So nasa Batangas pa rin pala ako.


"Kinidnap kasi ako.." seryosong sagot ko sa kanya.

"Ano??? Kinidnap ka????" tanong niya.

Tumango ako. at ikinuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. "Nasa resthouse namin ako nuon ng kinidnap ako..May sumagip sa akin kaya nakatakas kami sa mga kumidnap sa akin." sabi ko.

"Kung nakatakas kayo, nasaan na yung sumagip sa'yo? Bakit hindi mo siya kasama? At papaano kang napunta sa ilog?" ang sunud-sunod niyang tanong.

"Tumatawid kami ng tuloy noon, ng biglang barilin nung humahabol sa amin yung lubid na nakatali sa mga poste na sumusuporta sa tulay, Muntik na kaming malalag sa bangin.." huminto ako sandali. Tumulo ang mga luha ko. "Mapuputol na kasi yung lubid na hinahawakan namin dahil sa mabigat kami. Kaya napagdesisyonan kong ibuwis ang buhay ko..Ayokong parehas kami ay mamatay.Kaya mas mabuti na lang na ako ang malaglag sa bangin..At iyon, nalaglag na nga ako. Pero hindi ko na natandaan ang mga sumunod nangyari." sabi ko sabay pahid sa mga luha ko.

"Ang saklap pala ng nangyari sa iyo." sabi niya habang nakatitig sa akin.Makikita mo sa mga mata niya ang  pagkaawa sa akin.."Sa bangin siguro na pinaglaglagan mo, sa baba nito, ay yung ilog. Siguro inagos ang katawan mo. Buti na lang pala ay nakita kita. Kung hindi baka inagos ka na hanggang sa dagat."

"Salamat ha..Napakabait mong tao para " sabi ko sa kanya.

"Wala yun! Kahit sino naman gagawin yun!." sabi niya at ngumiti siya sa akin.

Grabe ang gwapo niya talaga! Lalo na pag nakangiti!

Makapanlaglag ba ng underwear?


Oo! lahat nalaglag na!


Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko. Bigla ko siyang niyakap. Agad din naman akong kumalas dahil narealize ko na ang awkward ng ginawa ko.


Ayy ang tanga! Bakit ko ginawa yun?! Patay!


Patay ka talaga! Eh mukhang mas straight pa yan sa kahit anong straight line eh!


Sh*t ang tanga ko talaga!


"Ah eh sorry ha. Nadala lang ako." hiyang hiya ako sa kanya.

Nginitian lang niya ako.

Phew! Buti na lang hindi siya nagalit sa akin! Siguro naintindihan naman niya ako.


"Halika na, naghanda ang nanay ng pagkain." pag-yayaya niya sa akin.

Lumabas kami sa kwarto, inaalalayan pa niya ako kahit kaya ko ng maglakad.. Actually kulang na nga lang buhatin na niya ko eh.

Aba! Sinuswerte ka naman ata teh?


Che! inggit ka lang!


As if naman na magkakagusto sayo yan?


Malay mo? Malakas ata ang kamandag ko!


Conceited much?


Whatever!


Kumain kami. Si Aling Solidad ang nanay ni Caloy. Nakapagkwentuhan kami habang kumakain. Naikwento ko kay aling Solidad ang mga nangyari sa akin.

"Maraming salamat po sa pag-aalaga ninyo sa akin Aling Solidad." sabi ko.

"Nanay na lang ang itawag mo sa akin,.Hindi ka na naman iba." sabi niya

"Sige po nay. Salamat po ulit." sabi ko.

"Walang anuman. Buti nga at nakita ka nitong si Caloy at nadala ka niya agad rito para magamot ang mga sugat mo. Masakit pa ba?" tanong niya.

"Hindi na po masyado." tugon ko naman.

"Sige, kumain ka ng marami para magkalakas ka at gumaling na iyang mga sugat mo anak." sabi niya.

Mabait si nanay Solidad. Naalala ko tuloy ang mommy ko sa kanya. Napagalaman ko ring nag-iisang anak lamang si Caloy. 18 years old, at highschool lang ang natapos. Kinailangan kasi niyang tulungan ang nanay niya sa mga gawain dahil namatay ang tatay niya 2 taon na ang nakakalipas..At dahil sa namatay ang tatay niya, siya na ang nagtatrabaho para may maipambili sila ng makakain pati na rin ng gamot ni aling Solidad. May sakit kasi ito. Naawa naman ako sa kanila. At naantig rin ang puso ko. Kasi sa kabila ng walang wala na sila, nagawa pa rin nilang tumulong sa iba. Nagawa pa rin nila akong tulungan. Kung sino pa yung wala, ay ito pa yung nagbibigay,. Tunay na mababait ang mga taong ito. Kaya kailangan kong makabawi sa kanila.

Pagkatapos kumain ay tumulong akong magligpit ng pinagkainan,.

"Ay naku anak ako na diyan! Magpahinga ka na lang sa kwarto." Sabi ni nanay.

"Ayos lang po ako nay. Huwag niyo po akong intindihin." sabi ko.

Tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinggan. Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko ulit ang magandang view na nakita ko galing sa bintana.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" tanong ni Caloy.

"Oo Caloy, kaya ko na,." tugon ko sa kanya ng nakangiti.

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya.

"16 pa lang po."sabi ko.

"Mas bata ka pala sa akin. kaya dapat kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya sabay akbay sa akin. Mas matangkad siya sa akin.

"Ganun?" sabi ko habang natatawa ng kaunti.

"Oo ah, bakit? mas matanda naman ako sa'yo kaya dapat lang, kuya ang tawag mo sa akin!" sabi niya.

"Sige sige, baka sabihin mo pa, porket sa siyudad lang ako lumaki eh wala na akong galang sa nakakatanda sa akin." sabi ko. "Sige po kuya Caloy."

Nginitian niya lang ako. Dahil sa medyo okay na naman ang pakiramdam ko, nilibot ako ni kuya Caloy sa kanilang lugar. Maganda talaga ang lugar nila. Isinakay pa niya ako sa kalabaw. Grabe, that was my first time na sumakay ako sa isang animal, at sa kalabaw pa talaga ha?

"Sasakay tayo diyan?" tanong ko.

"Oo, wag kang mag-alala, mabait naman itong is Itim, kaya hindi ka malalaglag, isa pa, kasama mo naman ako eh,." tugon niya ng nakangiti.

"Itim?" tanong ko ng may pagtataka.

"Oo! Itim ang pangalan niya." sabi niya.

Natawa ako ng kaunti.

"O bakit ka tumatawa?" tanong niya.

"Wala lang,." sabi ko. "Sigurado ka bang safe yan?" tanong ko.

"Oo, akong bahala sa'yo." sabi niya with his killer smile.

Eh kung ganyan naman ang smile na makikita ko eh di sige go na!


Ganon? ang landi mo talaga!

Nakasakay kaming dalawa sa kalabaw, I mean kay Itim. Nasa harap ako at siya nama'y nasa likod ko, baka raw kasi malaglag ako pag nasa likod ako kaya sa harap niya ako pinaupo. Parang nakaakap siya sa akin dahil nakalagay ang mga kamay niya sa harap ko para hawakan ang tali na magkokontrol kay Itim. Medyo nailang naman ako ng kunti sa set-up namin.

Naku! Naiilang ka ba? Or kinikilig!


Ewan ko! Pero iba nga ang nararamdaman ko nung time na yun. Parang yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Van or si Marco. Yung bang feeling of security. Alam kong kakikilala lang namin pero, magaan na kaagad ang loob ko sa kanya. Siguro nga dahil sa sinagip niya ang buhay ko and I thank him for that.

Magkadikit ang katawan namin,.Pero hindi ako nagpatukso sa set-up naming iyon. Ibinaling ko na lang nag tingin ko sa magandang tanawin habang umuusad na si Itim. "Ang ganda talaga dito kuya Caloy." sabi ko.

"Malayong malayo ito sa siyudad. Kaya ibang-iba ang itsura." sabi niya. "Dati akong nag-aaral sa Maynila,.Nakatira ako sa bahay ng tiya ko. Tapos nagtatrabaho rin ako dun para na rin may maipadala akong pera kina nanay at tatay. Nakagraduate ako sa tulong ng tiya ko. Umuwi ako rito sa amin, pero pag-uwi ko malubha na pala ang sakit ng tatay ko. Hindi naman nila sinabi sa akin na may sakit pala ang itay. Sinubukan kong lumapit sa mga kamag-anak namin para manghingi ng tulong sa pagpapagamot sa itay ngunit sabi ng doktor, hindi na daw kaya pang gamutin ang tatay, dahil sa lubha na ang sakit niya." tumigil siya sandali. Nilingon ko siya at nakita kong pumatak ang luha niya. "Namatay ang tatay ko. Nasaksihan ko ang paghihirap niya,. Walang araw na hindi ako umiiyak habang nakikita ko siyang dumadaing at nasasaktan. Kaya kahit masakit para sa akin ang mawala siya, masaya na rin ako dahil ngayon, alam kong maayos na ang kalagayan niya sa langit. Pero, masakit pa rin talaga..Tapos ngayon, ang nanay ko naman ang may sakit. Kaya tumigil ako sa pag-aaral para magtrabaho. Para may maipanggamot ang nanay ko. Ako lang kasi ang inaasahan ng nanay,." sabi niya at tuluyan na siyang umiyak.

Ang sakit din pala ng pinagdaanan nitong si Caloy. Kawawa naman siya.

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa tali na nagkokontrol kay Itim. Kinuha ko ito at iniyakap sa aking tiyan. Niyakap naman niya ako ng tuluyan. "Sige kuya, iiyak mo lang. Nandito ako, para samahan ka." sabi ko sa kanya, paglingon ko, halos magdikit ang mga labi namin. Umaagos ang luha niya galing sa kanyang mga mata. Nginitian ko lang siya at lumingon muli sa harapan.

Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga at sinabing, "salamat ha."

"Wala iyon, tinulungan mo ko, sinagip mo ang buhay ko. Kaya tama lang na ibalik ko sa'yo ang pagtulong mo. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako at makikinig sayo." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"O kuya huwag masyadong mahigpit ah, baka hindi na ko makahinga niyan,." sabi ko sabaw tawa,.

"Sorry,." sabi niya sabay tawa.


Nakarating kami sa ilog. Namangha ako sa nakita ko. Ang linis ng tubig na umaagos sa ilog na ito. Hindi ganoon kabilis ang agos. At may mga bato sa gilid.  "Tara ligo tayo!" sabi niya.


Nagsimula siyang maghubad ng pang-itaas niya. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sa kanya. Ang ganda ng katawan niya,. Ang macho,.Walang taba sa katawan, lahat muscles talaga, yung bang parang nag-wowork-out talaga..Sobrang gwapo na talaga niyang tingnan.

Hoy teh! Masyado ka namang makatitig! baka malusaw na siya niyan!


Ayy oo nga.


"Huy maghubad ka na rin at maligo na tayo!" pangyaya niya sa akin.

"Ahh ehh, ikaw na lang kuya." sabi ko.

"Ha? Bakit?" tanong niya.

"Ahh ehh," sabi ko

"Sige na! 2 araw ka nang hindi naliligo! ang baho mo na!" sabi niya sabay tawa.

"Ang yabang mo! Hmmmp! Diyan ka na nga!" tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

Hinabol niya ako at pinigilan. Hinawakan niya ang kamay ko. "Uy Av, ito naman hindi na mabiro." panunuyo niya sa akin. "Sorry na..Please..." pagmamakaawa niya.

"Oo na! Sige na! Baka sabihin mo pa ang sama sama ko." sabi ko.

"Yehey! lika ka na ligo na tayo!" sabi niya.

Parang tinatawag ako ng ilog. Parang sinasabi sa aking maligo na ako.

Hala! Mukang nabaliw ka na! Pati ilog kinakausap mo na!


Gaga! Basta! Mahirap iexplain!


Hinawakan ko yung tubig. Hindi naman ito ganun kalamig.

Ngayon ko lang nalaman, nahahwakan na pala ang tubig ngayon hahaha


Che! Tumahimik ka nga muna! Kontrabida ka talaga!


Ah ganon? Sige jan ka na!


At hindi ko na ulit nagsalita ang boses.

"O halika na ligo na!" paglingon ko, nakaunderwear na lang si Caloy. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin palayo sa kanya. Napalunok ako.

OMG, ano toh? bakit ganito? Arggghh. Calm down Av, calm down,.Breathe in,breathe out. Wag papatukso!


Sinubukan kong pigilan ang tawag ng lamang loob ko. Kailangan kong pigilan,. Kailangan hindi niya malaman na isa akong girl!


Lumusong siya sa tubig, ngayon, wala na talaga siyang suot.. It was my first time na makakita ng isang lalaking naka-hubo't bubad. Kung itatanong niyo kung nakita ko na si Van na nakahubad, sorry pero hindi ako pinagbigyan ni Lord,.hahaha. kaya first time ko talaga ito.

"Halika na ligo na!" ang nakangiti niyang pangyayaya sa akin.

No choice,.ughh. ayaw ko namang maging KJ,. chaka isang beses lang naman, pagbigyan na itong mokong na to,.


Nagsimula na rin ako magtanggal ng pang-itaas ko. Pero itinira ko yung shorts na suot ko. Na hindi naman nakalusot sa kanya.


"O hubarin mo na rin yan! Gusto mo bang basa ang damit mo pauwi?" sabi niya,

"Ah ehh." sagot ko

"Parehas naman tayong lalaki ah. Wag ka nang mahiya!" sabi niya

Hahaha! Ikaw lalaki? 


Gaga! di ba sabi ko tumahimik ka!


Sorry hindi ko lang mapigilan, paano mo lulusutan ngayon yan? hahah.


Bahala na! Ang alam niya, lalaki ako, kapag hindi ko tinanggal to, mabubuking ako. Arrrggghh pano ba to?


So ayun, nawalan ako ng kahit anong palusot na maisip,. For the first time in my life, nablanko ng mga palusot ang utak ko,. So no choice na,. Hinubad ko na ang shorts ko. "Talikod ka! Wag ka maninilip!" sabi ko.

Tumawa siya at tumalikod naman siya kaagad. Agad kong tinanggal ang underwear ko at lumusong sa tubig,.

Lord, wag niyo po ako hahayaang magkasala,.


Hanggang dibdib ang tubig Medyo lumabo naman ang tubig dahil sa kumalat at nagalaw ang mga buhangin. Maya maya'y binasa na niya ako ng tubig sa mukha at tumawa. Gumanti ako. At ayun, para kaming mga batang nagbabasaan sa ilog, naghahabulan at hindi alintana na wala kaming mga saplot na suot. Buti na lang ay walang tao. Wala kang maririnig kundi ang tawanan lang naming dalawa.

Maya maya'y tumigil siya't nakatingin sa akin at nakangiti.

"O bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko.

"Wala lang." sabi niya. "Gustong-gusto ko kasing magkaroon ng kapatid,. Kaya lang hindi na nagkaanak pa ang mga magulang ko." sabi niya.

"Parehas pala tayo, nag-iisang anak din ako." sabi ko.

"Talaga?"sabi nya.

Tumango ako sa kanya.

"Pwede ba ikaw na lang maging utol ko?" sabi niya.

"Sige ba kuya!" sabi ko.

"Yehey!" lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "Utol!" sabi niya.

And ayun, officially, I had my second big brother. The first one was Van, kung natatandaan niyo pa.

Tinapos namin ang pagligo namin at umuwi na kami. Kinagabihan, nag-ayang uminom ang mga kaibigan ni kuya Caloy. At dahil hindi naman ako umiinom, nagpasiya na lang akong magpahinga. Nakatulog ako. Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako na may nakayakap sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si kuya Caloy. Sa paglingon ko, halos magdikit na ang labi namin. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Gwapo talaga siya. Naamoy ko sa hininga niya ang amoy ng lambanog na iniinum nila kagabi. Napansin kong wala siyang pang-itaas. Mukhang wala namang nangyari sa amin. Kasi maayos pa rin naman ako, nakadamit at walang masakit. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hatakin pabalik.

"uuuuummmmm...dito..ka muna.." bulong niya habang nakayakap sa akin. magkaharap kami.

"Kuya,.."at hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi., Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako nakagalaw,.

"i love you..." bulong niya..

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Totoo ba ang narinig ko?


Lasing lang yun teh! wag kang masyadong OA jan!


Tama, lasing lang siya't hindi niya alam ang ginagawa niya.


Lumipas ang mga oras at nagising na rin si kuya Caloy.

"Aray! ang sakit ng ulo ko!" daing niya.

"Ayan kasi! naglasing lasing pa kasi kagabi! ayan tuloy!" sabi ni nay solidad.

Tumawa lang ako at tumawa rin si nanay. Kumain kami ng agahan. Hindi ko na binanggit ang nangyari kanina. Pagkatapos kumain ay dinala ako ni kuya Caloy dagat.

Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang nakapunta na ako sa lugar na ito. Pero bakit hindi ko matandaan ng lubusan?


Nakatulala akong nakatingin sa malawak na dagat ng biglang nagtanong si kuya Caloy. "O bakit parang ang lalim ng iniisip mo tol?"

"Para kasing napuntahan ko na tong lugar na to,..hindi ko lang matandaan kung kailan." sabi ko ng may pagtataka.

"Bakit nakapunta ka na ba dito?" tanong niya.

"Hindi ko alam.. sa tuwing pupunta kasi kami dito sa Batangas, eh sa resthouse lang namin kami nagpupunta.." sabi ko.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang may lumapit sa aking lalaki,. mas matangkad siya kaysa sa akin, maputi, matangos ang ilong at nung tinanggal niya ang shades niya, nakita ko yung asul niyang mga mata. Foreigner at ito.

"Sam?" tanong niya,.pinagmasdan niya ang mukha ko,.

Sam? ano raw?

"Excuse me?" sabi ko.

"Sam! ikaw nga!" sabi niya sabay akap sa akin.

Hala! sino tong tao na to? At bakit may yakap pang kasama? Chaka sino yung Sam na sinasabi niya?




---------------------------
Until the next episode,
Av.

2 comments:

Jay! :),  September 6, 2011 at 2:09 PM  

This is my first time to post here even though I've been reading since Season 1. hehehe.

Kamusta na kaya sina Van at Marco?

and can Av be the 'Sam' that they are referring to?

Can't wait for the next episode until another part of the story unfolds. hehehe!

Basta mag-update ka as frequent as you can. :)

Nice one Mr. Author! Keep it Up!

- Jay! :)

Coffee Prince September 7, 2011 at 9:20 AM  

wow aa , , nyc one . . kakilig c kua Caloy . . YUMMY! ahahaha . . :D


pero . . i know na matagal tagal pa bago makabalik c kua Vince . . kc may kamukhang kamukha cyang nagngangalang Sam . .


Who's that pokemon?


ahahaha, joke . .

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP