DAglat presents: TEE LA OK II part 3
Saturday, September 10, 2011
“Tiktilaok!” panggising nang pang-umagang hayop sa dalawa. “Tiktilaok!” ulit nito.
“Naman!” reklamo ni Gabby saka bumiling sa pagkakahiga at niyakap si Harold.
“Eeee!” reklamo ni Harold saka inalis ang kamay ni Gabby sa kanya.
Muling ibinalik ni Gabby ang braso sa pagkakayakap kay Harold.
“Ano ba!” sabi ulit ni Harold saka bumiling paharap kay Gabby.
“Please!” pamimilit ni Gabby na lalong inilapit sa kanya si Harold.
Dahan-dahang iminulat ni Harold ang mga mata at bigla itong nanlaki –
“As expected!” asar na simula ni Harold sa umaga.
“Too early para ma-bad trip ka.” sagot ni Gabby na may ngiti pa rin sa mga labi habang yakap ng mahigpit si Harold.
“Subukan mo kayang dumilat para malaman mo kung bakit ako bad trip.” sagot ni Harold.
“So?” tanong ni Gabby pagkadilat na may napakatamis na ngiti sa labi.
“Anung so? Can’t you see, nagkapalit na naman tayo.” inis na tugon ni Harold na muling nasa katawan ni Gabby.
“What’s the difference? Eh nangyari na naman sa’tin to.” sagot ni Gabby. “Walang problema, switch ulit tayo ng buhay.” nakangising suhestiyon pa ng binatang nasa katawan ulit ni Harold.
“What’s the difference ka pang nalalaman!” inis na wika ni Harold saka bumangon.“Alam mo, isa kang malaking surot na ayaw kumawala sa silyang inuupuan ko! Mali, isa ka palang napakalaking garapatang sumisipsip at sumasaid ng pasensya ko!” dagdag pa ni Harold.
“Let’s be happy that once again, may dahilan na para magkita tayo madalas.” simpatikong ngiti sa tugon ni Gabby.
“And every time na kasama kita, kadikit kita, laging malas ang nangyayari.” sabi pa ni Harold. “Bakit kasi hindi ka pa pumayag na tumuloy kay Tito Ronnie last time.” sisi pa nito.
“You know what; I can’t see any reasons para magalit ka. Consider this as blessings, kasi united ulit tayo.” di nawala ang pagkakangiti ni Gabby.
“You’re acting pa parang sinadya mo’to!” sumbat pa ni Harold. “Akala ko ba walang manok or dahil sa tilaok to?” tanong ulit ni Harold.
“I assure you, halughugin mo man ang buong paligid wala kang makikitang manok.” sagot ni Gabby. “Honestly, gusto ko itong nangyari ngayon, but swear, hindi ko ito sinadya.” masaya pa ding saad ni Gabby na nasa katawan ni Harold.
“Hay!” inis na buntong hininga ni Harold. “Kung walang manok at dahil sa manok to bakit tayo nagkapalit?” tanong pa nito.
“I admit, my hypothesis is wrong.” sagot ni Gabby. “But, I’m thankful that we switched again.” nakangisi pa din nitong dugtong.
“Topak ka talaga!” sagot pa ni Harold.
“Kung hindi dahil sa topak ko, hindi kita magugustuhan. Feeling ko nga sa bawat sandali kasama kita kahit hindi naman talaga. Para ngang lagi na kitang nasa imagination kasi kahit hindi kita nakikita, ang sabi ng mga mata ko, laging itsura mo.” sagot ni Gabby saka nilapitan si Harold at niyakap mula sa likod.
“Tumigil ka nga!” sabi ni Harold saka pumiglas.
“I won’t stop unless sabihin mong pumapayag ka ng maging si Cinderella ko.” pakiusap ni Gabby.
“Kay aga Gabby gumagana na naman iyang topak mo.” tutol ni Harold na saw alas ay nakabitis sa yakap ni Gabby na nasa katawan niya.
“I can do anything for you. I can give you anything you will ask, pero huwag lang na iwasan kita o layuan. You’re my life, my everything!” sabi pa ni Gabby. “Kaya please, pumayag ka na, let us start our story.” pakiusap pa nito saka lalong hinigpitan ang yakap kay Harold.
“Gumising ka nga!” sabi ni Harold. “I don’t want to be your Cinderella!” habol pa nito.
“You better change your mind!” sagot ni Gabby. “Dahil hanggang ang puso ko ay tumitibok ng dahil sa’yo, hinding-hindi ako titigil na mahalin ka.” paninigurado pa ng binata.
“Alam mo, sa kundisyon natin ngayon, papaano ko pipiliting pumasok sa mundo mo at magpaka-Cinderella!” sagot ni Harold.
“Mark my word! I can do anything! Trust me!” sinserong wika ni Gabby na tumingin kay Harold.
“Mark your word, eh kahapon nga wala kang laban sa mama mo!” sumbat ni Harold na may pigil na luha nang muli niyang maalala ang naganap nang nakaraang araw.
“Please Harold! Masaya ako kasi nagkapalit ulit tayo ng katawan, kasi alam ko, mas may pag-asang mahalin mo din ako.” nagsusumamong wika ni Gabby.
“Mahal naman kita!” nadulas na sinabi ni Harold.
“Do I heard it right?” lalong lumaki ang pagkakangiti ni Gabby. “You love me too!” pahayag pa nito.
“Oo Gabby! Pero ayoko sa nararamdaman ko!” giit ni Harold.
“Just say you do! I can remove all your worries.” saad ni Gabby saka hinawakan sa mga kamay si Harold.
“Pero…” tanggi ni Harold.
“Kung ayaw mong maging si Cinderella, let me do the part. Ako na lang ang papasok sa mundo mo. Just let me in and I promise, we’ll hold the greatest story of love.” paninigurado ulit ni Gabby nang buong katapatan.
“Impossibleng makaya mo ang mundo ko. Para sa katulad mong laki sa yaman at sanay sa luho, hindi mo kakayaning iwan nang ganun-ganon ang lahat.” tanggi at katwiran ni Harold na buong kalungkutan ang makikita sa mga mata.
“Just trust me!” madiin at makapangyarihang pahayag ni Gabby. “I am not asking for anything else, just your love. Kuntento na akong malaman na mahal mo ako at pumapayag kang makasama ko habang-buhay.” sabi pa ng binata saka walang anu-ano ay hinalikan sa mga labi si Harold.
Naging mabilis ang pag-ikot ng mundo kay Harold. Pakiwari niya ay umiikot ang buong daigdig dahil sa kakaibang init na hatid ng halik na iyon. Iba ang pakiramdam, dahil sa tingin niya ang halik na iyon ay katuparan na ng kanyang inaasam-asam.
“If you think my kiss will lie then say no.” wika ni Gabby.
Isang nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa dalawa –
“Okay!” wika ni Gabby na nasa katawan ni Harold saka tumalikod at sinimulang humakbang.
Unti-unting pumatak ang luha ni Harold. Ang naguguluhang puso niya at higit at lalo pang naguluhan. Para siyang nilalatigo sa sobrang pait at sakit sa pagpili – pag-ibig ba o prinsipyo at pinaglalaban. Sapat na ba ang pagmamahalan nila ni Gabby para masabing mali ang una niyang teoryang hindi totoo ang fairytales lalo na si Cinderella.
“Remember, hanggang humihinga ako, I won’t stop!” sabi ni Gabby na may pait at sakit na ding nararamdaman dahil sa ikatlong pagkakataon ay nabaliwala siya kay Harold.
“Wait!” pigil ni Harold saka tumakbo papunta kay Gabby. “Wala naman sigurong masama kung susubukan natin.” dugtong pa ni Harold saka niyakap si Gabby.
Isang napakalaking ngiti ang pumalit sa hirap at pighating nasa muha ni Gabby. Hinarap nito ang yakap ng binata at gumanti din ng yakap. Mahigpit na yakap saka muling hinalikan.
Iba ang sarap na nararamdaman ni Harold na dulot ng halik na iyon. Sa wari niya ay mas matamis, may masarap ang halik na iyon kung ikukumpara sa mga naunang halik ni Gabby. Ito ang unang halik niya matapos pakawalan ang isang kipkip na damdamin at simulan ang bagong kwento ng pag-ibig.
“I will not fail you!” nakangiting sabi ni Gabby matapos ang isang mapagmahal na halik.
Kinabukasan ay bumalik na din sa Maynila ang dalawa –
“May treat daw sa akin sina Sean at Kenneth.” sabi ni Harold kay Gabby.
“Tapos?” nakangiting tanong ni Gabby.
“Siyempre, ikaw ang pupunta kasi nasa katawan kita.” sagot ni Harold.
“Hindi mo ako sasamahan?” tanong ni Gabby.
“Malaki ka na! Saka di ba may gagawin ako sa opisina mo?” tanong ni Harold.
“I will call Joel para sabihing hindi ako papasok nang isang lingo.” sagot ni Gabby na nakatuon ang paningin sa daan.
“Bakit?” tanong ni Harold.
“Gusto kong masulit ang isang linggo ko na ikaw lang ang kasama.” sagot ni Gabby.
“Ang babaw mo naman!” nakangiting kontra ni Harold na sa totoo lang ay tila kiniliti sa salitang iyon ni Gabby.
“Bukas puntahan na natin si Tito Ronnie mo para maayos na itong switching dilemma natin.” suhestiyon ni Gabby.
“Sige ba, mas mainam nga kung ganun.” sagot ni Harold.
Sa sinasabing treat -
“Hoi Harold!” bati ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold. “Kasama mo na naman si yabang!” sabi pa nito.
“You don’t have any rights to call him yabang!” madiing sabi ni Gabby.
“Ano na naman iyang problema mo?” tanong ni Sean kay Harold.
“Sorry Sean, may hang-over pa si Harold.” paumanhin naman ni Harold na nas akatawan ni Gabby.
“Weird! Will this be another weird week?” tanong ni Sean.
“Please remove your arms around my shoulder.” sabi pa ni Gabby saka inalis ang braso ni Sean sa balikat niya.
“Oh!” nagtatakang tutol ni Sean. “May ano? Dati-rati ayos lang sa’yo.” nagugulumihanang sagot ni Sean.
“Dati yun! Bakit, dati ba ang ngayon?” sarkastikong tanong ni Gabby.
“Umayos ka!” bulong ni Harold sa tenga ni Gabby.
“Nakaayos naman ako.” sagot ni Gabby.
“May pinag-uusapan kayo?” usisa ni Sean.
“You don’t care.” sagot ni Gabby.
“Sorry Sean, may tama lang si Harold. Multi-personality disorder.” may pilit na ngiting paliwanag ni Harold.
“Next time huwag ka ng papayag na umakbay sa’yo itong lokong to!” madiing wika ni Gabby.
“Pero buddy ko yan!” tutol ni Harold.
“Buddy mo lang iyan at ako boyfriend mo ko.” sabi ni Gabby saka muling lumakad.
“Ah Harold!” sabi ni Sean.
“Bakit?” sabay na sagot nila Harold at Gabby.
“Sorry! Akala ko akong tinatawag mo.” paumanhin ni Harold.
Napangiti na lang si Sean sa itsura ng dalawa –
“May nagtext sa akin, hindi ka daw niya makontak, pinapauwi ka na ng Tarlac kasi may aasikasuhin daw kayo.” simula ni Sean.
“Sino?” nagtatakang tanong ni Harold na nasa katawan ni Gabby.
“Si Harold ang kausap ko.” nakangiting tugon ni Sean. “Hindi ka naman di ba si Harold.” habol pa nito.
“Aba at…” sabi ni Gabby na nasa katawan ni Harold.
“Sorry.” paumanhin ni Harold saka pinigil si Gabby sa sasabihin.
“Pinapauwi ka na ni Ka Abe bukas.” sagot ni Sean na may mapanuring titig.
“I’ll call him back.” kumpyansadong sagot ni Gabby.
Biglang napatakip sa mukha si Harold sa sagot ni Gabby at nakaramdam ng kaba.
“Why are you acting like that?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Magsalita ka na Harold.” madiing utos ni Sean.
“Eto na nagsasalita na.” sabi ni Gabby.
“Iyong totoong Harold.” sabi pa nito saka nilapitan si Gabby.
“I’m Harold and he’s Gabby.” giit ni Gabby.
“Five years nang patay si Ka Abe and he’s your father.” sagot ni Harold na nasa katawan ni Gabby.
“Papaanong hindi mo kilala ang tatay mo Harold?” tanong ni Sean kay Gabby na nasa katawan ni Harold.
Nabigla, natahimik at natulala si Gabby sa sinabing iyon ni Sean.
“Now Harold!” galit na sabi ni Sean saka tinuunan ng pansin si Harold na nasa katawan ni Gabby. “Tell me everything!” utos pa nito.
“Sorry Sean!” paumanhin ni Harold.
“Tinuring mo pa akong ka-buddy kung hindi mo naman ako pagtitiwalaan.” giit ni Sean.
“Pare, let us explain.” sabi naman ni Gabby na nasa katawan ni Harold.
“Please, huwag mong iharap sa akin ang mukha ni Harold!” pakiusap ni Sean kay Gabby.
“Sige na Gabby! Ako na ang bahala kay Sean.” sabi ni Harold saka inaya palayo si Sean.
“Hoy Harold, huwag mong ipapasuntok iyang mukha mo kay Sean.” sigaw ni Gabby.
Sa may di-kalayuan –
“Alam ko namang hindi mo kami papaniwalaan kapag sinabi namin sa iyo eh. kami nga hindi din kami makapaniwala. This is the second time na mag-switch kami. Please Sean, sorry na.” paumanhin ni Harold sa kaibigan.
“Hay Harold!” napabuntong-hiningang tugon ni Sean. “Alam mo namang malakas ka sa akin eh.” sabi pa ng binata saka napangiti.
“So, okay na tayo?” tanong ni Harold.
“Oo naman!” sagot ni Sean. “Kahit medyo naninibago ako sa itsura mo ayos naman.”
“Hay!” nakangiting tugon ni Harold.
“Anung balak ninyo?” tanong ni Sean.
“Pupuntahan sana namin si Tito Ronnie sa Banahaw para magamot na itong sakit na’to.” sagot ni Harold.
“Samahan ko na kayo.” suhestiyon pa ni Sean.
“Talaga?” napangiting turan ni Harold.
“Oo naman!” sagot ni Sean.
Maya-maya –
“Gabby, sasama daw sa atin si Sean bukas kay Tito Ronnie.” pagbabalita ni Harold kay Gabby.
Tiningnan muna ni Gabby mula ulo hanggang paa si Sean saka bumulong kay Harold –
“Mapagkakatiwalaan ba iyan?” tanong ni Gabby dito.
“Oo naman!” sagot ni Gabby saka tapon ng mapanghamong titig.
Nagtataka man ang Tito Caretaker ni Harold dahil hindi na naman ito nakauwi ng Tarlac ay binaliwala na lang niya ito at pinayagang duon na lang din tumuloy si Gabby.
0 comments:
Post a Comment