DAGLAT presents: SEE LAU

Saturday, June 11, 2011

annexb.wordpress.com
iam.emildelosreyes@yahoo.com
-------------------------------------


labis ko pong ikakatuwa kung magiging friends tayo sa facebook at ym at kung dadalawin din po ninyo ang aba kong blog. Hmmm..

PAUMANHIN po kung matagal ang naging update ko sa SEE LAU. Ito na po ang KABUUAN ng SEE LAU: Ang Unang Aklat. Sana po ay subaybayan naman ninyo ang ikalawang handog ang BOOD HEE: Bisa ng Unang Mahika.

-sa nagtatanong po kung sa Pulilan ako, OPO, pero sa Plaridel po ako nakatira ngayon at may bahay po kami sa Pulilan.

BASTA SORRY po sa mga bilang na readers ko na napabayaan ko.

Kay KUYA ZACH - bakit hindi ka na po nagpaparamdam sa akin?
Kay MASTER KUYA BX - miss ko na po ang criticisms mo.
Kay KUYA JAYSON - hindi po worthy na basahin iyong essay na gagawin ko.
Kay MAMA D - salamat sa update sa fb, kahit wala pong feedback galing sa akin.

-------------------------------

DAGLAT presents:
SEE LAU
--------------------------------

Unang Bahagi: /oo-nah-ng/ - /ba-ha-gee/
Fierro – Martin – Cris
“Sakit ng ulo ko!” reklamo ng pupungas-pungas pang si Martin.
“Kasi naman nagpaumaga ka pa ng tulog eh.” sagot naman ni Danielle sa kaibigan.
“Paanong hindi magpapaumaga eh ang kulit-kulit mo sa chat kabagi. Parang hindi tayo magkikita ngayon.” sagot naman ni Martin dito.
“May sinabi ba akong makipagkulitan ka sa akin?” agad na sagot ni Danielle.
“Wala.” mahinahong sagot ni Martin. “Daan muna tayo sa loob ng Robinson.” aya pa nito. “May bibilin lang ako.” saad pa ng binata.
“Sige ba!” masaya at napangiting tugon ni Danielle.
“Ano na naman at ngiting aso ka?” nahihiwagaang tanong ni Martin kay Danielle.
“Wala!” maang na sagot ni Danielle.
Sa loob ng Robinson –
“Good Morning Sir!” simulang bati ng baggage counter kila Martin at Danielle.
“Good Morning!” nakangiting sagot dito ni Martin.
“Good Morning din!” sagot naman ni Danielle na may malanding ngiti.
“Wah!” biglang kurot ni Danielle kay Martin sabay hampas sa binata.
“Aray naman!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Naglulumampong ka na naman.”
“Amfness!” sagot ni Danielle na kita pang kinikilig. “Ang cute niya!” saad pa nito.
“Gaga!” awat ni Martin. “Hindi iyon papatol sa tulad mo.” kontra naman nito.
“Ah basta! Cute niya, ang ganda ng eyes n’ya, ang ganda ng ngiti niya, ang dimples niya.” simula ni Danielle sa pagkukwento.
“Kilabutan ka nga!” tutol ulit ni Martin sa kaibigan.
“Tara na labas na tayo!” pagpupumilit na aya ni Danielle sa kaibigan.
“Hindi pa ako nakakabili ng bibilin ko nag-aaya ka na agad.” reklamo pa ni Martin.
“Haysus! Manong bilisan mo!” sabi naman ni Danielle sabay hatak kay Martin papunta sa shelves.
Pagkabayad sa counter –
“Hi!” bati ni Danielle sa taong nasa baggage counter kasunod ang malanding ngiti.
“Lumandi na naman.” mahinang bulong ni Martin.
“Arayy!” biglang napaaray si Martin dahil sa pagdiin ni Danielle sa heels ng sapatos niya sa paa ng binata.
“Hello!” nakangiting at pigil ang tawang turan ng nasa counter.
“Lagot ka sa akin maldita ka!” pagbabanta ni Martin kat Danielle.
“Emartinio Masungkal” sabi ng lalaki habang nakatingin kay Martin.
“Hala!” gulat na gulat si Martin saka napatingin sa suot niyang id.
“Emartinio Masungkal! Friend takpan mo nga iyang mabahong mong pangalan.” natatawang biro ni Danielle sa kaibigan.
“Very unique name!” nagpipigil na tawang sagot ng lalaki.
“Ang angas!” sa isip-isip ni Martin sabay titig ng masama sa lalaki. “Yeah! Very unique!” may pilit na ngiting tugon niya.
“Kilala mo pa ba ako?” agad na tanong ng lalaki kay Martin.
“How can I know you? Feeling ko first time nating nagkita.” nahihiwagaang sagot ni Martin.
“It has been fifteen years the last time I saw you.” tugon naman ng lalaki. “Hindi na nga kita nakilala pero sigurado ako, ikaw lang ang may ganyang pangalan.” saad pa ng lalaking may simpatikong pagkakangiti.
“Fifteen years?” lalong nahiwagaang sabi ni Martin. “Are you really sure?” paninigurado ni Martin habang inaalala kung sino ang kaharap niya at nagpapakilalang kakilala niya.
“Do you think anyone will have such a unique name like yours?” balik na tanong pa nito.
“Sorry but I can’t remember?” biglang bumakas ulit ang asar ng binata nang muling madali ang pangalan niya.
“Wala pa ding nagbabago Martin!” sambit pa ng lalaki. “Umaasim pa din ang mukha mo dahil sa pangalan mo.” natatawang sabi pa nito.
“Pwede namang magpakilala bakit pinapatagal pa.” may inis na sa tinig ni Martin.
“Sorry!” paumanhin ng lalaki. “Fierro!” pakilala ng lalaki.
“Fierro?!” lalong naguluhang tugon ni Martin.
“Goodness!” usal ng lalaki. “Si mommy hipon, si daddy hipon, si baby hipon!” tila pagpapaalala ni Piero kay Martin.
“Kuya Perry?!” biglang usal ni Martin na naalala na kung sino ang kaharap.
“Gotcha!” napangiting tugon ni Fierro. “Akala ko hindi mo pa ako maaalala! Magtatampo na sana ako.” sabi pa ng binata.
“Bakit naman Fierro na ang pangalan mo?” nagtatakang tanong ni Martin.
“Siyempre naman! Luma na ang Perry kaya dapat palitan na.” nakangiting sagot ng lalaki.
“Basta, Kuya Perry pa rin ang itatawag ko sa’yo.” pamimilit ni Martin.
“Hay, makulit ka pa din!” sagot naman ni Fierro.
“Talagang ganuon Percival Gutierrez!” sagot ni Martin. “Mas malapit sa pangalan mo ang Perry kaysa sa Fierro.” pamimilit ni Martin.
“Bahala ka nga!” nakangiting tugon ni Fierro.
“Aray naman Danielle!” reklamo ulit ni Martin sabay tingin kay Danielle at nakuha naman niya ang nais ipahiwatig ni Danielle na kanina pag nakikinig sa dalawa.
“Kuya Perry, this is Danielle!” pakilala ni Martin sa kaibigan.
“Danielle, this is Kuya Perry!” pakilala naman ni Martin kay Fierro.
“Nice meeting you Danielle!” nakangiting bati ni Fierro sabay abot ng kamay. “Call me Fierro.” sabi pa nito.
“Hi Fierro!” malanding tugon ni Danielle. “I’m Danielle but you can call me Dan!” sabi pa ng dalaga.
“Umayos ka nga Danielle! Mukha kang kaladkaring babae sa inaasal mo!” biro ni Martin kay Danielle.
“Loko mo!” sabi ni Danielle saka binatukan si Martin.
“Sige kuya!” paalam ni Martin kay Fierro. “Igagapos ko muna itong unggoy na’to! Baka mapagalitan ka na din ng supervisor ninyo.” saad pa ni Martin.
“Ingat kayo!” sagot naman ni Fierro. “Daan ka na lang ulit mamaya dito.” pahabol pa ng binata saka kinawayan ang paalis nang si Martin.
Ngiti lang ang itinugon ni Martin sa Kuya-kuyahan saka kumaway na din hudyat ng pamamaalam.
“Ang landi mo talaga!” bati ni Martin kay Danielle pagkasakay nila ng bus.
“Wafakelz! Nambabasag ka ng trip eh.” reklamo pa ng dalaga.
“Asa ka friend! Tao lang ang pinapatulan nun!” sabi pa ni Martin saka tumawa ng mahina.
“Kainis ka!” sabi ni Danielle saka kinurot sa tagiliran si Martin.
“Aray!” biglang reaksyon ni Martin.
“OA!” sabi naman ni Danielle. “Hindi pa nga nadidiin aray na agad.”
“Siyempre para hindi mo na ituloy.” nakangising wika ni Martin.
“Hay ang gwapo ni Fierro!” pag-iiba pa ni Danielle sa usapan.
“Fierro na naman!” asar na wika ni Martin saka tinalikuran si Danielle.
“Selos ka na naman!” saad ni Danielle saka hinatak ang isang braso ni Martin saka isinandig ang ulo dito.
“Asa ka naman!” kontra ni Martin.
“If I know crush na crush mo ako!” sabi pa ni Danielle.
“Asa ka naman tsong!” tutol ulit ni Martin.
“Wala ka bang ibang alam kung hindi tumutol?” sagot naman ni Danielle saka binatukan si Martin.
“Kung hindi ka lang babae!” pagbabanta ni Martin.
“Sorry ka! Babae ako!” tatawa-tawang sabi ni Danielle.

Read more...

Parafle na Pag-ibig 23 (Last Part)

Wednesday, June 8, 2011

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:

Hayyyy… tapos na naman ang isang kuwento...
Pabati muna kay Ric coronel na birthday sa Monday, 13 June. Happy bday!!!



*******************************

Nakalabas ako ng ospital pagkatapos ng isang linggo. Bagamat masakit pa ang sugat ko ngunit ang sabi ng duktor ay maari nang sa bahay na lang ako magpagaling. Gusto ko rin naman iyon kasi nakakabagot sa loob ng ospital. Palagi kong naalala ang huling tagpo namin ni Aljun doon.

Habang nasa Canada na siya, tumatawag naman at nagtitext sa akin si Aljun. Ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts niya. Syempre, gusto ko nang tuluyang kalimutan siya. Masakit man ngunit dahil ito ang nararapat kaya tiniis ko ang lahat. At upang tuluyang hindi na niya ako matawagan pa, pinalitan ko ang number ko.

Dahil pala sa kabutihang ginawa ni Fred sa akin at sa laki ng pasasalamat ng mga magulang ko, ginawang scholar si Fred nga aking mga magulang. At pati ang pagpagamot sa kanyang inang may sakit ay sinagot na rin ng aking pamilya. Kaya laking pasasalamat ni Fred.

“O di ba... adopted daughter ka na nina mommy at daddy. Sister na rin kita.” biro ko sa kanya.

“Oo nga eh... Sabagay, kitang-kita naman na hindi magkalayo ang mga hitsura natin.” sabay tawa.

Sa pangalawang linggo, hinikayat ako ni Fred na bisitahing muli ang manghuhulang albularyo. Sumang-ayon ako dahil gusto kong makasiguradong natanggal na talaga ang sumpa.

“Wala na ang sumpa, anak... pumasa ka sa pagsubok. Naipamalas mo ang isang bagay na babasag nito.”

“T-talaga po?” ang sagot ko. May dala itong saya, kahit papaano sa aking puso.

“Oo. Ngunit mas maiging puntahan mo uli ang lugar kung saan mo nakuha ang sumpang ito. May makikita kang senyales.”

“G-ganoon po ba?” ang sagot ko na lang. Sabagay, iniisip ko ring bisitahin ang inay ni Aljun na inay na rin ang tawag ko. “S-ige po, kapag may panahon ako, dadalawin ko ang lugar. A-ano po ba ang senyales na iyon, Manong?”

“May kinalaman ito sa sumpa. Malalaman mo kung ano ang senyales na ito kapag nakita mo na”

“Ganoon po ba?”

“May nakikita pa ako sa baraha mo, anak. Numero: 18... at dalawang 8.”

“H-ha???!” ang gulat kong sagot.

“Manong ha... huwag mong sabihing may sumpa na naman ang numerong iyan. Isusumpa na kita talaga. Tama nang natamaan ako sa hita at ang friend ko ay natamaan sa dibdib. Ayaw na namin ng kung anu-ano pa. Hindi na nakakatuwa iyan.”

“May kinalaman ito sa katuparan ng iyong pinapangarap...”

“H-ho???”

“M-may isang desisyon kang gagawin sa buhay mo; isang malaking desisyon na maaring magpabago sa takbo ng iyong buhay. Di ba?”

“M-meron po.” Ang sambit ko na lang.

“May kinalaman ito dito. Pupunta ka sa isang lugar... at dito ay may isang desisyon kang gagawin.”

“M-matutupad po ba ang p-pinapangarap ko?” ang nasambit ko. Sumagi sa isip ko ang tinutukoy niyang lugar ay ang monasteryo.

Binitiwan ng albularyo ang isang matipid na ngiti. “Ayon sa iyong baraha? Oo... Ngunit kailangang ibulong mo ito sa kapag nakita mo na ang senyales.”

“Puwede bang gawan niyo po ng paraan upang huwag nang matupad ito? O baka nagkamali lang po ang kaibigan ko ng pagbigay ng baraha sa inyo? Baka para sa akin iyang mga baraha na nabasa ninyo. May pupuntahn din akong lugar mamaya; sa Jowa ko.” ang pagsingit ni Fred.

Napangiti ang manghuhula habang tiningnan niya si Fred. “Tama ang nahugot kong mga baraha ng kaibigan mo. At para sa kanya ito. Ito ay ikaliligaya niya.”

At iyon sinabi ng manghuhula na tumatak sa aking isip: matupad ang aking pangarap at ikaliligaya ko ang desisyong gagawin ko.

“Ikaliligaya mo raw ang pagpasok sa monasteryo?” ang tanong ni Fred sa akin noong pauwi na kami.

Read more...

Hiling Chapter 1

Hiling Chapter 1: The Wish

Bawat tao sa mundo ay may kanya kanyang mga kahilingan na gustong makuha, yun nga lang di natin alam kung ang mga hiling ba natin ay siya talang mas nakaka buti para sa atin...

DJ Fernandez....

Ako si Dream Junstin Fernandez bunso sa 2 magkapatid kung ako ang tatanungin kung ano ang hihilingin ko. Wish ko lang naman ay makatagpo ako ng isang tao na talagang mamahalin ako ng buo kung sino ako. isang simpleng kahilingan na alam kong pwedeng maging imposible kong makamit dahil sa estado ko sa buhay.

Rina Merioles....

Ako si Rina Merioles, kaisa isang anak at ang lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, wala akong pake alam kung may masaktan o maapan akong mga tao sa aking gagawin basta ang gusto ko makukuha ko. Marami akong hiling sa buhay, pero para mas mapadaling intindihin ay gusto kong mapasaakin ang lahat ng walang kahati.

Felix Lim....

Ako si Felix Lim, di ko alam kung sino at kung saan ako galing. Ang alam ko ay napulot lang ako ng mga taong nagpapalakad ng ampunan sa paanan ng kanilang pintuan. Marami akong kahillingan sa buhay pero kung ako ang tatanungin ay meron akong 2 pinakahihiling sa buhay ko  ang makita ko ang tunay kong mga magulang, at makahanap ng taong magmamahal sa aking nga wagas at walang pag aalin langan..

-oO0Oo-

Rina Merioles

Isang pinaka masayang party nanaman ang idinaos ko, kahit walang okasyon ay gusto ko ang laging mag saya at mag party, wala akong paki alam sa mga gastusin tutal mayaman naman kami kaya ok lang sa akin ang gumastos ng gumastos. Basta ang mahalaga ay maging masaya ako at maipagmalaki ko ang meron ako lalo na ang maipag mayabang ko na boyfriend ko si DJ, ang pinaka sikat na studyante sa aming unibersidad.

Halos ilang kayod na lang, at pagtatyaga ay makukuha ko na rin ang isa sa aking hiling ang hirangin isa sa pinak sikat at kinikilala ng lahat. Wala akong paki alam kung may tao akong maapakan at kung may nasasaktan sa aking ginagawa basta masaya ako sa ginagawa ko at alam ko sa sarili ko tama ako.

As expected maraming tao nanaman ang dumalo sa aking party, ako yata ang number one socialite sa buong unibersidad. As usual naging masaya ako lalong lalo na nang pag sapit ng pinaka hihglight ng aking party ang pag rampa ko sa cat walk with my latest designer dress from Italy with my man DJ fernandez.

Masayang nag inuman nanaman ang naganap at pag uwian ay siyempre ay di mawawala sa ang aming intimate at private moment ni DJ.

DJ Fernandez

Umagang umaga pa lang pag gising ko sa loob ng flat ko ay agad kong nakita si Rina sa aking kama, mejo masakit ang ulo ko, pilit kong inalala kung anu ang nangyari kagabi. Doon ko napag tanto na may nangyari nanaman pala sa amin ni Rina. Ang babaeng ito talaga handang gawin ang lahat para lang makuha ang attensyon ko.

Noon pa man kahit kakikilala ko pa lang sa kanya ay mejo naasiwa na ako sa kanyang ugali na gusto niyang siya lagi ang center of attraction at apple of the eye ng lahat. Sa totoo nung una ko pa lang siyang makita sa ay mejo humanga na ako sa kanyang ganda at mala super model na dating at sa height na 5’10” di mapag kakailang kahit sino ay nagkandarapang pansinin lang niya. Si Rina ang tipo ng taong ok ang lang sa simula pero pag lumabas na ang totoong ugali niya ay parang magsisisi ka na nakilala mo siya.

Akala ko nasa sarili kong flat ako, yun pala nasa bahay nanaman ako nila Rinaat as usual nasa kwarto niya ako. dahan, dahana akong bumangon at nag bihis saka nag lakad palabas ng kanyang kwarto. At agad na pag pihit ko ng door know ng pinto

“Saan ka pupunta? Wala man lang bang continuation ang nangyaring pambibitin mo sa akin kagabi?” ang pamugad na pag sasalita niya sa akin

Lumingon ako at saka nag salita “di ka pa nag sasawa sa katawan ko? Lagi na lang, halos araw-araw tayong nag tatalik rina!!”

“so the hell i care, because i know that this will be another big news na pag uusapan sa atin pag nalaman nila na laging may nagnyayari sa atin, pero matakot ka kasi pag ako nagalit kayang kaya kong sirain ang pinaka iingatan mong reputasyon pakatatandaan mo yan” ang sagot niya sa akin. Saka siya tumayo na walang paki alam kung may saplot ba siya sa katawan at saka pumasok sa banyo.

Di ko na lang ininda ang kanyang mga sinabi, pero alam kong kayang kaya niya yung gawin sa akin alam ko na sa simula pa lang na gingamit niya lang ako para mas lalo siyang sumikat at pag usapan ng lahat ng tao.
Aminado ako girl friend ko si Rina pero di ko siya mahal, at kahit na anung pag tatalik namin ay wala akong nararamdaman sa para sa kanya, its just sex and its not making love. Magkaiba kasi para sa akin ang sex at making love ay dalawang bagay. Kung sex alng habol niya sa akin ay kayang kaya kong ibigay sa kanya pero kahit kailan ay di ko pananagutan ang pwedeng mabuo sa loob niya. Pero alam ko kahit siya ay ayaw niyang may mabuo sa loob niya dahil sa masisira ang kanyang super model look. Kaya kampante akong makipag sex sa kanya kahit ilang beses pa. Pero nakakasawa rin pala ang ganung set up. Alam ko kaunting tiis na lang at makakawala na ako sa kanyang mga kamay.

Agad akong lumabas ng kanyang kwarto at saka dali daling bumaba ng hagdan para maka uwi na ako sa sarili kong flat na tinutuluyan. Habang nasa sasakyan ako patungo sa aking flat ay dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at pag check ko ng messages ko nagulat ako meron akong 30 messages recieved at lahat ay galing kay Felix. At lahat ay nagtatanong kung asan ako at kung may balak pa ba akong siputin ang aming review para sa nalalapit na scholastics decathlon.

“oh shit naman oh, bwiset talagang rina yun di man lang ako pina alalahanan na may review ako kagabi with felix, sigurado ako papatayin ako nun” ang nabanggit ko lang sa sarili ko habang nag drive ako pauwi sa flat ko.

Pag dating na pag dating ko sa flat ko ay agad akong sinalubong ni kuya at hawak hawak ang isang sobre.

“anu nanaman bang kabulastugan ang pinasok mo?” ang agad niyang bulyaw sa akin

Si kuya Jethro Miguel Fernandez, siya ang kuya kong perfectionist gusto niya lahat ng bagay ay perfect, at naayon sa plano siguro isa siya sa mga taong di kayang mabuhay pag wala ang planner niya.

“kuya naman, anu nanaman ba ang nirereklamo mo?” ang sagot ko nanaman sa kanyan araw-araw na lang ganyan ang bungad niya sa akin, at talagang inilalagay niya sa kanyang planner na lgi akong sermonan para daw ako tumanda at huwag nang gawin pa ang mga bagay bagay na sa tingin niya ay mali at di naayon sa plano.

“ito!!” sabay tapon sa akin ng sobre na kanyang hawak hawak.

Pag bukas ko ng sobre ay doon ko nakita ang laman nito, ang mga larawan, pero hinti ito ordinaryong larawan lang kundi ang mga larawan ito ng pag tatalik namin ni Rina.

“kuya saan mo ba ito nakuha?”ang tanong ko sa kanya

“bakit di mo basahin ang sulat sa loob nang malaman mo kung saan galing yan” ang pagalit nanamn niyang muling pag bulyaw sa akin.

Agad kong hinalugohog ang buong sobre at doon ko nakita ang nakalakip na sulat, mga magazine letters ang ginamit niya para di siya ma tarace pero alam ko iisa lang ang may pakana nito, at doon naka saad sa sulat na

“subukan mong mag loko at makikita mo masisira din ang pinakiingatan mong mr. Nice image, kaya kung ako ikaw sundin mo lang ang iniuutos ni madam”

Di ko na lang hintay pang unalin ulit ako ni kuya ng sermon, dali dali na lang akong pumasok ng aking kwarto at saka naligo. Wala na ako paki alam kung magalit pa sa akin si kuya dahil sa pagbabalewala ko ng mga larawang iyon, para kasi sa akin it not a big deal, its just sex and no strings attached. May ibang tao ang tinitibok ng puso ko pero and problema eh hanggang ngayon ay di ko pa siya kilala.

Oo di ko pa kilala ang tao pero mahal ko na siya, baliw na ako kung baliw pero totoo yun. Siya lagi ang nilalaman ng isip ko kung sino ang misteryosong taong lagi kong napapanaginipan.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis para naman puntahan at magpaliwanang kay felix, siguraod kasi akong uulanin din ako ng sermon ng taong yun at ayaw kong magyari iyon, masyado na atang napalapit ang loob ko sa kanya kaya ayaw kong magalit siya sa akin. Di ko siya kilalang kilala, di ko siya clasmate or anything were just partners when it comes to academic competition.

Habang nasabyahe ako ay sinubikan ko siyang tawagan, at tama ang hinala ko ka aga-aga ulan ng sermon ang aabutin ko sa kanya, di na ako sumagot pa at hinayaan ko na lamang siyang dumakdak ng dumakdak sa kabilang linya. Paraan ko ito para kahit papanu ay di na singtindi ang sermon niya sa akin pag dating ko sa bahay nila. Pagkatapos ng 5 minutong sermon sa cellphone ay bigla na niya itong pinatay tanda ng tapos na siya, pero alam ko di pa siya lubusang kumakalma at alam ko kung papanu siya paamuhin.

Matagal na rin naman kasi kaming nagiging mag partner ni felix sa mga competition kaya mejo sanay na ako. noon pa man ay may duda na ako na parang may kauting kakaiba sa kanyang mga kilos at galaw lalong lalo na pag andiyan ako. pero never ko siyang tinanong tunkol dito dahil sa nirerespeto ko ang kanyang private life, i mean di nga kami super close tapos mangangahas akong mag tanong ng ganun. Kaya hanggang sa nakasanayan na namin ang routine na nagsasama lang kami pa gmay review at pag may competition pero aside from that eh wala na.

Pag dating na pag dating ko sa bahay nila ay nagulat ako nang ibang tao ang nakita kong bumukas ng pinto. Agad akong pumasok at saka doon ko nakita si Felix na napapalibutan nanaman ng sangkatutak na libro at nag aaral. Nang medyo nakalapit na ako ay agad siyang nagsalita

“buti naman dumating ka pa, matapos mong sirain ang magandang plano na inihanda ko para sa ating review. At siya nga pala bago na ang ating coach nag back out na kasi si Prof. Mendez dahil hindi na niya kaya pa agn sumama sa atin sa mga byahe kaya ipinalit niya si sir Cruz” ang sabi habang subsob parin sa pag babasa ng mga libro

Tumalikod ako at saka doon ko nakita ang bago naming coach. Iniabot niya ang kanyang kamay  at saka nag pakilala

“Hi I’m Prof. Cruz, Aelvin Cruz..” ang pagpapakilala niya agad sa akin
Matangkad at gwapo si sir cruz kung pagbabasehan mo ang kanyang hitsura ay aakalain mong isa siyang studyante.

Matagal ko nang naririnig ang pangalan niya sa aming university lalo na isa siya sa mga outstanding alumni ng aming university at di ko inaasahan na siya ang papalit kay Prof. Mendez bilang bagong coach namin.
Pagkatapos naming makakilala ni prof cruz ay umupo ako sa tabi ni felix at doon na nag simula ang pag review ko kasama siya para sa nalalapit na Scholastics Decathlon sa susunod na bwan.

Itutuloy....

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP