DAGLAT presents: SEE LAU

Saturday, June 11, 2011

annexb.wordpress.com
iam.emildelosreyes@yahoo.com
-------------------------------------


labis ko pong ikakatuwa kung magiging friends tayo sa facebook at ym at kung dadalawin din po ninyo ang aba kong blog. Hmmm..

PAUMANHIN po kung matagal ang naging update ko sa SEE LAU. Ito na po ang KABUUAN ng SEE LAU: Ang Unang Aklat. Sana po ay subaybayan naman ninyo ang ikalawang handog ang BOOD HEE: Bisa ng Unang Mahika.

-sa nagtatanong po kung sa Pulilan ako, OPO, pero sa Plaridel po ako nakatira ngayon at may bahay po kami sa Pulilan.

BASTA SORRY po sa mga bilang na readers ko na napabayaan ko.

Kay KUYA ZACH - bakit hindi ka na po nagpaparamdam sa akin?
Kay MASTER KUYA BX - miss ko na po ang criticisms mo.
Kay KUYA JAYSON - hindi po worthy na basahin iyong essay na gagawin ko.
Kay MAMA D - salamat sa update sa fb, kahit wala pong feedback galing sa akin.

-------------------------------

DAGLAT presents:
SEE LAU
--------------------------------

Unang Bahagi: /oo-nah-ng/ - /ba-ha-gee/
Fierro – Martin – Cris
“Sakit ng ulo ko!” reklamo ng pupungas-pungas pang si Martin.
“Kasi naman nagpaumaga ka pa ng tulog eh.” sagot naman ni Danielle sa kaibigan.
“Paanong hindi magpapaumaga eh ang kulit-kulit mo sa chat kabagi. Parang hindi tayo magkikita ngayon.” sagot naman ni Martin dito.
“May sinabi ba akong makipagkulitan ka sa akin?” agad na sagot ni Danielle.
“Wala.” mahinahong sagot ni Martin. “Daan muna tayo sa loob ng Robinson.” aya pa nito. “May bibilin lang ako.” saad pa ng binata.
“Sige ba!” masaya at napangiting tugon ni Danielle.
“Ano na naman at ngiting aso ka?” nahihiwagaang tanong ni Martin kay Danielle.
“Wala!” maang na sagot ni Danielle.
Sa loob ng Robinson –
“Good Morning Sir!” simulang bati ng baggage counter kila Martin at Danielle.
“Good Morning!” nakangiting sagot dito ni Martin.
“Good Morning din!” sagot naman ni Danielle na may malanding ngiti.
“Wah!” biglang kurot ni Danielle kay Martin sabay hampas sa binata.
“Aray naman!” reklamo ni Martin sa kaibigan. “Naglulumampong ka na naman.”
“Amfness!” sagot ni Danielle na kita pang kinikilig. “Ang cute niya!” saad pa nito.
“Gaga!” awat ni Martin. “Hindi iyon papatol sa tulad mo.” kontra naman nito.
“Ah basta! Cute niya, ang ganda ng eyes n’ya, ang ganda ng ngiti niya, ang dimples niya.” simula ni Danielle sa pagkukwento.
“Kilabutan ka nga!” tutol ulit ni Martin sa kaibigan.
“Tara na labas na tayo!” pagpupumilit na aya ni Danielle sa kaibigan.
“Hindi pa ako nakakabili ng bibilin ko nag-aaya ka na agad.” reklamo pa ni Martin.
“Haysus! Manong bilisan mo!” sabi naman ni Danielle sabay hatak kay Martin papunta sa shelves.
Pagkabayad sa counter –
“Hi!” bati ni Danielle sa taong nasa baggage counter kasunod ang malanding ngiti.
“Lumandi na naman.” mahinang bulong ni Martin.
“Arayy!” biglang napaaray si Martin dahil sa pagdiin ni Danielle sa heels ng sapatos niya sa paa ng binata.
“Hello!” nakangiting at pigil ang tawang turan ng nasa counter.
“Lagot ka sa akin maldita ka!” pagbabanta ni Martin kat Danielle.
“Emartinio Masungkal” sabi ng lalaki habang nakatingin kay Martin.
“Hala!” gulat na gulat si Martin saka napatingin sa suot niyang id.
“Emartinio Masungkal! Friend takpan mo nga iyang mabahong mong pangalan.” natatawang biro ni Danielle sa kaibigan.
“Very unique name!” nagpipigil na tawang sagot ng lalaki.
“Ang angas!” sa isip-isip ni Martin sabay titig ng masama sa lalaki. “Yeah! Very unique!” may pilit na ngiting tugon niya.
“Kilala mo pa ba ako?” agad na tanong ng lalaki kay Martin.
“How can I know you? Feeling ko first time nating nagkita.” nahihiwagaang sagot ni Martin.
“It has been fifteen years the last time I saw you.” tugon naman ng lalaki. “Hindi na nga kita nakilala pero sigurado ako, ikaw lang ang may ganyang pangalan.” saad pa ng lalaking may simpatikong pagkakangiti.
“Fifteen years?” lalong nahiwagaang sabi ni Martin. “Are you really sure?” paninigurado ni Martin habang inaalala kung sino ang kaharap niya at nagpapakilalang kakilala niya.
“Do you think anyone will have such a unique name like yours?” balik na tanong pa nito.
“Sorry but I can’t remember?” biglang bumakas ulit ang asar ng binata nang muling madali ang pangalan niya.
“Wala pa ding nagbabago Martin!” sambit pa ng lalaki. “Umaasim pa din ang mukha mo dahil sa pangalan mo.” natatawang sabi pa nito.
“Pwede namang magpakilala bakit pinapatagal pa.” may inis na sa tinig ni Martin.
“Sorry!” paumanhin ng lalaki. “Fierro!” pakilala ng lalaki.
“Fierro?!” lalong naguluhang tugon ni Martin.
“Goodness!” usal ng lalaki. “Si mommy hipon, si daddy hipon, si baby hipon!” tila pagpapaalala ni Piero kay Martin.
“Kuya Perry?!” biglang usal ni Martin na naalala na kung sino ang kaharap.
“Gotcha!” napangiting tugon ni Fierro. “Akala ko hindi mo pa ako maaalala! Magtatampo na sana ako.” sabi pa ng binata.
“Bakit naman Fierro na ang pangalan mo?” nagtatakang tanong ni Martin.
“Siyempre naman! Luma na ang Perry kaya dapat palitan na.” nakangiting sagot ng lalaki.
“Basta, Kuya Perry pa rin ang itatawag ko sa’yo.” pamimilit ni Martin.
“Hay, makulit ka pa din!” sagot naman ni Fierro.
“Talagang ganuon Percival Gutierrez!” sagot ni Martin. “Mas malapit sa pangalan mo ang Perry kaysa sa Fierro.” pamimilit ni Martin.
“Bahala ka nga!” nakangiting tugon ni Fierro.
“Aray naman Danielle!” reklamo ulit ni Martin sabay tingin kay Danielle at nakuha naman niya ang nais ipahiwatig ni Danielle na kanina pag nakikinig sa dalawa.
“Kuya Perry, this is Danielle!” pakilala ni Martin sa kaibigan.
“Danielle, this is Kuya Perry!” pakilala naman ni Martin kay Fierro.
“Nice meeting you Danielle!” nakangiting bati ni Fierro sabay abot ng kamay. “Call me Fierro.” sabi pa nito.
“Hi Fierro!” malanding tugon ni Danielle. “I’m Danielle but you can call me Dan!” sabi pa ng dalaga.
“Umayos ka nga Danielle! Mukha kang kaladkaring babae sa inaasal mo!” biro ni Martin kay Danielle.
“Loko mo!” sabi ni Danielle saka binatukan si Martin.
“Sige kuya!” paalam ni Martin kay Fierro. “Igagapos ko muna itong unggoy na’to! Baka mapagalitan ka na din ng supervisor ninyo.” saad pa ni Martin.
“Ingat kayo!” sagot naman ni Fierro. “Daan ka na lang ulit mamaya dito.” pahabol pa ng binata saka kinawayan ang paalis nang si Martin.
Ngiti lang ang itinugon ni Martin sa Kuya-kuyahan saka kumaway na din hudyat ng pamamaalam.
“Ang landi mo talaga!” bati ni Martin kay Danielle pagkasakay nila ng bus.
“Wafakelz! Nambabasag ka ng trip eh.” reklamo pa ng dalaga.
“Asa ka friend! Tao lang ang pinapatulan nun!” sabi pa ni Martin saka tumawa ng mahina.
“Kainis ka!” sabi ni Danielle saka kinurot sa tagiliran si Martin.
“Aray!” biglang reaksyon ni Martin.
“OA!” sabi naman ni Danielle. “Hindi pa nga nadidiin aray na agad.”
“Siyempre para hindi mo na ituloy.” nakangising wika ni Martin.
“Hay ang gwapo ni Fierro!” pag-iiba pa ni Danielle sa usapan.
“Fierro na naman!” asar na wika ni Martin saka tinalikuran si Danielle.
“Selos ka na naman!” saad ni Danielle saka hinatak ang isang braso ni Martin saka isinandig ang ulo dito.
“Asa ka naman!” kontra ni Martin.
“If I know crush na crush mo ako!” sabi pa ni Danielle.
“Asa ka naman tsong!” tutol ulit ni Martin.
“Wala ka bang ibang alam kung hindi tumutol?” sagot naman ni Danielle saka binatukan si Martin.
“Kung hindi ka lang babae!” pagbabanta ni Martin.
“Sorry ka! Babae ako!” tatawa-tawang sabi ni Danielle.

Naunang bumaba ng bus si Danielle kay Martin. Tulad ng nakagawian, ordinaryong buhay na naman ang kinaharap maghapon ni Martin. Laging nauunang umuwi si Martin kaysa kay Danielle dahil hanggang tanghali lang ang klase ng binata. Ngayon nga ay nakasakay na siya ng bus pauwi at kasalukuyang nakatingin sa bintana. Iilan lang ang laman ng bus bago umalis sa terminal, mabibilang lang ito sa daliri.
“Saan po kayo boss?” tanong ng kundoktor kay Martin.
“Pulilan, Estudyante.” sagot ni Martin saka abot sa id niya sa kundoktor.
Nangingisi naman ang kundoktor habang isinusulat nito ang pangalan ni Martin sa likod ng ticket.
“Is there any problem sir?” pikon na sabi ni Martin.
“Nothing Sir!” sagot naman ng kundoktor na hindi mapigilan ang sarili.
“Sosyaling kundoktor ‘yun! English speaking!” bulong ni Martin sa sarili.
Dahil nga sa mahaba pa ang byahe ay ipinasya ni Martin na sumaglit muna ng idlip pagkakuha sa kanya ng bayad.
“Bossing! Pulilan na po tayo!” sabi ng kundoktor sabay yugyog sa binata.
“Ha?” pupungas-pungas na tugon ni Martin sa kundoktor.
“Pulilan na po Sir Emartinio!” saad ng kundoktor na may simpatikong pagkakangiti.
“Salamat!” inis na tugon ni Martin sa kundoktor na katabi niya sa upuan saka asar na tumayo at lumapit sa pintuan ng bus at bumaba kaagad pagkahinto niyon.
“Bwisit na kundoktor iyon!” mahinang usal ni Martin habang naglalakad papunta sa terminal ng jeep.
Pagkakita niya sa malaking signboard ng Robinson ay naalala niyang pinapabalik siya ng Kuya Perry niya pakauwi niya. Walang pagdadalawang-isip na pinasok niya ang Robinson saka iginala ang mga mata at hinanap ang pamilyar na anyo.
“Saang lupalop ng mall ko naman kaya mahahagilap ang lalaking iyon?” mahinang usal ni Martin.
Pumunta sa baggage counter sa pag-asang anduon si Perry subalit laking kalungkutan niya ng walang anino ni Perry ang sumalubong sa kanya. Pumasok siya sa loob sa pag-asang makakasalubong niya duon si Perry subalit ilang oras na din siyang paikot-ikot ay walang Kuya Perry siya na nakikita. Ipinasya niyang lumabas na lang ng mall at umuwi na. Kumuha muna siya ng KitKAt dala na din ng hiya sa ilang oras niyang pag-iikot sa loob.
“Loko talaga iyon! Sabi niya bumalik ako pagka-uwi ko, siya naman pala ang wala.” may inis na saad ni Martin sa sarili.
“Okay na po Sir!” nakangiting bati ng cashier sa nag-aabot nang bayad na si Martin.
Ngiti lang ang sagot ni Martin habang inaabot pa din ang bayad.
“Okay na po Sir!” ulit uli ng cashier.
“Here! Eto po iyong bayad ko.” naguguluhan at nahihiwagaang pilit ni Martin.
“Bayad na po Sir!” sagot naman ng cashier.
“What do you mean?” nagtataka at paninigurado ni Martin.
“Bumalik na lang po kayo bukas para malaman ninyo iyong sagot.” tugon naman ng cashier.
“Hindi ba pwede ngayon?” pamimilit ni Martin. “Am I your lucky 100th customer this day or your 1000th this week or your millionth customer this year?” tanong pa ni Martin.
“Be back tomorrow Sir! Nakakahiya po sa nasa likod ninyo kasi.” katwiran ng cashier.
“Okay!” sagot ni Martin saka tingin sa likuran niya at nakitang mahaba ang pilang kasunod niya. Walang nagawa si Martin kung hindi ang umalis na lang at nagdadalawang-isip kung seseryosohin ba niya ang sinabi ng cashier na bumalik kinabukasan.
“Pinapasabi po ni Fierro na bumalik daw po kayo bukas ng umaga.” sabi ng guard na hinarang si Martin bago tuluyang makaalis.
“Salamat!” pasasalamat naman ni Martin sa sinabing iyon ng guard at napangiti dahil sa napaisip siyang si Kuya Perry niya ang may kagagawan niyon.
Kinagabihan –
“Nay, do your remember Kuya Perry?” tanong ni Martin sa nanay niya habang kumakain ito ng hapunan.
“Yes anak, siyempre naman.” sagot ng nanay ni Martin. “How can I forget brilliant kid like Percival.” dugtong pa nito. “Bakit mo naman naitanong?” balik na tanong ng ina ni Martin.
“I met him kanina sa Robinson. Sa baggage counter.” sagot ni Martin .”Di ba mayaman sila, why is he working as baggage man?” tanong pa ni Martin. “Di’ba isa sila sa may-ari ng Pulilan Colleges?” paninigurado pa ng binata.
“Malay ko.” pakling tugon ng ina ni Martin. “Alam ko pagkasara nung eskwelahan nila lumipad sila sa Texas, then that’s the last thing I’ve heard about them.” sagot pa nito.
“Kaya pala Fierro na ang nickname niya! Amboy na pala si Kuya Perry.” nakangising tugon ni Martin.
Pagkahiga ni Martin ay hindi niya mapigilan ang sarili na alalahanin ang nakaraan at buhayin ang alaala ng kahapon. Biglang nabuhay ang interes niya sa kaugnayan nila ng kuya Perry niya. Pilit at unti-unti niyang binubuo ang alaala ng kamusmusan niya, labing-limang taon na ang nakakalipas.
“Madam, this is my son Martin.” pakilala ng nanay ni Martin sa anak.
“Hello Martin!” nakangiting bati kay Martin ng ginang na kaharap na may bitbit ding bata na sa tantya niya ay mas matanda ito sa kanya.
Agad na nagtago si Martin sa likuran ng ina na tila ba nahihiya sa kaharap.
“Good Morning tita!” bati naman ng kasama ng ginang sa ina ni Martin. “Siya po ba ang anak ninyo?” bibong habol pa nito.
“Yes hijo! Siya nga iyong madalas kong ikwento na ipapakilala ko sa iyo.” sagot naman ng nanay ni Martin.
“Martin anak! He is your kuya Perry, play with him muna while I’m in the class.” bilin ng ina ni Martin sa bata.
“Hello Martn! Tara duon tayo sa oval!” aya ni Perry kay Martin sabay kuha sa kamay ng bata.
“Ilang taon ka na?” tanong ni Perry kay Martin habang nakaupo sila sa damuhan sa gitna ng sikat ng araw.
“Four” sagot ni Martin na nakamostra pa sa daliri nito ang bilang na apat.
“Sabi ko na nga ba, mas matanda ako sa’yo.” sagot ni Perry dito. “I’m eight.”
Nahihiya pa din si Martin at hindi alam kung papaano aalisin ang hiya na iyon sa katawan niya. Likas na ang pagkamahiyain kay Martin at isa ata ito sa katangian na pilit na binabago sa kanya ng kanyang nanay.
“Duon tayo sa likod ng stage!” aya ni Perry kay Martin saka muling hinila ang bata sa kamay.
“Ano naman ang gagawin natin duon?” tanong ni Martin sa bagong kilalang kaibigan.
“Basta madaming puno dun! Malilim saka malamig din. May kubo din akong pinagawa dun, tambayan ko.” pagkukwento ni Perry kayMartin.
“Talaga? May kubo dun?” paninigurado ni Martin na umaliwalas ang mukha.
Ilang sandali pa nga at narating na nila ang sinasabing likod ng stage na iyon.
“Wow!” reaksyon ni Martin. “Ang daming bunga ng puno.” paghanga pa nito saka tumakbo. “Wow!” muling naibulalas ng bata. “Kita din ang ilog!” sabi pa nito.
“Maganda talaga dito sa palasyo ko!” pagyayabang naman ni Perry saka inakbayan si Martin. “Pwede ka ding mamangka d’yan.” saad pa nito.
“Talaga kuya Perry?” buong paghangang tanong ni Martin.
“Oo naman! Kaso wala akong bangka ngayon eh.” pagdadahilan ni Perry.
“Sayang! Gusto ko pa namang mamangka.” malungkot na sabi ni Martin.
“Papagawa ako kay Tata Nato ng bangka para makapamangka na tayo.” pagpapangiti ni Perry kay Martin.
“Talaga?” umaliwalas ang mukha ni Martin sa sinabing iyon ni Perry.
“Kita mo ang ganda mong tingnan pag nakangiti ka!” sabi pa ni Perry saka hinawakan sa baba si Martin. “Mamitas na muna tayo ng makopa, daming bunga oh!” aya pa nito kay Martin.
Iyon ang naging simula ng pagkakaibigan nilang dalawa. Mula ng araw na iyon ay lagi nang sumasama si Martin sa nanay niya sa pagpasok sa Pulilan Colleges at laging nasa kubo nila ni Perry habang nagtuturo ang ina. Lagi din silang naglalaro ni Perry tuwing kagagaling nito sa eskwelahan. Palibhasa ay grade three na si Perry at si Martin naman ay papasok pa lang sa Nursery sa susunod na taong pampaaralan.
Kinabukasan, hindi kasabay ni Martin si Danielle dahil walang klase ang dalaga kung kayat siya lang mag-isa ang dumaan sa Robinson para makita ang kuya Perry niya. Pagkapasok sa loob ay iginala niya ang paningin habang naglalakad at hinanap ang pamilyar na anyo na dahilan ng pagpasok niya sa nasabing mall. Dumaan siya sa baggage counter at iniwan ang gamit duon ngunit hindi kagaya ng nangyari kahapon, iba ang sumalubong sa kanya sa baggage counter. Muli niyang inilibot ang mga mata at hinahanap ang isang mukhang dahilan ng pagsadya niya sa mall.
Kalahating oras na ding paikot-ikot si Martin subalit wala siyang makitang Percival. “Nanggagago ata iyong Percival na’yun!” inis na turan ni Martin saka nagmamadaling lumakad paalis ng supermarket.
“Sir may nagpapabigay po!” harang kay Martin ng guard.
“Ano yan?” tanong ni Martin saka tiningna ang inaabot sa kanya ng guard. “Hindi naman ako bumili ng chocolates ah.”
“Kaya nga po may nagpapabigay eh.” paglilinaw ng guard.
“Sorry! Sabi ko nga!” may itinatagong asar na turan ni Martin.
“Balik na lang daw po kayo mamaya pagkauwi ninyo.” sabi pa ng guard.
“Sinong nagpapabalik sa akin?” tanong ni Martin dito.
“Si Fierro po.” sagot ng guard. “Nagbilin po kahapon na hindi siya makakapasok ngayon umaga kaya mamayang hapon na lang daw po kayo pumunta.” balita pa ng guard.
“Ginagago ba ako ng Fierro na iyan?” tanong ni Martin.
“Hindi po! May emergency lang daw po talaga.” sabi pa ng guard.
“Sige salamat.” sabi ni Martin saka lumakad paalis.
“Boss iyong pinapabigay po ni Fierro.” Haboil pa ng guard.
“Sorry! Pasabi siya mismo ang gusto kong magbigay niyan sa akin.” may nakakalokong ngiting tugon ni Martin.
Naiwan naman ang guard na napapakamot ng ulo dahil sa inasal na iyon ni Martin.
Asar na sumakay ng bus si Martin. Sa kamalasan, puno ang bus na iyon kaya naman nakatayo siya.
“Boss, saan po?” tanong ng kundoktor kay Martin.
“Cubao, Estudyante!” sabi ni Martin saka abot sa id nito.
“Okay na po Sir Emartinio.” sabi ng kundoktor saka inabot ang ticket niya.
Biglang napatingin naman si Martin sa kundoktor. “Ikaw na naman!” gulat na usal ng binata.
“Ako nga! Nakikita mo naman di’ba.” nakangising tugon ng kundoktor kay Martin.
“Ewan!” sagot ni Martin saka kuha sa bulsa niya ng pasahe.
“Huwag na! Libre ko na!” sagot naman ng kundoktor saka hinarap ang isa pang pasahero.
“Hoy! Ito na oh!” pamimilit ni Martin.
“Kulit! Sabing sagot ko na!” katwiran ng kundoktor. “Basta huwag ka ng magsusungit sa akin!” sabi pa nito.
“Masungit ba ako?” paninigurado ni Martin.
“Ay hindi!” satirical na sabi ng kundoktor.
“Bahala ka nga!” sabi ni Martin.
Sa wakas ay nakaupo din si Martin pagdating ng SM North EDSA. Nagulat na lang ang binata ng tabihan siya ng kundoktor.
“Paupo ah!” sabi nito.
“Sure!” sagot ni Martin.
“I’m Cris!” pakilala ng kundoktor kay Martin saka inabot ang kamay.
“Martin.” maikling tugon ni Martin.
“Emartinio na lang!” pamimilit ni Cris kay Martin.
“Wag kang maingay! Baka may ibang makarinig.” pigil ni Martin kay Cris.
“Bakit ba ayaw mo sa Emartinio? Ang ganda nga, unique!” pamimilit ni Cris kay Martin.
“Basta tahimik ka na lang.” sagot ni Martin.
“Sabi mo eh!” sagot ni Cris.
Tahimik ang pagitan ng dalawa hanggang sa dumating sa terminal si Martin.
“Salamat nga pala!” pasasalamat ni Martin bago tuluyang bumaba ng bus.
“Walang anuman!” simpatikong wika ni Cris.
Sinuklian naman ng ngiti ni Martin ang sagot na iyon ni Cris.
Katanghaliang tapat ang uwian ni Martin, pagkababa ng lrt, tulad ng nakagawian ay dumadaan muna siya sa McDonalds para bumili ng baon niya sa byahe pauwi at tanghalian na din niya. Paglalakad siya habang papunta sa terminal habang nilalaro ng dila ay straw ng coke float na binili niya.
“Good Afternoon Sir Emartinio.” nakangiting bati ng isang pamilyar na tinig kay Martin.
“Ikaw na naman.” napahinto sa pasakay nang si Martin.
“Ano pong bago Sir Emartinio?” nakangiting tanong pa ni Cris.
“Don’t tell me ikaw ulit ang kundoktor nito?” tanong ni Martin saka tuluyang sumakay ng bus.
“Opo Sir Emartinio.” may simpatikong pagkakangiting turan ni Cris.
“Next bus na nga lang ako.” sabi ni Martin saka akmang bababa.
“Dito ka lang Sir Emartinio.” sabi ni Cris saka hinatak si Martin paupo sa isang upuan at tinabihan niya ito agad.
“Hanep na kundoktor ka!” bati ni Martin dito. “Bakit ikaw na naman ang kundoktor?” tanong pa ng binata.
“Sir! Trainee! Nababasa po ba ninyo?” tanong ni Cris kay saka pinakita ang id nito.
“Christopher pala pangalan mo.” sambit ni Martin.
“Opo Sir Emartinio.” sagot naman ni Cris.
“Please huwag mo na akong tawaging Emartinio. Martin na lang.” pakiusap ni Martin kay Cris.
“Ayoko! Ako na lang sasagot ng pasahe mo basta Emartinio ang itatawag ko sa’yo.” pamimilit ni Cris.
“Bahala ka nga.” sagot ni Martin na sa totoo lang ay nabaliwala na sa kanya kung Emartinio man ang itawag sa kanya nito o hindi.
Matapos makapagticket ni Cris ay tinabihan nito ulit si Martin. Buong byahe silang magkatabi at nagkukwentuhan. Masaya ang byaheng iyon para kay Martin, iba ang naging gaan ng loob niya para kay Cris at sa tingin niya ay may kung anong sumisingit na damdamin sa kanya.
“Salamat Cris sa kwento mo ah.” nakangiting pasasalamat ni Martin kay Cris.
“Kita mo, mas bagay sa’yo ang nakangiti kaysa sa nagsusungit ka.” pahabol naman ni Cris.
“Hindi kaya ako nagsusungit.” sagot naman ni Martin.
“Ingat ka Emartinio.” pag-aalala ni Cris kay Martin.
“Salamat! Sa’yo din! Ingat ka.” nakangiti nitong sinabi saka lumakad na papunta sa pintuan ng bus at kumaway kay Cris bago tuluyang bumaba.
“Mabait naman pala iyong Cris na’yun.” mahinang usal ni Martin.
Masayang naglalakad si Martin papunta sa sakayan nang muling maalalang pinapabalik siya ng Kuya Perry niya sa loob ng mall. Hindi na nag-akasaya ng panahon si Martin para luminga-linga pa. Agad niyang pinutahan ang guard na kausap niya kanina at duon na nagtanong.
“Good Afternoon Sir.” bati ng guard.
“Good Afternoon, nand’yan na ba si Fierro?” tanong ni Martin sa guard.
“Opo Sir! Sandali lang po ah, tawagin ko lang.” paalam naman ng guard.
“Samahan na kita.” sabi pa ni Martin.
Pumasok ang guard sa isang tila opisina samantalang siya ay naiwan lang sa may pinto. Hindi pa man nagtatagal ay lumabas na ang guard at agad nitong kinausap ang pinakamalapit na staff.
“Nasaan si Fierro?” tanong ng guard dito.
“Nasa loob ah.” nagtatakang sagot ng staff.
“Wala eh.” sagot naman ng guard dito.
“Naku baka umalis. Inutusan kasi ni Sir Pete kanina.” sagot naman ng babaeng staff.
“Ganun ba.” sagot ng guard. “Sir Martin.” sabi ulit ng guard saka hinarap si Martin.
“Got it!” nakangiting tugon ni Martin. “Salamat ah.” Pasasalamat nito saka humakbang palayo.
“Sir! May ipinapabigay po si Fierro sa inyo.” habol pa ng babaeng kausap nila kanina.
“Pasabi personal niya kamong ibigay sa akin.” pilit ang pagkakangiting turan ni Martin.
Kumuha muna si Martin ng KitKat sa isang shelves saka Pic-A at pumunta ng cashier.
“Thank you Sir.” sabi naman ng babae na hindi kinukuha ang bayad ni Martin.
“Don’t tell me sinabi na naman ni Fierro na siya ang sasagot?” tanong ni Martin.
“Opo, iniwan mo po Fierro iyong card niya just in case na may bibilin daw po kayo siya na ang sasagot.” tugon pa ng kahera. “Dahil po sa hindi pa abot sa minimum iyang purchased product ninyo may dagdag pa po iyan.” paliwanag pa din ng babae kay Martin.
“Thank you.” nakangiting sabi ni Martin saka kinuha ang pinamili niya at lumapit sa guard na kausap niya kanina.
“Sige po Sir Martin, sasabihin ko na lang po kay Fierro na dumaan kayo.” sabi pa ng guard.
“Salamat, saka pakibigay na ‘to sa kanya.” pasalamat ni Martin saka bigay sa guard ng nabiling si Fierro ang nagbayad.
“Pero Sir?” tutol sana ng guard.
“Pasabi na sa susunod huwag siyang indayenero.” pilit na pilit na wika ni Martin saka lumakad palabas sa mall.
“Fierro.” bati ng guard sa palabas na si Fierro.
“Nakaalis na ba?” tanong ni Fierro sa guard.
“Napikon ata sa’yo.” pagbabalita ng guard kay Fierro.
“Hayaan mo na ‘yun. Ako na ang bahala.” sagot naman ni Fierro.
“Bakit ba kasi ayaw mong magpakita kay Martin?” tanong ng guard dito.
“Ako na ang nakakaalam nun pare! Basta tulong na lang muna ikaw.” sabi naman ni Fierro dito.
“Sabi mo eh!” saad naman nito.
Samantalang –
“Lintek na Percival iyon! Lakas ng trip!” sa isip-isip ni Martin.
Yamot na sumakay si Martin ng jeep at bumiyahe pauwi sa kanila. Pinilit alisin ang inis niya para sa Kuya-kuyahan at pilit na pinakalma ang sarili.
Kinagabihan –
“Martin!” bati ng kauuwi lang na nanay ni Martin.
“Ginabi na po kayo masyado.” sabi naman ni Martin sa ina.
“Nakita ko kasi si Perry sa mall kaya ginabi ako. Nag-usap pa kami.” balita naman ng nanay ni Martin sa kanya.
“Okay.” tila niaba ang timpla ni Martin sa kwentong iyon ng nanay niya.
“Laki ng iginuwapo ni Fierro. Swerte ng mapapangasawa nun.” saad pa ng ina ni Martin.
“Gwapo? Saang banda?” kontra ni Martin sa ina. Sa totoo lang ay lalong humanga si Martin sa kagwapuhan ng kuya Perry niya. Masasabing gwapo din ang seven years old na Perry na nakilala niya pero mas kahanga-hanga ang twenty-three years old na Fierro ngayon, magandang tikas, magandang kutis, magandang mukha at matipunong katawan.
“Martin! Kung sana maalaga ka din sa katawan mo, malamang kasing-gwapo mo si Fierro.” may panghihinayang sa tinig nang matanda.
“Si nanay! Assuming masyado.” kontra naman ni Martin.
“Ito, pinapabigay niya sa’yo.” sabi ulit ng nanay ni Martin saka abot sa dalawang paperbags. “Sorry din daw kasi hindi ka niya nasisipot.” saad ulit ng matanda.
“Pati ba naman iyong sinabi niya.” naibulalas ni Martin saka inabot ang pinapabigay sa kanya ni Perry.
“Hala! Ang kulit talaga nung mokong na iyon!” reaksyon ni Martin pagkabukas niya sa isa sa paperbag. “Sabing siya ang magbigay sa akin ng personal.” saad pa ng binata.
“Sabi nga din pala ni Fierro, magkita daw kayo bukas bago ka pumasok. Sisipot na daw talaga siya.” sabi ng nanay ni Martin.
“Maghintay siya!” tanging sagot ni Martin sa ina.
At sumapit na nga ang kinabukasan, magkasabay na naman sila Martin at Danielle –
“Friend! Pasok ulit tayo sa Robinson.” aya ni Danielle sa kaibigan.
“Ayoko nga!” tutol ni Martin.
“Sige na naman!” pakiusap ni Danielle. “Gusto kong makita si Fierro.” pamimilit pa ng dalaga.
“Ikaw! Pumasok ka kung gusto mo!” sagot ni Martin sa kaibigan saka naglakad ng mabilis papunta sa bus stop.
“Eto naman oh! Kill joy!” reklamo ni Danielle sa kaibigan.
Sa totoo lang ay magdamag na pinag-isipan ni Martin kung dadaan ba siya ulit sa mall. Nais na muli niyang makita si Kuya Perry niya pero dala na din ng inis at asar sa ilang beses na hindi nito pagsipot ay ipinasya niyang siya na naman niyang pagganti ngayon.
====================================================

Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wa-ang/ - /ba-ha-gee/
A – B – C – D
“Ikaw na naman?” naibulalas ni Martin ng makilala kung sino ang kundoktor sa bus na sinasakyan niya.
“Co-incidence.” makahulugan at nakangiting sagot ni Cris kay Martin.
“Co-incidence?!” ayaw maniwala sa sagot ni Cris na tugon ni Martin. “Baka naman sinasadya mo na lang? Palipat-lipat ka ng bus.” dugtong pa nito.
“Hindi kaya!” tanggi naman ni Cris. “Hindi daw kasi masakay ng ganitong oras kaya mas madali daw matuto.” sagot pa nito.
“Sabi mo eh.” pilit pa ding pinapaniwala ni Martin ang sarili sa sagot ni Cris.
“Huwag kang magpapatabi ah!” bilin ni Cris kay Martin. “Tatabi ulit ako sa’yo.” nakangiti pa nitong paalala.
“Sabi mo eh!” napangiting sagot ni Martin. Hindi maipaliwanag ni Martin kung bakit gusto niya ang ideyang makatabi si Cris sa upuan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ba nagiging malaking bagay sa kanya na matabihan nito at makausap.
“Asan na ticket ko?” tanong ni Martin kay Cris pagkaupo nito sa tabi niya.
“Titicketan pa! Huwag na!” nakangising wika ni Cris.
“Baka masisante ka niyan! Bago ka pa lang nagloloko ka na.” nag-aalalang sabi naman ni Martin.
“Hindi yan!” kontra ni Cris.
“Sige na! Asan na ticket ko!” pilit ni Martin kay Cris.
“Huwag na sinabi! Kay kulit naman!” pagtutol pa din ni Cris.
“Akin na yang ticket at ako magtiticket sa sarili ko!” sabi ni Martin saka kinuha kay Cris ang ticket.
“Pasaway!” sagot ni Cris saka taas ng kamay niyang may hawak ng ticket.
“Akin na yan sabi!” pamimilit ni Martin saka tumayo para abutin ang nasa kamay ni Cris.
“Bawal nga!” biglang baba naman ni Cris sa kamay ngunit nahabol agad ito ni Martin at nakuha ang ticket.
Biglang niyakap ni Cris si Martin na tipong pinipigilan niya ang binata sa ginagawa nito.
“Pakawalan mo nga ako.” natatawang turan ni Martin.
“Balik mo muna iyan sa akin!” sagot naman ni Cris saka idiniin ang baba niya sa balikat ni Martin.
Malutong na tawa ang naging tugon ni Martin sa ginawang iyon ni Cris.
“Akin na yan!” saad ulit ni Cris habang patuloy pa din niyang kinikiliti si Martin.
“Ayoko nga! Ticketan mo muna ako!” tanggi pa din ni Martin.
“Hay! Ang ‘ulit!” nakayakap pa din si Cris kay Martin.
“Tigil na!” sabi ni Martin. “Hinihingal na ako.” sabi pa ng binata saka bigay kay Cris ng ticket ng bus.
“Bibigay ka din pala!” nakangiting saad ni Cris. “Pinahirapan mo pa sarili mo.” dugtong pa nito.
“Saka nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” katwiran pa ni Martin.
“So what?” sagot naman ni Cris na pinapungay ang mga mata at tiningnan si Martin sa mga mata. “Who cares about them?” tanong pa ng binata.
“Sosyaling ingleserong kundoktor talaga ‘to.” sa isip-isip ni Martin. “Baka isipin nila bakla tayo.” paliwanag pa nito.
“Bakit binigyan mo bang malisya iyong ginawa ko sa’yo kanina?” tanong naman ni Cris kay Martin.
Biglang natigilan si Martin sa tanong na iyon ni Cris. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Sa katotohanan lang ay nagulo ang mundo niya sa tanong na iyon ni Cris. May kung ano sa kanya at nagbubulong na oo, binigyan niya ng malisya ngunit may bahagi niya ang tumututol. Dahil sa tanong na iyon ni Cris bigla siyang nakaramdam na may malisya ba talaga sa kanya ang nangyari kanina.
“Hoy Emartinio!” bati ni Cris sa natigilang si Martin.
“Hindi!” mariing sagot naman ni Martin.
“Hindi naman pala eh!” sang-ayon ni Cris. “Sa gwapo kong ito magiging bakla ako.” pagyayabang pa nito.
“Gwapo? Sino?” kontra ni Martin sa sinabi ni Cris.
Tama! Gwapo si Cris, mapungay ang mga mata, moreno, matangkad, may tangos ang ilong, maganda ang mapupulang mga labi na tila nag-aanyaya sa isang halik at may tindig at maganda ang tikas at bikas. Kung tutuusin, isang hunk din si Cris bukod pa sa pagiging tall, dark and handsome nito.
“Oo! Ako! Maloloko ba sa akin ang asawa ko kung hindi ako gwapo.” pagyayabang pa nito.
“May asawa ka na?” tila may kirot na naramdaman si Martin sa sinabing iyon ni Cris subalit pinilit niyang itago sa pamamagitan ng mga ngiti.
“Sa gwapo kong ito!” maikling tugon ni Cris.
“Ayos ah.” maikling sagot naman ni Martin at matapos nuon ay bumalot ang nakakabinging katahimikan sa pagitan ng dalawa.
“Sige, malapit na akong bumaba.” sabi ni Martin saka tumayo sa upuan.
“Ingat ka!” nakangiting paalala ni Cris.
“Kayo din.” sabi naman ni Martin.
Hindi maipaliwanag ni Martin ang nararamdaman sa nalamang may asawa na pala si Cris. Pakiramdam niya ay isa siyang batang niliparan ng lobo.
“Smile Martin!” pangungumbinsi niya sa sarili para maging ngumiti. “Mali ka lang nang akala kaya ka nagkakaganyan Emartinio!” kasunod niyon ay isang malalim na buntong-hininga.
Pagdating sa may sakayan ng jeep ay nakita niya ang signboard ng Robinson at muli niyang naalala ang kuya Perry niya.
“Kamusta na kaya siya?” tanong ni Martin sa sarili saka humakbang papunta sa naturang mall. “Hay hindi Emartinio! Hayaan mo siya! Gaganti ka pa!” muling nabuhay ang inis at asar ni Martin sa sarili sa naalalang hindi pagsipot nito sa usapan.
Kinagabihan –
“Mano nga po.” bati ni Martin sa bagong dating na nanay saka abot sa kamay nito.
“Dumaan ulit ako sa Robinson nakita ko ulit si Fierro.” simula ng matanda sa kwento. “Bakit daw hindi ka dumaan kanina?” tanong pa nito.
“Ah, eh, nakalimutan ko po.” pangangatwiran ni Martin.
“Sabi niya bukas daw daanan mo siya sa mall.” paalala pa nito sa anak.
“Pag po hindi ko nakalimutan.” sagot naman ni Martin na walang intensyong puntahan ang kuya-kuyahan sa mall. Buo ang desisyon ni Martin, hindi siya pupunta sa Robinson nang isang lingo.
Kinabukasan –
“Martin, puntahan mo muna ang kuya Fierro mo bago ka pumasok.” paalala ng ina ni Martin sa kanya sa isang sulat na iniwan nito sa side table niya.
“Asa!” sabi sa isip ni Martin saka naghanda sa pagpasok.
Habang nasa bus at malapit nang bumaba –
“Mart! Nkausp ko si papa F, hnngi # mo, bngy ko wah!” text ni Danielle kay Martin
“Ska hnd mo daw ba siya pupntahn today?” habol na text ni Danielle.
“Fren, bkt d k muna ngtanong qng ayos lng na ibigy ang no. ko.” tila pagrereklamo ni Martin kay Danielle.
“Sori nmn frend! Akla ko ayos lng sau.” paumanhin ni Danielle sa kaibigan.
“Aus lang fren! J” reply ni Martin.
“Hoi! Pupnthn mo dw ba xa?” tanong ni Danielle kay Martin.
“Sabhn mo nasa byahe na ako.” reply naman ni Martin kay Danielle.
“Cnv ko n un, sav nya tanungn daw kita qng dadaan ka pag-uwi mo.” reply ni Danielle.
“Hayaan mo nlng xa fren.” sagot ni Martin.
“Hal! Qnkulit ako, ang cute pa nmn nya, panu ko hahayaang hnd sagtn i2ng cute n2.” reply naman ni Danielle.
“Svhn mo hnd pa ako ngrereply!” reply ni Martin kay Danielle.
“Naku frend!” reply ni Danielle.
“Bsta, ayaw mo nun, matagl kaung mkakpg-usap.” reply ni Martin.
“TAMA! GREAT IDEA!” reply ni Danielle.
“Cgue, baba na q ng bus eh. mamya nlng ul8” saad ni Martin sa text saka niya tinago sa bulsa ang phone.
Hindi pa man nagtatagal ay nagriring na ang phone niya. May pakiramdam si Martin kung sino ang may-ari ng number na iyon kaya naman imbes na sagutin ay hinayaan na lang niya itong mag-ring at alam naman niyang mananawa din ito sa pagtawag.
Ilang ring din ang nangyari. Mula sa terminal ng bus hanggang sa paglalakad niya papuntang lrt at hanggang pagbaba niya sa lrt ay tumatawag pa din ang numerong iyon sa kanya.
“Astig ang lokong iyon! Parang walang trabaho kung makatawag at may chismisan pang nalalaman.” sa isip-isip ni Martin.
Ilang minuto ding nahinto at napahinga ang cellphone ni Martin sa pagvibrate nang muli itong magvibrate sa isang text.
“Hey dude! This is your kuya Fierro/Perry. Pls visit me after your class.” pakiusap sa text ni Fierro kay Martin.
“Asa!” usal ni Martin sa sarili.
May nakita si Martin na nagtitinda ng simcard sa may gate ng pinapasukan niyang unibersidad.
“Boss, may 000 po kayong last digit?” tanong ni Martin sa tinder.
“Sandali lang boss!” sagot ng matanda saka naghagilap ng may 000 na last digits. “Eto boss!” saka abot ng sim card kay Martin.
“Ito po ang bayad.” sagot ni Martin.
Hindi pa man ay agad nang nag-gm si Martin – “Guys Pipz M8s! Martin hir nd kndly save my new digits! J” text ng binata gamit ang bagong biling simcard.
“Tingnan ko lang kung makapagtext o makatawag ka pa.” sabi ni Martin sa sarili.
Tanghaling tapat ang uwian nila Martin at kasikatan ng araw ay nasa terminal na siya para sumakay ng bus. Malapit na siya sa air-conditioned bus ng bigla niyang iniba ang liko ng paa at tinungo ang ordinary bus.
“Di bali nang tiis-tiis muna sa init basta hindi si Cris ang kundoktor.” sabi ni Martin sa sarili saka nagbitaw ng malalim na buntong hininga at iniakyat na ang isang paa sa may estribo ng bus.
“Bakit d’yan ka sasakay?” tanong ng isang pamilyar na tinig kay Martin.
Imbes na pansinin ay diretso lang sa pagsakay si Martin sa bus na wari bang wala siyang narinig.
“Naku Martin! You have to control it! Na-control mo na ‘yan dati paano pa kaya ngayon?” sabi ni Martin sa sarili. “And part ng pag-control ang iwasan si Cris.” dugtong pa niya saka nagbitaw ng isang malalim na buntong-hinga.
“Para saan ‘yang buntong-hininga mo?” tanong ng lalaking katabi ni Martin.
“Cris?” gulat na gulat na wika ni Martin na hindi napansing nakatabi na pala sa kanya si Cris.
“Ah, eh…” hindi alam ni Martin kung ano ang isasagot kay Cris.
“Anyways, bakit dito ka sumakay?” may pag-aalala na tanong ni Cris.
“Ano kasi…” hindi pa din alam ni Martin kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya ay nalunok niya ang dila kaya walang lumalabas na tinig mula sa kanya.
“Iniiwasan mo ba ako?” malungkot na tinig ni Cris na tanong kay Martin.
“Hindi!” agad na sagot ni Martin na biglang nag-alala.
“Bakit sa ordinary ka sumakay?” tanong pa ni Cris kay Martin.
“Ano kasi…” muling putol na sagot ni Martin saka napahawak sa bulsa niya. “Wala na kasi akong pang-aircon.” napapangiting pagsisinungaling ni Martin.
“Ganuon ba?” tila nakahinga ng maluwag na saad ni Cris. “Akala ko kasi iniiwasan mo ako.” sabi pa ng binata. “Tara na sa aircon!” aya pa nito. “Ako na ulit sagot sa pasahe mo.”
“Wag na! Nakakahiya naman sa’yo!” pagtutol ni Martin.
“Ayos lang ‘yun! Basta tabi lang ulit tayo ayos na sa akin ‘yun!” nakangiting saad ni Martin.
Ayaw namang makahalata ni Martin si Cris na iniiwasan niya ito kaya naman kahit labag sa loob niya ay sumama ito kay Cris na may pilit na pilit na ngiti.
“Bakit tahimik ka ata ngayon?” nag-aalalang tanong ni Cris kay Martin matapos makapagticket at makuha ang pasahe ng mga pasahero.
“Wala lang.” tugon ni Martin.
“Do you have something in mind that bothers you?” tanong ni Cris dito.
“Wow! English kung English!” sabi ni Martin sa sarili. “Bleeding nose!” nakangiting tugon ni Martin kay Cris.
“Sorry! I’ll speak in straight Filipino na lang.” paumanhin pa ni Cris na may simpatikong ngiti.
“Kundoktor ka ba talaga?” tila alangang tanong ni Martin kay Cris. “Sorry pero I’m just bothered, iyong ibang kundoktor hindi sila mahilig magsalita ng straight English lalo na kung may kausap silang pasahero or as medium of communication.” paliwanag pa ni Martin.
“Iyon ba? Galing kasi ako sa call center kaya nasanay ako ng ganito. Besides I know you can understand what I am saying kaya I feel comfortable speaking in English pag ikaw kausap ko.” paliwanag naman ni Cris.
“Well, I see!” tila kumbinsidong sagot naman ni Martin. “but still, it’s weird! Really weird.” may himig pa din ng pagdududa kay Martin.
May isang oras at mahigit din ang lumipas at malapit nang bumaba si Martin.
“Sige Cris! Ingat kayo! Salamat ulit!” sabi ni Martin kay Cris.
“Ingat ka din!” sagot naman ni Cris.
“Hay Cris! You are giving me confusions.” bulong ni Martin sa sarili pagkababa ng bus.
Tuloy-tuloy lang si Martin sa sakayan ng jeep at hindi talaga pupuntahan ang kuya Perry niya tulad ng habilin nito. Kinagabihan, pagkauwi ng nanay ni Martin –
“Sabi ko sa’yo daanan mo ang Kuya Fierro mo sa Robinson.” panimulang bati ng nanay ni Martin sa kanya.
“Nagmamadali na po kasi ako kaninang umaga.” pagdadahilan ni Martin.
“Kaninang pag-uwi mo? Tinatawagan ka daw hindi mo sinasagot tapos unattended na. Hindi ka din daw nagrereply sa text niya.” sabi pa ng ina niya.
“Aba! Detalyado!” sa isip-isip ni Martin. “Ah, nasa lrt po kasi ako nun, tapos nagpalit po ng sim ang buong barkada kaya nagpalit din ako. Kaninang pag-uwi naman po nakalimutan ko ng dumaan.” dahilan pa ni Martin.
“Off niya bukas kaya sa susunod na araw daanan mo daw siya.” paalala pa ng nanay ni Martin.
“Sige po.” tanging tugon ni Martin.
Kinabukasan habang nag-aabang ng bus si Martin –
“Marts, bli k ng sang ream ng bondpaper at 12na foldr. Salamt. Nid sa semnr.” text kay Martin ng president nila sa klase.
“Aysus!” tanging nasabi ni Martin saka lumakad pabalik ng Robinson. “Wala naman daw si Kuya Perry kaya ayos lang, besides mahal sa pamasahe kung sa SM pa ako bibili.” nasa isip ni Martin habang naglalakad papunta sa mall.
“Miss, kilala mo ba si Fierro? Percival Gutierrez ang real name niya?” tanong ni Martin sa security guard bago pumasok sa loob.
“Opo sir.” magiliw na tugon ng lady guard.
“Is he around?” tanong ni Martin dito.
“Off po niya ngayong araw.” sabi naman ng lady guard.
“Thanks!” tila nabunutan ng tinik si Martin saka tuluyang pumasok.
Pagkapasok ay agad na kinuha ni Martin ang pinapabili sa kanya at mabilis na pumunta sa counter.
“Lintek naman kasing seminar ‘yun! Pasabay-sabay!” bulong ni Martin.
“Two hundred fifty po sir.” nakangiting wika ng cashier kay Martin.
“Here.” sabi ni Martin saka abot sa cashier ng bayad.
“Bayad na po Sir.” saad naman ng babae.
“Huh?” nagtatakang sabi ni Martin. “Wala naman si Kuya Perry para siya magbayad nito.” sa isip ng binata.
“Okay na ba Len? Just charge it to me.” sabi ng isang tinig galing sa likuran ni Martin.
“Kuya Perry?” nahihirapang lingunin ni Martin kung sino ang may-ari ng tinig na iyon at sigurado siyang ang Kuya Perry niya ito.
“Fierro, eto na iyong card mo, just in time para pirmahan mo.” nakangiting sabi pa ng babae.
Pagkapirma ay agad na hinatak ni Fierro si Martin malayo sa mga kasamahan niya.
“Ayan, ako na ang personal na nagbigay sa’yo! Baka naman ibalik mo pa sa akin.” may pilit na ngiting saad ni Fierro na may malungkot na mga mata.
Hindi naman makatingin si Martin kay Fierro. Hindi handa ang binata na makita si Perry ng oras na iyon, higit pa duon ay nahihiya siya sa kuya-kuyahan at may guilt siyang nararamdaman lalo na nang makitang malamlam ang mata nito.
“Akala ko off mo?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Kaya ka ba pumunta kasi off ko?” malungkot na tinig na tugon ni Fierro.
“Hindi naman kuya Perry.” maang na sagot ni Martin. “Talagang in need ako kaya ako napadaan dito.” katwiran pa ng binata.
“Bakit hindi mo ko sinisipot?” tanong pa ni Fierro sa binata.
“Ano kasi.” napakamot sa ulo si Martin na hindi masagot ang tanong ng kuya Perry niya.
“Iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Fierro kay Martin.
“Ay hindi!” maang-maangang sagot ni Martin.
“Bakit hindi ka nga sumisipot?” madiing wika ni Fierro.
Nakaramdam ng kaba si Martin sa sitwasyon nila ngayon ni Fierro. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ang ipinupukol nitong titig sa kanya at hindi niya kayang labanan ang matigas na tinig nito.
“Sige, nagmamadali na kasi ako.” paalam ni Martin saka humakbang palayo kay Fierro.
“Sumama ka sa akin.” sabi pa ni Fierro saka madiiing inakbayan si Martin. Isang akbay na nagpapakita ng kapangyarihan kay Martin para huwag tumanggi.
“Sakay ka na.” anyaya ni Fierro matapos buksan ang pintuan ng isang kotseng nakaparada.
“Sa’yo ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ni Martin.
“I borrowed it from my cousin.” sagot ni Fierro. “Sakay na! Ihahatid kita at nang makapag-usap tayo.” sabi ni Fierro.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong kotse na iyon hanggang sa sni Fierro ang usapan.
“Nag-alala ako sa’yo.” simula ni Fierro. “Nag-alala ako sa’yo, na baka galit ka sa akin, o kaya iniiwasan mo ako, o baka may masamang nangyari sa’yo kaya hindi ka sumusipot.” sabi ni Fierro na punung-puno ng kalungkutan.
“Sorry.” tanging nasambit ni Martin.
“Nag-alala ako Martin!” muling ulit ni Fierro saka tiningnan sa mga mata si Martin.
Muling nagbalik sa balintataw ni Martin ang nakaraan.
“Tulong!” umiiyak na sigaw ni Martin habang iwinawagayway ang mga kamay niya at humihingi ng saklolo.
“Tulungan ninyo ako!” patuloy pa din siya sa pag-iyak at pagwagayway ng mga kamay.
“Martin!” sigaw naman ni Perry na bagong dating sa pangpang.
“Kuya Perry!” sigaw ni Martin. “Tulong!” hiyaw pa ng bata.
“Mang Tato! Si Martin po nasa gitna ng ilog!” sigaw ni Perry sa parating na si Mang Tato.
“Ay naku! Sinabing huwag sumakay sa bangka at sira ang sagwan.” sabi naman ng matanda.
“Paano natin tutulungan si Martin?” nag-aalalang tanong ni Perry sa matanda.
“Sandali! Hihiram ako ng bangka sa kakilala kong nangingisda.” suhestiyon naman ni Mang Tato saka lumakad papunta sa kaibigan niya.
“Bilis po Mang Tato!” pagmamadali naman ni Perry sa matanda.
“Martin! Kalmado lang!” sigaw pa ulit ni Perry.
“Natatakot na ako Kuya!” sabi naman ni Martin.
May nakita si Perry na animo balsa sa may tabi ng kawayanan. Agad na may pumasok na ideya sa bata at walang pasubaling sinakyan niya ito. Hindi alintana ang panganib kung hindi mas nangibabaw ang pagnanais niyang mailigtas si Martin.
“Konti na lang!” sabi ni Perry saka pilit na inaabot ang kamay kay Martin.
“Kuya!” sagot naman ng naluluha pa ding si Martin.
“Abutin mo ako!” saad naman ni Perry na hindi magawang makatayo at makapagbalanse sa sinasakyang balsa-balsahan.
“Kuya Perry dahan-dahan lang.” paalala naman ni Martin na nag-aalala kay Perry.
Lalong nag-alala si Martin dahil unti-unti na ding lumulubog ang balsa-balsahang kinalulunanan ni Perry.
“Kuya Perry! Bilisan mong lumipat dito.” nag-aalalang sabi ni Martin sa kuya-kuyahan niya.
Bago pa man tuluyang makalubog ang balsa ay nagawa nang makalipat ni Perry sa bangkang sinasakyan ni Martin. Agad na niyakap ni Perry si Martin at duon na napaluha si Perry.
“Akala ko mawawala ka sa akin Martin!” saad ni Perry.
“Sorry kuya!” sabi ni Martin. “Muntikan ka na dahil sa akin.” sagot pa nito.
“Kasi naman! Napaka-pakielam mo.” paninisi pa ni Perry kay Martin.
Patuloy lang sa pag-iyak si Martin na sa murang edad na apat ay labis na ang trauma niyang naramdaman.
“Tahan na! Hindi kita iiwan!” sabi pa ni Perry saka gamit ang naisalbang kawayan mula sa balsa-balsahan ay sumagwan siya pabalik sa pangpang habang nakayakap pa din sa kanya ang takot na takot na si Martin.
Iyon ang unang beses na nakita niyang puno nang pag-aalala ang mga mata ni Perry at ngayon nga ay muling nabanaag ni Martin ang pag-aalalang iyon mula sa kuya-kuyahan niya.
“Akin na ang cellphone mo!” sabi ni Fierro kay Martin bago ito pababain ng kotse.
“Ha? Bakit? Nagtatakang tanong ni Martin kay Perry.
“Basta!” sabi ni Perry saka kinuha ang bag ni Martin at hinalungkat duon ang cellphone ng binata.
Pagkakuha sa cellphone ni Martin ay kinuha din niya ay sariling cellphone saka idi-nial ang number ni Martin na binigay sa kanya ni Danielle.
“Bakit ka nagpalit ng number?” agad na tanong ni Perry sa binata.
“Ah, eh, kasi trip ng barkada.” sagot ni Martin. “Saka ikinuwento ko na naman sa’yo kanina kung bakit hindi mo na ako ma-contact.” utal na tugon ni Martin.
“Tinitingnan ko lang iyong consistency ng sagot mo.” pilyong sagot ni Fierro. “Ano na ang bagong number mo?” tanong pa nito.
Wala namang nagawa si Martin kung hindi ibigay kay Fierro ang bago niyang number at saka i-dinial ni Fierro ang number na ibinigay sa kanya ni Martin.
“Sige! Ingat ka!” paalala naman ni Fierro kay Martin.
“Ingat ka din.” tugon ni Martin.
Nasa aktong bubuksan naman ni Martin ang kotse ng yakapin siya ni Perry.
“Huwag mo na akong pag-aalalahanin na susunod Martin.” pakiusap ni Perry sa binata.
Napipi at nagulat si Martin sa ginawang iyon ni Perry. Wari bang namanhid ang buo niyang katawan habang ninanamnam ang yakap ni Perry sa kanya.
“Huwag mo na akong pag-aalalahanin.” ulit ni Perry.
“Oo!” tanging sambit ni Martin na nanlalamig ang buong katawan. “Salamat ulit kuya Perry!” tugon ni Martin saka maingat na bumaba sa kotse.
“Inhale! Exhale!” sabi ni Martin sa sarili saka tuluyang pumasok sa loob ng unibersidad.


================================================================

Ikatlong Bahagi: /ee-kat-lo-ong/ - /ba-ha-gee/
1 – 2 – 3 – 4
“Saan ka na?” tanong ni Fierro kay Martin sa text.
“Bahala ka nga.” tugon ni Martin na sa totoo lang ay may kakaibang tuwa na naramdaman sa text na iyon mula sa kuya Perry niya.
“Tnatnong kta! NASAAN KA?” muling text ni Fierro kay Martin ng hindi ito nagrereply.
“Duh! Loadan mo kaya ako ng mareplyan kita!” mahinang anas ni Martin.
“Hoi Martin!” sabi ng isang kabarakada ni Martin. “May kumakaway sa’yo.” sabi pa nito saka itinuro ang isang kotse na nasa may exit gate ng unibersidad nila.
“Kuya Perry?!” nagtatakang pagkilala ni Martin.
“Tinatawag ka ata nun.” komento pa ng kabarkada ni Martin.
“Sandali lang mga dude.” paalam ni Martin sa mga kabarkada saka nilapitan si Perry.
“Anong ginagawa mo dito?” simulang tanong ni Martin kay Fierro.
“Hinihintay ka! Hindi pa ba obvious?” simpatikong sagot ni Fierro.
“Ewan! Sige na umuwi ka na.” suhestiyon ni Martin kay Fierro.
“Slow ka ano! Hinintay nga kita tapos papaunahin mo akong umuwi.” sambit naman ni Perry.
“May lakad pa kaming barkada eh.” pagdadahilan ni Martin kay Fierro.
“Umuwi na tayo! Saka ka na sumama sa mga iyan!” may pag-uutos ngunit buong simpatiko at lambing na pakiusap ni Fierro kay Martin.
“Hindi nga pwede! Umuwi ka na.” pamimilit pa din ni Martin saka tinalikuran si Fierro.
“Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!” isang nakakatulig na busina ang pinawalan ni Fierro na naging sanhi para pagtinginan sila ng mga tao.
“Ano? Pag hindi ka sumakay dito bubusina ako nang bubusina.” pagbabanta ni Fierro kay Martin.
“Mananawa ka din!” sagot naman ni Martin.
“Bahala ka, eskandalo din iyon!” saad pa ni Fierro.
“Ako ba maeeskandalo?” tanong naman ni Martin kay Fierro.
“Hindi nga, pero maatim ba ng kunsensiya mong maeskandalo ako dahil lang sa ayaw mong ihatid kita pauwi?” balik na tanong ni Fierro dito.
“Manakot daw ba.” saad naman ni Martin.
“Sumakay ka na kasi!” sabi ulit ni Fierro.
Tumalikod si Martin sa kuya Perry niya at –
“Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!” isang mas mahabang busina ang pinawalan ni Fierro.
“Sandali lang! Papaalam lang ako sa mga kabarkada ko.” inis na paalam ni Martin kay Fierro.
“Sana sinabi mo kaagad.” nakangising turan ni Fierro.
Bumaba si Fierro sa kotse at hinabol si Martin papunta sa mga kabarkada nito. Nakahakot naman ng atensiyon si Fierro dahil pinagtitinginan siya ng mga dumadaan at napapahinto ang mga nakakakita sa kanya. Agad niyang inakbayan si Martin nang maabutan niya ang kapatid-kapatidan.
“OA na!” mahinang usal ni Martin kay Fierro.
“Hindi din!” tutol ni Perry.
“Hey guys! This is my Kuya Perry.” pakilala ni Martin sa kuya-kuyahan niya.
“Kuya Perry, these are my buddies.” pakilala naman ni Martin sa barkada niya.
“Call me Fierro!” paglilinaw ni Perry. “Only Martin can call me such annoying Perry name.” nakangiti nitong turan.
“Nice meeting you.” sagot naman ng mga kabarkada ni Martin.
“Guys, mauna na ako, sabay na kasi ako sa kuya Perry ko.” paalam naman ni Martin sa mga kabarkada niya.
Sa loob ng kotse –
“Para kang gago kanina!” panimulang sita ni Martin kay Fierro.
“Ikaw kasi napakakulit mo.” paninisi pa ni Fierro kay Martin.
“Ako pa ngayon ang may kasalanan huh?” balik na sisi ni Martin.
“Oo! Kung hindi ka na pakipot sana hindi na ako bumusina ng malakas.” saad pa ni Fierro na may nakakalokong ngiti.
“Umuwi na tayo.” aya ni Martin kay Fierro.
“Sandali lang.” tutol ni Fierro saka lihis sa daan ng kotse.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong ni Martin na biglang naalarma.
“Basta! Huwag nang magtanong.” sabi pa ni Fierro.
“Loko! Umayos ka.” paalala ni Martin.
“Nakaayos naman ako ah.” sagot naman ni Fierro.
“Ewan ko!” sagot ni Martin.
“Halika nga dito.” wika ni Fierro sabay hatak kay Martin na naging sanhi para mapasubsob ang binata sa matipunong dibdib niya.
“Ano ba!” asar-asarang sita ni Martin.
“Namiss kasi kita!” sabi ni Fierro saka gulo sa buhok ni Martin.
“Tigil ka nga.” tutol ni Martin na sa totoo lang ay namiss din niya ang ganuong ayos nila ni Perry.
“Bakit ako titigil eh na-miss nga kita di’ba?” buong kalokohang pahayag ni Perry.
“Loko mo! Miss daw oh! Uto mo!” tutol naman ni Martin.
“Pawalan mo na kasi ako.” pakiusap naman ni Martin na biglang lumambing ang boses.
“Ayan! Lalambot ka din pala, pinahirapan mo pa ako.” sagot naman ni Perry saka pinawalan si Martin.
“Saan ba kasi talaga tayo pupunta?” tanong pa ni Martin.
“Hintay ka na lang. Basta you’ll like there.” paninigurado pa ni Perry.
Isang napakahabang byahe ang nangyari na naging sanhi para makatulog si Martin. Isang napakalalim na tulog.
“Martin!” bati ni Perry kay Martin.
“Bakit kuya Perry?” tanong ni Martin sa kuya-kuyahan.
“Gusto mo ba ako?” tanong ni Perry kay Martin.
“Siyempre naman!” walang pagdadalawang-isip na tugon ni Martin. “You’re my bestest kuya.” sagot pa ng bata.
“Ganun!” reaksyon ni Perry. “Bestest kuya?”
“Bakit? Anung problema sa bestest kuya? Ayaw mo ba akong kapatid?” tanong ni Martin kay Perry.
“Gusto ko siyempre!” sagot naman ni Perry. “Pero ayoko din kitang kapatid eh.” biglang bawi naman nito.
“Hala! Niloloko mo na naman ako!” biglang sibangot si Martin na naging sanhi para lalong gumwapo ang bata.
“Nakakatuwa talaga ang itsura mo pag ganyan!” nakangiting sabi ni Perry kay Martin saka gulo sa buhok nito.
“Lagi mo kasi akong niloloko eh!” sagot naman ni Martin.
“Di’ba ganun naman pag magkuya?” tugon ni Perry.
“Oo nga no! Ibig sabihin gusto mo akong maging kapatid?” napangiting sagot ni Martin.
Tango lang ang naging tugon ni Perry dito.
“Hoy Martin the platypus!” bati ni Perry sa natutulog na si Martin sabay yugyog sa binata.
“Nasan na tayo?” pupungas-pungas at unti-unting minumulat ni Martin ang mga mata habang lumilinga sa paligid.
“Damn!” reaksyon ni Perry. “Ulyanin ka na ba to forget this place?” may pagkasarkastiko sa himig ni Perry subalit kita pa din sa mata at kilos nito ang kalambingan kay Martin.
“Sorry ah!” bawi naman ni Martin. “Tao lang! Pwede naman sigurong magkamali ane!” tila pagsisimula nito ng away.
“I’ll make you remember!” nakangiti at simpatikong saad ni Perry saka pinadaanan ng palad niya ang pisngi ng binata.
Napipi naman si Martin sa inasal na iyon ni Perry. Nakaramdam ng nginig ang buo niyang katawan na sinabayan pa ng maliliit na boltahe ng kuryenteng kumikiliti sa kanyang kaibuturan.
“Let’s go!” suhestiyon ni Perry saka bumaba sa kotse.
“Oookkay…” putol-putol na wika ni Martin saka nanlalamig na bumaba ng kotse.
“Welcome back Martin!” simula ni Perry habang nakatingin sa ilog.
“Kuya Perry!” nagliliwanag ang mga mata ni Martin nang maalala ang lugar na iyon.
“Ano may naaalala ka na?” tanong ni Perry kay Martin saka lingon sa binata.
“How can I forget this place?” saad ni Martin saka lumapit dahan-dahan kay Perry. “This place holds the greatest, sweetest and happiest memories of my childhood.” saad pa ng binata.
“And gusto kong dagdagan ang memories mo dito sa lugar na ito.” makahulugang saad ni Perry.
“What do you mean?” tanong ni Martin kay Perry.
“I mean nothing.” sagot naman ni Perry. “Basta, bonding lang tayo then memory na ulit.” nakangising tugon ni Perry.
“I see!” nakangiti at naniniwalang tugon ni Martin.
Lumakad pababa si Perry sa mismong ilog na malapit sa pampang at siya namang sunod ni Martin sa kuya-kuyahan.
“Tagal ko na ding hindi nagagawi dito!” usal ni Martin. “Mula kasi ng itayo yang construction company na’yan hindi na sila nagpapapasok pa ng ibang tao eh.” sabi pa ni Martin. “Thus, papaano mo nagawang makapasok dito?” nagtatakang tanong ni Martin kay Perry.
“Sa gate!” tugon ni Perry. “Alangan namang inakyat ko ng bakod iyong kotse.” namimilosopong sabi pa ni Perry.
“Kay inam mo rin ano!” tanging tugon ni Martin.
“This day is meant for celebration kaya upo ka na!” wika ni Perry saka turo kay Martin sa mala-picnic type na set-up sa may tabi ng kawayanan.
“Biruin mo, buhay pa pala itong kawayan na’to.” sabi ni Martin saka hinimas ang puno ng kawayang iyon.
“Sabing umupo na eh!” sabi ni Perry saka hinila paupo si Martin.
“Maghintay ka kaya! Try mo lang!” tugon ni Martin.
“Ayokong maghintay eh.” tugon naman ni Perry.
“Aba! At talaga naman oh!” anas ni Martin saka napilitang umupo na din sa tabi ni Perry.
“Here is your favorite!” wika ni Perry saka binuksan ang picnic basket na nandun.
“Wow!” naibulalas ni Martin. “Si daddy hipon saka si mommy hipon!” wika pa ng binata.
Napangiti naman si Perry sa reaksyong iyon ni Martin. “Eto pa! Isama mo na din sila tita hipon at tito hipon.” sabay abot pa kay Martin ng isang plato.
“Thanks kuya Perry!” pasasalamat ni Martin. “Tagal ko na ngang hindi nakakakain ng daddy at mommy hipon eh.” dugtong pa nito.
“Sige! Enjoy lang!” wika ni Perry habang siyang-siya siyang tinititigan ang kumakain na si Martin.
“Wow! Ang laking hipon!” naibulalas ni Martin ng ilabas ni Perry ang dala-dala nitong baunan.
“Si daddy hipon at si mommy hipon iyan!” wika naman ng batang si Perry.
“Talaga?” nagtatakang paninigurado ni Martin sa kuya-kuyahan. “Sino d’yan si daddy hipon?” tanong pa nito.
“Iyong malaki si daddy hipon at iyong mas maliit si mommy hipon.” tugon naman ni Perry.
“Nasaan iyong mga baby hipon?” paghahanap naman ni Martin.
“Nasa tubig pa! Magiging daddy at mommy hipon din sila.” sagot naman ni Perry.
“Galing naman Kuya Perry!” hangang-hangang wika ni Martin.
“Tara kain na tayo!” aya naman ni Perry kay Martin.
“Talaga? Pwede akong kumain nito?” tanong ni Martin na nagniningning ang mga mata.
“Oo naman! Kaya nga ako nagdala dito para kainin eh!” sagot naman ni Perry.
Walang pagdadalawang-isip na nilantakan ni Martin ang mga sugpong dala ni Perry.
“Bakit nakatitig ka?” pagputol ni Martin sa pagbabalik-tanaw ni Perry.
“Wala!” tugon ni Perry. “May naalala lang ako.” sagot pa nito.
“Ano naman iyong naalala mo?” tanong ni Martin.
“Wala lang iyon!” sagot ni Perry saka tumingin sa mapulang sikat ng araw.
“Tara!” pamaya-maya ay aya ni Perry kay Martin.
“Saan naman tayo pupunta?” tanong pa ng binata kay Perry.
“Tulad ng dati!” maikling sagot ni Perry kay Martin.
“Anong tulad ng dati?” nagtatakang tanong ni Martin kay Perry habang hawak nito ang kamay niya.
“Dyaran!” wika ni Perry.
“Don’t tell me na mamamangka tayo?” tanong ni Perry kay Martin.
“Tama!” wika ni Perry. “Kaya sakay ka na.” aya pa ng binata.
“Ayoko nga!” tanggi naman ni Martin sa anyaya ni Perry.
“C’mon!” pamimilit ni Perry kay Martin. “Pagbigyan mo na ang kuya Fierro mo.” malambing pa nitong pamimilit.
“Ayoko nga!” tanggi pa din ni Martin na matindi ang kabang nararamdaman dala ng hindi niya mawaring dahilan.
“Please!” pamimilit pa din ni Perry.
“Sige na nga!” anas ni Martin na sa wari niya ay hindi niya kayang tanggihna at tiisin ang kuya Perry niya. “Kaso sandali lang ah.” pangungundisyon pa nito.
“Oo ba!” napangiting sagot ni Perry.
Sa gitna ng ilog –
“Ah Martin!” pagbasag ni Perry sa katahimikang namamayani sa kanila ni Martin.
“Bakit kuya?” kinakabahang tanong ni Martin.
“Miss mo ba ako?” tanong ni Perry kay Martin.
“Oo naman!” maikling tugon ni Martin.
“Talaga?!” simpatiko at malambing na paninigurado ni Perry.
“Goodness! Baka bumigay ako! Huwag kang ganyan kuya Perry!” sa isip-isip ni Martin. “Oo naman!” sabi naman ng binata.
“Naaalala mo ba iyong sinabi ko sa’yo dati?” tanong ni Perry kay Martin.
“Alin iyon?” pilit inaalalang tanong ni Martin.
“Iyong sabi kong aalagaan at iingatan kita.” sagot ni Perry saka hinawakan sa mga kamay si Martin.
“May sinabi ka bang ganun?” pilit pinalalakas ni Martin ang sarili at pilit tinatago ang matinding kabang nararamdaman niya.
“Oo Martin!” wika ni Perry saka tinitigan si Martin sa mga mata.
“Wala akong maalala.” pagkukunwari ni Martin kahit na nga ba malinaw pa din sa kanya ang lahat at inilayo ang paningin kay Perry.
“I know, naaalala mo pa din iyon.” wika ni Perry.
Hindi sumagot si Martin at muling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“Please Martin!” simula ulit ni Perry. “Hayaan mo akong tuparin ang pangako ko sa’yo!” pakiusap ni Perry kay Martin.
Walang imik mula kay Martin.
“I love you!” buong sinderidad na wika ni Perry kay Martin. “Mahal na mahal kita.” Pag-uulit ng binata.
“Pero!” nabiglang sagot ni Martin na lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya.
“Saka na ang pero-perong iyan!” sabi ni Perry. “I love you Martin! Araw araw akong nangulila sa’yo mula ng magkalayo tayo, kaya please Martin, wakasan mo na ang kasabikan ko sa’yo, tapusin mo na ang pangungulila ko sa’yo! Samahan mo na ang nag-iisa kong puso.” buong katapatang wika ni Perry.
Wala pa ding tugon galing kay Martin.
“Please Martin! Sumagot ka naman!” pamimilit ni Perry. “Kahit ayaw mo sabihin mo na!”
Nanatiling tahimik si Martin, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kuya-kuyahan. Nais niyang sumagot ng “oo” subalit madami siyang bagay na kinatatakutan na dahilan para sumagot ng “hindi.”
Ilang minuto ding walang kibuan ang dalawa, walang tugon galing kay Martin at walang pamimilit mula kay Perry. Punung-puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Perry at hindi magawang makitingin ni Martin dito.
“I’ll take your silence as no.” ngayon ay pagbasag ni Perry sa katahimikan na may pait sa tinig.
“No! Wait! Sandali!” naguguluhang kontra ni Martin sa sarili. Hindi alam ni Martin kung papaano bibigyang reaksyon ang konklusyong ginawa ni Perry. Ramdam na ramdam niya na may kirot sa puso niya subalit mas malakas pa din ang epekto ng kaguluhan sa buo niyang pagkatao.
Agad na tumayo si Perry sa bangka, punung-puno ng kalungkutan ang damdamin ng pobreng binata sa pagkabigo kay Martin.
“I cannot live without you!” saad ni Perry. “I’d rather end my life, kasi patay na din ako kung hindi kita makakasama.” sabi pa ng binata saka umaktong tatalon.
“No!” dagling awat ni Martin at yakap kay Perry para pigilin ito sa binabalak. “Please kuya Perry! Naguguluhan pa ako, hindi ko kayang mawala ka pero…” putol na dahilan ni Martin na sa wakas ay nailabas ang sariling damdamin.
“Pero ano?” tanong ni Perry kay Martin na nanatili sa pagkakayakap sa kanya.
“Basta, it’s hard to explain.” katwiran ni Martin. “Alam ko, may puwang ka sa puso ko, pero alam mo iyon, nakakulong, ayaw kumawala.” sabi pa nito.
“Martin, pakinggan mo ang puso ko, ikaw lang ang lagi niyang isinisigaw, pangalan mo lang ang alam niyang itibok.” buong sinseridad na wika ni Perry. “Mahal na mahal kita Martin.” pagsusumamo pa ng binata.
Walang nasabi si Martin kung hindi ang mapaluha na lang.
“Kuya Perry, gusto ko din sanang sabihing mahal kita pero ayoko na sa bandang huli ay masaktan lang ako.” sa isip-isip ni Martin.
Hindi na nga nagtagal at narating nila ang pampang at iniligpit ang lahat ng mga pinaggamitan nila.
“Kuya…” simula ni Martin sa usapan.
“Bakit Martin?” may ngiti at pag-asang tugon ni Perry na umaasang makakamit na ang magandang sagot sa katanungan niya.
“Uwi na ako, maaga pa kasi ang pasok ko bukas.” pakiusap naman ni Martin.
“Sige ba.” maikling tugon ni Perry na muli ay bumakas ang kalungkutan sa kanya.
=================================================================

Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/
I – II – III – IV
“About my recent question, I’m giving you time to think about it. Please huwag mong papabayaan ang sarili mo.” agad na text ni Perry kay Martin pagkahatid niya dito sa bahay nila.
“Sure and I will.” maikling reply ni Martin.
Wala na ding reply mula kay Perry at hindi namamalayan ni Martin na unti-unti na siyang pinatulog ng pagod.
Kinabukasan –
Pupungas-pungas na bumangon si Martin, kahit na nga ba sabihing tinanghali siya ng gising malalate na pagpasok ay wari bang baliwala ito sa binata at matamlay na kumilos at maggagawa. Dahil nga nakabakasyon na si Danielle at naghihintay na lang ng graduation ay mag-isa siyang papasok sa araw na iyon. Matagal bago maayos ni Martin ang sarili, mabagal na kumilos at umalis sa bahay nila. Nang mapadaana sa Robinson ay saglit siyang huminto at napatingin sa malawak nitong pintuan, muli ay nagbalik sa kanya ang alaalang naganap sa pagitan nila ng Kuya Perry niya kahapon at may kung anung kirot siyang naramdaman. Binaliwala na lamang niya ang sakit at nagpatuloy sa paglalakad. Agad siyang pumara ng bus at sumakay.
“I don’t know why I’m frightened
I know my way around here
The cardboard trees, the painted scenes
The sound here, yes a world to discover
But I’m not in a hurry and I need a moment
I’ve spent so many mornings
I’ trembling now, you can’t know how I’ve missed you,
Missed the fairytale adventures
In this spinning playground,
We were young together.”
Biglang napatigil si Martin sa mahina niyang pagkanta nang mapansing nakatingin sa kanya ang halos lahat ng sakay ng bus.
“Sorry po.” alangan niyang paumanhin saka yumuko at nangiwi sa kahihiyan.
Tila wala sa loob niyang iniraos ang buong maghapon at sa wakas ay pauwi na din siya.
“Ginabi ka na ata ng uwi?” salubong ni Cris kay Martin.
“Nag-ayos lang para sa graduation ko.” maikling sagot ni Martin na sanay na sa presensiya ni Cris.
“Kita ngang pagod na pagod ka.” nag-aalalang sabi ni Cris.
“Ganito talaga! Haggard na ba itsura ko?” tanong ni Martin. “Pangit na ba ako?” pabiro pa nitong habol.
Isang simpatikong ngiti lang ang iniwan ni Cris para kay Martin.
Isang tahimik na Martin ang kaharap at katabi ni Cris sa buong byaheng iyon. Ang pagod na pagod na mang si Martin ay hindi naiwasang makatulog sa gitna ng byahe kaya naman napapasandig ito sa balikat ni Cris.
Sa kabilang banda naman ay lalong inilapit ni Cris ang katawan para suportahan si Martin sa pagkakatulog. Maingat din niyang hinimas ang mukha ng nahihimbing na si Martin at paminsa-minsan pa ay nangingiti sa tuwing masusulyapan ang maamong mukha nito.
“Martin! I’m your greatest fan! I want you to be in my arms again!” mahinang bulong ni Cris.
Dala ng sariling emosyon ay idinantay na din ni Cris ang ulo sa ulo ni Martin na nakadantay naman sa balikat niya. Hinawakan din niya ito sa kamay at saka mahigpit na hinwakan. Samantalang ang isang kamay naman ay malaya niyang iniyakap sa nahihimbing pa ding si Martin.
“Hoy!” gising ni Cris kay Martin. “Nandito ka na sa babaan mo!” malambing na wika ni Cris.
“Ah, eh, salamat!” pupungas-pungas at walang kaalam-alam na sabi ni Martin saka naghandang makababa.
Pagkasakay niya ng jeep –
“Martin!” mahinang bulong kay Martin na naging sanhi para maputol ang isang malalim na pag-iisip.
Biglang napabalikwas si Martin at nagulat sa nakitang katabi na pala niya sa harap ng jeep si Fierro.
“Kamusta na?” nakangiting tanong ni Fierro kay Martin.
“Ah Kuya Perry.” hindi alam ni Martin ang susunod na sasabihin.
“Nakita kasi kitang pasakay kaya naisip kong ihatid ka na din sa inyo.” paliwanag pa din ni Fierro sa nakitang pagkagulat kay Martin.
“Baka masisante ka pa kung ihahatid mo ako.” wari ba ay hindi na kumportable si Martin sa presensiyang ito ng Kuya Perry niya.
“Ayos lang iyon, nagpaalam naman ako.” sagot pa ni Fierro na lalong idinikit ang katawan niya kay Martin.
“Okay!” maikling tugon ni Martin.
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Ilang sandali pa at bumaba na sila sa isang kanto papasok kila Martin. Isang liblib na nayon pa kasi ang bahay nila Martin, malayo sa kanto kaya naman kailangan pa nilang sumakay sa tricycle para makarating duon.
“Hindi po kami sasakay!” mabilis na sagot ni Fierro sa lumapit sa kanilang tricycle.
“Huh?” nagtatakang sabi ni Martin.
“Eh di kinausap mo din ako.” napangiting sabi ni Fierro. “We’ll walk!” madiin naman nitong utos.
“Maglakad kang mag-isa mo!” asar na wika ni Martin saka tumawag ng tricyle.
“Tamad kang talaga!” anas ni Fierro saka buong lakas na hinatak si Martin para makapaglakad.
“Anung kalokohan na naman ba iyang naisip mo!” inis na anas ni Martin.
“Huwag ka nang umangal pa!” madiing utos ni Fierro at dagli naman niyang inakbayan si Martin at inilapit sa katawan niya.
“Bitiwan mo nga ako!” pagpapahayag nang pagkadisgusto ni Martin sa ginagawa sa kanya ni Fierro.
“Pag ba binitiwan kita sasagutin mo na ako ng oo?” pagtatanong ni Fierro saka tinitigan sa mga mata si Martin.
Tila ba nakain ni Martin ang dila niya at hindi nagawang sagutin ang tanong na iyon ni Fierro. Kakaibang pakiramdam ang hatid sa kanya ng tanong na iyon ni Perry.
“Ano ba kasi ang trip mo?” asar na tanong ni Martin. “Gabing-gabi maglalakad tayo.”
“Ikaw ang trip ko.” walang pagdadalawang-isip na tugon ni Fierro. “Alam mo naman kung gaano kita kamahal at kung gaano ko kagusto na makasama ka habang-buhay.” paliwanag pa nito.
“Martin, I really love you!” buong pagsusumamong pahayag ni Fierro.
“Kuya Perry.” mahinang nasambit ni Martin.
“I am willing to wait hanggang sa magkapuwang ako sa puso mo.” saad ni Fierro saka hinawakan ang baba ni Martin at tinitigan ang binata sa mga mata.
Huminto sa pag-ikot ang mundo ni Martin lalo na nang makita niya ang sinseridad sa mga mata ng Kuya Perry niya. Alam ni Martin na may puwang sa puso niya si Fierro subalit pilit naman ikinakaila ito ng kanyang isip.
“Sige na!” agad na hinawi ni Martin ang kamay ni Fierro saka mabilis na lumakad.
“Martin!” pabuntong-hiningang saad ni Fierro saka hinabol ang binata.
“Kaya ko nang mag-isa.” sabi ni Martin.
“Ihahatid na kita.” pakiusap ni Fierro.
Lalong binilisan ni Martin ang paglakad, ngunit patuloy pa din siyang nahahabol ni Fierro.
“Ginugulo mo ang buhay ko Martin!” agad na sabi ni Fierro ng mahabol niya ang binata. “Hindi mo ba alam kung papaano mo iniba ang mundo ko?” tanong pa ng binata.
“Wala akong kinalaman kung bakit nagulo ang mundo mo.” sagot ni Martin kay Fierro.
“Mali ka!” tutol ni Fierro. “Mula ng makilala kita, iniba mo na ang ikot ng mundo ko. Hindi ko nga alam pero ayaw mo nang maalis sa utak ko. Araw-araw ikaw lang ang iniisip ko. Ikaw lang ang laman ng kukote ko. Hindi ako makatrabaho ng maayos dahil sa’yo. Nag-aral akong mabuti para sa’yo at sa kinabukasan natin. Hindi mo ba kayang intindihin na kaya kong itapon ang lahat para sa’yo.”
“Itigil mo nga iyang kahibangan mo!” kontra ni Martin. “Sa tingin mo ba kaya mong panindigan iyan sa harap ng mama mo? Kaya mo bang ipaglaban iyang kalokohan ng puso mo sa harap ng ibang tao?”
“Oo Martin!” siguradong sagot ni Fierro.
“Loko mo!” tutol ni Martin. “Alam ko din namang sa oras na itakwil ka ng pamilya mo, iiwanan mo din ako at papakiusapan sila. Hindi mo kayang tiisin ang mama mo lalo na’t siya na lang mag-isa ang maiiwan. Huwag mo nang lokohin ang sarili mo Kuya Perry!” dugtong ni Martin. “Itigil mo na ito!” tila pagwawakas ni Martin.
“Bakit hindi natin subukan Martin?” pakiusap ni Perry kay Martin sabay hila paharap sa kanya sa binata at titig sa mga mata nito.
“Subukan ang alin?” pilit ang lakas ng loob ni Martin.
“Subukan na may mangyayari at kahahantungan ang pagmamahal ko sa’yo.” sagot ni Fierro.
“Hindi kita mahal Perry! Hanggang kuya lang ang kaya kong ituring sa’yo.” saad ni Martin kahit na iba ang laman ng puso niya.
“Nagsisinungaling ka Martin!” kontra ni Fierro sa pahayag ni Martin.
“Gumising ka Percival! Si Eba ay ginawa para kay Adan kaya tanggaping na nating sa isang Eba ka nababagay! Sa isang babae ka nararapat at hindi sa isang kapwa mo lalaking kagaya ko!” katwiran ni Martin.
“Mali ka Martin!” tutol na muli ni Fierro. “Binigyan tayo ng tig-isang puso at isip at nang kalayaan para mamili kung kanino titibok ang mga puso natin! Hindi sapat ang dahilan mo para pigilin ko ang nararamdaman ko sa’yo Martin! Dahil iba ang dahilan ng puso ko!”
“Puso ba talaga ang may sabi o baka naman isip mo lang na nililito ka dahil sa maling akala mo sa pag-ibig?” tanong ni Martin kay Fierro.
“Hindi ako nalilito Martin! Ikinulong mo lang ang sarili mo sa ginawang pamantayan ng mga tao sa lipunan! Ayaw mo lang pakawalan ang sarili mo!” matalinhagang saad ni Fierro. “Subukan mong lumabas sa mundo ng iba ng tao at buuin ang sarili mong mundo.” pagpapayo pa nito.
“Bubuuin ko ang sarili kong mundo na naayon sa sarili kong paniniwala at hindi ka kasama dun!” sagot ni Martin.
“Buuin mo ang sarili mong mundo batay sa sarili mong damdamin na magiging malaya ka.” pagtutuwid ni Fierro sa katwiran ni Martin.
Sa bahay nila Martin –
“Sige na Kuya Perry, umalis ka na!” may diing pakiusap ni Martin.
“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” tanong ni Fierro.
“Martin!” masayang bati ng nanay ni Martin sa kanya. “Kasama mo pala si Fierro.” saad pa ng matanda saka tumingin kay Fierro.
“Good Evening po tita.” bati naman ng gwapong binata.
“Tuloy ka muna!” anyaya ng matanda kay Fierro.
“Salamat po!” pasasalamat ni Fierro dito. “Pero parang ayaw po ata ni Martin na patuluyin ako sa loob.” sabi pa nito saka tumingin kay Martin.
“Sige, pasok ka muna.” pilit na anyaya ni Martin kay Fierro.
Nang makaalis si Fierro –
“Martin, may away ba kayo ni Fierro?” tanong na ina ni Martin sa kanya.
“Wala po nay!” sagot ni Martin na kita ang pananamlay.
“Bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa kuya Fierro mo?” tanong pa nito.
Hindi alam ni Martin kung bakit bigla siyang napaluha sa tanong na iyon ng ina.
“Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ng ginang kay Martin. “May masama bang ginawa si Fierro sa’yo?” tanong pa nito.
“Oo nanay! May masamang ginawa si Kuya Perry! Ginugulo niya ang isip at puso ko.” gusto sanang isagot ni Martin subalit pinigilan niya ang sarili.
“Alam ko anak may gumugulo sa’yo ngayon, ramdam ko at alam ko.” saad pa ng ginang saka niyakap ang anak.
Hindi napigilan ni Martin ang sarili at lalo siyang napaluha sa sinabing iyon ng ina.
“Kung anuman ‘yang bumabagabag sa’yo anak, sabihin mo lang at handa akong makinig.” saad pa ng ginang.
“Kahit ano nay?” tanong ni Martin.
“Oo anak.” maikling tugon nito.
“Hindi kayo magagalit?” tanong pa ulit ni Martin.
“Hindi anak!” sagot pa ulitnito. “Hinding-hindi.”
Higit na napaluha si Martin sa sinabing iyon ng ina. Nawala ang takot niya at pangamba para sabihin dito ang suliraning nagpapagulo sa kanya.
“Gulung-gulo ako nanay!” simula ni Martin. “Ayoko sa nararamdaman ko.” patuloy sa pag-iyak na wika ni Martin.
Hinigpitan lalo ng ina ni Martin ang yakap sa anak saka hinaplos ito sa buhok.
“Ayoko sa nararamdaman ko nanay! Ayokong makinig sa bulong ng puso ko! Ayoko nanay! Ayoko!” patuloy ni Martin.
“Tungkol bay an kay Fierro?” tanong ng ina niya.
Tango lang ang tugon ni Martin sa tanong na ito ng ina.
“Nauunawaan ko anak.” sagot nang ina ni Martin.
“Mahal ko na si Kuya Perry! Kahit dati pa, alam ko espesyal na siya para sa akin. Pero nanay, habang lumalaki ako, pinilit ko siyang kalimutan, pinigilan ko kung anuman ang nararamdaman ko para sa kanya. Kinalimutan ko ang lahat ng tungkol sa kanya kasi ayokong maging iba! Ayokong maging iba sa paningin ng mga tao, ayokong kutyain ako, ayokong mapahiya kayo sa kanila.” patuloy sa paghikbing turan ni Martin. “Ayoko sa nararamdaman ko nanay! Ayokong dahil sa nararamdaman kong ito, masayang lahat ng ginawa kong pagkalimot sa kanya, ayokong dahil sa nararamdaman kong pagmamahal para kay Kuya Perry, maging iba na ang tingin sa akin ng tao. Ayokong masira ang pangalan mo nanay dahil sa akin.” paglalahad ni Martin.
“Naiintindihan kita anak.” pang-aamo ng ginang kay Martin.
“I missed kuya Perry and I love him, pero hindi ko masabi at ayokong sabihin. Naguguluhan ako, at ayokong dahil sa salitang iyon magbago lahat sa buhay ko, magbago ang mundo ko.” dugtong pa ulit ni Martin. “Ayokong maging bakla nanay! Ayokong maging bakla!” lalong paghagulgol ni Martin.
“Alam mo anak, handa akong tanggapin kahit sino ka pa, o kahit ano ka pa. Matagal ko nang tanggap sa sarili ko ang posibilidad na ganyan ka nga.” simula nang pagpapaliwanag ng ginang kay Martin.
“Nanay, naramdaman ko na kulang ang buhay ko nung mahiwalay ako kay Kuya Perry, alam kong may iba na sa buhay ko nuong panahon na iyon, pero ngayon, ako na mismo ang gumagawa ng paraan para kalimutan ang lahat ng pagkukulang na naramdaman ko.” muling pahayag ni Martin. “Akala ko nakalimutan ko na, pero bumalik si Kuya Perry at naramdaman ko ulit ang lahat ng pagkukulang.”
“Patawarin mo ako anak, ako ang nakaisip para paghiwalayin kayong dalawa. Natatakot lang ako na baka sa bandang huli masaktan ka lang.” wika ng ginang kay Martin. “Nung araw na sinabi mong bumalik si Perry, natakot ako na baka mangyari ang kinatatakutan ko, pero nakapag-usap na kami Martin, anak.” kwento pa ng matanda.
“What do you mean nay?” nagtatakang tanong ni Martin sa ina.
“Ako ang nag-suggest na pumunta sa ibang bansa si Perry, ako ang nag-pursue at pumilit kay Madam Gutierrez na ituloy ang plano, dahil sa simula pa lang, ramdam ko na, espesyal kayo ni Fierro. Ramdam ko na may pag-ibig na umuusbong sa pagitan ninyo, yun nga lang, wala pang malisya sa inyo dahil mga bata pa lang kayo. Natakot akong sa bandang huli ay labis kang masaktan pag namulat ka na sa katotohanan ng buhay, pag nalaman mo na ang panghuhusga ng mga tao sa katulad ninyo at sa kahahantungan ng samahan ninyo.” paliwanag ng ina ni Martin.
“Nanay!” lalong napalakas ang paghikbi ni Martin.
“Pero anak!” saad ulit ng ginang. “Iba na ang tingin ko, iba na ang lahat mula ng makausap ko si Fierro. Naiba na ang pananaw ko mula ng mangako siya sa akin.”
“Ano pong ibig ninyong sabihn?” nagtatakang tanong ni Martin sa ina.
“Nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang tapang at kakaibang determinasyon. Ipinaalam na niya sa akin na mahal ka niya, sinabi na niya sa akin na mahal na mahal ka niya.” simula ulit nang pagkukwento nito. “Alam ko at ramdam ko ang sinseridad niya habang hinihingi niya ang permiso ko para ligawan ka, para matanggap ko kung anuman ang nararamdaman niya para sa’yo. Alam mo Martin anak, kung magiging silahis ka man o bakla, alam kong si Fierro lang ang bukod tanging lalaki na kaya kang ipaglaban at iharap sa mundo. Dahil totoo ka niyang mahal at ramdam ko iyon anak.”
“Nanay! Mahal ko si Kuya Perry, mahal na mahal pero natatakot ako na baka hindi kami para sa isa’t-isa.” hinagpis ni Martin.
“Huwag kang matakot anak. Ilabas mo kung anuman iyang damdamin mo para kay Fierro. Baka sa bandang huli ka magsisi, kung kailan tapos na ang lahat na hindi pa nagsisimula.” matalinhagang saad ng ginang.
Nakaramdam ng saya si Martin dahil sa narinig niya mula sa ina.

==================================================================

Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/
i – ii – iii – iv
“Martin!” nagtatakang wika ni Fierro. “Anung ginagawa mo dito?”
“Binibisita ka.” sagot ng binata.
“Sus! May ganun!” sumiglang sambit ni Fierro.
“Masama bang bisitahin ka?” sarkastikong tanong ni Martin.
“Hindi naman!” sagot ni Fierro. “Bakit na naman nabisita?” nakangiting tanong pa nito.
“Invite kita sa Friday!” paanyaya ni Martin sa kuya-kuyahan.
“May ano sa Friday?” tanong ni Fierro.
“Graduation ko lang naman!” dagling wika ni Martin. “Basta punta ka ah” pamimilit pa nito saka tuluyang humakbang palayo.
“Sige ba!” masiglang sagot ni Fierro.
Biyernes nang gabi sa bahay nila Martin –
“Congrats! Ang galing mo!” bati ni Fierro kay Martin.
“Sige! Utuin mo lang ako.” sagot ni Martin kay Fierro.
“Papa F!” biglang singit ni Danielle sa usapan ng dalawa.
“Dan!” simpatikong tugon ni Fierro dito.
“Ang galing ni Martin Papa F!” sabi ni Dan. “Cum laude grad yan pero hindi qualified.” pang-iinis pa ng dalaga sa kaibigan.
“Manahimik ka nga babaeng hampas-lupa!” pang-aasar ni Martin kay Danielle.
“Kung ako hampas-lupa, anupa ang tawag mo sa sarili mo?” pagtataray ni Danielle sa kaibigan.
“Gwapong hampas-lupa!” mabilis na tugon ni Martin.
“Kapal nang mukha mo friend!” tutol ni Danielle. “Nanalamin ka na ba?” dugtong pa ng dalaga. “Si Papa F lang ang totoong gwapo.” sabi pa nito saka kapit sa bisig ni Fierro.
“Kung makalandi ka!” komento ni Martin sa ginawa ni Danielle. “Boyfriend mo?” mapang-asar na tanong pa nito.
“Hindi!” madiing tugon ni Danielle sabay irap. “Pero malapit na!” malandi pa nitong habol.
“Baka maniwala si Martin sa’yo.” awat ni Fierro kay Danielle. “Saka baka bugbugin ako ni Martin pag naging tayo.” wika pa nito saka inakbayan si Martin.
Biglang namula si Martin sa ginawang iyon ni Fierro. Hindi ito naitago sa mapanuring mata ni Danielle kaya naman agad itong nagkomento.
“Aba! May anung lansa dito!” sabi ng dalaga saka nakapameywang na nagtaas ng isang kilay. “May hindi ka sinasabi sa akin Emartinio Masungkal!” madiing sabi pa ng dalaga.
“Wala kaya! Napakadumi talaga ng utak mo!” ganti naman ni Martin.
“At ikaw Percival!” sabay alis sa kamay ni Fierro sa balikat niya. “Huwag na huwag mo akong madadantayan ng madumi mong kamay.” sabi pa nito.
“Napakaarte mo naman!” sabi ni Fierro saka muling ibinalik ang kamay niya sa balikat ni Martin.
“Nandito po ba si Martin?” isang tawag na pumutol sa kulitan sana nila Fierro at Martin.
“Tuloy ka!” anyaya naman ng ina ni Martin sa panauhin.
“Cris.” masayang bati ni Martin sa kaibigang kundoktor.
“Pasensiya ka na, ngayon lan agko.” paumanhin pa ng binata.
“Wala iyon.” nakangiting sagot ni Martin dito.
“Sino iyong dumating Martin?” tanong ni Fierro pagkasunod kay Martin sa pintuan.
“Cris.” dagling usal ni Fierro nang makita si Cris.
“Fierro.” gulat na tugon ni Cris.
“Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Martin sa dalawa.
Walang sumagot sa dalawa.
Wala mang nakuhang sagot mula kila Cris at Fierro ay hinayaan na lamang ito ni Martin. Lumabas muna si Cris para magpahangin at kung saan sinundan naman siya ni Fierro.
“Tol! Kamusta ka na?” bati ni Fierro kay Cris.
“Ayos lang tol!” sagot ni Cris dito. “Nakauwi ka na pala?” sarkastiko subalit mahinahong wika pa ng binata.
“Mag-iisang buwan na din akong nasa Pinas.” sagot naman ni Fierro. “Kamusta si Papa saka si Tita?” tanong pa ng binata dito.
“Himala, bakit mo naitanong na bigla?” sambit ni Cris saka humarap kay Fierro na may matiim na titig. “Samantalang ilang taon kang naglagi sa Amerika, hindi mo man lang nagawang magparamdam kay Papa.” tila panunumbat ni Cris kay Fierro.
“Hindi naman sa ganuon..” pangangatwiran sana ni Fierro subalit dagli siyang siningitan ni Cris.
“Kailan mo pa nakita si Martin?” tanong ng binata kay Fierro.
“Magdadalawang lingo pa lang.” matipid na sagot ni Fierro.
“Ahh” maikling sagot ni Cris.
“Cris at Fierro anung ginagawa ninyo dito?” tanong ni Martin sa dalawa habang papalapit.
“Layuan mo si Martin habang maaga!” pabulong na pagbabanta ni Cris kay Fierro.
Matalim na titig lang ang sinagot ni Fierro sa sinabing iyon ni Cris.
“Sige Martin! Mauna na ako.” paalam naman ni Crism kay Martin.
“Bakit ang bilis? Ni hindi ka pa nga nakakakain.” puno ng pagtatakang sabi ni Martin.
“May aayusin pa kasi ako.” sagot naman ni Cris.
“Ganun ba!” wari bang lumungkot ang mukha ni Martin sa pamamaalam na iyon. “Sige, mag-iingat ka.” puno ng paalalang turan ni Martin.
“Sige! Enjoy the evening!” sagot naman ni Cris saka tuluyang lumakad palayo at palabas ng gate.
“Ahh Martin.” pagbasag ni Fierro sa katahimikan.
“Bakit Kuya Perry?” tanong ni Martin dito.
“Salamat nga pala kasi ininvite mo ako ngayon.” pasasalamat ni Fierro dito.
“Wala iyon!” sagot ni Martin.
“Salamat din kasi pinapansin mo na ako.” pasasalamat pa ulit ni Fierro.
“May narealize lang kasi ako.” sagot ni Martin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Fierro sa sinabing iyon ni Martin. Hindi niya maunawaan subalit sa tingin niya ay may gustong ipahiwatig si Martin sa sinabi niyang iyon.
“Mahal kita Kuya Perry!” buong tatag na sinabi ni Martin.
Umihip ang isang napakalamig at napakalakas na hangin.
“Ano ulit iyon?” biglang sumiglang sabi ni Fierro.
“Sabi ko mahal kita! I want this day to be so special kaya ngayon, sinasagot ko na ng oo iyong tanong mo sa akin dati!” sabi ulit ni Martin. “Iyon eh, kung hindi ka nagbago ng isip.” sabi pa ulit ng binta.
“Walang bawian!” sabi ni Fierro at walang pakundangang inangkin ang mga labi ni Martin.
Nabigla at nagulat si Martin sa ginawang iyon ni Fierro subalit higit pa ay walang pagsidlan ang saya sa puso ng binata. Anung tamis nang unang halik na kanyang naranasan. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata para lalong damin at lasapin ang sarap ng kanyang unang halik.
==================================================================
WAKAS === WAKAS === WAKAS === WAKAS

1 comments:

Jayson June 12, 2011 at 12:09 AM  

weeeh....excited ako sa unang mahika na yan.....yu know na mahilig ako sa mga fantasy...ehhehehe.

Keep it up and also please dont say that your essay is not worthy to be read. Its not for you to decide whether its good or not......The reader can tell....remember in every story in every article that we write we have an intended readers.... it might not be for general audience but one thing is for sure...someone finds it interesting....

keep up and dont get tired in writing because you are good...

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP