Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 34)

Thursday, January 12, 2012




Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

AUTHOR'S NOTE:

----> Heto yung part ng Series ko na pinakahihintay ninyong lahat!! Kung sino nga ba talaga si Patrick na minahal ko.. Alam ko, yung iba sa inyo alam na kung sino si Patrick simula sa umpisa pa ng istorya ko. Sana'y hindi pa ito ang last na pagsusubaybay ninyo sa series ko dahil may mga revelations pa na mangyayari right after Patrick's appearance in this story. May last 2 parts pang natitira kaya sana'y pakatutukan ninyo ang natitirang series ng Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick..

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina clyde (thanks po!! I appreciated much!!) John Gerald, Don, Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus, dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/ or just type: Bisexual/Faggot's Kiosk

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------
Part 34

"Jacob pumanik tayo! I want you to watch this!!"

Kinuha niya sa bag ang isang DVD. pagkatapos ay niyaya niya akong pumanik. Pagkapanik ay nakita ko sa loob ng kwarto ang TV at DVD player. Binuksan niya yun at sabay ipinasok ang DVD sa loob ng DVD player. Mukhang may ipapanood siya sa akin.

"I hope you understand everything after watching this one!!" Sabi ni Patrick sa akin habang nakayukong mangiyak-ngiyak ang boses nito.

Pinanood ko ang video. Napanood ko ang introduction ng video na nakasulat ang "I LOVE YOU, JACOB!! SORRY FOR EVERYTHING I'VE HAD DONE FOR YOU.."

Sumunod nun ang mga picture namin na nag-pop out isa-isa simula noong mga bata pa kami. Nung nasa amerika siya kasama si Jan, at ang highschool at college days namin. Pumikit ako. Ayokong madala ng emosyon sa mga nakikita ko. Maaring magbago ang lahat kapag napanood ko ito. Hinawakan ni mommy ko ang mga kamay ko at sinabing, "Kaya ma yan!!"

Biglang nagsalita si Cheney. Mukhang may sakit siya noong mga panahong yun. Nasa kwarto siya sa loob ng hospital at paniwala ko'y kinuhanan ni Lei ito nung last time na dinala niya ang videocam sa hospital.

(this is an actual footage when Cheney was confined in hospital about few years ago)

"Hi cakie!! What's up!! I know while you're watching this, I'm already in my 6 feet below the ground (biglang yumuko ng konti, pero bumalik naman sa camera after 1 minute) Well, let's just stop this!! I want you to be happy when this day comes in your life!! I'm so, so, so, happy that you already knew that Lei is Patrick. I hide this because I want you to surprise when this wonderful day has come to your life! Cakie, sorry kung itinago ko sa'yo ang katotohanan na si PATRICK AT LEI AY IISA. Akala ko nga nung una eh..(biglang nagkamot ng ulo) mahuhuli mo na kami nung nakiusap ako sa'yo na lumayo ka sa aming dalawa ni Lei pansamantala. Buti na lang at dumating si Joseph at kaagad na kinausap ka niya. Sorry my cakie!! See.. Oh!! Ngingiti na yan!! Kahit nasa heaven na ako, sana, wag na wag mawawala yung smile na isa sa minahal ko sa'yo. Well, dapat talaga yung plano namin ni Patrick na i-reveal out na sa'yo talaga nung last time na na-receive mo yung Christmas letter na binigay ko sa'yo! Pasko yun kaso, nahirapan siya. Kaya dinaan na lang niya sa letter yung lahat ng gusto niyang sabihin sa'yo.."

"Yung sa simbahan! Tama! Dapat yun ang araw na sasabihin namin ni Lei na siya si Patrick kaso, unfortunately, bigla akong na-confined sa hospital. Hindi tuloy natuloy, pero, kahit na nalaman ko na bilang na yung araw ko here, nangako siya sa akin na after my wake, sasabihin niya sa'yo ang katotohanan. ( biglang tumingin siya sa labas) Ano?! Nandyan na., naku... (biglang tumingin sa camera at kinausap si Lei habang nangangamot ng ulo) Lei, bilisan natin at nandiyan na si Jacob!!( nag-ayos sa harapan) ayan., well... Nasabi ko na ang lahat-lahat cakie!! Sana mapatawad mo si Lei!! Kahit ako!! Sana mapatawad mo rin ako.. Kahit na ok lang for us na hindi mo kami patawarin, ok lang!! Basta intindihin mo na lang siya (sabay tingin kay Lei) Gago ka rin kasi eh 'noh?! Pinapahirapan mo pa cakie ko!! ( tumingin agad sa harapan) ok cakie!! Hanggang dito na lang. Papunta ka na kasi dito eh!! Well actually, nasa labas ka at bumili ka kasi ng food sa canteen.. Di mo alam ito as of now!! By the way, see you in heaven, my cakie!! I love you!! Muah!! ( sabay kindat) TAKE CARE!!"

Hindi ko alam kung magagalit ako sa mga narinig kay Cheney o masu-surprise. Basta kailangang hindi ako magpakita ng motibo na konti na lang at mapapatawad ko na siya.

After kay Cheney, bigla ko rin nakita ang mga letters na nagpe-fade isa-isa yung mga letters at iniisa-isang binubuo ang salitang "A REVELATION THAT CAN CHANGE EVERYTHING."

Nakita ko sa video si Kuya Kenneth.

(this is an actual footage when my brother was in Dubai..)

"Hi bro!! Kamusta!! Mami-miss kita
Wag mong kakalimutan yung sinabi ko sa'yo ah!! Just follow your heart!! Wag yung isip!! Ok!!
(biglang dumating sa video ang lalaki na kamukhang kamukha ni Lei.) ay siya nga pala!! Siya si Robinson, DADDY NI PATRICK!! Tama!! Siya yung daddy ni Patrick at sinasabi kong First love ko!! What a coincidence!! Hehehehe..(biglang hinalikan ni Tito Robbie si Kuya sa pisngi) Bye, sweetie( tapos bumalik kaagad sa video) nagulat ka no!! Hahahaha!! Well, yun ang revelation ko sa'yo. Siya yung kinukwento ko sa'yo na one true love ko. Parehas ng sa inyo ni Patrick, este ni Lei, este ni Patrick.. Hay ang gulo!! (biglang nagkamot ng ilong) like father like son, like his brother to his bunso!!(sabay ngiti sa harap ng videocam) basta Jacob!! Sana Mapatawad mo si Patrick!! Mahal ka niya at panatag akong hinding-hindi ka niya iiwan.(biglang tumingin sa baba ng 1minute at bumalik din sa videocam pagkatapos) Jacob, naalala mo yun time na naabutan mo si Lei umiiyak?! Ang totoo nun, sinabi niya sa akin yung totoo. Pati yung tungkol sa daddy niya. Kaya na-surpise ako nung nalamang siya pala ang anak ng one-true-love ko.. Aaminin ko, NAPAIYAK AKO NUN!!"

"Well, alam yan ng bestfriend ko, diba, Susan?!(nung sinabi ni Kuya yung pangalan ni Tita Susan ay napatingin akong bigla sa mommy ni Patrick at nakita ko siyang ngumiti habang umiiyak.) Jacob!! Ikaw (bigla akong napatingin sa kanya) Oo, tanggapin mo na kasi si Patrick!! Mahal ka naman talaga niya eh!! Swear!! Naniniwala ako sa destiny!! YOU BOTH HAVE DESTINED TO BECOME AS ONE!!! Believe me!! Gayahin mo kami ng Tito Robbie mo!! Maging masaya ka sa piling ng tunay mong mahal!! Teka(tumingin sa relos niya) aalis na pala ako!! Kailangan ko nang magtrabaho!! Sige Lei.. Pinauubaya ko na sa'yo kapatid ko!! Wag na wag mo siyang sasaktan kundi.. Papatayin ko daddy mo..(sabay tawa..) bye now my bunso!!tawagan mo ako kapag nag-reveal na si Lei sa'yo.."

Biglang lumambot ang puso ko. Hindi ko na pinagpatuloy ang panonood ko sa video clip ng mga mahal ko sa buhay. Agad na binaba ko ang ulo ko at nagsimulang umiyak. Mga luhang unti-unting pumapatak hanggang sa naging sunod-sunod na parang umuulan. Bigla kong na-miss ang lahat ng mga tao sa videoclip niya. Si Cheney, na minsan ay natutuhan kong mahalin at si Kuya Kenneth, na nag-udyok sa akin para sundin ang tibok ng puso ko at hindi ng isip ko.

Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Sa puntong yun, sinabayan ko na rin ng madiin na pagtiklop ko sa mga palad ko. Gusto kong sumuntok!! Gusto kong ilabas ang sakit!! Gusto kong ipakita sa kanila ang paghihirap ko sa mga nangyayari sa akin ngayon!!

"TAMA NA!! TAMA NA!! Ayoko nang makita o mapanood ang lahat!! NASASAKTAN LANG AKO!! Lahat ng ipinapakita nyo sa akin ay wala lahat!! Wala sila sa buhay ko!!"

Kaagad na lumapit sa akin si mommy. Umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang buhok ko at sinabayan din ng paghimas.

"Anak!! Kaya mo yan!! Nandito lang kami ng daddy mo para alalayan ka!! Mahal ka ni mommy at susuportahan kita sa ide-desisyon mo!!"

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iyak. Sa sobrang sakit, napahagulgol ako. Ipinakita ko sa lahat kung gaano akong nasaktan sa mga nangyayari sa akin sa buhay ko. Agad silang pumalibot sa harap ko hanggang sa iwanan na nila si Patrick na nag-iisa.

"Jay, sorry din kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo yung totoo. Pasensiya na kung naging makasarili ako at ng mga barkada natin sa ginawa namin sa'yo!! Handa kaming tanggapin ngayon kung ano ang ide-desisyon mo ngayon! Kahit masakit! Ok lang sa amin!!" sabi ni Joseph habang hinihimas ang likod ko.

"Kayong lahat! Labas na kayo dito. Pinatatawad ko na kayo!! Isa lang ang hindi ko kayang patawarin at yun ang lalaki na niloko ako at ginawa akong gago for 14 years!!!"

Inakap nila akong mahigpit. Samantala, sa isang tabi, nakikita ko si Lei na nililigpit ang DVD set habang umiiyak. Para siyang bata kung tutuusin. Sabay sa pag-iyak niya ang pagsinghot dala na rin siguro ng baradong ilong na naipon habang umiiyak. Nakakaawa siya kung tutuusin pero hinding-hindi ko siya patatawarin!

Habang umiiyak sa harapan ng mga kasama at kabarkada ko, biglang tumakbo papalabas sa kwarto si Patrick. Binitawan niya ang DVD Set na nililigpit kanina. Ni wala man lang umawat sa ginawa niya. Nakita kong sinundan siya ng kanyang mommy para samahan siya sa pagluluksang ginawa ko sa kanya hanggang sa nakarinig ako ng sigaw mula sa ibaba na parang may nangyaring bungguan sa labas.

"Tulungan ninyo ako!! My son!! Anak!! Gumising ka!!"

Biglang nagkagulo sa labasan malapit sa N. Zamora St. Tumingin ako sa bintana. Nang nakita ko, bigla akong nagulat sa aking nasaksihan.

Nasagasaan si Patrick sa labas. Nakabulagta. Hindi ko alam ang gagawin kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Para akong natakot! May kung anong pumasok sa isip ko na mag-alala para sa kanya!! Gulong-gulo ulit ako!! Pinipigilan ako ng isipan ko na wag siyang pakialaman ngunit sinisigaw naman ng puso ko na sundan siya sa labas at tulungan siya. Hindi! AYAW KONG MAWALA ULIT SIYA SA PILING KO!! Sa Kabila ng galit na nararamdaman ko sa kaniya, MAHAL KO PA RIN SIYA!! Grrrr!! Nakakaasar!! Hay naku!! PAKSHET NA PAG-IBIG TO!! Di na ako makikinig sa dinidikta ng isip ko! Wala na rin akong pakialam sa nararamdaman kong galit sa kanya! BAHALA NA!! Pupuntahan ko siya!! Kailangan niya ako dun!!

"Patrick!! Mommy!! Please!! Tulungan natin si Patrick!!" Paanyaya ko kay mommy habang nagmamadaling bumaba paa tignan ang nangyari sa pinakamamahal ko.

Kumaripas ako ng pagtakbo sa ibaba para tulungan ang minahal ko ng buong buhay ko. Nang nakarating kami sa lugar ng aksidente, Bigla akong na-shock!! Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik pa! Kaagad na lumuhod ako at kinuha ko si Patrick na duguan at niyakap siya ng mahigpit.

"Patrick!! Kung mawawala ka sa akin ngayon, hindi ko ito makakaya!! Lumaban ka, Patrick!! Kailangan pa kita sa buhay ko!! Pasensiya na! Pasensiya na talaga!!"

Biglang tumulo muli ang luha ko sa kanya. Ang sakit at galit ng nangyari kanina ay unti-unti nang napapalitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa taong minahal ko ng sobra-sobra.

"Ah.. Ja— Jay— Jacob ko!! Mahal na mahal kita!!"

Tinapat ko ang pisngi ko sa pisngi niya. Nararamdaman ko pa ang kanyang maiinit na hininga. Nakapikit siya at mukhang wala nang malay. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang kanyang mukha na napaka-inosente at mukhang anghel. Ayaw kong mawala si Patrick sa buhay ko! Nandito siya para mahalin muli ako at hinding-hindi ko ito hahayaang mawaglit pang muli.

"BUHAY PA SIYA!! DALI!! Tumawag kayo ng masasakyan!!(sabay tingin kay Patrick) baby bro ko!! Wag kang bibitaw!! Andito na si Big bro!! Mamahalin ka na ulit niya!!"

Kaagad na pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang manggas ng T-shirt ko. Nakarinig ako mula sa likuran ko na may nagbusina ng tatlong beses. Nang lumingon ako, nakita ko ang pulang Pajero na sasakyan ni Tita Susan dati. Buhay pa pala yun? Binuhat ko agad si Patrick at dinala sa sasakyan. Kasama ko rin ang mga barkada ko, si mommy, mommy ni Cheney at mommy ni Patrick.

"Patrick ko!! Wag kang bibitiw!! Mahal na kita at pinapatawad na kita!! Sana mapatawad mo na rin ako... Sorry Patrick!! I'm sorry!!!"

Umiiyak ako habang nakakarga sa aking mga kamay ang noo'y walang malay na si Patrick. Nakikita ko ang mga luha ko na pumapatak sa malaporselanang kutis ng mukha niya. Ang tangos ng ilong niya ay kaagad kong hinipo. Habang hinihipo gamit ang hintuturo ko, bigla siyang lumuha. Luha na dire-direcho. Kaagad kong kinuha ang buo niyang katawan at niyakap siya. Siguro, ito na ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko na naaksidente si Patrick despite dun sa ginawa niyang kasinungalingan sa akin.

Dinala siya sa UST Hospital kung saan sinugod at ki-nonfined si Cheney. Binaba ko kaagad si Patrick habang nakapasan sa likod ko at inihiga sa isang higaan exclusively for accident-caused patient. Habang naglalalakad ay hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay at kaagad na idinala sa emergency room para gamutin.

Samantala, habang nasa labas ng emergency room, tumingin ako sa isang altar malapit dun at nagpasiyang pumunta. Nang makarating, tinignan kong mabuti ang imahe ni Jesus Christ na nakapako sa krus. Sa hindi inaasahan, bigla kong sinapak ng napakalakas ang isang dingding sa gilid ng altar.

"Ano?! Diba eto yung gusto ninyo sa akin?! Pinahihirapan ninyo ako!! Kinuha ninyo si Cheney sa akin tapos, ano?! Kukunin ninyo si Patrick?! Unfair po kayo!! Lahat ng mahal ko, kinukuha ninyo sa akin!!"

Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakialam kung nakaka-eskandalo ako o hindi. Gusto kong ilabas ang lahat!! Gusto kong magalit sa sarili ko!! Sa pagkakataong hindi ko minahal si Patrick!! Na puro galit at poot ang namayani sa puso ko para sa kanya. Na hindi ko pinahalagahan ang lahat ng malasakit niya sa akin!!

Biglang lumapit sa akin ang mommy ni Patrick. Niyakap niya ako. Ibinaba niya ang kamao ko at dinala ako sa upuan para kalingain at damayan.

"Anak... Alam ko ang pinagdadaanan mo. Napagdaanan mo na rin yan noong nagkasakit at namatay ang pamangkin ko. Masakit anak, pero kailangan mo na magpakatatag!! Kailangan ni Patrick yun ngayon!! Masakit para sa kanya na magtapat sa'yo pero sana, kahit konti lang! Ma-appreciate mo ang mga ginawa sa'yo ni Patrick sa buhay mo."

Dire-direcho akong umiyak. Sa puntong yun, para akong namatayan. Ang sakit ng nararamdaman ko ay ibinuhos kong lahat, hanggang sa dumating ang duktor sa galing sa ng ER kasama ng mommy ni Cheney at hinanap si Tita Susan.

"Who is the patient's relatives? Oh are you, Ms. Francisco, by the way, ma'am your son is already fine! Wala siyang natamong major injuries sa accident niya. Maybe tomorrow you can now bring him home, well anyway, who's Jacob?!"

Agad akong pumunta sa harap ng duktor na pamilyar na rin sa akin.

"Doc!! What about Patrick? Is he in good condition? What? I need an update now!!"

"Well iho, just relax!! , By the way, ako yung doktor na nag-opera sa kaibigan mo, si Lei! Siya nga! Natatandaan mo pa ba?! Yung nag-donate ng bone marrow sa kaibigan niya!! Well, I was thrilled knowing na tinatawag ka ulit niya sa loob! And the interesting part is, tulog siya!! Yup!! You heard it right!! Tulog siya na habang sinasabi niya na mahal ka niya!! Kayo talaga!!"

Biglang sumigla ang kaninang tumatangis kong puso. Gusto kong puntahan si Patrick! Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon?

Makalipas ang ilang oras at nilagay na siya sa recovery room. Kaagad ko siyang pinuntahan sa loob habang ang iba kong kasama ay nagpasyang hindi muna papasok.

Nang nakapasok, agad akong lumapit sa kanya. Kinuha ang kanyang mga kamay at nilaro.

"Baby bro ko!! Si Kuya Jacob to!! Alam mo, NAPATAWAD NA KITA!! Ngayon, ang gusto ko ay mahalin mo rin ako. Mahalin mo ako ng hindi ikaw si Patrick, kundi si Lei."

Napatingin ako sa patient's nametag niya. Bigla akong nagulat sa aking natuklasan! Ang nakagisnan kong pangalan niya na Kleinstein Francisco ay kulang pala. Ito ang totoong pangalan na nakita ko sa kanya.

"JAN PATRICK KLEINSTEIN V. FRANCISCO"

Yun ang totoo niyang pangalan. No wonder kung bakit may napansin akong nakabura sa Christmas Card na ibinigay niya sa akin at yun pala yung pang-third na pangalan niya. Kinuha ko yung tag niya at tinitigang mabuti.

"Hay naku, Patrick!! Ikaw pala ah!! May sikreto ka pang hindi sinasabi sa akin. Yung totoo mong pangalan!! Ang gamit mo nung highschool ay iba pala sa pangalan mo na nasa tag mo ngayon!! Ang galing mo rin magtago my baby bro ah!! Hehehe.. Joke lang!! I love you!! Baby bro!!"

Habang natutulog, kinurot ko ang mga mapuputing pisngi niya na nanggigigil hanggang sa bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Suprise!!"

Biglang nagising si Lei. Kinuha niya ang ulo ko at sabay hatak papunta sa mga mukha niya.

"Sabi ko na nga ba eh, mahal mo rin ako!! So what kung tinago ko sa'yo ang totoong pangalan ko? Hindi na importante yun! Ang mahalaga, yung pangalan mo ang nakatatak sa puso ko. Can we just start all over again?!"

Hindi ko siya kinibo. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Ang mga maliliit na pouted na labi, ang mala-hazel brown na kulay ng mga mata nito, ang pointed na ilong niya at higit sa lahat, ang mga naglalakihang mga dibdib niya na dati ay maliit lang.

Bigla akong hinalikan sa labi ni Lei. Napapikit ako. Dinama ko ang halik niya na una kong nalasahan noong mga bata pa kami. Si Patrick na nagkukubli sa katauhan ni Lei pala ang una at huli kong mamahalin. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa mga halik na ibinibigay niya sa akin. Siya nga si Patrick!! Siyang siya.

-----o0o-----

Kinabukasan ng gabi, kakagaling lang niya sa hospital, medyo nakakayanan na ni Patrick na ilakad ang kanyang mga paa. Nasa loob pa rin ako ng bahay nila para bantayan siya habang may tama ang kanyang likod.

Pumunta ang mommy niya para kumuha ng makakain namin at pagkatapos nun ay inalalayan ko siyang umupo sa sofa.

"Kuya, maraming Salamat sa lahat ah!! Akala ko, mabibigo akong sabihin sa'yo ang katotohanan sa pagkatao ko!"

"Baby bro, ok lang yun!! Ang importante, magpagaling ka! Tandaan mo, mahal na mahal ka ni kuya!!"

"Ay.. Teka kuya, kukuha lang kita ng makakain."

"Teka, baby bro, ako na lang!! Umupo ka na lang diyan at baka mahirapan ka!"

Kinuha ko ang pagkain na niluto ni Tita Susan sa amin and guess what?! Ang niluto niya ay chocolate cookies na pinagsaluhan namin noong bata pa kami! Kumuha ako ng mauubos namin ni Patrick at pagkatapos nun ay pumunta sa kanya.

"Baby bro, medyo malabo pa sa akin ang lahat eh?! Pwede bang sabihin mo kay Big bro kung bakit naging ikaw si Patrick?!"

Biglang dumating sa usapan namin ang mommy niya, si Tita Susan.

"Ay, iho!! Teka mukhang may nakalimutan akong dalhin sa inyo! Ah!! Yung iced tea!! Saglit lang ha?!"

Kinuha ni Tita Susan ang iced tea sa loob ng ref at dinala sa amin. Umupo siya sa tabi ko habang nag-uumpisa na siyang magkwento ng lahat ng bagay na nangyari sa kanya simula noong nasa amerika siya hanggang sa dumating ang oras na ni-reveal niya ang sarili niya as Patrick.

Dumampot ako ng dalawang pirasong chocolate cookies at ibinigay yung isa sa kanya at tinuloy ang kwento habang kumakain.

"Actually, noong nasa america ako with mom, lagi akong malungkot nun. Minsan nagta-tantrums ako sa kanya kasi gusto kitang makita. Nagwawala ako as in. Lagi akong walang ganang pumasok sa school, yung Jacksonville Academy at minsan ay nagka-cutting classes pa kasama si Jan. Actually, naging magbestfriend kami ni Jan nun. He always comforting me that time when I was crying. Siya rin ang dahilan kung bakit gusto niya akong umuwi sa Pilipinas para makasama ka. To tell you, kuya, our similarities in names were just purely coincidental. Jan Patrick siya, while me is Jan Patrick Kleinstein. Kleinstein dahil dun sa barko kung saan nakita ni daddy ang happiness niya sa kuya mo. Nakaka-inspire nga eh, kaya that was the time I emulated my dad kaya naging bisexual ako at my younger age, pero discreet lang. Gumawa rin ako ng diary notebook para mailabas ko ang pangungulila ko sa'yo at dun ko lahat inilagay yun."

Nagsalin ako ng isang basong iced-tea at ibinigay sa kanya. Hindi ko muna itinuloy ang pagku-kwento niya sa akin para makainom siya ng kaunti. Pagkatapos nun ay bumalik siya sa kinukwento niya.

"Nagalit sa akin si granny noong nagwawala ako ng dahil sa'yo kaya nagkulong ako. Dinam-dam ko ang pagkawala mo sa buhay ko kaya, nagdecide ako to kill myself by means of slashing my wrist, pero bago yun, nagsulat muna ako sa notebook ng "Sorry Jacob!! I still do love you" ng paulit-ulit hanggang sa mapuno ko ang isang page ng balikan at nang natapos yun ay dun na ako nagpasyang kitilin ang buhay ko kahit bata pa ako."

"Tumulo ang mga dugo ko, pagkatapos ay inilagay ko sa page ng notebook ko para alalahanin ang araw nun na wala ka sa piling ko. Nawalan ako ng malay because I lost some of my bloods in my body and had caused me to be fainted that time.
I was ran abruptly into the hospital and had confined there for six consecutive days. Malalim ang sugat na ginawa ko sa sarili ko, that's why I have some scars here in my wrist."

Pinakita niya ang pulso niya na may peklat. Yun yung napansin ko sa kanya dati noong highschool. Kaagad kong kinuha yung kamay niya at hinawakan ang peklat sa pulso. Mukhang malalim nga. Binaba ko ang kanyang mga kamay pagkatapos at hinayaang siyang magsalita ulit.

"That day, gusto ko nang mamatay! Ayoko ng mabuhay dahil hindi na kita makikita. Naaawa sa akin si mommy kaya nangako siya na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral sa Pilipinas ng highschool basta't tapusin ko lang ang grade seven ko. Pagkatapos ma-confined, biglang sumakit ang ulo ko, pati na rin ang mga mata ko. Napansin ko rin na biglang lumalabo ito habang tumatagal ang sakit. Kaagad na dinala ako sa optometrist para malaman ang dahilan ng biglaang paglabo ng mata ko at binigyan ng salamin pagkatapos."

"Tinulungan ako ni Jan na gumawa ng plano. Siya ang may pakana nito. Kailangan ko raw magpanggap na hindi ako si Patrick para daw malaman ko kung talagang mahal mo ako. Gusto niya na mahalin mo ako ng hindi sa pangalan ko kundi sa ibang pagkatao. At first, hindi ako pumayag, pero kinulit niya ako. Kailangan ko raw gawin yun para malaman kung gaano mo ako kamahal. Nangako siya sa akin na pupunta siya ng Pilipinas para tulungan ako sa plano ko basta sabihin ko lang kung kailan."

"Umuwi ako sa Pilipinas. Medyo nagiging maayos na ang pagtatagalog ko. Nasanay yun dahil ayaw ko na makipag-usap kay mommy ng English para hindi makahalata yung mga magiging kaklase ko na galing ako sa ibang bansa. Kaagad na kinausap ko si Cheney para sabihin na nasa Pilipinas na ako. Sinabihan ko rin siya na i-sikreto ang pag-uwi ko para matuloy ang plano. Naging kasabwat ko siya. Siya ang nagsabi sa akin ng lahat ng tungkol sa'yo. Nalaman ko rin sa kanya na naging kayo pagkatapos. Masakit para sa akin na nalaman yun sa kanya, pero kailangan kong maging matatag. Nagkita kami noong bakasyon noong 2002 para pag-usapan ang lahat ng ipa-plano. Sorry Jacob, pero kailangan naming matuloy ito hindi para sa amin kundi para na rin sa'yo."

"April, 2002, nagpa-enroll ako. Inayos ng mommy ni Cheney yung dokumento para maiba yung pangalan ko as Jan Patrick Kleinstein to Kleinstein lang. Gusto kong walang makaalam na ako si Patrick lalo ka na. Nagpasuyo rin si mommy sa kapatid niya para dun muna ako tumira ng pansamantala. Naging kasama ko nun si Tiffany. Siya yung parang naging kapatid ko. Sa kanya ko rin sinabi pati yung sikreto ko."

"Pasukan noon at pa-second year high school na ako. Wala akong kakilala at kasama nun. Hindi ko alam na magiging kaklase kita, at hindi ko rin alam na ikaw si Jacob, until the time came out na nakita ko si Cheney na kasama ka. Kaagad na sinenyasan niya ako nun noong nakita ko kayong magkasamang naglalakad sa corridor. Siya ang nagkumpirma na ikaw nga si Jacob, ang one true love ko. Siya rin ang naging dahilan para nagkakilala tayo at maging ka-close. Actually, I owe her because when that moment happened, para ka na ring bumalik sa piling ko."

"First time na niyaya kita sa bahay ko, actually, I was in doubt that time. Hindi ko alam kung mahuhuli mo na ako. Especially nung sinabi sa'yo ni Tiffany na ikaw yung GF ko, I mean, BF ko. I really don't know what to do when Tifanny asked you about that, buti na lang at hindi mo siya pinansin. Yung tungkol sa wallpaper ko sa desktop, well, ako gumawa nun. Talagang pinakita ko sa'yo yun just to appreciate it and I didn't failed to do so."

"Yung tawagin mo akong kapatid, yun yung second step ko. Tinulungan ako ni Tita para gawin yun. At first nagdadalawang isip ako. After she asked that to you, I was find a relief for that. Ngayon na natatawag na kitang kuya, masayang masaya ako at feeling ko, yun ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko."

"I was with Cheney when I decided to reveal to you my real identity. Magpapasko nun kaso, may sakit siya. She wanted me to reveal anything before she will leave us. Gagawin ko talaga yun kaso naunahan lang ako ng takot, ng kaba, ng....argh!! Basta kuya!! Kaya instead na harapin ka nung Christmas, nagpadala na lang ako ng X-mas letter sa'yo at para na rin makipagkita sa'yo at reveal out sa harapan mo na ako at si Patrick ay iisa."

"Sinamahan ako ni Cheney para damayan ako sa gagawin ko. Sasabihin ko na sana ang lahat nang biglang dumating si Father Michael at biglang nag-seizure si Cheney na dahilan para manghina siya and mamatay eventually."

"Hindi ko alam kung matutuloy ang plano ko na sabihin sa'yo ang totoo. Nagulat ako noong nalaman ko na namatay si Cheney! Alam mo Kuya, yun ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko! Ang pag-asa ko na magpakilala sa'yo ay nawala na instantly.."

"Buti na lang at tumawag si Jan overseas para kamustahin ako. Dun ko sinabi sa kanya na kailangan ko ang tulong niya. Agad na dumating siya sa Pilipinas nung first day ng burol ni Cheney at nagboard malapit sa SM Manila. Actually, hindi siya pamilyar sa mga schools dito pero kinulit ko lang talaga siya para mag-aral dito, at yun, tinupad naman niya. Actually, pure male siya! Nagsinungaling siya na bisexual siya sa iyo. May GF siya at dito rin nag-aaral sa Manila. Bigla siyang napalunok ng laway nung sinabi ko sa kanya na magpapanggap siya na makipagrelasyon sa'yo. Masakit!! Kaya napaiyak ako nung kumakain tayo sa starbucks sa SM Manila kung saan nakita mo kami."

"Umiyak ako nun dahil nakikita ko kayong sweet noong oras na naging kayo. Ayaw kong masaktan that time, kaya lumalayo ako sa inyo para dumistansiya sa sakit na nararamdaman ko everytime I saw both of you together. Kuya, ito yung masakit!! Ayaw ko sanang gawin pero kailangan!! Sinabi ko rin sa kanya na isumbong ka sa daddy mo about your sexual preference para maging malaya ka sa kung sino ka talaga. Sana kuya maunawaan mo ako!! Sorry kuya!! Sorry talaga!! Tama lang na magalit ka sa akin!!"

Hindi na tinuloy ni Patrick yung ibang kwento. Bigla siyang umiyak sa harapan ko habang nakatingin sa kanya. Kinuha ko siya at sabay niyakap.

"Baby bro ko, past is past!! Now, I would let you to start all over again. Hindi ka na si Lei, si Patrick ka na so you have nothing to worry anything. What matters most is you're already here beside me. Baby ko, mahal na mahal na mahal na mahal kita!!"

Iyak pa rin siya ng iyak. Parang bata kung tutuusin. Kung ikukumpara ang sitwasyon ko sa kanya, parang siya ang mas maraming pinagdaanan kesa sa akin. Ramdam ko sa bawat patak ng luha niya na bumabagsak sa balikat ko ang pagsisisi sa ginawa niya sa akin. Tama na ang minsan ay nasaktan ako sa mga ginawa niya. Masaya ako dahil nagpatawad ako ng buong puso at ngayon ay handa ng harapin kung ano ang nakatakda sa amin..

Ano pa kaya ang mangyayari sa amin pagkatapos ng mga sandaling ito?

Itutuloy..

Read more...

Endorsed to Love : Chapter 3 and 4

Wednesday, January 11, 2012


Chapter 3

Naputol ang kanyang sasabihin ng napaubo siya ng sunod sunod at ngayon ay kailangan niyang habulin ang paghinga…ng mahimasmasan ay ngumiti siya at akmang magpapatuloy sa sasabihin ng inunahan siya ni Nel.
“Sabi ko naman sayo pwede namang bukas na lang natin ipagpatuloy… kailangan mo ng magpahinga.” anito na itiniklop ang librong pinagsusulatan. Bakas sa mukha niya ang pagaalala… “isa pa wala naman tayong hinhabol na oras.” dugtong nito.

Ngumiti si Rob, at nabahiran ng lungkot ang malamlam nitong mata…

“Ayaw mu na bang makinig sakin?” mahina, animoy nagtatampo na tanong niya.
Napangiti si Nel, sino nga ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa isang tulad ni Rob? Sa napakaamo niyang mukha at mga matang pag tumingin ay tila ba nangaakit.  Bumalik siya sa kinauupuan at hinawakan ang kanyang kamay…

“Hmmm sabihin mo saken… hindi lang iyon ang una at huli nilang pagkikita, hindi ba?” tanong ni Nel.

“Parang ayaw ko ng makinig at magsulat…masyadong maiinit ang mga eksenang binigkas mo, napapaisip tuloy ako na maaaring inaakit mu lamang ako.” Dagdag nito ng pabiro.

“Ikaw ba, gusto mo?” ganting pabiro ni Rob.

Natigilan si Nel at napahagalpak ng tawa si Rob “Kung nakikita mo lamang sana ang itsura mo…” anitong pigil parin ang tawa. 

Namula si Nel at napamaang sa kadiretsuhan ni Rob, paano niya nagagawang biro ang lahat? Sa isip isip niya. 

“Haiss..sige ipagtuloy na lang natin.” Ang nasabi nalamang nito.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Rob at tila ba nahulog muli sa balon ng kanyang imahinasyon…

-----

Nagising si Geoff na magisa sa kama…bihira siyang nakikitulog sa bahay ng kanyang mga nagiging costumer at kung sakali man ay hindi sa ganito ka late sya nagigising. 
Bumangon siya sa kama ta bahagyang nagulat ng mapansin niya na buhay ang kanyang sandata… napangisi siya at pilyong naisip na wla talagang kapaguran ang kanyang alaga. Hinanap niya ang mga saplot sa paligid at nadako ang paningin niya sa larawan na kagabi lamang ay pinamamasdan niya…inabot niya ito at pinagmasdan at muli ay tinamaan siya ng libog. Sinimulan niyang laruin ang kanyang sandata at hindi niya tinigilan ito hanggat sumabog ang kanyang katas at tumalsik sa kanyang dibdid. Napangiti siya at tumayo, dumeretso sa banyo, naligo at nagpatuyo, nagbihis.

Wala ni ang anino ng lalaking nakaulayaw niya ng paulit ulit kagabi. Lumabas siya sa sala at napansin niya ang puting papel na nakatupi at nakapatong sa center table. Kinuha niya ito at mas lalong lumaki ang kanyang pagkakangiti ng Makita niya ang limang tig iisang libo sa loob nito, at isang note, sulat kamay…

“thanks for lastnight, I enjoyed it. Leave the key under the placemat.” –Anthony


“Kakaiba talaga ang taong ito…” aniya sa sarili.

Umalis sya sa lugar na iyon na umaasang Makita niyang muli ang lalaking iyon na Anthony pala ang panglan. 

“Anthony…Anthony…” ulit niya sa pangalan nito.



Chapter 4

Hindi makapag concentrate si Anthony sa kanyang trabaho ng mga sandaling iyon. Tulala at mayat maya ay kung saan napapadako ang kanyang isipan. 

Naiinis siya sa sarili kung bakit ang mukha ng lalaking iyon ang laging sumasagi sa utak niya… “Geoff…” usal niya…hindi na niya mabilang kung ilang beases na niyang binigkas ang pangalan nito. Iniisip niya kung nandoon parin kaya siya at hinihintay siya sa kanyang paguwi? Parang gusto tuloy niyang hilain ang oras para matapos na ang maghapon. 

“Brod, Okay ka lang?” tapik sa kanya ni Red isa sa mga malalapit niyang kaibigan. “Makaka move on ka din sa kanya, tol. At wag lang magpapakita sakin ang Rafael nay an at baka masapak ko lang” litanya nito na pigil ang galit. Si Rafael ang kanyang bestfriend na umagaw kay Gina.

Lihim na pinagalitan ni Anthony ang sarili sapagkat hindi na siya nakakaramdam ng kahit anumang kirot sa pagtataksil ng kanyang bestfriend at gf. Iba ang laman ng kanyang isip. Si Geoff.

Dumaan pa ang mga araw na may pangungulila sa kanyang puso si Anthony. Nakailang beses o ilang gabi at inaabot ng madaling araw na din siyang nakatanaw sa malayo kay Geoff habang nakatambay ito sa lugar kung saan ito madalas nakakakuha ng kostumer. 

Wala syang pakialam kung nagmumukhan syang detective o stalker. Natatakot lang siyang lapitan ito… o marahil ay nahihiya. Isang gabi habang nakaparada siya sa di kalayuan ay tanaw niya si Geoff sa usual nitong pwesto at prenteng naghihintay. May humintong sasakyan sa pwesto nito at nakita niya kung paano niya ito nilapitan, sa may kadilimang bahagi ay marahil nakikipagpresyuhan ito… medyo matagal ng nakahinto ang sasakyan duon at makalipas ang ilang sandali ay umandar na ito papalayo. Hindi niya nakita si Geoff, marahil ay sumama ito. 
Madalas kasi sa kanyang pagmamasid, na kung minsan ay hindi sumasama si Geoff…namimili ito ng customers. Ilang minuto muna syang ngmasid sinigurado niyang wala siya doon bago siya naglakad patungo sa pwesto nito… naupo sa madalas niyang inuupuan at doon ay nagmumunimuni. Ano ba ang nagyayari saking sarili, tanong niya sa sarili... Bakit ba ko nagkakaganito sa isang lalaking… hindi niya maatim na bigkasin kung anong klaseng lalaki siya at kung bakit sa kanya pa tumibok ang puso nito.
napayuko siya at sinapo ng knayang mga palad ang kanyang ulo…gulung gulo na sya sa kanyang nararamdaman. 

“Malamok d’yan…” mula sa dilim ay lumabas si Geoff. Napatayo bigla si Anthony at animoy napako sa kinatatayuan. Kung maliwanag lang siguro ay kitang kita ni Geoff kung gaano siya namula sa pagkapahiya. 

‘A…e- nap-..napadaan lang a-ko.” Pautal na depensa ni Anthony.

Napatawa ng walang tunog si Geoff… “Ahhh..at halos gabi gabi kang napapadaan ditto.?” Ngumiti ito ng makahulugan at animoy nanunukso.

Namutla si Anthony…sukol na siya. “A-alam mo na.,.na…” 

Tumawa uli ito, ngayun ay dinig ang impit na halakhak nito. Tiningnan lang niya ito ng makahuluan.
“Tulad nga ng sabi ko malamok d’yan…kung gusto mo lakad muna tayo…may alam akong kapehan d’yan lang sa malapit.” Nagpatiuna na ito ng lakad. Ilang Segundo din bago natauhan si Anthony at sinundan niya ito. Hinabol at sinabayan sa paglalakad si Geoff na nuon ay binabagalan na ang lakad.
“Siguro naman ay pwede kong tanungin kung bakit ka laging pumupunta dito… at mukhang hindi ka naman namimick up?” Nakangiting tanong nito.

Hindi nakasagot si Anthony dahil hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanya ang kanyang nararamdaman.
“Nakita kita minsan habang sakay ako ng aking customer, ang akala ko hindi ikaw yon…pero sa mga sumunod na gabi ay palihim ko ng tinitingnan ka sa di kalayuan…I mean mula dun sa pwesto ko.” 

Hindi parin siya sumagot hanggang sa narating nila ang isang stall na nagbebenta ng kung anu ano kahit halos hating gabi na. 

“Ate dalawang kape nga.” Sabay ng pagdukot nito ng bente pesos sa bulsa at iniabot sa inaantok na tindera. 

Nakamasid lang si Abthony at hindi nagtagal ay iniabot sa kanya ni Geoff ang isang basong styro na may lamang umuusok na kape. “Tara dun tayo.” sabi nitong humigop sa kanyang kape.

Umupo sila sa isang kongkretong upuan sa lilim ng mga puno, medyo madilim at tanging ang liwanag lamang mula sa di kalayuang street light at pag tumamatama sa kanilang pwesto ang panaka nkang pagdaan ng mga sasakyan.

Tulad ng dati wala na naman silang imik, nagpapakiramdaman lamang.
Sa di kalayuan ay natanaw nila na may humintong isang sasakyan sa isang na nakatambay na lalaki… lumapit ito at nakipagusap sa bukas na bintana ng sasakyan. Ilang sandali lang ay may isa pang lalaki na lumapit din, mukhang mas bata at mas maganda ang katawan…nagkausap…nagkapresyuhan…at mayat maya ay umikot ang panglawang lalaki sa may passenger seat at sumakay ito.

Napatawa ng mahina si Geoff, dito ay napatitig sa kanya si Anthony mas lalong lumalabas ang kakaiba nitong appeal kapag ito ay nakatawang ngiti at ang hagod ng boses na mahina. 

“Ganyan ang kalakaran dito…Mas gwapo, mas bata, mas maganda katawan…mas maraming kostumer at syempre mas malaki ang kita.” Sambit nito na nakangiti.

“Bakit niyo ginagawa ito?” ang tanong ni Anthony.

Nawala ang ngiti sa mga labi Geoff at gumuhit sa mga mata nito ang kakaibang lungkot. Salamat na lamang sa dilim at hindi iyon napansin ni Anthony.

“Ano ba nga bas a palagay mo ang dahilan?” balik tanong nito at humigop muli sa kanyang kape.
“Pera.” Sagot nito sa tonong iyon lang ang maaring dahilan.

Naramdaman ni Geoff ang parang kurot sa kanyang dibdib sa tono ng pagkakasagot nito. Hindi niya pinahalata na sya ay nasakatan atpinakawalan na lamang niya ang isang pagak na tawa.

“Ano pa nga ba?...” sulsol pa niya. “Yun lang naman ang dahilan hindi ba?” dagdag pa nito. At hindi niya naitago ang pagigijng sarkastiko ng kanyang tinuran.

Marahil ay nakaramdam si Anthony, “Sorry I didn’t mean it… I didn’t mean to-…”

“Okay lang. Totoo naman eh.” Pagputol niya sa mga sasabihin pa sana nito.

“Pera naman talaga ang dahilan, pera…” idiniin niya ang huling salita bago pinagpatuloy “pera ang nagpapaikot ng mundo.”

Tinitigan lang siya ni Anthony at pilit na inaaninag ang mukha nito sa dilim. Hindi siya maaring magkamaki na dama niya ang pait at paghihirap nito. Na sa bawat ngiti nito ay may nakatagong kirot.

Nanaig uli ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ilang minute din silang nagpapakiramdaman ng biglang tumayo na si Geoff.
“Panu ba yan…kailangan ko ng sumibat.” 

“Sandali lang..” napatayo na rin si Anthony. Humugot ito sa bulsa, inilabas ang wallet at kumuha ng dalawang libong buo sabay abot sa kanya.

“Thanks for the time.” Napatingin si Geoff sa perang iniaabot nito. Gumuhit ang kirot sa mukha nito ngunit nagawa nitong abutin ang pera. Kinuha nito ang isa at ibinalik niya ang isa.

“Sobra sobra ito…isa pa wala naman tayong ginawa. At wag mong ipilit na ibigay sakin yan dahil hindi ko tatanggapin..” nginitian niya si Anthony sabay talikod dito.


-----
Hirap, ngunit nagawang buksan ni Rob ang isang box at duon ay may kung ano itong hinanap.

“Wag mung sabihing may regalo ka na naman sakin?” ang patuksong sabi ni Nel “Maniniwala na ako niyan na ako talaga ang paborito mo sa lahat samin dito. Well kung sabagay hindi kita masisisi… sa kapogian ko ba namang ito?” sabay lagay ng kanyang nakaunat na hinlalaki at hintuturo sa ilalim ng kanyang baba at kumindat sabay ng napakatamis na ngiti kay Rob.

Napailing lang at napangiti ito sabay kuha ng isang putting envelope sa box.
Sa nanginginig na kamay ay iniabot niya ito sa kanya.

“Ano yan?” tanong ni Nel ng may pagtataka.

“Buksan mu lamang yan pagkatapos mong maisulat ang kabuuan ng kwento ko.”  ang sabi nitong seryoso ang mukha. “Napakahalaga niyan sakin.” 

Inabot ni Nel ang puting envelope at nagtatakang nakatingin sya dito. Marahil ay matagal niyang pinagmamasdan at nagiisip kung ano ang laman niyon dahil ng lingunin niya si Rob ay payapa na itong natutulog… marahil ay dahill sa kapaguran.

Napangiti si Nel at isinilid niya ang envelope sa loob ng librong pinagsususlatan niya. Kinuha niya ang kanyang bag sa may paanan ni Rob at tinungo ang pintuan. Bago siya tuluyang lumabas ay sinulyapan niyang muli si Rob na mahimbing na sa pagkakatulog.

Bukas kaya? Maitutuloy pa kaya nila ang kwentuhang iyon? Ang libro…seryoso kaya ito at naniniwala kaya itong maisusulat niya lahat ng kanyang ikinukwento, magagampanan kaya niya ang ipinangakong siya ang magpapatuloy ng pinapangarap ntitong makapagsulat ng isang libro? Isang kwento ng pag ibig, pag-ibig na hindi pa lubos na natatanggap ng lipunan.  Mabigat at may pagaalalang isinara ni Nel ang pintuan.


Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 33)




Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

AUTHOR'S NOTE:

----> Heto yung part ng Series ko na pinakahihintay ninyong lahat!! Kung sino nga ba talaga si Patrick na minahal ko.. Alam ko, yung iba sa inyo alam na kung sino si Patrick simula sa umpisa pa ng istorya ko. Sana'y hindi pa ito ang last na pagsusubaybay ninyo sa series ko dahil may mga revelations pa na mangyayari right after Patrick's appearance in this story. May 3 parts pang natitira kaya sana'y pakatutukan ninyo ang natitirang series ng Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick..

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus, dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/ or just type: Bisexual/Faggot's Kiosk

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

---------------------------------------------

Part 33

Nakita ko ang picture ni Patrick at Cheney noong bata. Magkasama sila at mukhang sa amerika pa yun kinuhanan. Binaba ko yun at tinignan pa ang isang nakataob na picture frame. Nakita ko sina Patrick kasama ang mommy niya at si Cheney, at ang huling picture frame ay kaming tatlo na tanging ako lang ang mayroon nun. Saan at paano kaya niya nakuha yun sa akin? Bigla tuloy akong naghinala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Patrick sa sulat?!

"Patrick!! What's this? Ano ba gusto mo?! Magpapakita ka lang sa akin pinapahirapan mo pa ako!!" Sigaw ko pagkatapos tignan ang lahat ng nasa lamesa.

Sa dulo ng lamesa, may photo album. Iyon ang photo album naming tatlo na inipon ng mommy ni Patrick bago sila umalis papuntang amerika. Tinignan ko isa-isa yun. Napaiyak ako sa mga nakita nun. Hindi ko alam pero kaagad akong nakaramdam ng kaba, Hindi dahil sa ingay ng kulog kundi sa mga mangyayari ngayon. Bakit kailangan pa ni Patrick na gawin ito?! Papahirapan na naman niya ako!!

Nang nakapunta sa dulo ng lumang photo album ay may napansin akong papel na maliit na nakasiksik sa loob. Kinuha ko yun at binasa.

"Jacob..

This is now the right time to tell you my idenitity. I hope you will never shock if I reveal myself already to you.. I love you, my sweetie!!"

Mukhang bagong sulat ito. Sino kaya si Patrick?! May mga hinala na ako kung sino siya. Siya ba ay isa sa mga kabarkada ko? Kaklase ko noong highschool at ngayong college? Oh si... Si... Si Lei?!

Itinigil ko ang paghihinala, itinuloy ko ang pagtuklas sa mga ibinibigay niyang clue sa akin para ma-reveal ko siya, pero sa puntong yun, iba na ang nararamdaman ko.

Ibinalik ko ang photo album sa lamesa at lumakad ng kaunti. Napansin ko na nakatapak ako ng isang notebook. Sa ibaba yun malapit sa isang tukador na malapit sa lamesa. Agad kong kinuha yun at itinapat sa liwanag na nakikita ko sa itaas. Yun ang notebook na ibinigay sa akin ni Jan. Kinuha ko yun at kaagad ipinagpatuloy ang paglalakad at paghahanap pa ng ibang clue.

Sa sulok malapit sa pintuan, may nakita akong isang video tape. Mukhang luma na yun. Kaagad kong kinuha yun at pinagmasdan. Hinipan ang mga alikabok na bumabalot sa lumang video tape at pinunasan gamit ang kamay. Nang natapos ay tinignan ko ang title ng videotape.

"CASPER THE MOVIE PART 5"

Yun ang title na nakita ko. Kinabahan tuloy ako. Yun yung unang pelikula na pinanood namin ni Patrick sa sinehan! Binitawan ko yun at pinagpatuloy ang paghahanap ng paraan para makaalis sa abandonadong bahay kung saan nakakulong ako ngayon.

"Hindi na ako natutuwa, Patrick!! You are not funny anymore!!"

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng paraan para makalabas ng kwarto. Sa isang sulok sa dulo ng kwarto, malayo sa aking kinatatayuan noon, nakakita ako ng isang bintana at nakabukas yun ng bahagya. Maliit ito pero, paniwala ko'y kakasya naman ako kung susubukang makatakas. Dali-dali kong pinuntahan yun nang biglang nagbukas ang telebisyon na nakapatong sa lamesita sa tabi ng maliit na aparador na pinagkuhanan ko ng violet na notebook. Napahinto akong bigla at ibinaling ang tingin sa nakabukas na TV.

"Kami ni Cheney at Patrick to ah?! Yun yung video na kinuhanan ng mommy niya noong bata pa kami!"

Lumapit ako sa TV at ipinagpatuloy ang panonood. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila. Pangungulila na sa kabila ng pagtanggap ko sa katotohanang hindi ko na mahal si Patrick ay mas lalo akong nangulila sa mga nakita ko. Bumilis ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung mamamangha ako o maiiyak sa video na nagpapakita ng aming mga nakaraan ni Patrick at Cheney habang maliliit pa kami.

"Patrick ko!! Mahal na mahal kita!! Hinding hindi kita iiwanan!! Pangako yan sa'yo!!"

Umiyak ako. Hindi ko nakayanan ang napapanood ko. Nararamdaman ko ang luha ko na dumadaloy sa pisngi ko at bigla akong napaupo sa sahig habang pinapanood pa rin ang mga nakaraan sa buhay naming tatlo ni Cheney.

Mukhang luma na yung video. Luma na kasi yung cinematography nito eh, pero hindi na importante yun. Ang mahalaga ngayon ay unti-unting bumabalik sa mga ala-ala ko ang mga nakaraan sa amin ni Patrick.

"Tama na Patrick!! Wag mo na akong pahirapan!!"

Namatay ng kusa ang TV habang nakaupo akong umiiyak na parang bata sa sahig. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi gamit ang manggas ng t-shirt ko. Habang pinupunasan ay bigla kong narinig sa isang sulok malapit sa lamesa ang isang radyo na paniwala kong ginamit sa akin ni Patrick para ipatugtog ang mga mensahe niya sa cassette tape na ibinigay niya sa akin noon. Buhay pa pala yun?! Hinayaan kong tumugtog yun para pakinggang muli ang narinig kong mga pangako sa akin ni Patrick noong mga huling araw niya sa buhay ko.

"Sharing moments with you would be the most precious moments I have with for all of my life. I thank God that I found a special someone who I treasure most. I finally found my missing piece to you. I will never let this next into nothingness. Your great value to my life is one that added to my inspiration not to surrender, but to stand still by my own. You build my character into a great foundation, nobody can eradicate it. I know, in some point you're angry at me, that I'm so selfish to what I used to decide. I hope you understand me. I love you, no matter how far the distance we're apart. My decision of leaving you doesn't mean we're all ending up our fortress relationship. Life goes on, but the mere fact you're still in my heart, it will just be the same again. If we were about to grown up someday, I hope you realize that how far I am longing to see you, it will never change anything. I don't want to say my Goodbyes to you, rather, I just want to tell you that no matter how far I'm right now, my love for you will ne'er perish as time goes by."

Napansin kong maliit pa yung boses ni Patrick habang sinasabi niya ang mga katagang tumatak sa isip ko habang buhay. Bata pa kasi siya nun. Pinanghawakan kong lahat ng ipinangako niyang yun sa akin at umaasang babalikang muli. Mukhang ito na yata yung araw na yun.

Biglang natapos ang kanta at napaupo ako sa lamesitang katabi ng radio cassette. Huminga muna ako ng malalim saglit. Kakayanin ko kayang harapin ang mga pahiwatig sa akin ni Patrick ngayon? Hindi! Hindi ko kakayaning makita siyang muli. Hindi ko kakayaning makita at mayakap siya sa muling pagkakataon. Tama na ang lahat ng nangyari sa amin noon, ang importante, naramdaman ko sa puso ko ang pagmamahal kay Lei na nakita ko noon kay Patrick. Hindi ko mawari sa puntong yun kung bakit kailangan pa akong pahirapan ni Patrick na isa-isahin at habi-habiin ang mga nakukuhang clue sa loob ng kwarto ng abandonadong bahay. Pero, HINDI!! Kailangan kong magpatuloy! Kailangang makita ko si Patrick sa puntong yun. Naalala ko kaagad si Joseph, bababa sana ako para hanapin siya nang biglang nagsara ang pintuan ng kwarto na siyang ikinagulat ko.

"Tama na Patrick!! Natatakot na ako!!"

Biglang may naghagis ng snickers sa harapan ko habang natatakot at nanginginig sa nangyaring pagsara ng pinto. Kinuha ko yun at kinain ang snickers na ibinato sa akin mula sa bintana habang nanginginig. Sisilip sana ako para makita kung sino ang naghagis ng snickers sa labas nang biglang may tumugtog ng piano keyboard sa mula sa labas ng pintuan. Kanta yun na ayaw na ayaw kong marinig dahil naaalala ko lang ang mga pinangako sa akin ni Patrick na hindi niya tinupad.

Habang tinutugtog gamit ang piano keyboard, biglang narinig ko ang isang boses. Maganda at buong-buo ang boses niya—parang anghel. Boses na parang napakinggan ko na noon. Pamilyar ito kung tutuusin. Habang kumakanta, bigla akong napahinto sa pagsilip ko sa bintana. Tinignan ko ang pinto. Kahit nakasarado yun, dinig ko na kinakantahan ako ni Patrick. Nandiyan siya sa mga sandaling ito. Bigla akong napaiyak. Mga patak ng luha na eventually ay naging rivers of tears. Hindi ko ito expected actually! Hinayaan kong marinig ang kantang nagbibigay sakit sa sugatan kong puso para kay Patrick. Pinilit ko ring inalala ng mabuti ang lahat ng pangyayari sa buhay ko kung saan ko narinig yung boses na napakinggan ko sa labas ng kwarto. Hinayaan ko na lang na pakinggan ulit ito ng dire-diretso habang lumuluha.

"Every now and then
We find a special friend
Who never lets us down
Who understands it all
Reaches out each time you fall
You're the best friend that I've found
I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay

I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way
Hmm……….. this way

I don't need eyes to see
The love you bring to me
No matter where I go
And I know that you'll be there
Forever more apart of time, you're everywhere
I'll always cares

I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way

And I'll be right behind your shoulder watching you
I'll be standing by your side and all you do
And I won't ever leave
As long as you believe
You just believe

I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way..."

Hindi ko nakayanan ang kanta. Ang iyak ko kanina ay naging tangis at hagulgol. Sa sobrang sakit, bigla akong napaluhod. Gusto kong sumigaw noong mga panahong yun. Hindi ko maalis sa isipan ko na darating ako sa ganitong puntong magkikita na rin kami sa wakas ang mahal ko.


Habang nakaluhod at umiiyak, unti-unting bumubukas ang pintuan. Nang nakabukas na may naaaninag na ako. Isang lalaki. Nakaupo siya habang ginagalaw ang mga key sa piano keyboard. Hindi ko makita ang mukha niya. Habang tinitignan sa malayuan kung sino ang nasa labas ng pinto ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumibilis ang mga pagtibok ng puso ko..naririnig ko ito.. Siguro dahil tahimik ang kwarto at mukhang huminto na ang ulan sa labas ng abandonadong bahay.

"Ikaw na ba yan, Patrick?!"

Yan ang unang sinabi ko habang pinagmamasdan ko siya malayo sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan ulit ang tao sa labas ng kwarto. Habang nakamasid sa mga ginagawa niya, naramdaman kong bigla ang pamamanhid ng buo kong katawan. Kasabay din nun ang sunod-sunod na pagtibok ng puso ko na dinig na dinig ko habang nakatayo malayo sa kanya. Hindi ko na kaya, parang babagsak na ako.

Tumayo siya sa labas ng pintuan at inalis ang piano keyboard. Biglang tinaas niya ang kanyang kamay at inilagay yun sa loob ng t-shirt niya sa bandang leeg. May inilabas siyang something sa loob. Nakita ko ang kwintas sa kanya. Kwintas na noo'y nakita ko kay Jan. Sa pagtaas niya ng kwintas ay nakita ko rin ang singsing na nakasuot sa kanyang palasingsinan. Yun ang singsing na ibinigay ko sa kanya noon. Napapikit ako. Humugot ng isang malalim na paghinga. Unti-unti akong lumalayo habang siya naman ay unti-unting lumalapit sa akin. Hanggang sa tumayo ako at tumakbo papalayo sa kanya. Hindi ko pala alam na nandun sa gilid ko kung saan ako tumatakbo ang lamesita na inupuan ko kanina kaya natapilok ako ng hindi oras. Biglan akong napangudngod.

Nakita ko na papalapit ang nagkukubling Patrick sa akin. Unti-unti ko na rin siya naaaninag dahil sa isang maliit na butas na nakita ko habang pinagmamasdan ang mga picure frame kanina. Habang suot ang kwintas niya, nakikita ko rin ang suot niya. Naka-polo siyang maputi na hapit sa mga nagpuputukan niyang mga bisig at dibdib. Medyo matangkad siya sa akin ng konti at nakita ko rin ang puti niyang leeg na animo'y parang porselana ang kutis. Mamula-mula rin ito.

Hindi na siya nakuntento. Agad na pumunta siya sa gilid ng pintuan sa labas at binuksan ang switch para buksan ang ilaw at ma-reveal out kung sino talaga ang Patrick na nagkukubli sa dilim. Napapikit ako. Habang nakapikit, bigla kong naaninag ang malakas na impact ng ilaw sa mata ko kahit nakapikit ako. Naramdaman ko na lumalapit na siya sa akin. Bahala na!! Tutal, gusto ko na rin malaman kung sino ba talaga siya eh.. Naramdaman ko mula sa pagkakadapa ang kanyang mga kamay na dumadampi sa mga nakasaradong mga mata ko at tinakpan yun.

"Just open your eyes carefully. Don't worry, I'm here to carry you."

Dinilat ko ang aking mga mata. Madilim din kasi nakatakip ang kanyang kamay sa mga mata ko. Unti-unti niyang inalis ang mga daliri niya sa aking mata ng dahan-dahan hanggang sa nakita ko ng tuluyan kung sino talaga si Patrick.

"LEI?! I—IKAW SI PATRICK?!"

"SORRY JACOB, PERO AKO NGA!!"

"Anak ng pitong-put pitong puting tupa naman oh!! Bakit ikaw pa, Tangina mo naman!!"

Napatayo akong bigla nung nalaman kong si Patrick ay si Lei pala. Bigla akong nakaramdam ng galit. Ang Lebel ng dugo ko ay biglang tumaas. Hindi ko alam!! Nakaramdam din ako ng panginginig sa buong katawan ko. Agad aking tumayo. Pinagpag ko ang aking katawan at sabay sampal ng malakas at matunog sa kanya.

"Ano, masaya ka na?! Masaya ka na sa mga panlolokong ginawa mo sa akin?! Lei alam mo, masakit!! Masakit para sa akin tong ginawa mo!! Pinagkatiwalaan kita!! Minahal kita!! Ibinigay ko ang lahat para mahalin ka!! Tapos lolokohin mo lang ako!! Tama na tong palabas na ito!! Uuwi na ako!! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!!"

Umalis ako kaagad-agad sa kwarto habang ninanamnam ni Lei ang sakit ng pagkakasampal ko sa kanya. Gigil na gigil ako!! Gusto ko siyang murahin ng maraming beses.

Habang pababa, nakita ko sa ibaba ng hagdan sina Joseph, Nikol, Shaine, Jayson at Hiro na nakangiti sa akin. Nandun din sina mommy at daddy, at ang mga parents in Cheney at mommy ni Patrick, si Tita Susan.

"Ano, TAPOS NA ANG PALABAS!! Tingin nyo, natuwa ako?! Mga manloloko!! Aalis ako dito na hindi ko kayo kilalang lahat!!"

Ipinagpatuloy ko ang pagbababa hanggang sa nakaramdam ako na mayroong naghablot sa kaliwang bisig ko. Si Lei. Kaagad niyang idinikit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ako at napapikit ng di oras. Ang galit sa puso ko sa kanya ay unti-unting nawawala. Bigla akong nanlambot sa kanya. Gumaan ng napakabilis! Naramdaman ko sa pagkakataong yun na siya si Patrick. Nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ko at ang kanan sa pisngi ko. Bigla siyang napaiyak. Mga luha niya na unti-unti kong naramdaman sa mga pisngi ko. Parang huminto ang oras sa pagpapalitan namin ng halik sa isa't-isa. Ang init ng kanyang mga hininga ay unti-unting dumadampi sa pisngi ko. Hindi ko ito inaasahan. Hinding-hindi talaga!!

Narinig ko sa baba ang palakpakan. Animo'y parang eksena sa pelikula. Ako ang leading lady at ang kahalikan ko ang leading man. Napaisip ako. Hindi! Hindi ito maaari!! Kailangang magpaliwanag sa akin si Lei kung bakit niya ako niloko sa loob ng limang taon na nakilala ko siya.

"Tama na itong lokohan!! Lei!! Hinding-hindi kita mapapatawad!! Kahit kailan!! Buong buhay ko, minahal kita!! Itinuon ko ang sarili ko para lang sa'yo!! Manloloko!! You deceived me!!"

Tinulak ko siyang papalayo sa akin. Bumaba ako. Nang nakarating sa baba, bigla kong inihagis sa kanila ang sirang bangko sa gilid ng nakabukas na sirang pintuan.

"Grrrr!!!"

Umalis ako ng galit na galit!! Muhing-muhi sa nangyaring pagtatapat ni Lei na siya si Patrick! Naglalakad akong pasugod pauwi ng bahay nang biglang nakasalubong ko si Father Michael sa harapan ko.

"Iho, mukhang galit ka ah!!"

"Sorry father, pero ayaw ko po munang makipag-usap sa inyo. Baka makapagsalita po ako sa inyo ng masama."

Pumunta sa harapan sa akin si Father sabay tapik sa balikat ko.

"Iho.. Good bless you!! Mahirap pero kailangan mong tanggapin ang lahat!!"

Napatigil ako sa paglalakad. Napayuko ako. Tinanggal ko ang kamay ni Father sa balikat ko. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Hindi ko alam Kung bakit pero sa puntong yun, biglang tumulo ang mga luha ko, hanggang sa kinuha ako ni Father at inilagay niya ang ulo ko dibdib niya.

"Iho, kahit masakit na tinago sa'yo ang pagkatao ni Patrick, alam ko, mapapatawad mo siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang galit. Maiiwasan natin ito, pero kailangan mong ilabas ang lahat! Pagsubok lang sa'yo ito ng mahal na poong Sto. NiƱo! Magpatawad ka tulad ng pagpapatawad sa'yo ng mahal na poon."

"Pero father, ang tanging hiling ko lang ay mahalin ako ng tao na nagmahal sa akin simula pagkabata! Bakit pa niya ako pinahihirapan!! Sagad hanggang buto ang sakit na ibinigay niya akin, ultimo ang relasyon naming magpapamilya ay dinamay niya!!"

"Iho huwag!! Wag mong sabihin yan!! Kinasangkapan lang siya ng mahal na poon para patatagin ang pag-asang gusto mong makita si Patrick. Ang pagsubok na yan ang nagbigay sa'yo ng katatagan ng loob na harapin ang lahat, at dahil diyan, napahanga mo ako, kahit taliwas sa aral ng bibliya ang pagmamahalan ninyo, naniniwala naman akong wagas at walang hanggan yan. Magpatawad ka, at magbabagong lahat ang mangyayari sa'yo.."

Hindi ako umimik. Kailangan kong palipasin ang galit ko kay Lei. Kailangan ko siyang harapin at kausapin! Dapat siyang managot sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay ko!! Kailangang talaga!!

Pinababalik ako ni father sa loob ng abandonadong bahay na kasama siya. Nang nakarating, nakita ko si Lei na umiiyak habang nakaupo sa sulok ng hagdanan. Bigla ako nakaramdam ng awa sa kanya despite of the hurts he done to me.

Kaagad na lumapit siya sa akin nang nakita niya ako.

"Jacob!! Kuya sorry for everything I have done!! Gagawin ko ang lahat, kahit ikamatay at ikapahamak ko pa, basta mapatawad mo ako!!"

"Una, pagmamahal, pangalawa, pagkasabik, pangatlo, pagtatampo,at ang huli, pagkamuhi!! Yan ang mga nararamdaman ko habang lumilipas ang mga panahong wala ka sa piling ko!! Wag na nating lokohin ang isa't-isa, Patrick.. Plastic ka rin eh!! Para ka rin si Cheney at pinsan mong si Jan! Pare-pareho kayo!!"

"Mahal kita!! Mahal na mahal na mahal kita! Yun lang ang dahilan kung bakit ko nagawa yun sa'yo. Gusto kong subukin ka! Gusto kong makasigurong mamahalin mo ako!!"

"Tignan mo tong gagong to, oh!! Tangina mo, ulol!! Wag mo akong lolokohin!! MAHAL KITA, PUNYETA KA! Saksi ang lahat ng tao sa paligid natin sa pagmamahal ko sa'yo!!! Minahal kita tapos nanghihinala ka pa sa akin!! ENGOT lang ang gumagawa niyan!! "

"That's why I love you too!! You have determined your love to me!! I know this from the start!! Gusto ko nang umamin sa'yo nun simula noong nakita kita last highschool days! Sa simbahan, kasama ko si Cheney, dapat magsasabi na ako sa'yo ng katotohanan pero, iba ang nangyari! At ang pagkikita namin ni Jan. Sasabihin niya dapat sa'yo na si Patrick at ako ay iisa habang kumain tayo noon sa starbucks!! Umiiyak ako gabi-gabi at tumatangis araw-araw. Jacob Ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. Lagi akong nananaginip gabi-gabi na minumura at tinataboy mo ako. Hindi mo ba nahahalata?Sa panaginip ko, lagi akong nagso-sorry sa iyo?!"

Napaisip ako ng hindi oras. Oo nga!! Napapansin ko nga palagi yun habang nananaginip siya. Pero hindi. Hindi pa ako kuntento sa dahilan niya.

"From now on, wala na akong pagmamahal sa'yo!! Dahil dito, Lei!! GALIT AT POOT na ang nabubuo sa puso ko kapag nakikita at naaalala ka. Sinira mo lang ang tiwala ko sa'yo!! Sinira mo rin ang pangako mo na babalikan mo ako!!! HA..YUP.. KA!!!!!!!

"Teka, Kuya!! Please!! Let me explain from the start about everything!"

Itutuloy...

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP