Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 33)
Wednesday, January 11, 2012
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
AUTHOR'S NOTE:
----> Heto yung part ng Series ko na pinakahihintay ninyong lahat!! Kung sino nga ba talaga si Patrick na minahal ko.. Alam ko, yung iba sa inyo alam na kung sino si Patrick simula sa umpisa pa ng istorya ko. Sana'y hindi pa ito ang last na pagsusubaybay ninyo sa series ko dahil may mga revelations pa na mangyayari right after Patrick's appearance in this story. May 3 parts pang natitira kaya sana'y pakatutukan ninyo ang natitirang series ng Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick..
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus, dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/ or just type: Bisexual/Faggot's Kiosk
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------
Part 33
Nakita ko ang picture ni Patrick at Cheney noong bata. Magkasama sila at mukhang sa amerika pa yun kinuhanan. Binaba ko yun at tinignan pa ang isang nakataob na picture frame. Nakita ko sina Patrick kasama ang mommy niya at si Cheney, at ang huling picture frame ay kaming tatlo na tanging ako lang ang mayroon nun. Saan at paano kaya niya nakuha yun sa akin? Bigla tuloy akong naghinala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Ito ba ang sinasabi sa akin ni Patrick sa sulat?!
"Patrick!! What's this? Ano ba gusto mo?! Magpapakita ka lang sa akin pinapahirapan mo pa ako!!" Sigaw ko pagkatapos tignan ang lahat ng nasa lamesa.
Sa dulo ng lamesa, may photo album. Iyon ang photo album naming tatlo na inipon ng mommy ni Patrick bago sila umalis papuntang amerika. Tinignan ko isa-isa yun. Napaiyak ako sa mga nakita nun. Hindi ko alam pero kaagad akong nakaramdam ng kaba, Hindi dahil sa ingay ng kulog kundi sa mga mangyayari ngayon. Bakit kailangan pa ni Patrick na gawin ito?! Papahirapan na naman niya ako!!
Nang nakapunta sa dulo ng lumang photo album ay may napansin akong papel na maliit na nakasiksik sa loob. Kinuha ko yun at binasa.
"Jacob..
This is now the right time to tell you my idenitity. I hope you will never shock if I reveal myself already to you.. I love you, my sweetie!!"
Mukhang bagong sulat ito. Sino kaya si Patrick?! May mga hinala na ako kung sino siya. Siya ba ay isa sa mga kabarkada ko? Kaklase ko noong highschool at ngayong college? Oh si... Si... Si Lei?!
Itinigil ko ang paghihinala, itinuloy ko ang pagtuklas sa mga ibinibigay niyang clue sa akin para ma-reveal ko siya, pero sa puntong yun, iba na ang nararamdaman ko.
Ibinalik ko ang photo album sa lamesa at lumakad ng kaunti. Napansin ko na nakatapak ako ng isang notebook. Sa ibaba yun malapit sa isang tukador na malapit sa lamesa. Agad kong kinuha yun at itinapat sa liwanag na nakikita ko sa itaas. Yun ang notebook na ibinigay sa akin ni Jan. Kinuha ko yun at kaagad ipinagpatuloy ang paglalakad at paghahanap pa ng ibang clue.
Sa sulok malapit sa pintuan, may nakita akong isang video tape. Mukhang luma na yun. Kaagad kong kinuha yun at pinagmasdan. Hinipan ang mga alikabok na bumabalot sa lumang video tape at pinunasan gamit ang kamay. Nang natapos ay tinignan ko ang title ng videotape.
"CASPER THE MOVIE PART 5"
Yun ang title na nakita ko. Kinabahan tuloy ako. Yun yung unang pelikula na pinanood namin ni Patrick sa sinehan! Binitawan ko yun at pinagpatuloy ang paghahanap ng paraan para makaalis sa abandonadong bahay kung saan nakakulong ako ngayon.
"Hindi na ako natutuwa, Patrick!! You are not funny anymore!!"
Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng paraan para makalabas ng kwarto. Sa isang sulok sa dulo ng kwarto, malayo sa aking kinatatayuan noon, nakakita ako ng isang bintana at nakabukas yun ng bahagya. Maliit ito pero, paniwala ko'y kakasya naman ako kung susubukang makatakas. Dali-dali kong pinuntahan yun nang biglang nagbukas ang telebisyon na nakapatong sa lamesita sa tabi ng maliit na aparador na pinagkuhanan ko ng violet na notebook. Napahinto akong bigla at ibinaling ang tingin sa nakabukas na TV.
"Kami ni Cheney at Patrick to ah?! Yun yung video na kinuhanan ng mommy niya noong bata pa kami!"
Lumapit ako sa TV at ipinagpatuloy ang panonood. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila. Pangungulila na sa kabila ng pagtanggap ko sa katotohanang hindi ko na mahal si Patrick ay mas lalo akong nangulila sa mga nakita ko. Bumilis ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung mamamangha ako o maiiyak sa video na nagpapakita ng aming mga nakaraan ni Patrick at Cheney habang maliliit pa kami.
"Patrick ko!! Mahal na mahal kita!! Hinding hindi kita iiwanan!! Pangako yan sa'yo!!"
Umiyak ako. Hindi ko nakayanan ang napapanood ko. Nararamdaman ko ang luha ko na dumadaloy sa pisngi ko at bigla akong napaupo sa sahig habang pinapanood pa rin ang mga nakaraan sa buhay naming tatlo ni Cheney.
Mukhang luma na yung video. Luma na kasi yung cinematography nito eh, pero hindi na importante yun. Ang mahalaga ngayon ay unti-unting bumabalik sa mga ala-ala ko ang mga nakaraan sa amin ni Patrick.
"Tama na Patrick!! Wag mo na akong pahirapan!!"
Namatay ng kusa ang TV habang nakaupo akong umiiyak na parang bata sa sahig. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi gamit ang manggas ng t-shirt ko. Habang pinupunasan ay bigla kong narinig sa isang sulok malapit sa lamesa ang isang radyo na paniwala kong ginamit sa akin ni Patrick para ipatugtog ang mga mensahe niya sa cassette tape na ibinigay niya sa akin noon. Buhay pa pala yun?! Hinayaan kong tumugtog yun para pakinggang muli ang narinig kong mga pangako sa akin ni Patrick noong mga huling araw niya sa buhay ko.
"Sharing moments with you would be the most precious moments I have with for all of my life. I thank God that I found a special someone who I treasure most. I finally found my missing piece to you. I will never let this next into nothingness. Your great value to my life is one that added to my inspiration not to surrender, but to stand still by my own. You build my character into a great foundation, nobody can eradicate it. I know, in some point you're angry at me, that I'm so selfish to what I used to decide. I hope you understand me. I love you, no matter how far the distance we're apart. My decision of leaving you doesn't mean we're all ending up our fortress relationship. Life goes on, but the mere fact you're still in my heart, it will just be the same again. If we were about to grown up someday, I hope you realize that how far I am longing to see you, it will never change anything. I don't want to say my Goodbyes to you, rather, I just want to tell you that no matter how far I'm right now, my love for you will ne'er perish as time goes by."
Napansin kong maliit pa yung boses ni Patrick habang sinasabi niya ang mga katagang tumatak sa isip ko habang buhay. Bata pa kasi siya nun. Pinanghawakan kong lahat ng ipinangako niyang yun sa akin at umaasang babalikang muli. Mukhang ito na yata yung araw na yun.
Biglang natapos ang kanta at napaupo ako sa lamesitang katabi ng radio cassette. Huminga muna ako ng malalim saglit. Kakayanin ko kayang harapin ang mga pahiwatig sa akin ni Patrick ngayon? Hindi! Hindi ko kakayaning makita siyang muli. Hindi ko kakayaning makita at mayakap siya sa muling pagkakataon. Tama na ang lahat ng nangyari sa amin noon, ang importante, naramdaman ko sa puso ko ang pagmamahal kay Lei na nakita ko noon kay Patrick. Hindi ko mawari sa puntong yun kung bakit kailangan pa akong pahirapan ni Patrick na isa-isahin at habi-habiin ang mga nakukuhang clue sa loob ng kwarto ng abandonadong bahay. Pero, HINDI!! Kailangan kong magpatuloy! Kailangang makita ko si Patrick sa puntong yun. Naalala ko kaagad si Joseph, bababa sana ako para hanapin siya nang biglang nagsara ang pintuan ng kwarto na siyang ikinagulat ko.
"Tama na Patrick!! Natatakot na ako!!"
Biglang may naghagis ng snickers sa harapan ko habang natatakot at nanginginig sa nangyaring pagsara ng pinto. Kinuha ko yun at kinain ang snickers na ibinato sa akin mula sa bintana habang nanginginig. Sisilip sana ako para makita kung sino ang naghagis ng snickers sa labas nang biglang may tumugtog ng piano keyboard sa mula sa labas ng pintuan. Kanta yun na ayaw na ayaw kong marinig dahil naaalala ko lang ang mga pinangako sa akin ni Patrick na hindi niya tinupad.
Habang tinutugtog gamit ang piano keyboard, biglang narinig ko ang isang boses. Maganda at buong-buo ang boses niya—parang anghel. Boses na parang napakinggan ko na noon. Pamilyar ito kung tutuusin. Habang kumakanta, bigla akong napahinto sa pagsilip ko sa bintana. Tinignan ko ang pinto. Kahit nakasarado yun, dinig ko na kinakantahan ako ni Patrick. Nandiyan siya sa mga sandaling ito. Bigla akong napaiyak. Mga patak ng luha na eventually ay naging rivers of tears. Hindi ko ito expected actually! Hinayaan kong marinig ang kantang nagbibigay sakit sa sugatan kong puso para kay Patrick. Pinilit ko ring inalala ng mabuti ang lahat ng pangyayari sa buhay ko kung saan ko narinig yung boses na napakinggan ko sa labas ng kwarto. Hinayaan ko na lang na pakinggan ulit ito ng dire-diretso habang lumuluha.
"Every now and then
We find a special friend
Who never lets us down
Who understands it all
Reaches out each time you fall
You're the best friend that I've found
I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay
I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way
Hmm……….. this way
I don't need eyes to see
The love you bring to me
No matter where I go
And I know that you'll be there
Forever more apart of time, you're everywhere
I'll always cares
I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way
And I'll be right behind your shoulder watching you
I'll be standing by your side and all you do
And I won't ever leave
As long as you believe
You just believe
I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way..."
Hindi ko nakayanan ang kanta. Ang iyak ko kanina ay naging tangis at hagulgol. Sa sobrang sakit, bigla akong napaluhod. Gusto kong sumigaw noong mga panahong yun. Hindi ko maalis sa isipan ko na darating ako sa ganitong puntong magkikita na rin kami sa wakas ang mahal ko.
Habang nakaluhod at umiiyak, unti-unting bumubukas ang pintuan. Nang nakabukas na may naaaninag na ako. Isang lalaki. Nakaupo siya habang ginagalaw ang mga key sa piano keyboard. Hindi ko makita ang mukha niya. Habang tinitignan sa malayuan kung sino ang nasa labas ng pinto ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Bumibilis ang mga pagtibok ng puso ko..naririnig ko ito.. Siguro dahil tahimik ang kwarto at mukhang huminto na ang ulan sa labas ng abandonadong bahay.
"Ikaw na ba yan, Patrick?!"
Yan ang unang sinabi ko habang pinagmamasdan ko siya malayo sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan ulit ang tao sa labas ng kwarto. Habang nakamasid sa mga ginagawa niya, naramdaman kong bigla ang pamamanhid ng buo kong katawan. Kasabay din nun ang sunod-sunod na pagtibok ng puso ko na dinig na dinig ko habang nakatayo malayo sa kanya. Hindi ko na kaya, parang babagsak na ako.
Tumayo siya sa labas ng pintuan at inalis ang piano keyboard. Biglang tinaas niya ang kanyang kamay at inilagay yun sa loob ng t-shirt niya sa bandang leeg. May inilabas siyang something sa loob. Nakita ko ang kwintas sa kanya. Kwintas na noo'y nakita ko kay Jan. Sa pagtaas niya ng kwintas ay nakita ko rin ang singsing na nakasuot sa kanyang palasingsinan. Yun ang singsing na ibinigay ko sa kanya noon. Napapikit ako. Humugot ng isang malalim na paghinga. Unti-unti akong lumalayo habang siya naman ay unti-unting lumalapit sa akin. Hanggang sa tumayo ako at tumakbo papalayo sa kanya. Hindi ko pala alam na nandun sa gilid ko kung saan ako tumatakbo ang lamesita na inupuan ko kanina kaya natapilok ako ng hindi oras. Biglan akong napangudngod.
Nakita ko na papalapit ang nagkukubling Patrick sa akin. Unti-unti ko na rin siya naaaninag dahil sa isang maliit na butas na nakita ko habang pinagmamasdan ang mga picure frame kanina. Habang suot ang kwintas niya, nakikita ko rin ang suot niya. Naka-polo siyang maputi na hapit sa mga nagpuputukan niyang mga bisig at dibdib. Medyo matangkad siya sa akin ng konti at nakita ko rin ang puti niyang leeg na animo'y parang porselana ang kutis. Mamula-mula rin ito.
Hindi na siya nakuntento. Agad na pumunta siya sa gilid ng pintuan sa labas at binuksan ang switch para buksan ang ilaw at ma-reveal out kung sino talaga ang Patrick na nagkukubli sa dilim. Napapikit ako. Habang nakapikit, bigla kong naaninag ang malakas na impact ng ilaw sa mata ko kahit nakapikit ako. Naramdaman ko na lumalapit na siya sa akin. Bahala na!! Tutal, gusto ko na rin malaman kung sino ba talaga siya eh.. Naramdaman ko mula sa pagkakadapa ang kanyang mga kamay na dumadampi sa mga nakasaradong mga mata ko at tinakpan yun.
"Just open your eyes carefully. Don't worry, I'm here to carry you."
Dinilat ko ang aking mga mata. Madilim din kasi nakatakip ang kanyang kamay sa mga mata ko. Unti-unti niyang inalis ang mga daliri niya sa aking mata ng dahan-dahan hanggang sa nakita ko ng tuluyan kung sino talaga si Patrick.
"LEI?! I—IKAW SI PATRICK?!"
"SORRY JACOB, PERO AKO NGA!!"
"Anak ng pitong-put pitong puting tupa naman oh!! Bakit ikaw pa, Tangina mo naman!!"
Napatayo akong bigla nung nalaman kong si Patrick ay si Lei pala. Bigla akong nakaramdam ng galit. Ang Lebel ng dugo ko ay biglang tumaas. Hindi ko alam!! Nakaramdam din ako ng panginginig sa buong katawan ko. Agad aking tumayo. Pinagpag ko ang aking katawan at sabay sampal ng malakas at matunog sa kanya.
"Ano, masaya ka na?! Masaya ka na sa mga panlolokong ginawa mo sa akin?! Lei alam mo, masakit!! Masakit para sa akin tong ginawa mo!! Pinagkatiwalaan kita!! Minahal kita!! Ibinigay ko ang lahat para mahalin ka!! Tapos lolokohin mo lang ako!! Tama na tong palabas na ito!! Uuwi na ako!! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!!"
Umalis ako kaagad-agad sa kwarto habang ninanamnam ni Lei ang sakit ng pagkakasampal ko sa kanya. Gigil na gigil ako!! Gusto ko siyang murahin ng maraming beses.
Habang pababa, nakita ko sa ibaba ng hagdan sina Joseph, Nikol, Shaine, Jayson at Hiro na nakangiti sa akin. Nandun din sina mommy at daddy, at ang mga parents in Cheney at mommy ni Patrick, si Tita Susan.
"Ano, TAPOS NA ANG PALABAS!! Tingin nyo, natuwa ako?! Mga manloloko!! Aalis ako dito na hindi ko kayo kilalang lahat!!"
Ipinagpatuloy ko ang pagbababa hanggang sa nakaramdam ako na mayroong naghablot sa kaliwang bisig ko. Si Lei. Kaagad niyang idinikit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ako at napapikit ng di oras. Ang galit sa puso ko sa kanya ay unti-unting nawawala. Bigla akong nanlambot sa kanya. Gumaan ng napakabilis! Naramdaman ko sa pagkakataong yun na siya si Patrick. Nilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ko at ang kanan sa pisngi ko. Bigla siyang napaiyak. Mga luha niya na unti-unti kong naramdaman sa mga pisngi ko. Parang huminto ang oras sa pagpapalitan namin ng halik sa isa't-isa. Ang init ng kanyang mga hininga ay unti-unting dumadampi sa pisngi ko. Hindi ko ito inaasahan. Hinding-hindi talaga!!
Narinig ko sa baba ang palakpakan. Animo'y parang eksena sa pelikula. Ako ang leading lady at ang kahalikan ko ang leading man. Napaisip ako. Hindi! Hindi ito maaari!! Kailangang magpaliwanag sa akin si Lei kung bakit niya ako niloko sa loob ng limang taon na nakilala ko siya.
"Tama na itong lokohan!! Lei!! Hinding-hindi kita mapapatawad!! Kahit kailan!! Buong buhay ko, minahal kita!! Itinuon ko ang sarili ko para lang sa'yo!! Manloloko!! You deceived me!!"
Tinulak ko siyang papalayo sa akin. Bumaba ako. Nang nakarating sa baba, bigla kong inihagis sa kanila ang sirang bangko sa gilid ng nakabukas na sirang pintuan.
"Grrrr!!!"
Umalis ako ng galit na galit!! Muhing-muhi sa nangyaring pagtatapat ni Lei na siya si Patrick! Naglalakad akong pasugod pauwi ng bahay nang biglang nakasalubong ko si Father Michael sa harapan ko.
"Iho, mukhang galit ka ah!!"
"Sorry father, pero ayaw ko po munang makipag-usap sa inyo. Baka makapagsalita po ako sa inyo ng masama."
Pumunta sa harapan sa akin si Father sabay tapik sa balikat ko.
"Iho.. Good bless you!! Mahirap pero kailangan mong tanggapin ang lahat!!"
Napatigil ako sa paglalakad. Napayuko ako. Tinanggal ko ang kamay ni Father sa balikat ko. Nakaramdam ako ng sakit sa puso ko. Hindi ko alam Kung bakit pero sa puntong yun, biglang tumulo ang mga luha ko, hanggang sa kinuha ako ni Father at inilagay niya ang ulo ko dibdib niya.
"Iho, kahit masakit na tinago sa'yo ang pagkatao ni Patrick, alam ko, mapapatawad mo siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang galit. Maiiwasan natin ito, pero kailangan mong ilabas ang lahat! Pagsubok lang sa'yo ito ng mahal na poong Sto. NiƱo! Magpatawad ka tulad ng pagpapatawad sa'yo ng mahal na poon."
"Pero father, ang tanging hiling ko lang ay mahalin ako ng tao na nagmahal sa akin simula pagkabata! Bakit pa niya ako pinahihirapan!! Sagad hanggang buto ang sakit na ibinigay niya akin, ultimo ang relasyon naming magpapamilya ay dinamay niya!!"
"Iho huwag!! Wag mong sabihin yan!! Kinasangkapan lang siya ng mahal na poon para patatagin ang pag-asang gusto mong makita si Patrick. Ang pagsubok na yan ang nagbigay sa'yo ng katatagan ng loob na harapin ang lahat, at dahil diyan, napahanga mo ako, kahit taliwas sa aral ng bibliya ang pagmamahalan ninyo, naniniwala naman akong wagas at walang hanggan yan. Magpatawad ka, at magbabagong lahat ang mangyayari sa'yo.."
Hindi ako umimik. Kailangan kong palipasin ang galit ko kay Lei. Kailangan ko siyang harapin at kausapin! Dapat siyang managot sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay ko!! Kailangang talaga!!
Pinababalik ako ni father sa loob ng abandonadong bahay na kasama siya. Nang nakarating, nakita ko si Lei na umiiyak habang nakaupo sa sulok ng hagdanan. Bigla ako nakaramdam ng awa sa kanya despite of the hurts he done to me.
Kaagad na lumapit siya sa akin nang nakita niya ako.
"Jacob!! Kuya sorry for everything I have done!! Gagawin ko ang lahat, kahit ikamatay at ikapahamak ko pa, basta mapatawad mo ako!!"
"Una, pagmamahal, pangalawa, pagkasabik, pangatlo, pagtatampo,at ang huli, pagkamuhi!! Yan ang mga nararamdaman ko habang lumilipas ang mga panahong wala ka sa piling ko!! Wag na nating lokohin ang isa't-isa, Patrick.. Plastic ka rin eh!! Para ka rin si Cheney at pinsan mong si Jan! Pare-pareho kayo!!"
"Mahal kita!! Mahal na mahal na mahal kita! Yun lang ang dahilan kung bakit ko nagawa yun sa'yo. Gusto kong subukin ka! Gusto kong makasigurong mamahalin mo ako!!"
"Tignan mo tong gagong to, oh!! Tangina mo, ulol!! Wag mo akong lolokohin!! MAHAL KITA, PUNYETA KA! Saksi ang lahat ng tao sa paligid natin sa pagmamahal ko sa'yo!!! Minahal kita tapos nanghihinala ka pa sa akin!! ENGOT lang ang gumagawa niyan!! "
"That's why I love you too!! You have determined your love to me!! I know this from the start!! Gusto ko nang umamin sa'yo nun simula noong nakita kita last highschool days! Sa simbahan, kasama ko si Cheney, dapat magsasabi na ako sa'yo ng katotohanan pero, iba ang nangyari! At ang pagkikita namin ni Jan. Sasabihin niya dapat sa'yo na si Patrick at ako ay iisa habang kumain tayo noon sa starbucks!! Umiiyak ako gabi-gabi at tumatangis araw-araw. Jacob Ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. Lagi akong nananaginip gabi-gabi na minumura at tinataboy mo ako. Hindi mo ba nahahalata?Sa panaginip ko, lagi akong nagso-sorry sa iyo?!"
Napaisip ako ng hindi oras. Oo nga!! Napapansin ko nga palagi yun habang nananaginip siya. Pero hindi. Hindi pa ako kuntento sa dahilan niya.
"From now on, wala na akong pagmamahal sa'yo!! Dahil dito, Lei!! GALIT AT POOT na ang nabubuo sa puso ko kapag nakikita at naaalala ka. Sinira mo lang ang tiwala ko sa'yo!! Sinira mo rin ang pangako mo na babalikan mo ako!!! HA..YUP.. KA!!!!!!!
"Teka, Kuya!! Please!! Let me explain from the start about everything!"
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment