Ang Kwintas, ang Snickers, at Si Patrick. (Part 8)

Monday, October 31, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Pasensiya na kung ngayon lang ulit ako nagpost due to some conflicts sa trabaho at sa pagpapasa ng requirement sa school, pero babawi ako this time..swear yan!!

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM(guys, sembreak na!! Pero hindi tayo counted..hehehehe) mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy

HAPPY HALLOWEEN MGA KA-LOL!!

------------------------------------------------

Part 8

"tpos n b klase nyo? If so, please wait for me at the bleachers beside cover court. Isama u din c Lei. Mag-uusap lng kmi saglit. Tnxie!! I <3 ü.."

Iyon ang text na narecieve ko kay Cheney. Agad kong pinabasa kay Lei yung text message at sabay tumungo sa meeting place naming tatlo. Nakita ko ang cover court at umupo sa bleachers. Nakita ko si Cheney kasama ang mga kaibigan nito.

"Ang gwapo naman ng kasama ni Jacob! Please, pakilala mo naman kami sa kanya mamaya." Sabi ng isa sa mga kaibigan nito.

"Sige, pero siya lang ah!! Wag yung BF ko!!" sabi ni Cheney.

"Alam mo Cheney, para kaming nanonood ng united nations kahit sa October pa iyon. Parang mga foreigner kasi sila eh. Yung isa, mukhang Chinese, tas yung kasama niya, parang Amerikano. Ang gu-gwapo!!"sabi din ng isa mga kaklase ni Cheney.

"Swerte mo!!, oo nga!!" sabi nilang lahat!!

Agad na tumayo si Cheney at tumungo sa amin. Agad akong hinalikan ni Cheney sabay kilig ng mga kaklase nito.

"Uiiiii...!!!!" Sambit nila.

Lumapit si Cheney sa mga kaibigan nito at agad nagpaalam. Pumunta kaming tatlo malapit sa wishing well ng school at dun umupo sa gilid nito. May binulong si Cheney kay Lei sabay alis ng baby bro ko.

"cakie, I want to tell you this, my classmate has already told me about your plans in joining Mr.& Ms. Lakanduleñans. Oh, sakto pala!! Sige, I'm allowing you to join. I got an application form here and please, submit this to Mr. Gonzales right after filling up. And by the way, I decided not to join. Maybe because I feel something na baka maging PDA tayo at mapag-usapan ng buong campus which I don't wanna happened. Teka, papuntahin mo pala muna sa akin si Lei. May sasabihin ako sa kanya."

Agad na pinapunta ko si Lei kay Cheney. Nang inilapit ko siya kay Cheney ay ngumiti siya sa kanya. Lumapit sa akin si Cheney at agad niyang hinawakan ang aking mga kamay.

"Can I have you a favor, cakie?? I know it's hard for you to tell this, but actually, the main reason why I call Lei to you is something personal for both of us. I love you and I know you'll understand me. Please, let me talk to him in private." pakiusap sa akin ni Cheney.

Nagtaka ako kung bakit kailangang kausapin ni Cheney si Lei ng personal? Ano kaya ang dahilan? Sa puntong iyon, at dahil na rin siguro na nauunawaan ko si Cheney, ay pumayag ako. May mga pagdududa na ako pero hinayaan ko munang kalimutan iyon. Nang pagkatango ko sa kanya ay agad niya akong hinalikan sa labi at sabay bulong sa akin ng "I love you" habang nakatingin sa akin na naglalakad papunta kay Lei.

Tumabi ako sa main entrance ng TLE building tapat mismo malapit sa wishing well na kinauupuan nina Lei. Kinuha ko sa bag ko ang ballpen at patungan para sa pagpi-fill up ko sa application form na binigay sa akin ng nobya ko. Nang natapos na ay agad kong isinilid iyon sa bag ko. Napansin ko, sa kabilang dulo sa kaliwa, nakita ko ang mga nagpa-practice ng sabayang pagbigkas ng mga sophomore, samantalang ang iba naman ay naglalaro sa gilid malapit sa kinauupuan ko ng jack&stone. Ngumiti ako sa mga nakita ko at bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin ni Cheney at Patrick noong mga bata pa kami. Halos magkatapat ang building kung saan ako nakaupo at ang wishing well kung saan naman nakaupo ang dalawa. Tinignan ko ang dalawa habang nag-uusap. Habang tumatagal ang pag-uusap nila, napansin ko na tila parang napakatagal na naging magkaibigan ng dalawa. Sobra as in. Sa kilos ng kanilang katawan, sa eye-to-eye contact nitong dalawa habang nag-uusap, at ang unti-unti nilang pagkalungkot at nang tumagal ay ang kanilang pag-iyak. Ano kaya iyon? Bakit kaya na parang ganun na lang kung ituring ni Cheney ang bunsu-bunsuan kong kapatid?

Nakita ako ni Joseph at tumabi sa akin. Niyaya niya akong kumain sabay sina Nikol at Jayson. Nasa loob ng canteen silang dalawa samantalang hinahanap pala ako nito. Pumayag ako at sabay punta kina Cheney at Lei para yayain silang kumain.

"Hey, looks like you are both emotional ah?! Teka nga at ako naman ang pagbigyan ninyo ng favor, kain na tayo sa canteen, guys!!" Paanyaya ko habang pinupunasan nilang dalawa ang kanilang mga mukha.

Tumayo kami at pumunta sabay-sabay sa canteen. Lunes ng tanghali iyon noon at napakaraming taong pumupunta para kumain. Nang bungad kami ng pintuan ng canteen, nakita ko sina Jayson at Nikol. Kinamayan nila ako at sabay kalabit ko kay Cheney para malamang nakita ko sila. Sabay kaming pumunta sa kinaroroonan nina Nikol at sabay tapik sa balikat nito.

"Bro, Kamusta!! Salamat sa pag save sa amin ng upuan ah!!"

"Wala yun, bro!! Sige, order na kayo nina Cheney."

"Sige."

Niyaya ko si Cheney para umorder. Tumayo siya habang kinakalabit ko si Lei na sumama na rin ito sa amin pero mas pinili niya na umupo na lang at kausapin ang tatlo. Agad na nagtungo kaming dalawa ni Cheney sa pila at agad na may tinanong ako sa kanya.

"Ano ba pinag-usapan ninyong dalawa at parang napaiyak pa kayo?" tanong ko sa kanya.

"Ah, yung tungkol sa problem ni Lei sa family niya. Gustong-gusto niya kasing makita yung mga parents niya eh. That's why he got to cry over it pati din ako." sagot niya sa tanong ko sa kanya.

"Ah.."

Nang natapos ay sabay kaming umupo sa katabi ng mga apat naming kaibigan. Napansin ko na tumitig si Lei kay Cheney sabay ngiti nito sa kanya. Siguro dahil sa pag-oopen ng problem ni Lei sa nobya ko kaya niya nagawang batiin siya. Parang napakasaya ko noong mga panahong iyon. Kumpleto na ang pamilyang binuo namin ni Lei, Mayroon na siyang Pretty Sister sa katauhan ng GF ko ngayon.

"Oh, I forgot!! Lei, may sasabihin pala sa'yo cakie ko. Please cakie, just tell him what you ought to say." sa akin ng aking GF.

"Ah!! Baby bro, sama ka kay Big bro after class! Ano pwede ka?"

"Sure.. Big bro!! Just count me in!! "
Pumayag si Lei. Tuwang-tuwa ako. Buti na lang at ni-remind ni Cheney ang tungkol sa pag-aalok ko sana kay Lei. Tinanong ko kay Cheney kung hihintayin ko pa siya after class, sabay sabing hindi na daw dahil may kailangan pa siyang tapusin para sa school event next week.

Pagkatapos ng vacant namin, we decided to go back to our respective classes. Hinalikan ako ni Cheney sa lips and say our goodbyes to each other also. Sabay kinuha ni Lei ang mga kamay ko at niyaya niya akong pumunta na sa aming next class.

Lumipas ang tatlong oras at sa wakas ay natapos na ang klase. Nagmamadaling niyaya ako ni Lei. Wala na akong magagawa pa! Parang mas excited pa yata siya kaysa sa akin ah?! Pero, Ok lang. Habang hawak-hawak ako ni Lei ay mayroon na kung anong pagbilis ng tibok ng puso ko habang hawak-hawak niya ako. Kumakalabog. Hindi Ito first time, pero para sa kanya, ito ang kauna-unahang pagtibok ng puso ko sa taong isa sa mga napakahalaga na para sa akin. Para akong binabangungot, pero sa panaginip na ito, sana hindi na ako magising! ( could it be a sweet dream, or beautiful nightmare?) Sana kaming dalawa na lang!! Mukhang mahal ko na ata siya!!

Bigla kong naisip si Cheney kaya ang panaginip na pinapangarap ko ay biglang nawala. I should have to set up in my mind that I should love one and I think, my heart belongs to Cheney. Siya lang ang mahal ko!

"Kuya, punta ka dito, bilis!! I want you to taste this, anyway, my treat!! Kuha ka na ng isa!!" Sabi ni Lei habang nagtutusok ng fishball.

Kumuha ako ng limang piraso at agad sinawsaw sa matamis na maanghang sawsawan. Ginaya ako ni Lei. Sumawsaw din siya sa sinawsawan ko at agad niyang isinubo ang fishball.

"Oh.. Shit!! Ang init!! Whew!!" sabi ni Lei habang iniisa-isang pinapasok ang mainit na fishball sa mga bibig nito.

"Be careful, Baby bro!!"

Agad na kumuha ako ng panyo sa bulsa ko sabay punas sa mga bibig nito. Napahinto siya sa pagkain niya ng fishball at pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.

"After eating this, alis na tayo ah!!" Pakiusap ko kay Lei habang pinupunasan ko ang mga bibig nito.

Ako naman ang nanglibre ng palamig sa kanya. Ibinigay ko ang isa sa kanya at kinuha ko rin ang sa akin. Ti-noss niya ang baso ko sa baso niya sabay tawa ng malakas!!

"Halika na!!" anyaya ko sa kanya.

Nagtawag ako ng jeep at una kong pinasakay si Lei tapos sumunod ako. Sa isang loob jeep, pinagtitinginan kami ng isang grupo ng estudyanteng babae na feeling ko ay sa private school nag-aaral. Ngumiti sila sa amin, sabay sabi ng isang babae na kinagulat ng mga kasama niya.

"Ui.. Ang gwapo naman nilang dalawa, ah basta!! Akin yung mukhang amerikanong hilaw na nakasalamin ah!!" pahangang sambit ng babaeng nakatabi namin sa jeep.

"Hahaha.. Mas gwapo kaya yung kasama niya!! Yung isa chinito na, maputi pa at maganda pa ang katawan!! Hindi tulad sa iyo, gwapo nga, patpatin naman!! Hahaha.." Patawang sigaw ng isang babaeng kasama nila.

Agad na ngumisi ako sa sinabi ng isa sa mga nakasakay namin sa jeep. Habang ngumingisi, agad na sinikuhan ako ni Lei sa tagiliran ng tiyan ko dahilan para umubo ako ng di-oras. Pagkatapos ay dumila sa akin na akala mo talaga ay nangangasar. Lumipas ang 30 minuto na nasa loob ng jeep kami. Tinititigan pa rin kami ng isang grupo ng estudyanteng babae, pero hindi na namin sila kinikibo. Kinuha ko ang CP ko sa bag at tinignan kung me nagtext sa akin, pero wala talaga.

Mukhang inaantok na si Lei. Naghikab ito sa harapan ko sabay ngiti sa akin. Ang cute niyang tignan, Grabeh! Para siyang baby na humihikab. Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko para sumaglit ng idlip.

"Tignan mo oh!! Ang cute nila! Para silang magbestfriend!! Ang sweet!!" sabi ng isa sa mga kagrupo ng estudyanteng babae.

"Oo nga! Sana, makahanap ako ng katulad nila! Grabeh! Ang gwapo-gwapo nila! Para silang artista!" Paggagatong ng isa sa mga kasama nito.

Kinuha ko sa bag ko ang mp3 sabay kuha na rin ng earphone sa bulsa ng bag ko. Isinaksak ko ang mp3 ko sa earphone at inilagay ang isa sa tenga ko sa kaliwa, samantala, inilagay ko naman yung isa sa kanan ng tenga niya. Pinatugtog ko ang isa sa mga favorite song ko sa mp3 na puro Westlife.

"Please, kindly minimize the volume." pakiusap ni Lei sa akin.

Agad kong hininaan ang volume ng mp3 ko. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang labas ng jeep. Nasa tapat na pala kami ng Pritil Market. Grabeh ang traffic dito. Hanggang sa sumapit ang alas 4:00 ng hapon nang nakita ko ang bukana ng Pacheco St.

"Manong, para na lang po sa tabi!!" sigaw ko sa driver ng jeep para tumigil.

"Ui, bababa na sila, bye mga pogi!!" Sigaw ng grupo ng mga kababaihan sa amin habang bumababa.

Sakto at nakababa na kami. Pinasakay ko si Lei sa pedicab pero ayaw niya.

"No, Big Bro!! Hindi ako sasakay diyan!! Much better if we will walk together towards to your house. Maganda pa iyon!!" Sabi ni Lei akin habang ako naman ay nag-iisip kung susuportahan ko siya sa sinabi niya sa akin o Hindi.

"Sige, halika na.." aya ko kay Lei.

"Wait kuya, I have something for you.."

Pinahinto muna niya akong maglakad. Agad na kinuha niya ang bag niya sa likod. Itinaas niya ang kaliwang binti niya at doon pinatong ang bag. Dali-daling binuksan niya ito at nang nakita, agad niya Ito ay kinuha niya sabay pinapikit niya ako.

"Tah-dan!! Snickers!! Want some?!"

May snickers din siya!! Nagulat ako dahil iyon ay pinaka paborito naming chocolate bar ni Patrick. Iniabot niya sa akin ang snickers at inihati ko naman iyon sa gitna. ibinigay ko yung isa sa kanya. Sabay namin iyon kinain.

Itutuloy..

Read more...

Perfect Two - Episode 5

Thursday, October 27, 2011

Author's Note: Sorry po sa late na update! xD I would like to thank to the ff:
Kristofer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm
Rue - sorry po dun sa font ng last update ko..nakalimutan kong baguhin heheh.nakalimutan ko na white ang bg ng mobile version xD. sorry po!
kuya liger and kuya lance - thank you po sa mga advice! :D
kuya dendenpot, kuya win ,  kuya kenji ,kuya jamespot, kuya jm :) , kuya kambal, kuya jeffrey , kuya jennor
and of course, si kuya vince ko - wag ka na po magalit sakin kuya ko.. -.- sorry na po.. :(
Thanks din po sa lahat ng mga silent readers! (kapag po may nakalimutan ako, eto na lng po sainyu --- MWAH!)

Anyway, eto na po! :D

Episode 5 - Lunch Date?

"It's me Frank." sagot ng kabilang linya.

Nagulat ako sa aking narinig.. Si Frank??? Paano niya nakuha number ko?


"Frank? How did you get my number??"

"Tori gave it to me..why? Is there a problem?"

Arrggghh! Tori!!! Lagot ka sakin tomorrow!!! Abnormal talaga tong Tori na to! Bakit niya binigay number ko?! Pero wait.....on the second thought,....kung iisipin mo, nakakakilig din to diba? gwapo, nanghingi ng number mo..ang haba ng hair ko no? Pero bakit naman kaya niya hinihingi number ko??...hmmm....hindi kaya...hindi, lalaki siya, hindi pwede.....pero.....hindi, hindi talaga!! Arggghhh!! Why am I arguing with myself??


Nasa ganoon akong pag-iisip at parang tangang nakikipagtalo sa sarili ko ng bigla akong naalimpungatan na kinakausap pa nga pala ako ni Frank..

"Marvin?? are you still there?? Hello??"

"Yeah! I'm sorry what were you saying?" bigla akong nawindang at nagising sa kasalukuyan.

He laughed.."Hehehe, I said, do you wanna have lunch tomorrow?" tanong niya

Nashock naman ako sa narinig ko.. Ano raw?! Hala ano to? Date?!


"Lunch?!" sagot ko agad.

"Uhhmm yeah..lunch..If it's okay with you.."

"Uhmmm.." Bigla akong nataranta,..Hindi ko alam ang isasagot ko..Parang may nagsasabi sa loob ko na tanggapin ang alok niya, since lunch lang naman, walang malisya..It's just a simple lunch with another person..

"If you're busy, then, let's just do it some other time.." parang may disappointment sa boses niya.

"No wait! Okay, let's have lunch tomorrow.." sagot ko na lang.

"Alright! My treat!"

"That sounds great!" sagot ko naman..

"So uhmm.."

"Uhmm...Just meet me at my locker tomorrow..It's on 2nd floor, right next to exit 7." sabi ko.

"Okay, I'll meet you there. See ya Marvin!"

"See ya, bye."

"Goodnight!"

"Goodnight!" at binaba ko na ang phone ko..

Nakaupo lang ako at nakangiti..Bigla akong naexcite sa mangyayari bukas,..May date este, kakain kami ni Frank sa labas..Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako..Kasi, sa totoo lang, crush ko naman talaga yang si Frank eh..Ang gwapo kaya niya! Tapos, mukhang mabait pa..


Nasa ganoon akong pagpapantasya ng bigla kong maalala si kuya Vinvin..

Ayy, ayan nakalimutan ko nanaman..


(NOTE: KV = Kuya Vinvin. LV = Little Vinvin)


LV : Kuya Vinvin ko!!! sorry po late reply, may tumawag po kasi sa akin eh.. -.-
KV : Ayos lang yun little vinvin ko.. :)
LV : Ano na nga po ulit yung pinag uusapan natin?
KV : Sana, meron rin akong lugar sa puso mo..
LV : Siyempre naman po meron kuya vinvin ko! :D

Ayan, kinikilig na naman ako! Grabe maiiihi na talaga ako!


KV : Talaga? :)
LV : Opo!
KV : Pa-hug nga sa little vinvin ko! *hugs*
LV : *hugs* :)
KV : sana dumating yung araw na hindi lang sa ym kita ma-hug..

OMG..anu ba yan?! Bakit ang sweet mo!! Baka mainlove ako sa'yo niyan!! I don't think anyone can imagine kung gaano ako kinikilig ngaun..Halos maihi na ko sa salawal dito!


KV: Sana dumating yung araw na yun..
LV : :)

Smiley na lang ang nasagot ko..Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..Kasi, umaatake na naman ang mental-block..

KV : teka, anong oras ka ba matutulog little vinvin ko?

Tiningnan ko yung oras.. 11:05 pm.

LV: waaahh, 11 na po pla... :(
KV: Ou nga eh, cge na little vinvin ko, matulog ka na po..baka mapuyat ka pa..may pasok ka pa tomorrow.
LV: Ang sweet naman ng kuya vinvin ko.. :)
KV: Siyempre! Little vinvin kaya kita! Kaya dapat inaalagaan kita! :)
LV: Hehehe, okay po..

Kilig to the bones!


KV: O cge na little vinvin ko, tulog na ikaw.
LV : Opo kuya..Goodnight kuya vinvin ko!
KV : goodnight! mwah! *hugs*

Waaaaaaaaaaaaah! May mwah?!!!! OMG! Hindi ko na talaga makeri to!!! Tubig! Tubig! Kailangan ko ng tubig!!!


KV: Sleep tight little vinvin ko..see me in your dreams! :)
LV: sige po kuya ko..night! *hugs* mwah!

At nagsign-out na ako..Nakatulog ako ng may ngiti sa aking mga labi..Ngiting dulot nina kuya Vinvin at Frank..Naging maayos ang aking pagtulog ng gabing iyon..

The next day, excited na excited akong gumayak at naghanda para sa school,.Ewan ko ba..Pero ang lakas ng kilig effect sakin ng magiging pagkikita namin ni Frank mamaya..Nakapaghanda na ako at pumunta na sa school..Pagdating ko sa school, dumiretso ako sa locker para kunin ang mga libro ko..Bigla naman akong nagulat ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Good morning pa!" bati sa akin ni RL habang nakayakap siya sa likod ko.

"O Pa! Good morning! Talagang may yakap pa talaga ha?" sabi ko naman..

"Eto naman! Naglalambing lang eh! Diyan ka na nga!" pagtatampo ni RL.

Kaagad kong hinablot ang kanyang maliit na kamay at pinigilan siyang umalis.. "Wushu! Nagtampo naman kaagad ang papa ko,." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Eh kasi ikaw eh!" sumbat niya sakin.

"O sige na, sorry na po..hug na.." sabi ko sabay offer sa kanya ng isang hug..

Unti unti naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako... Oo, awkward man sa paningin ng iba, pero wala kaming pakielam..wala namang malisya ang ginagawa namin..Wala rin namang mali sa ginagawa namin..magkaibigan naman kami..

"Aray Pa! May tumusok!!" sabi niya sabay takip sa ibaba niya at tumawa.

Tumawa rin ako.."Waaaahh! Ikaw talaga Pa!"

Nasa ganoon kaming usapan ni RL ng biglang may nagsalita sa likod ko..

"Good morning Vin!" nakangiti niyang bati sa akin..

"Paul! Good morning!" nagulat ako na si Paul pala iyon..Nginitian ko naman siya.

"O, walang hug?" sabi niya.

"Huh?!" bigla akong nalito sa sinabi niya..

"Hug." sabi niya..

"Hug? Bakit?" tanong ko..

"Bakit si RL may hug, tapos ako na bestfriend mo wala?"

Waaaaah! Bakit ganito to? First time kasing manghingi ng hug sa akin si Paul..Oo, nahug ko na siya dati, nung birthday niya..Pero hindi naman niya birthday ngayon ah..At chaka isa pa, ang wierd kaya! Isang straight manghihingi ng hug sa kapwa niya lalaki??? Wait, alam ko iniisip mo, na hindi ako lalaki? But still..Ang alam niya, straight ako..Kaya, bakit siya manghihingi ng hug sakin..Si RL okay lang, kasi hindi naman talaga siya lalaki, babae pa rin siya..Pero si Paul??


"Sige na! Hug lang naman eh!" pagpupumilit niya.

"Sige na Pa! I-hug mo na! Baka umiyak pa yan o! Promise hindi ako magagalit." bulong sakin ni RL sabay tawa.

Well, wala namang malisya to..Bahala na!


"Sige na nga!" sabi ko na lang.

Kaagad naman siyang ngumiti at niyakap kao ng mahigpit..

Sh*t..ang bango niya..Ang sarap pa i-hug!..ayy hindi...mali to..hindi na ako pwedeng mainlove sa kanya...may gf na to...pero....ang bango niya talaga!! Parang ayoko ng kumalas sa hug niya!

Mga ilang segundo rin ang nakalipas ay hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin..

"Ehem ehem..baka naman magkadikit na kayo niyan at hindi na kayo magkahiwalay ha.." sabi ni RL.

Kaagad kaming kumalas sa isa't isa at nag-ayos ng mga sarili..feeling ko, nagbblush ako..Nakita ko ring nagbblush si Paul.. Teka, bakit siya nagbblush?? OMG..Don't tell me?! No wait...mali ang iniisip ko..baka naman...nahiya lang siya kaya ganun..oo tama! Nahiya siya..


Nakita ko namang nakangiti si RL na parang nang-aasar..Pinandilatan ko naman siya ng mata para tumigil siya, baka kasi makahalata si Paul..

"Ahh ehh, sige Vin, kita na lang tayo maya..punta na ko sa klase ko.." sabi niya.

"ahh sige..Kita na lang tayo maya.." sagot ko sa kanya at nginitian siya.

"Sige bye!" paalam niya.

"Bye!".

Sinundan ko ng tingin si Paul habang papalayo siya sa akin...Bago siya lumiko ng corner, tumalikod muna siya at ngumiti..Nginitian ko naman siya..Hindi ako sure kung ako nga talaga ang nginitian niya pero feeling ko sa akin siya nakatingin..kaya ako nga ang nginitian niya..

"Ayiiieee!" sabi ni RL sabay sundot sa tagiliran ko..."Kinikilig naman ako sa inyo Pa!!" sabi niya.

"Shhh! Tumigil ka nga Pa! Baka may makarinig sa'yo o!" saway ko sa kanya.

"Wala namang makakaintindi sa atin eh! Puro ibang lahi tong nasa paligid natin!" sabi niya..

"Eeeee! Basta!" sabi ko..

"Hep hep! Ano yon ha?!" biglang singit ng boses sa likod ni RL..

"Oo nga? What did we miss?" sabi naman nung isa.

"Tori! Trina! Good morning sa inyo!" sabay naming bati ni RL..Napatingin kami sa isa't isa at natawa..

"Sabayang pagbikas to?" biro ni Tori..

"O siya siya, kita na lang tayo sa lunch mamaya, kailangan ko ng pumunta sa klase ko," sabi ni RL.

Bigla ko namang naalala na hindi ko nga pala sila makakasabay sa lunch mamaya..

"Ah guys, nga pala..Hindi nga pala ako makakasabay sa inyo maglunch later,." sabi ko.

"Huh? bakit naman?" tanong ni Trina.


"Ahh ehh, may nag-aya kasi sa aking maglunch..nahihiya naman akong tumanggi kaya pumayag na ako." sagot ko..

"Ayiiiee! May date siya! Sino naman ka-date mo?" panunukso naman ni Tori..

"May ka-date ka Pa?! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Pinagpapalit mo na talaga ako!" sabi naman ni RL. "Sino yang ka-date mo na yan ha?!"

"It's not a date...It's just...uhhmm..lunch.." tugon ko.

"Lunch with????" tanong ni Trina..

"With..uhhmm...Frank.." nahihiyang sagot ko..

"Si Frank?!" sigaw ni Tori.

"Shhhh!!!!! Tori!!! You don't have to be so loud about it!" sabi ko.

"Ayiieeee!!!! Sabi ko na nga ba eh!!!! Kaya pala hiningi sa akin number mo eh!" tukso ni tori.

"Shush!!" saway ko sa kanya.."Which reminds me, bakit mo nga ba binigay number ko? Hindi mo man lang tinanung sakin kung okay lang ba sa akin?" pagtataray ko sa kanya.

"Yeah, about that...napilit niya kasi ako eh, kaya naibigay ko na.." nahihiyang sagot ni Tori.

"Naku!! By pinilit, you mean, nag-hi lang siya sa'yo at hiningi lang ang number ni Vin! Hindi ka naman talaga niya pinilit!" sabi naman ni Trina.

"Eee basta!!" sabi na lang ni Tori.

Natawa naman kami..

"Basta ah Pa, ako pa rin ah,.." sabi naman ni RL.

"Ha?" tanong ko.

"Ako pa rin Papa mo..." sabi naman niya.

"Naku, nagdrama na naman ang Papa ko..Oo naman siyempre kaw lang Papa ko!" sabi ko naman ng nakangiti..

Anu nanaman kaya ang pumasok sa utak nito at sinabi niya yun? Hmm...Oh well..


Nginitian rin naman niya ako..Napatingin naman ako sa relo ko.. 8:30,..5 minutes before class starts..

"Guys, mauna na ako sa inyo..punta na ako sa class ko..Kita na lang tayo maya!" Paalam ko sa mga kaibigan ko..

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at nag punta na sa klase..Naglecture lang kami sa first block ko..Sa second block naman, nag discuss lang yung teacher..After second block, lunch na..

Dumiretso ako kaagad sa locker namin ni Tori..Malayo pa lang ako, nakita ko nang may lalaking nakatayo sa harap ng locker namin..Ng lumingon siya sa direksyon ko, nginitian niya ako..Ang gwapo talaga niya!!! Bagay na bagay sa kanya yung gray na jacket niya..naka black jeans siya at gray rubber shoes..Nun ko lang naalala na...I was wearing a gray jacket too, black skinny jeans and gray chucks!!

"Hey Frank!" bati ko sa kanya.

"Hey Vin! So..shall we?" yaya niya sa akin..

"Let's go!" sabi ko naman ng nakangiti..

Lumabas na kami ng school..habang naglalakad,

"So uhmm..you speak tagalog right?" tanong ko sa kanya.

"Oo." sabay ngiti niya sa akin..

E marunong naman palang magtagalog tong mokong na to e! Pinapahirapan pa ko mag-english! Dumudugo na ilong ko sa kaka-english!


"My parents taught me how to speak tagalog..Gusto kasi nila na matutunan ko yung language natin kahit dito na ako lumaki.." sabi naman niya.

"Ahh.." yun na lang ang nasabi ko..

Patuloy kaming naglakad hanggang sa narating namin ang Filipino restaurant na kinakainan namin nina Tori..

Akala ko naman kung saan kami pupunta, dito rin naman pala,.

"I chose this place kasi lagi kitang nakikitang kumakain dito..Hindi ko kasi alam ang mga food na gusto mo kaya, dito na lang kita dinala..sorry ah.." sabi niya.

"You don't have to say sorry Frank.." sabi ko na lang..Siyempre, alanganamang magreklamo ako diba? Nakakahiya naman.."Tara?" pangyayaya ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin. Papasok na sana ako ng restaurant ng biglang nagring yung phone ko..tinatawagan ako ni Paul..Bakit naman kaya napatawag toh?


"Hello?"

"Vin! San ka?" tanong niya agad.

"Eto na sa labas ng Dante's(pangalan ng restaurant)..bakit?"

"Ahh ganun ba, o sige, nandito kami nila RL sa loob, hantayin ka na namin."

"Ahh ehh Paul, may kasama kasi ako eh."

"Hmm? Sino?"

"Si Frank.."

"Ahh..edi sabihin mo, sabay na rin kamo siya satin."

"Ahh ehh s-sige..tanong ko.."

"Sige,."

At ibinaba ko na yung phone..Hahawakan ko na sana yung handle ng pinto ngunit naunahan ako ni Frank at pinagbuksan niya ako ng pinto.. Wow naman ang sweet naman nito.


"Thanks." sabi ko sabay ngiti sa kanya..Ngumiti naman siya't nagsabi ng "You're welcome."

Nasa pinto pa lang kami, nakita na kaagad namin sina Tori na nakaupo sa di kalayuan..

"Looks like you're friends are here too." sabi ni Frank.

"Yeah..And uhhmm Frank, they're asking if we can join them in the table..If it's okay with you.." sabi ko.

"Sure! No problem." sabi niya sa akin at ngumiti.."Para na rin mameet ko yung mga friends mo."

Buti naman pumayag siya.


Papalapit pa lang kami sa kanila, nakangiti na sa akin na parang nanunukso si Tori..Hindi ko naman maiwasang wag tumawa..

"Ahh ehh, Hi guys..Si Frank nga pala.." pakilala ko kay Frank sa kanila.."Frank, this is Tori, Trina, RL, and Paul.." pinakilala ko sila isa't isa..Nag-hi naman yung tatlo kay Frank. Si Paul naman, kinamayan pa niya..Hindi ko alam kung para saan yun pero hindi ko na lang ito pinansin.

"I'll go order us some food,.You can stay here and wait for me." sabi ni Frank.

"Okay." sagot ko na lang.

"I'll be right back." at umalis na siya para umorder ng pagkain..Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan katabi ni RL. Si Paul nama'y nakaupo paharap sa akin..Tahimik lang akong naghihintay kay Frank habang kumakain yung apat..Nakikita ko namang ngumingiti ngiti yung tatlo sa akin..Hindi ko na lang ito pinatulan dahil baka makahalata si Paul..Mga ilang minuto ang nakaraan, bumalik na muli si Frank at naupo sa tabi ko.

"I didn't know what to order so I just picked this one.." sabi niya habang ibinababa ang pagkain namin..Parehas na Calderetang manok yung inorder niya, tapos dalawang kanin, and then 2 iced tea.

"This is my favorite!" paborito ko naman talaga ang Calderetang manok, pati na rin ang iced tea.

"Really? This is my favorite too!" sabi naman niya.

Wow! Parehas kami ng paborito! Meant to be talaga!


Nagtawanan naman kaming dalawa..Nakitawa na rin yung tatlo.Paglingon ko kay Paul, tahimik lang siyang nakatitig sa pagkain niya. Anung problema nun? Haay nako, yaan na nga siya!


Habang kumakain kami, nagtanung naman ng nagtanung yung tatlo kay Frank..Kaagad naman niyang sinagot ang mga tanong nila.

"So Frank, do you have a girlfriend?" tanong ni RL.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan..

"No, I don't have a girlfriend right now.." sagot naman niya.

Wew! Buti naman at wala!


"But do you have a special someone right now?" dagdag na tanong pa ni RL.

Ano ba naman tong RL na to? Bakit ba kasi nagtatanong pa ng ganun.


"Well...There is someone that I'm interested with.." sagot naman niya.

Ouch! May gusto na pala siya sa iba..Parang tinusok ako sa puso ng marinig ko ang kanyang sinabi.. Sino yang babaeng yan?! Kailangang mabura siya sa mundo! Choz.


"Ohh.." Sabi na lang ni RL..at hindi na siya nagtanung pang muli.

Pagtingin ko kay Tori, naka-sad face siya na parang sinasabi sa akin na.."Awwwe..Pero okay lang yan teh! Marami pa namang iba jan!"

Kaya ayun, napayuko na lang ako at kumain na lang..

"Sana nga sagutin niya ako.." sabi ni Frank.

Bigla naman akong napaubo sa sinabi niyang iyon..Tumayo kaagad si Paul, nilapitan ako at tinapik tapik ang likod ko..Sabay sabay pang  nag-offer ng inumin sina Frank, RL at Paul sa akin.. Hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko..Dahil mas malapit na sa akin yung tubig ng Paul, yun na yung kinuha ko..

"Thanks.." sabi ko pagkatapos kong uminom..

"Dahan dahan lang kasi ang kain...Ayan tuloy.." sabi ni Paul..

Natouch naman ako kanya..


"Opo.." sabi ko na lang..

"Ok ka na?" tanong naman ni Frank..

"Yeah,.okay na ko.." sagot ko sa kanya at nginitian siya..

Natapos kaming kumain, at mukha namang nag-enjoy si Frank..Nakikitawa na lang ako sa mga jokes nila, kahit na iniisip ko pa rin kung sinu yung sinasabi niya na nililigawan niya,..na sana raw eh sagutin siya..Bago kami umalis, napagpasyahan kong pumunta muna ng bathroom para maghugas ng kamay..Pang isahang tao lang ang bathroom na iyon..At dahil maghuhugas lang naman ako ng kamay, iniwanan ko na lang na bukas yung pinto..Habang naghuhugas ako, nagulat ako ng biglang pumasok si Paul at nilock yung pinto..

"Gagamit ka ba? saglit lang, tapos na ko.." sabi ko sa kanya. Ngunit hindi siya nagsalita.

Pagtingin ko sa salamin, nakita ko siyang nakatitig lang sa akin..Pinunasan ko kaagad ng tissue ang aking mga kamay at lalabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akong harangan..

"Excuse me..Lalabas na ko.." sabi ko sa kanya..Pero hindi pa rin siya umaalis.."Paul, lalabas na ko.."

"Sandali lang..May kailangan akong sabihin sa'yo..." sabi niya..

"Ano?" tanong ko..


--------------------
Until the next episode,
Little Vinvin



contact me @: 
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com


(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 7)

Wednesday, October 26, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy

------------------------------------------------

Part 7

Isa na namang panibagong araw para sa akin ang araw na ito. Swerte na lang at dumating si kuya Kenneth sa buhay namin kaya nagkaroon na ng kulay ang buhay ko na inakala ko noon na wala. Alas singko y medya na pala! Binuksan ko ang ilaw namin sa kwarto at nakita ko si kuya Kenneth na natutulog sa kanilang double-deck. Bumaba ako at nagtungo agad sa CR. Umihi ako. Pagkatapos niyon ay nagtungo ako sa sala para buksan ang TV. Unang Hirit na pala. Medyo kakaumpisa pa lang at nakita ko si mommy na nagluluto ng sinangag habang si daddy naman ay nasa sala at nagbabawi ng tulog dahil nakipag-inuman siya kay kuya Kenneth.

Agad akong nagpunta sa kusina at naghain na rin. Tinulungan ko si mommy na mag-ayos ng hapag at nagtimpla sa pitsel ng kape at gatas para sa aming dalawa ni mommy. Pumunta si mommy sa lamesa at inilagay ang pritong galunggong at sabay umupo.

"Jay, halika dito't kumain ka na.. Anong oras na oh, mahuhuli ka na naman."

Pumunta ako sa tabi ni mommy habang hawak-hawak ang tinimplang pampainit sa pitsel. Sabay kaming kumain ni mommy.

"Jay, Kamusta na kayo ni Cheney? Balita ko your relationship with her is getting stronger ah.. Naku jay, Kung alam mo lang! Yung kuya Kenneth mo, sobrang dinamdam ang huli nitong nakarelasyon at mukhang hindi na yata mag-aasawa! Sana mahanap mo ang one true love mo, at sana, si Cheney na talaga!!"

Hindi na ako nagsalita sa puntong iyon habang nagsasalita si mommy. Oo nga at mahal na mahal ko si Cheney, pero parang may pumapasok sa isipan ko na isipin si Patrick. Despite the fact that I'm so much fierce with angriness to what he had done in my life, yet, there is always a reason for me to think about him. Nasaan kaya siya ngayon? Bakit iniwan niya ako? Mahal pa ba niya ako? Hay naku!!

Mariin kong itinuon ang sarili ko kay Cheney. Natutuhan ko siyang mahalin simula pa noong iniwanan ako ni Patrick sa buhay ko. Ibinigay niya ang lahat sa akin kahit na ang kanyang napakagandang katawan nito. Hindi ko lubusang maisip na sa kabila ng mga musmos at batang edad ay may nangyari na sa amin nito. Mahal ako ni Cheney, at iyon ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon para sa akin.

Natapos na kaming kumain ni mommy. Pumunta agad sa water station na family business namin si mommy para buksan iyon. Samantalang ako naman ay nagtungo sa CR at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at umalis na rin na di-nglaon.

Sa school, nakita ko agad si Cheney, andun na pala siya. Kasama niya ang mga barkada kong sina Nikol at Joseph.

"Bro, kamusta!! Nakapag review ka ba ngayon?" Sabi sa akin ni Nikol.

"Ah, ako pa!! I'm always on the go noh!!" Pagmamayabang na pagsagot ko kay Nikol.

"Ah, siya nga pala, Cheney, dumating na pala si kuya Kenneth ko galing Dubai and I'm inviting you to go with us outside after class. Would you mind to go mamaya?"

"Oh, sorry my cakie, I can't go with you kasi may meeting pala kami para sa gagawing program show bukas, kami yung napiling organizer for the coming Mr. and Ms. Lakanduleñan 2003 eh."

"Ah, ganun ba?"

"Wait, my cakie, I have a suggestion, what if I'll talk to your bestfriend and sue him he'll be the one to go with you, if you don't mind?"

"Sige, siya na lang!"

Hinalikan ako ni Cheney sa lips sabay alis sa harapan nito. Samantala, si Nikol ay kinausap ako para sa gagawing pageant ng school.

"Bro, sali ka! Grab this opportunity! You have the looks and the killer physiques na hinahanap ng year level namin. You know what, wala talaga kaming mapili sa batch natin, so I decide to recommend you."

"Sige, I'll think about it, malalaman mo yung sagot right after exam."

"Sige bro!!"

Sabay kaming naghiwalay ni Nikol at Joseph. Samantala, si Lei ay naglalakad mag-isa sa corridor ng 3rd floor at nagbabasa ng ni-lecture sa amin.

"Baby bro!! Musta!! Di ka pa rin tapos magreview?"

"No, Big bro.. I just want to make sure that I reviewed everything. Hirap na, Baka matalo mo ako!!" Pangasar na sinabi ni Lei sa akin..

"Aba at nagyayabang na agad tong kapatid ko ah!! Sabi mo yan ah!! Panindigan mo yan!!"

"Ako pa!!"

Sabay kaming pumasok sa room. Magkakahiwalay ang mga upuan. Mukhang pahihirapan kami ng class advisor namin ngayon ah, pumunta ako sa harapan malapit sa pintuan ng room para walang makakopya sa akin. Ganun din si Lei. Pinantay ko ang upuan ko sa lebel na upuan ni lei at ng iba pang ka-hilera ng upuan ko. Inilabas ang mga reviewer para siguraduhing na-memorize kong maigi ang mga ni-review sa akin ni Lei. Mga saktong 7:30am nang dumating si Ma'am Trinidad na dala-dala ang answer sheets at kanyang pekeng Chanel na shoulder bag.

"Ok class, stop reviewing.. Be ready for the exam today. If you have any questions regarding the exam, please! Don't hesitate to ask me. If I caught you cheating with your seat-mate, you are about to face the automatic failure in exam. Goodluck class!!"

Ibinigay niyang isa-isa sa amin ang test paper. Syempre at nauna na kaming sumagot ni Lei dahil nasa unahan kami at katabi namin si ma'am kaya ligtas kami sa kopyahan ng mga kaklase ko. Lumipas ang ilang minuto. Ayun pa rin si ma'am at matiyagang nagmamanman sa mga estudyanteng gagawa ng katarantaduhan o di kaya magtatanong tungkol sa test paper. Walang anu-ano, lumapit ang isa sa mga kaklase ko at nagtanong.

"Ah, Ok class, please lend me your ears first, turn your test paper on page 2 and I'll explain to you the instructions on how will you answer it."

Dire-diretsong inilahad ni ma'am ang correction sa exam at agad naman namin nakuha iyon. Habang nakikinig ako, di ko pala namamalayang kanina pa ako tinitignan ni Lei sa kaliwa ko.

"Hoy, mind your own paper, baby bro!!"

Hindi niya ako sinunod, tumingin siya sa mga mata ko na parang may gustong sabihin sa akin.

"Sorry Big bro, I'm done!!"

Nagulat ako dahil 30 minutes pa lang ang nakakalipas nang kami ay nag-start at natapos niya agad iyon!

"Are you sure? Teka nakinig ka ba sa mga instructions ni ma'am? Sagot ka ng sagot, baka mamaya ay maungusan kita dyan."

"Haha, I've been there done that, big bro!! Ako pa!! Pagmamayabang ni Lei.

Mga five minutes pagkatapos ay natapos din ako. Pagkalingon ko sa kanya, agad kong napansin, habang nagsusulat si Lei ang pilat nito sa kanang wrist niya. Pahalang at mukhang malalim. Saan kaya niya nakuha iyon? Pagkatapos ay tumingin sa akin si Lei na nakangiti. Ang gaganda ng mga ngipin niya. Pantay ang taas at baba. Walang sungki o isang bulok sa pagitan ng mga ngipin nito. Mapuputi, siguro dahil na rin sa me pagka-banidoso nitong lalaking ito kaya ganun siya. Lumabas ang haring araw sa corridor at unti-unti kong napapansin ang ganda ng buhok nito. Kulay brown na me pagka-red. Brunet kung tutuusin. Tumingin naman ako sa mukha niya. Parang kastila na hinaluan ng amerikano ang mukha nito. Halos natural at kahali-halina!! At ang mga malalaki at mapupungay niyang mga mata na kahit nakasalamin ay kitang-kita sa kanya pati ang hazel brown na kulay ng mga mata nito at ang mahahabang pilik-mata. Nasa kanya na rin siguro ang mga qualities na hinahanap ng isang babae sa lalaki bukod sa ugali at sex appeal nito kahit payat.

Pagkatapos niyang tumingin sa akin ay niyaya niya ako na ipasa na sa harapan ang test paper at sabay sandal ng ulo sa armchair. Parehas kaming nakasandal. Tumingin ako sa labas ng pintuan. Maganda ang tanawin sa labas. May mga humuhuning mga ibon at nakikita ko din ang mga estudyanteng first year na nagdidilig ng halamanan sa labas. Nang nakuntento na ay lumipat naman ako sa kaliwa. Andun si Lei at nakatingin sa akin. Siguro mga isang minuto kaming nagtitigan sa isa't-isa.

"I LOVE YOU, BIG BRO!!". Pabulong niyang sinabi sa akin habang nasa ganun kaming posisyon.

Nabigla ako. Bakit kaya niya sinabi sa akin ang ganoong salita? Bigla ko tuloy naalala si Patrick sa kanya. Agad na kumunot ang mga noo ko sa harap niya at nagbitaw ng salita.

"Loko!!"

Sabay ngiti niya sa akin. Maputi na, gwapo pa. Iyon ang unang impresyon ko kay Lei kahit hanggang ngayon. Sayang lang at payat siya. Lumipas ang isang oras at sa tingin ko ay tapos na ang lahat.

"Please pass first the answer sheets then the test paper in your front." Sabi ni Ma'am Trinidad.

Pagkatapos niyon ay inilagay ko ang ballpen ko sa bag ko at tinignan ang CP ko, may isang text at nakita kong si Cheney pala nagtext sa akin.

"cakie, break a leg!! Kaya mo yang exam na yan!! Keep it up!! I love you.."

Agad na tinago ko ang CP ko sa bag pagkatapos basahin. Mamaya ko na lang siya itetext. Inayos ko ang bangko ko at tinapat kay Lei. Umalis si Ma'am Trinidad na palatandaan ng pagtatapos ng klase namin sa kanya. Umalis rin si Lei saglit at nagpaalam sa akin na mag-si CR lang siya. Pumunta ako sa mga kaklase ko para kausapin sila.

"'cob, balita ko daw, ikaw ang ilalaban ng buong third year sa Mr. Lakanduleñans ah!! Sige boto kami sa'yo." Sabi ng president ng section namin, si Arah.

Si Arah ay kakumpitensiya din namin ni Lei pagdating sa exam. Minsan siya ang pinakamataas sa amin ni Lei pero lagi kaming naglalaban ni Lei when it comes to final average.

Nakalimutan ko palang magdesisyon kung sasali ako sa Mr. Lakanduleñans .Siguro ito na rin yung time ko para sumikat sa buong campus. Iyon talaga ang pinapangarap ko na tingalain ako ng mga tao na parang diyos at sinasamba nila. Agad kong naisip si Cheney kung papayag siya sa alok ni President. Naku, eh iyon pa, isa rin yun sa mga sulsulero na nakilala ko eh..

Bumaba akong saglit at pumunta sa kabilang building para puntahan ni Cheney. Andun siya at mukhang busy sa pagsagot ng exam. Sinitsitan ko siya at nang narinig ako ay ngumiti siya sa akin.

"Me sasabihin ako sa'yo mamaya!!" sigaw ko na pabulong sa kanya. Nakita kong tumango siya sa akin at sabay nag flying kiss. Agad niya itong sinalo gamit ang kanang kamay niya at inilagay sa puso niya. Bumaba ako at naisipang pumunta sa Library dahil may natitira pang 30 minutes bago ang isang subject namin. Binisita ko si Ma'am Pelaez at maganda naman ang approach nito sa akin. May binigay siya sa aking aklat at iniutos na ibigay ko daw iyon sa susunod na magiging teacher namin. Sumilip ako sa Filipiniana section at nakita ko si Nikol.

"Bro, anong ginagawa mo diyan?"

"Ah.. Eh, nagreresearch para sa El Filibusterismo. Teka, baka alam mo ito."

Ibinigay niya sa akin ang notebook niya at itinuro ang ireresearch.

1. Ibigay ang totoong pangalan ni Crisostomo Ibbara.

2. Saan hango ang nobelang ito at bakit namulat ang mga Pilipino sa ginagawa ng kastila sa kanila pagkatapos nilang basahin ito.

3. Kailan at saan ginawa ni Josè Rizal ito.

Agad akong humiram ng ballpen kay Nikol para sagutin at tulungan na rin ang naghihirap kong kaibigan. Sinagot ko isa-isa ang lahat na parang sisiw lang para sa akin. Wala pang 15 minutes nang natapos ako at ibinigay ko ang ballpen at notebook sa kaniya.

"ambilis mo naman, bro!! Buti ka pa, alam mo!! Teka, itinuro na ba ito sa inyo?"

"Hindi pa bro. Nag advance reading kasi ako eh, kaya may idea na ako para sagutin yang research mo."

"Salamat ah!!"

"Sige bro!! Una na ako!!"

Umalis agad ako sa Library pagkatapos. Pumunta ako agad sa room namin kung saan nakita ko si Lei na nakaupo at nagbabasa ng Bob Ong na libro.

"Pahiram naman ako niyan!!" pagkatapos ay sabay upo ako sa tabi nito.

"Mamaya, pagkatapos."

"Sure??"

"Oo.."

Maya-maya, pumunta na si Ma'am Cristobal para sa subject namin sa Math. Sakto at agad kong ibinigay sa kanya ang libro na ibinigay sa akin ni Ma'am Pelaez. Agad tinago ni Lei yung binabasa niya sa bag sabay sarado gamit ang zipper na malalaki.

Tumagal ang pagtuturo ni Ma'am Cristobal. Sumobra pa nga sa 15 minutes niya kaming ni-lecturan. Medyo magulo ang pagtuturo niya. Sumakit bigla ang ulo ko at agad na binigyan ko ng hilot sa pagitan ng mga sentido ko.

Hinubad ni Lei ang salamin niya sa lapag ng armchair nito. Sabay punas ng mga mata nito gamit ang maliit na bimpong kulay green at pagkatapos ay sinabay niya rin ang kaniyang salamin sa mata.

"Baby bro, naintindihan mo ba tinuro ni ma'am? Medyo magulo eh.." Sambit ko sa harap niya habang nangangamot sa batok.

"Oo, ako pa!!"

"Turo mo sa akin mamaya ah!!"

"Sige."

Ilang minuto na rin at tumunog ang napakalakas na ingay ng bell. Senyales Ito na patapos na ang kanyang time sa pagtuturo sa amin.

Lumipas ang tatlong oras pagkatapos. Pinahiram sa akin ni Lei ang Bob Ong book niya. Binasa ko ang likuran at natawa sa bawat birada niyang may halong humorous wit.

"Nakakatawa to Baby Bro ah! Mas naintindihan ko kesa sa mga turo ni Ma'am Cristobal!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad ng magkasabay.

Habang naglalakad sa corridor, itinigil ko muna ang pagbabasa ng libro. Agad na inipit ko sa kaliwang kili-kili ang aklat. Tumingin ako sa dinadaanan ko at inobserbahan ang mga taong dumadaan sa harapan namin ni Baby Bro. Para kaming baliw, kasi ginagawa pala niya ang ginagawa ko.

"Big bro, kita mo yung girl ?! Anlaki ng boobs niya noh.. Nakakalibog!! Hahaha." palokong biro ni Lei habang nakikitig sa dibdib ng isang ka-schoolmate na Babae.

"Baby bro, kailan ka pang natutong tumingin ng ganyan? Ah?? Tandaan mo, I'm your Big Bro!!

Pinagsabihan ko si Lei dahil sa maling ginagawa nito. Nakita ko siya habang pinagsasabihan. Nakita ko ang pagsisimangot niya sa akin na parang nalugi sa isang negosyo. Medyo matangkad siya sa akin ng bahagya. 5'7" ako samantalang, 5"8 naman siya, kayang-kaya kong kutusan siya sa ulo ng sobrang lutong kung gagawa siya ng mali.

Itutuloy..

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP