Perfect Two - Episode 5
Thursday, October 27, 2011
Author's Note: Sorry po sa late na update! xD I would like to thank to the ff:
Kristofer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm
Rue - sorry po dun sa font ng last update ko..nakalimutan kong baguhin heheh.nakalimutan ko na white ang bg ng mobile version xD. sorry po!
kuya liger and kuya lance - thank you po sa mga advice! :D
kuya dendenpot, kuya win , kuya kenji ,kuya jamespot, kuya jm :) , kuya kambal, kuya jeffrey , kuya jennor
and of course, si kuya vince ko - wag ka na po magalit sakin kuya ko.. -.- sorry na po.. :(
Thanks din po sa lahat ng mga silent readers! (kapag po may nakalimutan ako, eto na lng po sainyu --- MWAH!)
Anyway, eto na po! :D
Episode 5 - Lunch Date?
"It's me Frank." sagot ng kabilang linya.
Nagulat ako sa aking narinig.. Si Frank??? Paano niya nakuha number ko?
"Frank? How did you get my number??"
"Tori gave it to me..why? Is there a problem?"
Arrggghh! Tori!!! Lagot ka sakin tomorrow!!! Abnormal talaga tong Tori na to! Bakit niya binigay number ko?! Pero wait.....on the second thought,....kung iisipin mo, nakakakilig din to diba? gwapo, nanghingi ng number mo..ang haba ng hair ko no? Pero bakit naman kaya niya hinihingi number ko??...hmmm....hindi kaya...hindi, lalaki siya, hindi pwede.....pero.....hindi, hindi talaga!! Arggghhh!! Why am I arguing with myself??
Nasa ganoon akong pag-iisip at parang tangang nakikipagtalo sa sarili ko ng bigla akong naalimpungatan na kinakausap pa nga pala ako ni Frank..
"Marvin?? are you still there?? Hello??"
"Yeah! I'm sorry what were you saying?" bigla akong nawindang at nagising sa kasalukuyan.
He laughed.."Hehehe, I said, do you wanna have lunch tomorrow?" tanong niya
Nashock naman ako sa narinig ko.. Ano raw?! Hala ano to? Date?!
"Lunch?!" sagot ko agad.
"Uhhmm yeah..lunch..If it's okay with you.."
"Uhmmm.." Bigla akong nataranta,..Hindi ko alam ang isasagot ko..Parang may nagsasabi sa loob ko na tanggapin ang alok niya, since lunch lang naman, walang malisya..It's just a simple lunch with another person..
"If you're busy, then, let's just do it some other time.." parang may disappointment sa boses niya.
"No wait! Okay, let's have lunch tomorrow.." sagot ko na lang.
"Alright! My treat!"
"That sounds great!" sagot ko naman..
"So uhmm.."
"Uhmm...Just meet me at my locker tomorrow..It's on 2nd floor, right next to exit 7." sabi ko.
"Okay, I'll meet you there. See ya Marvin!"
"See ya, bye."
"Goodnight!"
"Goodnight!" at binaba ko na ang phone ko..
Nakaupo lang ako at nakangiti..Bigla akong naexcite sa mangyayari bukas,..May date este, kakain kami ni Frank sa labas..Iniisip ko pa lang, kinikilig na ako..Kasi, sa totoo lang, crush ko naman talaga yang si Frank eh..Ang gwapo kaya niya! Tapos, mukhang mabait pa..
Nasa ganoon akong pagpapantasya ng bigla kong maalala si kuya Vinvin..
Ayy, ayan nakalimutan ko nanaman..
(NOTE: KV = Kuya Vinvin. LV = Little Vinvin)
LV : Kuya Vinvin ko!!! sorry po late reply, may tumawag po kasi sa akin eh.. -.-
KV : Ayos lang yun little vinvin ko.. :)
LV : Ano na nga po ulit yung pinag uusapan natin?
KV : Sana, meron rin akong lugar sa puso mo..
LV : Siyempre naman po meron kuya vinvin ko! :D
Ayan, kinikilig na naman ako! Grabe maiiihi na talaga ako!
KV : Talaga? :)
LV : Opo!
KV : Pa-hug nga sa little vinvin ko! *hugs*
LV : *hugs* :)
KV : sana dumating yung araw na hindi lang sa ym kita ma-hug..
OMG..anu ba yan?! Bakit ang sweet mo!! Baka mainlove ako sa'yo niyan!! I don't think anyone can imagine kung gaano ako kinikilig ngaun..Halos maihi na ko sa salawal dito!
KV: Sana dumating yung araw na yun..
LV : :)
Smiley na lang ang nasagot ko..Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..Kasi, umaatake na naman ang mental-block..
KV : teka, anong oras ka ba matutulog little vinvin ko?
Tiningnan ko yung oras.. 11:05 pm.
LV: waaahh, 11 na po pla... :(
KV: Ou nga eh, cge na little vinvin ko, matulog ka na po..baka mapuyat ka pa..may pasok ka pa tomorrow.
LV: Ang sweet naman ng kuya vinvin ko.. :)
KV: Siyempre! Little vinvin kaya kita! Kaya dapat inaalagaan kita! :)
LV: Hehehe, okay po..
Kilig to the bones!
KV: O cge na little vinvin ko, tulog na ikaw.
LV : Opo kuya..Goodnight kuya vinvin ko!
KV : goodnight! mwah! *hugs*
Waaaaaaaaaaaaah! May mwah?!!!! OMG! Hindi ko na talaga makeri to!!! Tubig! Tubig! Kailangan ko ng tubig!!!
KV: Sleep tight little vinvin ko..see me in your dreams! :)
LV: sige po kuya ko..night! *hugs* mwah!
At nagsign-out na ako..Nakatulog ako ng may ngiti sa aking mga labi..Ngiting dulot nina kuya Vinvin at Frank..Naging maayos ang aking pagtulog ng gabing iyon..
The next day, excited na excited akong gumayak at naghanda para sa school,.Ewan ko ba..Pero ang lakas ng kilig effect sakin ng magiging pagkikita namin ni Frank mamaya..Nakapaghanda na ako at pumunta na sa school..Pagdating ko sa school, dumiretso ako sa locker para kunin ang mga libro ko..Bigla naman akong nagulat ng biglang may yumakap sa likod ko.
"Good morning pa!" bati sa akin ni RL habang nakayakap siya sa likod ko.
"O Pa! Good morning! Talagang may yakap pa talaga ha?" sabi ko naman..
"Eto naman! Naglalambing lang eh! Diyan ka na nga!" pagtatampo ni RL.
Kaagad kong hinablot ang kanyang maliit na kamay at pinigilan siyang umalis.. "Wushu! Nagtampo naman kaagad ang papa ko,." sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Eh kasi ikaw eh!" sumbat niya sakin.
"O sige na, sorry na po..hug na.." sabi ko sabay offer sa kanya ng isang hug..
Unti unti naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako... Oo, awkward man sa paningin ng iba, pero wala kaming pakielam..wala namang malisya ang ginagawa namin..Wala rin namang mali sa ginagawa namin..magkaibigan naman kami..
"Aray Pa! May tumusok!!" sabi niya sabay takip sa ibaba niya at tumawa.
Tumawa rin ako.."Waaaahh! Ikaw talaga Pa!"
Nasa ganoon kaming usapan ni RL ng biglang may nagsalita sa likod ko..
"Good morning Vin!" nakangiti niyang bati sa akin..
"Paul! Good morning!" nagulat ako na si Paul pala iyon..Nginitian ko naman siya.
"O, walang hug?" sabi niya.
"Huh?!" bigla akong nalito sa sinabi niya..
"Hug." sabi niya..
"Hug? Bakit?" tanong ko..
"Bakit si RL may hug, tapos ako na bestfriend mo wala?"
Waaaaah! Bakit ganito to? First time kasing manghingi ng hug sa akin si Paul..Oo, nahug ko na siya dati, nung birthday niya..Pero hindi naman niya birthday ngayon ah..At chaka isa pa, ang wierd kaya! Isang straight manghihingi ng hug sa kapwa niya lalaki??? Wait, alam ko iniisip mo, na hindi ako lalaki? But still..Ang alam niya, straight ako..Kaya, bakit siya manghihingi ng hug sakin..Si RL okay lang, kasi hindi naman talaga siya lalaki, babae pa rin siya..Pero si Paul??
"Sige na! Hug lang naman eh!" pagpupumilit niya.
"Sige na Pa! I-hug mo na! Baka umiyak pa yan o! Promise hindi ako magagalit." bulong sakin ni RL sabay tawa.
Well, wala namang malisya to..Bahala na!
"Sige na nga!" sabi ko na lang.
Kaagad naman siyang ngumiti at niyakap kao ng mahigpit..
Sh*t..ang bango niya..Ang sarap pa i-hug!..ayy hindi...mali to..hindi na ako pwedeng mainlove sa kanya...may gf na to...pero....ang bango niya talaga!! Parang ayoko ng kumalas sa hug niya!
Mga ilang segundo rin ang nakalipas ay hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin..
"Ehem ehem..baka naman magkadikit na kayo niyan at hindi na kayo magkahiwalay ha.." sabi ni RL.
Kaagad kaming kumalas sa isa't isa at nag-ayos ng mga sarili..feeling ko, nagbblush ako..Nakita ko ring nagbblush si Paul.. Teka, bakit siya nagbblush?? OMG..Don't tell me?! No wait...mali ang iniisip ko..baka naman...nahiya lang siya kaya ganun..oo tama! Nahiya siya..
Nakita ko namang nakangiti si RL na parang nang-aasar..Pinandilatan ko naman siya ng mata para tumigil siya, baka kasi makahalata si Paul..
"Ahh ehh, sige Vin, kita na lang tayo maya..punta na ko sa klase ko.." sabi niya.
"ahh sige..Kita na lang tayo maya.." sagot ko sa kanya at nginitian siya.
"Sige bye!" paalam niya.
"Bye!".
Sinundan ko ng tingin si Paul habang papalayo siya sa akin...Bago siya lumiko ng corner, tumalikod muna siya at ngumiti..Nginitian ko naman siya..Hindi ako sure kung ako nga talaga ang nginitian niya pero feeling ko sa akin siya nakatingin..kaya ako nga ang nginitian niya..
"Ayiiieee!" sabi ni RL sabay sundot sa tagiliran ko..."Kinikilig naman ako sa inyo Pa!!" sabi niya.
"Shhh! Tumigil ka nga Pa! Baka may makarinig sa'yo o!" saway ko sa kanya.
"Wala namang makakaintindi sa atin eh! Puro ibang lahi tong nasa paligid natin!" sabi niya..
"Eeeee! Basta!" sabi ko..
"Hep hep! Ano yon ha?!" biglang singit ng boses sa likod ni RL..
"Oo nga? What did we miss?" sabi naman nung isa.
"Tori! Trina! Good morning sa inyo!" sabay naming bati ni RL..Napatingin kami sa isa't isa at natawa..
"Sabayang pagbikas to?" biro ni Tori..
"O siya siya, kita na lang tayo sa lunch mamaya, kailangan ko ng pumunta sa klase ko," sabi ni RL.
Bigla ko namang naalala na hindi ko nga pala sila makakasabay sa lunch mamaya..
"Ah guys, nga pala..Hindi nga pala ako makakasabay sa inyo maglunch later,." sabi ko.
"Huh? bakit naman?" tanong ni Trina.
"Ahh ehh, may nag-aya kasi sa aking maglunch..nahihiya naman akong tumanggi kaya pumayag na ako." sagot ko..
"Ayiiiee! May date siya! Sino naman ka-date mo?" panunukso naman ni Tori..
"May ka-date ka Pa?! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Pinagpapalit mo na talaga ako!" sabi naman ni RL. "Sino yang ka-date mo na yan ha?!"
"It's not a date...It's just...uhhmm..lunch.." tugon ko.
"Lunch with????" tanong ni Trina..
"With..uhhmm...Frank.." nahihiyang sagot ko..
"Si Frank?!" sigaw ni Tori.
"Shhhh!!!!! Tori!!! You don't have to be so loud about it!" sabi ko.
"Ayiieeee!!!! Sabi ko na nga ba eh!!!! Kaya pala hiningi sa akin number mo eh!" tukso ni tori.
"Shush!!" saway ko sa kanya.."Which reminds me, bakit mo nga ba binigay number ko? Hindi mo man lang tinanung sakin kung okay lang ba sa akin?" pagtataray ko sa kanya.
"Yeah, about that...napilit niya kasi ako eh, kaya naibigay ko na.." nahihiyang sagot ni Tori.
"Naku!! By pinilit, you mean, nag-hi lang siya sa'yo at hiningi lang ang number ni Vin! Hindi ka naman talaga niya pinilit!" sabi naman ni Trina.
"Eee basta!!" sabi na lang ni Tori.
Natawa naman kami..
"Basta ah Pa, ako pa rin ah,.." sabi naman ni RL.
"Ha?" tanong ko.
"Ako pa rin Papa mo..." sabi naman niya.
"Naku, nagdrama na naman ang Papa ko..Oo naman siyempre kaw lang Papa ko!" sabi ko naman ng nakangiti..
Anu nanaman kaya ang pumasok sa utak nito at sinabi niya yun? Hmm...Oh well..
Nginitian rin naman niya ako..Napatingin naman ako sa relo ko.. 8:30,..5 minutes before class starts..
"Guys, mauna na ako sa inyo..punta na ako sa class ko..Kita na lang tayo maya!" Paalam ko sa mga kaibigan ko..
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at nag punta na sa klase..Naglecture lang kami sa first block ko..Sa second block naman, nag discuss lang yung teacher..After second block, lunch na..
Dumiretso ako kaagad sa locker namin ni Tori..Malayo pa lang ako, nakita ko nang may lalaking nakatayo sa harap ng locker namin..Ng lumingon siya sa direksyon ko, nginitian niya ako..Ang gwapo talaga niya!!! Bagay na bagay sa kanya yung gray na jacket niya..naka black jeans siya at gray rubber shoes..Nun ko lang naalala na...I was wearing a gray jacket too, black skinny jeans and gray chucks!!
"Hey Frank!" bati ko sa kanya.
"Hey Vin! So..shall we?" yaya niya sa akin..
"Let's go!" sabi ko naman ng nakangiti..
Lumabas na kami ng school..habang naglalakad,
"So uhmm..you speak tagalog right?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sabay ngiti niya sa akin..
E marunong naman palang magtagalog tong mokong na to e! Pinapahirapan pa ko mag-english! Dumudugo na ilong ko sa kaka-english!
"My parents taught me how to speak tagalog..Gusto kasi nila na matutunan ko yung language natin kahit dito na ako lumaki.." sabi naman niya.
"Ahh.." yun na lang ang nasabi ko..
Patuloy kaming naglakad hanggang sa narating namin ang Filipino restaurant na kinakainan namin nina Tori..
Akala ko naman kung saan kami pupunta, dito rin naman pala,.
"I chose this place kasi lagi kitang nakikitang kumakain dito..Hindi ko kasi alam ang mga food na gusto mo kaya, dito na lang kita dinala..sorry ah.." sabi niya.
"You don't have to say sorry Frank.." sabi ko na lang..Siyempre, alanganamang magreklamo ako diba? Nakakahiya naman.."Tara?" pangyayaya ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin. Papasok na sana ako ng restaurant ng biglang nagring yung phone ko..tinatawagan ako ni Paul..Bakit naman kaya napatawag toh?
"Hello?"
"Vin! San ka?" tanong niya agad.
"Eto na sa labas ng Dante's(pangalan ng restaurant)..bakit?"
"Ahh ganun ba, o sige, nandito kami nila RL sa loob, hantayin ka na namin."
"Ahh ehh Paul, may kasama kasi ako eh."
"Hmm? Sino?"
"Si Frank.."
"Ahh..edi sabihin mo, sabay na rin kamo siya satin."
"Ahh ehh s-sige..tanong ko.."
"Sige,."
At ibinaba ko na yung phone..Hahawakan ko na sana yung handle ng pinto ngunit naunahan ako ni Frank at pinagbuksan niya ako ng pinto.. Wow naman ang sweet naman nito.
"Thanks." sabi ko sabay ngiti sa kanya..Ngumiti naman siya't nagsabi ng "You're welcome."
Nasa pinto pa lang kami, nakita na kaagad namin sina Tori na nakaupo sa di kalayuan..
"Looks like you're friends are here too." sabi ni Frank.
"Yeah..And uhhmm Frank, they're asking if we can join them in the table..If it's okay with you.." sabi ko.
"Sure! No problem." sabi niya sa akin at ngumiti.."Para na rin mameet ko yung mga friends mo."
Buti naman pumayag siya.
Papalapit pa lang kami sa kanila, nakangiti na sa akin na parang nanunukso si Tori..Hindi ko naman maiwasang wag tumawa..
"Ahh ehh, Hi guys..Si Frank nga pala.." pakilala ko kay Frank sa kanila.."Frank, this is Tori, Trina, RL, and Paul.." pinakilala ko sila isa't isa..Nag-hi naman yung tatlo kay Frank. Si Paul naman, kinamayan pa niya..Hindi ko alam kung para saan yun pero hindi ko na lang ito pinansin.
"I'll go order us some food,.You can stay here and wait for me." sabi ni Frank.
"Okay." sagot ko na lang.
"I'll be right back." at umalis na siya para umorder ng pagkain..Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan katabi ni RL. Si Paul nama'y nakaupo paharap sa akin..Tahimik lang akong naghihintay kay Frank habang kumakain yung apat..Nakikita ko namang ngumingiti ngiti yung tatlo sa akin..Hindi ko na lang ito pinatulan dahil baka makahalata si Paul..Mga ilang minuto ang nakaraan, bumalik na muli si Frank at naupo sa tabi ko.
"I didn't know what to order so I just picked this one.." sabi niya habang ibinababa ang pagkain namin..Parehas na Calderetang manok yung inorder niya, tapos dalawang kanin, and then 2 iced tea.
"This is my favorite!" paborito ko naman talaga ang Calderetang manok, pati na rin ang iced tea.
"Really? This is my favorite too!" sabi naman niya.
Wow! Parehas kami ng paborito! Meant to be talaga!
Nagtawanan naman kaming dalawa..Nakitawa na rin yung tatlo.Paglingon ko kay Paul, tahimik lang siyang nakatitig sa pagkain niya. Anung problema nun? Haay nako, yaan na nga siya!
Habang kumakain kami, nagtanung naman ng nagtanung yung tatlo kay Frank..Kaagad naman niyang sinagot ang mga tanong nila.
"So Frank, do you have a girlfriend?" tanong ni RL.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan..
"No, I don't have a girlfriend right now.." sagot naman niya.
Wew! Buti naman at wala!
"But do you have a special someone right now?" dagdag na tanong pa ni RL.
Ano ba naman tong RL na to? Bakit ba kasi nagtatanong pa ng ganun.
"Well...There is someone that I'm interested with.." sagot naman niya.
Ouch! May gusto na pala siya sa iba..Parang tinusok ako sa puso ng marinig ko ang kanyang sinabi.. Sino yang babaeng yan?! Kailangang mabura siya sa mundo! Choz.
"Ohh.." Sabi na lang ni RL..at hindi na siya nagtanung pang muli.
Pagtingin ko kay Tori, naka-sad face siya na parang sinasabi sa akin na.."Awwwe..Pero okay lang yan teh! Marami pa namang iba jan!"
Kaya ayun, napayuko na lang ako at kumain na lang..
"Sana nga sagutin niya ako.." sabi ni Frank.
Bigla naman akong napaubo sa sinabi niyang iyon..Tumayo kaagad si Paul, nilapitan ako at tinapik tapik ang likod ko..Sabay sabay pang nag-offer ng inumin sina Frank, RL at Paul sa akin.. Hindi ko alam kung kanino ang kukunin ko..Dahil mas malapit na sa akin yung tubig ng Paul, yun na yung kinuha ko..
"Thanks.." sabi ko pagkatapos kong uminom..
"Dahan dahan lang kasi ang kain...Ayan tuloy.." sabi ni Paul..
Natouch naman ako kanya..
"Opo.." sabi ko na lang..
"Ok ka na?" tanong naman ni Frank..
"Yeah,.okay na ko.." sagot ko sa kanya at nginitian siya..
Natapos kaming kumain, at mukha namang nag-enjoy si Frank..Nakikitawa na lang ako sa mga jokes nila, kahit na iniisip ko pa rin kung sinu yung sinasabi niya na nililigawan niya,..na sana raw eh sagutin siya..Bago kami umalis, napagpasyahan kong pumunta muna ng bathroom para maghugas ng kamay..Pang isahang tao lang ang bathroom na iyon..At dahil maghuhugas lang naman ako ng kamay, iniwanan ko na lang na bukas yung pinto..Habang naghuhugas ako, nagulat ako ng biglang pumasok si Paul at nilock yung pinto..
"Gagamit ka ba? saglit lang, tapos na ko.." sabi ko sa kanya. Ngunit hindi siya nagsalita.
Pagtingin ko sa salamin, nakita ko siyang nakatitig lang sa akin..Pinunasan ko kaagad ng tissue ang aking mga kamay at lalabas na sana ako ng pinto ng bigla niya akong harangan..
"Excuse me..Lalabas na ko.." sabi ko sa kanya..Pero hindi pa rin siya umaalis.."Paul, lalabas na ko.."
"Sandali lang..May kailangan akong sabihin sa'yo..." sabi niya..
"Ano?" tanong ko..
--------------------
Until the next episode,
Little Vinvin
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com
ym : binz_32@yahoo.com
6 comments:
halatado ka kuya Vince ..
ahahaha .. may nabilaukan effect .. ahahaha
ikaw huh! dalawa dalawa pa aa --
kayo na SWEET! ni kuya Frank ..
kakakilig kayo .. ;)
at ano naman kayang gustong "IPAGTAPAT" ni Paul ?
boses: ipagtapat talaga ang term? pag-ibig to teh? pag-ibig ?
ako: che! hindi hindi! Camella .. :P
boses: oo nalang .. CORNY mo rin no!
Thanks kuya Vince!
wahahaay kilig to the MAX! wahaha
uy!!! ahahaha!! nagseselos si bestfriend =))
nakakakilig kaso bitin..pa suspense..hahaha..
~joed
hahahahha kakabasa ko lang and i noticed na sobrang kilig mo habang sinusulat mo ito...hehehehe
:)
Post a Comment