Ang Kwintas, ang Snickers, at Si Patrick. (Part 8)
Monday, October 31, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Pasensiya na kung ngayon lang ulit ako nagpost due to some conflicts sa trabaho at sa pagpapasa ng requirement sa school, pero babawi ako this time..swear yan!!
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM(guys, sembreak na!! Pero hindi tayo counted..hehehehe) mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy
HAPPY HALLOWEEN MGA KA-LOL!!
------------------------------------------------
Part 8
"tpos n b klase nyo? If so, please wait for me at the bleachers beside cover court. Isama u din c Lei. Mag-uusap lng kmi saglit. Tnxie!! I <3 ü.."
Iyon ang text na narecieve ko kay Cheney. Agad kong pinabasa kay Lei yung text message at sabay tumungo sa meeting place naming tatlo. Nakita ko ang cover court at umupo sa bleachers. Nakita ko si Cheney kasama ang mga kaibigan nito.
"Ang gwapo naman ng kasama ni Jacob! Please, pakilala mo naman kami sa kanya mamaya." Sabi ng isa sa mga kaibigan nito.
"Sige, pero siya lang ah!! Wag yung BF ko!!" sabi ni Cheney.
"Alam mo Cheney, para kaming nanonood ng united nations kahit sa October pa iyon. Parang mga foreigner kasi sila eh. Yung isa, mukhang Chinese, tas yung kasama niya, parang Amerikano. Ang gu-gwapo!!"sabi din ng isa mga kaklase ni Cheney.
"Swerte mo!!, oo nga!!" sabi nilang lahat!!
Agad na tumayo si Cheney at tumungo sa amin. Agad akong hinalikan ni Cheney sabay kilig ng mga kaklase nito.
"Uiiiii...!!!!" Sambit nila.
Lumapit si Cheney sa mga kaibigan nito at agad nagpaalam. Pumunta kaming tatlo malapit sa wishing well ng school at dun umupo sa gilid nito. May binulong si Cheney kay Lei sabay alis ng baby bro ko.
"cakie, I want to tell you this, my classmate has already told me about your plans in joining Mr.& Ms. Lakanduleñans. Oh, sakto pala!! Sige, I'm allowing you to join. I got an application form here and please, submit this to Mr. Gonzales right after filling up. And by the way, I decided not to join. Maybe because I feel something na baka maging PDA tayo at mapag-usapan ng buong campus which I don't wanna happened. Teka, papuntahin mo pala muna sa akin si Lei. May sasabihin ako sa kanya."
Agad na pinapunta ko si Lei kay Cheney. Nang inilapit ko siya kay Cheney ay ngumiti siya sa kanya. Lumapit sa akin si Cheney at agad niyang hinawakan ang aking mga kamay.
"Can I have you a favor, cakie?? I know it's hard for you to tell this, but actually, the main reason why I call Lei to you is something personal for both of us. I love you and I know you'll understand me. Please, let me talk to him in private." pakiusap sa akin ni Cheney.
Nagtaka ako kung bakit kailangang kausapin ni Cheney si Lei ng personal? Ano kaya ang dahilan? Sa puntong iyon, at dahil na rin siguro na nauunawaan ko si Cheney, ay pumayag ako. May mga pagdududa na ako pero hinayaan ko munang kalimutan iyon. Nang pagkatango ko sa kanya ay agad niya akong hinalikan sa labi at sabay bulong sa akin ng "I love you" habang nakatingin sa akin na naglalakad papunta kay Lei.
Tumabi ako sa main entrance ng TLE building tapat mismo malapit sa wishing well na kinauupuan nina Lei. Kinuha ko sa bag ko ang ballpen at patungan para sa pagpi-fill up ko sa application form na binigay sa akin ng nobya ko. Nang natapos na ay agad kong isinilid iyon sa bag ko. Napansin ko, sa kabilang dulo sa kaliwa, nakita ko ang mga nagpa-practice ng sabayang pagbigkas ng mga sophomore, samantalang ang iba naman ay naglalaro sa gilid malapit sa kinauupuan ko ng jack&stone. Ngumiti ako sa mga nakita ko at bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin ni Cheney at Patrick noong mga bata pa kami. Halos magkatapat ang building kung saan ako nakaupo at ang wishing well kung saan naman nakaupo ang dalawa. Tinignan ko ang dalawa habang nag-uusap. Habang tumatagal ang pag-uusap nila, napansin ko na tila parang napakatagal na naging magkaibigan ng dalawa. Sobra as in. Sa kilos ng kanilang katawan, sa eye-to-eye contact nitong dalawa habang nag-uusap, at ang unti-unti nilang pagkalungkot at nang tumagal ay ang kanilang pag-iyak. Ano kaya iyon? Bakit kaya na parang ganun na lang kung ituring ni Cheney ang bunsu-bunsuan kong kapatid?
Nakita ako ni Joseph at tumabi sa akin. Niyaya niya akong kumain sabay sina Nikol at Jayson. Nasa loob ng canteen silang dalawa samantalang hinahanap pala ako nito. Pumayag ako at sabay punta kina Cheney at Lei para yayain silang kumain.
"Hey, looks like you are both emotional ah?! Teka nga at ako naman ang pagbigyan ninyo ng favor, kain na tayo sa canteen, guys!!" Paanyaya ko habang pinupunasan nilang dalawa ang kanilang mga mukha.
Tumayo kami at pumunta sabay-sabay sa canteen. Lunes ng tanghali iyon noon at napakaraming taong pumupunta para kumain. Nang bungad kami ng pintuan ng canteen, nakita ko sina Jayson at Nikol. Kinamayan nila ako at sabay kalabit ko kay Cheney para malamang nakita ko sila. Sabay kaming pumunta sa kinaroroonan nina Nikol at sabay tapik sa balikat nito.
"Bro, Kamusta!! Salamat sa pag save sa amin ng upuan ah!!"
"Wala yun, bro!! Sige, order na kayo nina Cheney."
"Sige."
Niyaya ko si Cheney para umorder. Tumayo siya habang kinakalabit ko si Lei na sumama na rin ito sa amin pero mas pinili niya na umupo na lang at kausapin ang tatlo. Agad na nagtungo kaming dalawa ni Cheney sa pila at agad na may tinanong ako sa kanya.
"Ano ba pinag-usapan ninyong dalawa at parang napaiyak pa kayo?" tanong ko sa kanya.
"Ah, yung tungkol sa problem ni Lei sa family niya. Gustong-gusto niya kasing makita yung mga parents niya eh. That's why he got to cry over it pati din ako." sagot niya sa tanong ko sa kanya.
"Ah.."
Nang natapos ay sabay kaming umupo sa katabi ng mga apat naming kaibigan. Napansin ko na tumitig si Lei kay Cheney sabay ngiti nito sa kanya. Siguro dahil sa pag-oopen ng problem ni Lei sa nobya ko kaya niya nagawang batiin siya. Parang napakasaya ko noong mga panahong iyon. Kumpleto na ang pamilyang binuo namin ni Lei, Mayroon na siyang Pretty Sister sa katauhan ng GF ko ngayon.
"Oh, I forgot!! Lei, may sasabihin pala sa'yo cakie ko. Please cakie, just tell him what you ought to say." sa akin ng aking GF.
"Ah!! Baby bro, sama ka kay Big bro after class! Ano pwede ka?"
"Sure.. Big bro!! Just count me in!! "
Pumayag si Lei. Tuwang-tuwa ako. Buti na lang at ni-remind ni Cheney ang tungkol sa pag-aalok ko sana kay Lei. Tinanong ko kay Cheney kung hihintayin ko pa siya after class, sabay sabing hindi na daw dahil may kailangan pa siyang tapusin para sa school event next week.
Pagkatapos ng vacant namin, we decided to go back to our respective classes. Hinalikan ako ni Cheney sa lips and say our goodbyes to each other also. Sabay kinuha ni Lei ang mga kamay ko at niyaya niya akong pumunta na sa aming next class.
Lumipas ang tatlong oras at sa wakas ay natapos na ang klase. Nagmamadaling niyaya ako ni Lei. Wala na akong magagawa pa! Parang mas excited pa yata siya kaysa sa akin ah?! Pero, Ok lang. Habang hawak-hawak ako ni Lei ay mayroon na kung anong pagbilis ng tibok ng puso ko habang hawak-hawak niya ako. Kumakalabog. Hindi Ito first time, pero para sa kanya, ito ang kauna-unahang pagtibok ng puso ko sa taong isa sa mga napakahalaga na para sa akin. Para akong binabangungot, pero sa panaginip na ito, sana hindi na ako magising! ( could it be a sweet dream, or beautiful nightmare?) Sana kaming dalawa na lang!! Mukhang mahal ko na ata siya!!
Bigla kong naisip si Cheney kaya ang panaginip na pinapangarap ko ay biglang nawala. I should have to set up in my mind that I should love one and I think, my heart belongs to Cheney. Siya lang ang mahal ko!
"Kuya, punta ka dito, bilis!! I want you to taste this, anyway, my treat!! Kuha ka na ng isa!!" Sabi ni Lei habang nagtutusok ng fishball.
Kumuha ako ng limang piraso at agad sinawsaw sa matamis na maanghang sawsawan. Ginaya ako ni Lei. Sumawsaw din siya sa sinawsawan ko at agad niyang isinubo ang fishball.
"Oh.. Shit!! Ang init!! Whew!!" sabi ni Lei habang iniisa-isang pinapasok ang mainit na fishball sa mga bibig nito.
"Be careful, Baby bro!!"
Agad na kumuha ako ng panyo sa bulsa ko sabay punas sa mga bibig nito. Napahinto siya sa pagkain niya ng fishball at pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.
"After eating this, alis na tayo ah!!" Pakiusap ko kay Lei habang pinupunasan ko ang mga bibig nito.
Ako naman ang nanglibre ng palamig sa kanya. Ibinigay ko ang isa sa kanya at kinuha ko rin ang sa akin. Ti-noss niya ang baso ko sa baso niya sabay tawa ng malakas!!
"Halika na!!" anyaya ko sa kanya.
Nagtawag ako ng jeep at una kong pinasakay si Lei tapos sumunod ako. Sa isang loob jeep, pinagtitinginan kami ng isang grupo ng estudyanteng babae na feeling ko ay sa private school nag-aaral. Ngumiti sila sa amin, sabay sabi ng isang babae na kinagulat ng mga kasama niya.
"Ui.. Ang gwapo naman nilang dalawa, ah basta!! Akin yung mukhang amerikanong hilaw na nakasalamin ah!!" pahangang sambit ng babaeng nakatabi namin sa jeep.
"Hahaha.. Mas gwapo kaya yung kasama niya!! Yung isa chinito na, maputi pa at maganda pa ang katawan!! Hindi tulad sa iyo, gwapo nga, patpatin naman!! Hahaha.." Patawang sigaw ng isang babaeng kasama nila.
Agad na ngumisi ako sa sinabi ng isa sa mga nakasakay namin sa jeep. Habang ngumingisi, agad na sinikuhan ako ni Lei sa tagiliran ng tiyan ko dahilan para umubo ako ng di-oras. Pagkatapos ay dumila sa akin na akala mo talaga ay nangangasar. Lumipas ang 30 minuto na nasa loob ng jeep kami. Tinititigan pa rin kami ng isang grupo ng estudyanteng babae, pero hindi na namin sila kinikibo. Kinuha ko ang CP ko sa bag at tinignan kung me nagtext sa akin, pero wala talaga.
Mukhang inaantok na si Lei. Naghikab ito sa harapan ko sabay ngiti sa akin. Ang cute niyang tignan, Grabeh! Para siyang baby na humihikab. Inilagay niya ang ulo niya sa balikat ko para sumaglit ng idlip.
"Tignan mo oh!! Ang cute nila! Para silang magbestfriend!! Ang sweet!!" sabi ng isa sa mga kagrupo ng estudyanteng babae.
"Oo nga! Sana, makahanap ako ng katulad nila! Grabeh! Ang gwapo-gwapo nila! Para silang artista!" Paggagatong ng isa sa mga kasama nito.
Kinuha ko sa bag ko ang mp3 sabay kuha na rin ng earphone sa bulsa ng bag ko. Isinaksak ko ang mp3 ko sa earphone at inilagay ang isa sa tenga ko sa kaliwa, samantala, inilagay ko naman yung isa sa kanan ng tenga niya. Pinatugtog ko ang isa sa mga favorite song ko sa mp3 na puro Westlife.
"Please, kindly minimize the volume." pakiusap ni Lei sa akin.
Agad kong hininaan ang volume ng mp3 ko. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang labas ng jeep. Nasa tapat na pala kami ng Pritil Market. Grabeh ang traffic dito. Hanggang sa sumapit ang alas 4:00 ng hapon nang nakita ko ang bukana ng Pacheco St.
"Manong, para na lang po sa tabi!!" sigaw ko sa driver ng jeep para tumigil.
"Ui, bababa na sila, bye mga pogi!!" Sigaw ng grupo ng mga kababaihan sa amin habang bumababa.
Sakto at nakababa na kami. Pinasakay ko si Lei sa pedicab pero ayaw niya.
"No, Big Bro!! Hindi ako sasakay diyan!! Much better if we will walk together towards to your house. Maganda pa iyon!!" Sabi ni Lei akin habang ako naman ay nag-iisip kung susuportahan ko siya sa sinabi niya sa akin o Hindi.
"Sige, halika na.." aya ko kay Lei.
"Wait kuya, I have something for you.."
Pinahinto muna niya akong maglakad. Agad na kinuha niya ang bag niya sa likod. Itinaas niya ang kaliwang binti niya at doon pinatong ang bag. Dali-daling binuksan niya ito at nang nakita, agad niya Ito ay kinuha niya sabay pinapikit niya ako.
"Tah-dan!! Snickers!! Want some?!"
May snickers din siya!! Nagulat ako dahil iyon ay pinaka paborito naming chocolate bar ni Patrick. Iniabot niya sa akin ang snickers at inihati ko naman iyon sa gitna. ibinigay ko yung isa sa kanya. Sabay namin iyon kinain.
Itutuloy..
0 comments:
Post a Comment