Chapter 5: Ang Kuya Kung Crush ng Bayan

Sunday, November 14, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------------------------


“Shittttt! Bakit ba ako nagkakaganito!” Sigaw ko sa sarili sa hindi maipaliwanag na matinding lungkot at bahid na selos. Ewan ko ba, di ko talaga lubos na maintindihan ang naramdaman. Nalilito, nagagalit na naaawa sa sarili… ewan. At maraming katanungan ang bumabagabag sa isip, “Bakit ako nalulungkot na hindi ko nakasama sa pagtulog si Kuya Rom? Bakit ako nagseselos na kasama niya ang girlfriend niya? Bakit ko siya hinahanap-hanap? Bakit siya ang laman ng isip ko sa mga oras na iyon?”

At dahil sa sobrang lungkot na naramdaman, itinakip ko na lang ang kumot sa buo kong katawan upang di mahalata ang pag-iiyak ko.

“Hoy, Jason! Anong ginagawa mo d’yan!” Nagulat na lang ako noong sabay sa tanong na iyon, may tumampal sa may bandang tiyan ko. 

Dali-dali ngunit hindi ipinahalata na ipinahid ko ang kumot sa mga luha ko at nagkunyaring nagising sa pambulabog na iyon. “Arrggggh! Natutulog ang tao eh!” protesta ko at hinawi na ang kumot na nakatakip sa may ulo. Noong tiningnan ko kung sino iyon, mukha ni Paul Jake ang nakita ko, nakaupo sa tabi ko at binitiwan ang isang ngiting nakakaloko.

Si Paul Jake ay kasama namin sa team. Isa din siya sa pinakamagaling na spiker na hinahangaan ko sa team. Syempre matangkad sa height niyang 5’10. In fairness guwapo rin si Paul Jake bagamat medyo maitim ang balat nito ngunit makinis naman, lalo na ang mukha. Makapal at kulot ang buhok, may moustache pero inaahit, matangus ang ilong at ang mga mata ay mistulang nangungusap kapag tinitingnan ka. At malakas ang appeal. Iyon bang lalaking-lalaki kapag maglakad, pomorma, magsalita, at kumilos. Sa boses pa lang masasabi mong confident na confident sya sa sarili. Barako, astig. At dahil ako nga ang bunso at pinakamaliit sa team “Kuya” din ang tawag ko sa kanya.

Read more...

Sensya Na Bro... Ako Ang Secret Admirer Mo

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

---------------------------------------------------------


Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Francis, 17 years old at nasa second year college. Apat kaming magkabarkada sa school – ako, si Jojo, si Larrie at Wency. Nineteen years old na silang tatlo at nasa third year college. Dahil na rin sa pareho kaming meyembro ng college volleyball varsity team kaya kami naging close sa isat-isa. Si Larry at Wency ay may mga kanya-kanya ng girlfriends ngunit ako at si Jojo ay wala pa.

Ok naman ang samahan namin except kay Jojo na talagang nayayabangan kami. Nanjan yung ipagyayabang na ang ganda-ganda raw ng girlfriend nya, wala namang maipakita kahit picture. Ipinagyayabang din nya na naging girlfriend nya yung muse na pantasya ng bayan at kung sinu-sino pang mga magaganda sa campus. Kahit iyong chick na nakasama lang nya sa sasakyan ay ipinagyayabang na na may crush daw ito sa kanya.

Ganyan ka ilusyonado at bilib sa sarili si Jojo. Hindi naman talaga sya kagawapuhan pero in fairness, masculine na masculine ang dating at kahit maitim ang balat, makinis naman ang mukha. At hindi lang yan, may magandang mga lips na match naman sa mapuputing ngipin na pansinin ang symmetry kahit hindi pantay. Kapag ngumiti ito ay nakakabighani.

Read more...

Chapter 2: In Love With Brando

By: JoshX

 
Akala ko ay umaga na nang magising ako sa pagkakatulog. Pero mali pala ako dahil pagkamulat ko ay bukas pa ang ilaw sa aking kuwarto at wala pa ang karaniwang dampi ng papasikat na araw sa aking mukha na lampasan sa bintana na may kurtinang kulay asul. Isa pa ay nanakit ang aking ulo at ilang parte ng aking katawan. Saka biglang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari, ang naging ekwentro ko kina Jimson, Collin at Bino. Paano ako nakarating dito sa aking silid? Hindi na rin ako naka-uniporme. Sa mesita sa isang tabi nakapatong ang damit kong may mantsa ng dugo na hinubad ng kung sinomang nagdala sa akin dito at isang maliit na palanggana lulan ang isang ice bag.
  
Sa kuwadraduhing alarm clock na nakapatong sa side table ko nalaman na maghahating-gabi na pala. Katabi nito ang isang maliit na pasong kulay brown na natatamnan ng isang uri ng cactus mahigit sa limang pulgada ang taas. Kung hindi lang ito kulay green at walang mga tinik para itong isang jumbo hotdog na nakatusok sa paso. Nang tingnan ko ng malapitan ay may nakataling card sa paso, “Para sa’yo Utoy. From: Kuya Brando.”
  
Doon ko pa lang napansin na may kasama pala ako sa aking silid. Si Kuya Brando, nakatalikod sa akin at nakaharap sa kabilang bintana at halos pabulong sa kausap sa kaniyang cell phone para hindi ako magising. Nakasuot ng yellow na semifit na polo shirt at straight cut na pantalong maong na kulay itim. Lalo siyang pumuti sa kulay ng shirt niya.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP