Ang "King" At Ang Kanyang Alarm
Friday, November 12, 2010
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
------------------------------------------
Alas 10 ng umaga, June 9, 2010 noong umalis ang sasakyan naming bus galing North Terminal ng Cebu. Walang mapagsidlan ang saya at excitement ko sa biyaheng iyon. Hindi lang dahil unang pagkakataon ko pa lang na makapuntang Bacolod City, ang siyudad na tinatagurian nilang City of Smiles ngunit higit sa lahat, iyon ang pagkakataon sa isang taong pag-aabroad ko ang makita ang isa sa pinakamalapit na tao sa puso ko – si Dennis.
Si Dennis ay taga Bacolod. Nagkrus ang aming landas sa Manila noong mapadpad siya doon gawa ng paghahanap ng trabaho. Taong 2007 iyon.
Actually, hindi ako dapat pumunta pa ng Bacolod dahil sa kapag ganoong bakasyon ko kasi, si Dennis palagi ang pumupunta sa Leyte upang magkita at magsama kami. Subalit, may trabaho na siya at under probation pa. Ayaw daw niyang mabahiran ng pag-aabsent ang kanyang record dahil pinangarap niyang maging regular sa tinatrabahuhan. Kaya napagpasyahan namin na ako na ang pumunta ng Bacolod. “Ako ang bahala sa inyo kapag pumunta kayo ng Bacolod babes!” paniniguro niya.
Ang totoo, bago ko pa nakilala si Dennis, may tatlong taon ding nabakante ang puso ko buhat nang maghiwalay kami noong huli kong nakarelasyon. Puro lang kasi paglalaro at panloloko ang ginawa niya. Parang napagod din ang puso ko. Bagamat nawalan na ako ng pag-asa dahil nasa edad 43 na ako noon eh, ngunit pinangarap ko pa ring magkaroon ng isang taong tunay na magmahal sa akin, na siyang makapagbigay ng inspirasyon at kalinga. Lahat naman siguro tayo nangangarap ng ganoon, eh.
April – May, 2007, bakasyon ko. Nasa probinsya pa ako noon ngunit malapit nang lumuwas ng Maynila dahil sa nalalapit na pagbalik ko na naman ng Saudi. Naisipan ng mga pamangkin ko na magpahula gamit ang baraha. Natawa ako dahil alam ko naman na ang mga hula ay kadalasang sumasablay at kung may tumama man, ito ay purely coincidence lang. Ngunit may hula sa akin na hindi ko inaasahan, “Mike, may isang ‘King’ ka…”
Hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niyang iyon. Nagkatinginan kaming bigla ni Josh, ang anak kong 15 years old. Ang iniisip ko naman kasi ay kaibigan. Ngunit marami naman din akong kaibigan kaya nalito ako kung bakit na-single out ang King na iyon. “Ano uli? Marami naman akong kaibigang lalaki eh. Normal lang siguro iyang lalabas ang King.” Ang sabi ko.
“Hindi, iba ito. Siya ay isang protector mo.”
“Ah…” ang nasambit ko. Ngunit ang sumagi sa isip ko na maaring iyon ay ang itay na may ilang taon na ring pumanaw o kung hindi man siya, ay ang patron saint kong si Saint Jude. Kahit din kasi ganito ako, spiritual din akong tao. Kaya tinanong ko siya uli, “Ito bang ‘King’ na ito ay spiritual o physical?” inaasahang mag-isip pa siya, maghanap kumbaga ng lusot kung paano paninidigan ang sinabi sa akin.
Ngunit diretsahan niyang sinabi ito, “Hindi. Tao siya, sa kanya ka humuhugot nga lakas at inspirasyon.”
Gusto kong humalakhak sa pagkaaliw sa narinig dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam kung may lakas at inspirasyon pa ba ako e. Bored-to-death na nga ako. Wala akong lovelife, wala akong kaibigang lalaki na nag stand out talaga na masasabi kong hinuhugutan ko ng lakas. “Sablay na naman!” ang nasabi ko na lang sa hula niya sabay iling at bitiw ng palihim na ngiti.
Ngunit gusto ko mang iwaglit sa isip ang sinabing iyon ng manghuhula palagi naman itong sumasagi sa isip ko to the point na pati ang anak kong si Josh, ay kinukulit ko na . “Kuya…” (Kuya ang tawag ko sa kanya) “…hindi kaya ikaw ang ‘King’ na sinabi ng manghuhula?”
Ngunit tinatawanan lang ako ng anak ko, “Paano ako maging king eh, di ba dapat prince ako?”
Tama nga naman siya.
Mayo 18, 2007. Hindi ko malimutan ang petsang ito. Nasa Manila na ako at isang linggo na lang ang natira sa bakasyon. Nakapagbitiw ako ng salita sa anak ko noong manghingi ito sa akin na gusto niyang tumikim ng babae. Pinagbigyan ko siya sa gabing iyon. Noong dumating na ang babae sa hotel, syempre, umalis ako, iniwanan silang dalawa sa kuwarto. At sa paglabas ko ng hotel, doon na nag-krus ang landas namin ni Dennis. (Para sa buong kuwento kung paano kami nagkakilala, pakibasa sa sa blog ko “When Josh Learned of My Secret” at ang “Dennis”).
Iyon ang simula na officially naging mag-“on” kami. At marami-rami ring mga malalalim at mga intimate na mga pinagdaanan at pinagsamahan namin ni Dennis na tumagal ng mahigit tatlong taon. Kilala siya sa at close sa mga kapatid ko, sa mga pamangkin, sa lahat ng myembro ng pamilya ko. Higit sa lahat, close sila ng anak kong si Josh. Nagba-bonding sila, laro ng basketball, punta ng beach, gala... Doon ko napag-isip-isip na baka siya nga ang tinutukoy sa manghuhulang “King” ng buhay ko.
Habang binaybay ng bus ang highway patungong Toledo City (dulo ng Cebu island), sumiksik sa isipan ko ang pianagdadaanan din ni Dennis sa highway na iyon. Dalawang sunod-sunod na taon kasi bago iyon, siya ang nagbibiyahe papunta sa lugar ko kapag nagbabakasyon ako sa hometown ko sa Leyte.
At sa biyahe kong iyon ko narealize kung gaano pala katindi ang pinagdaanan niyang sakripisyo upang makapunta lang sa probinsiya ko – upang magsama kami sa maiksing panahon ng aking bakasyon. Sasakay siya ng bus sa Bacolod papuntang San Carlos City. Sa San Carlos City, sasakay naman siya ng Ferry Boat upang makatawid papuntang Toledo City. Sa Toledo City, sasakay uli siya ng bus papuntang Cebu City. At sa Cebu City, sasakay siya ng barko papuntang Leyte, at doon, sasakay uli ng bus papunta sa lungsod namin. Ang buong biyahe ay tatagal ng may 16 – 20 oras. Kung ikumpara ang biyahe ko galing Manila papuntang Saudi, una pa akong makarating sa destinasyon ko kaysa sa kanya. Kaya kapag sa bakasyon ko ay inaaway ko siya at sinasabihang di naman niya talaga ako mahal, ang isasagot niya lagi ay, “Tado! Pupunta ba ako dito at tatawirin ang dalawang dagat para lang makita ka?”
Syempre, feeling haba-ng-hair ako although sa panahong iyon, hindi ko pa masyadong naapreciate ang paghihirap niya sa pagbiyahe. “Shittt! Ganito pala ang tindi na dinaanan niya sa biyahe!” sigaw ng isip ko. Mahirap pala talaga. Masakit sa katawan, nakakabagot, pakiramdam ko ay napakabagal ng oras, palipat-lipat ng masasakyan, gusto kong matulog ngunit di ako makatulog dahil sa hirap ng puwesto. Basta... sobrang perwisyo.
Anyway, pagkatapus naming matawid ang San Carlos City ng Negros island, umarangkada na naman ang bus at binaybay ang matirik at makitid na highway patungong Bacolod City. Halos apat na oras din ang biyahe na iyon. Habang palapit nang palapit na ang bus sa siyudad, di na ako magkamayaw sa naramdamang excitement, nagtatanong kung ano na kaya ang hitsura niya, ganoon pa rin ba siya, wala bang nagbabago...
Naalala ko may tatlong linggo bago ako magdesisyon na lumuwas patungong Bacolod, hindi ko na siya makontak pa. Ewan kung ano ang tunay na dahilan. Ang buong akala ko ay tapos na ang lahat sa amin. On-and-off din kasi ang relasyon namin. Maraming beses na sa mga maliliit na bagay ay hindi magkasundo, mag-aaway agad, at hindi na magt-textan. Pero magkabalikan naman agad, hindi aabot ng ilang araw ay magtitext ulit iyan sa akin.
Ngunit parang feeling ko ay iba ang hindi na niya pag-contact sa akin sa sandaling iyon. Kinutuban ako dahil noong tinawagan ko ang number, hindi ko na makontak ito. Maraming beses na rin kasing palipat-lipat siya ng numero. At ang dahilan, may mga makukulit na nagti-text. Naniwala naman ako. Dahil sa angking tangkad at tindi ng appeal niya, di maiwasang marami talaga ang hahanga at ma-in love. Eh, magaling na basketball player pa, at kung saan-saan naglalaro. Ang masaklap pa, may ugali siyang kapag alam niyang may gusto sa kanya ang babae at type din niya ito, hindi puwedeng palampasin niya ang pagkakataon na walang mangyayari. Para sa kanya, laro-laro lang naman ito. Kumbaga, parang basketball lang na pagkatapos i-enjoy, pwede nang kalimutan. Kaya, kapag ganoon ba naman ang ugali ng tao at mage-expect ang babae ng string attachment, syempre, katakot-takot na panggagalaiti ang aabutin niya kapag na-frustrate ang babae. Kaya siya palit nang palit ng numero. Ngunit kapag nagpalit naman siya, tinitext niya kaagad ako. “Babes, heto ang number ko”. Kahit papaano, happy na rin akong isa ako sa mga priority niyang i-contact.
Kaya sa pagkakataong iyon na di na siya kumuntak, doon ako kinabahan kasi mahigit ding isang linggo iyon. Akala ko nga, iyon na ang huli namin eh. Ngunit nag text din naman pagkatapos. Ang siste, naukit sa isip ko ang dahilang binanggit niya kung bakit daw siya nagpalit ng numero – gusto na raw niya akong kalimutan.
“Wow? Ako pa talaga ang dahilan!” Sigaw ko sa sarili.
Pero hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niyang iyon. May dulot na sakit din kasi ito na hindi ko lubos maintindihan. Marahil ay may explanation siya kung totoo mang ako ang dahilan ng pagpalit niya ng numero. Ngunit hindi ko na inalam pa. Pakiramdam ko kasi masakit sa akin ang kung ano mang explanations mayroon siya. Bagamat pinag-usapan na namin na kahit ilang babae pa ang ma-involve sa kanya, o kahit maisipan na niyang mag settle down sa iisang babae, ok lang sa akin kasi alam ko na isang araw ay magdesisyon talaga siyang mag-embark sa isang journey patungo sa kanyang pangarap na magkaroon ng pamilya at mga anak. At sigurado ako na malapit na iyon dahil 27 na siya eh. At sinabi ko rin sa kanya nang diretsahan na ayaw kong maging hadlang sa pangarap niyang iyan. Masakit man para sa akin pero ipinangako kong magparaya pa rin ako dahil alam ko na ang isang kagaya ko o ang kagaya ng relasyong kinasasangkutan namin ay hindi kailanman magiging panghabambuhay, lalo na sa side niya na sa simula pa lang ay klaro na na hindi ako ang hinahanap niyang maging katuwang sa buhay na pinapangarap niya.... Masakit pero iyan ang katotohanan. At wala akong choice kundi ang tanggapin ito ng maluwag sa kalooban. At least, ang kunsuwelo ko na lang ay kahit sa maikling panahon, naranasan ko rin ang magmahal, ang maging masaya, ang mahalin ng isang katulad ni Dennis…
At sa panahong iyon, ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na wala siyang girlfriend at ni wala nga daw siyang sex life. “Imagine? Di ako makapaniwalang tumagal ng ganitong wala akong naka-sex man lang?” pagmamayabang niya.
Syempre, tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. “Si Dennis?????” Sa isip ko lang. At ang naisagot ko na lang sa kanya ay, “Magpakatotoo ka kasi…” Minsan, iyan din ang dahilan ng munting away namin.
Naalala ko pa nga isang beses, matindi ang away namin at napagdesisyon naming wala na, tapos na ang lahat. Noong mag-open ako ng YM, naka online siya at nag message, “Musta?”
“OK lang… Ba’t ka nagme-message sakin?”
“Wala lang. Sana ganoon pa rin tayo.”
“Tado!”
“Oo nga. Ayoko sanang mawalay sa iyo. Kung hindi man bilang karelasyon, at least kaibigan…”
“Neknek mo!” ang sagot ko.
Ewan ko kung ma-blame ko rin si Dennis sa ugali niya. Pero ang sigurado ako, may soft spot ang pagkatao niya. Na-obserbahan ko ito lalo na kapag nalasing siya at kaming dalawa lang ang nakahiga sa kwarto. Maglalambing iyan na para bang isang paslit. Magkukuwento, magdadabog na tila nagdadramang umiiyak kunyari na di mo maintindihan habang yumayakap sa akin. “Kaw kasi… inaway mo ako kanina, sinumangutan mo ko.” O kaya’y, “Bakit mo kasi ako inwan kanina sa basketbolan, naiinis tuloy ako sa iyo eh!” Iyan ang napansin ko sa kanya. Kaya nasabi kong mayroong parte si Dennis na marahil ay tugma sa patagong relasyon namin.
Anyway, dahil sa pag text niyang muli sa akin ay natuloy din ang biyaheng iyoon, kasama ang dalawa kong mga pamangkin (ang anak kong si Josh ay hindi nakasama dahil sa klase at inatake ang lolo niya at na-ospital).
Pagdating na pagdating namin sa Bacolod, dumeretso kagad kami sa fastfood chain kung saan siya nagtatrabaho. Noong nasa loob na kami ng kainan, magkahalong excitement, pananabik at pag-aalinlanganang nadarama ko. Hindi ko na kasi alam kung siya pa rin ba ang “Dennis” na kilala ko o kung kasing-init pa rin ba ng dati ang ipapakita niyang pagtanggap sa akin.
Ngunit walang Dennis akong nakita sa loob ng kainan na iyon. Naghanap muna kami ng mauupuan sa isang kanto at inilatag ang dala-dala pa rin naming mga bagahe. Pina-order ko ng makakain ang mga pamangkin ko habang naupo ako sa silya nagtitext, “Nandito na kami! Nasaan ka na?”
Walang sumagot. Kinakabahan na ako. Tumawag ako sa linya niya ngunit wala na namang contact. Grabe, sobrang natakot na ako. Bumalik na sa mesa namin ang mga pamangkin ko dala-dala ang number ng order namin at inilatag iyon sa mesa. “Nakita ninyo si Dennis doon sa counter?” ang tanong ko kaagad
“Wala Tiyo eh.” Sagot ni Norman, bakat sa mga mata ang pagod sa biyahe.
Habang umihi ang dalawa kong mga pamankin, naiwan akong mag-isa. Naghintay ako ng sagot mula kay Dennis. Iniikot-ikot ko ang mga mata sa mga crews sa loob ng kainan. Wala akong nakita. Text uli ako. Walang sagot. Pakiramdam ko natuturete na ang aking utak, lalo na na mag-aalas otso na iyon ng gabi.
Nasa ganoon akong pagtitext at nakayuko noong inihatid na ang order namin. Tahimik na inilatag ito ng crew sa mesa. Noong inangat ko ang paningin, bigla namang naglulundag ang puso ko. Si Dennis!
“Good evening Sir! Anything I can do for you?” sambit niya nanatiling nakatayo, nakatingin sa akin, pansin sa mga mata ang sobrang excitement. Binitiwan niya ang nakakalokong ngiti habang kitang-kita ko ang pagbakat ng mga dimples niya sa kanyang pisngi.
“Shiitttt!” Sigaw ng utak ko. “Ang pogi talaga ng babes ko!” Naka-suot unipormeng striped na polo na tinakpan ng jacket na itim, slacks na itim. At ang ningning ng mga mata niya ay mistulang tuwang-tuwa na nakita ako. Ngunit syempre, hindi ko ipinahalata ang kasabikan ko. Andami kayang mga tao at may mga kasama pa siyang mga katrabaho. At alam ko namang hindi kami pwedeng maglantad sa ganoong klaseng pampublikong lugar. Ayaw ni Dennis ng ganoon.
“Kanina pa kayo?” tanong niya, nanatiling nakangiti pa rin.
“Noong mag-text ako sa iyo…”
“Ah... O sige, kain muna kayo at tatapusin ko lang ang ginagawa ko. Pagkatapos, ihahatid ko na kayo sa hotel ninyo.”
“O sige...” sagot ko.
At tumalikod siya, habang pabirong tinampal ang puwetan ng isa kong pamangkin na kararating lang galing umihi, sabay lingon uli sa akin at binitiwan ang isang makahulugang kindat at pilyong ngiti.
Syempre, heaven ang pakiramdam. Gusto ko man siyang dakmain kaagad, hindi ko magawa. “Mamaya ka lang...” ang sigaw ng utak kong naalipin ng pangigigil at kalibugan.
At kinagabihan nga, umaatikabong bakbakan ang nangyari...
Happy ako sa buong magdamag na iyon. Walang pagsidlan ang sobrang sarap na nadarama at ang saya na makapiling ang mahal sa buhay. Ang buong akala ko ay tuloy-tuloy na iyon.
Kinaumagahan, day off niya. Ngunit nagpaalam sa akin na umuwi muna at magpa check attendance daw sa bahay. Ang nanay niya daw kasi ay minsan hindi nawawala ang pag-alala at kapag nagalit ito ay parang machine gun ang bibig.
“Ok… sagot ko”
After lunch nagtext siya sa akin. “Babes, samahan mo ako doon sa motorsiklong huhulog-hulogan ko”
Sumang-ayon naman ako. May usapan kasi kaming bibigyan ko siya ng pangdown payment sa pinangarap niyang motorsiklo. Bale kapag may down payment na siya, siya na ang magbayad nito sa buwan-buwan na installments.
Actually, kung pera ang pag-uusapan, masasabi kong hindi iyon malaking issue sa relasyon namin ni Dennis. Kasi, hindi iyan basta-basta humihingi ng kung anu-ano sa akin. Ni load na pantext nga, hindi nanghihingi iyan. At kapag humiling iyan sa akin, iyong mga importanteng bagay talaga na may value sa kanya o sa relasyon namin. Ang una kong naibigay sa kanya ay cellphone na hanggang ngayon ay nand’yan pa rin, laging ipinagmamalaki niya kapag nagkikita kami. Tapos, dahil basketball player siya, humiling siya ng sapatos at binigyan ko isang beses lang at hindi na nasundan pa. Noong mamasyal kami sa isang mall sa Manila, humiling siya sa akin ng isang thumb ring, ala-ala daw niya sa akin na actually, isang mumurahing stainless lang naman. Ngunit dahil sa naawa naman ako na mumurahin lang ang suot-suot niya, pinalitan ko iyon ng white gold noong makabalik ako ng Saudi. Sobrang saya naman niya dahil noon lang daw siya nakapagsuot ng tunay na gold. Sa pera naman, nakapagpadala ako sa kanya isang beses sa birthday niya na hindi na nasunsdan pa, noong magkasakit siya, at noong mag-apply siya sa work nitong huli. Iyon lang ang natatandaan ko. At hindi tataas sa 4K ang ipinapadala ko doon sa mga nabanggit kong padala sa kanya.
“Hirap kasing mag-commute araw-araw babes. At kailangan ko talaga sa work itong motor” paliwanang niya.
Tama naman. Kaya sumang-ayon kaagd ako sa hiling niya. Atsaka, kapag nasa relasyon ka naman kasi, at gayong mahal mo ang humihiling na para sa akin ay reasonable naman, kailangan mo ring mag share. Basta huwag lang iyong abuso na o kumbaga luho na ang mga hinihiling o kung anu-ano na lang. Ano lang ba iyong hinihingi niya kumpara sa blessings na natatanggap ko. Kung sa bakasyon na iyon ay nakapagpalabas ako ng mahigit 30K na donations sa iba’t-ibang outreach projects sa school kung saan ako involved dati, ipagkait ko pa ba sa kanya ang gusto niya? “Kaya, go!” sabi ko sa sarili.
Nandoon ako habang pinipili niya ang motorsiklong gusto niya. May kamahalan din iyon ngunit sabi niya ay mas matibay daw, at mas malaki dahil malaki din naman siyang tao. At dahil sa hulugan ang scheme, i-background check pa siya, CI ba ang tawag doon?
Anyway, 5K lang ang down payment but payable in 3 years ang scheme. Pero binigyan ko siya ng 10K. Masayang-masaya ang honghang.
Inihatid niya uli ako sa hotel at siya naman ay uuwi daw ng bahay, nagpaalam na baka gagabihin na siya sa pagbalik sa akin dahil may laro pa sila. Pumayag ako, buhay niya kasi ang basketball, although sa likod ng isip ko, may katanungan ding namuo na tatlong araw lang kami sa Bacolod at iyang basketball ay pwede namang ipagpaliban upang kahit papaano ay sulit ang pagsama niya sa amin at puwede pa niya kaming iikot sa mga lugar nila na sa palagay niya ay puwedeng maipagmamalaki…
Ngunit, nanaig pa rin sa akin ang pag-intindi sa kanya.
Alas 6 ng gabi nag text siya, “Babes, nag-inum pa kami ng mga barkada ko ha? Nanalo kasi ang team namin kaya di ako maka-ayaw…”
Syempre, may kaunting tampo akong naramdaman sa pagkabasa sa text niyang iyon. “Bakit naman kasi… basta uwi ka dito ah!” ang sagot ko.
“Oo babes, d’yan ako kakain at matulog.”
Kaya dahil sa naawa na rin ako sa mga pamangkin kong walang ibang ginawa kungdi ang magkulong sa kuwarto at manood ng TV, niyaya ko na lang silang maglakad-lakad kami. “Puntahan natin ang SM na walking distance lang daw dito!” mungkahi ko sa kanila.
So, lumabas kami, at nakarating naman kami sa SM. Umikot kami at noong makita namin ang sinehan, nanood kami. “Shreik” ang palabas, 3-D pa. Shit, 4 lang yata kaming lahat sa loob ng sinehan at di pa pumasok sa kukote ko ang pinapanood.
Nag text uli si Dennis. “Babes, lasing na ako. Di na ako makapunta d’yan”
At doon na pumutok ng todo ang galit at sama ng loob ko na parang ang nag-aalborotong Mt Kanlaon ng Negros. Inaway ko talaga siya at tinanong kung bakit kailangang unahin niya ang mga barkada niyang nakakasama naman niya sa araw-araw kaysa akin na tatlong araw lang doon at baka nga ay hindi na makakabalik pa uli sa lugar nila; na kung ganyan ba ang klase ng pag-alaga niya sa kanyang mga bisita na puwede naman sana niyang mag-pass muna sa inuman dahil may mga bisita siyang taga-ibang lugar…
Ngunit hindi siya natinag. Kaya lahat ng maaanghang na salita ay ipinalabas ko. Sinabihan ko siyang manloloko, mandurugas… at na sana ay ang 10K na nakuha niya sa akin ay hindi magdulot ng malas at kapahamakan sa kanya dahil ibinigay iyon sa kanya na masama ang loob ng nagbigay.
Alam ko, masama ang mga sinasabi ko. Pero di ko na napigilan ang sarili dahil sa matinding galit. Iyon bang feeling na tinatraydor ka, tinatapak-tapakan ang iyong pagkatao, ginawa kang tanga, sa tao pa namang inisip mong may respeto at pagmamahal.
Ngunit todo-depensa pa rin siya sa sarili niya. Kesyo daw, ang iniisip ko ay ang sarili ko lang at hindi ko inintinde ang kalagayan niya, na ang sagot ko naman ay “Syempre kami ang intindihin mo dahil mga bisita mo kami!” Kesyo daw naiintindihan naman siya ng mga pamangkin ko na ang sagot ko uli ay, “Maintindihan ka pa kaya nila kung sasabihin kong binigyan kita ng 10K pang down payment sa tanginang motor mo?”
At ang pinakahuling text niya ay ang paghamon sa akin na puntahan siya sa bahay nila. “Pinapapunta ka dito ngayon na!”
Ngunit hindi ko rin kinagat. Hindi ko rin kasi alam kung sinabi lang niya iyon upang i bluff ako dahil alam niyang nahihiya akong magpakita sa family niya. At isa pa, nawalan na rin ng battery ang cp ko sa loob pa ng sinehan na nasa kasagsagan ng palabas. Kaya di na ako nagpursige pa.
Sa gabing iyon, natulog akong mag-isa sa kwartong nakareserba para sa aming dalawa. Ah grabe, parang sasabog ang dibdib ko sa matinding sama ng loob at pagkadismaya.
Alas 8 ng umaga kinabukasan nagtext siya, “Mowning” na para bang wala lang nangyari, na normal lang ang lahat at sarap na sarap ang tulog niya sa nagdaang gabi.
Hindi ko na sinagot pa. Kasi alam kong nasa work na siya at para ano pa.
Kaya, buong araw na doon lang kaming magtiyo umiikot sa paligd ng hotel, sa market, at balik ng kwarto upang nanonood ng TV. Nagbibiruan na nga lang kami, “Parang walang TV sa atin na pupunta pa tayo ng Bacolod upang manood ng TV?”
Mag aalas 7 ng gabi, tila naawa na rin ako sa mga pamangkin ko dahil alam ko, gusto nilang mag-enjoy. Huling gabi na kasi namin iyon sa Bacolod eh. Naramdaman ko rin kasing parang sa tatlong araw namin doon, wala kaming ginawa kundi ang matulog, manood ng TV, umikot-ikot sa paligid ng hotel, sa SM at mag-iinum. Kaya tinext ko na uli si Dennis. “Pinapunta ka dito ni Norman at Loloy!”
“Pagkatapus mo akong pagalitan?” sagot niya.
“Di huwag. Wala namang kinalaman ang dalawa sa galit ko sa iyo eh. Kung idamay mo sila, bahala ka, gagala kaming tatlo na walang guide na taga-rito.”
Siguro nakonsyensiya, bumigay din. Mag-aalas onse ng gabi noong dumating siya sa videoke bar kung saan niya kami unang dinala. Doon daw siya matutulog sa akin. Kahit masama pa rin ang loob ko, bumigay din ako. Pagkatapos namin sa videoke bar, dumaan pa kami sa isang convenience store at bumili ng maiinum at barbeque. Tinanong ko nga siya kung para saan ang beer dahil matutulog na kami, “Maaga ako bukas babes pero iinumin ko iyan, pampainit sa katawan bago pumasok bukas.”
Iyon ang sabi niya. Ang ini-expect ko naman sa sinabi niyang maaga siyang aalis ay mga alas 6 kasi alas 8 pa ang pasok niya sa work at hindi naman kalayuan ang bahay niya sa pagkaintindi ko.
Sa pagkakataong iyon, sumaya muli ang gabi ko. Akala ko ay tuluyan nang maghilom ang sugat na dulot ng hindi niya pagsipot sa nakaraang gabi. Ngunit nagkakamali ako. Alas tres ng madaling araw ay narinig kong nag-ring ang cp niya. Namatay ito nang sandali ngunit nag-ring uli.
Akmang kukunin ko na sana ito at tingnan kung sino ang tumawag noong nagising din siya at siya na ang umabot sa cp niya. Tiningnan niya ito at may pinindot. Nawala ang tunog.
“Sino iyon?” tanong ko.
Nakita kong ngumiti siya. “Alarm iyon…” ang sagot niya.
Naniwala naman ako at umidlip muli samantalang tumayo siy at dumeretso sa CR.
Hindi pa ako nakatulog noong laking gulat kong paglabas niya ng CR ay nakabihis na’t lahat at nagmamadaling, “Babes, uuwi na talaga ako…”
“Hah!” Ang gulat kong sagot. “Bakit alas tres???”
“Kailangan ko kasing magpahinga pa at magbihis.” Sagot niya.
“Bakit dito puwede ka namang magpahinga ah?”
“Basta, aalis na ako babes, ba-bye!” at binuksan ang pinto at umalis na hindi man lang kumiss sa akin.
Ewan pero sobrang tulala ako sa bilis ng mga pangyayari. Pakiramdam ko ay biglang nag-iisa ako sa mundo at ang kwartong pinagsamahn namin ay parang biglang nag-iba ang anyo, hindi ko na makilala ito at hindi alam kung saang lugar iyon naroon. Disoriented ang utak ko kumbaga. Parang lumayas ang espiritu ko sa katawan at naligaw akong bigla sa mundo.
Wala na akong nagawa pa. Naramdaman ko na namang gumapang sa buong pagkatao ko ang matinding galit, ang matinding pagkahabag sa sarili. “Bakit sobrang aga naman?” “Nasaan ang sinabi niyang iinumin pa ang beer bago pumasok?” “Bakit parang may kinatatakutan siya?” “Bakit ni hindi man lang siya nag-kiss sa akin bago siya umalis na siya namang palaging ginagawa niya sa ganoong sitwasyon?”
Maya-maya, “Babes, halika sa labas, magkape tayo” ang bigla ding pag text niya.
Syempre, nasa state of shock pa ang utak ko at heto na naman, nagtext na magkape kami sa labas. “Bakit sa labas pa? Ba’t ayaw mong bumalik dito?” sagot ko.
“Dito na lang babes at uuwi na ako”
“Bakit kailangan pa nating magkape! At bakit d’yan pa!” Ang galit kong pagtext sa kanya. “Balik ka dito!”
“Mas importante pa rin sa akin ang trabaho ko! Uuwi na ako!”
“E, di umuwi ka!”
“Ihatid mo ako!”
Ewan ko ba pero hindi ko na naman kinagat ang sinabi niya. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba talaga ang nasa isip niya at isa pa, inalipin ako sa sobrang galit. “At bakit naman kita ihahatid?” Ang sagot ko na lang.
“Para makita mo ang bahay namin, para makita mong wala akong itinatago!” sagot din niya.
Ngunit pinanindigan ko na lang talaga ang hindi pagsama sa kanya. “Umuwi ka na nga!”
At iyon… Umuwi siya at naiwan ako sa kwartong litong-lito at nagpupuyos sa galit at sama ng loob.
Napakadaming katanungan ang bumabagabag sa isip ko sa ipinakitang iyon ni Dennis. Una, napagisip-isip ko kung ganoon ba talaga ang turing niya kapag may bumibisita sa kanya? Parang hindi naman kasi ordinaryo ang ganoon eh. Kahit naman sino kapag may bisita, kahit nga hindi masyadong kakilala kapag binisita ka, ibibigay mo talaga ang lahat ng atensyon sa bisita mo.
At bakit hindi niya masabi-sabi sa mga barkada niya na pass muna siya dahil may bisita siya? Barkada kaya ang tunay na dahilan?
Sinabi niyang alarm daw ang tumunog sa madaling araw na iyon. Bakit naputol at nag ring uli? Bakit nagmamadali siyang magbihis at lumabas ng kwarto? Kung tawag iyon nga iyon, sino naman kaya iyon na tila takot na takot siya? At kung alarm naman, bakit sa ganoon kaaga, samantalang may plano pa siyang uminum ng beer? At bakit nagmamadali siya?
Argghh! Para akong mababaliw sa paghahanp ng mga sagot sa di ko maintindihang inasta niya. Iyon na ang araw ng flight namin papuntang Maynila ngunit ibayong pagkalito at matinding sakit ang iniwan niya sa puso ko.
Alas 8 ng umaga noong ginising ko na rin ang mga pamangkin ko sa kanilang kuwarto. Nag-usap kami at sinabi ko sa kanila ang hinanakit ko. Ang sabi ni Norman sa akin, “Tiyo, para sa akin, imposibleng walang babae si Dennis…”
Syempre, ako naman ay kumbinsido sa sinabi ni Norman. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya sinabi. Kasi dati-rati kapag may babae siya, sinasabi naman niya sa akin. Nadadagdag tuloy sa tanong ko kung babae nga ba talaga ang dahilan o lalaki… May nabanggit kasi siyang isang Sir na nag-o-organize daw ng basketball nila, at siyang tumutulong sa kanya sa pagpasok sa kasalukuyang trabaho. Ah, grabe. Parang inalog ang utak ko sa sobrang kalituhan.
Alas dos ng hapon noong pinick-up na kami sa hotel ng airport service. Hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman habang umaandar ang van na sinakyan namin patungong Silay-Bacolod Airport. Nadaanan namin ang iba’t-ibang mga outdoor videoke houses barbeque houses at bars. Meron ding mga nagmamartsang tao na nagcelebrate ng independence day. Mukha ng isang masayang lugar ang Bacolod City. Nakangiti ang mga tao, mababait… Totoo nga ang sabi nilang ang siyudad na ito ay City of Smiles.
Ngunit napabuntong hininga lang ako. Isang taong taga-doon mismo ang nakapagdulot sa akin ng ibayong sakit ng damdamin. Sobrang sakit, na halos hindi ko na alam kung paano pa ang ngumiti…
Sa airport bago kami magboard, nag text siya, “Happy Trip!”
Tila piniga na naman ang puso ko. Sobrang ironic ng mga pangyayri sa akin sa lugar na iyon. City of Smiles siyang tawagin ngunit sobrang sakit ang naranasan ko doon. At ang tao pa mismong siyang nakapagdulot sa akin ng sakit ang mismong nagsabi sa akin ng “Happy Trip”! Paano ako magiging happy sa ginawa niya? Parang gusto ko nang humiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan upang makaalis na sa lugar na iyon.
Noong makarating na kami ng Maynila, aaminin ko, pinilit ko ang sariling maglaro. Tumikim ako ng iba, at syempre, binabayaran ko. Ngunit sa kabila ng lahat, si Dennis pa rin ang laman ng utak ko.
At palagi pa rin siyang nagtitext sa akin na parang wala lang sa kanya ang lahat. At iginiit pa rin talaga niya na “alarm” lang ang nag-ring sa madaling araw na iyon. Sinasagot ko rin naman ang mga texts niya, bagkus masamang-masama pa rin ang loob ko sa kanya…
Jun 23, araw ng aking pag-alis patungong Saudi. Alas 2 iyon ng madaling araw. Kararating ko lang at ng aking kaibigan sa hotel. Galing kaming naglakwatsa. Sa aming pagkukuwentuhan, biglang naisingit ko ang madaling araw na tawag na natanggap ni Dennis na pinanindigan niyang talagang isang alarm lang. “Hindi alarm iyon… kapag alarm iyon, hindi hihinto ang tunog niyon hanggang hindi pinipindot ang cp!”
Ewan pero sa sinabi niya, nasiguro kong tawag talaga ang natanggap niya sa madaling araw na iyon. Dali-dali kong dinayal ang number ni Dennis. Nag ring ito at maya-maya ay may sumagot. At na-shock ako sa narinig. Isang babae. “Hello!” Iyon ang narinig ko. Hindi ako makasagot sa sobrang pagkamangha. Maya-maya narinig ko na naman siyang nagtanong, “Sino ba yan! An gaga-aga! Eh…” Marahil ay hinablot na sa kamay niya ang cell phone.
May narinig akong sumagot sa tanong noong babae, boses ng lalaki. At si Dennis! Ang sabi, “Alarm yan! Alarm yan!” ang boses ay halatang kagigising pa lang.
Pakiwari ko ay biglang gumuho ang buong hotel sa aking narinig. Nanumbalik sa ala-ala ko ang umagang iyon na ganoon din ang sinabi niya sa akin, “Alarm yan!”
Dinayal ko uli ang number niya at si Dennis na ang sumagot. “Sino ang babaeng iyon?” ang tanong ko kaagad.
“Wala iyon! Wala iyon!” ang sagot niya.
“Anong wala? Narinig kong nagtanong siya kung sino ang tumawag at ang sagot mo sa kanya ay ‘alarm yan! alarm yan’! Sino iyon? At bakit alarm ang binanggit mo?” Giit ko.
“Putang ina! Ang aga-aga nambubulabog ka!” sabay patay sa linya.
Hindi na ako nakakilos pa. Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ng aking katawan at gusto kong sumigaw ng pagkalakas-lakas.
Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ni Dennis noong mabuking ko ang modus niya. Pero nabuo na ang pasya ko. Tinext ko siya, “Ayoko na, give up na ako! Kaya pala hindi mo kami inaalagaan sa Bacolod ay dahil sa babae mo. Wala naman sanang problema kung sinabi mo lang sa akin eh, tanggap ko naman iyan. Bakit mo pa kailangang magsinungaling? Anyway, salamat na lang sa lahat…”
Nasa NAIA na ako sa flight kong pabalik ng Saudi noong matanggap ko ang reply niya. “OK…”
Grabe. Isang “Ok” lang ang katapat sa lahat ng aking paghihirap… Para bang nagkalasog-lasog na ang puso ko, at ininsulto pa ito.
Ewan kung hanggang kailan ko siya malilimutan. Apat na araw na ang nakaraan at preskong-presko pa ang sugat na dulot ng kanyang panloloko. Ito ang nag-iisang sakit na nilalabanan ko ngayon – ang paglimot sa kanya. Alam ko, panahon na lang ang makapagsabi. Ngunit sana ay bukas na iyon, o sa makalawa...
Marahil ay may magandang dulot din ang nangyaring ito sa akin: masaklap mang tanggapin ang katotohanan ngunit salamat na rin sa “alarm” niya at nagising ako.
At oo nga pala. Huwag masyadong magpapaniwala sa mga hula, lalo na sa mga “King”. Hindi lahat sa kanila ay pumuprotekta; marami ay mapaglaro…
Heto pa pala ang nakakaloka: Ang pangalan ng hotel kung saan kami dinala ni Dennis upag magcheck-in sa Bacolod ay "King's Hotel".
(Wakas)
1 comments:
malamang mangyari rin sken ang nangyari syo.madali lang din kc aq magtiwala sa khit sinong tao eh,lalo na kung cute.madali lang din aq mainlove.sana,wag mangyari sken.kaya mas ok pa na wag nalang magmahal,na puro sex nalang.kaso ganun din,malungkot ka pa rin sa huli.haist...pano kaya sumaya ng totoo.pipiliin ko ng maging mahirap,basta masaya sa piling ng taong mahal mo,kesa yumaman na pera mo lang ang mamahalin sayo.haist...hirap talga ng buhay.bakit hindi pwd maging pareho noh? hehehhhh..nagshare lang po ng feelings ;-)
Post a Comment