MY LIFE'S PLAYLIST 2
Wednesday, April 18, 2012
Author's Note: Super sorry po talaga sa super duper slow update. Nag-ayos lang ako ng requirement sa trabaho at clearance sa school. Honestly marami pa talaga akong dapat gawin pero naisip ko na kailangan kong gawin ang dapat kong gawin. Isa rin sa reason kung bakit ako natigil kasi super empty ng emotions ko. Super sorry again.
"Months have passed since all the craziness was over. Nagtatrabaho si Rex sa Korea pero were in good terms. Sa totoo lang miss na miss ko na sya. I can’t seem to remember missing someone this intense. Sabi nya dadalaw daw sya after 3 months. Excited na talaga ako.
I don’t know how but my group on the thesis was able to finish the project right on the month of January. Imagine that whole time I was doing the project with Liezel and Kian on the room and should I forget Cedie.
Allot of things happened but this what I am sure of; I’m still in love with Kian when I started my relationship with Rex. Now more than ever I realized that I was quite selfish in thinking he must have had some feelings for me. Now that I see that he loves Liezel and Liezel loves him very much, I can finally let my hate go.
As a matter of fact I asked Liezel to go out na kami lang tipong parang tulad ng dati nung super best friends pa kami. I want to have a closure na kasi. Kung pwede nga rin gusto ko rin makausap si Kian para mawala na ‘tong weight sa chest ko. Either way makausap ko na lang si Liezel kung hindi man palarin na makausap ko pa ng masinsinan si Kian sa simula’t simula naman si Liezel at ako talaga ang magkatropa nasali na lang si Kian sa amin dahil nag-stop na yung ibang classmates namin eh.
"
Naluha ako sa aking nabasa.
Di ko akalaing huli na talaga ang lahat.
Walang wala na akong habol sa kanya.
Kung sabagay did I really thought na may babalikan pa ‘ko pagkatapos kung hayaan syang lumayo.
Badtrip!!! Ang bobo mo talaga Kian!!!
“Huy Kian wag ka ngang pakialamero ng diary! Ang epal mo talaga!” ang narinig ko sabay parang kidlat na naglaho ang hawak kong black book.
I wiped off my tears just as I was about to turn. “hehehe sorry naman Kirk…” ang aking paghingi ng tawad with matching kamot ulo.
“Next time makita kitang nakikialam ng gamit ko uupakan ko na lang lalamunan mo! Got that?!” sabi ng Kirk habang naka-pose na parang susuntukin na ko.
“Sorry prof! Ahehehe di na po…”
“Oh Kian bakit ka napadalaw dito?” tanong ng isang pamilyar na boses.
“Ayun oh nandito na yung delivery boy ko oh!” high pitch na sigaw ni Kirk sa taong nasa likod ko.
“Ahehehe napadalaw lang ako dito sa school tapos nakita ko si Kirk na paakyat sa College of Science kaya ayun sinundan ko. Nagulat na lang ako dito pala sya nagtatrabaho.” paliwanag ko.
“Ah part time nya lang ‘to may trabaho pa yang iba. Workaholic yang mahal ko eh.”
“ah sige mauna na ko.”
“Uy Kian you just got here!”
“Ahehehe ok lang yun may mga gagawin pa naman ako.”
“Bye Kian! Tara Kirk kain na tayo..”
Nagmadali akong tumakbo palabas ng university. Nang makalabas na ako nilingon ko ang pamatasan kung saan ko nakilala ang mga taong bumago ng buhay ko. Naglakad lakad ako patungo sa mga dati naming tambayan. Naroon pa rin ang mga tindera sa bangketa. Naroon rin ang computer shop kung saan kami naglalaro dati ng ragnarok, cabal, dota at crazy cart. Naroon pa rin ang mga murang kainan sa paligid nito. Pero wala na ang mga sandaling nais kong balikan.
Sabi nila ang isang tao daw oras na masabi nya sa ex nya or sa taong nanakit ng damdamin nya na wala na syang galit o inis na nararamdaman para sa kanya ay isa lang din ang kuhulugan noon. Wala na rin syang nararamdamang pag-ibig para sa taong ito.
Nagpunta ako sa computer shop na kung saan kami madalas maglaro. Nagrent ako sa number 21 sa second floor. Dito madalas ang pwesto. Gitnang unit kasi ito dito sa computer shop na ‘to. Sakto lang ang lamig di masyadong maginaw at at maayos din ang mouse, keyboard at monitor. Umupo ako at nagrenta dito. Habang nakaupo ako dito animo’y mirage na kasama ko ang mga kaklase ko dito. Katabi ko si Kirk na laging nangungulit na sa iisang lane kami para maganda ang set ng combo namin.
---------
“Hoy Kian tulong tayo dito sa baba huh..”
“Wag kang mag-alala lagi naman ako nandito para sa ‘yo eh.”
Pansamantalang katahimikan ang namayani sa kapaligiran tapos biglang sigwaan ng
“ayiiiiieeeeee…”
“Guys anu ba kayo mako-conscious nyan si Kirk eh” ang sabi ko.
“Pakyu andame nyong alam!”
Napalingon ako kay Kirk sa sandaling yun. Napansin kong namula sya. Di ko alam kong pumukaw sa tibok ng puso ko at animoy bumilis ito ng bahagya.
“Hoy Kian mapapatay ka na! Back dali back!!!” sigaw sa akin ni Kirk.
“Phew buhay hahahaha”
“Sus muntik na rin hindi!”
Pagkatapos nang game na yun. Nagsimula na kaming asarin ng klase. Bawat sandal na nangyayari yun napapansin kong namumula si Kirk. At bawat sandaling nakikita ko syang ganun para bang may pumipitik sa puso ko at may tumatambol sa dibdib ko.
---------
Ilang araw na ata akong ganito. Minsan natatahimik lalo na’t di ko maintidihan ‘tong nararamdaman ko.
“Bunso! Tumingin ka nga sa kalsada ng matino baka mabangga tayo nyan eh!!” sigaw ni ate habang hinahatid ko sya gamit ang motor papunta sa trabaho nya.
Habang nagda-drive ako bigla akong nawalan ng balance. Tumilapon kami ni ate. Kita ko pa ang dugo sa siko at kamay ni ate. Pero mukha ok naman sya. Ayun ang huli kong naalala bago ako gumising ng naka benda ang binti at braso.
--------
Ilang araw na ang nakakalipas mula ng hindi ako pumapasok dahil sa pagkakabangga. Mukhang alalang-alala sa akin si Kirk at Liezel. For some reason lalo ako na-excite maka-chat at makatext sila.
“Bunso gusto ko ‘tong mapanuod” ang wika ni ate sabay abot ng dvd. Agad ko naman isinalang ang palabas.
“Love of Siam?” ang basa ko sa title. Teka… Narinig ko na ‘tong palabas na ‘to. Teka kwentong bakla ‘to huh.
“akyat na muna ako ate!” paalam ko.
“Hay naku bunso tayong dalawa lang dito sa bahay. Samahan mo na akong manuod.”
Pagkatapos kong mapanuod ‘to napagtanto kong may mali sa trato at pagkakaibigan namin ni Kirk.
-------
“Oh at last nakapasok ka na! Nag-alala kami sa ‘yo.” Sabi ni Kirk na parang nangingilid pa ang luha sa mata.
“Ah ito ba?! Wala ‘to. Ok lang ako.”
“Huy Kian kumusta ka na?”
“Ok lang naman.”
“Uy Kian akin na yang dala mo ako na magdadala nyan.” Ang sabi ni Kirk sabay kuha nya ng bag ko.
------
Ilang beses nang ganito si Kirk at parang nahihirapan na ako. Siguro napuno lang din ako ng emosyon kaya nasigawan ko sya ng “Ano ba?! Tumigil ka na nga! Nakakasakal ka na eh!”
“Ah sige. Kita na lang tayo mamaya. CR lang muna ako.” Ang tangi nyang nasabi sabay takbo papalayo. Nakita ko sa mukha nya na nasaktan ko sya. Pero anung magagawa ko. Ang alam ko lang ay itinatama ko ang nararamdaman kong mali.
-------
Di ko ramdam na halos tatlong buwan na nakalipas mula nung graduation namin.
Lahat ata ng mga naging classmate ko ay may trabaho na. Ako?
Let’s say na nagpahinga muna ako.
Di naman ako excited na magkatrabaho eh.
Lalo na kung ikaw nasa lugar ko, baka siguro di mo gugustuhin na magtrabaho agad when you feel as crappy as I feel.
“Kian! Bumaba ka na dyan! Tulungan mo nga ako sa paghahanda ko ng almusal at baon ng mga ate mo!”
“Opo Ma! Sandali lang po.”
Oo.
Ako nga si Kian.
Before graduation kahit matinong sunny side up hirap akong lutuin, ngayon eh katulong na ako ni mama sa pagluluto. Well I guess ito ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko pag hindi ako kumakanta kasama ang banda ko.
At baka sakali lang maitanong nyo kung bakit parang I’m living the life of a single, it’s because I am single.
At ewan ko ba sa lahat lahat ng alaalang tumatakbo ngayon sa utak ko ang naaalala ko lang ay yung panahong pinarinig ko kay Kirk ang kantang tumutugtog sa celphone ko ngayon.
4 comments:
i can relate to that super empty emotions thingy. Kasi ako din tila nawalan ng inspirasyon..wala na akong maisulat na maganda puro kasi pait at kalungkutan ang bumabalot sa puso ko.
well, im still hoping that one of these days,,,makakahanap din ako ng inspiration..
thanks kuya jayson...
alam na alam mo yun..
ewan ko ba kasi nung naka-move on na ko ang empty na lang ng feeling...
wait for that right person who will NEVER make you feel that EMPTINESS anymore . .
'Not yet' means God has something better in his mind for you.
#smile coz life is too short to be unhappy . =)
thanks coffee prince....
:)
Post a Comment