Kalungkutan
Tuesday, April 17, 2012
Natuto akong umiyak
nang sabihin mong akoy iyong lilisanin
natutong magalit maging sa mga bagay na nakapaligid sa akin
Gumuho ang mundong binuo ng kasiyahang meron satin
At pinagkaitan pa ng kapalarang ng ako ay iyong lokohin
Hindi ko kayang makita ang sarili kong ganito
nagdurusa sa hapdi at sakit ng damdaming gawa ng pagkawala mo
pero ang labis na pinag tataka ko
ay nabuhay ako ng wala ka pa sa piling ko
Kaakibat ng bawat piraso ng luhang tumatangis sa pisngi ko
Ang pag lubog ng araw na saksi sa sandaling akoy kasama mo
nagugunita ang bawat sandaling nakangiti ako
payapa at ligtas sa kasinungalingan pinaniwalaan ko
sadya ba talagang ganito ang mundo
binulag ako ng kasinungalingang nagbubulungan sa paligid ko
malaking pagkakasala ang nagawa ko
pagkat ipinagkait ko sa sarili ko ang maging maaligaya sa piling mo
0 comments:
Post a Comment