Endorsed to Love : Chapter 7 and 8

Wednesday, January 18, 2012


Chapter 7

Parang umakyat lahat ng dugo sa kanyang ulo sa kanyang nakita, at namuoo ang galit sa kanyang dibdib. Pabalibag niyang binuksan ang pinto na syang ikinagulat ni Geoff.

“What’s the meaning of this?!” pabulyaw nitong tanong kay Geoff. Hindi niya napansin na mugto ang mga mata nito dahil na rin sa may kadilimang liwanag.

“A..A-nthony, h-hindi…” hindi na naituloy ni Geoff ang sasabihin dahil umigkas ang mga kamao ni Anthony at pinawalan nito ang isang suntok sa mukha ni Geoff, natumba ito sa sahig at mabilis na inalalayan ng kasama nitong lalaki.

“Hayop ka! Kailan mo ‘ko niloloko?! Tang ina mong pok-pok ka! Hindi paba sapat ang mga binibigay ko at kailangan mo pang maghanap!!!?” sigaw painsulto ni Anthony.

“Anthony, m-mali ang iniisip mo.” Sapo ang mukha at dumudugong ilong na balik sigaw ni Geoff.

Humugot si Anthony sa bulsa, inilabas ang wallet at mula doon ay naglabas ng mga perang papel
“Ito…ito ang kailangan mo dib a?!” sabay haggis samapal sa mukha ni Geoff ang mga salapi at nagkalat ito sa sahig. Tumalikod si Anthony at halos masira ang pinto sa lakas ng pagkakasara nito, dinig pa ni Geoff ang tila pagtabig nito sa nakaharang ng upuan o di kaya ay mesa.

Dahan dahang pinagpupulot ni Geoff ang mga ngakalat na pera at hindi niya mapigilan ang mga luha sa pag agos. Higit sa sakit na dulot ng suntok na iyon ni Anthony ay ang mga salita at ang pagdududa nito sa pagibig niya para rito. 

“Ito…” anas niya na hilam ng luha habang isa isang pinupulot ang mga salapi “…ito, ito naman talaga ang kailangan ko diba? Ito ang dahilan ng lahat, dahil dito kaya tayo nabubuhay..d-dahil…dito, k-kaya tayo nagpapakaputa…nagpapakadumi… dahil dito-…” may diin ang mga salita at impit ang ginawa niyang pagtangis, hilam ng luha at dugo habang nakaluhod at tangan ang mga salapi.

Dahan dahang inalalayan siya ni Mr. Lee na nuon ay hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha. 

“Tahan na Geoff.”

Nagwala sa kanyang pad si Anthony, hindi niya maikumpara ang sakit na nararamdaman. Ang sakit ng pagtataksil, ng panlilinlang ng pagsisisnungaling. Ilang beses niyang pinagsususntok ang pader hanggang nabalian yata ang kanyang kamao at nagdugo, ngunit di niya alintana iyon mas malalim ang sugat na dinulot ni Geoff sa kanyang puso.

Ilang araw din siyang nagmukmok at wala siyang ginawa kundi sisihin si Geoff sa mga nagyayari. Ngunit sa kabila niyon ay may kung anong kirot na dulot ng pagkawalay niya ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maitatatwa sa kanyang puso na mahal niya parin ito at handa niyang tanggapin muli ito sa buhay niya.

Nabuo ang isang desisyon at dali dali siyang nagbihis at nagpunta sa lugar kung saan madalas tumatambay si Geoff noon, ngunit nanlumo siya ng di niya mahanap doon ang lalaki. Pinuntahan na niya lahat ng mga pwedeng puntahan ni Geoff ngunit wala ito, pinuntahan niya sya maging sa inuupahan nitong kwarto at nangistorbo pa sa may ari ng paupahan upang alamin lang kung andoon si Geoff ngunit sinabi nitong hindi na umuupa doon ang lalaki.

Huling pinuntahan niya ang bar kung saan niya siya hulingh nakita ngunit wala din doon si Geoff. Palabas na siya ng Makita niya ang lalaking kasama niya sa loob ng VIP room noon, ang matandang Intsik. 

Pagkakita sa kanya ni Mr. Lee ay tumigas ang mukha nito at naaninag ang galit sa mga mata nito..

“Excuse me? Ako si Anthony, H-hindi ba ikaw ang kasama ni Geoff nung gabing…nung gabing…”

“Ako nga.” Sagot nito ng matigas na tinig, halata ang matinding poot sa lalaking kaharap.

“Gusto ko lang malaman kung alam mo kung nasaan sya?”

Tinitigan siya ni Mr Lee at kung nakamamatay lamang ang titig na iyon..

“Bakit mo siya hinahanap? At kung alam ko bakit ko sasabihin sayo?” matigas nitong sabi.

“Please..kailangan ko lang syang Makita…please..”pagsusumamo nito.

Tila walang narinig si Mr. Lee, tinitigan niya lamang ito at dinaanan na niya ito patungo sa bar.

Hinabol siya ni Anthony at hinawakan siya sa may braso…sa isang iglap ay kumawala ang isang napakalakas na sampal…

“How dare you!” puno ng poot na bigkas ni Mr.Lee “Ang kapal ng mukha mo…pagkatapos ng lahat…h-..” hindi mapigilan ni Mr. Lee ang emosyon.

“G-gusto ko lang malaman kung nasaan sya.” Mahinahong putol ni Anthony.

“P-Patay na s-siya…” anas ni Mr. Lee na hindi na napigilan ang kanina pa gustong tumulong luha.



Chapter 8

"Patay n-na siya.” Sumilay ang mga luha sa mga mata ni Mr. Lee

Tila huminto ang mundo ni Anthony sa narinig, “Paanong…hi-hindi, kai-lan?” pautal niyang tanong.

Tanging mga luha lang ang nakuha niyang sagot kay mr. Lee, mga matang nanguusig, mga matang puno ng poot. “Hindi mo na sya kailangan Anthony…at hindi ka niya kailangan, hayaan mo na sya kung nasaan man sya ngayon.” Lumayo ito at iniwan si Anthony na nakatulala, naguunahang nahulog ang mga luha sa kanyang mga mata kaalinsabay ng mga alaala nila ni Geoff.

-----

“Patay na sya? Ganun lang yon?” tanong ni Nel kay Rob “bakit ganon? Bakit mo siya pinatay sa kwento mo? Paano na si Anthony?” tanong ni Nel na halata ang pagkadismaya, “paano na natin ipagpapatuloy ang kwentong ito kung pinatay mo na ang bida.” Naaalala niya ang isang araw na iyon ng tinanong niya si Rob.

Dumilat si Rob mula sa pagkakapikit at tinitigan si Nel, natigilan si Nel sa nakita, nangingilid ang mga mata ni Rob at ditto kita niya ang kakaibang lungkot, kakaibang sakit na ngayon lang niya nakita sa mga mata nitong lagi ay puno ng buhay at saya. 

Ngumiti ito, isang malungkot na ngiti.

“Alin ang mas malungkot?” halos bulong na tanong nito, hirap na ito sa pagsasalita “ang mawawala si Geoff na hindi na makikita ni Athony na buhay o ang siya ay mamatay?” 

“Parehong malungkot,” sagot ni Nel, “at kung ako ang masusunod, hindi ganyang ending ang isusulat ko.” Sagot ni Nel, na tila ba may kung anong nakaraan siyang biglang naalala. Sinalamin niya ang mga lungkot sa mata ni Rob,.

Tila nakita ni Rob ang mga lungkot sa kanyang mga mata, at natigilan din ito “nagmahal kana ba?” tanong nitong tila inosenteng tinatanong ang isang bata.

Ngumiti lamang si Nel, “tulad mo Rob, may mga bagay na din akong inilibing na sa limot, iba na ako ngayon,” napa buntong hininga ito “matagal ng wala ang dating ako, matagal ng wala si Midnight Blue.” Napapikit si Nel at tumulo na ang kanyang mga luha.

Iniiwas ni Rob ang tingin, bumaling siya at tumitig sa puting kisame.

“Tapusin mo ang kwento ko Nel,” anas nito… “hindi ba’t ipinangako mo sa akin dati na tatapusin mo ang kwentong iyan kapag hindi ko na kaya.” Nagmamakaawang tono nito.

“Ngunit paano? Pinatay mo na si Geoff, paano ko mabibigyan ng masayang katapusan ang kwentong ikaw mismo ay hindi malagyan ng saya at pag asa?” tanong ni Nel.

“May mga bagay tayong kailangang tanggapin ng maluwag at dapat maging Masaya sa anu mang kahihinatnan nito.” Halos pabulong na sagot nito. “tapusin mo ang kwento Nel, mangako ka ulit.”

Hindi nakasagot si Nel, pinagmamasdan lamang niya si Rob hanggang gapiin na ito ng mahimbing na tulog.


-----

Hindi pinaniwalaan ni Anthony ang mga sinabi ni Mr. Lee. Paanong mangyayari iyon? Bakit hindi nagpapakita sa kanya si Geoff, bakit kailangan niyang magtago? Hindi siya naniniwala sa paliwanag ni Mr. Lee na namatay ito ng gabi ding iyon, paanong sya ay sasagasaan at bigla na lamang iiwan? Paanong hindi niya naramadaman ang pagkawala nito? Bakit hindi pinaniniwalaan ng kanyang puso na wala na ang taong kanyang iniibig?

Si Geoff, ang lalaking nagpabago sa kanyang buhay, ang nagpabago sa mga paniniwalang ni sa hinagap ay hindi aakalain na kanyang magiging tagapagligtas sa kalungkutan?
hindi niya mapigil ang muli ay pagpatak ng mga luha, hindi niya mapigil ang sakit at inuusig siya ng kanyang kunsensya… 

“N-nasaan k-ka… Geoff? Tangi niyang nausal.


Halos gugulin niya ang buo niyang maghapon sa kakahanapo sa kanya, ilang bwan na din siyang pabalik balik sa mga lugar na dati ay tinatambayan ni Geoff, nagbabakasakaling doon ay Makita niya siyang muli. Nilibot na din niya ang halos lahat ng mga hospital sa metro manila ngunit sadyang hindi niya mahanap si Geoff. Hinanap niya ang mga dating tinitirhan nito ngunit wala talaga ito, tanging si Mr. Lee lamang ang siyang tulay niya sa katoohanang ayaw tanggapin ng kanyang puso. 

Alam niyang naaawa na rin si Mr. Lee sa kanya, ngunit tulad niya ay wala itong magawa dahil sa ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na ito.


1 comments:

Anonymous,  January 19, 2012 at 4:27 AM  

baka nag tatago lang si geoff kay anthony kaya nasabi lang un ni mr. lee.. dahil siguro nahiya sya sa katipan....kawawa naman si anthony kahit na yun pa ang ginawa ni geoff ay mahal pa rin nya..... hinde patay si geoff.....


ramy from qatar

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP