Endorsed to Love : Chapter 6

Tuesday, January 17, 2012


Chapter 6

Mag aalas nuebe na ng gabi ng lisanin niya ang kwarto ni Rob, hanggang alas sais lang duty niya araw araw, pero simula ng simulan nila ni Rob ang pagsusulat sa kanyang pangarap na libro ay lagi na siyang nasa tabi nito pagkatapos na pagkatpos ng kanyang duty. Sya ang paborito niyang pasyente, naaalala pa niya ng una itong ipinasok doon, at kung makailang ulit na ding nagpabalik balik doon hanggang sa ngayon nga ay naconfine na ito ng matagalan, at ayaw man niyang aminin hindi na bumubuti ang kalagayan nito. Patuloy ang pagbagsak ng katawan nito at prone sa halos lahat ng sakit dahil sa halos wala ng kakayahan ang katawan niya na labanan ang anumang mikrobyo na madikit dito. Patuloy din sa pagbulusok pababa ang kanyang T-cells count, tanda na tuluyan nang ginagapi ng AIDS ang kanyang katawan.

Kanina lang, halos wala siyang naisulat dahil sa hirap na itong magsalita dahil sa kanyang matinding pag ubo, ilang araw na rin pinipilit na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa kahit pa kung minsan ay pinapagalitan na ito ni Nel dahil ayaw niyang magpahinga. Nagka Pneumonia na ito, isang kumplikasyon na kinatatakutan niya. Kung minsan ay napapaisip siya kung bakit napakaimportante ng kwentong kung sususmahin niya ay pawang kalibugan lamang. Pinahid ni Nel ang namumuong luha sa kanyang mga mata ng tanawin niya ang kwarto kung saan ay mahimbing na natutulog ngayon si Rob. Si Rob, ang maamo niyang mukha, masayahin at tila ba hindi nauubusan ng buhay ang kanyang mga mata, bata pa n asana ay ineenjoy palang niya dapat ang buhay…si Rob, na natutuhan na niyang mahalin sa kabila ng lahat.

Pagkadating sa bahay inilapag niya ang bag, naupo sa kama at tumitig sa kawalan. Madilim sa silid niya, inabot niya ang switch ng lampshade at tila ba wala sa sarili na kinuha niya ang libro ni Rob sa kanyang  bag. Binuklat niya ito at muli ay nabuhay sina Geoff at Anthony sa kanyang imahinasyon…

-----



“I just don’t get it!” pabulyaw na sigaw ni Anthony. “Bakit ayaw mong tanggapin ang tulong na ibinibigay ko sayo at patuloy ka parin sa ginagawa mo.” Anito na pigil ang galit “Kaya naman kitang buhayin ah…”
Walang imik lang na nakikinig si Geoff sa litanya ng kanyang boyfriend. 

“Mahal na mahal kita Geoff, at handa kong ibigay lahat.” Anas nito na nanlulumo.

Nilapitan siya ni Geoff, niyakap “ssshhhh tahan na, pangako iiwan ko na ang pagiging callboy.”

Natingala sa kanya si Anthony “Promise?”

“Promise.” Sagot nito, hinalikan siya sa labi.

Walang kaalam alam si Anthony ay patuloy si Geoff sa ginagawa. Bukod sa hindi siya matanggap tanggap sa anumang trabaho dahil wala itong pinagaralan ay wala ring nagtitiwala sa kanya kapag nalaman ng isa syang bayarang lalake. Tinatanggap niya ang perang binigay ni Anthony, pero sumsideline parin siya sa QC Circle dahil lingid sa kaalaman ni Anthony ay sa kanya lang umaasa ang pamilyang nasa probinsya. Sya ang nagpaparal sa kanyang bunsong kapatid at maging ang tumatayong tatay sa anak ng kapatid niyang babae na nabuntisan. Hindi alam ni Anthony ang lahat ng iyon dahil hindi rin niya ipinapaalam, ayaw niyang idamay pa ito sa magulong buhay niya at ayaw niyang dalhin pa nito ang mga aproblemang sya lang dapat ang pumapasan.

“May problema ba tayo?”tanong ni Anthony isang araw. Pansin kasi nito ang parang kawalan kibo ni Geoff nitong mga nakaraang araw. Ilang beses na din siya nitong tinanggihang makipagtalik. Hindi na nga niya maalala kung kalian ang huli na sila ay nagniig, kung hindi pagod si Geoff ay sinasadya nitong wag syang dalawin sa pad nito oh hindi siya nakikipagkita sa kanilang tagpuan, iniiwasan sya nito.

“Wala…w-walang problema.” Tumingin ito sa mga sasakyang nagdaraan. Nasa isang kapehan sila ng mga oras na iyon. Hindi an nagtanong si Anthony.

“A-nthony… a e, may sasabihin ako.”

“Ano yun?”

“A…s-siguro, hindi mo muna ako makikita ngayung mga susunod na araw…m-magbabakasyon muna ako sa amin, sa Isabela…”

Napakunot ang noo ni Anthony “Hindi mo nasabi sakin na taga Isabela ka…hmmm pero sige, tama lang may ipapadalang tao ang kompanya namen sa Cebu malamang ako yun, yun na rin ang sabi sakin ni Mr.Perez, siguro mga isang bwan ako dun…ikaw? Hanggang kalian ang balak mong bakasyon?”

“Siguro mga isang bwan din.”

“Ah Okay, kailangan mo ng pera?”

“Ah hindi na, salamat na lang.” sabi nitong may lungkot sa mga mata.


Nakaalis na si Geoff papuntang Isabela kahapon at huli na ng malaman nbi Anthony na hindi pala siya ang ipapadala ng kumpanya. Nanghinayang siya dahil sana ay nakasama sya kay Geoff kahit hanggang dalawang araw lang sya doon, at kailangang bumalik para sa trabaho. Dahil walang pasok kinabukasan ay napagpasyahan niyang mag unwind sa isang bar bago umuwi.

Magulo at maingay sa loob, karamihan na sa mga tao roon ay lango na sa alak. Dumiretcho sya sa bar at umorder ng beer at iginala niya ang paningin sa mga tao roon. 

Nakailang tungga palang sya ng kanyang beer na mapadako ang paningin niya sa nakaawang na pinto ng VIP room, at doon ay tila may nakita syang pamilyar na tao – si Geoff.

Kumakabog ang dibdib na dahan dahan siyang lumapit sa kwarto, at mula sa salaming bintana ay pinagmasdan niyang mabuti ang mga tao sa loob nyon. Isang may edad ng lalake, parang Intsik dahil sa chinito ito, at nakayakap at tila ba inaalo ang lalaking nakasubsob sa dibdib nito…si Geoff nga!


1 comments:

Anonymous,  January 17, 2012 at 11:22 PM  

wala talaga akong masabi sa kwento na ito... magaling talaga ang author na nag sulat... maganda kasi basahin maraming aral...parang totoo lahat....masakit sa part ni anthony yun... na makita si geoff sa kandungan ng iba...balutin mo man ng ginto ang tanso.... tanso pa rin...hay naku anthony d na yata mag babago si geoff yun na talaga ang gusto nyang mangyari sa buhay nya...

ramy from qatar

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP