Endorsed to Love : Chapter 1

Friday, January 6, 2012



Chapter 1

“Fuck…fuck!” ang paulit ulit na mura ni Anthony sa kanyang sarili habang paulit ulit ding hinahampas ang manibela ng kanyang minamanehong kotse. Hindi niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang girlfriend…ang pagtataksil nito at ng kanyang matalik na kaibigan. 

Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata na kanina pa niya pinipigilan. Hindi rin tuluyang nabura ng pagkalango sa alak ang sakit na kanyang nadarama. 

Hindi kayang tanggapin ng kanyang ego ang ginawang pakikipaghiwalay ng kanyang gf, at mas lalong hindi kayang tanggapin ng kanyang puso ang pagkawala ng kanyang bestfriend…pag-…natigilan siya, kinapa niya ang kanyang nararamdamn kung saan ba siya mas higit na nasaktan. Ang kanyang bestfriend na kasa kasama na niya mula pagkabata…kasama sa lahat ng kalokohan…sa mga…natigilan muli siya. Ipinikit niya ang mga mata at gumuhit sa mga alaala niya ang kanilang mga napagsamahan, ksabay nito ang ay pagtulo ng kanyang mga luha…

“Fuck!” ulit niyang pagmumura…naguguluhan siya sa kanyang mga nararamdaman…mga tagong panghihinayang at pagsisisi sa mga sandaling itinago niya-…napatigil siyang muli sa pagiisip at nagtataka sa kung anu anong pumapasok sa kanyang utak. Gulong gulo siya.

Kinabig niya ang manibela at iginilid niya ang kanyang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng highway, nangalumbaba siya sa manibela at napapikit siya ng mahigpit sa pag asang mawala ang nararamdaman niyang sakit at pait. Ilang minuto siya sa ganong ayos ng…

“Boss…” kasabay ng mga mahihinang katok sa bintana ng kanyang sasakyan. Out of reflex, pinahid muna niya ang mga luha at inayos ang kanyang nagulong buhok saka siya humarap sa taong kanina pa kumakatok sa kanyang bintana. 

Sa dilim ay naaaninag niya ang lalaking naka baseball cap na nagtakip ng mukha nito. Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kanyang sasakyan sabay ng paglayo bahagya ng lalaking kanina ay nagpupumilit na sumilip sa tinted niyang bintana, at duon ay tumama ang liwanag ng di kalayuang street light sa mukha nito at dagling nagtama ang kanilang mga mata.  

Sa di malamang kadahilanan ay kumabog ang dibdib niya at napamaang sa kagandahang lalaki nito. Matangkad ang lalaki, nakahapit na puting t-shirt at halata kahit sa dilim ang faded at tattered na pantalon, naka rubber shoes ito na luma ngunit mas bumagay sa kanya. Lumapit ito at tumabing uli ang dilim sa kanyang mukha at tuluyang natakpan ng itim niyang baseball cap ang kanyang kaguwapuhan.

“Boss, pasensiya na sa pang aabala…pero kanina ko pa napapansin na…” hindi na narinig ni Anthony ang mga sinabi nito ng makalapit ng husto ang lalaki at naamoy niya ang halatang mumurahing pabango nito. Ng tingnan niya ito muli ay halos magkadikit na ang kanilang mga mukha dahil nasa lebel na ng bintana ng kanyang sasakyan ang mukha nito, at dito muli ay kumabog ang kanyang dibdib ng mapagmasdan niya ang kanyang angking kagwapuhan. Ngumisi ang lalaki…ngunit halos kasabay din nito ang pagkunot ng kanyang noo at napalitan ng pag aalala ng mapagmasdan niya ang ayos ni Anthony. 

Alam ni Anthony na callboy ang lalaking ito, huli na ng mapansin niyang nasa kahabaan siya ng QC Circle.

Napaatras ang lalaki ng kaunti at napatayo sa kanyang pagkakayuko…

“Boss…pa-…pasensiya na…ang a-..akala ko ay…ay…” nauutal nitong paliwanag.

“Hop in.” ang sabi niya. Natigilan ang lalaki at muli ay tumitig siya kay Anthony. Sumenyas siya, ng akmang pinapasakay nito ang lalaki. 

Ilang segundo ding nag-alinlangan ang lalaki bago ito naglakad paikot patungo sa passenger seat ng kotse. Inabot ni Anthony ang lock ng pintuan at hinintay nitong pumasok ang lalaki. Walang imik na pumasok ang lalaki at naupo, tinanggal nito ang suot na sombrero at kinusot ang may pagkakulot na buhok na bumagay sa kanyang heart shape na hairline. 

Walang lingon at imik na pinaandar na ni Anthony ang sasakyan. 

“A…e…Geoff…” pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad ng kamay.

Hindi s’ya nilingon ni Anthony at patuloy ito sa pagmamaneho. Binawi niya ang kamay at ngpakawala ng maikling pagak na tawa. Itinuon na rin nito ang tingin sa daan at hindi na umimik sa kabuuan ng byahe.

Halos kalahating oras din ang kanilang byahe, ng marating nila ang pad ni Anthony, wala paring imik na pinatay nito ang makina at bumaba ng sasakyan, bumaba na din si Geoff, nagtama lang ang kanilang mga mata at waring nagkaintindihan dahil nagpatiuna na si Anthony at sumunod naman ang isa.



2 comments:

Anonymous,  January 6, 2012 at 9:06 PM  

WOW its a new story again.... and im sure ....it will be beautiful story like ''BEAUTIFUL ANDREW''... and sounds interesting to read.....

ramy from qatar

joseph January 7, 2012 at 5:47 PM  

inaabangan ko ito....kailan ba ito? sana bukas na...hehehe...sure ako maganda din ito gaya ng Beautiful Andrew...

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP