The Best Thing I Ever Had - Season 2 Episode 5
Thursday, August 18, 2011
Author's Note: Maraming thank you po sa lahat ng mga nag-comment and ang nagbasa ng mga episodes. heheh. specially to: kuya MArc, kuya Jayfinpa, kuya Roan, kuya ken(dark_ken) :) and sa / sa mga Mr. Anonymous lol. Thanks din po kay kuya Coffee na sinusubaybayan talga ang simula pa nung una.. i love u na tlga kuya coffee! xD lol. Anyway, This is it!!! All new episode of The Best Thing I Ever Had! Enjoy Reading!
Episode 5 - Confessions
"Ano ba yung sasabihin mo kuya Marco?" tanong ko.
"Ahh eh..Av..wag ka magagalit ha?" sabi niya. Parang kinakabahan siya.
"Kuya Marco, magagalit ako sa'yo kapag hindi mo pa sinabi yang sasabihin mo. Sabihin mo na kasi." pamimilit ko. Gusto ko na kasing bumalik sa pagtulog. Kasi naman tong si kuya Marco eh, sasabihin lang eh ang dami pang acheche-acheche. hay nako. Istorbo pa tuloy sa beauty rest ko. *sigh
"Av..." tumigil siya ng saglit at huminga ng malalim. "May..may.."
"May?????" tanong ko.
"G-g-g..g-gusto kita Av." sabi niya.
Napatigil ako sa sinabi niya. Gusto niya ko? as in gusto talaga?
Hay nako, that's what I keep on telling you pero ayaw mo maniwala.
Natulala ako ng mga ilang segundo. Parang nagfreeze ang paligid.
"Av?? Av nandyan ka pa ba?" tanong niya.
"Ah.o-oo.,."
"S-sorry ha.." sabi niya.
"Bakit ka naman nagsosorry? Wala ka namang kasalanan."
Wala talaga! Dahil ikaw ang may kasalanan!
Kasalanan? Oo, kasalanan ko, kasalanan kong naging sobrang cute and attractive ako. tama?
Che! Kapal mo!
"Sinubukan kong tanggalin sa sarili ko to. Dahil alam kong hindi tama..at alam kong may mahal ka nang iba..si Van...pero hindi ko na talaga mapigilan eh..matagal ko ng itinatago sa'yo to..matagal ko na ring gustong sabihin pero, nauunahan ako ng takot..takot na baka layuan mo ko.." tumigil siya sandali at huminga ng malalim. "kaya naman nung nalaman ko na wala na kayo ni Van.lumakas ang loob ko, dahil nakita kong may chance na ko sa'yo..mahal kita Av."
Naramdaman ko ang sincerity ni kuya Marco.. Naiintindihan ko kung gaano ito kahirap para sa kanya Ganyan din ang naramdaman ko noon kay Van, natakot akong sabihin sa kanya dahil baka layuan niya ako.Naduwag akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. At ngayon, si Marco ang nasa ganoong sitwasyon..
"Sorry Av.." sabi niya.
"Kuya, hindi ka dapat magsorry.." sabi ko na lang.
"K-kung ganon okay lang sa'yo??"
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Okay nga lang ba sakin to? Bahala na!
"Ahh ehh..o-oo naman kuya. Okay lang yun." ang nasabi ko na lang.
Sh*t bakit ko sinabing ok lang? Argh. Kainis ka tlga Av!!!
"Talaga?! Salamat Av! Ang bait mo talaga!" tuwang tuwa siya.
"Ahh ehh kuya Marco, magpapahinga na ko..bukas na lang tayo mag-usap..inaantok na kasi ako eh." sabi ko.
"Ahh sige,. Goodnight Av! Sweet Dreams!" sabi niya.
"Sige kuya, goodnight. bye!." ibababa ko na sana ang phone ko ng marinig ko ang pabulong niyang sinabi na "I love you.".. "Ano yon?" tanong ko.nagkunwari akong hindi ko nadinig.
"Ahh eh wala, sige tulog ka na. see you tomorrow!" sabi niya.
"Sige, bye." at ibinaba ko na ang phone ko.
Actually, hindi naman talaga ako inaantok. Parang nawala yung antok ko at nagising ang katawang-lupa ko dahil sa conversation naming iyon. Grabe. ganito ba talaga ako kaattractive para magkagusto sa akin tong mga lalaki na to. Una si Van, tapos si Ram, tapos ngayon si Marco na? Sino kaya susunod? Buong student body na magkakagusto sa akin?
Grabe teh huh! ang kapal mo talaga! Kalerky ka! Aminin mo nga sa akin? Ginayuma mo yang mga yan no?
Gaga! Hindi ako witch para mang-gayuma no! Kung meron mang witch satin dalawa, ikaw yun! Witch pati ugali!
Hay nako. Whatever. Pero eto huh. I must say, ANG HABA NG HAIR MO TEH!
I KNOW RIGHT?
Daig mo pa ang hair ni Rapunzel sa sobrang haba ng hair mo! Biruin mo, nawalan ka nga ng prince charming, may dumating namang iba. at take note, 2 pa yung dumating!
Napangiti tuloy ako. Pero maya-maya, napalitan din ito ng isang malungkot na mukha.
O ano namang drama mo? You should be happy! Let's celebrate and party party! say Unkabogable!!
Vice ganda teh?
Oo! anyway, so bakit nga super sad ka ever ka nanaman?
Napaisip lang kasi ako. Diba nga may gusto yung dalawa sa akin.
O?
Paano kung hindi ko naman maibalik sa kanila yung pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Ayokong may masaktan sa kanila. or even worse, ayokong parehas sila eh masaktan ko.
Bakit sino ba kasi talaga ang mas gusto mo?
Ewan ko.,.Ram had been so nice, sweet ang thoughtful to me since the day I met him.. Marco was always there for me especially nung time na kailangan ko talaga ng makakapitan. Parehas silang naging sobrang bait sa akin. At ayokong may masaktan ako sa kanila.
Mahirap nga yan. Pero pwede wag mo munang isipin yan? Sa ngayon, just go with the flow ka muna. Tapos chaka ka na magdecide.
*sigh. At nakatulog na ako.
The next day, I did the same routine na ginagawa ko every school day. Gigising, kakain, maliligo, magbibihis, tapos papasok na. Sabay-sabay kaming pumasok sa klase nina Macky, Coleen, Marco, at yung isa pa naming kaibigan na si Ella. Sa daan, hindi mawawala ang tawanan namin dahil sa pagka-random ni Ella. Ewan ko pero basta ang random random ng mga sinasabi niya. Kapag siya na nagsalita, laging off-topic pero nakakatawa. Para nga siyang si Cat Valentine ng Victorious sa sobrang pagkarandom. (Para po sa mga hindi nakakakilala kay Arianna Grande a.k.a. Cat Valentine of Victorious, i-google niyo na lang po. lol)
One time nga, nag-uusap kami about sa kung mag-aaudition ba si Macky para sa lead ng isang play sa school.
----memory recall------
"Kayang kaya mo yan!" sabi ni Coleen.
"Ehh kinakabahan ako. mukhang maraming mas magaling sa akin eh." sabi ni Macky.
"Alam mo Max(Macky), talented ka. Yakang-yaka mong patumbahin yang mga yan. Kaya go lang ng go!!" pag-ch-cheer-up ko kay Macky.
"Kung gusto mo ng gulong!" singit ni Ella..
Nagkatinginan kaming tatlo nila Coleen at sabay-sabay naming nasabi. "Anu raw?!?". Nagtawanan kaming lahat. "Go lang ng go, kung gusto mo ng gulong!" Corny pero natawa kami ng bonggang bongga.
Anyway, back to the present. Nagpunta na kami sa klase namin. Nagrerehearse kami ng isang song number nung araw na iyon para sa isang program sa school. Break namin ng may lumapit sa aking kaklase ko.
"Av, may nagpapabigay sa'yo o." sabi ng kaklase kong si Emmee, sabay abot sa akin ng isang red rose na may ribbon at kasamang envelope.
"Sino daw ang nagpapabigay?." tanong ko sa kanya.
"Ayaw ipasabi eh, basta ibigay ko na lang daw sa'yo."sabi ni Emmee.
"Okay, sige salamat ha." sabi ko na lang. Pumunta ako sa likod ng stage at sumunod sa akin sina Macky at Coleen.
"Ayiiieee! Sino naman yang admirer mo?" tanong ni Coleen,. Parang mas kinikilig pa siya kaysa sa akin.
"Hindi ko nga alam eh. Ito may sulat tingnan natin." sabi ko.
Sa sulat :
Av,
Seeing your face completes my day,
You always make me smile in every single way.
Simple, cute and funny,.the things I like in you.
Also, those are the thing that made me fall inlove with you.
I wish you'll give me a chance to prove to you.
That I really really love you.
Love,
M.R.
"M.R.?" tanong ko.
Marco Rosales!
OMG.
"That's my obnoxious big brother..Hindi ako pwedeng magkamali, yan ang pirma niya. Hay nako, kahit kailan talaga, ang corny talaga ng kuya ko,." sabi ni Macky.
"Corny? Ang sweet nga eh..diba Av?" ang kinikilig kilig na sabi ni Coleen.
"Abnormal talaga yang kuya mo Max! Talagang magkapatid kayo!" sabi ko sabay tawa. Pero sa loob loob ko, kinikilig ako. Ang sweet kaya! Ikaw ba naman bigyan ng ganun? Hindi ka kikiligin? diba?
In fairness, sweet yang papa Marco mo.
"Siya lang ang abnormal no!" depensa ni Macky.
"Okay sabi mo eh." sabi ko na lang.
Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang may tumapik sa likod ko. Si Van. laking gulat ko ng makita ko siya.
"Van.." sabi ko.
"Av..
"Anong ginagawa mo dito ha?!" ang mataray na sabi ni Coleen. "Umalis ka na nga dito kung ayaw mong kaladkarin kita palabas!"
"Oo nga,.Ang kapal rin naman ng mukha mo para magpakita pa kay Av pagkatapos ng nangyari! Umalis ka na nga kung ayaw mong kalbuhin kita!" sabi naman ni Macky.
"Girls, stop. Iwan niyo muna kami. please." sabi ko.
"Sure ka Av?" tanong ni Macky.
"Yes. I'll handle this."
"Sige. Coleen, tara na." sabi ni Macky.
"Oras lang na malaman kong pinaiyak mo tong kaibigan namin, ihanda mo na yang sarili mo." pananakot ni Coleen kay Van.
Hindi naman sumagot si Van. "Coleen. please. iwan mo na kami. ako nang bahala dito." sabi ko. At umalis na ang dalawa. Napansin kong nag-iba ang itsura ni Van. Parang pumayat siya. At wala na rin yung masigla niyang mukha. Napalitan na ito ng lungkot. Para akong maiiyak sa nakita kong lagay niya.
Wait lang Av, magpakatatag ka, wag kang magpapa-apekto.
Tama. Dapat hindi ako magpa-apekto sa kanya.
"Bakit ka nandito?" and tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Gusto sana kitang makausap,."sabi niya. Mararamdaman mo rin ang lungkot sa boses niya.
Dapat wag magpa-apekto, kaya mo to Av. Ajah!.
"Gusto kong malaman mo ang totoo." sabi niya.
--------------------
Until the next episode,
Av.
2 comments:
nice kua Vince . .
ganda talaga ng takbo ng story . .
kaawa c kua Van, T_T
pero in the first place , it's his fault naman kasi ee . .
WOW aa! inlove rin sayo c kua Marco, IKAW NA TEH! KAW NA DA BEST!
at may pa letter letter effect pang nalalaman aa, ayyyyiiiiee!
pero, kahit anumang mangyari, cyempre boto pa rin ako kay KUA VAN! . .
Go kua Van, kaya mo yan, do everything to win the heart of kua Vince este kua Av . .
Ü
from :bill
--
weee. ang ganda tlga n2. astig! pag natapos q 2. ipapaprint q. hahahaha
--
av.
xenxa kc my copy aq ng gawa mo at ipiprint q, ehehe. isa ka sa idol kong writer astig kah!
Post a Comment