MY LIFE'S PLAYLIST (chap 12)

Thursday, August 18, 2011



Author's Note: Salamat po sa mga readers. Nalaman ko lately na meron din palang mga silent readers ng story na sobrang nagpasaya sa akin dahil nakakwentuhan ko sila. Well I guess kilala na nila ang sarili nila. Apir tayo mga pards!




Pagkakarating ko sa bahay sinalubong ako ng magulang ko. Kinailangan kong magpakita ng pilit na ngiti at saya kahit sa totoo lang parang namamatay na ako sa loob.

Dumiretso agad ako sa kama para magpahinga. Kinuha ko ang celphone ko para magpatugtog at patulugin na lang ang sarili ko habang nakikinig sa mga kantang nilalaman nito. Pagkakakita ko sa phone 15 miss calls and 36 messages. Lima sa mga calls na yun galing sa mga kaibigan kong nangangamusta or nakikipagkulitan lang while sa text walo dun ay GM lang. As expected yung natira ay galing lahat kay Rex.

Sa totoo lang nagi-guilty rin ako sa ginawa kong pag-iwan sa kanya sa party. Well I guess inunahan ako ng takot ko. Mahirap lang ang pamilya ko. At kung ibabase ko sa mga telenovela at movies isa lang ang kababagsakan ng tulad ko sa pangyayari, pananakot at pangmamaliit mula sa magulang ng minamahal ko. Di ko rin sigurado pero sa kabutihan lang din ni Rex ang nasa isip ko. Gusto ko syang magkaron ng masaya, tahimik at normal na pamilya at alam kong kung ako ang pipiliin nya darating rin ang panahon na magsisisi sya na hindi nya nakuha ang ganung buhay.

Di ko na binasa yung mga message at alam kong masasaktan lang ako anu pa man ang laman nun. I marked them as read at nilipat ng folder. Punta na lang ako sa music player at nagsimulang lasingin ang utak ko ng mga kantang posibleng magbago ng mood ko. Kaya lang pagkakabukas ko palang sa ramdom song, ito na ang bumungad sa akin. Nagustuhan ko ‘tong kantang ‘to dati pero di ko expect na mararamdam ko ang bawat salita sa kantang ‘to tulad ngayon.



Natapos sa ang kanta ngunit nawala sa isip kong naka-repeat one ang setting ng kanta. Di ko na nagawang ilipat ang kanta or palitan ang settings dahil hinanghina na ako.

---------------------

May pasok pa talaga kami this week pero tinext ko na lang si Reina at Liezel na pakisabi sa prof namin na kinailangan kong umalis dahil sa family matter. Wala na rin kaming dapat ipasa sa school dahil maaga kong nagawa ang mga requirements. Di na rin naman kailangan pang kumuha ng classcard dahil napatupad n gang automation ng enrolment at dahil dun ganun din ang pagpapakita ng grades. It be posted on the university website isang lingo bago mag enrolment for second sem.

Tinabi ko na muna ang sim ko at bumili ako ng bago. Ang nakakaalam lang nang pagpapalit ko ng sim ay ang pamilya ko at si Reina na naging taga-update ko kung anu na nangyayari. Nagpaalam ako na pupunta muna ako sa batangas kina Auntie Nessa na ate ng tatay ko.

--------------------

Tulad ng dati sinalubong ako nina auntie Nessa at ni uncle Sonny na para bang sobrang saya nila. Pinatuloy nila ako sa isang kwarto kung saan kumpleto ng gamit. At oo, mayaman nga po sina auntie Nessa ko dahil na rin yun sa abogado si uncle sonny at sya ang naging mayor ng bayan nila dati.

Kinabukasan, nagpaalam akong maglalakad lakad muna sa dalampasigan pero makalanghap ng preskong hangin. Pagkakarating ko sa dalampasigan umupo ako sa docking station ng isang bangka nina auntie. Nagtampisaw ako at inihiga ko naman ang aking likod. Maulap ng araw na ‘yon. Malamig ang hangin. Parang isang nakakapagpakalmang awitin ang dala ng dagat. Nakatingala lang ako sa kalangitan. Pakiramdam ko parang pansamantala akong nakalaya sa lahat ng bigat ng kalooban ko. Di ko na namalayang nakatulog na ako sa aking kinalulugaran.

Nagising ako dahil sa ulan. Buti na lang at di ko dala ang celphone ko nasabi ko sa sarili ko. Di ako umalis sa pagkakahiga ko. Ewan ko ba pero dahil sa ulan naiyak ulit ako at nagbalik lahat ng problema ko.

Nagsisigaw ako sa lugar na ‘yon nang

“Bakit ‘di ba ako pwedeng sumaya? Anu bang nagawa kong pagkakamali?!”

--------------------

Ilang oras din ako sa dalampasigan habang umuulan. Sinundo na ako nina auntie dahil daw nag-aalala na sila sa ‘kin. Pagkakabalik ko sa bahay nila naligo ako at natulog na. Kinaumagahan at nagising ako na parang hinanghina. Di ako makatayo at ang init ng pakiramdam ko. Nakaramdam din ako nang matinding pananakit ng tyan ko. Nawala sa isip kong hindi na pala ako nakakainom ng gamot at di na ulit ako nakakakain ng nasa oras. Buti na lang at biglang pumasok si uncle Sonny dahil hapon na at hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto.

“Oh anak nilalagnat ka na pala. May nararamdaman ka pa bang iba?” tanong sa akin ni uncle Sonny habang nakahawak sa noo ko dahil tiningnan nya temperatura ko.

“Uncle, may ulcer po ako at di ko na kaya ang sakit ng tyan ko.” ang nasabi ko habang naluluha na ako sa sakit.

“Honey, ipatawag mo nga si mang Andoy para magamit natin ang van at kailangan nang madala sa ospital ‘tong si Kikoy!” ang pagtawag ni uncle kay auntie.

Binuhat na ako ni uncle palabas ng bahay hanggang sa papasok ng van. Mabilis naman ang pagda-drive ni mang Andoy at di katagalan nakarating na kami sa pinakamalapit na ospital. Di ko na nalaman pa kung anung sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang paligid pag pasok palang namin ospital.

-----------------------

“O mabuti at gising ka na.” ang bati sa akin ng pamilyar na mukha.

“Kakilala ko po kayo?” tanong ko sa aking kaharap.

“Hay naku kabataan talaga. Masyado na talagang makakalimutin. Uncle ako ni Rex. Remember me, Doc Ash?” sagot sa akin ng aking kaharap.

“Wah!!! Aw ang sakit!” ang napatigil kong pagsigaw sa pagkagulat.

“Kasi naman wag OA di ba! Sa ngayon ok ka na. Di ulcer ang naging problema mo nung nakaraang lingo, appendicitis.” sabi ni Doc Ash.

“Hala panu naman ako nagkaroon ng ganun?” ang pagtataka ko.

“Pasalamat ka na lang at nadala ka ng maaga dito. Kung nagkataon wala ka na. O heto pinapaabot sa akin yan ni Rex.” pagbibigay ni Doc Ash ng isang envelop.

Agad kong binuksan ito at binasa ang nilalaman.

Kirk,

Sa totoo lang miss na miss na kita. Aaminin kong nasaktan ako sa bigla mong pag-alis dun sa party. I thought magkasama tayong haharap kay mommy at daddy para sabihin nating nagmamahalan tayo. Tipong anu pa man ang sabihin nila at least magkasama tayo.

Hinanap kita sa school at punta pa ako sa bahay nyo. Pero wala ka sa inyo at ayaw naman sabihin ng parents mo kung nasan ka. I guess you need some time alone. I texted you na kung di ka pa babalik or wala ka man lang reply bago magsimula ang enrolment tatanggapin ko na ang maagang kasal na pinipilit ni dad. Kasi ikaw lang talaga ang magiging lakas ng loob ko para lumaban sa desisyon nila eh.

Nakausap ko si Yana tungkol sa bigla mong pag-alis sa party. Well I guess I needed to give you all the explanations you needed. Kung di mo nabasa o nareceive yung mga text ko sasabihin ko na lang ulit dito sa sulat. It was true na ako ang sumunod sa kanya nung college. Totoo rin na sya yung niligawan ko nung vacation. Pero di ba busted ako sa kanya. Sino bang sumalo sa ‘kin nung malungkot ako. Sino ba yung taong nag-effort para pasiyahin ako inspite of the obvious sadness sa kanya. Di ba ikaw yun! Kaya nga ikaw ang pinilit ko maging akin.

Isang pinakamalaking katotohanang masasabi ko ay ang ikaw ang aking ngayon. Ikaw ang mahal ko ngayon kahit si Yana pa ang aking nuon, sa ‘yo naman ako nakakita nang isang bukas na sasaya ako.
Mahirap pang tanggapin na si Yana ang papakasalan ko dahil sa sakit na dulot ng di nya pagsagot sa akin dati pero mas masakit pala yung pagkawala mo sa akin.

Kung nababasa mo ‘tong sulat na ‘to it could be possible na kinasal na kami ni Yana.Gusto kasi ni Dad na masira man ang merger ng company thru documents, tuluyan nya pa ring makukuha ang company thru me and Yana.

I truly loved you.

Rex




“This can’t be!” ang sigaw ko.

Sinubukan kong tumayo at kalasin ang dextrose na nakakabit sa akin.

Ngayong sigurado ko na ako pala ang minamahal ni Rex, I can’t let him marry Yana. At for sure biktima lang din si Yana ng magulang nya. Epal na mga magulang yan, gawin bang business deal ang anak.

Di pa ako tuluyang nakakatayo bumagsak ulit ako sa sahig. I guess wala pa akong lakas.

“Hmmm kasi kung anu anu pa ang binabalak. Pwede naman manghingi ng tulong di ba!” ang sabi ni Doc Ash.

“Ikaw na ata ang fairy godmother ko!” ang nasabi ko kahit hinanghina pa ako.

“Loko! Fairy Godmother ka dyan! Gusto mo bang tulong o hindi?” tanong ni Doc Ash with matching pananakot.

“Wah syempre gusto!” sagot ko.

“Badtrip ka kasi eh. Bakit ngayon ka lang nagising. Ito ang araw ng kasal ni Rex. 9:36am ngayon. 3PM sharp ang start ng wedding sa Malate Church.”

“No way!"

"Yes way! Tara na. Suotin mo 'to."

"So talagang expected mo na Tito Doc 'tong moment na 'to?" ang tanong ko sa kanya kasi parang handang handa sya.

“Eh binasa ko yung sulat nung wala ka pang malay eh” nasabi ni Uncle Doc.

“WAH! Pero teka bakit mo nga pala po ako tutulungan” pagtataka ko lang.

"Para 'to sa pamangkin ko. Ayoko syang matulad sa akin. Naging sunudsunuran ako kay Papa at kuya. Think of this as my revenge against my kuya!" sagot nya sa akin with an evil grin.

Parang mahabang kwento rin pala ang buhay nitong uncle ni Rex. Someday gusto kong malaman din ang pinagdaanan nya.

Ok mind set: Bawiin si Rex. Sabihin kong mahal na mahal ko sya at piliin ang buhay kasama sya kahit anu pa mangyari.

“Oh anu pang tinutunganga mo dyan? Magbihis ka na sa likod at hihintayin kita dito. We need to stop that wedding.”

“Tito Doc di ba natin pwedeng tawagan na lang si Rex?”

“Both Yana and Rex are inaccessible. Siniguro yan nang asawa ni Kuya.” Sagot ng uncle ni Rex.

Well I guess his parent’s will do everything to get the deed done. Mahusay ang mga epal.

Nagmadali na akong magpalit ng damit. Medyo nagtataka lang ako bakit parang kasama sa mga importanteng tao sa kasal ang damit ko. Paglabas ko nagtanggal na ng coat ng doctor si Uncle Ash at nakaporma rin syang kasama sa kasal.

Ang masasabi ko lang eh, I have a bad feeling about this.


------------



May motor din si Uncle Doc Ash (ang gulo ng tawag ko sa kanya no. Di kasi ako sure kung anung dapat kong itawag sa kanya eh). Bumyahe na agad kami, nagtext na lang ako kina uncle Sonny na may dapat akong puntahan.

Buti na lang magaling din ‘to si Uncle Doc sa pagmomotor, ang expected kong byahe namin ay seven hours or more pero umabot kami sa church ng 3:24pm.



Pumasok kami mula sa gilid na pinto. Nakalusot kami sa bantay sa main gate. Narinig ko na lang sa speaker sa church na “Sa loob ng simbahang ito. Meron bang tumututol o di nais magpatuloy ang pag-iisang dibdib nina Rodrigo at Arriana?”

“Akopmmmm” di ko na napagpatuloy ang pagsigaw ko. Para akong ginapos ng isang malaking lalaki sa kanyang braso at tinakpan ako sa bibig. Paglingon ko sa tabi ay ganun rin si Uncle Doc, may isang malaking manong rin na nakapayakap at nakapigil ang isang kamay sa bibig nya.

“Mukha naman walang tumututol sa kasalang ito Kung gayon..” natigilan ang pari dahil sa narinig na ingay sa tagiliran.

“Ahmm!” sigaw ng mamang nakahawak sa akin dahil nagawa kong diinan ang paa nya.

“I knew you’d come!” sigaw ni Rex. Kitang kita sa kanya ang saya sa laki ng ngiti habang naluluha pa ang kanyang mga mata.

“Alam kong darating talaga si friend Kirk” ang sabi naman ni Yana.

Rinig na rinig ang pagkakasabi nila dahil sa micropono na nakatapat para sa bride and groom.

Parang kidlat sa bilis na nakapunta agad si Rex sa harap namin. Ginawaran nya ng suntok sa tagiliran ang manong na bumubuhat sa akin. Sa sakit ng suntok na nagawa ni Rex nabitawan agad ako ni manong.

Si Uncle doc naman siniko na ang manong na mukhang goons kaya nakakalas na rin sya.

“Rex, catch!” sigaw ni Uncle doc kay rex na binato ang susi ng motor.

“Thanks Uncle. I owe you one.” Sagot ni Rex.

“Stop them!” sigaw ng tatay ni Rex.

“Hijo don’t do this!” sigaw naman ng kanyang mommy.

May dumating na anim pang mukhang goons na ewan. Kung iisipin nakakapagtaka at walang baril ang mga tao dito. Well I guess the church didn’t allow guns to be present at this holy matrimony.

“Even though I love Rex, I still value my friendship with Kirk kaya AHHHHHHHHHHHHH!!!” biglang irit ni Yana sa microphone na nagawang makapagpabingi sa mga tao sa loob ng church.

Hinatak ako ni Rex papalabas sa pinto na dinaanan rin namin kanina ni Uncle Doc. Kasunod rin namin si Uncle Doc.

“I’ll hold them off while you escape!”

“Thanks uncle, I really owe you big time!” sabi ni Rex.

“Wah I love you na Uncle Doc! Super thank you!” sigaw ko.

Super savior ko ngayon si Yana at si Uncle Doc. Ngayon nasa top na sila ng list ng mga taong dapat kong magantihan ng good deed. But then I’ll do that when all this fuss is over.

Nagtatakbo kami hanggang makarating kami sa motor ni Uncle Doc. Sumakay agad sya at umangkas naman ako sa likod.



Binilisan nya ang pagpapaandar at pumunta kami sa dorm nya.

“Wait for me here. Kukunin ko lang ang mga gamit ko huh.” paalam ni Rex sa akin.

After a few minutes nakabalik rin agad sya. Dala dala nya ang isang malaking bag.

“Next is your house.” Sabi nya sa akin. Kinuha nya na yung kotse nya at ayun na ang ginamit namin.

This feeling is just so great. Pakiramdam ko nasa action film kami. Tipong may chase at kung anu anu pa. Grabe. Nakaka-excite. Haist baka naman maghyper ventilate ako sa sobrang saya.

Pagkakarating namin sa bahay kinuha ko na ang mahahalaga kong gamit. Pagkakakita ko sa kay mama nagsabi na ako ng maikling paalam.

“Ma, kung may maghanap sa akin dito sabihin nyong ‘di nyo ko anak. At yung kasama ko po pala sa baba, si Rex. Naalala nyo naman po sya di ba?! Sya po ang bf ko. Pasensya na po at ngayon ko lang nasabi.

“Ingat ka anak!” paalam ni mama after kong humalik sa pisngi nya at humangos ako palabas. Nung lumingon ako nakita ko na lang si mama na lumuluha while waving good bye.

I guess hinayaan na ako ni mama. After all naging responsable akong anak at naging mabuti akong kapatid sa mga kapatid ko. Ako halos ang nag-aalaga sa buong pamilya since parehong may work si mama at papa. Since mas flexible dati ang oras ko, ako ang tagalaba, tagaluto at tagalinis ng bahay. I think ayun ang dahilan kaya hinayaan na ako ni mama at di na sya kumontra or nagalit man lang.
Sumakay na agad ako sa sasakyan pagkakalabas ko ng bahay. Pinaandar na agad ni Rex ang kotse hanggang naisipan namin tumigil muna sandali.

“So now, where to?” tanong ko kay Rex.

“Eh ikaw? San mo ba gusto?” tanong nya sa akin.

“Anywhere. Basta kasama kita ok na yun!”

“Alam mo ang cheesy mo!”

“Hoy Mr. Kirk Chua! Di mo ako masisisi, ikaw may kasalanan nito!”

“Halalalalala gumaganyan ka na?”

Niyakap nya na lang ulit ako ng mahigpit habang pareho kaming nasa sasakyan.

“Basta ayoko nang mawala ka ulit ok?”

“Opo. Di ko naiisipin kung anu yung sa tingin kong makakapagpasaya kung di rin naman pala yun yung talagang ikasasaya mo”

Kumulas sya sa pagkakayakap at hinalikan ako.

Parang iba ang pakiramdam. Parang sobrang ramdam ko at that moment na mahal na mahal nya ako. As in onti na lang ok na talaga sa akin mamatay at that moment.

“Aw”

“Why what happened?” tanong sa akin ni Rex sa bigla kong pamamaluktot sa sakit.

Binuksan ko ang tuxedo ko. Napahawak ako sa tagiliran ko. Pagkakakita ko rito mapula ang aking kamay. Nagdilim na lang ang aking paligid sa takot ko sa aking nakita.

1 comments:

Coffee Prince August 18, 2011 at 9:46 PM  

Ouch!


kua Kirk , , don't ever dare to kill the character of Kirk Chua . .


please!


napakaganda na ng story ee . . mamamatay pa yung bida . .

magiging useless pa yung effort ni Uncle Ash at Yana . .


napakabaet ni Yana ,

at leche naman yung mga magulang nila, dahil sa business deal ever na yan, the happiness of their son/ daughter will be sacrificed . .


Thanks kua Kirk . .

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP