Task Force Enigma : Cody Unabia 9
Wednesday, May 18, 2011
By Dalisay
Chapter 9
Napasimangot si Kearse sa ginawang pagtawa ni Cody. Naiinis siya dito pero higit ang inis na inilalaan niya ngayon sa sarili. Bakit? Ano ba kasing pinagsasasabi niya sa harapan nito kanina? Mukha lang siyang tanga. Iyon pa naman ang ayaw na ayaw niya. At hindi ba writer siya? Bakit wala siyang masabing matino samantalang kapag gumagawa siya ng prosa magdamagan eh umaabot siya ng labindalawang libong salita, tapos dito, "Don't worry, Be happy" lang siya? Susme!
Maluha-luha na ang mga mata nito ng tumigil sa pagtawa. Ewan niya kung exaggerated lang siya, pero, ang gwapo pala ni Cody kapag tumatawa. Parang nabawasan ang edad nito. Teka? Ilang taon na nga ba ito?
"Ilang taon ka na Cody?" hindi niya napigilang itanong ang nasa isipan.
"Hmm?" Anito habang ikinakalma pa ang sarili.
"OA na Cody." naka-ismid na wika niya.
Humagikgik pa ulit ito ng parang batang tuwang-tuwa sa bagong kalaro. Hindi na naman niya maiwasang mapatanga rito. Everytime na lang na napapatitig siya sa lalaking ito, nawawala ang konsentrasiyon niya.
"Bakit ba ang cute-cute mo Kearse?" saad ni Cody. Nakabadya pa rin ang pinipigilang tawa sa labi nito. Kaya tuloy, ang pobre niyang mata, napako ng tuluyan sa mapupulang labi na iyon. Walang kakurap-kurap. Na-imagine niya agad ang naging halusinasyon niya rito noong isang araw.
Sa sobrang pagkahaling ng kanyang paningin sa labi nito ay hindi na naman niya napansin ang mabilis na paglapit nito sa kanya.
When Kearse finally get to realize that Cody was out of his line of sight, Cody's face was only an inch away. Giving him access to his gorgeous eyes. Thick lashes. Smart, sharp and feisty. And he was caught in a trance.
Lalo pa siyang nawala sa sarili ng maramdaman ang dampi ng mainit nitong hininga sa kanyang mukha. Parang hinihigop nito ang life-force niya at hindi siya makahinga ng maayos. Pero sa lahat ng hindi makahinga ng ayos ay siya ang may pinakamasarap na pakiramdam. Para siyang dinadala nito sa alapaap. As if he was high on drugs.
Iyon kaagad ang tanong na umalingawngaw sa isip niya. Lalo pa at nakatingin din si Cody sa kanyang labi. Oh yeah!
Nagbubunyi na kaagad ang kanyang kalooban.
Napagpasiyahan niyang pumikit upang hintayin ang pagdampi ng labi nito sa kanya. Gahibla na lamang siguro ang layo nito? Mabilis niyang pag-analisa sa pangyayari.
Naghintay pa ulit siya sa pagsasakatuparan ng kanyang mga pangarap, este ng kanyang pinapangarap na kissing scene with the hunky and delicious Cody.
Subalit mukhang kontrabida ang author sa lovelife niya kaya kahit ang kissing scene ay hindi na ibibigay sa kanya. Hanggang pangarap na lamang siguro iyon dahil ang sumunod niyang naramdaman ay ang malamig na dampi ng hangin sa kanya.
Naiwan siyang nakapikit pa at nakanguso sa hangin.
My kiss? What happened to my kiss?
Nagmulat siya ng tingin at agad na hinanap si Cody.
My kiss? Where's my kiss?
At iyon ang kanyang supposedly ay kahalikan. Kausap ang kanyang kapatid na si Migs. Parang seryoso ang mga ito.
My kiss? Calling, calling my kiss?
Nakanguso pa siyang lumapit sa mga ito ng dahan-dahan.
Is my kiss here?
"Sigurado ka bang nakita mo na ang lalaking ito?" tanong nito sa kapatid niya.
May hawak na litrato ang kanyang kapatid habang kunot-noong nakatitig doon. Samantala, si Cody ay nakapamulsa at talagang seryoso rin. Bigla siyang natilihan. Parang ibang Cody ang nakikita niya ngayon. Someone unfamiliar to him.
Nagmukhang brusko ang masiyahing mukha nito. Misteryoso at mapanganib. Pero sa kabila ng pagbabagong iyon, iisa ang nanatiling nakatatak sa isip ni Kearse, gusto niya sa Cody. Mukha man itong bagyo or ewan.
Lumapit na siya ng tuluyan sa mga ito para lang magulat sa nakitang larawan na hawak ng kapatid. Hinablot niya pa iyon at dramatic pa ang pagkaka-kusot ng kanyang mata para makasiguro sa nakikita.
"OA ka kuya. Kusutin mo pa kaya ng husto yang mata mo?" sarcastic na sabi ni Migs sa kanya.
"Heh! Tumahimik ka. Ang ingay mo." ganti niyang sabi rito.
"Hala? Ako pa maingay? Hmp!"
"Ang OA mo Michael. Out ka na ba?" pang-aasar niya pa lalo rito.
Namula itong bigla at alanganing napatingin kay Cody na nakatingin rin pala sa kapatid niya. Bigla ang pagkagat ng selos sa dibdib niya ginawang pagkakatingin nito kay Migs.
"Hep! Hep! Pumasok ka na sa loob Migs. Huwag kang pakalat-kalat dito. Bilis! Larga!" mabilis niyang pagtataboy sa kapatid.
Nakakunot lang ang noo ni Cody habang hinahabol lang ng tingin si Migs. Sa inis niya, pilit niyang ibinaling sa kanya ang paningin nito. Which he successfully did.
"Huwag kang titingin sa isang iyon, babaho ang kamay mo." paninirang-puri niya kay Migs.
"Huh? Paanong mangyayari iyon?" takang-tanong naman ni Cody.
Hay slow! Joke kaya iyon?
"Ah basta. Henyo ako at kapatid ko iyon. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya." pangungumbinsi pa niya.
Napatango lang ito at muli siyang tinitigan.
Finally, my kiss!
Napapasigaw na siya sa isip niya. Feeling nga niya ay bumukas ang langit at nagbabaan na ang mga anghel. May naririnig kasi siyang boses ng mga anghel. Pero parang off season kasi ang kinakanta ng mga anghel ay pamasko.
"...Hark the herald angel's sing...
Glory to the new, the new born king..."
Nagtatakang tumingala siya para tingnan kung nasa tamang huwisyo ba ang mga anghel niya ng makita niyang may ini-angat na bagay si Cody at pinindot.
"Unabia."
Cellphone? Ringing tone? Hark the herald angel's sing?
"Sure ba yan 'tol? Sige, kukumbinsihin ko siya na tulungan tayo." sabi pa ni Cody habang nakatanga pa rin siya rito. Pinatay rin nito agad ang aparato.
March na ah?
Napansin yata nito ang pagtataka sa mukha niya. "Huy, okay ka lang?"
"Huh?" disoriented pa siya sa narinig na pamasko.
"Sabi ko, kung okay ka lang?" hinawakan pa siya nito sa balikat.
Napatingin siya sa malaking kamay nito. Para siyang nakuryente. At ewan niya kung anramdaman nito iyon. Wapakels siya. As in, walang paki-alam.
"Bakit ganun ang ringtone mo? Pampasko?"
Kung akala niya ay nagustuhan na niya ang lahat ng kakaibang katauhan na ipinapakita sa kanya ni Cody ay nagkakamali pala siya.
Dahil sa tanong niyang iyon ay bigla itong namula at parang batang nag-iwas ng paningin ng mahuli ng crush na nakatingin.
Oh boy! Okay ka pa diyan puso ko? Baka hindi mo na kayanin kapag nagpakita na naman ang lalaking ito ng kakaibang eksena sa iyo.
Kearse was rendered speechless. Ilang anyo ba ng buhay meron ang kumag na ito at lagi na lang siyang nasosorpresa. At kahit pa anong hitsura nito ay gustong-gusto niya. It was his turn to me amused.
"Okay ka lang?" ang tanong niya rito.
"O-okay lang. Huwag mo ng pansinin ang ringtone ko. Kanya-kanyang trip lang iyan." sagot nito.
Oh how he loved this man.
Love? Eeeekkk!!! How come?!
Pero mukhang hindi patitinag ang damdamin niya. Ganun nga siguro kabilis ang lahat. Mukhang in-love na siya kay Cody.
Napakurap-kurap na lang siya sa sariling realization. Masarap naman sa pakiramdam eh. At gusto niya ang feeling na in-love siya rito. First time niya yun. Kaya naman gusto niyang itodo na ang laban. Wala naman siyang magagawa dahil kahit anong gawin niya, kahit anong tanggi at pag-analisa ang gawin niya, iisa lang ang kalalabasan at kauuwian ng lahat. Mahal na niya ang pabago-bago ng mood na lalaking ito.
Hahayaan na lang niya ang oras na magpasya kung saan siya dadalhin ng damdamin niya para dito. Sa ngayon, yayakapin muna niya ito. And he did.
Nagulat pa si Cody sa ginawa niya. Naramdaman niya iyon.
Sige lang, para tayo sa isa't-isa. Damang-dama ko yun. Mataginting niyang sabi sa isip.
"Ah... Kearse. Bakit mo ako niyayakap?" sabi nito. Pero walang bakas ng pagrereklamo sa tinig.
Lalo tuloy siyang nagdiwang! Heypibertdey!
Sininghot niya ang napakabangong amoy nito. Lalaking-lalaki.
"Kasi po, it's good for my health po." aniyang mas lalong isiniksik ang mukha sa katawan nito.
Nakaramdam siya ng ligaya at itutuloy-tuloy na sana ang pangmomolestiya sa matipunong katawan nito kundi lang may sumingit na boses sa likuran nito.
"Uy may labing-labing!" anang isang tinig.
Dagli siyang nagmulat ng mata at tumambad sa kanya ang isa pang gwapong nilalang. Nakasalamin ito pero hindi napingasan ng bagay na iyon ang kakisigan at kagwapuhan na taglay nito.
Syet! Nasa heaven na ba ako? Nasaan si San Pedro?
"Jerick." si Cody.
Tumingala siya sa kayakap na ngayon ay hirap na hirap na nililingon ang bagong dating. Ibinalik-balik niya ang tingin sa mga ito. Para lang piyesta at namamakyaw ng gwapo ang mata niya. Oh la la.
Mas preferred niya a rin ang kapogian ni Papa Cody. Pero dedma na kung mangliligaw sa kanya ang isang ito. Hindi naman siya choosy. Pwede na rin itong gawing kabit.
Malandi! sigaw ng isip niya.
"Tol, okay rina ng pangungumbinsi mo ah. Pumayag na ba?" tanong ng bagong dating na gwapo.
Nagtaka siya sa usapan ng mga ito.
Di ko gets!
"Sinong papayag, Pogi?" tanong niya sa bisita nila ni Cody. Obviously, magkakilala talaga ang mga ito.
"Ikaw." amuse na sagot nito.
"Saan?" pa-demure niyang sagot.
"Si Cody na ang bahalang magpaliwanag." anitong natatawa pa rin.
"Ah okay." balewala niyang sabi.
Tiningala niya ulit si Cody. This time, may nakapaskil na ngiti sa mga labi nito.
"Ahm Kearse... pwede mo..."
"Yes! Yes! I will marry you!" sigaw kaagad niya.
"Huh?" nagtatakang sabi nito.
"Ay, ano bang tanong mo?" pagpapakalma niya sa sarili.
"Ah... pwede mo ba akong bitiwan muna sandali? Kasi may pag-uusapan tayong importante."
Ay ganun? Pero sabi importante daw, baka aalukin na ako ng kasal?
"O-okay." hesitant niyang sabi bago ito pinakawalan.
"Good. Now, about this." nakangiting sabi ni Cody sa kanya bago mabilis na kinuha ang picture na nasa kanya.
"Ay, nasa akin pa pala yan."
"Oo. At nalukot mo na nga eh." reklamo nito kunwari.
"Bakit may picture ka ni Jhay-L?" tanong niya agad.
Nagkatinginan ito at ang bagong dating.
"Ah, Kearse, iyon nga sana ang sasabihin ko sayo na importante. Baka pwede tayong maupo muna para mas maipaliwanag ko sa'yo ng maayos?" ani Cody.
Bantulot siyang tumango rito.
"O-okay. Sige, dun tayo." turo niya sa kinauupuan nila ni Earl kanina.
Nang maka-upo ay agad na niyang isinatinig ang pagtataka.
"Sino nga pala itong poging ito? At bakit kayo naririto at may dalang picture ni Jhay-L? At ano itong kutob ko na may hindi maganda kayong sasabihin sa akin?" ratrat niya agad ng tanong.
"Kearse, si Sgt. Jerick Salmorin. Kasamahan namin sa Task Force Enigma ni Perse. At kaya kami nandito ay tungkol talaga ito kay Jhay-L. Remember the last time na nakita kong nasa Notebook mo yung picture niya?" pagpapakilala sa kanya ni Cody ng kasamahan na tinanguan lang niya.
Mas tumatak kasi sa pag-aalala niya ang sinabi nitong concern.
Miyembro ang mga ito ng isang elite searcha nd destroy group. Kung hindi siya nagkakamali, isang imbestigasyon iyon. At dahil nakita siyang may picture ni Jhay-L sa Mac niya ay isa na siyang suspek? Agad ang pag-iling na ginawa niya. Sunod-sunod.
"No! No!" sigaw niya sa mga ito.
"Kearse, calm down!" ani Cody na nakalapit agad sa kanya.
"No! Wala akong kasalanan! Wala!" malapit na sa pagiging histerical na sabi niya.
"Pare, kalmahin mo siya." sabi ni Jerick kay Cody.
Hinawakan siya ni Cody sa magkabilang braso. Pilit naman siyang kumakawala sa pagkakahawak nito. Kailangan niyang makatakas! Kailangan niyang makalayo! Wala siyang sala!
"No! I did not kill anybody!" maluha-luha na niyang sabi.
"Kearse! Snap out of it!" naiinis ng sabi ni Cody.
"No! Wala akong kasalanan! Tulungan niyo ako Jaime! Migs!" Sigaw niya ng pagsaklolo sa mga kapatid.
"Namputsa pare!" si Jerick.
Nagkakawag siya pero sadyang malakas si Cody. Inapakan niya ito sa paa.
"Ouch! Damn!" daing nito. Nabitiwan siya pero iglap lang din at nahawakan siya ulit.
Pagkahila nito sa kanya ay walang sabi-sabing ikinulong siya nito sa mga bisig nito at ang lahat ng pagtatangka niyang pagsigaw ay nakulong na sa kanyang lalamunan ng takpan ni Cody ang labi niya ng sariling labi nito.
At nawalan na siya ng malay.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment