Daglat presents: BOOD HEE part1

Sunday, May 15, 2011

Bood Hee
Unang Bahagi: Sa Pagbubukas ng Tabing

“Ahmmm! Ahmmmm! Laklaklaklaklak! Aringkingkingking! Ahmmm! Ahmmmm! Luuuuuh!” pag-oorasyon ni Robert habang tinitimpla ang mga sangkap sa bagong sumpa niyang ginagawa.
“Boom lakalaka! Boom lokoloko! Boom arat arat!” madiing turan ni Robert saka isang nakakabinging putok kasabay ang pagbalot ang makapal na usok sa barong-barong na iyon.
“Tapos na! Sa wakas!” masiglang wika ni Robert saka nagmamadaling tumakbo palabas ng barung-barong.
“Bang!” malakas na putok ng baril ang agad na sumalubong kay Robert pagkalabas niya ng pinto.
Hindi inaasahan ni Robert na napapalibutan siya ng mga sundalo at ngayon nga ay hindi niya alam kung papaanong tatakasan ang mga ito.
“Itaas mo ang mga kamay mo at sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo!” sabi ng isang unipormadong sundalo na sa wari ni Robert ay pinaka-pinuno ng grupong iyon.
“Ano kayo nahihibang?” mapagmalaking sagot ni Robert saka muling pumasok sa loob ng barung-barong.
“Shoot to kill!” pautos na sigaw ng lalaking kaninang kausap ni Robert.
“Shoot to kill! Asa bells!” sabi ni Robert sa isip saka dinasalan ang balabal at kanyang isinuot, agad namang naglaho si Robert pagka-suot niya ng balabal.
Matapos ang putukan ay isa-isang pinasok ng mga sundalo ang barung-barong at sa pagkadismaya ay walang bangkay ng isang rebolusyunaryong baklita ang kanilang natagpuan.
“Takbo Robert takbo!” pagmamadali ni Robert sa sarili. “Shit! Malapit nang mawala ang bias ng orasyon!” habol pa nitong bulong.
“Colonel! Ayun! May tumatakbo sag awing iyon!” malakas na sigaw ng isang sundalo na naging sanhi para mapalingon ang lahat sa gawi ni Robert na papatakas.
“Anak ng teteng! Ang bilis namang mawala ng orasyon!” anas na turan ni Robert saka tingin sa hawak na bote. “Hindi naman siguro masama kung gagamit ako ng kaunti! Slight lang naman ang gagamitin ko eh. For my safety naman kaya mapapatawad siguro ako ni commander pag ginamit ko!” tila nakaisip ng solusyon si Robert kaya naman dali-dali siyang huminto at pumulot bato saka pinatakan ng potion bagong gawa kasabay ng pag-oorasyon saka inihagis sa mga sundalong humahabol sa kanya.
“Boom!” isang malakas na pagsabog ang kasunod na naganap. Inulit ni Robert ang orasyon at isa pang mas malakas na “Boom!” ang bumingi sa katahimikan ng gabi at gumimbal sa nagpapahingang kabundukan.
“Char! Kay hihina naman pala ng mga ito!” nakapameywang na pagyayabang ni Robert ng makitang bulagta na ang lahat ng humahabol sa kanya.
Kinaumagahan ay labis na pagtataka ang mababakas sa buong sandatahang lakas na nasa kabundukan dahil sa pambihira at kakaibang pangyayari. Patay ang buong grupo na may tatlong-daang sundalo na hindi makikitaan ng mga sugat.
“Sir! Baka po may bagong gamit ang NPA na hindi natin alam.” wika ng isang sarhento.
“Iyon nga din ang naiisip ko Sergeant Campos!” sagot naman ng heneral na pinuno nila sa operasyong iyon.
“May naiisip po akong plano na maari nating magamit Sir!” suhestiyon pa nito.
“Tell me about it! Sisimulan na natin ang pagsasagawa ng plano mo.” saad ng heneral.
Ilang oras din ang diskusyon nila at –
“Everything is clear! Inaasahan kong magiging maganda ang kalalabasan ng operasyon natin!” saad pa ng heneral.
“Sir! Yes Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga sundalong kasama sa pulong.
Kinagabihan habang pababa si Robert ng bundok ay may kung anung bagay ang humila sa kanya para sundan ang nauulinigang mga ungol.
Agad na tinulungan ni Robert ang lalaking sugatan na sa wari niya ay bugbog sarado at magang-maga ang katawan.
“Anong nangyari sa’yo?” simulang tanong ni Robert matapos gamutin ang lalaki.
“Binugbog ako ng mga sundalo.” simulang kwento ng lalaki. “Pinag-tripan ba.” sabi pa nito saka tumingin kay Robert.
Ramdam ni Robert ang sakit na nararamdaman ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag ngunit tila kinurot ang puso niya dahil sa malungkot at kahabag-habag na dinanas nito.
“Berto nga pala!” pakilala ni Robert sa sarili.
“Ser..” putol ng lalaki sa sasabihin niya.
“Ser?” tanong ni Robert.
“Sergio!” bibong sagot ng lalaki saka nagbitiw ng isang mapait na ngiti.
“Nice meeting you Sergio!” sagot ni Robert. “Saan ba ang bahay ninyo? Ihahatid kita.” pagboboluntaryo pa ni Robert.
“Sinunog nila ang barrio namin!” sagot ni Sergio. “Kaya nga nila ako ginulpi kasi narinig ko silang papalabasing NPA ang gumawa niyon sa amin.” paliwanag pa nito. “Pinaslang nila ang pamilya ko! Tinusta nila ang nanay at tatay ko sa loob ng bahay namin! Wala silang awa! Pinatay nila ang buong baranggay namin!” buong paghihinagpis na saad ni Sergio saka dumaloy ang mga luha nito.
“Sige lang! Iiyak mo lang!” pag-papakalma ni Robert sa binata saka ito niyakap.
“Sumama ka na muna sa akin! Gaganti tayo sa kanila! Makikita nila ang hinahanap nila!” sabi pa ni Robert.
Patuloy sa pag-iyak si Sergio.

4 comments:

Anonymous,  May 15, 2011 at 7:00 PM  

ahhahahaha...nakakatawa naman ang baklitang bading. I like the mood parang enjoy basahin..isang rebeldenng badin na may kaalaman sa kulam...hehehe exciting....aabangan ko ito..sana may update agad

_Bryse02

Jayson May 15, 2011 at 7:03 PM  

di ako makapaniwalanng naunahan pa ako ng officemate ko sa update na ito. pagdating ko sa work ay pinag pasa pasahan an printed copy ng kwentong ito...Tinanong ko sila saan nila nakuha...sagot nila sa site mo....

sabi ko "may update si emil at nahuli ako sa balita?" hahaha anyway....nice good to know ur back possting again....

Emil yung part 2 ng see lau di mo ata na post dito?

emray May 16, 2011 at 8:02 AM  

bryse - hahahahaha.. isang komunistang bakla.. hahahaha..

kuya jayson.. hehehehehe.. weh.. di nga? totoo ba un?? hahahaha.. nakalimutan ko po pa lang i-update dito iyong see lau.. akala ko na-update ko na.. kaya check ko ulit kasi sabi mo sa bol hindi pa.. sorry po...

Anonymous,  May 16, 2011 at 8:11 PM  

sana may chapter 2 na...sobrang like ko ang ganitong kwento,...nakakatawa. light lang, di masakit sa dib dib at syempre nakakarelate ako//hhehe

Bryse

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP