The Best Thing I Ever Had - (Part 8) Headache
Sunday, July 31, 2011
Note: Hey! This is TBTIEH part 8! maraming maraming salamat po talaga sa lahat ng bumabasa sa story ko po. Thank you po talaga. Hindi niyo po alam kung gaano ako ka happy everytime na nababasa ko ang mga comments ninyo, na kahit nahihilo ako at masakit ang ulo, kahit na abutin pa ko ng midnight, kahit kainin na ko ng monster dito sa kwarto ko(joke!), pinipilit ko pa rin pong i-update ang story na to para lang po sa inyo. thank you thank you po talaga. :)
I hope you'll like it. Enjoy reading!
I woke up with a headache. The worst one ever. The first thing went onto my mind was that weird dream I had. Nag-away daw si Van and Ram tapos tinamaan daw ako ng suntok ni Ram tapos nag-collapse ako tapos..arrrghh! this headache is killing me!
Gaga! totoo lahat ng nangyare! Tumingin ka nga sa paligid mo!
So tumingin naman ako sa paligid ko. Nakita ko na nakahiga ako sa isang kama na may puting bedsheet at puting unan. Nakita ko rin ang mga simple medical equipments like thermometer, stethoscope, etc. Naramdaman kong malamig ang noo ko, may ice pack palang nakalagay. So I'm in the clinic.
Hinde, nasa heaven ka na! Bugak! edi syempre nasa clinic ka! Bakit san mo ba gusto? sa sementeryo? grabe ka! kaloka ka teh!
Tigilan mo nga muna ko,masakit pa ulo ko kaya wag ka munang mambwisit please.
Okay! Fine!
So there I was, sa clinic ng baranggay namin. Sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong bumagsak. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ako makalakad at makatayo ng maayos. Sinubukan ko pa ring tumayo pero, BOOM! bagsak ulit. Sa ikalawang bagsak ko, narinig ko ang mga nagmamadaling paa mula sa labas ng kwarto papasok ng clinic. Habang nakadapa ako sa sahig, hawak hawak ang aking noo, may lumapit na tao.
"Av! Bunso! Bakit ka tumayo agad? Dapat tinawag mo na lang ako." itinayo niya ako at inalalayan paupo sa kama."Kamusta na yang ulo mo?" tanong ni Kuya Van habang kinukuha ang ice pack at inilagay sa aking noo."Kawawa naman ang bunso ko." Hinaplos niya ang mukha ko at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Wag kang mag-alala, gugulpihin ni kuya yang Ram na yan." sinarado niya ang kamay niya na parang may gustong suntukin.
Hinawakan ko ang kamay niyang iyon at ibinukas ang palad. "Kuya..." biglang kumirot ng ulo ko. "Kuya..please..wag..hindi naman niya sinasadyang masuntok ako..ako ang may kasalanan,..ako yung humarang sa gitna,..kaya please..wag na..okay kuya?" tiningnan ko siya ng seryoso pero cute na parang bata.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan." sabi niya sa akin at tumingin sa ibang direksyon.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Alam mo namang, I can't resist to anything you say kapag ganyan ka tumingin sa akin eh." sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Thank you kuya." niyakap ko siya.
Habang nandun kami sa posisyong iyon, biglang may pumasok sa pinto. Si Ram.
Biglang tumayo si Kuya Van. "Bakit ka nandito? Ang kapal rin naman ng mukha mo no?"
"G-gusto ko lang makausap si Av. wala akong planong makipag-away sa'yo." sagot naman ni Ram.
"Kuya!.. arrrrghhh!" biglang kumirot ang ulo ko. "please kuya,..iwanan mo muna kami.."
Tumingin sa akin si Kuya Van. Tiningnan ko ulit siya nung sinasabi niyang face ko na "he can't resist".
Ay wait teka. bakit parang may kulang? hello? boses? nandiyan ka ba?
OO! nandito ko bruha kang malandi ka! meron ka pang face "he can't resist" na nalalamang kaartehang kaokrayang kachuvaness!
bleh! :P
Anyway, so nagwork naman ang powers ko kay kuya Van, napalabas ko naman siya ng kwarto. Pero masama ang tingin niya kay Ram nung papalabas siya. Nang makalabas na si kuya Van,
"Uhhmm..Av..I-I'm sorry." nakayuko niyang sinabi.
"Okay lang yun, hindi mo naman kasalanan." tumawa ako ng kunti, " ako tong tangang humarang sa gitna, kaya ayun. heheh. pero kalimutan mo na yun."
"S-sorry talaga." lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
Agad kong binawi ang aking kamay sa kanya, "Ano ka ba, sabi ng okay lang yun eh." tumawa ulit ako.
Ngumiti siya sa akin. "Babawi ako sa'yo.uhhmm..gagawin ko lahat ng iutos mo sa akin. lahat ng chores mo ako na gagawa, lahat lahat, kahit ako pa magpaligo sa'yo, gagawin ko, makabawi lang ako sa nagawa ko." sabi niya.
"Naku wag na! Okay lang, wag mo na intindihin ang pag-bawi mo sa akin. ayos lang." ngumiti din ako sa kanya.
"Ang bait mo talaga." sabi niya.
IKAW? MABAIT? Grabeh! maldita ka kaya! sinungaling pa! mabait ba tawag mo dun?
Shhhhh! Tumigil ka nga!
"Hindi naman, konti lang." biro ko pa sa kanya.
"Cute pa, matalino. swerte ang taong mamahalin mo." hinawakan niya ulit ang kamay ko.
Oh my gosh.bulag ba toh? cute? ikaw? please,.
Binawi ko ulit ang aking kamay. "Ahhh eh Ram. uhmm.may sasabihin ka pa ba?" sabi ko na lang. Baka kasi kung saan pa mapunta tong usapan na to.
Nakuha naman niya ang gusto kong mangyari.."W-wala na. yun lang. s-sorry ulit ha." tumayo siya at humarap sa pinto. Bago siya lumabas, nginitian muna niya ako at tuluyang lumisan.
Pumasok naman bigla si Kuya Van right after Ram left.
"Kuya..uwi na tayo." yaya ko sa kanya.
"Okay. kaya mo na bang maglakad?" tanong niya.
"Uhmm.medyo, sakay na lang tayo sa tricycle." sabi ko.
"Hmmm..I have a better idea." ngumiti siya sa akin at lumapit. umupo siya patalikod sa akin. "Pasan ka na lang kay kuya." yaya niya.
"Huh? ayoko nga! chaka mabigat kaya ako! baka hindi mo ko kaya! mahulog pa ko jan! tricycle na lang tayo." sabi ko.
Naku! ayan na naman si pakipot queen. kunyare ayaw pero sa loob, sumisigaw na, "Sige kuya Van! pasan mo ko! Halika na!".
Well, hindi ko naman talgang makakaila na gusto ko talaga pero, nahihiya naman ako kay kuya.
"Sige na! Wag nang umarte pa! gusto mo bang umuwi or hinde?" pananakot niya sa akin.
"Gusto... pero."
"wala nang pero pero! halika na! nangangawit na ko o!" sabi niya.
haayy, bahala na!. Pumasan ako sa likod niya. Nakapalupot sa leeg niya ang aking mga braso at hinawakan naman niya ang dalawa kong hita. Nun ko lang napansin na nakajersey pa rin pala siya.
"Pasensiya na bunso ah. amoy pawis si kuya driver mo." sabay tawa.
"okay lang manong driver." tumawa din ako.
I really don't mind if may pawis pa siya. Hindi naman mabaho, actually mabango pa nga ang pawis niya dahil sa humalong amoy ng pabango niya.
Wow! aso ka na pala ngayon ha? umaamoy ka na ng mga bagay bagay! may future ka teh!
Gaga!.
"Teka. Higpitan mo naman ang hawak mo, baka malaglag ka niyan eh." ang concern na tanong niya.
At hinigpitan ko naman.magkalapit na halos magkadikit na ang mga mukha namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. OMG. Ok, Av, relax.
Grabe! kinikilig ako!
"Okay, ayan." Lumingon siya sa akin at halos magdikit ang mga labi namin. Tiningnan niya ako at ngumiti. Ngumit na lang din ako. Grabe! hindi ko na talaga ma-take to!
Nag-umpisa na siyang lumakad papalabas ng kwarto. Paglabas ng kwarto'y nakita namin ang doctor at nagpasalamat kami. Malapit lang ang bahay namin sa clinic kaya pwede lang talagang lakarin. Bago kami umalis sa clinic, nakita ko pa si Ram na nakatingin sa amin ni kuya Van na mukhang malungkot. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumiti ng pilit.
O bakit ganito na naman to? anong meron sa kanya?
Oh ano? sasabihin mo na naman na nagseselos siya ha?
Ehh hindi mo naman ako masisisi kung yun nga ang iniisip ko,.
Anyway.
7 o'clock na ng gabi at madilim na ang langit, pero maliwanag ang kalsada dahil sa mga ilaw sa poste. Para akong batang nakasabit sa likod ng kuya niya. Ang cute naming tingnan.
"Kuya, sila Macky nga pala?" tanong ko.
"Pinauna ko na sila para sabihin sa mommy mo kung anong nangyare sa'yo." sabi niya.
"okay." sabi ko na lang.
"Okay ka lang ba baby ko?" sabi niya habang naglalakad.
Nagulat ako sa sinabi niya. "baby?!" tanong ko.
Ayiiieee! baby daw! nakakaloka kinikilig na talaga ako ng bonggang bongga grabe!
"Ahh eh, b-baby bro. baby brother. diba?" sabi niya.
"ahh ok..hmm.ok lang naman po ako kuya..ikaw hindi ka ba nahihirapan sakin? sa tingin ko kaya ko ng maglakad, kaya pwede mo na ako ibaba." sabi ko na lang. alam kong nagpalusot lang siya.
At pano mo naman nalaman yon aber?
Hello? nakalimutan mo na ba? expert ako sa pagpapalusot kaya lahat ng style alam ko.
So anong gusto mong palabasin? na baby talaga ang gusto niya itawag sa'yo? grabe teh ha, ang lakas ng hangin dito.
Ewan ko.basta..
haayy.whatever.
"Hindi na, malapit na tayo o. hayaan mo na kong ipasan ka hanggang sa bahay." sabi niya.
Malapit na nga naman kami sa bahay. "Okay sige, ikaw bahala." sabi ko.
Nakarating kami sa bahay. Nakapasan pa rin ako sa kanya nung pumasok kami. Ibinaba niya ako sa sofa at tumabi siya sa akin.
"Naku anak! Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni mommy habang papalapit siya sa amin.
Sige nga! ikaw suntukin, sa tingin mo magiging okay ka lang? hayy nako mommy mo talaga.
Shut up!
"Okay lang po ako mommy. wag na po kayo mag-alala." sabi ko na lang.
Niyakap ako ni mommy. "Sigurado ka anak?" tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko.
"Opo mommy." sagot ko.
"Sino may gawa sa'yo niyan? Ipapabugbog ko! Sabihin mo!" sabi ni daddy.
"Dad, wag na po. ako po ang may kasalanan sa nangyari, and okay na naman po ako kaya po dad, please." sagot ko kay daddy.
"Sigurado ka anak? kayang-kaya kong ipabugbog sarado yung gumawa sa'yo niyan.dila lang niya ang walang pasa." dagdag pa ni daddy.
"Dad.please."tumingin ako kay daddy ng may pagmamakaawa.
Nag-buntong-hininga si daddy. "okay sige. magpahinga ka na sa taas para hindi na sumakit yang ulo mo."
"Okay po, goodnight." humalik ako kay mommy at humalik naman si daddy sa aking ulo. Umakyat na ako sa kwarto ko. At tinumbok ang higaan. Hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa gusto ko na talagang magpahinga. Nakatulog ako kaagad.
Paggising ko, naramdaman kong kumirot muli ang ulo ko. At napansin kong mayroon akong katabi sa higaan. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim ang kwarto. Nakapatong ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib at hawak hawak ito ng kanyang kaliwang kaway. Nakapatong din ang aking paa sa kanyang tiyan. Nakapatong naman ang akong ulo sa kanyang braso na parang unan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko siyang halikan. Pamilyar ang init ng katawan niya, ang pagkakahawak niya sa aking kamay, at ang amoy ng kanyang hininga. Ilang inches lang ang agwat ng mga labi namin.
Sino kaya itong tao na to? Wala naman akong naaalalang katabi ko kagabi. Siguro panaginip lang to. Oo, tama. panaginip lang to.
Naka-set na sa mind ko na panaginip lang ang lahat. Kaya wala naman sigurong epekto kung hahalikan ko ang lalaking nasa harap ko. Hinalikan ko siya. Gumanti naman ito ng halik sa akin.
Ang weird.bakit parang totoo? it feels real. hayy nako. basta.panaginip lang to Av. it's just a dream so it's ok.
Kumalas ako sa halikan naming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo. ngunit hindi ito nagsalita. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at natulog muli.
Laking gulat ko ng magising ako. katabi ko pa rin ang lalaking nasa panaginip ko.
So ibig sabihin, hindi panaginip yon? so ibig sabihin totoo lahat ng nangyare? pati yung..halik? OMG. this can't be.
Napalunok na lang ako. Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.
------------------------
Until the next episode,
Av. 두통
6 comments:
baka nanaginip lang ulit
pag gising niya, dalawang lalake na katabi niya
omg! ahhahaha
OMG as in OMG! :)) HAHA
Did they really kissed? :))Something that I am looking forward to know on the next chapter. :] Hayst! I really love this story. :]
So GALING mo! :]
-SLUSHE_LOVE-
wow.... hehehe... i told myself not to read this series until the last part is posted naku di ko nagawa... now im craving for more chapters... hahaha :)
-jj-
AHA!
nag-lelevel up na ang kaharutan mo teh!
that's enough . . !
pag di ka tumigil , magkakaroon ng world war III . . cge ka . .
ahahaha!
kelan kya mangyayari sa lyf ko 'to?
[mangarap daw ba?]
Tse, manahimik k dyan, subconscious k lng . .
[ and so? totoo naman aa, there's no hope for you]
atpano mo nalaman? fortune-teller teh?
[whatever! ur such a loser!]
tse . .
ahahah Ü
thank you po mga kuya!
at dahil jan, mayroon kayung 1000 kisses! at 1000 hugs! congratulations! lol
thank you po ng marami.
posted na po ang next part.
enjoy reading!
thank you po ulit :)
from : bill
grabe aman kinikilig ako........
Post a Comment