The Best Thing I Ever Had - (Part 4) Break Even
Sunday, July 24, 2011
Note: Hi! this is the part 4 of The Best Thing I Ever Had. Enjoy! :) I would like to thank the following for their comments about this story :
John143
kuya Coffee Prince :)
Patrick
by: Vince / ace.raven
Si Jenny. Siya ang masasabing isa sa mga pinakamagagandang babae sa balat ng lupa. Sa ganda niya ay pang- miss universe ang dating niya. Maraming mga lalakeng nagkakandarapa sa kanya para manligaw pero ito'y di na pinagpapapansin. At ito pa ang masaklap. CRUSH SIYA NI KUYA VAN!
OMG! yaan mu teh! mas maganda ka sa kanya! sabi ni maldita.
"Hi babe happy 2nd monthsary!" ang nakangiting bati niya kay Kuya Van na parang excited na excited siyang makita si kuya.
BABE??!! Naguluhan ako sa narinig ko kaya naman ako tumingin kay kuya Van na may pagtataka sa aking mukha. Lalo naman akong nabigla noong hinalikan ni Jenny si kuya Van.
OUCH!
Natulala na lang ako. Pinipigilan kong huwag umiyak sa sobrang sakit ng nakitang pangyayari.
Shocking! and Hurt-ing, whatever. Ok ka lang teh? o wag ka iiyak, wag ka iiyak.
Hindi ako iiyak. hindi ako iiyak. kaya ko to. siguro mamaya na lang pero wag dito. kaya mo to Av. Relax. Pigilan mo sarili mo.
Kumalas na sila sa isa't isa. "Av..Bunso,..Si Jenny...girlfriend ko..."
"Nice to meet you Av." sabi ni Jenny at inabot niya sa akin ang kanyang kamay.
"N-nice to m-meet you too." Kinamayan ko siya at binitawan ng pilit na ngiti.
Nginitian din naman niya ako. Umupo kami sa isang table. Ang sweet nilang tingnan. At mukang ang saya saya nila.
"Excuse me." ang bigla na lang lumabas sa bibig ko at hindi ko na namalayan na bumaba na pala ako sa mall, naglalakad ng tulala. Hindi pa rin maka-get-over sa nakita. Nagseselos ba ko? Pero ala naman akong karapatan diba? Pero bakit biglang may tumusok sa dibdib ko? arrghh! ano ba to!
Lumabas ako sa mall at sumakay na lang ako ng tricycle pauwi. Habang nasa loob ako ng tricycle ay hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang nangyayare sa akin? Lalaki siya, dapat lang na babae ang para sa kanya. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Pinahid ko ang aking mga luha at inayos ang aking sarili nang mapansin kong malapit na pala kami sa bahay dahil ayaw kong makita ng aking mga magulang ng ganoon ang ayos ko.
Pagkapasok ko sa aming bahay ay nakita kong nakaupo ang aking mga magulang sa sala, nanunuod ng TV. Dali dali akong pumunta sa aking kwarto sa second floor. Pag dating ko sa aking kwarto ay nilock ko ang pinto, hinugot ang aking cellphone at nakita kong may 5 missed calls from kuya Van and 10 messages na galing din sa kanya. Hindi ko na iyon binuksan at ibinaba na lang ang aking cellphone sa study table ko at saka nagmukmok sa kama. Hindi pa rin ako natitigil umiyak dahil sa aking nakita at sa tuwing aalalahanin ko ang pagsabi ni Jenny kay kuya ng "Babe" at ang halikan nila, ay hindi ko mapigilang humagulgol. Bakit hindi niya sakin sinabi na may girlfriend na pala siya? At 2 buwan na pala sila? Siya pa tong nagsabi sa akin na wala kaming isesekreto sa isa't isa pero eto siya, malalaman ko na lang may girlfriend na pala siya.
Bigla na lang tumugtog sa radio ang kantang ito:
Nakakainis naman to! Parang pinatatamaan talaga ko eh?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagkagising ko'y nagulat ako dahil nasa tabi ko si kuya Van na nakatitig lang sa akin.
---------------------------------------------------------------
"Bakit ka nandito?" ang pambungad ko sa kanya. Namumugto at magang maga ang aking mga mata.
"Anung nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nawala? Nag-alala ko sa'yo. Tinatawagan kita, tine-text pero hindi mo naman sinasagot. Ano bang problema mo?!" ang sabi niya sa akin na bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.
"Wala." ang matigas na sagot ko sa kanya.
"Anong wala? Eh tingnan mu nga yang sarili mo, namamaga na yang mga mata mo. Umiyak ka ba? Sabihin mo na kasi problema mo bunso!" sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang aking balikat.
"Wala nga eh!" ang pasigaw na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumayo ako at akmang pupunta ng banyo pero napigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking kaliwang braso.
"Humarap ka nga sakin! Wala kang problema?! Eh bakit ka ganyan?! Hindi ka naman ganyan kanina ah?! May itinatago ka ba saakin ha?!"
"Sino nga ba sa ating dalawa ang may itinatago ha?!" ang pagdidiin ko sa kanya tungkol sa kanila ni Jenny. Muka namang na-gets niya ang sinabi ko at natahimik na lang siya bigla. Tumalikod ako bigla para pumunta ulit ng banyo pero pinigilan niya ulit ako.
"Ano ba?!" ang galit na sinabi ko sa kanya.
"Sandali lang, magpapaliwanag ako." ang mahinahon niyang tugon.
"Wala ka nang dapat ipaliwanag pa. Nakita ko na ang lahat." ang sabi ko at hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" tanong niya sa akin.
"Bakit ako nagkakaganito? Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito?" ang sabi ko sa kanya.
"Nag-seselos ka ba?" tanung niya.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko dahil nasabi ko na lang :
"OO. Nagseselos ako. at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Kasi wala naman akong karapatang mag-selos diba? Pero hindi ko alam kung bakit." huminto ako saglit para magpunas ng luha. Napansin ko naman ang pagtataka niya. "OO. tama ang narinig mo. BAKLA ako. at MAHAL kita. sinubukan kitang makalimutan pero hindi ko kaya. sinubukan kong ibaling sa iba ang pag-mamahal ko pero wala eh." Tumingin ako sa kanyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin na may awa sa kanyang mga mata.
Patuloy pa rin ang agos ng luha ko at bigla akong tumakbo palabas ng aking kwarto. Nagulat ako't napatigil dahil naroon pala ang aking mga magulang sa labas ng pinto sa aking kwarto na nakikinig sa pagtatalo namin ni kuya Van. Nagpatuloy na lang ako sa aking pagtakbo pababa ng aming bahay at tuluyan ng lumabas. Narinig ko pang tinatawag ako ng aking mga magulang noong nasa gate na ako ngunit hindi ko sila pinansin.
Tumatakbo pa rin ako ang walang tigil ang pagpatak ng luha ko na sinabayan naman ng pagbagsak ng ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinyaan ko na lang ang mga paa ko kung saan man ako nito dadalhin.
Makalipas ang ilang minuto, biglang humupa na ang ulan at naramdaman ko rin ang pagod sa aking katawan.Tumingin ako sa paligid. Nasa park na pala ako. Naupo ako sa isang bench malapit sa isang pond kung saan may fountain sa gitna.
Nakatingin ako sa malayo. Hindi ko ininda ang basang basa kong damit at katawan at ang malamig na hangin na umiihip sa aking katawan. Basta ang nasa isip ko lang ay nasaktan ako. Ngayong alam na niya na bakla ako, alam kong lalayuan na niya ako. Mawawala na ang pinagsamahan namin.
Sa oras na iyon, wala akong karamay at ramdam na ramdam ko ang pag-iisa ko.
Nakatingin pa rin ako sa kawalan nang maramdaman ko na lang na may humawak sa aking balikat. Nang lingunin ko kung sino iyon ay nakita ko ang aking daddy.
"Anak, halika na, umuwi na tayo." ang panunuyo sa akin ni daddy.
Hindi ko naman napigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit at nag-iiyak. "Daddy, I'm sorry.sorry po kung ganito ako."
"Shhh...Wag mu ng isipin iyon anak..halika na't umuwi na tayo, nag-aalala na sa iyo ang mommy mo". tugon ng aking ama.
Tumingin ako sa kanya at tinanong, "Hindi po kayo galit?"
Pinunasan niya ang mga luha ko sa aking pisngi at saka sinabing, "Oo noong una nagalit ako. Pero anu pa bang magagawa ko diba? kung diyan ka magiging masaya, ano bang karapatan kong pigilan ang nag-iisa kong anak?"
Ngumiti ako sa kanya at inakap ulit siya ng mahigpit. "Thanks Dad. I love you daddy."
Hinaplos niya ang aking ulo at saka sinabing, "Mahal na mahal din kita anak ko."
Umuwi na kami sa bahay at naabutan naming naghihintay si mommy sa pintuan. Agad niya akong sinalubong ng isang mahigpit na akap. Hindi ko na rin napigilang pumatak muli ang aking luha.
Iyakin ka teh?! sabi ng boses sa utak ko.
Che! tumigil ka nga! panira ka talaga ng moment kahit kailan.
"I'm sorry mommy." sabi ko.
"Ayos lang anak. Matagal ko namang alam." sabi ni mommy.
"A-ano po? P-papaano ninyo pong nalaman?" ang tanong ko sa kanya.
"Nanay mo ako. Sa akin ka nanggaling. Kaya alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo. Alam ko kung malungkot ka, o masaya. At saka isa pa, nakakahalata na rin ako sa'yo dahil iba ang saya mo kapag nakikita mo ang kuya Van mo." ang paliwanag sa akin ni mommy.
Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang sila mommy at daddy.
Nagpaalam na lang ako na magpapahinga na ako dahil pagod na ako. Hindi ko na rin itinanong sa kanila kung ano ang nangyari kay kuya Van. Sa panahon kasing iyon, naramdaman kong parang nabawasan ang tinik sa aking dibdib dahil sa alam na nga nila ang totoo. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang sarili ko na makaramdam ng lungkot dahil pumasok din sa isip ko :
Ano na kaya ang mangyayari sa amin ni kuya Van? Panigurado magbabago na ang lahat sa amin. Sana hindi na lang ako magising bukas para hindi ko na siya kailangang harapin pa.
Gaga! wag ka ngang ganyan! wag mong isipin yan! lalaki lang 'yon! there's a lot of fish in the sea! sabi ni maldita.
Hindi ko na lang ito pinansin.
Sakto namang tumugtog ang isang kantang nakakapag-paiyak talaga sa akin.
at iyon na ang huli kong naaalala nuong gabing iyon. Nakatulog ako.
-------------------------------------------------
Nagulat ako noong ako'y magising.
4:30 pm
Ganun ba ko katagal nakatulog at 4:30 na ng hapon?
Lumingon ako sa kabilang side ng aking higaan at laking gulat ko ng makitang naroon si Kuya Van, nakatingin sa akin.
Bakit siya nandito? Diba dapat hindi na niya ako lalapitan ngayon dahil sa alam na niyang may nararamdaman ako para sa kanya?. Ano ba tong nangyayare? bakit parang dejavu?
"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya.
-------------------------------------------------------------------------
Until the next episode :(
Av.
4 comments:
bitin naman poh :(..super like nung story..sana mejo habaan naman ng konti..next chapter pls.....
-RL
OUCH!
taken na pala tong c Kua Van . .
pano na ngayon yan Vince? . . Ü
in fairness . . ganda ng pagkakagawa ng story . .
laging sumisingit ang malditang utak ni Vince . . [ahahah]
Thanks kua Vince . .
Ü
@RL- posted na po ang next chapter lol.
@kuya Coffee - salamat ng marami! hahah
from : bill
kaloka aman yang utak ni av singetera. ahah
weee.. nakakaiyak aman. heehh ganto tlga ako pag nag babasa feeling q aq ung nag sasalita. ahah at dq mapigilan ang umiyak. ahha drama q. eheh
next page nq.
Post a Comment