Someone Like Rhon 9

Saturday, May 7, 2011

Abot-tainga ang pagkakangiti ni Drigo. Tingnan mo nga naman ang swerte. Hindi na niya kailangang hanapin ang lalaking hinahanap ni Lt. Wainwright. Ito na mismo ang nagpakita sa kaniya kanina.

"Bakit masaya ka?" tanong ng hubo't hubad na si Ligaya, parang pusa itong nagsimulang gumapang papalapit sa kaniyang pagkakahiga sa kama. Tinunton ng mga kamay ang nakaumbok na harapan na natatakpan ng manipis na puting kumot.

Naramdaman niya ang bigat ng katawan nito sa kaniyang mga hita, ang mainit na kamay at ang hininga nito sa pagkakalapit ng bibig sa dulo ng kaniyang pagkalalaki. Maingay ang ikot ng bentilador sa kisame at nagsisimula ng uminit ang pakiramdam niya sa nakahubad na katawan.

"Mukhang nakita na natin ang makakapagpabago ng isip ni Wainwright."

Akmang didilaan na sana ni Ligaya ang dulong iyon na nababalutan ng kumot nang tumigil ito para titigan siyang muli. "Sino?"

"May pinahahanap siyang isang lalaki kay Ignacio na ang pangalan ay Rhon Santillan."

"Lalaki? At nakita mo?"

Napangisi si Drigo. Iba nga rin ang tipo ng binabaeng si Wainwright. Kahit medyo madungis ang lalaki nang matagpuan niya kanina, hindi maipagkakailang sobrang gwapo ito at malakas ang sex appeal. Hindi siya bakla pero kanina nakaramdam siya ng paghanga o pwede rin namang insecurity nang pagmasdang maigi si Rhon Santillan nang ihiga niya ito sa kaniyang dalang kotse. Kahit sinong lalaki ay hindi maiiwasang hindi humanga sa kagwapuhang iyon na halos kapantay ng kagwapuhan ni Lt. Prince Kenn Wainwright.

"Oo. Lalaki. Sa tingin ko lalaki naman talaga ang gusto ng binabaeng iyon. Nandiyan siya sa kabilang silid."

Naisip ni Ligaya na mukhang tama naman si Drigo sa naisip nito. Si Kenn Wainwright lang kasi ang kauna-unahang lalaking hindi umangkin sa kanyang pagkababae. Nagsimulang pisil-pisilin ni Ligaya ang matigas na laman sa kanyang palad. "Anong balak mo?"

Napapaigtad siya sa sensayon. "Siya ang gawin nating alay para makuha natin ang side ni Wainwright."

"Kelan natin gagawin?"

"Ngayon na," tugon ni Drigo.

Hinawakan ni Ligaya ang dulo ng kumot na nakadikit sa kaniyang puson, hinila pababa. Galit na galit ang kaniyang pagkalalaking tumirik, ang dulo ay eksakto sa tapat ng bibig ni Ligaya. Hinawakan nito sa pinakapuno saka dinilaan ang malinaw na butil ng likido sa biyak. Nilasahan bago nilunok sa bibig. "Ngayon na ba talaga?"

Napakislot si Drigo sa init ng dila ni Ligaya na sumagi sa kaniyang alaga. "Ngayon pero hindi ngayon na. Mamaya pagkatapos mong paligayahin 'yan," inginuso niya ang laman na sakmal nito.

"Sige," sang-ayon ni Ligaya, ibinuka ang mga labi saka marahang isinubo ang hawak na alaga ni Drigo.

Napasinghap ng malalim si Drigo. Pagkatapos nito, saka na nila haharapin si Wainwright. Siguradong nasa baba na siya ng gusali ng King's Tavern gaya ng nakaugalian nitong pag-inom sa gabi.




NAUUHAW AKO. IYON ang unang pumasok sa isip ko pagmulat ng aking mga mata. Nanunuyo ang aking lalamunan at nakapanlalata ang sobrang dehydrated na pakiramdam sa buong katawan.

Estranghero sa paningin ko ang paligid. Wala na ako sa mainit at walang katapusang magabok na daan. Wala na sa ilalim ng sikat ng araw. Nasa isang silid na ako at patuloy sa maingay na pag-ikot ang bentilador sa kisame na nagbibigay ng hangin sa pawisan kong katawan.

Nasaan kaya ako?

Bumalikwas ako ng bangon sa malambot na kama. Nanatili sa pagkakaupo habang ang mga paa ay nasa sahig. Napakasimple lang ng silid. Isang kama na hinihigaan ko at isang sidetable. May isang painting na nakasabit sa dingding at sa may malapit sa pinto ay may isa pang pinto na bukas na makikita ang isang malaking balde sa loob.

Napatikhim ako nang makita ang isang aluminyong pitsel na nagpapawis ang labas sa sobrang lamig ng laman nitong tubig. Kinuha ko ang katabing baso saka nagsalin ng tubig. Ramdam ko ang pagguhit ng lamig sa aking lalamunan kasabay ng pagkapawi ng aking matinding pagkauhaw.

Madumi pa rin ang aking damit, nanlilimahid sa pinaghalong alikabok at maliit na damong kumapit. Nakakapangati tuloy ng katawan.

Nagpunta ako sa kwarto na may balde, comfort room pala iyon ng silid. Puno ng tubig ang malaking balde. Parang ang sarap magbuhos.

Napansin ko sa may paanang parte ng kama ang nakatuping damit at twalya. Kung sinoman ang lalaking nakapulot sa akin na pinagkakautangan ko ng buhay, siguradong siya rin ang nagdala sa akin dito at nag-iwan ng mga damit na nang lapitan ko ay tama sa sukat ko.

Sino kaya ang lalaking iyon? At nasaan siya?

Tinungo ko ang pinto saka lumabas ng silid. Nakita ko ang hagdan pababa. May isa pang katabing silid pero sarado ang pinto. May naulinigan akong parang mga ungol sa loob pero naka-lock ang door knob nang tangkain kong buksan.

May mga ingay din na nanggagaling sa may ibaba ng hagdan. Sinubukan kong magmatyag muna sa pinakataas na baitang hanggang makita ko sa ilalim ang maraming mesa at patay-sinding mga ilaw at malam na liwanag sa paligid. Hindi siya kasingganda ng mga beerhouses na napuntahan ko na. Para siyang isang bahay aliwan sa mga napanood kong mga sinaunang pelikula ng mga matatandang mga artista.

Nagbalik ako sa silid. Halos maubos ko na ang tubig sa pitsel ay wala pa rin ang lalaking nagligtas sa akin.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang magpasya akong maligo. Kinuha ang nakatuping twalya. Maliligo muna ako at magbibihis. Baka naman pagkatapos ko ay dadating na ang lalaking nagligtas sa akin.




"WALA NAMANG TAO sa silid," sabi ni Ligaya kay Drigo na nakaupo sa isang mesa sa loob ng King's Tavern. Inutusan kasi siya nito na itsek si Rhon Santillan kung nakahanda na sa pagdating ni Lt. Wainwright. "Pero may narinig akong naliligo sa loob ng banyo."

"Baka naligo," tugon ni Drigo saka inakbayan si Ligaya na umupo sa kaniyang tabi. "Tamang-tama, ready na siya pagdating ni Wainwright."

Ngumiti si Ligaya saka napabaling ang atensyon sa may entrance ng King's Tavern. "Speaking of the devil..."

Ibinaling ni Drigo ang tingin sa paparating. "Puntahan mo na sila. Asikasuhin mo habang hindi pa ayos ang ating regalo."

Tumango si Ligaya saka pagigil na pinisil ang kaniyang harapan. Pilyang ngumiti saka tinungo ang kinatatayuan nina Lt. Wainwright.

Tumayo na rin si Drigo sa mesa at umakyat sa itaas ng gusali. Nasa loob pa rin ng banyo si Rhon Santillan base sa naririnig niyang buhos ng tubig.

Kinuha niya ang hinubad nitong damit na nanlilimahid sa dumi na nakapatong sa gilid ng kama. Pati na ang nakatuping malinis na damit na ipinadala niya kanina. Dinala niya iyon palabas ng silid.

Mas maganda kung twalya lang ang nakatapis kay Rhon Santillan pagpasok ni Wainwright. Reding-ready kumbaga.

Ikinandado ni Drigo ang pinto saka muling bumaba ng gusali.




WALANG PLANO SI KENN na lumabas at pumunta ng King's Tavern. Si Rhon Santillan ang nasa isip niya. Paulit-ulit niyang iniisip. Naiinis siya sa sarili at ngayon lang nangyari ang ganito siya naging kaapekto. Hinahanap niya si Rhon, he's longing for him.

Kaya kaninang yayain siya ng kasamahang sundalong si Lt. Col. John Stockhome na isang doktor at kasama din sa tinutuluyang bungalow ay hindi siya pumayag. Not until naisip niya na kung si Rhon ay kasabwat nina Drigo, malaki ang posibilidad na makita niya ito sa King's Tavern. Iyon ay kung kasabwat nga, taliwas sa inaako nito na isa siyang time traveller.

Pagpasok pa lang nila ni John ay sinalubong na agad sila ni Ligaya at inihatid sa isang bakanteng mesa. Dinulutan ng tig-dalawang bote ng beer at yelo sa ice bucket.

Lumagok siya ng isa saka inilibot ang mga mata sa paligid. Napansin yata iyon ni Ligaya at inilapit sa tabi niya ang upuan saka umupo. "May hinahanap ka ba?"

Umiling siya. Napansin niya si John na may kasenyasan na isang babae sa kabilang mesa. After a while, nagpaalam itong may pupuntahan lang. Naiwan silang dalawa ni Ligaya sa mesa.

"Kumusta ang mga trabaho sa kampo?" tanong ni Ligaya.

"Everything is okay," maikling tugon niya. Ang mga mata ay naglilibot pa rin.

"Na-award na ba iyong runway project?" Iyon kasi ang sabi ni Drigo sa kaniya, ang mag-usisa tungkol sa mga incoming projects na pinupuntirya nilang makuha.

Lumapit si Drigo sa mesa nila. "May I join you?"

Tumango lang si Kenn.

"Tungkol sa runway project, kung nai-award na," sinadyang ulitin ni Ligaya para kay Drigo.

Mukhang wala talaga si Rhon Santillan sa buong paligid. Nalibot na ng buong mata niya ang lahat ng mesa pero wala ni anino nito.

Napatingin siya kay Drigo na naghihintay ng kaniyang isasagot. "It will be awarded within the week," tugon niya.

"Kumusta naman ang lagay namin?" tanong ni Drigo.

Not that good,iyon sana ang isasagot niya. "All quotations will be forwarded to the Army Finance Office tomorrow including the evaluation. The AFO will facilitate the awarding of the project a day after."

Lumapit lalo si Ligaya sa kaniya, idinikit ang dibdib. Ramdam niya ang mga utong nito sa kaniyang braso. "Kami ba ang mananalo?"

Hindi niya sinagot ang tanong.

"Makukuha ba namin ang runway project?" barakong-barako ang tono ni Drigo.

Kenn took a deep breath to keep his composure intact. "I think you'll just have to wait for the awarding."

Nagsimula na siyang himasin sa braso ni Ligaya. Nanunukso pa itong tumingin sa kaniya. "Pwede namang sabihin mo na sa amin ang resulta para kung hindi man kami ang mananalo, we still have time to do something about it."

"What do you mean?" parang gusto ng mainis ni Kenn.

"Pwede nating pag-usapan," tugon ni Drigo.

"Would that mean cutting your cost to half of your quoted price and ensuring only primary materials will be used in the project?"

Napatda si Drigo sa sinabi niya.

"Pwede namang hindi diyan. Pwedeng sa ibang paraan," patuloy ang paghimas sa kaniya ni Ligaya na wala namang epekto sa kaniya.

Tumango lang si Drigo nang pukulan niya ng pansin.

"You don't have to offer me anything or to bribe me to favor you in return--"

Sumabad si Drigo. "Not until you see what we've got for you. An offer you simply cannot resist."

Nagtatanong ang mukhang tumingin siya kay Drigo.

Ngumisi ng makahulugan si Ligaya saka idinikit ang bibig nito sa isa niyang tainga. Binulungan siya. "He's here."

"Yes, Rhon Santillan is here," paniniyak ni Drigo.

Nakuha na niya ang ibig nilang sabihin. Nandito nga si Rhon Santillan. Ibig sabihin kasabwat nga nila ito. Ibig sabihin nagsinungaling ito sa kaniya. Hindi ito isang time-traveller gaya ng initial claim nito.

Gusto niyang mainis, gusto niyang magalit.

Niloko siya ni Rhon Santillan.

Isip siya ng isip kung ano na ang nangyari dito, alalang-alala samantalang kasama naman pala nina Drigo.

Kung kailan may nararamdaman na siyang kakaibang pagtatangi kay Rhon Santillan. Kung kailan gusto na niyang aminin na na-love-at-first-sight siya dito. Kung kelan napagpasyahan na niyang makita lang niya itong muli ay hindi na niya pakakawalan at aariin ng kaniya at finally makikipag-commit na siya.

Oy My! Pinagmukha siyang tanga.

Napakuyom ang kaniyang kamao. Pinigilan ang sariling mapasuntok sa ibabaw ng mesa.

Pagbaling ng tingin kay Drigo, hawak nito sa nakataas na daliri ang isang susi. "He's upstairs, first door to the left."

"Pag kinuha mo ang susi, that would mean you're on our side," paalala ni Ligaya sa kaniya.

Sa namuong galit na nararamdaman, neglected na niya ang sinabi ni Ligaya. Inisang lagok niya ang natitirang laman ng beer. Tumayo sa upuan at kinuha ang susi sa kamay ni Drigo.

"Good guy," natutuwang sabi ni Drigo. At last makukuha na rin nila ang runway project.

Ngiti rin ng tagumpay ang nasa mga labi ni Ligaya. Ngayong makukuha nila ang project, siguradong may pagkakakitaan na naman siya.

Walang lingon-likod na tinungo ni Kenn ang hagdan paakyat ng second floor.




MAY NAULINIGAN AKONG pumasok sa silid kaya binilisan ko ang pagligo. Baka ang lalaking nagligtas na sa akin ang pumasok. Baka nandiyan na siya at naghihintay sa akin. Nakakahiya namang papaghintayin ko pa.

Itinapis ko lang paikot sa aking beywang ang tuwalya bago tuluyang lumabas.

Walang tao. Sarado pa rin ang pinto. At wala na rin ang pinagbihisan ko. Pero bakit pati iyong nakatuping malinis na damit ay wala na rin? Sinong kumuha? Ano ang isusuot ko ngayon?

Tinungo ko ang pinto. Oh My! Nakalock. Sino ang nag-lock? Bukas naman ito kanina. Bakit ila-lock? Hindi naman ako tatakas?

Idinikit ko ang kaliwang tainga sa pinto. Wala akong marinig na kaluskos sa labas ng silid maliban sa ingay na alam kong nagmumula sa ibaba ng gusali.

Kumatok ako. Humingi ng tulong. Nagmakaawang pagbuksan. Pero wala pa ring nagbukas ng pinto.

Tinungo ko ang mga bintana, pwede akong dumaan palabas pero wala naman akong maapakan sa labas para safe na makababa. Isa pa, nakatapis lang ako ng twalya. Baka hulihin ako sa kasong public scandal, kung existing man ang batas na ito sa panahong ito.

Pagkatapos ng ilang minuto, may narinig akong mga yabag sa labas ng silid palapit sa pintuan. Tumakbo akong palapit.

Nilakasan ko ang sigaw para siguradong marinig ako kung sino man siyang nasa labas. "Tulungan mo ako, nakulong ako dito sa loob ng silid!"

Pumihit ang dooknob. Tumabi ako sa pagbukas ng pinto.

Halos tumalon ang puso ko at mag-dribble sa sahig nang makita ko kung sino. "Kenn...it was you."

Iba ang ekpresyon ng mukha niya, parang may bahid ng itinatagong galit. Negative feeling ang dulot sa akin.

Gusto ko sana siyang yakapin at halikan sa mga labi. Gusto ko sana siyang kamustahin. Gusto ko sanang malaman kung ano na ang nangyari sa kaniya pagkatapos ko siyang iwan sa kweba. Gusto ko ding magpaliwanag.

"I'm happy to see you," iyon lang ang nasabi ko.

Walang imik na pumasok si Kenn saka muling ini-lock ang pinto. Naguguluhan ako sa ikinikilos niya.

"You don't have to do that," sabi ko sa kaniya, ang tinutukoy ay ang paglock niya ng pinto.

"I intend to get what they have bargained for," sabi nito na puno ng pait ang tinig.

Ano daw? "Hi-hindi kita maintindihan," iyon naman talaga ang totoo. Teka siya ba ang nagligtas sa akin?

Lumapit siya sa akin. Napahakbang ako palayo. Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Lumapit siya ulit hanggang sa paghakbang ko ay gilid na ng kama. Humakbang siya ulit hanggang dumikit na ang katawan niya sa akin.

"You really let them use you to get me on their side."

Napailing na ako. Napakapit sa mga braso niya. Sobrang nakakalito na ang sinasabi niya.

"Ano bang sinasabi mo Kenn? Sino ba ang tintukoy mo? Ikaw ba ang nagligtas sa akin kanina?"

Mukha naman niya ang inilapit sa mukha ko. "For God's sake Rhon, stop playing the innocent prick. You are one of them. Drigo and his men."

Nawindang ako sa sinabi niya. "Wala akong kilalang Drigo. If you'll just explain to me what was happening, I'll be more than willing to answer you."

Diretso sa ilong ko ang amoy ng beer sa kaniyang hininga. Nakainom si Kenn kaya siguro hindi alam ang sinasabi. Sa pag-isod pa niya lalo at pagdikit ng kaniyang katawan na humulma na sa akin, halos ma-out balance na ako. Napayapos na ang mga kamay ko sa kaniyang malapad na likuran.

Ga-hibla na ang layo ng mga labi ni Kenn sa labi ko nang magsalita siyang muli. "You're a liar," halos pabulong na niyang sabi.

Napasinghap na ako sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Magsasalita pa sana ako nang tuluyang takpan ng kaniyang bibig ang nakaawang kong mga labi.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP