Ang Mahal Kong Multo

Wednesday, June 29, 2011

By Jayson Patalinghug

Note: Ito pa ang UNCUT version ng entry ko sa BOL book 1. Enjoy reading at kung gusto niyo po makabili ng BOL book with complete stories na siguradong mae-enjoy niyo. Just send me an email sa king_sky92@yahoo.com

******************************************


November, basa ang paligid, makulimlim at ang panahon ay di ka aya-aya. Ang bawat patak ng ulan sa maliit at maruming bintana sa aking likuran ay parang tambol sa aking tainga. Pang sampung araw ko na ito na pumupunta sa aking opisina, uupo sa aking mesa at walang ginagawa. Wala naman kasi akong magawa, walang bagong kaso, walang trabaho at kapag nagpatuloy ito ay wala na rin akong kikita-ing pera. Nanatili nalang ako sa opisina ko dahil sigurado naman ako na kinandado na ng aking land lady ang inuupahan kong apartment. Wala naman talaga akong pakialam, kasi ang daming mga ala-ala doon. Pero naisip ko, ang opisina ding ito ay naging saksi ng mga ala-alang iyon. Nakatingin lang ako sa isang bakanteng desk sa tabi ko; tapos minsan titingin sa pinto, nagbabakasakaling may papasok, at samahan akong pakinggan ang bawat patak ng ulan.

Muntik na akong makatulog nang bumukas ang pintuan. Mga ilang oras na rin akong nakaupo habang ang aking mga paa ay nakapatong sa aking desk . Dali-dali akong umayos sa pagkaka upo at itinabi ang alak sa ibabaw ng aking desk at pinalitan ito ng mga blankong papel. Inayos ko ang gusot sa aking polo shirt  tapos sumuko din kasi sa tingin ko ay di na maayos pa iyon, anyway di din naman ako nakapag ahit ng dalawang araw so wala ding magbabago. Nag pose ako upang magmukhang confident, nagbabaka-sakaling di mapansin ng aking cliente na muntik na niya akong mahuli na natutulog at walang ginagawa.

Isang babae ang pumasok mula sa pintuan. May itsura siya at magara ang kasootan. Napansin kong hindi siya nabasa sa ulan, so I assume na nakasakay siya sa isang magarang sasakyan. Sa tingin ko ay nasa late 30’s na siya. Maganda siya at ka akit-akit, malamlam ang kanyang mga mata na kulay brown. Di ko naman talaga ini-intindi yun, besides di ko naman siya type.

May dalawang lalaki ang nakasunod sa kanya, sila ang type ko. Kambal sila at nasa early 20’s, itim ang buhok at ang mga mata ay kulay brown din. Gwapo ang mga mokong. Pareho silang matatangkad at makikisig, with neat, even features. Ang isa ay maiksi ang buhok, parang bago lang nagpagupit, samantalang yung isa ay medyo mataas ang buhok. Although magka mukha lang sila at pareho namang gwapo, Yung mataas ang buhok ang nakakuha ng aking attention. May kakaiba sa kanya. Ang babae at ang kambal niyang may maiksing buhok, both had carefully constructed neutral expression on their faces. Pero itong kambal na mataas ang buhok kakaiba ang kanyang expression, it’s a mixture of frustration and melancholy. At napansin ko rin na parang binabaliwala lang siya ng mga kasama nito. Gumala siya sa opisina ko at ginalaw ang mga gamit ko na para bang may karapatan siyang gawin iyon. Pilit niyang ina-abot ang mga bagay ngunit parang nahihirapan siya. May kakaibang kutob talaga ako dito.

Hinubad ng babae ang magara niyang coat it binigay sa kambal na may maiksing buhok. Sexy siya sa sleeveless na red. Ang mga mata niya ay parang nag uusisa na nakatingin sa akin, may pagka estrikta ang dating ng isang ito. Bintiwan ko naman ang isang pilit na ngiti, siya kaya ang ka una-unahang cliente ko bilang isang solo detective. Mukhang mataray at ingrata man ay napaka tanga ko kapag hinayaan kong umalis ito.
“Ito ba ang Sam and Jed Detective agency?” tanong niya habang ang kanyang mga mata ay luminga linga sa paligid ng opisina ko, napakagat labi siya na parang di nagustuhan ang nakita.

Pilit kong itinago ang kirot sa aking puso. “Jed Agency lang po,” sabi ko “Ako po si Jed Amaneo, pero pwede nyo akong tawagin Jed nalang.”

“Okay Mr. Amaneo. I have heard that you operate without a licence, and tumatanggap ka ng mga kaso that others may find to be unpalatable.”

Napabuntong hininga ako. So she wanted to pay me peanuts to do her dirty works. Di sana mangyayari ito kung nandito lang sana si Sam, pero wala siya. Ako lang ang nandito at kailangan ko ng pera.

I leaned forward. “Maari ko bang malaman kung ano ang gusto mong ipagawa sa akin magandang binibini?”

“Ang pangalan ko ay Stella Montemayor. Ito naman ang anak kong si Jeff.” Di man lang niya pinakilala sa akin ang kambal na may mataas na buhok na nakatitig sa kanya. Ang kanyang kamay ay nakapatong sa aking desk at ang mga daliri ay bahagyang nakalubog sa kahoy na mesa. Wow great, sa isip ko lang, multo pala ang isang ito. Dahil dito naisip ko na nakaharap ako sa isang homicide case. At sa tingin ko itong si Mrs. Montemayor ay nag asawa ng dahil sa pera at itong si Jeff ay di nya tunay na anak. Halata naman kasing parang naninibago sa kanyang estado ang babaeng ito at walang totoong ina ang magbibigay ng malagkit na titig sa kanyang anak ng ipakilala niya ito sa akin.

“So, Mrs Montemayor, how can I help you?” tanong ko sa kanya. Ayoko naman talagang masangkot sa kasong ito, pero wala akong choice. Kailangan ko kaya ng pera.

Naningkit ang kanyang mga mata at bahagyang nagpakawala ng isang pilit na ngiti. “May anak ako, pinatay siya,” sabi niya.

Di na ako na surpresa, pero kinagat ko ito, tiningnan ko si Jeff at nagtaas ng kilay.

She caught my gesture. “Ang isa kong anak, si Jhong, at alam namin kung sino ang salarin, pero wala kaming prweba na makapagpapatunay nito.”

Ang multo, siya si Jhong, hula ko lang. Nakatingin lang siya kay Stella at napakatalim nito. Napa buntong hininga ako. Ang babaeng ito, napaka lamyang mag sinungaling. Eh kahit wala pa ang multo, eh alam ko nang siya ang primary suspek. Alam ko na kung saan ito patungo. Maghahanap ako ng isang ebedensiya na alam ko namang gawa-gawa lang upang mapatunayan na inocente siya at i frame up ang kung sino mang kawawang nilalang na gusto niyang pag bintangan. Well, pwede ko itong sakyan, basta lang bayaran ako ng malaki eh. I was not in the position to be moralistic. Sa tingin ko naman mukhang handa naman itong magbayad ng malaki. At medyo naintriga din ako sa multong ito, kawawa naman at patay na siya.

“Okay, sabihin mo sa akin kung ano ang alam mo.” Sabi ko.

Tumango lang siya. “Si Jeff na ang maglalahad sa iyo ng lahat. Di ako dapat Makita ng sino man sa lugar na ito.”

“Drama queen”, sabi ko sa sarili. Walang matinong tao ang magsusuot ng kapansin pansing kasuotan kung ayaw mong mapansin ka ng mga tao. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito. Gusto yata ng babaeng ito na makipaglaro ako sa kanya ng isang murder mystery game. Nagtataka lang ako, parte lang ba ito ng kanyang mga plano o bobo lang talaga ang bruhildang ito. Tumingin tingin siya sa paligid at si Jhong naman ay binaling ang paningin sa isang nalalantang bulalak sa gilid ng bintana. Di naman akin iyon eh, iniwan lang yan diyan ng dati kong partner nung umalis siya at ayoko naming diligan iyan. Sa isip ko kasabay ng pagkalanta nito ang pagkamatay ng aking pag asa.

Tinanggal ko ang tingin kay Jhong at napansin kong nakatingin pala sa akin si Jeff na naninigkit ang mata. Bigla kong naisip, ako lang ba ang nakakakita ng multo dito? Narinig ko na yung theory na may connection daw ang mga kambal. Hanggat di pa malinaw ang lahat mas mabuting walang nakaka alam na nakikita ko si Jhong.
Nagmamadaling umalis si Mrs. Montemayor sa aking munting opisina. Nang makaalis na ang bruhilda nagkatinginan kami ni Jeff, ang bawat tingin ay matalim at may bahid ng pag aalinlangan. Nakaupo siya sa harap ng aking desk.

“So, bakit di mo simulang ilahad ang iyong nalalaman,” sabi ko.

Ngumiti sa akin si Jeff “Your name is Jed, right?” sabi niya, “ so Jed are you good in bed?” natawa naman siya sa malamya nyang joke.
Naningkit naman ang aking mga mata. “My name is Jed,” hay gwapo o hindi, ang taong ito ay walang modo, naisip ko nalang di kaya maling kambal ang namatay?

“Ano ang nagyari sa kapatid mo?”

Nagkibit balikat siya, “Pinatay siya”

Great, pareho pala sila ni Stellang tanga. “Hmm, sa tingin ko ay alam ko na..” sabi ko with forced patience, nangangati na ang mga kamay ko na kunin ang brandy na inilagay ko sa aking drawer.

“Kung gusto mong malutas ko ang kasong ito, Kailangan ko ng iilan pang impormasyon para makapag simula.”

“Kilala namin kung sino ang killer, ang aking ama. Si Jhong at si Stella....may  relasyon sila. Nalaman ito ng aming ama at binaril niya si Jhong. Nataranta si Stella at tinulungan niya si dad na itago ang mga ebedensya. Pero ngayon binabagabag na siya ng kanyang konsensya at natatakot na rin siya sa aming kaligtasan. Gusto ni dad na tumahimik kami, masyadong marami kaming alam. Kung mailalabas namin ang mga ebedensya, makukulong siya at di na nya kami maaring saktan.”

Tumango lang ako, as if naniniwala ako sa mga kasinungalingan niya. “kaya pala ayaw niyang may makapansin sa kanya,” sabi ko kay Jeff.

Tumango lang si Jeff. “Sa tingin ko hindi naman malalaman ni dad na nandito kami pero iba na ang nag iingat. Yan ang dahilan kung bakit ikaw ang napili namin, mas mabuti ng ikaw kesa kumuha pa kami ng sikat at magagaling na detective.”

I leaned forward on my desk, pinatong ang aking mga siko sa ibabaw ng desk at kinuyum ang dalawa kong palad. Halatang normal lang sa kanya ang manlait, di man lang niya napansin na nang iinsulto na siya. Gusto ko sanang tanungin ang multo gnunit di ko magawa sapagkat nandito pa si Jeff. Ayokong malaman niya na nakikita ko ang kanyang namatay na kambal.

“May opisyal na bang resulta ang imbestigasyon ng mga pulis?” tanong ko.

“Suicide,” sagot niya. “Pinunasan namin ang baril upang matanggal ang finger prints at inilagay ito sa mga kamay ni Jhong.”

Huli ka, sabi ko sa sarili. Una si Stella ang tumulong sa ama na itago ang mga ebedensya, at ngayon “kami” so kasama na siya. Ang mga sinungaling talaga.

“So,” sabi ko, with my best poker face, “You want me to open a closed case, at ipakulong ang sarili mong ama. Gaano na ba katagal na namatay ang kapatid mo? Mas preskong ebedensya mas mainam.”

“tatlong lingo,” sagot ni Jeff. “Gusto sana naming lumapit agad sayo, pero ang patayan ay nangyari sa front room ng bahay namin, and we couldn’t risk you investigating when my father is around. Aalis siya for a business trip in two days.”

“okay,” sabi ko. “Pupunta ako at mag iimbestiga in two days time.” Dalawang araw para kay Stella at Jeff na ihanda ang kanilang gawa-gawa na ebedinsya. Kung di ko lang alam na set up lang ang lahat ng ito, siguro pupusta ako na wala na talagang natitirang ebedensya sa crime scene.I wondered what the chronically stupid pair would come up with to plant. “In the mean time, magmaman-man lang ako sa paligid, titingnan ko if I can come up with any leads. Okay? And siguraduhin mong both you and your mother-“

“step-mother.” Sambat niya to correct me. “Sigurado akong kilala mo siya, David Montemayor ang pangalan ng dad ko.” Dugtong niya.

Ayoko nang mag sakay-sakayan sa mga kasinungalingan nitong si Jeff. Gusto kong mawala na siya sa paningin ko para naman makausap ko na si Jhong. Tumayo ako, and walked around my desk, holding out my hand. Tiningnan lang ni Jeff ang aking kamay na iniabot ko sa kanya at mayamaya ay inabot din niya ito. “I’ll see you in two days time, and I am sorry for your loss.” Sabi ko.

Binitiwan ni Jeff ang aking kamay. Di man lang siya mukhang malungkot at nagpasalamat pa sa akin, pagkatapos ay nilisan na ang aking munting opisina. Tiningnan ko si Jhong na nakaupo malapit sa isang sirang bintana ng opisina ko.

“So, gusto mo bang sabihin kung ano talaga ang nangyari?” tanong ko.

Di man lang siya na surpresang malaman na nakikita ko pala siya. Nagtataka lang ako kung alam ba niya na patay na siya o hindi. Matagal na akong nakakakita ng mga kaluluwa at karamihan sa kanila ay nahahati sa dalawag kategorya. Ang una, yung di nila alam na patay na pala sila at gumagala upang makipag ugnayan sa mga mahal nila sa buhay. Ang mga ito ay bigla nalang naglalaho kapag na realize nila na patay na pala sila. Pagkatapos meron ding alam nila na patay na sila, pero determinado na ayaw muna nilang mag move on. Minsan, mga salbahe ang mga ito.

Tumayo si Jhong sa kanyang pagkaka upo, di naman siya mukhag transparent, pero yung iba din namang kaluluwang nakita ko noon ay di din naman transparent o mukhang usok. Mukha lang naman silang normal.
“Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagda-anan ko para lang lumapit sila sayo at humingi ng tulong?” tanong niya sa akin.

“I’m flattered,” matabang kong sagot sa kanya. “At bakit mo naman gustong magpakita sa akin?” Alam kong alam niya na may iba akong tinutumbok sa tanong kung iyon pero alam kong di niya sasabihin. May kakaiba sa multong ito, and not just the fact that sobrang gwapo nito.

Ngumiti si Jhong at tumingin sa akin. “Kilala ka sa kultong kinabibilangan ko,” sabi niya, “Ang detective na nakakakita ng mga espiritu’t kaluluwa. Ang tanging tao na maaring tumulong sa akin.”
“Hulaan ko,” sabi ko, tinangkang wag pansinin ang parting kulto na sinabi niya. “Ang kapatid mo at ang madrasta mo ang totoong may relasyon, Nalaman mo ito at upang tumahimik ka isa o silang dalawa ang pumatay sayo. At ngayon gusto nilang i-frame up ang ama mo, at ikaw gusto mo ano? Maghiganti?”

“pwede na...malapit ka na dun” sabi ni Jhong, “pero ang totoo ay mas kumplikado pa dyan. Hindi ako ang namatay, sa simula.”

Di ko maintindihan. Jhong seemed so lucid, and sigurado siya sa sarili. Sa tingin ko ay ayaw lang niyang tanggapin na patay na siya. “Jhong,” sabi ko nang mahinahon, “I hate to break this to you, pero patay ka na. Isa ka nang multo.”

Tumawa lang si Jhong. “Ang akala ko na ang pagiging invisible at ang pagtagos ko sa mga ding-ding at pader ay bagong kapangyarihan,” sabi niya. “Maaring isa na akong espiritu sa ngayon, ngunit buhay pa ang aking katawan, detective,”

“Pwede mo akong tawaging Jed,” sambat ko sa kanya.

“Jed,” ngumiti si Jhong habang sinambit niya ang pangalan ko, na nagpalamig naman sa boong katawan ko. “Ako at ang kapatid ko kaanib ng isang kulto, mas active nga lang ako sa kanya. Nagbago kasi siya noong muling nag asawa ang ama namin. That bitch got her claws into him, deep. Alam mo bang 13 lang si Jeff nung akitin siya nang bruhilda naming madrasta?” Sabi niya, then he leaned back against the wall. Parang buhay lang siya, tatagos siya sa dingding kung di siya mag ingat. “Anyway, matagal na nilang plano na patayin ang ama ko, pagkatapos ibabaling sa akin ang sisi at magpakalayo-layo bitbit ang kayamanan ng pamilya habang ako ay magdudusa nang habang buhay na pagka bilanggo.”

“Ang galing naman ng plano nila,” sabi ko.

“Yan ang akala ko. Nalaman ko ang lahat at pinuntahan ko aking kambal. We had been close once, at ang akala ko ay maari ko siyang kausapin tungkol dito. Ngunit bumunot siya ng baril at nanagpambuno kami. Nabaril ko siya. I was completely shocked. At sinamantala naman niya iyon. Instead of moving on, itinulak nya ako mula sa aking  katawan at inari niya iyon. Di ko man lang alam na patuloy pala niyang pinag aralan ang mga mahika ng kulto ng patago. Kailangan mo akong tulungan na makuhang muli ang aking katawan. Ayokong manatiling ganito at lalo nang ayo kong pumunta sa liwanag.”

Kinuha ko ang brandy na nasa drawer, tinungga ko ito, ngunit di rin ito nakatulong. Ganito naman talaga ang mararamdaman mo kapag may isang multo na magsasabi sa iyo ng ganito at parang ang hirap paniwalaan. Nilapag ko ang bote sa ibabaw ng desk ko, at nilaro ang sombrero ko.

“Di ko maintindihan ang ibig mong sabihin at kung ano ang gusto mong gawin ko,” sabi ko sa kanya. “I mean, nakakakita ako ng multo at mga espiritu pero hanggang doon lang iyon. Wala akong alam tungkol sa kulam, anting2x o kong ano mang mahika.”

“nakikita mo ako at nakakausap. Sapat na iyon kesa sa mga kaibigan kong may mga kapangyarihan nga ngunit di naman ako nakikita.” Ngumiti siyang muli.
That smile completely defeated me. “okay, ano ba gusto mong gawin ko?” tanong ko sa kanya.

“Una, Gusto kong makipagkita ka sa isang tao para sa akin. Isa siyang permanent resident ng Crown Regency at nasa room 301 siya. Ang pangalan niya ay Ysmael. Kailangang pumunta ka doon bukas bandang alas tres hanggang alas singko ng hapon, kasi yan yung oras kung saan ang kapatid ko ay malapit sa lugar na iyon. Di kasi ako nakakalayo sa aking katawan, konektado pa rin kami ng kambal ko.”

“Pagkatapos?” tanong ko ulit. Sa tingin ko itong Ysmael na ito ay di nakikita si Jhong, at nagtataka ako kung paano ito makakatulong.

“Maaring gumawa ng potion si Ysmael, isang potion na makakapag pahina sa kapangyarihan ng kapatid ko. At kapag nangyari iyon, maari ko na siyang itulak at angkinin muli ang aking katawan.”

Parang sobra naman yata ito para sa akin, okay lang sa akin ang mga multo at kaluluwa, pero itong mga potion at pagpapalit nang katawan...napabuntong hininga nalang ako. “So gusto mo na tulungan kita na mainom ng kambal mo ang potion na gagawin ni Ysmael? At ano naman ang mapapala ko kapag tinulungan kita? I mean if gagawin ko ang gusto ng madrasta at kambal mo eh kikita ako ng maraming pera, at kapag nangyari iyon eh di makakabayad na ako sa renta ng apartment ko.”

Binitiwan na naman niya ang pamatay niyang ngiti, ang ngiting pumukaw sa nagsusumidhi kong damdamin. Di ko alam kung alam ba ni Jhong na attracted ako sa kanya.

Lumapit si Jhong sa akin at nilagay niya ang malamig nyang kamay sa aking mga pisngi. Ang pagdikit ng kanyang mga palad sa aking pisngi ay para lang isang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. “Kung gagawin mo ito para sa akin,” bulong niya, “may makukuha kang isang special na gantimpala” Idinikit nya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. Kakaiba ang sensasyong iyon;  ang kanyang mga labi ay malamig at parang hangin, sa isang banda it was incredibly erotic. Gusto ko siyang yakapin at gantihan ng isang mari-ing halik ngunit baka maudlot lang ito kapag tumagos lang ang kamay ko sa kanya. Kumawala siya sa pagkakahalik at dumestansya ng kunti, isang misteryosong ngiti ang kanyang binitiwan.

Pagkatapos ay bigla nalang siyang naglaho, iniwan niya akong kumakabog ang dibdib at may naninigas na bagay sa gitna ng aking mga hita. Hinimas ko ang aking ulo at saka napaungol ng kaunti. Pinabayaan kong madala ako ng isang multo. I really, really, really should not be doing this. Inabot ko ang bote ng brandy at tinungga ito.

Tiningnan ko ang aking relo, alas tres na pala. Napa buntong hininga ako at kinuha ko ang aking coat at ibinilikis ito sa katawan ko. Ang ulan mula kahapon ay nawala na, pero malamig pa rin, gawa siguro nang papalapit na ang December.  I have spent the last three days debating with myself. Naglaho nalang si Jhong bago pa ako makatango sa gusto niyang mangyari. Wala naman akong pananagutan sa multong ito; ang mas mainam gawin ay maghanap ng naka set up nang ebedensya para ma frame up ang kanyang ama upang magka pera. Ngunit heto ako, nasa labas ng Crown Regency hotel, naghihintay na magpakita si Jhong. At nagpa gwapo pa talaga ako para dito. Nagbitiw nalang ako ng isang buntong hininga para sa aking sarili. Di pa rin ako makapaniwala na possible palang agawin ng isang kaluluwa ang katawan ng iba. Okay, nakakakita ako ng mga espiritu’t kaluluwa, pero hanggang doon nalang yun. I never wanted this ability, iniiwasan ko nga ito hanggat maari. Kalokohan talaga ito; imbes na magtrabaho para sa pera, heto makikipagkita pa ako sa isang taong di ko naman kilala at kasama pa ang isang multo. A ghost that I was deeply attracted to. Pagtatawanan ako ni Sam sa katangahan kong ito kung nandirito lang siya. Syempre kung nandito lang si Sam sigurado din naman na hindi ko gagawin ang ganito.
Nagpakita na si Jhong sa harap ko na ikinagulat ko naman. Natawa lang ang mokong; salbaheng multo. “Ano ba, wag mo ngang gawin yan!” naiinis kong sabi.

“Handa ka na ba?” tanong ni Jhong.

Nagbuntong hininga ako. “I guess...Sana nga lang maniwala yang kaibigan mo sa akin. Ano ba itong pinagsasabi ko; ang pangalan niya ay Ysmael at gumagawa siya ng mga gayuma, syempre maniniwala yun sa akin.”
Tumawa lang si Jhong, at pagkatapos nginitian niya ako. “Thank you for doing this to me,” sabi niya.

Naglakad kami sa doorway ng hotel, Iniiwasan ni Jhong na makabangga ng mga tao, na sa tingin ko naman ay nakakatuwa. Nang naitanong ko sa receptionist ang pangalang Ysmael, di naman siya parang na surpresa, sa tingin ko hindi talaga naglalabas ang Ysmael na ito at nagatataka naman ako how he managed to afford a hotel room.

Alam ni Jhong kung saan siya pupunta kaya sumunod lang ako sa kanya. Hinintay pa niya ako upang magbukas ng pinto imbes na tumagos nalang siya dito.

“bakit ba hindi ka nalang tumagos sa mga pintuan?” tanong kong naguguluhan.

“Kasi ayokong masanay nang ganito” sagot naman niya. “Gusto kong maalaala kung papano ang maging isang buhay na tao at hindi ang pagiging multo.” Parang nangitim ang kanyang brown na mata, palatandaan ng kanyang determinasyon, at bigla akong nakaramdam ng kakaiba, parang gusto ko siyang halikan upang mapawi ang nararamdaman nito.

Sinundan ko lang siya at bigla nalang siyang humito at dahil dito ay tumagos ako sa katawan niya. Tumingin siya sa akin.

“Sorry,” sabi ko. Nasa labas na pala kami ng pintuan ng room ni Ysmael.

Nagbuntong hininga si Jhong I mean tinangka pala niyang mag buntong hininga since hindi naman siya humihinga at that time. Parang nainis din siya doon then he shook his head ruefully. “Di mo kasalanan,” sabi niya. “Ngayon di ako nakikita ni Ysmael, Pumunta ako dito nung isang araw, nagsisigaw sa kanya na para lang akong tanga. So para mapatunayang kasama mo ako, kailangan mo ng password. Kumatok ng tatlong beses, pagkatapos ay dalawa. Sasagutin niya iyan at bago ka pa niya sarhan ng pinto, sabihin mong Nagliliwanag pa rin ang bituin sa kanluran.”

“okay,” mahina ko namang tugon. Ang kilos at asal ni Jhong ay para lang namang normal, ngunit itong kaibaigan nya ay mukhang weirdo at nakakatakot. Kinatok ko na ang pintoan gaya ng utos ni Jhong sa akin. Ilang saglit lang bumukas ang pinto, at lumantad ang isang maamo ngunit mausisang mukha.

Ang akala ko ay mukhang tsonggo o mukhang aswang ang makikita ko, ngnunit napakagandang lalaki pala nitong si Ysmael. Ang mga mata nya ay kulay itim at matangos ang kanyang ilong, parang misteso ang isang ito. Mukhang ilang taon lang ang agwat ng edad namin. Tinitigan niya ako at ilang segundo lang ay akmang pagsasarhan na ako ng pinto. Naalala ko ang mga katagang itinuro sa akin ni Jhong at bago pa niya ako bagsakan ng pintuan ay pinigilan ko ito sa pamamagitan ng dalawa kong kamay.

“Nagliliwanag pa rin ang bituin sa kanluran” pahingal kong sambit sa mga katagang itinuro sa akin ni Jhong.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ysmael noong marinig niya ang katagang iyon at tuluyan na niyang binuksan ang pinto para sa akin. “Ano ang alam mo tungkol kay Jhong?” tanong niya sa akin.

“Pwede ba akong pumasok?” pagbalik ko ng tanong. Ayoko yatang makipagtalakayan tungkol sa mga multo at mga gayuma dito sa labas.
Nagdalawang isip si Ysmael ngunit pinapasok din naman ako.

“Hindi ka talaga papasukin niyan ng basta basta hanggat di siya nakakasiguro na ikaw ay hindi isang aswang,” bulong sa akin ni Jhong.

Tinitigan ko siya ng saglit. Sa isip ko lang gusto ko nang umalis sa lugar na ito, ngunit eto na naman si Jhong at ang kanyang pamatay na ngiti. Kinokontrol na naman ako ng mokong na ito, naisip ko lang baka sila ni Estella ang tunay na mag ina kasi pareho silang manipulative eh. Pumasok nalang ako sa kwarto ni Ysmael, at si Jhong naman ay nasa likuran ko.

Ang akala ko ay isang madilim na silid ang aking makikita, ngunit mali ako bukas ang lahat ng kurtina at napaka liwanag sa loob. Sa tingin ko tgakot nga sa aswang ang taong ito. Isa itong magarang silid; may dalawang pintuan ang isa ay para sa bed room at ang isa naman ay para sa bath room. Ang mga dekorasyon ay magagara din ngunit marami itong mga shelves na gawa sa kahoy, lulan nito ang mga libro at mga garapon. Bigla naman akong nahintakutan na baka ang gagawin ko ay ang paglason sa kanyang kapatid.

Naupo si Ysmael sa isang magnolia armchair at itinuro sa akin ang kakambal nito kung saan naman ako umupo, sana hindi niya ako alokin ng maiinom. At hindi nga, naupo lang siya nakatitig sa akin na para ba akong isang halimaw or some kind of freak. “Ano ang alam mo tungkol kay Jhong?” Tanong niya ulit.

“Nandito siya, I mean ang kaluluwa niya.” Sabi ko. “Nakakakita ako ng mga kaluluwa, at gusto niyang lumapit ako sayo at humingi ng tulong...”

Nakaupo lang si Ysmael habang isinalaysay ko ang boong pangyayari. Naniwala naman siya at sa di malamang dahilan parang mas natatanggap na niya ako ngayon. Sa tingin ko mas normal sa kanya ang mga di pangkaraniwan.

“Nasaan so Jhong ngayon?” naitanong niya nung mapansin niya ang aking katahimikan. Tinuro ko si Jhong, na sa ngayon ay nakatayo sa aking tabi. Tumingin naman siya sa lugar na itinuro ko, ngunit ang kanyang mga mata nakatingin isang dipa kung nasaan si Jhong. Di ko na iyon pinuna.

“Magagawa ko ang gayumang kailangan mo in two days time,” sabi niya.

“Makikipagkita ako kay Jeff bukas,” singit ko,”sa tingin ko ay mas maigi kung magawa mo ito ngayon.”

Tinitigan lang ako ni Ysmael. “Kailangang nasa eksatong hanay ang buwan upang gumana ang gayumang ito,” sabi niya. “Ang pinakamaaga na magagawa ko ito ay bukas ng gabi. Ang gayuma ay handa na in two days time.”

“Huwag ka nang makipagtalo sa kanya,” sabi ni Jhong. “Makipagkita ka sa aking kapatid, pagkatapos imbitahan mo siya sa iyong opisina; mahihirapan kang ipa inom sa kanya ang gayuma sa sarili niya bahay.”

“Paano ko naman siya iimbitahan sa opisina ko? Offer a dinner date?” tanong ko kay Jhong.

“Well naisip ko pwede mo siyang anyayahan for a follow up interview, pero syempre you know whatever works for you. At least di niya magagamit ang katawan ko upang makipag harutan sa bruhildang iyon.” Sabi ni Jhong.

Nakaupo ako sa aking desk, kagat ang aking labi at nakatitig sa kawalan. Ang pakikipagkita ko kay Jeff ay umayon naman sa nakaplano; binigyan niya ako ng isang matibay na ebedensya; isang diary. Di ko mapigilan ang matawa. Di nagpakita si Jhong nung magkita kami ni Jeff pero nagpakita din naman siya sa akin pagkatapos ng pakikipagkita ko sa kapatid niya. Magkakambal sila, alam kong nakikita ni Jeff si Jhong ayaw lang niyang ipahalata. Natatakot din si Jhong na malaman ni Jeff na nakikita ko siya, baka mahinuha nito ang aming plano. Sa tingin ko naman mukhang imposible na mangyari iyon kasi tanga itong si Jeff, sing tanga ng bruhilda niyang step mother. Si Jhong lang ata ang may utak sa pamilya nila. Teka mukhang nagiging bias na yata ako kapag involve na si Jhong. Sa ngayon si Jhong ay nasa loob ng aking opisina gumagala lang, nakakaramdam siya sa lahat ng bagay ngunit di niya ito nahahawakan. Tumatagos lamang ang kanyang mga kamay sa lahat ng bagay na kanyang hahawakan. Nakatitig ako sa gayumang bigay sa akin ni Ysmael, parte ng dahilan kung bakit ko ito tinititigan ay dahil sa tuwing nakikita ko ang malahanging katawan ni Jhong na tumatagos lamang sa mga bagay na kanyang hinahawakan ay napapaisip ako kung ano kaya ang pakiramdam kapag dumampi ang mga kamay na iyon sa aking katawan ng laman sa laman. Tuloy nagdududa na ako sa aking sariling motibo; sa tingin ko ay sobra pa sa pansariling interest ang pagnanasa kong makita at mahawakan ang buhay na katawan ni Jhong.

Mula sa isang basag na salamin ng bintana sa aking opisina nagtagpo ang mga mata naming ni Jhong. Nagkasundo kami na mas mainam kung sa labas na lamang siya maghihintay upang maka iwas sa kung ano mang hinala. Kumindat lang si Jhong at saka sumandal sa pader na nasa kanyang likod at tumagos siya dito at nawala sa aking paningin.

“Pasok ka,” Pagtawag ko, nung natiyak ko nang wala na si Jhong sa silid.

Itinulak ni Jeff ang pinto upang buksan ito, at saka tuluyan na siyang pumasok sa aking opisina. Tila lumundag naman ang aking puso dahil sa parang si Jhong lang ang nakita ko, magkamukhang magkamukha talaga sila. Sa aking pagkamangha ay  di ko man lang namalayan na ang boteng pinagsidlan sa gayuma ay nakalantad lamang sa ibabaw ng aking desk at nakapang mura ako sa isip ko. Agad naman akong tumayo sa harap ng desk at kunwari’y tinuro sa kanya ang kung saan siya uupo samantalang ang isa ko namang kamay madaling inabot ang bote at inilipat ito sa kabilang drawer. Umupo naman si Jeff sa upuan na nasa aking harapan at ang kanyang kamay ay nakadantay sa kanyang lap.

“So, detective,” sabi niya, “Sa tingin mo makakamit kaya natin ang hustisya para sa kamatayan ng aking kakambal?”

“Tiyak ako diyan,” sagot ko naman. “Ang diary ng iyong ama ay sapat na upang mapatunayan ang kanyang pagkakasala; all we have to do is to verify the hand writing.”

Naglagay ako ng dalawanng baso sa ibabaw ng aking desk, pagkatapos ay kinuha ko ang bote ng whisky na nasa aking drawer, palihim ko namang kinapa ang bote ng gayuma na nasa ibabaw ng drawer at pagkatapos ay nilagyan ko ng ilang patak ang bote ng whisky na sa tingin ko ay tama lang para sa aking balak. Lumingon ako at pagkatapos ay nilagyan ko ng whisky ang dalawang baso na nasa ibabaw ng aking drawer. Ibinigay ko ang isa kay Jeff habang kinuha ko naman ang isa, kunwari ay iinumin ko. Kinuha naman niya ang baso at nilaro lamang ito, parang wala siyang balak na inumin ito. Ayoko namang isipin na kailang ko pa siyang pilitin na inumin ito.

Nilaro lang niya ang baso ng whisky habang nangunot ang kanyang noo. Sa puntong ito naman ay muling nagpakita ang kaluluwa ni Jhong sa silid. Tiningnan niya ako na ang mga mata ay parang nagtatanong. Tumango lang ako ng bahagya.

“Nagtataka lang ako detective,” mahinang sabi ni Jeff, “bakit mo ba ako inanyayahan dito? Nasa sayo na naman ang ebedensya na kailangan mo, sa tingin ko ay di na kailang pa ang interview na ito.”

Nataranta naman ako sa tanong niyang iyon, ngunit saglit lang ay nanumbalik ako sa aking ulirat, itinaas ko ang aking baso. “Gusto lang kitang batiin,” sabi ko, sabay inom sa whisky na lulan ng aking baso, maingat ako na dapat hindi ko malunok iyon. Holding whiskey under your toungue is particularly not a pleasant experience, lalo na kung mumurahin ito, at sana naman ay kagatin na ni Jeff ang aking bitag. Nasa panig ko naman yata ang tadhana; ilang saglit lang, tinungga na ni Jeff ang whisky sa kanyang baso. At pagkalagok niya rito nagkunwari naman ako na nabilaukan at sabay luwa sa whisky sa basurahan na nasa aking tabi. Pagkatapos naglagay na naman ako ng panibagong whisky sa aming mga baso, sana sa puntong ito sapat na ang nainum ni Jeff kasi feeling ko di na kikita ang pagkukunwari ko sa ikalawang pagkakataon. Tiningnan ako ni Jeff na naniningkit ang mata, parang naghihinala na siya.

“Alam mo, babae ang gusto ko,” sabi niya. “Si Jhong ang siyang..” Natigilan siya, naisip niya siguro ang dati niyang pahayag na pinagbintangan niya ang kanyang kambal na kalaguyo ng kanilang bruhildang madrasta.
“Hindi naman sa ganun,” sabi ko “Gusto lang kitang batiin.”

Huminga lang siya ng malalim at umikmid, parang di yata naniwala. Tinungga naman niya ang ikalawang baso ng kanyang whisky. Sa pagkakataong ito nang akmang ilalapag na niya ang baso pabalik sa desk, nahulog ito mula sa kanyang kamay at gumulong sa carpet. Naningkit ang kanyang mata at parang nagalit. Nanlamig ang boong paligid at nakita ko si Jhong na nakatuon ang lahat ng pansin sa kanyang kakambal. Itinulak niya si Jeff at nakita ko ang kaluluwa ni Jeff na lumabas sa katawan nito habang ang kaluluwa naman ni Jhong ay inangkin ang nakahandusay na katawan. Tumayo ako aking kina- uupuan upang makita ko ng malinaw ang nangyari, parang dalawang sasakyang nagbangaan ang aking nasaksihan. nakita ko ang isang kaluluwa na nakadapa sa sahig. Hindi ito si Jhong; ang buhok ay maiksi, at ang kanyang katawan ay transparent na parang usok lamang. Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ako at ilang saglit lang ay bigla nalang siyang naglaho sa aking paningin.
Di ko na siya dapat alalahanin pa. Ibinaling ko ang tingin kay Jhong na ngayon ay nakahandusay sa sahig.

“ugh, ang bigat ng pakiramdam ko” sabi niya.

Inabot ko ang aking kamay upang alalayan siya, marahil hindi mabuting ideya sapagkat ang aking puso ay tumibok ng malakas na tila tambol, habol ang aking paghinga ng dumampi ang kanyang balat sa akin. Tinitigan niya ako at para namang nanlambot ang aking kalamnan sa mga titig nyang iyon. Hinawi niya ang kanyang buhok “mas maiksi kay sa gusto ko, ngunit pwede na rin” sabi niya at pagkatapos ay tiningnan niya akong muli at ngumiti, at ang ngiting iyon ang tuluyan nang nagpahina sa aking mga tuhod. Malapit na kami sa isat isa at idinampi niya ang likod ng kanyang mga palad sa aking pisngi. Bigla namang nag init aking katawan sa kanyang ginawa.

“Ive missed touching,” bulong niya, nawala ang kanyang mga ngiti sa labi at biglang naging seryoso ang kanyang mukha. Magkalapit na kami at ang mga mata namin ay nagkasalubong, di ko na makayanan kung kayat ibinigkis ko ang aking mga bisig sa kanya at hinalikan siya ng mariin. Nalalasahan ko pa ang whisky sa kanyang bibig, niyakap naman niya ako ng sobrang higpit, ibinalik sa akin ang isang matamis na halik, mas mapusok. Masyado pa yatang maaga, dumistansya siya kunti sa akin at habol ang kanyang paghinga.

“Gustuhin ko mang ipagpatuloy ito, eh di ko alam kung ano-ano ang pinag-gagawa ng kapatid ko sa katawang ito. I would like to wash first, before....”

“But will there be an after?” I asked.

Hinalikan muli ako ni Jhong. “Difinitely,” malambing niyang tugon.

“Okay, Tingnan natin kung gumagana pa ba ang susi ko sa aking apartment,”

Ang apartment ko is just 5 minutes away, pero natagalan kami sa pagpunta doon kasi itong si Jhong di mo mapigilin sa paghawak sa lahat ng bagay sa paligid; I found myself na nagseselos sa mga ding-ding, poste, kahoy at mga bulaklak. Sana hindi pinalitan ng land lady ko ang lock ng aking apartment; Para na yata akong sasabog kung maghahanap pa kami ng ibang lugar.

Napaka swerte ko di naman; gumagana pa ang aking susi. Tinuro k okay Jhong ang bathroom, at ako naman ay tumingin tingin sa paligid nh aking lumang tahanan. May isang linggo din akong di nakauwi dito. Isa lamang itong simpleng apartment; may isang main room with a kitchen na kadugtong nito, isang bathroom at isang bedroom. Ang buong paligid ay mukhang walang nakatira, makikita mo ang linya ng mga alikabok sa lahat ng mga gamit doon. Binuksan ko ang bintana upang may pumasok na preskong hangin sa loob ng silid. Kahit ma alikabok na ang paligid, the place was tidy bago siya lumisan.

Nakakapanibago, dati kapag iniisip ko siya ay parang sinasaksak ang dibdib ko sa sakit, ngunit ngayon tila baliwala nalang ang lahat. Si Jhong ang naging laman ng aking utak, at di ko man lang naisip si Sam. At ang nakakatuwa ay di man lang ako nakakaramdam ng guilt sa sitwasyon ko ngayon. Bikuksan ko ang pintuan nng kwarto, It was as neat as the main room. Napako ang aking tingin sa bed at ang aking utak ay nakatoon naman kay Jhong. Nariring ko buhos ng tubig mula sa shower. Pinikit ko ang aking mga mata; Di ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng mga ito.

Naramdaman ko nalang na may mga bisig na bumilikis sa aking katawan, ang init ng kanyang katawan ay lumapat sa aking likuran, ibinuka ko ang aking mga mata. Di ko man lang nalamayan ang paghinto ng buhos ng tubig mula sa shower. Nanikip ang aking dibdib dahil pagkakadikit n gaming mga katawan; ang kanyang buhok ay dumampi sa aking pisngi at ang aking paghinga ay parang natigilan sa ilalim ng aking lalamunan.

“Tulad pa rin ba ng dati ang lahat?” tanong ko sa kanya na ang boses ay pilit na ikinalma.

Ngumiti lang si Jhong. “OO, parang walang nagbago.” Sagot niya, Sumikip ang pagkakayakap niya sa akin. Nararamdaman ko ang pintig ng kanyang puso mula sa aking likuran, ang kanyang hininga sa aking batok. I twisted in his embrace upang mayakap ko rin siya at inilingkis ko ang aking mga bisig sa kanyang batok at hinalikan siya ng mariin. The position was awkward, pero di ko na iyon inintindi, ginantihan naman niya ang bawat halik ng isa pang halik na tila wala ng bukas. Binuka ko ang aking bibig at naramdaman kong ipinasok niya ang kanyang dila sa loob at sinipsip ko naman ito. Hinawi ng aking mga daliri ang kanyang basing buhok. Wala siyang saplot sa katawan maliban sa tuwalyang nakabalot sa kanyang bewang. Gusto kung hablotin iyon at itulak siya sa ibabaw ng kama ngunit determinado akong dadahan-dahanin ang lahat upang aking malasap anng bawat sandal ng aming love making. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kinabukasan pagkatapos ng lahat ngunit ang importante sa mga oras na iyon ay kasama ko si Jhong at pagsasaluhan naming ang gabi.

Hinarap ko si Jhong at nagkatitigan kami sa mata. Pinagapang ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib, nasasakat ko ang kanyang naninigas na utong habang hinahagod ito ng aking mga hinlalaki. Ipinasok naman ni Jhong ang kanyang kamay sa ilalim ng aking T-shirt at ang kanyang mga daliri ay gumapang sa aking likod. Yumuko siya nng kunti at hinalikan ako ng parang wala ng bukas, marahan sa simula hanggang sa maging mapusok ito gamit ang kanyang dila ngipin at labi. Napaungol naman ako sa sobrang sarap at ang aking kamay ay gumapang sa kanyang bewang at tinangga ang tuwalayang nakabalot sa parting iyon, hinawakan ko ang kanyang pwetan at idiniin ko ang kanyang katawan sa aking matigas na pag aari. Diniinan ko pa ang aking mga yakap kasabay ang isang malakas na ungol habang sinisipsip niya ang aking dila. Habang hinahalikan ang kinakagat-kagat ang aking labi ang kanyang kamay naman ay dahan dahang hinubag ang aking t-shirt. Itinulak niya ako at bumagsak ang aking katawan sa ibabaw ng bed, pumatong siya sa ibabaw ng bed at dahan-dahan niyang tinanggal ang aking pantaloon. Tinulungan ko naman siya kahit na nanginginig ang aking mga kamay. Parang magliliyab ang boo kong katawan sa kanyang mga yakap. Tinanggal niya ang natitirang saplot sa aking katawan at tuluyan na siyang pumatong sa ibabaw ng aking katawan. Naghalikan kami sandal habang ang mga kamay naming ay gumala sa kung saang parte n gaming katawan, sinasalat ang bawat laman. Ang pakiramdam ng kanyang hubad na katawan na lumapat sa aking katawan ay nagdulot ng kakaibang sensasyon, isang pakiramdam na pwede kong ikabaliw.

At pagkatapos dahan dahang binaba ni Jon gang kanyang mga halik patungo sa aking leeg at pagkatapos sa aking dibdib, trailing a line of kisses down my body. Napatiyad naman ako ng dumampi ang kanyang mga labi sa ulo ng aking alaga.

“Jed,” bulong niya, “Akin ka ngayong gabi.” Pagkatapos ay dinilaan niya ang butas sa ulo ng aking alaga at ilang saglit lang ay nilamon niya itong buo. Ibinuka ko ang aking mga paa at napatiyad ako sa nakakalokong sarap habang ang aking mga kamay nakasabunot sa kanyang buhok.

“Jhong...ohhh!” umuungol ako, parang nasa alapaap na ako at nawawala sa sarili. Mainit ang kanyang bibig; hindi ko pa naranasan ang ganito ka sarap na love making sa boong buhay ko. Habang sinususo niya ang alaga ko ang kanyang kamay naman ay hinihimas ang dalawang piraso ng mabalihibong itlog at saka pinagapang niya ang kanyang mga daliri patungo sa butas ng aking puwet.

Inangat niya ang kanyang ulo at nakangiting tumingin sa akin, at ilang saglit lang inangat niya ang aking mga paa at isinobsob ang mukha sa pagitang ng dalawang umbok ng aking puwet. Dinilaan niya ito at ang kanyang dila ay paikot ikot lang na parang minamasahe ang aking prostate. Nilawayan niya ito at pagkatapos ay ipinasok sa loob ang isang daliri, napaigtad naman ako sa kirot at sobrang sarap na dulot ng kanyang ginagawa.

“Di mo alam,” pabulong niyang sabi sa akin, ngunit ang paghinga at pahabol, “kung gaano kahirap para sa akin ang di ka mahawakan. Nasanay akong makuha ang lahat nng gusto ko hanggang sa dumating ang pagkakataon na nakilala kita ngunit di man lang kita mahawakan at maangkin. Para akong mababaliw.” Dalawang daliri na ang ipinasok niya sa loob ko at kasabay nito muli niyang inangkin ang aking mga labi. Ang aking mga kuko ay bumaon sa kanyang likod.

“Jhoong!” sigaw ko, “Pasukin mo ako.” The foreplay had become almost torturous. Gusto kong pasukin niya ako ngayon.

Idiniin niya ang kanyang mga daliri na nasa loob ko ng ilang beses at pagkatapos ay tinanggal ito. Ibinuka ko ang aking mga paa upang maging Malaya siyang pasukin ako. Nagkatitigan kami habang dahan dahan niyang ipinasok ang galit niyang alaga sa makipot na kweba ng aking likuran. Magkahalong sakit at sarap ang aking nadama at dahil ditto ay tila sasabog na ako, napakagat labi nalang ako habang ang mata ay nakapikit. Nais kong magtagal ito hanggat maari, Ibinigkis ko ang aking mga braso at mga paa sa katawan ni Jhong and for a moment we just lay there, magkayakap habang an gaming katawan ay nagiging isa, habol ang aming paghinga at an gaming mga puso magkasabay na tumitibok. Pagkatapos, gumalaw siya ng dahan dahan, akmang ilabas pasok ang kanyang alaga sa aking pwetan. It was good, too intense. Nararamdaman ko ang kakaibang kiliti na gumagapang sa aking boong katawan, the pleasure intensifying to the point where it was almost painful.

Isinigaw ko ang pangalan niya habang sumuka ang aking alaga na di ko man lang hinahawakan, at kasabay nun ang pagsabog din ng kanyang nagsusumidhing damdamin. For a long time we just lay there like that, magkayakap ng mahigpit, di man lang pinalabas ang alaga niya na nasa ilalim pa rin aking kweba. Mabigat si Jhong pero di ko na ito ininda. Napakatagal na rin ng panahon mula nung huli ko itong naramdaman. Finally, gumulong si Jhong sa tabi ko. Humarap siya sa akin at binitiwan ang kanyang pamatay na ngiti, para akong malulusaw sa nga titig at ngiting iyon. Ngunit mayroon pang ilang mga bagay na di pa ri  malinaw sa kasong ito, and I wasn’t gooint to let him distract me like that.

“Sa tingin mo magkakaroon tayo ng problema sa kambal mong si Jeff?” tanong ko.

Nangunot ang noo ni Jhong. “Sa tingin ko ay din a magiging problema iyan, tayo lang dalawa ang makakakita sa kanya, at hindi ko siya hahayaang mabawi ang katawan niya. Ikaw tutulungan mo ba siya?

“Ang ibig mong sabihin, sa kanya talaga ang katawang iyan?” malambing kong tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya nagulat sa naging reaksyon ko. “Kailan mo pa alam?” tanong niya.

Nagbuntong hininga ako, at tinitigan ang kesame. “Sa simula pa lang may hinala na ako, ngunit noong makita ko ang reaksyon ni Jeff nung itulak mo ang kaluluwa niya palabas sa kanyang katawan, doon na ako nakombinse. Sa mga sinabi mo sa akin, ilan lang ba doon ang totoo?”

“Halos lahat. Totoong nadiskobre ko na may relasyon si Jeff at ang madrasta kong si Estella, totoong pinagplanohan nilang patayin ang ama ko, totoo din na kinausap ko ang kambal ko at bumunot siya ng baril. Ngunit tama ang hinala mo, binaril niya ako at ako talaga ang namatay. Wala namang alam si Jeff tungkol pag posses na katawan at dir in siya interesado sa kulton na kinabibilangan ko. Ako lang, at sa halip na pumasok sa liwanag pinili ko ang manatili, di ako ko mapapayagang mamatay ng ganoon nalang; Walang kwentang tao si Jeff, so bakit kailangan niyang mabuhay at ako mamatay? Ang dahilan kung bakit suicide ang lumabas sa imbistigasyon ay dahil binayaran ni Estella ang mga imbestigador at ang judge. So sinusundan ko lang lagi si Jeff at sinubokan kong mag experiment kung ano ang pwede kong magawa. Natuklasan ko na kaya ko palang magpagalaw ng mga bagay kapag nag concentrate ako. Kaya noong nagplani si Jeff at Stella na i frame up ang ama ko, I made sure that one of your business cards was placed prominently. Gaya ng sabi ko noong una tayong nagkita, kilala ka sa kultong kinabibilangan ko. Naisip ko na kailangan ko ng taong nakakakita sa akin pero di ko inaasahang mahuhulog ako sayo.” Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. “ Ang plano ko ay magpaka layo layo sa lugar na ito pagkatapos kong angkinin ang katawan ni Jeff.” Sabi niya.

Ibinalling ko ang aking ulo upang magkaharap kami. Nakatingin pa rin siya sa akin, ang kayang mga mata ay nangungusap. I was beginning to realize na ang nararamdam ko sa kanya ay hindi lamang pagnanasa. Parang lumundag ang puso ko nung sabihin niyang nahulog ang loob niya sa akin, ngunit parang nanikip naman ang aking dibdib nung mabanggit niya ang pag alis. “Ano ang gagawin mo ngayon?” tanong ko sa kanya, natatakot nab aka di ko magustohan ang kanyang sagot. “Sa tingin ko ay tama ka,” dag-dag ko, gusto ko lang magsalita upang maiwasan ang kanyang maaring sagot, “Mas karapatdapat kang mabuhay kesa kay Jeff.”

Nagpakawala ng isang matamis na ngiti si Jhong. “ Sa tingin ko ay mananatili nalang ako,” sabi niya. “Plano ko hiwalayan so Stella in the most spectacular manner, ibubunyag ko ang kanyang panloloko sa aking ama. Pagkatapos, si Jeff will have a sudden change of heart about his sexuality, at magsisimulang makipag date at umibig sa isang detective.”

Napangisi ako ng marinig iyon. “Kahit na walang pera ang detective na iyon at saka wala naman talagang cliente?” sabi ko

Nilapit ni Jhong ang mukha sa akin at muli akong hinalikan. “Sa tingin ko kailangan mo ng gamitin yang kakayahan mo para kumita ng pera,” sabi niya. “Di mo ba naisip kung gaano kalaki ang kikitain ng isang psychic na detective? Sa pamamagitan ng kakayahan mong makakita ng mga espiritu’t kaluluwa at kaalaman ko sa mahika tayong dalawa ay magiging tanyag na mga detective sa boong mundo.

“Gusto mo magtrabaho kasama ako?” tanong ko sa kanya, na parang di makapaniwala.

Pinagapang ni Jhong ang kanyan mga daliri sa aking mga panga. “Gusto kong gawin ang lahat ng bagay kasama ka,” malambing niyang tugon.

Inilapit ko pa ng kunti aking katawan sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

-WAKAS-







2 comments:

Anonymous,  June 18, 2011 at 5:54 AM  

thankful talaga ako at nadiscover ko ang blogsite na to. great story! :

-- andrei :)

readmymouth June 20, 2011 at 1:27 AM  

Astig ang story! parang skeleton key ni kate hudson! heheheh...

More power to your site!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP