Terrified 3

Monday, April 25, 2011

NOTE: Salamat po sa mga e-mails nyo about this work. Salamat po ng marami! Mahal ko kayo! Comments are highly appreciated. :)


“TERRIFIED 3”

-UNbrokEN-



Malamig na ang simoy ng hangin. May kahabaan na din ang gabi kesa sa araw. Malapit na din ang pasko. Paalis na ang karamihan ng tao sa building dahil na rin malapit nang pumatak ang gabi. Kalma. Yosi. Hithit. Buga. Ang ganda pagmasdan ng sunset mula sa labas ng building. Makikita mo ang malalaking anino ng mga higanteng mga gusali na nagbibigay lilim sa mga abalang tao ng Ortigas.

Nakita ko ang naglalaban na synchronization ng mga kulay ng araw at buwan. Makikita mo ang paglaganap ng dilim mula sa isang napakaliwanag na langit. Mula asul,naging dark blue na may halong kalat kalat na orange,dilaw at pula. Napakaganda. Isang malalim na buntong hininga.

Nakakiliti ang hampas ng hangin sa aking mga balikat. Tila ba dila ito ng demonyong lumalaplap sa aking kabuuan. Nagdadala ito ng kakaibang sensasyon na nagpapatigas sa aking laman. Ilang Segundo pa ay tuluyan nang nilamon ng dilim ang langit. Nang Makita kong kaunti nalang ang mga nagyoyosi sa labas ng building,napagpasyahan kong umakyat na sa opisina para tapusin ang natambak na trabaho ng kumpanya. Pumasok ako sa building at nagantay ng elevator. Bumukas ang pinto ng elevator at nakita ako ng ilang sa aking mga empleyado. Ngumiti ang mga ito at nagpaalam na uuwi na.

“Sir Jared,mauuna na po kami ha?” sabi ni Lily.

“Sure Lily. Ingat kayo pauwi.”sabi ko sabay ngiti.

“Salamat po Sir. Wag din po kayo masyadong pagabi po. Salamat Sir.” Sabi nito at lumakad na paalis kasabay ang ilan sa mga bagong empleyado.

Pumasok ng elevator at pinindot ang 15th floor. Ilang Segundo ay nakababa na sa ninanais na palapag. Agad na binuksan ng nakangiting guard ang pinto. Magiliw itong bumati sa akin.

“Boss Jared,nagdinner ka na?” sabi nito habang nangangamot ng ulo.

“Hindi pa manong,maya maya siguro or baka sa bahay nalang. Bakit?”

“Wala naman Boss, Basta pag magpapabili ka sa akin sabihin mo lang.” sabay ngiti.

“Sige manong,tatawagin nalang kita. Anong oras ka ba uuwi? Baka hinahantay ka na ng asawa mo.” Sabi ko.

“Sir maya maya po. Sabay na tayo para ako na magsara ng office po.”

“Sure ka? If you want to go early okay lang. I can manage naman na. Salamat manong.”

Mula ng makabalik ako matapos ang limang taon ay naging maayos ang lahat. Nakabalik ako ng trabaho,kasama na ang posisyon na matagal kong pinaghirapan. Naging mas okay ang mga tao sa bahay,mas naging maganda ang buhay ko. Gumaling din ako agad pero nakaramdam ako na hindi pa ako ready sa stress ng trabaho kaya nagantay ako ng tamang panahon. Masasabi kong ngayon na yung panahon na yon,handa na ako,kahit alam kong nangungulila pa din ako.

Binukas ko ang pinto ng aking opisina maging ang mga ilaw. Tumambad sa akin ang sandamukal na papeles at kung ano ano pang mga tatapusin. Eto ang tamang pagwelcome sa akin makalipas ang ilang taon. Paperworks overload. Parang ayoko na magtrabaho. Pwede bang umuwi nalang? Nakikita ko palang yung dami ng gagawin ko parang ayoko na. Pero kakayanin ko to. Ako pa.

Umupo ako sa upuan at nagbuntong hininga. Napatingin ako sa may gilid ng table ko ng may malaking pagtataka. Natulala ako sumandali at nakaramdam ng kakaiba,nakaramdam ako ng lungkot at inis. Kape? Sinong magbibigay ng kape sa akin? Ilang taon na akong hindi nagkakape. Buntong-hininga.

“Manong!”

“Manong!”

Agad na pumasok sa kwarto ang nagtatakang guwardiya.

“Bakit Boss?”

“Sino naglagay ng kape dito sa table ko?” naiirita kong tanong.

“Sir,hindi ko po alam. Baka po si Lily?” balik nito sa akin.

“Alam ni Lily na hindi na ko nagkakape mula ng…”

Natahimik ako bigla.

“Mula ng ano po boss?”

“Basta. Sino nga naglagay ng kape dito? Ikaw ba? Umamin ka. Ipapasisante kita.” Naiinis kong tugon.

“Boss naman,walang ganun,hindi po ako.” Defensive na sabi nito.

“Eh sino nga?”

“Boss hindi ko po talaga alam. Promise. Isa pa po boss,diba hawak nyo po yung susi ng office nyo?”

“Ha?” Nagulat kong sabi.

“Boss,hawak nyo po ang susi ng office nyo,paano po ako makakapasok dito? Wala naman po akong duplicate ng susi ng office nyo. Kaya di ako makakapasok.”mahina at sinserong sabi nito.

“Impossible kuya. Hindi ako nagkakape.” Nagtataka kong sagot. “Hindi kaya si Lily?” dagdag ko pa.

“Kala ko ba boss alam ni Lily na hindi na kayo nagkakape? At isa pa nauna kayong bumaba kila Lily.” Paliwanag nito.”

“Manong sige,pasensya na. Iwanan mo na muna ko.”

Umalis ang napagbintangan inosenteng guwardiya. Napatingin ako sa tasa ng kape sa aking mesa. Hindi ko maiwasang hindi magtaka kung sino ba? Someone’s playing tricks on me? Crap. Kape,si Raf lang naman ang nagpapainom sa akin ng kape ah? Ano ba to,pumasok na naman sa isip ko si Raf. Lalaking dumating at nawalang parang bula. Napansin ko nalang ang pagtulo ng aking luha. Hindi pwede to. Dali dali kong hinawakan ang tasa para itapon sa lababo ang laman nito,pagdampi ng kamay ko sa tasa ay naramdaman kong mainit ito. Nabigla ako,ibig sabihin,kakagawa lang ng kape na nasa table ko,so sinong gumawa? Nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko at umalis na ng opisina ng walang pasabi sabi. Nakakakilabot.

“Manong,uuwi na ako. Ikaw na bahala dito.” Sabi ko sa guard at agad kong tinungo ang elevator.

Nagmamadali. Natatakot. Tumatakbo.

✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖

Wala pang limang minuto ay nakababa na ako sa building. Muli akong sinalubong ng malamig na hampas ng hangin. Tuliro ang aking isip sa nangyari. Puzzled pa din ako sa lintik na kape na yun. Isa pang buntong-hininga Jared,hindi pa din ako mapanatag. Asar. Lumakad ako ng hindi malaman kung saan ba ako pupunta or kung may pupuntahan ba ako? Ayoko pang umuwi. Lakad Jared,Lakad.

Lutang pa din ako. Dahil sa kape sa table? Hindi,dahil naisip ko na naman si Raf.

“Jared?” sagot ng isang lalaking nasa kotse.

Inaninag ko ang mukha. Nakita kong rumehistro ang ngiti sa mukha nito. Namukhaan ko ang gago,kilala ko nga. Agad akong lumapit,lumabas sya ng kotse at yumakap sa akin. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha,luha ng tuwa at labis na pasasalamat.

“Oh? Kailangan may yakap? Namiss kita ah.” Sabi ko habang nakayakap sya sa akin.

“Kuya,namiss kita sobra.” Sagot nito na parang bata,hindi pa rin nagbabago.

“Saan ka ba nagsusuot Mikey?” tanong ko. Kumalas sya sa pagkakayakap.

“Sakay ka na sa kotse kuya,tambay tayo.”

Sumakay kami sa kotse. Nagusap ng matagal,ilang taon kaming hindi nakapagkita ni Mikey,mula ng ikasal ang mommy kay Victor ay naglayas ang aking pinakamamahal na kapatid,ayaw daw nya kay Victor kesyo daw minomolestya sya etc. I always believed my little brother. Kumain kami sa isang sikat na Burger shop sa Greenhills. Napagusapan din ang mga bagay na may kinalaman sa paglalayas nya. Sa loob ng 7 taong hindi naming pagkikita,napakalaki ng kanyang pinagbago,mas naging toned ang katawan nito. Fully developed na ang kanyang katawan,malalapad ang balikat,at halatang alaga ng work out,hindi ko maiwasang hindi mamangha.

“Sa loob ng pitong taon,alam mo ba na lagi kitang iniisip kuya?”sabi nito.

“Sweet pa rin ang bunso ko.” Sabay batok dito.

“Ang laki na ng pinagbago ko no? I’m sure na magsisisi si Mom dahil sa ginawa nyang pagpapakasal sa baklang yun.” May galit na sabi nito.

“Galit ka pa din hanggang ngayon?”

“Oo kuya,sagad hanggang buto. Alam mo iniisip ko na kung hindi ako ginalaw nung hayop na Victor na yun,malamang I never doubted my sexuality.” Diretsong sabi nito.

Nagitla ako sa narinig. Tumingin ako sa kanya na nagpapahiwatig na kailangan kong maintindihan ang sinasabi nya. Tumitig ito sa akin at pinisil ang kanyang ilong na parang nagtatanggal ng oil dito. Bumaling ito sa akin at nagbuntong-hininga.

“Kuya. Wag ka magagalit. Please?”

“Ano yun Mikey? Tell me.”

“Kuya please,wag ka magagalit.”

“Oo naman Mikey. Sabihin mo na sa kuya.”

“I’m gay.” Sabi nito na nakatitig sa akin.

Pagkasabi nya noon ay tumitig ito sa akin na para bang nananantya sa magiging reaction ko. Nagulat ako. Lalaking lalaki sya tignan,gym buff at napakakisig,pero siguro ganoon talaga.

“Kuya? Did I disappoint you?” malungkot na tono nito.

“Nope Mikey. I’ve seen this coming.” Sabi ko sabay ngiti.

“Really kuya? Salamat po. I love you kuya.” Sabi nitong naglalambing.

“I love you too Mikey. Just make sure na magiingat ka ha? Alam mo naman na sobrang daming may sakit ngayon.” Sabi kong nagaalala.

“Oo naman kuya.” Sagot nito.

Niyakap ako ng aking kapatid. Sobrang nagpasalamat. Nagkwentuhan pa hanggang inabot ng halos na madaling araw. Nabanggit ko ang planong pagpapakasal namin ni Kath at kung ano-ano pa. Nabanggit ko din ang pagaadik ko limang taon na ang nakakaraan. Naikwento ko lahat ng bagay maliban lang sa isa kong sikreto.

“Kuya,sure ka na ba na magpapakasal kayo ni Kath?” all of a sudden na tanong nito.

“Oo. Bakit mo natanong?”

“Kuya,alam kong kadugo kita.” Sabi nito.

“Oo,magkapatid tayo diba?” nagtataka kong sagot.

“Hindi yon kuya. I mean,kalahi kita.”

“Ha?”

“Kuya,I know you’re gay too.” Sabi nito sabay bungisngis.

Namula ako sa sinabi ni Mikey. Hindi agad ako nakaimik at hindi ako makapaniwala na alam nya. Pero paano? Kailangan kong ideny.

“Mikey,saan mo naman napulot yan ha?” galit galitan kong sabi.

“Kuya naman. Umamin ka na kasi. Ramdam ko naman eh,kahit di halata sa kilos mo,amoy naman kita.”

“Ha? Paanong amoy?” nagtataka kong tanong.

“Malansa ka kuya,” sabi nito.

“Shit ka Mikey. Fine,I admit it,I’m gay.” Sabi ko sabay iling.

“Di nga kuya?” sabi nito sabay laki ng mata.

“Ngayon ayaw mo maniwala.” Mahina kong sabi.

“Omg kuya,I was just joking. Hindi ko alam na member ka pala ng club. OMG. So paano na kuya? Sisters?” sabi nito sabay tawa.

“Tarantado ka,nahuli mo ko dun ah. Fine,basta wag ka maingay.”sabi ko,namumula

“Oo naman kuya, Ikaw pa!”

Dahil alam na naman ni Mikey ang totoo ay nagawa ko na din iopen up sa kanya si Raf. Inamin ko sa kanya na minahal ko si Raf at ganoon din si Raf sa akin. Nakinig ng husto sa akin si Mikey habang nagdadrive sya pauwe sa bahay namin,ihahatid nya ako pero hindi sya papasok ng bahay. Aminado syang galit pa din sya kay Mommy na naging dahilan naman para maging malungkot ako.

“Kung alam mo lang kuya kung anong pinagdaan ko after kong lumayas. Mom never believed when I told her that Victor was a fag. Galit ako sa kanya. Wala syang alam kung paano ako inabuso ng stepdad mo. I cried and pleaded her na wag na nyang pakisamahan pero anong ginawa nya? She tied the knot with Victor.”galit at umiiyak na sabi nito.

“College ata ako nun ng lumayas ako kuya diba?” tumango ako bilang sagot.

“Paano ka nabuhay? I mean? Kanino ka humingi ng tulong?”

Nakita kong nagbuntong hininga ito.

“Nung lumayas ako kuya,kasagsagan ng escort service yun,wala akong kapera pera,so yung isang kaibigan ko,sabi bakit di ko subukan? Nung una ayaw ko,pero nung naggrocery ako at nalaman ko na nakablock ang ATM ko at Credit Card,dun na ko kumapit sa patalim. Pinablock ng nanay mo yung mga card ko para mawalan ako ng funds. Nagpagamit ako sa bakla para sa pera. May mga naging kliyente akong public official,yung iba businessman,dun ko kinuha lahat. Lahat ng klaseng panghuhuthot alam ko,nang makapagipon ako ng pera,pinagpasyahan kong bumalik ng school. Dun ko nakilala si Erdie,isa syang doctor,nagustuhan nya ako at dahil don,ibinahay ako. When Erdie died sa akin napunta lahat ng assets nya dahil wala naman syang natirang kamaganak.” Mahabang sabi nito na umiiyak.

Nakaramdam ako ng panlulumo sa narinig,tinamasa nya ang hirap samantalang ako ay hindi mamomroblema. Ako ang nakatatandang kapatid at ako dapat ang prumotekta pero wala akong nagawa. Ngayon na nagbalik na si Mikey,oras na para gumanti.

“Sorry Mikey,hindi man lang kita napagtanggol. Wag kang magalala. Gaganti tayo.” Nanggigil kong sabi.

“Wag na kuya,ako ng gaganti para sa sarili ko,wag ka magalala. Hindi ako galit sayo.”sabi nito.

Ilang minuto pa ay narating na naming ang bahay. Ipinark ni Mikey ang kotse sa harap ng bahay at bumaba ito. Nagusap saglit at nagpalitan ng number. Sobrang saya na nakita ko muli ang aking kapatid. Nagulat kami ng biglang bumukas ang gate at nakita naming tumatakbo si Mommy na umiiyak. Bago pa man makalapit si Mommy sa amin ay agad na pumasok si Mikey sa loob ng kotse.

“Kuya,kita tayo tom. Sundo kita. Ayoko Makita yang ina mo.” Sabay pasok sa kotse.

“Mikey! Anak! Mikey!” sigaw ni mommy habang pinapaandar ni Mikey ang sasakyan.

“MIkeeeeeyyyyyY!!” sigaw ng mommy kong lumuluha.

Hindi ko sya pinansin dahil sa galit at agad akong pumasok sa loob ng bahay. Tinungo ang kwarto at binuksan ang ilaw. Naghubad ng damit at nagpalit ng pantulog. Lumabas ako ng kwarto at sinara ang pinto. Pumunta ako ng kusina at nakita ko si Mommy na umakyat sa kwarto nilang umiiyak. Hindi ko na pinansin. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto ng kwarto nila mommy. Naiwan akong magisa sa kusina. Pumasok ako sa loob ng banyo para maghilamos. Naghilamos ako at nakaramdam ng kakaibang lamig. Hindi ko maipaliwanag pero parang lumalaki sa kilabot ang ulo ko,parang namamanhid na ewan.

Nagpunas ako ng mukha at humarap sa salamin. Nagpupunas ako ng makarinig ng kakaibang kaluskos sa loob ng bahay. Teka? Parang may nagtitimpla ng kape? Kape? Na naman? Pinakinggan kong mabuti ang tunog. Una mahina,palakas na palakas yung tunog ng pagtatama ng kutsara sa tasa. Nakaramdam ako ng kakaiba. Ang tinis ng tunog. Tunog kapag hinahalo mo yung kape gamit ang kutsara,palakas ng palakas ang tunog. Palakas ng palakas, palakas ng palakas. Naramdaman kong tumayo ang aking balahibo. Lakas ng kalabog ng aking dibdib.

Kinuha ko ang bakal ng shower curtain para may proteksyon man lang ako kung sakaling may magnanakaw sa bahay. Pero hindi ako mapakali,patuloy pa rin ang tunog ng naghahalo ng kape. Kinakabahan ako. Dahan dahan kong ibinukas ang pinto habang hawak ang bakal na pwede kong ipamalo. Naibukas ko ang pinto ng banyo at natanaw ko agad ang mesa. Kinilabutan ako,nakasarado lahat ng pinto sa bahay. Walang tao,walang tasa ng kape sa mesa,walang kutsara o kahit ano mang bagay na maaring magdala ng ganoong tunog. Nakaramdam ako ng malamig na hininga sa aking batok. Walang pakundangan akong tumakbo sa aking kwarto. Takot na takot,namumutla.

Agad kong binukas ang pinto at nakita kong madilim ang kwarto. Walang ilaw. Pero impossible,bago ako umalis ay nakabukas ang ilaw. Sa sobrang takot sa tunog ng naghahalo ng kape ay pumasok ako sa kwarto kahit na madilim. Sinara ko agad ang kwarto. Nakaramdam ako ng presensya. Wala akong Makita sa dilim. Nang iaangat ko na ang aking kamay para kapain ang switch ay nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa aking dalawang braso. Hindi ako makapagsalita sa takot,hindi ako makagalaw,nanginginig ako sa takot. Makalipas nito ay nakaramdam ako ng malamig na hininga sa aking batok. At unti unti kong naramdaman ang dila nito na gumagapang sa aking kaliwang tainga.

ITUTULOY….

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP