I Don't Wanna Be Your Friend: Part 1
Monday, April 25, 2011
Love & life is like a bar of soap, sometimes when you are not careful, it slips away and you lose it.
TALL, DARK and HANDSOME.
Iyan ang usual na description ng mga taong nakakakilala sa akin. Ewan ko ba, pero nang magpasabog yata ang Diyos ng kagwapuhan, sinahod ko halos ang kalahati. Hindi naman kasi maikakaila na gwapo talaga ako. (YABANG) Pero kahit ganito ako kaswerte sa pisikal na anyo. Siya namang saklap ko sa buhay. Grade three ako nang mamatay si tatay. Hirap na hirap kaming bumangon ni inay noon dahil pobre pa kami sa daga. Kami 'yong tipo ng tao na "isang kahig, isang tuka". Saktong sakto lang kasi ang kinikita ni inay para sa pang-araw araw namin eh.
Nagtitinda si inay ng gulay sa palengke, sapat lang ang kinikita niya para sa pangtawid ng gutom namin. Tumutulong rin ako sa kanya sa t'wing may oras ako. Nang makapag Grade 6 na ako ay nakakaraos na kami. Ngunit talagang mapagbiro ang tadhana. Nang 2nd year high school na ako ay nasunugan kami. Halos mawalan ako ng pag-asa. Ngunit si inay, lagi lang niyang sinasabi sa akin, "Matatalo lang tayo 'pag sumuko na tayo.", kung kaya kahit mahirap, nag-umpisa kami ulit sa wala.
Ngunit kung kailan nakakabawi na ulit kami ay saka naman dumating muli ang isang pagsubok na halos ikamatay ko na. Kakatapos lang ng graduation namin ng high school, pinalad akong maging valedictorian dahil sa aking pagpupursige. Nakapasa rin ako sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa Pilipinas. Laking tuwa naman ni inay.
Ngunit habang naghuhugas siya ng plato at ako naman ay papasok na sa kwarto, narinig kong may nabasag. Kinutuban ako agad. Dali-dali kong pinuntahan ang kinaroroonan ni nanay at nakita ko nalang siyang wala nang buhay na nakasalampak sa sahig. Nang mga panahon na iyon, muntik na akong magpakamatay. Ngunit naalala ko ang sinabi ni nanay. Kung kaya hindi ako sumuko. Lumaban ako sa buhay. Ngayon. Nag-iisa nalang ako.
Ako nga pala si Brix, short for Bryan Roy, I. Xavier, 22 years old, 5"9' inches ang tangkad.
At ito ang kwento ko.
--------------------------------------------------------------------------
Kakatapos lang ng graduation rites namin sa kolehiyo. Masayang - masaya ang lahat. Lalo na ako. Biruin mo, nakakuha ako ng degree sa pagiging scholar at pakanta - kanta sa mga restaurant at bars.
Napatingala ako sa langit nang magtapos ang program.
"Nay, sa wakas." nasambit ko habang pigil ang luha.
"Tol! Brix. Sa wakas, graduate na tayo" si Andrew.
"Oo nga tol." sabi ko naman sabay ngiti.
"At last. It really paid off. All the hardwork." sabat naman ni Jason.
"Hahaha! Worth it talaga. Lalo na para dito kay Brix." si Andrew ulit.
"Kung tinanggap lang kasi niyan ang inaalok nating tulong sa kanya, eh di sana nabawasan man lang ang paghihirap niyan." sagot naman ni Matt na kalalapit lang mula sa stage. Summa Cum Laude kasi.
At sabay silang nagtawanan.
"Mga ugok! Ako na naman nakita niyo." sabi ko naman at nakisabay na rin sa tawanan.
Kaming apat ang ultimate na magbarkada. Hindi kami ganito noon. Halos magrambol nga kaming apat noong 1st year palang kami eh. Magkakaklase kami sa kursong Mass Communications. Pero, nang 2nd sem at magkaroon ng di inaasahang pangyayari, nagkaunawaan kaming apat at simula noon, hindi na natibag pa ang grupo namin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------- -----
Si Andrew.
NAME: Andrew Mark O. Espinosa
Nickname: Drew
Height: 5"'8' inches
Description: Maputi, at may pagkasingkit. Namana niya mula sa nanay niyang Korean national. Magulo ang straight niyang buhok. Gwapo. Mayaman.
Relationship Status: In a Relationship with Grace J. Tejada.
Si Jason.
NAME: Jason Lee R. Burke
Nickname: JL
Height: 6"2' inches
Description: Maputi, matangkad dahil sa lahi nitong Amerikano. May pagkabrown ang buhok. Intense blue eyes. Matangos ang ilong. Full lips. Gwapo. Mayaman.
Relationship Status: Single.
Si Matt.
NAME: Matthew L. Delos Reyes
Nickname: Matt
Height: 5"7'
Description: Matalino, sobra. Moreno. Gwapo. Mayaman rin, (nanalo sa lotto) pero sobrang mapagkumbaba. Maalalahanin. Matangos ang ilong. Pantay ang mapuputing ngipin. Manipis ang labi. Disiplinado. Mabait.
Relationship Status: In a relationship with Dianne I. Navarro and It's Complicated.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------- --
Dalawang linggo matapos ang aming graduation ay nagkayayaan kaming magsaya. Kaya naman lahat kami, pumunta sa flat ni Jason. Syempre pa, inuman, kwentuhan, kantiyawan ang nangyari.
10:36 PM
Medyo nahihilo na kami dahil medyo marami na rin ang naiinom namin.
12:07 AM
Nagdesisyon kaming magsitulog na.
1:19 AM
Naalimpungatan ako. Naramdaman kong nanunuyo ang lalamunan ko kung kaya kahit medyo nahihilo pa ay tumayo ako at tinungo ang kusina. Nang makainom ng tubig ay naisipan kong magpahangin muna sa terrace.
Nang papunta ako roon ay napansin kong may tao. Lumapit ako upang malaman kung sino iyon. Si Matt. Bubuksan ko palang ang pinto nang marinig ko ang basag na boses ni Matt.
"Anne, 'wag mong gawin sakin to please." sabi nitong pinipigil ang nagbabantang luha.
Kausap pala nito si Dianne sa cellphone.
Kabilang linya.
"Tell me what I did. I'll make it up to you I Promise." pagmamakaawa ni Matt.
Kabilang linya.
"Paano mo nagawa sa'kin to Anne??! I gave you everything. I did my best to make this relationship work and yet nagawa mo sa akin to."
Kabilang linya.
"I hope you'll be happy."
Iyon lang at pinatay ni Matt ang cellphone nito. Bigla namang napaupo ito sa malapit na upuan at itinabon ang dalawang kamay sa mukha. Alam kong umiiyak 'to.
Nang makaipon ng lakas ay nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya. Napansin niya naman ako, ngunit hindi ito umimik. Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa magsalita siya.
"You heard?" tanong nito, basa ang mukha ng luha.
Tango lang ang isinagot ko sa kanya.
Nanahimik kaming dalawa. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam ang gagawin ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya, kung kaya naman....
Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging Malaya
Chorus:
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan
Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya
Chorus:
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan
Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging Masaya
Sa yakap at sa piling ng iba pa
Chorus:
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan
Nang matapos ako sa pagkanta ay hinimas ko ang likod ni Matt. Sa pagkakataong iyon ay ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob nito. Ang hinanakit.
Maya-maya pa ay hindi na rin ito lumuluha. Tumayo ito at umupo sa sahig na naksandal ang likod sa railings ng terrace. Tumabi naman ako sa kanya. Saka niya ikinuwento ang lahat sa akin.
Nalaman kong buntis pala si Dianne, ngunit hindi si Matt ang ama. Sabi niya sa akin, ni minsan ay hindi pa sila nagtatalik ni Dianne. Kaya naman pala masama ang loob nito. Nang matapos siya sa pagkukento ay mahaba na naman ang katahimikan.
Napansin ko nalang na nakatulog na pala ito. Ihinilig ko nalang ang kanyang ulo sa kaliwang balikat ko upang hindi sumakit ang leeg. Balak ko sanang hintaying mag-umaga ngunit hindi ko na nakayanan ang antok kung kaya't nakatulog na rin ako.
Itutuloy.......
by: Ji Jei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)
5 comments:
Hmmm interesting.
thanks.. i hope you keep on reading.. :D
part 1 pa lang pero bumenta sa akin to. :)
@ CHEF BRYE - thanks po.. keep on reading po.. ^^
im looking forward of the next part,,, hehe
Post a Comment