Chapter 4: Catch Me, Irwin
Friday, April 15, 2011
May kung anong pwersa ang nagtulak kay Irwin na lumabas sa inookupahang guest stateroom at iwan si Onyik sa kinalalagyan nitong pitsel.
Magaling talaga ang Tagapayo sa pagtuturo nito sa kaniya ng lahat ng tungkol sa tao. Gaya na lang ng simpleng pagbubukas ng pinto sa paraang pagpihit. Kaya naman pati na ang mga nakikita niya sa loob ng yate na ipinakita na rin sa kaniya sa pamamagitan ng mga larawan ay hindi na rin naging kagila-gilalas sa kaniya. Of course mas maganda iyong actual kumpara sa larawan, kaya naman mas masaya ang pakiramdam ni Irwin na anyong tao na nga siya ngayon.
Gusto niyang makita si RJ. Gusto niyang makilala ito ng lubusan. Lumapit siya sa pintuan ng master stateroom. Nakita niya kaninang dito pumasok si RJ pagkatapos ibigay sa kaniya ang mga damit.
Masikip talaga sa kaniya ang tshirt na kulay green. Pakiramdam ni Irwin ay hirap siyang huminga kaya hinubad niya ang tshirt saka isinampay sa kanang balikat. Halos kiligin naman siya nang maramdaman sa hubad ng katawan ang hampas ng malamig na hangin galing sa airconditioner ng yate.
Naitaas na niya ang kanang kamao nang magdalawang-isip siya sa pagkatok. Ano nga ba ang sasabihin niya kay RJ kapag pinagbuksan siya nito?
HINDI MAALIS SA isipan ni RJ ang estrangherong si Irwin. Kahit wala naman ito sa kaniyang harapan ay paulit-ulit itong pumapasok sa kaniyang isipan.
Hanggang ngayon parang nakikinikinita pa rin niya itong nakahiga sa may fishing deck, hubo't hubad. Nakabalandra ang V-shaped nitong pang-itaas na bahagi ng katawan. Hindi rin maalis sa isip niya na nang gumalaw ito ay lumitaw ang alaga na sa haba at taba ay sumayad na sa fiberglass deck floor ang pinakaulo habang nakahiga itong patagiid.
Sa tagal ng panahong hindi na siya nakikipagtalik sa ibang lalaki dahil sa konsentrasyon sa pag-aalaga kay baby Keno, kakatwang muli siyang makaramdam ng ganito. Sobrang apektado siya sa pagsulpot ni Irwin. May isang bahagi ng pagkatao niya ang nagising at nakaramdam ulit ng isang masidhing pagnanasa.
Lalo pang nadagdagan ang pakiramdam na iyon nang iabot niya kay Irwin ang mga napili niyang damit na ipapasuot sa lalaki. Nahawakan kasi ni Irwin ang kamay niya. Buti na lang mabilis din niyang napigilan ang pangangatog ng tuhod nang maramdaman niya ang kuryenteng dumaloy sa kaniyang kamay na nahawaka ni Irwin.
Pinilit pa nga niyang iwasang tingnan ang alaga nitong nakalawit na halos ilang talampakan lang ang layo sa kaniyang kamay.
Nilakasan ni RJ ang aircon sa kaniyang silid. Ang lamig ng simoy noon ay nakatulong ng bahagya para mapanatag ang kalooban niya.
Hindi na siya nag-atubili pang ilagay sa mga hanging clothes drawer ang laman ng kaniyang travelling bag tutal maya-maya lang ay dadaong na rin sila. Kinuha na lang niya sa loob ang mga larawan nilang dalawa ni Keno saka inilapag ng magkakatabi sa malambot na kama.
Nahaluan tuloy ng lungkot ang nararamdaman niya. Lungkot dahil ilang oras na lang aalis na si Keno kasama ang totoong mga magulang. Tuluyan na itong mawawala sa kaniya.
Nagbalik na naman kay RJ ang feeling na restless at hopeless. At an isntant, wala na namang direksiyon ang buhay niya. Ano nga ba ang naghihintay sa kaniya sa resort ng half-brother na si Edrick? Ano bang gagawin niya doon?
Halos maiiyak na siya nang magdesisyong lumabas muna sa master stateroom. Kailangan niya ng sariwang hangin para makahinga siya ng maluwag.
Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay naroon na nakaharang si Irwin, tuyo na ang buhok na umabaot sa balikat na may bahagyang alon, nakataas ang kanang kamao na parang kakatok kaya tuloy lumabas ang ganda ng mga muscles nito sa braso.
"Irwin..." nasambit niya sa kawalan ng sasabihin.
Mabilis namang ibinaba ni Irwin ang kamay bago nagsalita. Bahagyang dumausdos sa braso ang manggas ng green na tshirt na nakasabit sa balikat nito. "Naiinip kasi ako, gusto ko sanang makipagkwentuhan sa 'yo."
Napatingin naman si RJ sa tshirt saka sa katawan nitong malapad ang chest area at pabalinsuso sa baywang. Hindi niya maiwasang matakam sa kagandahan ng mga muscles doon, well defined ang mga anggulo na para talagang nililok ng isang magaling na eskultor. "Masikip sa iyo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang tshirt.
Parang sa nahihiyang tumango si Irwin. "Medyo masikip dito sa may dibdib ko kaya hinubad ko na lang."
"Pahiramin na lang kita ng iba."
"Sige pero mamaya na lang RJ."
Hindi din naiwasang mapatingin ni RJ sa baba ng puson ni Irwin. Naitanong tuloy niya kung gaano kaya kakipot ang waistline nito at nakalagay na sa pinakamasikip na butas ang sinturon na suot ay luwag pa rin ang pinahiram niyang shorts kaya lumitaw ng bahagya ang mapipinong buhok doon.
"Papunta sana ako sa fishing deck para magpahangin."
"Samahan na lang kita," alok nito na sinundan ng isang matamis na ngiti na halos magpawala sa katinuan ni RJ.
Napatingin si RJ sa aquamarine nitong mga mata. Kakulay iyon ng dagat sa labas. Mukha namang purong pinoy si Irwin pero bakit ganoon ang kulay ng mata nito? Samantalang sa kaniya ay kulay itim. O baka naman may lahi ng ibang nasyon ito kaya ganoon.
Tumango lang si RJ saka hinila ang pinto para isara. Lumihis naman ng bahagya si Irwin para siya makalabas. Hindi nga lang naging sapat iyon kaya napadikit ang kaniyang likod sa dibdib ni RJ at ang kaniyang pang-upo ay sa harapan naman ng board shorts nito.
Malamig ang aircon sa loob ng yate pero ramdam niya ang init sa katawan ni Irwin na nakadikit sa likod niya. Hindi na rin masiguro ni RJ kung totoo ba o imahinasyon lang niya ang pagkislot ng ari ni Irwin na nakadikit sa kaniyang pang-upo.
Sa papalakas ang pagkabog ng dibdib ni RJ. Mukha namang kagaya niya ay nage-enjoy din si Irwin sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan dahil nanatili lang silang tahimik at nakikiramdam sa isa't-isa. Nagsisimula na ring magkabuhay ang kaniyang alaga sa suot na pantalon.
Hanggang hindi na nakapagpigil sa sobrang kaba si RJ ay siya na ang unang gumalaw para ilayo ang katawan kay Irwin.
"Tayo na?"
Para namang nagbalik sa kasalukuyan si Irwin. "Ah...o sige."
Nasa may fishing deck na sila ay hindi pa rin humupa ang kaba at excitement na nararamdaman ni RJ. Minabuti niyang dumistansiya kay Irwin para humina ang attarksiyon nito sa kaniya. Pareho silang nakatunghay ni Irwin sa malawak na dagat habang nakahawak sa stainless steel na hand rails.
"Iniisip mo ba sila?" tanong niya sa lalaki.
Napakunot-no naman si Irwin.
"Mga kaibigan mo. Mga kasama mo sa yate," paglilinaw niya.
"Hindi naman."
"Puro ba kayo mga lalaki doon o may babae din?"
Hindi alam ni Irwin kung ano ang patutunguhan ng pagtatanong ni RJ pero natuwa siya nang maisip na baka gusto nitong malaman kung may mahal na siya, kaya naman tumingin siya ng diretso sa mga mata nito, "May babae din."
Gustong makipagtitigan ni RJ kay Irwin pero pakiramdam niya ay matutunaw siya sa mga titig nito kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa mga alon sa dagat. "Baka nag-aalala na sa iyo ang mga kaibigan mo."
"Siguro, pero magkikita rin naman kami pag nakadaong na tayo."
"Iyong girlfriend mo, siguradong nag-aalala na iyon."
Napangiti ng palihim si Irwin. "Wala pa akong mahal."
Nagdulot ng kasiyahan sa puso ni RJ ang sagot ni Irwin.
"Ikaw?"
"Anong ako?"
"May mahal ka na ba?"
Mapait ang naging iling ni RJ sa pagkaalala sa mga lalaking minahal niya pero hindi siya pinahalagahan. "Dati, pero ngayon wala na."
"As in pumanaw na siya?"
Natawa ng bahagya si RJ. "Hindi sa pumanaw. Buhay pa pero hindi na kami. Matagal na. Sa sobrang tagal ay ayaw ko ng alalahanin pa."
Humakbang si Irwin palapit sa kaniya na nagpabilis ng tibok ng puso niya. Halos dumikit na ang kamay ni Irwin sa kamay niya nang humawak itong muli sa handrails.
"Pwede ka pala kung ganoon."
Napatingin si RJ sa mukha ni Irwin. Oh Gosh, ang gwapo talaga ng lalaking ito, sana akin na lang siya.
"A-anong pwede?"
Mula sa alon sa dagat ay ibinaling din nito ang tingin sa kaniya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay napangiti ng banayad si Irwin. "Pwede ng magmahal ng iba."
Kung sa isang kagaya mo, sigurado! "Ewan ko. Sa dami nila na minahal ko and at the end I was used and abused, baka mahirapan na akong magmahal pa."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Irwin. "Baka hindi mo pa lang talaga nahanap ang nakalaan para sa iyo. Malay mo ngayon pa lang siya dumating."
Eh ikaw lang naman ang dumating ngayon eh, bulong ng puso ni RJ.
Nanatili lang tahimik si RJ hanggang maramdaman niya ang pagpatong ng mainit na kamay ni Irwin sa kamay niyang nakahawak sa handrails.
Namumula ang mga pisnging nag-angat siya ng mukha at labanan ang titig ng mga kulay aquamarine na mga matang iyon. Gusto niyang bawiin ang kamay pero gusto niya ang pakiramdam. Nakakatuwa at nakakakilig.
"Malay mo ako iyon. Ako ang lalaki para sa iyo RJ."
Biglang nag-panic ang puso niya. He's running out of words to say. Daig pa niya ang isang teenager na ngayon lang nakaranas mahawakan ng kamay ng crush. Kulang na lang ay mag-palpitate na siya. Oh Gosh, not this time na ayaw muna niya ng isa pang lalaking magpapagulo sa buhay niya. Not now na gusto muna niyang manahimik at makabawi sa sakit na dulot ni Saldy lalo na ang pagkuha sa anak niyang si Keno.
Hindi niya tuloy alam kung blessing in disguise ang biglang paghinto ng yate kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na bawiin ang kamay saka magpaalam.
"Pupuntahan ko lang sina Jigo at Anton, aalamin ko kung bakit biglang huminto tayo sa gitna ng karagatan."
Hindi na niya hinintay pang sumagot si Irwin. Umalis na siya saka walang lingon-likod na pumasok sa main deck.
Naiwan si Irwin na napapantastikuhan sa ikinilos niya.
"BAKIT NAKAHINTO TAYO?"
"Bigla na lang po Sir tumigil ang power generator," kalmanteng sagot ni Jigo nang maabutan niya sa may Engine Room. Tinitingnan nito ang loob ng nakabukas na control panel. Naka-ON ang ilang emergency lights na nagpapaliwanag sa room, sapat para makagawa sila sa loob.
Napatingin siya sa nakatigil na identical na makinarya na nagbibigay ng electrical supply sa buong yate. "Sabay?"
Tumango si Jigo.
"Ngayon lang naman ho nangyari ito Sir," sabi naman ni Anton na naga-assist sa kapitan ng barko.
Malapit ng magdapit-hapon kaya medyo kinabahan si RJ sa isiping ma-stranded ang yate nila sa gitna ng karagatan. "Sana maayos kaagad."
Tumingin si Jigo sa kaniya saka pilit na ngumiti. "Huwag ho kayong mag-alala. Maaayos din ho agad ito Sir. May emergency lights din ho sa master stateroom, Kung gusto ninyo doon na muna kayo maghintay habang inaayos namin ang problema."
"Wala nga lang aircon," sabab naman ni Anton.
Okay lang naman na bumalik siya sa kaniyang silid kahit walang aircon. Ang inaalala lang niya baka puntahan siya ni Irwin. Sa sobrang lakas ng hatak nito sa kaniya, hindi niya alam kung sa susunod na paglapit niya sa lalaki ay kakayanin pa niyang umiwas sa advances nito kung sakali.
"Dito na lang muna ako. Titingnan ko na lang ang ginagawa ninyo."
Tumango lang ang dalawang lalaki saka muling itinutok ang pansin sa ginagawa.
Hindi lang pala simpleng problema ang nangyari. Iyon ang naisip ni RJ pagkatapos ng mahigit isang oras na pagbabantay kina Jigo at Anton ay hindi pa rin napapaandar ng dalawa ang power generator.
"Ituloy niyo lang ang paghahanap sa problema, babalik muna ko sa aking silid," sabi niya sa dalawa na sa sobrang absorbed sa ginagawa ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin bagkus ay tumango lang.
Sa kabila ng pagkainip ay hindi pa rin maiwasan ni RJ ang kabahan nang maisip na baka masalubong niya si Irwin nang nasa hallway na siya ng lower deck kung saan naroon ang mga staterooms. O baka biglang bumukas ang pinto sa silid nito at makita siya.
Naiinis man sa sarili dahil sa inaasta niyang parang bata sa presensiya ni Irwin ay minadali na lang niya ang pagpasok sa kaniyang silid.
Bukas nga ang emergency light na nagbibigay ng malamlam na liwanag. At dahil patay ang aircon ay ramdam niya ang bahagyang init sa paligid. Napilitan tuloy siyang buksan ang pinto ng kaniyang silid para kahit papaano'y ma-neutralize ang hangin sa loob. Nagpapasalamat naman siya at wala pang Irwin na lumapit sa kaniya.
Naiinitan pa rin ang pakiramdam ni RJ kaya naisipan niyang magbuhos ng tubig sa CR ng kaniyang silid. Nakabawas naman iyon ng bahagya sa kakatwang init sa kaniyang katawan. Init na mukhang nanulay mula pa kaninang makita niya si Irwin at magkadikit ang kanilang mga katawan.
Mukhang higit pa sa lamig ng tubig ang kailangan niya para maibsan ang init na lumukob sa kaniyang katawan. Naisipan niyang magsuot na lang ng manipis na sandong puti at manipis ding shorts na itim at garterize na hanggang tuhod ang haba. Pagkatapos ay saka siya lumabas ng kaniyang silid.
"NGAYON PA NAMAN ITO nangyari kung kelan first time ni Sir RJ na sumakay dito sa Mir-a-Mar." Naiinis na bulalas ni Jigo. Napakamot na ito sa ulong wala namang buhok sa hindi makitang problema ng hindi pag-andar ng power generator. Nakasuot na ito ng dark blue cover alls at may mga wet spots na ng pawis sa may bandang dibdib, kili-kili at sa may likuran.
Ganoon din naman si Anton na pawisan na rin at ramdam na ang pagtagaktak ng pawis mula sa kaniyang katawan na natatakpan ng cover-all pababa sa kaniyang suot na brief. Ang init kasi ng makina plus ang init ng paligid plus walang kahangin-hangin plus tensionado pareho sila ni Jigo ay lalo ng nagpapaliyab sa buong engine room.
Sa tingin nga ni Anton ay basa na rin ang brief ni Jigo, kung may suot man ito ngayon. Hindi kasi ugali ni Jigo ang magsuot ng brief. Naitanong niya dati kung bakit. 'Mas presko' iyon lang ang tanging sagot nito sa kaniya sabay tawa ng nakakaloko.
"Oo nga eh, nakakahiya tuloy sa kaniya," ayon naman ni Anton, ang mata ay pilyong napatingin sa harapan ni Jigo.
Sa kabila ng inis ay napangiti naman si Jigo. "Anong tinitingnan mo?"
Natawa si Anton. "Alam mo na. Iyong palaging gusto kong nakikita at always willing ka namang ibigay sa akin," sabay kindat.
Napahawak si Jigo sa bahaging iyon na nakapaling sa kaliwa na unti-unti ng nagkakabuhay. "Mukhang kailangan nga muna natin ng break time Anton para magpalamig. Baka pagkatapos nating makalma ang mga sarili ay saka natin ito maaayos at mapapaandar."
Humakbang palapit si Anton. Sumuot sa ilong niya ang amoy ng katawan ni Jigo. Walang pabango at purong amoy ng lalaking pinagpapawisan. Sininghot niya ito na nagpakislot sa alaga niyang gusto nang lumabas sa cover-all.
"Magpalamig ba? Baka naman lalong magpainit," sabi ni Anton sabay tanggal sa kamay ni Jigong nakahawak sa harapan nito para ipalit naman ang sariling kamay.
"Kahit ano...bahala ka na," halos pabulong na tugon ni Jigo. Napapikit pa ito para namnamin ang sarap ng pagkapa sa kaniya ni Anton.
"Lagi naman," sabi ni Anton na habang hawak ng kanang kamay ang harapan ni Jigo ay nagsimulang ibaba naman ng kaliwang kamay ang mahabang zipper ng cover-all mula sa dibdib pababa sa harapan nito.
NAPAKO SI RJ sa may pintuan at napanganga sa nadatnang eksena pagbaba niya ng engine room. Nagpasya siyang bumaba muna doon pagkalabas ng kanyang silid para i-tsek ang kundisyon ng pagkukumpuni nina Jigo at Anton.
Akala pa naman niya na sa muling pagbaba sa silid ay mababawasan ang pag-iinit ng katawan niya dahil kahit papaano'y malilibang siya sa panonood sa dalawa habang nag-aayos ng problema.
Pero kakaiba ang nangyari. Tama ngang malilibang siya pero sa papainit naman ang pakiramdam niya. Hindi niya inaakalang bisexual ang kapitan ng Mir-a-Mar na si Jigo. Si Anton pwede pa dahil nakitaan na niya ito ng mga signs na posible ngang ganoon ito. Kaya naman shock siya na maabutang sakmal ni Anton ang harapan ng nasisiyahang si Jigo at patuloy ang pagbababa ng zipper para mahubad ang coverall na suot ng kapitan.
Sa isip ni RJ ay gustong niyang tumalikod pero may bahagi ng katawan niya ang gustong manatili at panoorin ang dalawa. Mas malamlam na ang sinag ng mga emergency lights nayon dahil nga kanina pa nakasindi ang mga ito pero sapat pa rin iyon para makita niya ang ginagawa ng dalawa.
Nanunuyo ang lalamunan ni RJ at sa papabilis ang tibok ng kaniyang puso. Ang mainit na hulab sa loob ng engine room ay lalo pang pinainit ng nagaganap na tagpo. Bagong paligo naman siya pero pakiramdam niya'y bigla siyang isinalang sa nagbabagang uling habang patuloy sa pagmamasid kina Jigo at Anton.
Bawat pagbaba ni Anton ng zipper ay siya namang paglantad ng katakam-takam at maskuladong katawan ni Jigo. Bawat balat na ilantad ng zipper ay dinidilaan ni Anton. Nang lumabas ang mga utong ni Jigo ay mabilis niyang ikinulong sa kaniyang bibig, sinipsip, dinilaan at pinagkakagat ng pino.
"Ahhhhhh...Ohhhhhh...sarappppp..." daing halinghing naman ni Jigo.
Salitan ang ginawa ng bibig ni Anton na pagkamkam sa mga utong na iyon habang ang isang kamay ay patuloy ang paghagod sa alagang natatakpan pa rin ng coverall pero aninag nang malaki at sobrang tigas.
Hindi na napigilan ni RJ ang sarili at kusang napahawak na rin sa kaniyang harapan. Nagsimula na rin siyang hagurin ang kahabaang iyon na gustong kumawala sa nagsisikip niyang shorts.
Nang magsawa si Anton sa mga dunggot sa dibdib ni Jigo ay pinagapang na nito ang dila pababa sa six-pac abs na siyang inilantad naman ng nuling pagbababa niya ng zipper. Ibang dumila si Anton. Parang lahat ng parte ng balat ni Jigo ay gusto niyang lawayan.
"Huwag mo na akong pahirapan...ilabas mo na...isubo mo na..." pagmamakaawa ni Jigo.
Nang tumigil sa pagdila sa puson ni Jigo si Anton at tuluyan ng ibaba ang zipper kasabay ng pagtayo sa ere ng tirik na tirik na alaga ng kapitan ay hindi na nakayanan pa ni RJ ang eksena. Sobrang pag-iinit na ng katawan ang nararamdaman niya. Init na kung hindi mairaraos ay siguradong siya din ang mahihirapan. At kung sakali ay kanino naman?
Kaya bago pa man maisubo ni Anton ang malaki at nagyayabang na ari ni Jigo ay buong lakas na tumalikod na si RJ at nagbalik sa kaniyang silid.
Malalalim ang hininga, mabilis ang tibok ng puso, init na init ang katawan at naninigas ang harapan na isinubsob ang mukha sa malambot na kama.
MUKHANG HINDI MAGPAPAKITA sa kaniya sina Ulon at Ayeng, salob-loob ni Irwin.
Mahigit dalawang oras na siyang nasa fishing deck mula nang iwan ni RJ. Nagbabakasakaling magpakita ang dalawang tagak sa kaniya. May gusto siyang malaman sa dalawang iyon. At gusto na rin niyang magpasalamat kanina sa ginawang pagsalakay ng dalawa habang tinatanong siya nina RJ at Anton at nangangapa ng sasabihin. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na mag-isip.
Magtatakip-silim na kaya naisipan niyang hindi na nga iyon magpapakita pa. Nagpasya na siyang bumalik sa kaniyang silid. Bumungad sa kaniya ang malamlam na liwanag habang papasok siya sa main deck. Hindi gaya kanina na maliwanag, ngayon ay naiilawan lang ang paligid ng mumunting ilaw sa magkabilang gilid ng dingding.
Nakababa na siya ng lower deck bago pumasok sa silid ay may naulinigan siyang mga daing at halinghing galing sa isang hallway pababa. Out of curiosity ay tinunton niya iyon hanggang umabot siya sa isang nakabukas na pinto na nilalabasan ng mainit na hangin.
Para siyang natuka ng ahas nang pagsilip niya sa pinto ay makita si Anton. Patingkayad itong nakaupo habang naglalabas-masok ang kaangkinan ng Kapitan sa bibig nito.
1 comments:
ummm bitin hehehe what kaya mangyayari kay irwin at rj....
Post a Comment