STRATA presents: This I Promise You - Part 4

Saturday, February 26, 2011

It’s Over before it Started

“Tara, sabay na tayong mag-lunch.” aya ni Ariel kay Russel.
“Huh?!” nahihiwagaang reaksyon ni Russel.
“Sabi ko lunch tayo ng sabay.” ulit pa ni Ariel sa sinabi niya.
“May kasabay na ako eh!” tanggi ni Russel sa alok ni Ariel. “Si Melissa.” dugtong pa nito.
“Sabay na lang ako sa inyo.” suhestiyon pa ni Ariel.
“Naku, huwag na Ariel.” tanggi ulit ni Russel. “Alam ko namang hindi ka sanay kumain sa cafeteria eh.” nakangiti pa nitong habol.
“Sa cafeteria nga ako naglulunch pati breakfast.” pagsisinungaling pa ni Ariel.
“Lokohin mo lelang mo.” natatawang tugon ni Russel.
“Bakit ka tumatawa?” tanong ni Ariel.
“Hindi kasi bagay sa’yo pag-nagsisinungaling, namumula ka.” saad naman ni Russel.
Biglang napahawak sa mukha si Ariel sa sinabing iyon ni Russel.
“Kita mo!” sabi pa ulit ni Russel saka hinawakan sa pisngi si Ariel saka nagbitiw ng isang pilyong ngiti para sa binata.
“Hindi naman.” tutol naman ni Ariel.
“Sige, lunch muna ako.” sabi ni Russel saka lumabas sa opisina.
“Masaya ka yata?” tanong ni Melissa sa kaibigang si Russel.
“Wala lang.” sagot naman ni Russel. “Masama bang maging Masaya?” tanong pa nito.
“Kasi kahapon hindi mapipinta iyang mukha mo, pero ngayon aba at daig mo pa ang lumalampong na pusa.” pang-aasar pa ni Melissa.
“Hindi mo masisira ang araw ko Mel!” nakangiting saad ni Russel. “Masayang-masaya ako ngayon.” sabi pa nito.

“Sabi mo eh!” nakangiting sagot ni Melissa kay Russel. Sa totoo lang ay masaya siya para sa kaibigan at lalo pa na natutunan nitong buksan ang puso niya para subukan ang isang libong posibilidad na nakaligid sa kanya.
“Pa-share ng table.” biglang singit ng isang pamilyar na tinig sa usapan ng dalawa.
“Sure sir Ariel!” sagot ni Melissa na halos mapalundag sa saya sa nakitang si Ariel ang nakikisalo sa kanila.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Russel kay Ariel.
“Kakain! Ano pa ba ang ginagawa sa cafeteria?” pilosopong tugon ni Ariel.
“Sige Sir Ariel, tinatawag ako sa kabilang table. Iwanan ko muna kayo d’yan.” paalam pa ni Melissa kay Ariel.
“Sure Melissa, enjoy your lunch.” simpatikong tugon ni Ariel sa dalaga.
“Mel, sama na ako sa’yo.” habol ni Russel dito saka biglang tayo.
Naging maagap ang kamay ni Ariel sa kinilos na iyon ni Russel. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito na wari bang nagsasabing “dito ka lang!”
“Huwag na! Ako lang naman ang tinatawag.” saad pa ni Melissa saka kinikilig na iniwan ang dalawa.
“Sabi ko naman sa’yo, kumakain ako sa cafeteria natin.” sabi ni Ariel kay Russel.
“Panggap ka lang!” mahinang bulong ni Russel.
“May sinasabi ka ba?” tanong ni Ariel kay Russel.
“Wala!” tanggi ni Russel. “Kain na tayo!” aya pa ni Russel kay Ariel.
“Tahimik mo naman!” bati ni Ariel kay Russel nang mahalatang wala itong imik buhat ng dumating siya.
Ang presensiya ni Ariel ang dahilang kung bakit tila tumiklop ang dila ni Russel. Hindi niya mawari ngunit tila ba nalusaw ang lahat ng nais niyang sabihin. Nawala lahat ng nasa isipan niya na tila ba tinangay ng hangin.
Walang anu-ano ay biglang nasa aktong susubuan ni Ariel si Russel. Hindi alam ni Russel kung tatanggapin ba niya ang subong iyon mula kay Ariel o tatanggihan ba niya. Nanginig ang buong kalamnan ni Russel hated ng tagpong iyon. Hindi niya alam ngunit sa tingin niya ay sinisilyaban siya at ang mga mata ng tao ay nakatingin sa kanila.
“Sige na!” pilit ni Ariel saka hinawakan sa baba si Russel at siya na mismo ang naglapit sa kutsara sa bibig ni Russel.
Lalong natunaw si Russel sa ginawang iyon ni Ariel. Ang panginginig ay higit pang nadagdagan, higit pa ay hindi magawang maigapos ngayon ang naglulumundag na puso ni Russel dahil sa ginawang iyon ni Ariel.
Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Isang nakakabinging katahimikan.
“May fifteen minutes pa bago matapos ang lunch break.” saad ni Ariel nang makitang tapos na din sa pagkain si Russel. “Tara na!” aya pa ni Ariel dito.
“Sige, una ka na, sasabay na ako kay Melissa.” sagot ni Russel kay Ariel.
“Sige, sabi mo.” nakangiting tugon ni Ariel.
Hinawakan pa ni Ariel sa labi si Russel bago tuluyang magpaalam.
“May kanin pa kasi!” paliwanag ni Ariel sa nakitang nabigla si Russel sa ginawa niya.
“Salaammaat!” putul-putol na wika ni Russel.
“Una na ako.” paalam ni Ariel saka tuluyang umalis.
“Ingat!” tanging sambit ni Russel sa papaalis na si Ariel.
“Gosh Russel!” simula ni Melissa.
“Gaga ka! May kasalanan ka sa akin!” paninisi ni Russel sa kaibigan habang pabalik na sila sa opisina.
“Mamaya na ‘yan!” kontra ni Melissa na wari bang alam na niya ang kasalanang tinutukoy ni Russel. “Nakakakilig! Para na din kayong naglips-to-lips!” sabi ni Melissa.
“Sira! Magtigil ka nga!” sagot ni Russel! “Sayang, hindi pa direktang humalik!” sambit ulit ni Russel saka napatawa ng mahina.
“Ay! Sobra na!” ganting tawa ni Melissa.
Samantalang si Ariel naman ay agad nanaabutan si Ronnie sa loob ng kanilang opisina pagkaakyat nito galling sa cafeteria.
“Saan ka galing?” simulang tanong ni Ronnie sa kaibigan.
“Sa cafeteria, nag-lunch.” masayang sagot ni Ariel sa kaibigan.
“May ano at bigla kang napakain sa cafeteria?” hindi makapaniwalang nasambit ni Ronnie.
“Sinabayan ko lang na kumain si Russel.” sagot ni Ariel sa tanong ni Ronnie.
“Talaga?” nagulat na tanong ni Ronnie. “Anong pinakain sa’yo ni Russel at napakain ka sa cafeteria na todo lait ka?”
“This is part of my plan.” pangangatwiran ni Ariel sa kaibigan.
“”Kahit na, you won’t do things na ayaw mo talaga maliban na lang kung talagang trip mo si Russel.” panghuhuli ni Ronnie sa kaibigan.
“That’s it! Trip ko talaga si Russel.” sabi ni Ariel. “Days are fast approaching at malapit nang mag-isang lingo!” saad ulit nito.
“Honestly, talaga bang paglalaruan mo lang si Russel?” nag-aalalang tanong ni Ronnie kay Ariel.
“Tinatanong pa ba ‘yan?” balik na tanong ni Ariel.
“Sumagot ka!” giit ni Ronnie na may diin ang tinig.
“Oo naman!” walang pagdadalawang-isip na tugon ni Ariel.
“Bro! Russel doesn’t deserve to be your toy. He is worthy to be loved and to be embraced.” paliwanag ni Ronnie.
“Pare, ibang Russel ata ang sinasabi mo.” nangingising sagot ni Ariel sa kaibigan.
“That the truth Ariel! Huwag mong saktan si Russel.” pakiusap ni Ronnie kay Ariel.
“Umamin ka Pare! Tripo mo din si Russel?” tanong ni Ariel na tila iniiba ang usapan.
“Hindi!” biglang sagot ni Ronnie.
“Then, bakit mo pinagtatanggol siya ngayon?” tanong ni Ariel dito.
“Iba ang pagkakakilala ko kay Russel, mas malalim kong kilala si Russel kaysa sa’yo kaya ko nasabi iyon, kaya ko siya pinagtatanggol.” paliwanag ni Ronnie.
“You’re late!” sagot ni Ariel.
“What do you mean?” nagtatakang tanong ni Ronnie.
“Malapit ko na siyang makuha pare at nahuhulog na siya sa patibong ko.” sagot ni Ariel.
“Please pare, stop it hangga’t hindi pa nahuhulog si Russel.” pamimilit ni Ronnie sa kaibigan.
“Sorry pare, desidido na talaga ako.” sagot ni Ariel.
“Tell me the truth Ariel!” madiing wika ni Ronnie. “Mahal mol na si Russel.”
“Paano mo naman naisip yan pare?” tanggi ni Ariel sa sinabing iyon ng kaibigan.
“Sa pagkakakilala ko sa’yo, hindi ka pa naging ganyang kadesidido.” simula ni Ronnie. “Dati pag sinabi kong itigil mo na tumtigil ka na. Kapag ayaw mong gawin ang isang bagay hindi mo gagawin kahit gaano mo katrip ang isang tao.” paliwanag pa nito. “All of these are the opposites of your actions with Russ’.” pagwawakas ni Ronnie.
Nanatiling tahimik lang si Ariel sa sinabing iyon ni Ronnie. Sa katotohan nga ay hindi din niya maintidihan ang sarili kung bakit ba sa tatlong araw ay nabago siya ni Russel.
“Of course pare, ibang level ang pagka-trip k okay Russel.” sagot ni Ariel na pilit pinagtatakpan ang pagtataka din niya sa sarili.
“Ibang level ang pagka-trip mo na umabot na sa pagmamahal para sa kanya.” sabi ni Ronnie.
“It’s not like what you think!” giit ni Ariel.
“Walang masama kung aaminin mo sa sarili mong mahal mo na nga si Russel. Malay mo siya nap ala ang makakatapos sa kalikutan ng puso mo. Malay mo siya nap ala ang hinihintay mong tao na kaya kang baguhin. Malay mo siya na pala ang taong bubuo sa’yo.” paggigiit ni Ronnie.
“Wala akong nararamdaman para kay Russel!” pilit na giit ni Ariel. “Hanggang laruan lang ang tingin ko sa kanya, walang halaga mkung hindi paikutin!” madiing paglilinaw ni Ariel saka lumabas sa opisina niya.
“Ariel!” tawag ni Ronnie na tila ba pinipigil si Russel.
Lingid kina Ariel at Ronnie ay narinig ni Russel ang naging takbo ng usapan nila. Naramdaman ni Russel ang sakit sa natuklasang pinapaikot lang siya ni Ariel. Ang sakit na dulot ng pagtitiwala ng puso niya, ang sakit na dulot ng pag-asa at pag-aakalang nakita na niya ang taong may kakayahang paligayahin ang malungkot niyang puso at samahan siya sa nag-iisa niyang mundo.
Oo masakit! Sobrang sakit na wari bang kayang patayin ang buong katauhan ni Russel. Ang sakit na kahit sa luha ay ayaw pakawalan ni Russel. Sa sobrang sakit ay tila nais na niyang. Pigil ang mga luha ni Russel na kahit na anung sakit ay ayaw niyang makita at bumakas ito sa mga mata. Nagawa niyang makapagtago bago pa man tuluyang makalabas si Ariel at sa pagkalabas ni Ariel ay siya namang sibat niya palabas sa gusali ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya alam kung maghihilom pa ba ang sakit na nadarama niya, ngunit mas mahalaga sa kanya ang mailabas ang sakit na walang ibang makakakita.
Galit na galit siya sa sarili dahil sa ginawang pagtitiwala sa nararamdaman niya para kay Ariel. Kinasusuklaman niya ang binata ngunit higit pa ay ang sarili dahil sa ginawa niyang katangahang magpatihulog sa patibong ni Ariel. Higit pa ay isinusumpa niya ang sariling puso na kailanman ay hindi na muling titibok pa para kahit kanino.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP