Dreamer C4
Tuesday, February 15, 2011
Dreamer
Chapter 4
Stupid Bien: Moving-Out
Agad na nahiga si Emil pagkadating niya sa bahay. Dinalaw na muna niya ang ina sa ospital subalit sa payo na din nang kanyang ninong ay umuwi na din siya kaagad para makapagpahinga at nang hindi na magwala pa ang kanyang ina sa ospital. Wala nang oras para kumain, mas mahalaga para kay Emil ang matulog na at makapagpahinga dahil maaga siyang kailangan bumangon kinabukasan. Malapit nang bumigay sa antok si Emil nang biglang nagring ang cellphone niya.
“Walanju naman!” usal niya bago sagutin ang tawag.
“Hello!” madiin niyang sagot sa cellphone.
“Galit ka?” malambing na tanong nang nasa kabilang linya.
Biglang nawala ang antok ni Emil at nang mga oras na iyon ay tuwa ang naramdaman niya nang mabosesan ang nasa kabilang linya. Muling sumigla ang nararamdaman ni Emil sa mga oras na iyon.
“Sino ‘to?” tila pangungumpirma ni Emil sa kausap.
“Nakalimutan agad!” may tampong wika nang nasa kabilang linya.
“Sa walang pangalan na lumabas.” tila nagpapacute na turan ni Emil.
“Si Ken ‘to.” pakilala ni Ken.
“Bakit? Anong Yes?” nagtatakang tanong ni Ken.
“Sabi ko Tess! Tinatawag ko ang Tita Tess ko.” palusot ni Emil.
“Ahh, so kasama mo ang tita Tess mo sa bahay.” tila paglilinaw ni ken.
“Mag-isa lang ako sa bahay.” walang pagdadalawang-isip na sagot ni Emil.
“Kala ko ba tinatawag mo ang Tita Tess mo?” tila tanong nang naguluhang si Ken.
“Basta!” tila napahiyang sagot ni Emil. “Paano mo nga pala nalaman ang number ko?” pag-iiba ni Emil sa usapan nila.
“Hiningi ko kay Tita Luz, also known as Madam Cordia.” sagot ni Ken.
“Bakit ka naman napatawag?” nangingiting tanong ni Emil kay Ken.
“I’ll invite you for lunch tomorrow. Kung pwede ka?” tila pag-aalinlangan na tanong at imbitasyon ni Ken.
“Date!” agad na usal ni Emil.
“Ano ka mo?” sabi ulit ni Ken.
“Tangang Emil! Umayos ka!” saway ni Emil sa sarili.
“Sabi ko anong date ba bukas.” palusot ulit ni Emil.
“Ahh!” wika ni Ken. “16 bukas.” sagot naman ni Ken.
“Sige ba! Tutal naman pagkadaan ko sa network uuwi na din ako.” tila pagpayag ni Emil sa imbitasyon.
“Sige! Daanan na lang kita sa network bukas.” tila sumaya ang tinig ni Ken at kababakasan nang pag-aliwalas.
Sa kabilang bahagi muli nang Pilipinas.
“Okay guys!” wika ni Benz. “Last take na tayo tapos pack-up na!” tila pag-aanunsiyo nito.
“Yes!” wika ni Mae. “Akala ko aabutan na naman tayo nang sikat nang araw dito.” komento pa nang dalaga.
“Kung sana nandito si Emil, malamang maaga tayong natapos.” wika ni Marcel kasunod ang isang malalim na buntong-hininga.
“Emil na naman iyang usapan na iyan.” nakangiting wika ni Benz.
“Kasi naman direk!” tila pangangatwiran ni Marcel.
“Kakausapin ko din si Emil next week para bumalik. Hayaan na muna ninyong makadanas nang rejection, para naman sa susunod magfocus na sa trabaho.” tila pagpapaliwanag ni Benz kila Marcel.
“Talaga direk?” gulat man ay sumaya at umaliwalas ang mukha ni Marcel.
“Ibig sabihin palabas lang ninyo iyong ginawa ninyo sa kanya?” tila paninigurado ni Mae.
“Kalahating oo at kalahating hindi.” sagot nang direktor. “Sayang kasi si Emil, malaki ang potensiyal niya kaya dapat ma-appreciate niya ang galing niya.” paliwanag ulit nang binatang direktor.
“Sabi ko na nga ba!” wika ni Marcel. “Tatawagan ko mamaya si Emil.” suhestiyon pa nito.
“Huwag mong tatawagan si Emil.” pagpipigil ni Benz. “Hayaan na lang ninyong ako ang umayos.” sabi ulit ni Benz at saka iniwan ang dalawa.
“Direk! Direk Benz!” sigaw nang isang staff ng Last Dance.
“Bakit?” agad na tugon ni Benz ditto.
“Good news! Nakakuha tayo nang pinakamataas na rating sa primetime for this year. Last night sa Mega Manila, according sa ABC Pielsen 43.1% tayo at sa Quantar ay 22.4%. Nationwide Ratings naman ay 33.9% tayo sa ABC at 18.4% sa Quantar.” masaya nitong pagbabalita.
“Good news nga, meaning we’re doing good.” masayang reaksyon ni Benz.
“After nang pack-up magcelebrate tayo.” sabi pa nang batang direktor.
Kinabukasan.
“Hindi pa sigurado kung anong oras i-air ang Kanluran ng Pilipinas but one thing is for sure, sa primetime ang slot.” pagbabalita ni Mrs. Cordia kay Emil.
“Madam Cordia, anong show po ba ang papalitan ng Kanluran ng Pilipinas?” tila nag-aalalang tanong ni Emil. Higit pa ay ayaw niyang makatapat nito ang Last Dance dahil ito ay isa sa show na mahal na mahal niya kahit na nga ba napatalsik siya dito.
“Don’t worry, gagawa ako ng paraan para hindi mo makatapat ang Last Dance.” tila batid ni Madam Cordia ang pag-aalala kay Emil.
“Salamat po!” tila pag-aliwalas nang mukha ni Emil.
“Another thing!” tila pagbibilin ni Mrs. Cordia kay Emil. “Wag mo na akong tawaging Madam, Tita Luz na lang.” masaya nitong sabi kay Emil.
“As you wish Tita Luz.” nakangiting sagot ni Emil.
Nasa kalagitnaan sila nang pag-uusap nang may kumatok sa pinto.
“Come in!” wika ni Madam Cordia.
“Good Morning tita!” at iniluwa ng pinto si Ken. Bihis na bihis at ayos na ayos.
“Good Morning Ken!” sagot ni Madam Cordia na naging sanhi para lingunin ito ni Emil.
“Whoalala!” wika ni Emil sa isipan. “Ganito na ba talaga pumorma ang bestfriend ko?” tulala niyang tanong sa sarili. Muling bumalik sa alaala niya ang nakaraan, ang mga araw na pawis na pawis silang naghahabulan, puro dumi ang puting uniporme na kadalasan ay nasisira at napupunit dahil sa kaharutan. Ang mga buhok na hindi nadadaanan nang suklay at ang halimuyak nang amoy araw. “Malaki na talaga ang ipinagbago ni Ken!” usal ulit ni Emil sa sarili.
“Good Morning Emil!” bati ni Ken na siya naming sumira sa pagbabalik tanaw ni Emil.
“Good Morning!” nahihiyang wika ni Emil sabay bawi ng tingin nang mapansing nakatitig sa kanya si Ken at nahuli siya nitong natulala sa kanya.
“Ready ka na?” tanong ni Ken kay Emil.
Napakunot noo si Emil sa winikang iyon ni Ken.
“Damn! Don’t tell me na nakalimutan mo na?” tanong ni Ken na medyo naasar sa reaksyon ni Emil.
“How dare you Emil!” biglang sisi ni Emil sa sarili. “Paano mo nagawang makalimutang inaya ka ni Ken for lunch?” nang maalala niyang nangako siya kay Ken.
“Akala ko nagbibiro ka lang kasi.” pangangatwiran at pagtatakip ni Emil. Sa katotohanan ay naging masaya si Emil nang oras na iyon at nasigurado niyang totoo ang imbitasyon nito. Higit pa ay naging palaisipan sa kanya ang reaksyon nang binatang artista, ang asar nito nang mapakunot ang noo niya.
“Mukha ba akong nagbibiro?” tanong ni Ken. “Hindi naman ako poporma nang ganito kung nagbibiro ako. I will not waste my time kung hindi ako seryoso.” tila asar pa ding wika ni Ken.
“Sorry na!” paumanhin ni Emil kasunod ang isang ngiti. “Basta wala akong panggastos.” pinilit na pagaanin ni Emil ang loob ni Ken at pinilit na maging pormal at alisin ang kaba niya at pagkailang.
“Don’t worry, ako naman ang nag-invite sa’yo. Ako na ang sasagot.” wika ni Ken saka napangiti na tila napalambot ng mga ngiti ni Emil ang asar niya para sa binatang scriptwriter.
“Sabi mo iyan!” sagot ni Emil.
“May lakad pala kayong dalawa. Hindi man lang ba ako isasama ha Ken?” tila pagbibiro ni Mrs. Cordia.
“Tita, gusto ko lang makilala nang mas maayos si Emil.” tila pagpapaliwanag ni Ken.
“Haven’t seen you like this way before.” sagot ni Mrs. Cordia. “Mukhang nagiging seryoso ka na sa trabaho mo and you’re becoming professional and mature enough.” tila pagpupuna pa ni Mrs. Cordia.
“I must love my job Tita.” sagot ni Ken. “Sige, pwede na po bang mahiram ko si Emil?” tila paalam ni Ken kay Mrs. Cordia.
“Sure!” sagot naman nito. “Be sure to make him feel comfortable. Ikaw na ang in-charge sa kanya. Nasa process pa din kasi siya nang adjustment.” paalala at paghahabilin ni Mrs. Cordia kay Ken.
“Tara na Emil.” aya ni Ken kay Emil.
“Sige po Tita Luz.” paalam naman ni Emil.
Habang nasa biyahe ang scriptwriter at ang artista ay nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Taga-saan ka?” pagbasag ni Ken sa katahimikan nilang dalawa habang nasa loob nang sasakyan.
“Sa Bulacan lang.” sagot ni Emil. “Ken, talaga bang hindi mo na ako nakikilala?” tanong nang isipan ni Emil na wari niya ay dinudurog nito ang puso niya.
“Saan sa Bulacan?” tanong ni Ken kay Emil. “May bahay din kami sa Bulacan, pero matagal na akong hindi nauuwi duon.” sabi pa ni Ken.
“Sa Malolos. Malolos, Bulacan. Originally, sa Pulilan talaga kami pero pagkagraduate ko nang elementary lumipat kami sa Malolos.” sagot ni Emil na kahit nasasaktan ay hindi niya magawang itanong kay Ken kung kilala ba siya nito o kung naaalala ba siya. Sa tingin niya ay wala pa siyang lakas nang loob para itanong sa binatang artista ang katanungang nagpapahirap sa kanya.
“What a co-incidence?” tila gulat na gulat si Ken sa narinig na sagot ni Emil. “Alam mo bang sa Pulilan din ang bahay namin sa Bulacan. Iyon nga lang naabandona na iyon bago pa man ako nakagraduate nang elementary.” biglang naging malungkot na pagbabalita ni Ken.
“Alam ko Ken!” nais sanang sabihin ni Emil kay Ken. “Alam ko dahil ako ang kasama mo bago ka umalis nang Pulilan.” wika nang isipan nang natahimik at nasasaktang si Emil.
“Biruin mo, ang scriptwriter ko, lumaki din sa bayang kinalakihan ko. Sa isang bayang hindi kilala.” sabi pa ni Ken kay Emil.
Ngiti lang ang tanging isinagot ni Emil sa tinuran na ito ni Ken.
“Finally, nandito na tayo.” sabi ni Ken at saka ipinark ang kotse.
Namangha si Emil sa nakita niya. Isang lugar na tanging sa T.V. lang niya nakikita at isinusulat mula sa imahinasyon. Hindi niya akalaing makakarating siya sa lugar na ganuon. Hindi ka pa man nakakalapit sa pinto ay may nagbubukas na niyon para sa iyo, ang mga waiter at waitress na masayang babati sa iyong pagpasok at ang mga nakangiting mga staff at crew. Sa pag-upo mo naman ay ang napakadaming set nang silverwares, tatlong uri nang baso, ilang pirasong chinawares at ang menu na sa katotohanan ay unang beses pa lang niyang makakita.
“O! Bakit ganyan ang reaksyon mo?” tanong ni Ken kay Emil.
“Wala! Akala ko kasi panaginip.” sagot ni Emil kay Ken.
“Bakit naman?” tila nagtatakang tanong ni Ken.
“First time ko lang kasing makapasok sa ganitong klase nang lugar.” sagot ni Emil.
“Maniwala ako sa’yo.” tila hindi naniniwalang sambit ni Ken. “Nabasa ko iyong ilang kwento mo sa school paper ninyo, at detailed ang ganitong mga scene. Pagkatapos ngayon, sasabihin mong hindi ka pa nakakapasok sa ganitong lugar.” tila hindi pagsang-ayon ni Ken sa sinabing iyon ni Emil.
“Tiyamba lang iyon.” sagot ni Emil. “Nahalukay ko lang sa imagination ko.” sagot ni Emil.
“Sige kunwari naniniwala ako.” sagot ni Ken kay Emil.
Muling natahimik ang pagitan nang dalawa matapos ang huling kataga na iyon.
“Wait lang, may tumatawag.” tila paghingi nang paumanhin ni Ken kay Emil.
“Sige, okay lang.” sagot ni Emil kasunod ang isang matipid na ngiti.
“Honey, pasensiya ka na. Kasama ko ngayon iyong scriptwriter namin.” tila paumanhin ni Ken sa kasusap sa kabilang linya.
Tila nadurog ang puso ni Emil sa narinig na iyon. “Honey? Honey ba ang sabi niya. Ibig sabihin may girlfriend na siya.” wika ng isipan ni Emil. “Ambisyoso ka kasi masyadong Emil ka.” sisi niya sa sarili. “Gago ka! Tanga ka! Dapat kasi matagal mo nang kinalimutan ang damdamin mo para sa kanya.” giit pa nang isipan ni Emil. Pinigilan ni Emil ang pagtulo nang mga luha mula sa mga mata. Ayaw niyang ipahalata kay Ken na nasaktan siya at ayaw na niyang itanong pa nito ang bakit. Higit pa ay wala na siyang balak pang ipaalala kay Ken ang nakaraan.
Tahimik lang ang pagitan nang dalawa habang kumakain. Nasa malalim na pag-iisip si Emil sa mga bagay-bagay. Pagtinatanong siya ni Ken ay tanging sagot lamang ang ibinibigay niya. Matitipid na sagot. Pansin man ni Ken ang pagbabago sa timpla ni Emil ay pinilit na lang niyang huwag pansinin. Natapos nang kumain ang dalawa, inimbitahan ni Ken na ihahatid na niya si Emil subalit tumanggi si Emil sa pagdadahilang makikipagkita siya kila Marcel at Mae.
“Mag-iingat ka!” paalala ni Ken kay Emil bago sila maghiwalay na dalawa. Sa isang mall nagpababa si Emil kay Ken dahil duon daw ang kitaan nilang magkakaibigan.
“Salamat!” tanging sambit ni Emil.
Pagkaalis ni Ken ay agad na naupo si Emil sa isang bangko na may lilim. Pinaglaro ang alaala nang nakaraan.
“Bien, halika dito.” tawag ni Ken kay Bien.
“Ano naman ba iyan?” balik na tugon ni Bien kay Ken.
“Basta, dito.” pamimilit ni Ken kay Bien.
Pagkalapit ni Bien sa kanya ay agad na may inilabas mula sa bulsa si Ken.
“Para sa’yo Bien.” sabi ni Ken.
“Di’ba bigay sa’yo to nang lola mo?” nagtatakang tanong ni Bien kay Ken.
“Sabi kasi ni lola ibigay ko daw ito balang araw sa taong gusto kong makasama habang-buhay.” wika ni Ken.
“Bakit mo naman sa akin ibinibigay ito bestfriend?” tanong ni Bien.
“Kasi ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay.” sagot ni Ken. “Kita mo ansaya natin pag-magkasama tayo.” sagot ni Ken.
“Salamat bestfriend.” wika ni Bien.
“Ang tanga mo talaga Emil.” wika ni Emil sa sarili habang inaalala niya ang nakaraan. “Gago ka! Tanga ka! Hindi mo man lang naisip na usapang bata iyon.” sisi pa niya sa sariling katangahan. “Ambisyoso ka lang masyado.” saad pa nang utak niya.
“Bakit ka umiiyak Ken?” tanong ni Bien sa kaibigan.
“Aalis na daw kasi kami dito.” sabi nang umiiyak na si Ken.
“Ha!?” tila nagulat na sagot ni Bien. “Saan daw kayo pupunta?” tanong pa nito.
“Sa Amerika daw. Ayaw na kasi ni mama kay papa, saka si papa ibang babae na ang gusto.” sabi nang batang si Ken.
“Dito ka na lang Ken.” tila pakiusap ni Bien kay Ken.
“Gusto ko nga, kaso si mama ayaw pumayag.” umiiyak pa ding wika ni Ken.
“Wala na akong kaibigan. Wala na akong kakampi. Wala na akong susumbungan ‘pag pinalo ako ni nanay.” sabi naman ni Bien na umiiyak na din.
“Promise! Babalikan kita.” tila pangangalma ni Ken kay Bien. “Di’ba sabi ko ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay?” tanong ni Ken.
Tango lang ang isinagot ni Bien.
“Tutuparin ko iyon.” sabi ni Ken na tila pinapakalma na si Bien. “Pagdumating ang araw na iyon, doktor na ako. Madami na akong pera, magkakaroon na tayo nang bahay. Magandang bahay saka madaming kotse. Makakabili na din tayo nang eroplano, di ba sabi mo gusto mong lumibot sa buong mundo?” sabi pa nang nangangakong si Ken.
“Ken!” tuloy pa din sa pag-iyak si Bien.
Kaparehong eksena ang nagaganap ngayon. Si Emil, nandito at umiiyak sa sitwasyong pinapatay na niya ang dating pagmamahal. Nais na niyang makalimutan ang dating mga alaala. Alaalang naging sanhi nang sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Emil! Bakit ka nagpadala? Bakit ka naniwala? Bakit ka umasa?” sisi ulit ni Emil sa sarili.
Si Ken, ang kababata ni Emil na tanging taong tumatawag sa kanya nang Bien. Magkaklase sila sa Grade 1, ngunit pinaglayo nang tadhana. Naging magkatabi sa upuan at nagpapakita nang magkaibang ugali. Si Emil o Bien ay tatahi-tahimik, walang kibo at halos walang-imik kung hindi mo kakausapin. Si Ken naman ang kabaliktaran na bibong-bibo at hyper-active. Naging magkasundo at magkakampi. Laging nakasuporta si Ken kay Emil at gauon din naman si Emil kay Ken. Tinawag ni Ken na Bien si Emil dahil magiging magkatunog daw ang pangalan nila. At si Ken din ang gumising sa kakaibang damdamin at pag-ibig na nasa puso ngayon ni Emil. Si Ken ang dahilan kung bakit si Emil ay umiibig sa kapwa niya lalaki. Sa simula ay usaping bata lamang, walang malisya at walang bahid kasalanan ang ganuong uri nang damdamin. Subalit habang lumalaki at nagkakaisip, ang damdaming iyon ay kailangang itago at ilihim higit pa at kung may pangalan at imaheng iniingatan.
Nasa gitna nang pagluha si Emil nang may tumawag sa pangalan niya.
“Emil? Ikaw ba yan?”
Samantala, habang nagmamaneho naman si Ken matapos nilang maghiwalay ni Emil ay hindi pa din mawala sa isipan nito ang binata. Nag-aalala siya para sa kalagayan nito. Nasaktan siya sa nakikitang nahihirapan ang dating kaibigan na pinangakuan niya nang habang-buhay.
“Gwapo ka pa din Bien. Lalo kang gumuwapo, lalo kitang kinasabikan at lalo kitang minamahal.” nakangiting wika ni Ken sa sarili.
“Ngayon, nasisigurado ko, ako pa din ang mahal mo, nasa akin pa din ang puso mo at maangkin ulit kita kahit kailan ko gusto. Pero hindi pwedeng malaman mong naalala ko lahat. Hindi pwede Bien. Sana patawarin mo ako kung ito ang desisyon ko. Sana maintidihan mo ako pag sinabi ko na sa iyo ang lahat.” tila nakaramdam naman nang lungkot si Ken sa isiping iyon.
“Magtitiis akong hanggang magkaibigan muna tayo. At sisiguraduhin kong ako lang ang mamahalin mo, hanggang sa dumating ang oras na handa na akong sabihin sa iyo ang lahat at ang buong katotohanan.” pagwawakas ni Ken.
0 comments:
Post a Comment