Chapter 24: Task Force Enigma: Rovi Yuno
Tuesday, February 8, 2011
To Filmark, Jhay L, AR, KingPunisher, (sa PEX reader ko na nakalimutan ko na ang pangalan) at sa lahat ng mga tumutok, sumubaybay sa istoryang ito, maraming-maraming salamat po.
************************************
Maingay ang buong paligid at nagkakasayahan ng walang patumanggi ang mga parukyano sa Mae-sik Bar. Ang kalabang club ni Park Gyul Ho. Doon napagkasunduan ng kampo nila Rovi na makipagkita kay Monday na hinihinala nilang kasabwat na ng sindikato.
Maharot ang bawat galaw ng mga babaeng pole dancer. Saliw sa kapwa maharot na musika. Nag-aanyaya sa mga kalalakihang naroroon na mag-isip at gumawa ng makamundong gawain. May sumisipol sa bawat giling ng maliliit na balakang. Mayroong halos lumuwa ang mata sa mapaghalinang kilos ng mga mananayaw.
Sa kabila ng tila piyesta ng pita ng laman ay ang hindi nararamdamang tensiyon sa limang lamesa sa magakakahiwalay na panig ng club.
Sa bandang gitna ay sila Rick at Jerick na nag-i-isnaban kahit may mga nakakandong sa kanilang hita na kapwa naggagandahang belyas.
Sa bandang likuran ay si Bobby na matamang pinagmamasdan ang bawat taong pumapasok sa pinto ng bar. Nakapwesto siya sa lugar na kita ang lahat ng nilalang na iniluluwa ng makasalanang pinto.
Tatlong lamesa ang pagitan sa kanya ay si Rovi at si Perse. Busy ang huli sa pakikipagbolahan kunwari sa magdalenang katabi na halos lumuwa ang dibdib sa mahigpit na pagkakasakal ng mapang-akit na pang-itaas habang si Rovi ay hindi inaalis ang tingin sa lalaking sentro ng kaguluhang iyon.
Si Bobby.
Na siyang sentro rin ng kanyang buhay sa ngayon.
Nakakagulat ang bilis ng kanilang pag-amin tungkol sa nararamdaman sa bawat isa ngunit iyon ang tama. At ayon sa pagkaka-alala niya, walang sinoman ang maaaring kumwestiyon sa bagay na mayroon sila.
Hindi dahil sa hindi ito dapat kastiguhin.
Iyon ay dahil sa hindi rin nila iyon bibigyan ng halaga.
Nothing or no one can hinder what is rightfully his. And that is Bobby's affection. His trust. His love. Love? Uh-oh, that's the dangerous "L" word. Maybe it's too early to tell. But he's willing to wait.
Ang mahalaga, Bobby likes him so much. And for that, he's more than willing to give him all. Including his life.
Hindi pa siya nakaramdam ng ganoon katinding pagnanais na protektahan at mahalin ang isang tao buong buhay niya. Ngayon lang. Kaya nga anong ngitngit niya ng malamang gusto itong ibenta ng kaibigan nitong si Monday.
Sa isang bahagi naman ay si Apple. Nasa tabi siya ng mga belyas at kunwari ay naghihintay ng customer. Makapal ang make-up niya at nakasuot siya ng wig upang hindi makilala kahit ng kakambal niya.
Sa lugar na iyon makikipagkita ang kapatid niya ayon sa text nito. At ngayong gabi nga iyon. Sa gabi ring ito ay nararamdaman niyang matatapos na ang lahat.
Ang pinakahuli ay si Alexa.
Nakatitig siya sa lamesa ng Enigma Boys. Hindi tulad ni Apple, nakasuot man ng disguise ay may kasama siyang customer na kanina pa naglalaway sa makurba niyang katawan at mala-porselanang kutis.
Anumang oras ay darating na sila Kring sa bar na iyon at mangyayari na ang paghaharap-harap nilang lahat.
Ayon sa pagkakarinig niya ay darating din ang utak ng sindikato.
Ang koreanong si Park Gyul-Ho.
Itutumba niya si Gyul-Ho. Kukunin niya ang kalayaan nilang magkapatid kay Rick. Magpapakalayo-layo sila ni Apple. Magbabagong-buhay. Iyon ang plano niya. Pero isa-isa lang. Unahin ang mas importante. Iyon ang pakay niya.
Maya-maya ay dumating na ang grupong makakasagupa para sa gabing iyon. Naka-yellow summer dress ang matabang bakla with matching gold earrings, bangles at necklace. Kumikinang kapag tinatamaan ng mahaharot na ilaw.
Sa likuran niya ay si Monday. Aligaga at maputla. Pinagpapawisan ng malapot.
Kasunod niya ang tatlumpong tauhan ni Park Gyul-Ho na hindi nagawang harangin ng mga bouncer ng may-ari ng club.
Sa labas ay lima pang goons na nakabantay sa kotseng kinalalagyan ng mag-ina niya.
Lingid sa kaalaman nilang lahat ay ang grupo ng mga kasamahan nila Rick ang naka-antabay at naghihintay ng tiyempo para umaksyon.
Dumiretso ang grupo nila sa lamesa ni Bobby na matamang nakatitig sa kanila. Hindi kumukurap. Matapang ang mga mata at panatag na naghihintay ng mga susunod na pangyayari.
"Kamusta Bobby?" anang nakangiting si Monday pagkalapit sa kanyang lamesa.
"Maayos naman."
"May kasama ka ba?"
"Wala."
"Pasensiya ka na pare."
"Bakit?" kunwari ay nagtatakang-tanong niya kay Monday.
"Sorry talaga. Pero kailangan nating magkita para makuha ko ang mag-ina ko ng ligtas."
"Ganoon ba?"
"Oo."
Nagpakawala siya ng mahabang paghinga.
"Hindi kita masisisi pare. Pero hayaan mong tulungan kita. Alam kong balak akong kunin nila Kring ngayon. Pero may paraan pa. Magagawa natin silang lusutan kung makikipagtulungan ka sa akin." pangungumbinsi niya rito.
"Hawak nila ang mag-ina ko." desperado nitong bulong.
"Nasaan sila?"
"Nasa isang sasakyan sa labas. May nakabantay na limang tauhan. Ang usapan, kapag dumating na si Gyul-Ho ay palalabasin nila ako dito para makuha ko na ang mag-ina ko habang kinakausap ka naman ng koreanong yun."
"Ganoon ba? Sige, ako ng bahala doon?" pasimple siyang sumenyas sa nakaantabay na sila Rick, Jerick, Rovi at Perse.
Bumulong naman si Perse sa mga taong nasa labas para kumilos laban sa limang tauhan ng koreano.
"Anong gagawin mo pare?" naguguluhang tanong ni Monday sa kanya.
"Pare, hindi lang kayo ang may barkada dito. Ano sa palagay mo ang dahilan at pumayag akong makipagkita sa iyo rito?"
"Ano pa? Eh di para mapag-usapan natin ang gagawin laban sa amo natin." pagkakaila nito.
"Ulol. Ako pa ba ang maloloko mo pare? Muntik na kaming mamatay mag-tiya ng sugurin kami ng mga tauhan niyan. Ang tanging dahilan kung bakit kaharap mo ako ngayon ay dahil sinuwerte kami sa kabila ng pagta-traydor mo."
"Ginawa ko lang ang tama Bobby. Para makuha ko ang asawa at anak ko. Kahit traydorin ang isan-libong kaibigan ay gagawin ko para mabawi ko sila." mahina ngunit galit nitong sabi.
"Alam ko. At nauunawaan ko iyon. Kaya nga, kung gusto mong parehas tayong makaalis sa lugar na ito ng buhay at ligtas, sa amin ka pumanig. Paniwalain mo silang ginagawa mo ang parte mo. Pero ako, duda ko lang na buhayin pa nila kayo kapag sumunod ka sa kanila. Pagkatapos ng ginawa nila sa amin? Milagro ng buhayin pa nila kayo."
Bahagyang natigilan si Monday.
"Uminom ka 'tol." alok niya rito ng isang beer.
"Sa-salamat."
"Ano? Payag ka na?"
"Pa-paano m-mong nagagawang maging kalmado. Halos kalahati na ng katawan natin ang nasa hukay sa pagpunta natin dito." nalilitong usal ng kaibigan niya.
"Simple lang. Nagtitiwala ako sa mga kasama ko dito."
"Nasaan sila."
"Nandiyan lang sa tabi-tabi."
Akmang lilibutin nito ng tingin ang paligid kaya pinigilan niya ito. "Makakahalata ang mga iyan. Kanina pa sila nakamasid. Ano ba ang plano niyo?"
Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
"Bigla na lang susulpot dito si Gyul-Ho para sorpresahin tayo. Hindi ko na alam ang ibang detalye. Basta, ang usapan, papuntahin kita dito."
"Kung ganoon, wag kang mag-alala. Hindi tayo magagalaw dito."
"Iyon ang akala niyo."
Napataas ang tingin nila sa babaeng biglang lumapit at yumakap sa katawan ni Bobby. Hindi nila ito kilala, pero base sa pagkakasabi nito ng mga katagang iyon ay kilala sila nito.
"Ako si Alexa."
"Alexa?" magkapanabay na tanong nila Bobby at Monday.
"Huwag kayong maingay. Tawagin ninyo akong Ligaya. Kunwari ay naglalandian tayo para hindi makahalata ang baklang baboy na masama ang pagkakatingin sa inyong dalawa." wika ng babaeng makapal ang make-up at nakasuot ng pulang wig.
Pasimpleng sinulyapan ni Bobby ang tinutukoy nito. Nakatingin nga si Kring sa direksiyon nila.
"Hindi kayo bubuhayin ng mga iyan. Pagdating ng Koreano ay ito mismo ang papatay sa inyo. Ayaw na ayaw ni Gyul-Ho ng nalalamangan at nauutakan kaya naman hindi pa nila kayo ginagalaw. Gusto ng amo ng mga iyan na ito mismo ang kikitil sa buhay ninyo."
"Nariyan sila Rick." Nanunuyo ang lalamunang sabi ni Bobby.
Bumaba ang mukha ni Alexa sa kanya saka kumandong. Halos ibuyanyang sa kanya ang mayamang dibdib bago ito sumagot sa mismong tainga niya.
"Alam ko."
Sa malayuan ay makikita mong tila naglalampungan na sila. Kaya naman anong gulat niya ng makarinig ng boses sa kanina pa tahimik na earpiece niya.
"Enjoying yourself?"
Mas lalong nanuyo ang lalamunan niya pagkarinig sa tinig na iyon sa kanyang tainga. Disimulado siyang sumulyap sa kinaroroonan ng may-ari ng tinig at nakita ang mas madilim na mukha nito.
"Ah... eh... H-hindi n-na-naman..." hirap niyang tugon.
Napalayo ng bahagya si Alexa sa pagkakaupo sa hita niya at tinitigan siya. Napangiti ito at pasimpleng idinikit ang gilid ng mukha sa kanyang pisngi saka nagsalita.
"Hello. Who's there?"
Nanlaki ang mata ni Bobby sa ginawa nito. Mukhang alam ni Alexa na naka-wire siya. Pasimple niyang tinitigan ang may-ari ng mga matang halos magbugha na ng apoy sa pagkakakandong sa kanya ng babaeng pangahas.
"Hello Rick." pang-iinis ng babae sa linya.
"Hu-huwag kang maingay Alexa." saway niya rito. Pilit niya itong inilalayo sa kanya.
"Wait lang. May sasabihin pa ako." Muli nitong idinikit ang katawan sa kanya. Sa normal na sirkumstansiya ay nakakaramdam na dapat siya ng matinding flag ceremony sa loob ng pantalon niya. Pero bakit parang zero? May bahagyang init. Pero hindi tumatayo ang dapat tumayo ng husto. Nakow!!! Patay na.
"Rick... Ngayong gabi matatapos ang lahat." makahulugang sabi nito.
Nakarinig ng mahabang paghinga si Bobby sa linya.
"Sinisigurado ko iyon. Pakisabi Bobby." sagot ni Rick.
"Sinisigurado raw niya."
Napalunok siya ng makita ang mukha ng babae. Kamukha ito ni Apple. Saka niya naalala na mayroon nga palang kakambal ang babae.
"Ikaw ang kakambal ni Apple."
Bahagya lang itong nagulat. "Kung ganoon ay alam mo."
"Oo."
Umayos na ito ng upo kaya naman nakahinga na siya ngmaluwag. Pasimple niyang nilingon si Rovi na may sarkastiko ng ngiti sa labi. Nangilabot siya sa nakita.
"Ah... paano mo kami nakilala?" tanong niya sa babae.
"Kilala namin kayong lahat." Napatingin ito sa isang bahagi ng club. Nang sundan niya iyon ng tingin ay nakita niyang papalapit si Kring sa pinto. Sinalubong nito ang isang singkit na lalaki. Parang damong hinawi ang daanan. Iisa ang destinasyon ng bagong dating at ng makintab na bading.
Sa lamesa nila.
"Alexa." anang Koreano na ikinagulat nila.
"Mr. Park. I present to you. Bobby. The runaway courier." malagim ang ngiting sabi nito sa Korean.
"Anong?" maang na sabi ni Bobby.
"So... You took my money and merchandise. Then gave it to the police. How clever of you to think that I will not get into you somehow." nakakalokong sabi nito. Naglabas ng pipa at sinindihan.
"Wala akong kinuha sa'yo. Nahuli ako ng mga pulis. At hindi ko alam na drugs pala yun."
"Dahk chuh!" sigaw nito.
Napakurap siya ng tumalsik ang laway nito sa mukha niya. Humithit muna ito sa pipa bago muling nagsalita.
"You are not allowed to say anything other than telling me where is my money and my merchandise. Understand?"
"Ah... Oo. Dala ko." natatarantang sabi ni Bobby.
Kinuha niya sa ilalim ang bag na naglalaman ng marked money at drugs na siyang gagamitin para sa entrapment na iyon. Ibinuyangyang niya iyon sa harapan ng Koreano habang napapalakpak naman ang matabang bading sa katuwaan ng makita ang pera at epektos.
"Good. Good." Anang amo ng mga hoodlum.
"Paano? Aalis na ako Kring. Pwede ko ng makuha ang mag-ina ko?" umaasang sambit ni Monday.
"Itatanong ko sa amo ko." Anitong nakangiti.
Bumulong ito kay Gyul-Ho para sabihin ang usapan nito at ni Monday. Tumingin sa kaibigan niya ang Koreano saka ngumiti.
"You want to have your wife and daughter back?" tanong nito.
"Y-yes Sir. P-please." Napa-ingles na sagot ng kaibigan.
"A ra so." anito saka mabilis na dinukot ang baril sa beywang ng katabing tauhan saka iyon ipinaputok kay Monday.
Bumagsak ang kaibigan niya sa sahig habang nagtakbuhan ang mga tao sa pagkarinig ng putok ng baril.
Mabilis namang lumapit sila Rick, Rovi, Jerick at Perse sa grupo nila Gyul Ho para sa umaatikabong bakbakan.
"Tigil! Pulis ito!" sigaw nila na ikina-alerto ng mga haragan.
Gamit lamang ang mga matatalas na Ballistic Blades ni Rick, Spiked Baton ni Perse, ang specialized samurai na kung tawagin ay Tanto na gamit ni Jerick, at ang Zmeya Carbon Blade ni Rovi ay sumugod ang apat na enigma boys laban sa tatlumpung tauhan ng koreano.
Nagkagulo ang lahat sa nangyaring paghaharap. Sinamantala iyon ng grupo ni Rick na nasa labas para magapi ang limang tauhan ng palyadong foreigner at makuha ang mag-ina ni Monday.
Lamang ang bala sa espada, pero hindi sa pagkakataong iyon. Gamit ang ilang taon ng marubdob na training ay nagawa ng search and destroy soldiers ang harapin at iwasan ang bawat balang pinakakawalan ng mga tauhan ng Koreano.
Mabilis na tumalilis si Gyul-Ho palayo kasama si Alexa at Kring. Lihim namang sumunod ang nagmamasid na si Apple.
"I thought that the police aren't here Alexa." sigaw ng Koreano habang tumatakbo sila.
"I didn't know they're here." Pagkakaila niya.
"Sinungaling." sigaw ni Kring.
"Anong sinabi mo?" asik niya sa nagmamalditang bakla.
"Hindi tanga ang mga tauhan ko Alexa. Narinig namin kayo. Kasabwat mo ang mga pulis na iyon."
"Ang galing mong mag-imbento."
"Stop it!" sigaw ni Gyul-Ho.
Tumigil silang tatlo sa kahabaan ng madilim na eskinita na papalabas sa kabilang panig ng kalsada.
"Since I can't trust you both, I guess I just have to kill you two." anang koreano at naglabas ng baril.
Walang armas ang dalawang kasama nito kaya naman nagmakaawa bigla ang baklang mataba dito.
"Sir... I didn't betray you. Alexa did. My men can prove it."
"Sorry girl. But your men is facing the elite group of Task Force Enigma."
"At anong paki ko? Elite one din ako!"
"17 seconds."
"Ano? Nakuha mo pang magpabilang ng segundo sa oras na ito?"
"17 seconds lang ang itatagal ng treinta kataong yun sa apat na lalaking iyon."
"Oh relly?" sabad ni Gyul Ho. Nagmukhang interesado.
"Yes Sir." alistong sabi ni Alexa.
"Then Kring is right. You're the traitor." sabay umang nito ng baril.
"No!" sigaw ng isang tinig na sumipa sa kamay ni Gyul-Ho dahilan para mag-iba ang direksiyon ng bala.
Tumalsik ang baril sa may di kalayuan habang umaaringking naman sa sakit si Gyul-Ho na tinamaan ng malakas na sipa sa kamay.
"Okay ka lang ate?" tanong ng bagong dating kay Alexa.
"A-apple?" sindak na sabi niya ng maaninag ang mukha nito.
"Ako nga. Sabi ko na nga ba. Hindi mo magagawang traydorin si Rick." naiiyak na sabi ng kakambal.
"Saka na ang mga ganyan Apple. Harapin muna natin ang dalawang ito." sabi niya.
"Okay."
"Akin ang matabang ito." wika ng napapangiting si Apple.
"Sure."
Isang sipa ang ipinatama ni Alexa sa dibdib ni Kring. Bumalandra ito sa mga drum ng basura na nasa paligid ng eskinita. Napatili ito sa sakit at sa baho ng kinabagsakan.
Bago pa ito makatayo mula sa pagpipilit na makabangon ay sinukluban niya ito ng maliit na drum sa ulo saka iyon pinukpok ng pinukpok ng kahoy. Natigil ito sa pagtili sa loob ng drum at muling bumagsak.
Samantala, si Mandarin ay naharap kay Gyul-Ho na marunong din sa martial arts. Lamang ang lakas nito sa kanya dahil matikas din ito. Isang malakas na sipa ang dapat ay tatama sa kanya kung hindi niya nasalag ng braso. Tumilapon siya sa pader.
Bumwelo si Gyul-Ho ng flying kick na na-intercept ng isa ring flying kick mula kay Alexa. Bagsak ang koreano sa lupa pero agad ding bumangon.
"Apple!"
"Ate!"
"Okay ka lang?"
"Oo. Wala ito. Kaya ko siya."
"Pero mas kaya natin siyang dalawa."
Napangiti ang kakambal sa sinabi niya.
"Ready na ako." saad ni Alexa.
"Ako rin."
Pumuwesto sila sa isang martial-arts style na effective para sa kanilang dalawa. Ang Double-fist style. Para sa katulad nilang kambal ay malaking adbentahe ang pagkakaroon ng kakaibang koneksiyon na siyang importante sa nasabing fighting style.
"I know that style." sabi ni Gyul Ho.
"Good! Coz its bringing you down." magkapanabay na sabi ng kambal.
"Never!" sigaw ng Koreano.
Six swift moves and the sydicate leader is down.
Samantala, sa loob ng bar ay tumba na ang lahat ng tauhan ni Gyul-Ho. Tumba lang, hindi pa patay. Kailangan nila ng buhay ang mga ito para maipresinta sa media at sa iba pang alagad ng batas.
Hinanap ni Rovi si Bobby. Nakita niya itong may dugo sa labi.
"Napaano iyan?" nag-aalalang tanong niya.
"Ah... nakipag-suntukan ako sa tatlong iyon." turo nito sa tatlong nakatumba sa may stage.
"Kaya naman pala kulang ang bilang ko eh. Naksali ka pala sa pagpapatumba ng mga to-its." singit ni Jerick na pinupunasan na ang Tanto nito.
Nagtatakang binalingan ni Bobby ang mga specialized weapons ng mga ito.
"Saan galing ang mga ito?" tanong niya habang hawak ang Zmeya Carbon Blade ni Rovi.
"Careful! Matalas ang isang iyan." asik sa kanya nito.
"Ito naman. titingnan ko lang. Sungit!"
"Eh kasi naman, ikaw na ang makitang kinakandungan ni Alexa. Sino bang hindi mag-iinit ang ulo?" kantiyaw ni Perse.
"Ganoon ba?" natatawang sabi ni Bobby.
Napakamot naman sa ulo si Rovi na bahagyang namula.
"Selos ka?" nanunuksong sabi ni Bobby sa kanya.
"Ungas."
"Hay naku, hanggang ngayon, ayaw pa ring mag-open sa akin." reklamo ni Bobby.
"Baliw!"
"Alam mo, ang dami mo ng taguri sa akin. Pasalamat ka gusto kita."
Namula lao ang kinakantiyawang sarhento.
"Uy!!! Ikaw na may lovelife." sigaw ni Jerick.
Napapangiti lang sila Perse at Rick sa kantiyawan.
"Special Delivery!" sigaw ng dalawang tinig.
Nalingunan nila ang kambal na may hila-hilang dalawang katawan.
"Remind me not to get in trouble with those two." sabi ni Jerick kay Perse.
"Sira ka talaga pare."
Natatawang nag-hig five ang dalawa.
"Alexa, Apple." si Rick.
"Tapos na ang usapan. Ito na ang huli Rick. We want to start anew kaya palayain mo na kami."
"Are you sure?"
"Damn sure!" sabay na bigkas ng kambal.
"Okay. Good job girls."
"Thanks Rick."
Yumakap dito ang kambal. Naunang umalis si Alexa na nag-iwan ng makahulugang tingin kay Rovi na di nakaligtas kay Bobby. Nagpaiwan saglit si Apple. Lumapit ito kay Bobby.
"Mami-miss kita."
"Ako din."
"Pwede bang makahingi ng huling halik Bobby?" naiiyak na sabi nito.
"Hindi pwede." sagot ni Rovi.
"Damot." sabi ni Jerick na aliw na aliw sa pagmamasid.
Umere ang sirena ng pulisya.
"Sige na nga. Paparating na ang pulis. May records kami kaya baka masama pa kami sa hulihan." bumaling ito kay Rick pagkatapos tapikin ang pisngi niya.
"Iyong pangako mo ha? Maki-clear kami ni Ate. Ikaw na ang bahala doon." anito kay Rick.
"Oo. You have my word Apple."
"So this is goodbye guys! I really wish I won't see you, ever, again."
"Likewise." sagot ni Rovi na sinimangutan nito.
"Tse!"
Sasagot pa sana ito ng awatin ito ni Bobby at ikulong sa mga bisig.
"Anong drama mo Bobby?"
Tinitigan siya nito. Nangilabot siya sa init ng titig na iyon. At naloka naman siya ng maramdaman na habang tumatagal ang pagkakayakap nila ay unti-unting nabubuhay ang hindi dapat nabubuhay ng mga oras na iyon.
"Bobby?" he said in a reprimanding voice.
"Ssshhh..."
"Ssshhh ka diyan. Ang hilig mo talaga." Bulong niya rito.
"Tsine-tsek ko lang kung okay pa si jun-jun ko. Eh mukhang okay na okay pa naman. Kinabahan kasi ako kanina na hindi siya nag-attention ng kandungan ako ni Alexa. Buti naman at wala palang problema."
Napamaang siya sa sinabi nito. Halata kasi ang relief sa mukha nito ng sabihin nitong nag-alala ito sa erection nito."
"Baliw ka talaga Bobby."
"Ewan. Umamin ka nga? Kinilig ka naman ng malaman mo na sayo lang nag-a-attention ito di ba?" tukoy nito sa member nito.
Natawa siya.
Oo. Kinilig nga siya. Ibig sabihin kasi, siya lang ang nakakapagpainit dito ng ganun. Na sa simpleng pagdidikit lang nila ay nagwawala na ang pagkalalaki nito.
Hay!!!
Haba ng buhok mo teh! sigaw ng kontrabidang bahagi ng isip niya na hindi pa sumamang matumba ng mga goons ni Park Gyul-Ho.
WAKAS
1 comments:
good job! sana maging bida rin ako sa isa sa mga series. haha. charot. aabangan ko yung kay cody at sa iba pa. :DD
Post a Comment